Chapter 13 – Christmas Party
“’Di ba Kuya Greg? May mga panis pang
laway tapos may muta pa at amoy chico pa,” sabi pa ni Mokong.
“Pumupuri ka ba o nang-aasar ka
lang?” sabi ko. “Maaga pa Ice. Biruin mo na nga daw ang lasing wag lang ang
bagong gising. Pa’no yan, I’m both.”
“Rey tigilan mo na yang kakaasar kay
Ignis,” si Kuya Greg. “Tama na itong laro. Umuwi na kayo’t maligo ambabaho nyo
pa,” sabay tawa. Tumawa din kami lahat. Nagligpit na kami ng pinagkainan at
pinaglaruan. Kanya-kanya na kami ng ayos sa sarili at nagsimula na umuwi.
“Kuya, uwi na po ako. Sige, Rey,”
pagpapaalam ko. Ngumiti lang si Rey.
“Bumalik ka din, Ignis. Kailangan
nating ayusin yung mga lines mo. Medyo mahirap kasi yung sa iyo,” sabi ni Kuya.
“Sige po Kuya, walang problema. Ligo
lang po ako tapos balik ako kaagad,” wika ko.
“Sige. Rey, simulan mo na,” si Kuya
Greg.
“Lumalakas ang ulan,” unang linya ni
Rey.
“Hindi eh, batibot ka,” si Kuya Greg.
Di ko na pinakinggan pa ang practice
nila. Lumabas na ako sa bahay ni Kuya Greg. Naglakad na lang ako pauwi tutal
maaga pa naman talaga. Pagkarating ko ng bahay, nagpainit ako ng tubig
pampaligo. Di kasi ako sanay na naliligo na malamig ang tubig kahit pa summer.
Habang hinihintay ko kumulo yung tubig, nag-text ako kay Lhey na may sasabihin
ako sa kanya important.
“Ano punta na ba ako ng Aldas
ngayon?” reply niya.
“Mga after 30 minutes kasi maliligo
pa ako,” text ko.
Dali-dali akong naligo, nagbihis, at
nag-ayos ng sarili. Nadatnan ko si Lhey sa karinderya at naka-order na ng
pagkain namin.
“Ano ba yun, tol?” ang kanyang tanong
kahit na di pa ako nakaka-upo.
“Agad-agad? Nagmamadali ka bakit may
lakad? Baka pwedeng umupo muna?” ang sagot ko na nakangiti na siyang tanda ng
pagiging sarcastic.
“Kasi lalabas daw kami ni Kim ngayon,
tol,” sagot niya na pati mga mata niya ay nakangiti.
Umupo ako at kinuwento ko kay Lhey
lahat ng nangyari kagabi lalo na yung ginawa sa akin ni Jim.
“Tol tama yung ginawa mo na hindi na
mag-eskandalo pero over pa din,” ang comment ni Lhey.
“Paanong over, tol?” tanong ko.
“I mean sana dumapa ka na lang o kaya
naman tumayo ka na lang at umalis pero hindi. Sinabihan mo pa siya na buburahin
mo na siya sa buhay mo. That’s extreme tol. What if mahal ka niya talaga?”
paliwanag ni Lhey.
“Hindi niya ako mahal, tol. Libog
lang yun. Nawala lang yung hiya niya kasi nga nakainom kami. Kung mahal niya
ako tol, rerespetuhin niya ako at di pagsasamantalahan,” sabi ko.
“Baka naman kaya ganyan ang sinasabi
mo kasi nga dahil sa mapait na karanasan mo noong high school ka pa. Tol, hindi
lahat ng lalaki na katulad ninyo ay ganoon kay Lito,” sabi niya sa akin.
“Pero tol, diba gusto niya akong
pagsamantalahan? Anong kaibahan nila?” I’m trying to prove a point.
“Oo pero yung Lito di ka tinanong
kung mahal mo siya at hinintay ka niyang malasing ng sobra para magawa ang
gusto niya. Si Jim nung binantaan mo siya kapalit ng pagpapaubaya mo, di niya
tinuloy kasi ayaw niyang mawala siya sa buhay mo,” si Lhey.
“Ewan ko, tol. Ang totoo niyan galit
pa din ako,” sabi ko.
“Normal lang yan. Kung di ka nagalit
edi sana may nangyari na sa inyo. Inenjoy mo na lang sana kasi,” pang-aalaska
ni Lhey.
“Tado! Nagkaron ka lang ng lovelife
marunong ka na rin kumati,” balik alaska ko.
