Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
As promised ito na po ang next part ng story. Hindi siya gaano kahabaan perohindi naman kayo mag-aabang ng matagal para masundan ito.
Muli akong nagpapasalamat po sa mga nagbigay ng comments sa last post. Nakakatuwa dahil marami-rami pa rin pala ang nag-aabang ng story kong ito kahit pa ubod ng bagal ko sa pag-update. Sana po ay patuloy kayong sumuporta hanggang sa huli.
Siyanga po pala, baka sa mga susunod na araw ay makapagpost ako ng mga pictures ng mga tauhan dito. Naghahanap pa kasi ako ng mga taong babagay sa description ko sa mga tauhan. Kung meron man kayo maimumungkahi , mag-iwan na lang kayo ng comment dito.
Any reactions, negative comments, criticism are welcome. Kung may mali man ay agad pong pakisabi para maayos agad.
Happy Reading!
(Andrew POV)
Hindi pa rin mapawi ang ngiti sa aking
mukha habang nasa biyahe kami. Sa halos isang linggo kong paghanap ng
solusyon sa aking problema ay lagi akong aborido, naiiyak at
kinakabahan. Ngayon parang nabunutan na ako ng malaking tinik sa aking
dibdib dahil sa wakas ay matatapos na ang napakalaki kong problema.
Isang
pribadong helicopter pala na medyo may kalakihan ang aming sinakyan na
sa tingin ko ay pag-aari ng isang pamilya. Nasa likod ako katabi ang
aking ina kasama ng isang babaeng nars na tumitingin sa kanya. Nasa
harap naman si Dina at ang piloto.
"Ang swerte ko talaga Dante at nakilala kita."ang masaya kong sambit sa kanya.
"Anong Dante, Im Dina!" ang agad na tugon nito.
Napansin ko naman ang pigil na tawa ng nars.
"Ang bait mo talaga, ikaw pa ang nagbayad ng bill ni nanay sa ospital. Pero babayaran ko sa iyo yun."
"Ayos lang kung di mo na bayaran."
"Hindi pwede iyon. Paano na lang kapag nalaman ito ng mga magulang mo? Ayaw kong isipan nila na oportunista kami."
"Mabait sila kaya huwag ka nang mag-alala diyan."
"Tapos
itong helicopter. Alam kong mahal din ang renta mo dito. Nahihiya nga
ako sa iyo eh kaya babayaran ko talaga ang mga ito kahit paunti-unti."
"Hindi naman ako nagbayad para dito sa helicopter."
"Talaga,
wow sa inyo pala ito. Matagal na kitang kilala pero ngayon ko lang
nalaman na ganito pala kayo kayaman." ang aking sambit.
Naghihintay
ako ng pagtugon mula kay Dina. Ngunit hindi siya nagsasalita. Sa totoo
lang ay nawiwirduhan ako sa mga kinikilos niya na di ko maintindihan.
Makalipas
ng ilang oras ay nakarating na kami ng Maynila. Hindi ko naiwasang
magbalik-tanaw sa mga nangyari sa akin noon sa siyudad na ito, mga
malulungkot na karanasan tulad ng pagkamatay ni tatay.
Ngunit dito
rin ako natutong magsumikap. High School pa lang nang magsimula akong
dumiskarte para matustusan ang aking pag-aaral pati na rin ng mga
gastusin sa bahay sa pamamagitan ng pangangalakal ng basura.
Pagkalapag
ng helicopter ay agad na nilabas ang stretcher kung saan nakahiga si
nanay at dineretsong pinasok sa isang ambulansya.
Dinala
si nanay sa isang pribadong ospital. Halos hindi ako makapaniwala na
dito siya ooperahan dahil pangmayaman ito. Sobra na tuloy akong nahihiya
kay Dina. Kung susumahin ang lahat ng ginastos niya nung nasa Bicol pa
kami ay napakalaki na nito. Napagdesisyunan kong kausapin na lang siya
tungkol dito kapag nagkaroon ng pagkakataon.
Pagkapasok
ng nasabing ospital ay pinasok siya agad sa emergency room upang masuri
ng mga nars doon. Maya-maya lang ay may dumating na isang doktor.
