Followers

Saturday, July 20, 2013

'Unexpected' Chapter 29

HI, READERS!

This is one big chapter, dahil... MAY AAMIN na kay Josh. Sino kaya iyon? Read to find out!

Oh, and medyo mabigat siya... tulala ako matapos ko siyang isulat. :(

Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta!

Happy Reading!

--

Chapter 29

Janine.

“Matt,” tawag ko sa kanya. Nadatnan ko siyang nakatalikod, nag-iisa sa likod ng stage. Lunes na iyon, and luckily, I was able to to utilize the weekend properly to think my actions through. Lumingon naman siya, at sa pagkakataong iyon ay nakita ko sa mga mata niya ang hinagpis, ang lungkot, ang sakit. I would’ve chosen to ignore this and be my old, bubbly self, pero nakikita kong mas kailangan kong magseryoso, dahil alam kong mas kailangan niya ng mas masasandalan. Alam kong nahihirapan si Josh, pero alam ko... alam kong mas matindi ang paghihirap ni Matt.

“Janine,” matamlay niyang tugon. “Uhm, how are you?” pagsisimula ko. Napailing naman siya. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. Hindi ganito si Matt. Hindi ito ang Matt na nakilala ko. Parang nawala ng tuluyan at naubos na ang lahat ng saya sa sistema niya. Alam ko kung gaano siya nagdadalamhati. Alam ko sa simpleng iling na iyon ay napakarami niyang gustong sabihin, ngunit siguro ay pagod na siyang magpaliwanag. Nawalan na siya ng lakas ng loob.

“Nasaan si Josh?” tanong niya, rinig ang pangangailangan sa boses niya. This time, ako naman ang umiling. Alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin. Kahit considerably sandali pa lang kami magkaibigan ay napakalalim na ng relasyon at samahan naming tatlo, kaya naman ang mga simpleng kilos ng isa ay alam na namin kung paano basahin. “Hindi pa rin ba siya papasok?” malungkot na tanong niya, at sa puntong iyon ay tila malapit na siyang umiyak. Lalong nadurog ang puso ko nang makita ko siya sa ganitong ayos.

“Janine, galit ka ba sa akin?” malungkot niyang tanong, ang mga mata niyang nagmamakaawa ay nakatingin ng diretso sa akin. Nilapitan ko siya at umupo sa harap niya. “Matt,” pagsisimula ko. “Nasaktan mo si Josh, pero alam kong mas nasasaktan ka. Ayoko namang dumagdag pa. Alam kong kailangan mo ng kaibigan. No, I’m not mad.” sinsero kong pahayag. Matapos kong sabihin iyon ay bigla na lamang niya akong niyakap at humagulgol na siya.

“Salamat, Janine.” umiiyak niyang pahayag.

“Nandito lang ako.” pag-aalo ko sa kanya.
--
Matt.

“Janine, sasabihin ko na sa kanya.” determinado kong pahayag. Inaya ko si Janine sa bahay namin para naman madistract ako kahit sandali, at saka para mas makapag-usap kami ng masinsinan. Nakakasulasok na kasi ang presensya ng school namin.

“Ang alin, bebe? At kanino?” tanong niya.

“Na mahal ko siya.”

Napasinghap naman siya. Natahimik siyang sandali, sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi, pero nawala iyon bigla. Ano kayang mayroon kay Janine? Sobrang bipolar naman ata ng nasaksihan kong pagpapalit ng ekspresyon ng mukha niya. Napailing na lang ako.

“Oh em. Sure ka na?”

“Oo. I’ve already ruined this. Gusto kong malaman kung... kung pwede pa ba maging reality ang mga pangarap ko. If in case... hindi niya matanggap, knowing the fact na sobrang galit siya sa akin... I guess I have no choice, but to move on.” sabi ko. Just thinking about rejection... nahihirapan na akong huminga. Pero tama si Nikki, dapat akong maging matapang. Sana nga ay tama siya.

Sana ay mahal din ako ni Josh.

“Matt,” sambit ni Janine. Nahalata ko ang himig ng lungkot sa boses niya. 