“Mukha mo! Kahit kay Kim di ko
isusuko ang Bataan. After na ng kasal namin pwede pa,” sagot niya.
“Siguraduhin mo lang,” sabi ko habang
tumatawa. “Tara na tol, pupunta pa ako kina Kuya Greg.”
Tumayo na kami at nagbayad. Inihatid
ko muna si Lhey pagkatapos ay lumakad na papunta sa bahay ni Kuya Greg. Nakabukas
naman ang pinto ni Kuya kaya diretso na ako sa loob. Narinig ko si Rey sa
kwarto ni Kuya.
“Lumalakas ang ulan,” si Rey.
“Hindi pa rin,” si Kuya Greg. Inulit
ni Rey pero sablay pa din.
“Ano yan, dalawang oras na ako nawala
yan pa din ang line?” pang-aasar ko kay Rey na ikinatawa na lang niya.
“Next line na nga tayo, Kuya,” sabi
ni Rey na ikinatawa namin ni Kuya Greg.
“Kuya pwede palaro na lang muna ng PC
mo? Mukhang matagal pa kayo diyan,” sabi ko.
“Ok lang Ignis, buksan mo na lang
wala namang password yun,” sabi niya.
Wala namang mga RPG’s o war games si
Kuya sa PC nya kaya Hangaroo na lang ang nilaro ko.
“Magpatugtog ka nga Ignis,” si Rey.
“Sige,” sabi ko. Binuksan ko yung
Winamp at pinlay yung unang song na As Long As You Love Me by
Backstreet Boys.
“Ui gusto ko yan,” sabi ni Rey.
“Naku tama na nga itong practice
natin wala din namang nangyayari. Bibili lang muna ako ng meryenda,” si Kuya
Mel.
Sinasabayan ni Rey yung kanta at
tumabi na sa akin sa harap ng computer. May diin sa part ng chorus:
I don't care who you are
Where you're from
What you did
As long as you love me
Who you are
Where you're from
Don't care what you did
As long as you love me
Where you're from
What you did
As long as you love me
Who you are
Where you're from
Don't care what you did
As long as you love me
Nung matapos niya yung kanta, “May
talent ka pala,” sabi ko.
“Talaga?” nakangiti ng wagas si
Mokong.
“Oo nga! Bakit di mo na lang itago,”
sabay tawa ko.
“Loko-loko,” sabi niya na tumatawa na
din. In fairness maganda din naman ang boses ni Rey.
Nagalaro na lang kami ng Hangaroo
hanggang matapos namin yung isang buong set na may ten words. Dumating si Kuya
Greg na may dalang take-out ng McDo. Matapos kumain, ako naman ang nagpractice
ng lines ko.
“Ok ah. Nakuha mo na yung punto na
dapat mong gawin. Emotions and actions na lang ang ipo-polish ko sa iyo,” first
time akong napuri ni Kuya Greg.
“Galing ah,” sabi ni Rey.
“Galing din kasi ng tutor ko,” sabi
ko tapos sabay kindat sa kanya na siyang nakapagpangiti kay Mokong.
“Kung magaling ka pala magturo Rey
sana yung lines mo ayusin mo din ah. First line pa lang tayo di ka na natapos,”
pang-aasar ni Kuya Greg. Kamot ulo na lang ang Mokong.
Nagpaalam na din kami kay Kuya Greg
pagkatapos noon. Gusto sana akong ihatid ni Rey pero tumanggi ako kasi mas
gusto ko talaga maglakad na lang. Di naman na siyan nagpumilit.
Lumipas ng mabilis ang mga araw at
nalalapit na mag-pasko. Dahil nga sa maganda naman ang mga grado ko sa
eskwelahan, binigyan ako ng pambili ng bagong phone. Pumili ako ng isang Nokia
na camera phone. Mura lang naman din. Ang gusto ko lang yung kahit papano may
matinong camera kasi nga mahilig akong kumuha ng mga litrato. Kinakalikot ko
yung bagong phone ko at nag-transfer ng contacts from SIM to phone. Doon ko
napansin na mas madali pala mag-GM sa mga ganung telepono kasi may contact
groups. Inayos ko yung mga contact list ko depende sa kung anong classification
nila. Inatake ako ng pagiging obsessive-compulsive ko kapag ganyan lang ang
ginagawa ko.
A week before the prelim exams ay
wala kaming rehearsals and syempre during the exam days. The night of the last
day of exams napagpasiyahan namin sa teatre na magkaroon ng simpleng party.