Pinagmamasdan
ko lang ang kanilang ginagawa habang sinusuri nila si nanay. Kung noong
una ay kaba at takot ang nararamdam ko, ngayon ay saya na dahil may
kasiguraduhan na ang kanyang kaligtasan.
Matapos ang kanilang ginagawa ay agad akong nilapitan ng doktor.
"Ikaw ba ang anak ng pasyente?" ang nakangiti niyang tanong sa akin.
Bago
ko sagutin ang kanyang tanong ay may napansin ako sa kanyang itsura.
Parang pamilyar kasi siya. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
"Ah opo dok."
"Im Dr. Luis." ang kanyang pagpapakilala sabay abot ng kanyang kamay na aking tinugon.
"Ako naman po si Andrew. So doc, kamusta na po ang lagay ni nanay. Kailan po siya maooperahan?" ang agad kong tanong sa kanya.
"We will start the operation tomorrow."
"Naku
dok, maraming-maraming salamat po talaga. Napakabait po ninyo ng
kaibigan ko. Pero gaya po ng sinabi ko sa kanya, babayaran ko rin po
kayo sa kahit anong paraan."
"Huwag muna nating isipin yan iho.
Ang importante ay gumaling ang nanay mo." ang nakangiti niyang pahayag.
"Sige mauna na muna ako at may iba pa akong pasyente."
Nang makaalis ang doctor ay siyang pagbalik ni Dina.
"Saan ka ba nanggaling?" ang tanong ko sa kanya. Agad kasi siyang nawala nang makarating kami dito sa ospital.
"Ah...diyan lang." ang kanyang sagot.
"Saan nga?"
"Sa labas... oo diyan sa labas nagpahangin lang."
"Hmmm.... ok... Oo nga pala sabi ng doctor bukas na ooperahan si nanay."
"So mabuti naman kung ganoon. Makakaligtas na rin sa kapahamakan si Tita."
"Oo
nga. Pero Dina, maraming-maraming salamat talaga. Napakalaki ng
naitulong mo sa amin. Pero babayaran ko ang lahat ng ginastos mo sa amin
mula sa bill namin sa ospital sa probinsya hanggang sa gagawing
operasyon dito."
"Huwag mo nang isipin ang mga iyon. Saka yung tungkol sa operasyon, wala ka nang babayaran pa."
"Ang
ibig mong sabihin libre nga iyon. Hindi ako naniniwala. Sinasabi mo
lang yan para di na ako mag-alala pa dahil alam mong wala akong
kakayahang magbayad. Basta, babayaran pa rin kita kahit paunti-unti."
"Sige bahala ka..."
Pansamantala
muna naming iniwan si nanay para mananghalian. Napagpasiyahan naming
kumain sa isang fastfood chain. Pagkatapos ay nagpatulong ako sa kanyang
maghanap ng pansamantala naming matutuluyan.
"Andrew, pwede ka
namang sa amin muna tumuloy hanggat nasa ospital pa si Tita. Saka mo na
isipin yung tungkol sa titirahan niyo." ang suhestiyon ni Dina sa akin.
"Huwag na Dina, sobra-sobra na ang naitulong mo sa akin. May pera pa naman ako dito."
"Pero mauubos din yan Andrew. Paano na lang kung magaling na si Tita, e di mangungupahan kayo."
May
punto nga si Dina sa bagay na yan. Kung sa pagkain lang ay aabot ito ng
isang buwan. Pero kung isasama ang upa, magiging mabigat na ito para sa
aming mag-ina.
"Tutal mahihinto na naman ako sa pag-aaral sa pasukan, maghahanap ako ng trabaho yung malaki-laki ang sweldo."
Paglingon
ko sa kanya matapos sabihin iyon ay abala siya sa pagtext. Naisip ko
naman na baka ang boyfriend niyang si Elmer iyon kaya hindi ko na
binigyan pa ng pansin iyon.
Hapon na nang makahanap
kami ng isang maliit na kwarto. Mabait naman ang may-ari sa presyong
inalok ko sa kanya dahil hindi naman ako magtatagal. Agad ko namang
dinala ang aming mga gamit doon. Pagkatapos ay bumalik na ako ng ospital
upang magbantay kay nanay.