“And I guess I have no choice, but to move away. Stay out of your lives.” mapait kong pagpapatuloy. Napatayo naman si Janine sa narinig niya mula sa akin. “What the fuck? Ano ‘yang sinasabi mo?” hysterical niyang tugon. “I want to give Josh peace of mind. I want him to have a clean slate, and that includes you. Damay ka na rin talaga, eh. Josh needs someone to hold him right now. Janine, alam ko dahil sa kagaguhang ginawa ko noong birthday ko, eh binigyan ko na ng napakalaking lamat ang pagkakaibigan namin, natin. Janine, mahal ko siya, eh... ayokong nakikita siyang nasasaktan. At dahil alam kong... alam ko na ako ang dahilan ng paghihirap niya, at kung ang paglayo ko lang ang paraan para mawala ang sakit na iyon... hinding-hindi ako magdadalawang-isip na lumayo. Hindi ko ipagkakait sa kanya iyon.”

Hindi ko na hinintay ang magiging reaksyon niya, at dali-dali akong tumakbo papaakyat sa kwarto ko para mahiga sa kama ko upang doon pakawalan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

--
“Matt,” naramdaman ko na lamang ang mahinang pagyugyog ng sa akin ng isang pares ng mga kamay. “Uhgggh... ano ba? Ang aga pa.” reklamo ko, pilit tinatanggal ang mga kamay sa katawan ko. “Matt bumangon ka na.” muling utos ng boses sa akin. Namulat naman ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

“Janine?! Anong ginagawa mo dito?” gulat kong tanong. Sa tantya ko ay alas sais pa lamang ng umaga noon. “Gising na. Papasok ka pa.” kalmado niyang utos. “Ayokong pumasok. Go home, Janine.” pagtataboy ko sa kanya, sabay baon ng mukha ko sa unan. “Papa Matt, huwag mo namang gawin ‘to.” pagtatampo niya. “Kailangan mong pumasok. Nawalan ka na ba ng lakas ng loob?” pagpapatuloy niya. Ngunit hindi ako sumagot.

“Matthew!” narinig ko na lamang ang sigaw ni papa na siyang nakapagpabalikwas sa akin.

“Pa?!” gulat kong bulalas na siyang nakapagpabangon sa akin sa kama.

“Matthew, seriously? That’s how you’re going to solve your problem? So you’re just going to sit there, sulk, and mourn over what happened?” pagkwestyon sa akin ni papa. Tila nahiya naman ako sa narinig ko mula kay papa. Pakiramdam ko ay napakahina ko. Pakiramdam ko, ako ang mismong nagpapatalo sa akin sa sarili kong laban. Kapag nag-English kasi siya, ay seryoso siya.

Parang sumusuko na ako.

“Wala na akong maisip na rason para pumasok.” pag-amin ko.

“I can give you one.” sagot ni Janine.

Tiningnan ko lamang siya, naghihintay ng sagot niya.

“Well... papasok kasi si Josh ngayon and...”

Sapat na ang narinig ko. Hindi ko na siya pinatapos at dali-dali akong pumasok sa banyo para mag-ayos.

Narinig ko na lamang ang paghagikgik ni Papa at ang mga pang-aasar ni Janine.

At sa unang pagkakataon since what happened, napangiti ako.

Makikita ko na ulit si Josh. Makikita ko na ulit ang taong mahal ko. Sapat na rason na iyon.

Sapat na.
--
Josh.

“Josh, basta don’t let this ruin your friendship. Sayang naman. I know you’re better than this. Huwag mong hayaan ang isang pagkakamali na wasakin ang isang napakagandang pagkakaibigan.”

Patuloy na nage-echo sa utak ko ang mga salitang sinabi sa akin ni Janine kagabi. It took her quite a lot of effort para mapapasok ako, but she kept me sane all throughout the weekend. I have to hand it to her na kundi dahil sa kanya, malamang tuluyan na akong nilamon ng galit kay Matt, at ng galit sa sarili. Buong weekend ay pinagnilay-nilayan ko ang sinabi niya.