Ambag-ambag lang kami para naman di palaging si Kuya Greg ang gumagasta ‘pag
may mga gatherings kami. Buddy system ang pagbili namin ng pagkain na natukoy
gamit ang isang bunutan. Si Jim ang naging ka-buddy ko kaya naman hinintay ko
pa siya sa exams niya na ala-sais pa ng gabi matatapos. Dumating ako sa tapat
ng classroom nila 15 minutes before mag-six. Nang-magring yung bell, walang Jim
na lumabas sa klase.
“Sir Renier, absent po ba si Jim?”
tanong ko sa professor nila.
“Ignis! Kamusta ka na? Maaga siyang
natapos mag-exam. Thirty minutes nga lang niya tinapos. Nagpaalam kasi may
pupuntahan pa daw siyang importante,” sagot ni Sir.
“Ganoon po ba? May lakad sana kasi
kami Sir,” sabi ko.
“Hay naku! Lokong bata iyon. Bakit di
ba siya nag-text sa iyo? Bakit di mo i-text?” suggestion ni Sir Renier.
“Di po, Sir. Di ko rin naman alam ang
number nun. Ok lang po, Sir. May mini-party po pala kami sa teatre Sir. Baka
gusto niyo pumunta?” anyaya ko.
“Hindi na, Ignis. Pero salamat na
lang ah. Event ninyo iyon ayaw ko namang umepal,” sabay ngiti.
“Hindi naman pag-epal yun, Sir. Kayo
pa din naman ang head ng lahat ng mga extra-curriculars,” pagdepensa ko.
“Kahit na. Tsaka may pupuntahan din
kasi ako, Ignis. Next time na lang siguro,” ang pagtanggi pa din niya.
“Sige po pala, Sir,” sumuko na lang
ako.
Sabay na kaming lumabas ng building
ni Sir Renier. Inihatid ko na lamang siya sa kanyang sasakyan at nagpunta na
ako sa room kung saan kami nagre-rehearsals. Doon ko nakita si Jim.
“Loko ka bakit di mo ako tinext na
maaga ka pala umalis. Hinintay pa kita doon sa room niyo,” sabi ko. Naiinis ako
kasi may sapak ang utak ko ‘pag naghihintay ako ng isang tao tapos hindi naman
sisipot.
“Pasensya na, Ignis. May pinuntahan
pa talaga ako. Bumili na ako nung share natin,” sabay turo sa bucket ng fried
chicken.
“Magkano yung share ko diyan?” tanong
ko.
“Hindi ako na lang dun total
pinaghintay naman kita kahit di ko sinasadya,” sabi niya at mukha naman siyang
sorry. “Basta kumain ka nung dala ko ah. Alam ko naman na ayaw mo kung saan ko
kinuha yan pero yan kasi yung pinakamalapit na pwede ko bilhan kanina.”
“Hindi ah. Hati tayo dapat diba. Sana
nag-text ka kasi para mas maaga akong dumaan doon. Wala naman akong klase ng
5-6,” sabi ko. Bumunot ako ng 300 pesos at iniaabot sa kanya. Tinanggihan niya
iyon.
“Hindi ko naman alam yung number mo.
Di ka rin naman nag-text para pinasunod na lang sana kita,” sabi niya.
“Uy, wag ka ganyan. Tanggapin mo na
ito,” pilit ko pa rin.
“Wag na nga. Ang kulit!” parang
naasar na lang siya. “Kunin ko na nga lang number mo para kapag importante
makontak kita.”
Bigla akong natigilan. Hindi pa din
kasi nawawala sa isip ko yung ginawa niya sa akin. Lagi ko iyong naalala kapag
nakikita siya sa rehearsals pero hindi naman ako pwedeng umiwas dahil nga
magkakasama kami at ayaw ko naman na makahalata ang iba kung bigla akong manlalamig
at di siya papansinin.
“Bigay mo na lang yung number mo sa
akin. Text na lang ako kapag may importante,” saad ko.
Bumuntong hininga siya at sinabi
naman niya ang number niya na sinave ko na lang.
Contact List: Jim – teatro
Nung makumpleto na kaming lahat ay
nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan. Tulad ng dati puro kakulitan
lang ang nangyayari. Di naman kami pwedeng magtagal dahil uuwi pa sa probinsya
ang iba sa amin. Iilan lang naman ang mananatili sa amin sa siyudad sa holiday
seasons.
Nang matapos ang kulitan slash
kainan, nilinis namin yung room at sabay-sabay din lumabas sa school.