___________
Kinabukasan, maaga
pa lang ay dinala siya sa kwarto kung saan gaganapin ang operasyon. Sa
labas nito habang naghihintay ng resulta ay nananalangin ako na sana
maging succesful ang operasyon. Kasama ko si Dina sa mga oras na iyon.
At makalipas ang halos isang oras ay lumabas na si Dr. Luis kasama ang iba pang nars na katulong niya sa pag-opera.
"Successful ang operation. Your mother is safe now."
Sa
wakas lubos na ang aking kasiyahan. Nalampasan na rin naming mag-ina
ang isang napakatinding pagsubok sa aming buhay. Labis ang tuwang aking
nararamdaman sa mga oras na iyon.
"Maraming salamat po talaga Dina at Dr. Luis. Napakabait po ninyo talaga."
Nagkatinginan
naman sila ni Dina na parang may ibang iniisip. Pero hindi ko na iyon
pinansin pa dahil mas nangingibabaw sa akin ang aking nararamdamang
emosyon.
Ilang saglit pa ay nilipat na sa isang ward
ang aking nanay. Nagrequest ako na sana sa murang ward na lang siya
ilagay. Ayos lang naman sa akin kung may kasama kaming iba. Ngunit wala
na akong nagawa pa nang inilagay siya sa isang pribadong kwarto.
Matapos
iyon ay saglit akong lumabas at nagpunta sa simbahan ng Quiapo kung
saan nagsisimba noon asi nanay tuwing Biyernes. Nanalangin ako at
nagpasalamat sa Diyos sa ibinigay niyang pangalawang buhay para sa aking
pinakamamahal na ina. Siyempre pinagdasal ko rin ang aking mga kaibigan
na sumuporta at tumulong sa akin lalo na kina Dina at Dr. Luis.
Pagkalabas
ko ng simbahan ay saglit kong pinagmasdan ang paligid. Wala pa ring
pinagbago ang lugar. Naroon pa rin ang mga vendor ng mga sari-saring
bagay tulad ng mga gamot at damit. At siyempre mawawala ba naman ang mga
magkakatabing manghuhula.
Sa pagkakita ko sa
kanila ay isang alaala ang nanumbalik sa aking isipan, ang araw na kung
saan ay sama-sama kaming nagsimba ni nanay at ng taong sanhi ng
pagkasawi ko sa pag-ibig.Naunang umuwi si nanay at naisipan kong ilibot
siya sa lugar at doon niya nakita ang mga manghuhulang iyon.
"May naisip ako, pahula rin tayo. Tara!" ang pagyaya nito sa akin.
"Huwag na, hindi naman totoo ang mga yan." ang aking pagtanggi. Hindi kasi ako naniniwala sa mga hula.
"Wala namang mawawala sa atin diba? kaya tara na."
Hinatak niya ako patungo sa isang manghuhula na kasalukuyang nag-aayos ng mga baraha.
"Magandang tanghali po manang. Mag papahula lang po kami ng kasama ko." ang malugod niyang pagbati sa matanda.
"Sige maupo muna kayo diyan. Sino gusto mauna sa inyong dalawa?" ang tanong ng manghuhula.
Nagkatinginan kaming dalawa. "Ako na lang po muna." ang tila excited niyang pahayag.
"Sige ikaw muna, iho tutal gwapo ka naman." ang nakangiting sagot ng matanda.
"Kita mo Andrew pati si Manang naguwapuhan sa akin haha." ang tila pagyayabang naman niya.
Nginitian ko lang siya.
At sinimulan na ang panghuhula. Isa-isang nilapag ng matanda ang kanyang
mga baraha sa mesa. Maya-maya lang ay tinignan na nito ang kasama kong hinuhulaan niya.
"May kasintahan ka na ba iho?" ang pambungad na tanong nito sa kanya.
Tinignan niya ako saglit bago sumagot. "Sa ngayon po ay wala pa Manang."