May mga choices ako. Pwede ko na siyang patawarin at kalimutan ang nangyari at magpatuloy na lamang sa dati naming samahan, o pwede ko rin namang huwag na lamang siyang pansinin at magpakatotoo dahil talaga namang nasaktan ako sa ginawa niya, and until now ramdam ko pa rin ang hapdi ng mga sugat. And that way, mas mapapadali ang paglimot ko sa kanya, sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam.

--
“Class, alam kong may mga naririnig na kayong rumors kung saan ang field trip niyo this weekend. And... those rumors were true! Gaganapin ang field trip niyo sa Vigan, and overnight iyon, 3 days and 2 nights! Ang saya ‘di ba?” excited na panimula ni Ms. de Vera sa klase na siyang tinugunan ng mga masasayang ngiti at halakhak ng buong klase... maliban sa akin.

Oo, pumasok na ako.

At oo, hindi ko pinapansin si Matt.

Tila nagkakaintindihan naman kaming dalawa dahil simula nang pumasok ako sa room ay wala siyang ginawa, wala ni isang senyales mula sa kanya. Tanging pananahimik lamang ang nakukuha ko mula sa kanya. Ngunit ang masakit ay nararamdaman ko ang pagkagusto niyang kausapin ako, ngunit at the same time ay nararamdaman din niya ang pangangailangan ko ng space. May mga pagkakataong nagkakatinginan kami, ngunit kapag nangyayari iyon ay siya ang unang kumakalas.

Ang hirap pala.

“Josh!” kalabit sa akin ni Janine na siyang nagpabalik sa akin sa aking ulirat. “Huh?” lutang kong tanong. “Lutang ka na naman, friend. Oh ito na ‘yung consent form.” sabi sa akin ni Janine, sabay abot ng papel. Napatitig naman ako sa papel nang marealize ko ang susunod kong dapat gawin. Sandali akong natigilan. Napabuntung-hininga na lang ako.

“Matt, oh.” mahina kong bulong at walang sabi-sabing inabot sa kanya ang papel, hindi makatingin ng diretso sa kanya. “Sa... salamat.” utal niyang sabi. Ramdam ko ang pait at panghihinayang sa boses niya, na siyang nakapagpalungkot sa akin. Muli akong napabuntong-hininga.

So much for a first conversation.

--
“Janine, nasaan si Matt?” tanong ko sa kanya habang kumakain ng lunch. “Hindi ko alam, eh. Pero alam kong alam natin kung bakit hindi natin siya kasama kumain.” sagot niya. Hindi ko alam kung sincere siya o sadyang pinaparinggan niya ako sa sagot niyang iyon. “Janine...” pagsisimula ko. “I know! I know! I’ll behave. Iniintindi ko na lang kayo. Ang hirap kasi na pumapagitna ako sa inyong dalawa.” pag-amin ni Janine.

Wala naman akong naisagot sa patutsada niya. Pati pala siya ay nahihirapan na. Nadali naman noon ang konsensya ko.

“Basta, remember what I told you. Huwag mong hayaang sirain niyan ang friendship niyo. Sincere naman si Matt, Josh. Ang importante handa siyang mag-effort para mapatawad mo siya.” seryosong pahayag ni Janine.

--
Makalipas ang ilang araw...

Isang araw bago ang field trip ay napagdesisyonan kong magpunta ng grocery pagkatapos ng klase upang mamili ng mga babauning pagkain at ilang mga personal na gamit na kakailanganin ko.

Pagkatapos kong mamili ng mga pagkain at gamit ay nakuha ng atensyon ko ang mukha ng isang pamilyar na tao. Sinundan ko siya at nang makumpirma kong tama nga ang hinala ko ay bigla ko na namang naramdaman ang sakit na dala ng kanyang mga sinabi noong huli naming pagkikita. Ngunit dahil na nga rin sa mga nangyari ay nakapagisip-isip na rin ako at napagtanto kong kung may pag-asa pang maayos ang isang bagay ay dapat hindi ko sayangin ang pagkakataong iyon. Kaya naman sinundan ko siya hanggang sa mapadpad kami sa parking lot ng mall.

“Gab!” pagtawag ko sa kanya.