Hiwahiwalay na kami ng daan pagkalabas ng gate. Si Kuya Alvin may gimik pa daw
nung gabing yun kaya di na siya sasabay kay Rey. Doon nag-park si Ice sa tapat
ng boarding ko kaya sumabay na lang siya tumawid.
“Oh pano, Ignis. Uwi na din ako. Teka
pala pwedeng makitext? Wala kasi akong load,” si Rey.
“Ok lang,” ako. Inabot ko sa kanya
yung phone ko total naka-unli naman ako at may free texts pa.
Habang tumitipa siya sa keypad,
nagwika siya, “Ano Ignis, mahal mo ba ako?” naka-ngiti siya.
“Oo naman,” nakangiti lang din ako.
Sinakyan ko na lang yung trip niya. Mas lumapad ang ngiti niya.
“O salamat, Ignis. Uwi na ako ah.
Ingat na lang lagi. Naku mamimiss kita,” pabiro ang pagkakasabi niya.
“Mukha mo! Dalawang linggo lang eh.
OA ‘to,” sabay tawa ko. Yung ngiti niya parang itinahi na sa mukha niya.
“Good night, Ignis,” si Rey.
“Good night, Rey. Ingat sa biyahe,”
sabi ko.
Kumaway siya at sumakay na ng sasakyan.
Pagkaalis niya ay pumasok na ako sa bahay. Pagdating ko sa kwarto ay tiningnan
ko yung sent items ko kung sino yung tinext niya pero nakabura naman na pala.
Inayos ko uli yung contact groups ko
sapagkat di ko pa naman iyon natapos. Napansin ko na lang na may nadagdag dun
sa mga ginawa ko. Binuksan ko yung contact group.
Mahal Ko: 1 contact
Rey
------------- Itutuloy.
Yun un eh. :D
ReplyDeleteDa moves. :3
..ang cheezy, tagal ko din tong inantay ah! sobrang tagal!
ReplyDelete..ahrael
ipagpaumanhin po ninyo kuya ahrael.. sadyang busy lang po sa trabaho kaya di maisingit ang pagsusulat.. basta po may time ako post na lang po ako.. maraming salamat po sa pagsubaybay..
Delete..ok lang ignis. eto lang kasi ang kaisang-isang kwento na inaabangan ko.
Delete..ahrael
Mas maganda po kung nagkakaron kayo ng time management para maidetalye ng buo ang kwento. Marami pong readers ng blog na ito ang naghihintay ng mga susunod na chapters, o yung mga nalaktawan. Marami po kasing nageexpect tapos 2 or 3 years na, wala pa ang kasunod na eksena.
Deletesir super kilig ako hhaha pls update the next chapter tnx
ReplyDelete2014 na mr. Igis? Asan na nag kasunod na chapter? Oh may gas! :) maganda na yung flow eh. :) salamat :)
ReplyDeleteGod nabiktima na naman yata ako ng mga nambibitin! sayang ang ganda pa naman!
ReplyDeleteHayyyyyy!!!
2015 na po kuyaa, hinihimok ko po kayo kuya, pakituloy ung inyong kwento, ayun na po ung inaabangan namin, Maraming salamaat poo, nais lamang po namin sulitin ang oras na ginugol namin sa pagbabasa ng inyong obra, nais lamang po namin na hindi masayang ang aming naramdaman- kinabahan, kinilig, nabitin. Bilang inyong tagapagsubaybay, parang-awa po, pakituloy poo. Magandang araw o gabi po, pagpalain at patnubayan po kayo ng Maykapal.
ReplyDeleteKuya ignis, uhmmm, sayang naman poo, dahil hindi po natuloy ung story, mananatili po babagabag sa amin kung ano pong mangyayari sa kwento, nakakalungkot po kasi medyo maraming oras po ung ginamit namin sa pagabang at pagtangkilik ng inyong kwento, nakakalungkot po takaga, pero kung itutuloy nyo po, magiging kasiya-siya po iyon, isa po akong tagahanga ninyo simula nang simulan nyo ang inyong kwento, ilang taon na rin po ako naghihintay, hanggang ngayon po, kya po, it would be great kung itutuloy nyo po, maraming salamat kuya ignis, sana po , matapos ninyo po ang inyong sinimulan, kahit suplado ka, umaasa akong ako'y inyong paglaanan ng inyong oras na basahin ito, un lang kuya ignis, mahal na mahal ko po kayo, Godbless po.
ReplyDelete