"Ganoon ba iho. Ayon kasi sa aking baraha ay magkakaroon ka ng kakaibang pag-ibig."
"Anong ibig niyo pong sabihin?"
"Pwede po bang pakilinaw niyo manang?" ang pagsingit ko na curious na sa sinasabi ng manghuhula.
"Ang pag-ibig na ito ang siya pa ring mananaig sa huli. Iyan lang ang masasabi ko."
Halatang nabitin siya sa sinabing hula sa kanya.
"Mayroon lang ako kaunting paalala sayo iho." ang pagpapatuloy ng matanda.
Ano naman po yun?" si Bryan ulit.
"May matitinding pagsubok ang darating sa buhay mo pati ng mahal mo."
Naging seryoso ang mukha ng dalawa sa narinig.
"Ngunit nakikita kong malalampasan mo iyon iho, at magiging maligaya pa rin kayo sa huli."
"Wow, buti naman kung ganoon." ang nakangiti na niyang pahayag. "Yung kasama ko naman po manang."
Muli ay isa-isang nipalag ng matanda ang baraha sa mesa.
"May minamahal ka na ba ngayon iho?" ang paunang tanong nito sa akin na hindi ko agad nasagot.
Samantalang napansin ko naman ang kasama kong naghihintay sa aking
sasabihin na parang umaasa na siya ang sasabihin nitong iniibig ko.
"Wa...wala pa po Manang." ang simpleng kong sagot.
Halata ang pagkadismaya ng kasama ko sa aking sagot.
"Pero may nagugustuhan ka na ngayon di ba?" ang sunod na tanong ng
manghuhula. "At hindi mo lang masabi sa kanya na mahal mo siya dahil may
bumabagabag sayo."
Sapul sa akin ang sunod na sinabi ng manghuhula.
"Ayon sa aking baraha ang pag-ibig mo sa kanya ang makapagbabago ng buhay mo iho."
"Ganoon po ba? ang tanong ko.
"Meron pa. Darating ang matinding kalungkutan sa buhay mo."
Hindi ko nagustuhan ang sumunod na sinabi ng manghuhula.
"Pero huwag kang mag-alala iho, pag-ibig lang ang susi upang makamit ang kaligayahan."ang makahulugang pahayag pa nito.
"Pwede po bang ipaliwanag niyo?" ang tanong ko ulit.
"Iyon lang ang masasabi ko iho."
Naalala ko pa ang eksenang iyon na kung saan ay nagpahula kaming dalawa. Yung mga hula sa akin, sa palagay ko ay hindi
lahat nagkatotoo. Siguro masasabi ko ang matinding kalungkutang
tinutukoy niya ay ang nangyari kay nanay. Pero ang huli niyang hula na
ang pag-ibig ang siyang magbibigay ng kaligayahan sa akin ay hindi totoo
bagkus kabaliktaran pa nga ang nangyari.
Nasa
kasagsagan ako ng paggunita sa nakaraan nang mahagip ng aking mata ang
isang matandang manghuhula. Agad ko siyang namukhaan at hindi ako
maaring magkamali na siya ang humula sa aming dalawa.
Hindi
ko maintindihan ang aking sarili. Parang may nag-uudyok sa akin na
lapitan siya para magpahula ulit. At sa pagtatalo ng mga bagay na ito sa
aking isipan ay hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya.
"Kanina ka pa nanatingin sa akin iho. Halika hulaan kita" ang paanyaya nito sa akin.
"Ah
huwag na po manang, wala rin po akong pera ngayon." ang aking
pagtanggi. Sa totoo lang ay may dala ako ngunit sapat lang ito sa aking
pagkain at pamasahe pabalik ng ospital.
"Ayos lang iho, di mo na kailangang magbayad. Halika na."
Nabigla
naman ako sa aking narinig kasabay ng pagtataka kung bakit sa kabila ng
wala akong ibabayad ay gusto pa rin niya akong hulaan. Gayumpaman ay
naisip ko na pagbigyan na lang siya tutal ay wala namang mawawala sa
akin.
Pagbalik sa kanyang pwesto ay agad niyang inayos ang kanyang baraha at nilapag isa-isa sa maliit na mesa.