--

“Now what?” naiinip niyang pahayag nang wala pa rin akong masabing kahit ano pagkaraan ng ilang minuto. Kasalukuyan kaming nakaupo sa park malapit sa aming subdivision. Maraming ala-ala na rin kaming napagsaluhan ni Gab dito, dahil dito kami laging pumupunta kung may problema ang isa sa amin. Dito namin sinusubukan hanapan ng solusyon ang problema ng isa.
“Josh, ano na?” pagpupumilit niya. Napansin kong kanina pa niya pinapadyak ang paa niya sa semento, isang senyales ng kanyang lubusang pagkainip. Ilang minuto pa ay wala pa rin akong maisip na sabihin. Bakit ko nga ba siya tinawag? Ewan ko rin, ang alam ko lang ay mali pa rin ang nagawa ko sa kanya, kaya gusto ko man lang maipaliwanag ang sarili ko sa kanya at humingi ng tawad.

Akmang tatayo na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan ang kanyang pag-alis.

“Stay... please.” pagmamakaawa ko. Nanatili lamang siya sa kanyang posisyon at hinintay ang susunod kong gagawin. Napabuntong-hininga siyang bigla.

“Look, Gab...” pagsisimula ko, ngunit pinutol niya agad ako. “So talagang kinalimutan mo na talagang bestfriend mo ako?” diretso niyang tanong. Tila nawasak ang puso ko sa narinig kong iyon. “Ano bang meron sa kanya, Josh? Anong meron kay Matt na wala ako? Bakit naman napalitan ako, bes?” at sa mga sandaling iyon ay nagsimula ng tumakas sa kanyang mga mata ang ilang butil ng luha.

“Bes, ang sakit kasi... kasi I’ve been treating you as my bestfriend tapos may ganon na pala... may kapalit na pala ako. Ang gago gago ko talaga! Bakit ko kasing hinayaang lumayo ang loob mo sa akin?!” paglalabas niya ng hinaing, at sa mga oras na iyon ay hindi ko na rin napigilan ang mga emosyon ko.

“Gab, it’s not like that...”

“NO!” pagputol niya sa akin.

“Let me finish. Ako rin naman talaga ang may kasalanan, eh. Pero... Josh sana man lang sinabihan mo ako. Ang sakit-sakit kasi talaga. Tapos noong nagpunta ako sa inyo pagkatapos kong malaman, nasaktan pa kita! And I hate myself for that! All your life, wala kang ginawa kundi ang intindihin ako, why can’t I do the same for you? I am good for nothing!” pagpaptuloy niya habang sinusuntok ang kanyang dibdib. Agad ko naman siyang pinigilan. Kahit pa mukhang nakayakap ako sa kanya at pinagtitinginan na kami ng mga tao sa park ay wala na akong pakialam.

“Gab, please stop doing this... Look I’m sorry, pero naman kasi... ang sakit sakit kasi nung ginawa mo, eh. And si Matt ang nandiyan para sa akin noong wala ka, ni minsan hindi niya ako sinaktan, at lagi niyang pinaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Pero if I had a choice... Look, nangyari na lang bigla. Hindi ko naman intensyon na palitan ka.” gusto ko namang sapukin ang sarili ko sa sinabi ko dahil narealize kong maaari pa palang makapagpalala ng sitwasyon ang pagdepensa ko kay Matt.

Natigilan si Gab.

“Mahal mo ba siya, Josh?” ang naluluha niyang tanong sa akin.

Ngayon ay ako naman ang natigilan.

“Sana hindi, Josh. Please huwag, Josh.” nagmamakaawa niyang sabi habang hawak ng magkabilang palad niya ang mga pisngi ko na siyang ikinagulat at ikinataka ko.

“Mahal kasi kita, eh.” nanghihina niyang pahayag. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Totoo nga ang sinabi niya sa akin sa ospital, ang halik niya sa pisngi ko, at ang special na pagtrato niya sa akin.

Napaamang na lamang ako kay Gab.

Oo, aaminin ko... kay tagal ko na itong hinintay. Ang swerte ko, dahil mahal rin pala ako ng taong mahal ko... ang kaso lang, eh...

Iba na ang mahal ko.