"Pag-ibig ang naging susi upang malampasan mo ang matinding pagsubok sa iyong buhay." ang pauna niyang sinabi.
Sa isip-isip ko, halos pareho lang iyon ng nauna niyang hula sa akin noon. Hinintay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin.
"May magbabalik... ngunit mananaig pa rin ang unang pag-ibig dahil ito ang iyong tadhana at ang totoong pag-ibig."
Isang palaisipan bagamat hindi ko naman iyon gaano pinaniniwalaan na dahil sa prinsipyong binuo ko sa aking sarili.
Sa
aking pagbibiyahe pabalik ng ospital ay iniisip ko ulit ang naging hula
sa akin. Ang sabi niya na ang pag-ibig daw ang naging susi para
malampasan ko ang matinding pagsubok sa buhay. Ibig sabihin na dahil
dito ay nasolusyunan ang aking problema. Kung tungkol ito sa nangyari
kay nanay, napakalabo nito dahil ang aking kaibigan naman ang tumulong
sa akin. At ang tungkol naman sa may magbabalik daw... talagang
naguluhan ako doon. Parang pinagsisihan ko pa tuloy na nagpahula ako
dahil naguluhan talaga ang aking isipan.
Pagdating ko sa kwarto kung saan nakaconfine si nanay ay nadatnan ko si Dina.
"Andrew, dinalhan ko pala ng prutas si Tita."
"Nag-abala ka pa. Nakakahiya na talaga sayo."
"Iyan ka na naman. Pwede bang alisin mo na ang hiya na yan. Magkaibigan tayo."
"Hindi
mo naman maiialis sa akin ang ganoon. Masyado kasing malaki ang utang
na loob ko sayo. Kahit papaano ay gusto ko rin naman makabawi gaya ng
pagbabayad ko sa naging gastusin dito."
"Andrew naman, hindi sa
minamaliit ko ang kabuhayan niyo ni Tita, pero sana itigil mo na ang
isipin na yan. Ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay kung ano at paano
kayo magsisimula oras na magaming na si Tita."
"Ok." ang aking nasabi bagamat hindi pa rin nito tuluyang nabago ang aking isip sa di malamang kadahilanan.
Nagpaalam
ako sa kanya saglit na lalabas muna upang kausapin ko ang doktor na
nagopera sa aking ina. At sa aking paglalakad ay nagtanong ako sa
nakakasalubong kong mga babaeng nars kung saan siya makikita.
"Ah nars, saan po ba dito yung room ni Dr. Luis.?"
"Dr. Luis????" ang patanong na tugon ng isa sabay tingin sa kanyang kasama na tila hindi alam ang aking tinutukoy.
"Dr. Luis po yung nag opera sa puso ng nanay ko." ang aking paglilinaw.
"Ah si Dr. Luis Sebastian po.. Doon po sa second floor tapos kaliwa kayo yung pangalawang pinto sa dulo malapit sa stairs Sir."
"Ganoon po ba, salamat.."
Nasa
fifth floor ang ward ni nanay kaya gumamit na ako ng elevator pababa sa
second floor. Sa pagbukas ng pinto nito ay kumaliwa ako gaya ng sinabi
ng nars.
"Ayun yung pangalawang pinto." ang sabi ko sa aking sarili.
Habang
papalapit ay saglit akong napatigil nang mapansin ko ang isang
matangkad na lalaki na lumabas doon sa pintong iyon papuntang hagdan na
tumatakbo na tila nagmamadali.
Sa puntong iyon ay bigla akong may naramdamang kakaiba na hindi ko mawari.
Itutuloy....
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Nice....salamat at nasundan agad...galing ng takbo ng story...salamat ulit....marr_dude
ReplyDeletewow what true can do. kudos to the writer
ReplyDeleteSabi ko na c bryan ang doctor at xa lhat tumulong kay andrew. Ang tanong magkakabalikan ba cla? Abangan. Tnx daredevik
ReplyDeleteRandzmesia
yon oh tama rin ako na si Luis Bryan Sebastian ang doktor ahahaha manghuhula ang peg. pero bakut walang naalala si Andrew sa pangalang Dr. Luis Sebastian? Asus pa.george ang peg ng author haha pero nice na talaga ang story. sana may update na agad yong nahabahaba hehe
ReplyDeleteEDWIN PALOMA
talagang nilagyan mo ng Bryan yung Dr. Luis Sebastian hehehe...
DeleteUlyanin na siya siguro kaya walang naalala si Andrew...
aba ang taray! di ba yon naman talaga full name nya dun sa CT? duh fresh pa sa akin ang book 1 nito haha...ikaw na talaga Daredevil ang devil na magaling haha
DeleteEDWIN PALOMA
Wow bilis ng update..thanks mr author! ^_^
ReplyDeleteis bryan still single or married? baka magkatulad kasi sa my husband's lover. naku kawawa uli si andrew if he will be the kabit. isasauli rin ang regalong relo lols(^-^)v
ReplyDeletemr. dj
grabe ang sosyal ng sinakyan helicopter pa! ang yaman talaga ng may akda haha. at si dina ibig sabihin may kontak sila ni bryan? naging sila rin kaya? ahaha nega lang ang pagiisip ko. abangan ko nalang para di ako ma stress sa kakaisip. magaling ang may akda. super 2 thumbs up!
ReplyDeletetotal make-over na ba talaga si Bryan at di na nakilala ni Andrew? over na rin ang author.
ReplyDeletepeace!
Total makeover????
DeleteParang hindi yan ang nasa isip ko ah hehehe....
kakaexcite naman. looking forward sa pagkikita nila ni bryan...
ReplyDeletethanks kuya author
Just
Nice chapter... Tnx sa update.... Sana hindi matagalan ang nxt chapter ^_^...
ReplyDeleteSobrang gusto ko story nato sinubaybayan ko tlga kla ko nga wla ng update mbuti nmn tuloy2 prin msaya ako kya mraming salamat po sa author sna matapos ang story..nabuhayan ako ng pag-asa for Andrew-Bryan luvteam YESSSSSS!! hehe
ReplyDeleteAtSea
wahhhhh........muling ibalik ang tamis ng pag-ibig...go go bryan-andrew (BryAndrew)love team...
ReplyDeleteNice ang cool.. kaka excite.. cant wait..salamtat sa pag update mr. Author.
ReplyDeletevery nice and kakilig na chapter author. laging ka abang abang ang mga scenarios. hehehe. sana mas mahaba at lumabas n kagad next chapter. hehehe.
ReplyDeletekeep up the good work and god bless po :))
Nice chapter.bakit parang walang naalaala si andrew sa pangalan at apelyedo ng doctor ng itanong niya ang room nito sa nurse?
ReplyDeletedahil siguro may selective amnesia si andrew. maibalik lang yan sa normal if mahagkan ni bryan sa labi hahaha ang landi ng twist tsk tsk tsk...true love nga naman guys lols
DeleteBasta malalaman mo rin sa next part :D
Deletei think mas nakakakilig to da bones ang muling panliligaw ni bryan kay andrew. sana pakipot to da max ka naman andrew. yong tipong pati mama ni bryan ay manliligaw narin sa yo in behalf of bryan. haist grabe parang telenovela ang peg. hahaba uli ang bangs ni andrew hahaha adik na talaga ako sa wentong ito pramis!
ReplyDeleteedwin paloma
bow ako sa ganda. way better than other stories. so exciting every chapter. update na agad pls. thanks mr author.
ReplyDelete10 yrs ang doctor, at kailangan pa ng maraming experience para maging magaling na doc sa puso, tingin ko papa nya yan. At saka tinawag siyang iho ng doctor. Matanda ang kausap nga hahhah.
ReplyDelete-josh
ay oo nga ano? shunga ko naman at di na-analyze ang linyang yon. baka papa nga ni Bryan si Dr. Luis. naku kakaloka ang wentong ito ang hirap hulaan hahaha adik ka talaga Daredevil binibitin mo kasi kami grrrrrr!!!
DeleteEP
salamat sa update, more please
ReplyDeletejeddah, ksa
Can't wait! Next na please!