“There! I said it. Yes, Josh. I LOVE YOU! I was just too dumb and too fucking scared to realize that! Hell, I’m risking everything here, kasi clueless ako if may nararamdaman ka ba sa akin o wala... alam kong after ng pag-amin na ito, Josh... pwedeng layuan mo na ako, but I don’t care right now! I want you to know! Ayoko ng magsinungaling sa’yo! Just realizing how much I’ve hurt you when I last did breaks my heart. Kaya ito na, Josh. I’m laying all my cards here. I love you more than a bestfriend, not in a brotherly manner, not in a platonic way, but romantically! I hope this clears everything, Josh.” umiiyak niyang pahayag.

“Gab...” ang tangi ko na lang nasabi.

Napailing siya habang patuloy ang pag-agos ng mga luha niya.

Parang nadurog naman ang puso ko sa naging reaksyon niya. Tila alam na niya ang pinapahiwatig ko. Matagal na niya akong kilala, kaya naman kahit isang salita lang ang lumabas sa bibig ko ay alam na niya ang ibig sabihin.

“No... no! Hindi pwede! Josh, I’ll do everything. Hindi ko na alam ang gagawin ko, eh. Please, give this a chance. Give US a chance, Josh. I’m sincere, hindi kita lolokohin. Pangako kong hindi na kita sasaktan! Nandito ako, I’m yours Josh... just say you love me back. Please.” desperado niyang pagmamakaawa. Alam ko sa mga oras na iyon ay alam na niya ang pagkatalo, ngunit alam kong hindi pa niya ito tanggap.

Bawat segundong lumilipas ay unti-unting nawawasak ang puso ko sa nakikita kong ayos ni Gab.

I guess ito ang sinasabi nilang wala sa ‘perfect timing’. Hell, if this happened way back I wouldn’t have hesitated.

Pero ito na, oh.

Kay Gab, hindi ako masasaktan dahil mahal niya ako. Pwede pa namang ibalik ang nawalang damdamin, hindi ba? Kung nagawa ko siyang mahalin noon, ay siguro magagawa ko ulit iyon. Kay Gab... wala akong dapat ipag-alala, walang mga tanong na hindi masasagot, walang pag-alinlangan... basta tanggapin ko lamang siya.

Pero... kay Matt ko na naibigay ang puso ko.

Matt is a different matter altogether. Maraming tanong, maraming risks, maaaring sacrifices. Kapag umamin ako sa kanya, maaaring mawala na siya sa buhay ko... something na hindi ko kakayanin. Walang kasiguraduhan kay Matt, and hell I’m not even betting on the odds that he feels the same way. Pero mas nanaig pa rin ang totoo kong nararamdaman. It was very much the same when I started feeling things for Gab.

“Gab, I’m sorry.” He doesn’t deserve this. Ayokong magsinungaling sa kanya, dahil alam kong mas lalo ko lang siyang masasaktan.

“So hindi mo talaga ako mahal?” seeing his pained expression, I quickly gave him a hug.

“Gab, hindi ka naman mahirap mahalin. It’s just that... hindi talaga, eh. Ayokong ibigay sa iyo ang pagmamahal na hindi mo deserve. You deserve someone better. You are such a person, and you don’t deserve someone like me.” And I chose to keep my mouth shut about how I felt for him in the past, dahil alam kong walang magandang maidudulot iyon kung malaman niya... at saka, wala rin namang magagawa iyon para mabago ang nararamdaman ko, eh.

“But I love you! Ikaw ang gusto ko, Josh.” sigaw niya matapos kumalas sa yakap ko.

“We can still be bestfriends...” pagrarason ko.

“NO. I don’t think I can stand that.” protesta niya.

“Listen, Gab. Just like you... I’m being honest here. Iyon lang talaga ang pinakakaya kong ibigay. We can still be friends. I promise that this will not come between us.”

“Josh... please think this through. Mababaliw na ako, eh. Fine, if you can’t love me back now, I can’t take that... kaya for the meantime... please stay away from me.” at isang bomba ang pinasabog niya.

Wala akong naitugon sa sinabi niyang iyon.

Napabuntung-hininga siya.