ReplyDeletehmmm, basta ako, malaki ang part na ginampanan ni bryan sa pagpapagamot ng nanay ni Andrew! cguro pinsan ni brayn ung docto. parehas na sebastian eh,\.
ReplyDeleteWow ang ganda talaga .,hndi lng ang ganda kundi ang ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda talaga ni kwent0ng i2.,nxt chapter na plssss
ReplyDeleteJulmax
CANT WAIT FOR THE CHAPTER 4. SUPER BITIN!
ReplyDeletei hope tuloy tuloy na ang update nito. ang tagaaaaaaal ko nang nag antay to this awesome story. worth it din ang paghintay ng matagal since 2012 pa yon doon pa da blog nyo. miss ko na katukayo kong bida. thanks talaga na nadugtungan na. so hooked with this story!
ReplyDeleteandrew of qatar
ANDREW-BRYAN PA RIN FOREVER?
ReplyDeleteWAIT, ANDREW SAAN NA ANG KWENTAS NA BIGAY NI BRYAN SA YO? SANA DI MO SINANGLA HEHE
When will be the next update Alvin? set ko kasi sa reminders ko para maalarm ako. excited lang si ako. gosh!
ReplyDeletenoong binanggit ni Andrew na maghanap nalang muna siya ng trabaho, may tinext agad si Dante. for sure si Bryan yon at bibigyan nito ng bonggang bongga na work si Andrew. Hmmmm magaling ang twist. maybe matagal pa magpang abot sila ni Bryan kasi may mga drama effect pang magaganap to impress Andrew. By then, di na siya makatanggi sa muling panliligaw ni Bryan. Naku kinilig much ako sa hula ko haha
ReplyDeleteTrue Love conquers all!
ReplyDeleteNext chapter pls.
Thank you very much.
Juice ko! baka si Bryan na yong matangkad na lalaking tumakbo papalayo. Bukuhan blues na ba? Andrew's heart could tell hehe...sige habulin mo Andrew daliiii...
ReplyDeleteThanks sa mga nagcomment. Sa tingin ko nakabawi na ako sa inyo kahit papaano sa naging ending ng campus trio.
ReplyDeletePasensya na kung napapaisip kayo. Nagtataka talaga ako dahil simple lang naman ang takbo ng story.
Anyway thanks for reading. Yung next part ay ipost ko before end of the month
di ka pa po nakabawi. next chapter pa if mahaba para tuloy ang emote mode. sana this week lang.
Deletesimple nga lang pero kakaiba ang ataki. yong kaabang abang at in place ang lahat at near to perfection ang composition. ang sarap sa mata basahin 'ika nga.
im not making u sipsip but im just expressing my appreciation.
keep up the good works on this craft!
mwahhhh!
This comment has been removed by the author.
DeleteHumingi nang tulong si dina kay bryan kaya walang bayad :p. Tama ba ko? HAHAHA.
ReplyDeletesayang naman kung matigil sa pag-aaral si Andrew. paano na ang scholarship nya? sana magawan ng paraan ni Bryan thru Dante. mas maganda kasi if magiging professional din si Andrew para masasabing successful din siya inspite of poverty. mas matatanggap siya sa pamilya ni Bryan if isa na siyang sikat na engineer.
ReplyDeleteopinion lang po mr. author.
salamat.
I second the motion!
DeleteOMFG! Galing talag ng author :) nakakabitin ng sobra, as in bonggang bongga! Sana mapost na ang mga susunkd na chapters. Sana magpatuloy na ang pag-update sa sequel ng CT <3 di ako mapakali, gusto ko na mabasa ang kabuuan ng story (atat?) haha :D more powers! Good luck & God bless. Sana may kasundo na agad na update.
ReplyDeletepls update na agad. di ako makakatulog kung wala pang update. char!
ReplyDeleteTatay ni Bryan yung si Dr. Luis Sebastian, iho tawag nya kay Andrew e. Tapos yung nakita ni Andrew na lumabas sa kwarto ni Dr. Luis sa 2nd floor, I'm sure na si Bryan yun. Kilig much! Hindi nako makapag-antay ng susunod update. More powers Mr. Author, keep up the good work. :)
ReplyDeleteahahaha pareha talaga tayo ng perception! let's see nalang sa susunod na chapter. gosh ang tagal pa!
DeleteMay part 4 na ba?cant wait.
DeleteMay part 4 na ba?cant wait.
Deletehay naku wala pa ring update. para nga akong ewan check ng check every now and then kung meron na. i feel so disappointed kung wala pa. kebir ako sa iba. ito lang talaga inaabangan ko pampawala ng stress sa work. pramis.
Deletesana may update na... ganda ng story T_T
ReplyDeleteWALA PA RIN. EXCITED MUCH LANG ANG PEG HAHA
ReplyDeletematagal pa po ba ang next?
ReplyDeleteI keep on checking kung meron ng chapter 4 pero I end up sad kasi wala pa. Pero okay lang by the end of the month lang nmn yung next update at sana after nun ay sunod-sunod na ang update at hindi na magstop kasi nakakadisappoint kung mangyayari yun. Sana sapat na yung mga comments ng readers para magpatuloy ang pag-update at hindi na tumigil. At dahil dun ay mapapasaya mo ang sarili mo pati narin ang mga mambabasa. Good luck! More powers & keep it up. :)
ReplyDeleteI keep on checking kung meron ng chapter 4 pero I end up sad kasi wala pa. Pero okay lang by the end of the month lang nmn yung next update at sana after nun ay sunod-sunod na ang update at hindi na magstop kasi nakakadisappoint kung mangyayari yun. Sana sapat na yung mga comments ng readers para magpatuloy ang pag-update at hindi na tumigil. At dahil dun ay mapapasaya mo ang sarili mo pati narin ang mga mambabasa. Good luck! More powers & keep it up. :)
ReplyDeleteI keep on checking kung meron ng chapter 4 pero I end up sad kasi wala pa. Pero okay lang by the end of the month lang nmn yung next update at sana after nun ay sunod-sunod na ang update at hindi na magstop kasi nakakadisappoint kung mangyayari yun. Sana sapat na yung mga comments ng readers para magpatuloy ang pag-update at hindi na tumigil. At dahil dun ay mapapasaya mo ang sarili mo pati narin ang mga mambabasa. Good luck! More powers & keep it up. :)
ReplyDeleteOne of the best! :)
ReplyDeleteSana madalas n ulit ang update. Ganda n ng flkrw ng story eh. Wag nga lng sna mtpos agad. :))
-Leo
LOL, can't wait for the next update. kudos to the author :D
ReplyDelete-jops
Sobrang nagulat ako at di ko ineexpect na aabot ng ganito karami ang comments sa story na gawa lang ng aking imahinasyon. Kaya para sa ikakasaya ninyong mga readers ay sisikapin kong maisingit sa aking oras ang pagsulat.
ReplyDeleteSa ngayon ay ginagawa ko pa po ang part 4. Maybe I will post this by the end of the month.
author. Chapter 4.. Tagal na e haha.
ReplyDeleteMr. Author nasan na po ang chapter 4? Kala ko po bago matapos ang buwan ng hulyo mapopost na? Pero antagal na po pero wala pa. Pero ok lang Mr. Author, kahit malate ang pagpost mo basta masundan na ang chapter 3 at magsunod sunod na ang pag-update. Maraming salamat sa magandang storya. More powers ang god bless! :)
ReplyDeleteAng ganda ng istorya grabe^^..., super kinikilig ako..., halos pinagpupuyatan ku ito gabi gabi..., kung tatanungin mu ako kung sino pwedeng ilarawan kay BRYAN si Vaness WU..., siya kc unang nasagi ng isip ku nung dinescribe mu siya..., pati ung ibng eksena..., naalala ku kc ung teleserya niyang I LOVE YOU SO(AUTUMN'S CONCERTO) kahit papano my mga part na pareho kayo..., at sa iba hndi ku na alm kung panu o kung sino pwedeng ilarawan..., sna may book 4 pa..., o book 10..., promise hndi aku magsasawa na basahin to kung mangyayari un^^...,
ReplyDelete-PEN fr.C4M