“Don’t worry. I forgive you with this me and Matt thing. Alam ko kasing iyon lang naman talaga ang dahilan kung bakit mo ako kinausap, so I’d give you that. Magpapakalayu-layo muna ako sa’yo. Masakit pa kasi, but I hope you think this through. Maghihintay ako, Josh. When you’re ready with your final decision, you know how to reach me. I am still hoping. I will wait, dahil ganyan kita kamahal, bes.” malalim niyang sabi at naglakad na siya papalayo.

“Wait!” naluluha kong pagpigil sa kanya. Huminto siya sandali at ginamit ko ang pagkakataong iyon para takbuhin ang distansyang namamagitan sa aming dalawa. Ginawa ko ang isang bagay na hindi ko akalaing magkakaroon ako ng tapang para gawin.

Naramdaman ko na lamang ang pagtatagpo ng mga labi namin ni Gab.

It was one bittersweet kiss. Isang halik ng pamamaalam para sa akin. Ngunit hindi ko aakakaling darating ang isang punto sa buhay ko kung saan, finally, mahahagkan ko ang mga labi ni Gab.

“Thanks for everything, Gab. And just so you know, you’ve been such a great bestfriend.” malalim kong sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mapupungay niyang mata habang walang sawa sa pagtulo ang mga luha ko.

At naglakad na ako papalayo sa taong minsan kong minahal.

Ibang klaseng sakit ang nararamdaman ko. Sa ginawa ko ay parang dalawang tao na rin ang nawala sa akin: isang taong mahal ko, at isang kaibigan. I feel so guilty throwing everything away, pero pareho rin naman kaming may problema ni Gab. Ayaw niyang makinig, at ayaw kong magbigay. Looking back, lalo akong napaiyak habang isa-isang bumabalik sa akin ang lahat ng masasayang pinagsamahan namin ni Gab, ang araw na napagtanto kong mahal ko na pala siya, at ang simpleng imahe niya... isang taong minsan kong minahal, at ng isang taong habang buhay kong tatanawan ng utang na loob dahil sa pagiging isang mabuting kaibigan.

Kaibigan.

“Janine.” naiiyak kong bungad matapos niyang sagutin ang telepono.

If there’s one thing I need right now, iyon ay isang kaibigan...


Because I seemed to have lost one.

--

Itutuloy...

Abangan sa next chapter: Ano nga ba ang mangyayari sa field trip? Magkakabati na ba si Josh at Matt?

10 comments:

  1. ahy! Ang intense! Umiiyak na ako! Owmy gab! Owmy!

    ReplyDelete
  2. Iyak lng ako ng chapter ni2 at sad n sad :( ..,ganda talaga ng estoryang 2 nadadala ako s tuwing nbabasa ko to.,nxt chapter n plz..

    Julmax

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kagabi I was writing the pre-finale, wala pa ito doon. Rurok! :)) Grabe, hindi ko alam kung saan ko kinukuha mga hugot ko sa pagsusulat ng malulungkot na chapters. :)) Share lang. Thanks for reading!

      Delete
  3. ganda naman ng chapter na to! nakakaiyak

    ReplyDelete
  4. Good choice josh kay Matt k n lang mas sincere xa. Tnx sa update

    Randzmesia

    ReplyDelete
  5. Update na daliiXD

    -Kyo

    ReplyDelete
  6. Ang tagal kong inabangan to! Finally meron ng chapter 29! Can't wait to see chapter 30 :) Matagal man ang update na to, bawing bawi naman after kong mabasa. Intense! Ang ganda ng chapter na to Mr. Author. Sana meron na agad chapter 30 maybe tomorrow or the other day (atat?) haha :D more powers! Keep it up! X

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll schedule an update tomorrow/the day after that. Haha, I'm at a crucial point kasi... I'm about to write the finale chapter! And I need to plan when I schedule my posts para hindi maapektuhan ang regular flow ng updates. :) But don't worry, there's still quite a lot of chapters before the finale, so abang-abang din for updates! Salamat. :)

      Delete
  7. Bittersweet chap....galing.....kudos kuya author!

    Just

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails