Followers

Wednesday, July 17, 2013

'Unexpected' Chapter 28

In this chapter, malalaman natin kung paano iha-handle ni Matt ang mga nangyari sa birthday niya. At sino nga ba 'di niya inaasahang magiging bago niyang kaibigan?

Hi, guys! Unang-una sa lahat, ay nais kong pasalamatan ang mga bumati sa akin sa aking kaarawan. 19 na ako, if you're going to ask. :))

Furthermore, I'd like to thank everyone na patuloy na sumusuporta sa storyang ito. To be honest, akala ko ay konti na lang ang nagbabasa, but I thought wrong! Kaya maraming salamat. :D

Here's the next chapter, guys. Pardon the code-switching (napapadalas na English), kasi I was juggling writing academic papers noong isinusulat ko iyan.

Malapit na akong matapos sa pagsusulat, pero sobrang busy ko na sa school. Guys, please pray for me na matapos ko ito without affecting the regular flow of updates. I don't want to leave you guys hanging. :(

Happy Reading!


--
Chapter 28

Matt.
Dumating ako ng bahay, maga ang mata. Bigla na lang mapapaiyak tuwing maaalala ko ang nagawa ko, tuwing maalala ko ang mukha ni Josh kanina. Kitang-kita sa mukha niya ang sakit.
It pains me even more that I’m the cause of his pain.

Binuksan ko ang pinto at nagulat na lamang ako nang makita ko si papa na nakaupo sa sofa, gising na gising. Tila ay inintay niya talaga ako. Humarap siya sa akin, nakasimangot. Ngunit nawala din naman ang simangot niya nang makita niya ang ayos ko, dagdag pa ng pamumula ng baba ko dahil sa sapak ni Josh. “Anak,” malumanay niyang tugon.

Bigla ko na lamang nakita ang sarili kong tumakbo papunta kay papa at yumakap sa kanya. Nabigla naman si papa dahil sa ginawa ko. Iniiyak ko ng lahat ng kaya kong iiyak sa bisig ni papa. “Pa, I’ve hurt him so much.” humahagulgol kong sumbong kay papa, at tuluyan na niya akong niyakap. “Pa, I hate myself. Ang gago ko.” pagpapatuloy ko.

“He was hurt, Matthew. Give him some space.” ang tanging nasabi na lamang niya. At ginawa ko ang isang bagay na hindi ko aakalaing magagawa ko—or rather, hindi ko inaakalang ngayon ko gagawin.

“Pa...” patuloy pa rin ako sa pag-iyak. “... mahal ko siya, eh.” bulong ko.

Natigilan ako.

Naramdaman ko namang nagtense ang katawan ni papa. Agad naman akong humiwalay sa kanya at pinagmasdan ang reaksyon niya. Natakot ako, dahil wala akong mabasang emosyon sa mukha niya. Nakatingin lamang siya sa akin, blangko ngunit may bakas ng pagtatanong. Walang kahit anong emosyon. But then I took my chance.

“Pa, I’m gay.” mahinahon kong sabi.

Wala pa ring reaksyon. I bet in a few moments, he’ll hit me. I will lose my father. I will lose my only family, just like how I’ve lost the love of my life a while ago. Patuloy ko pa rin siyang tinitingnan.

Finally, napabuntong-hininga siya... at naiyak, which tore my heart further.

I’ve disappointed him. Now I know. Hindi man siya galit, ay alam kong nasaktan ko siya.

Hell! Why do I keep hurting the people I love? I’m good for nothing!

“Pa, I’m so sorry.” ang nasabi ko na lamang at tumalikod na ako para umakyat sa kwarto ko.

“Matthew, halika dito.” umiiyak niyang sabi. Napatigil ako at humarap muli sa kanya. I took a few hesitant steps towards him. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Anak, nang mamatay ang mama mo, ikaw na lang ang natirang pamilya ko. Masaya ako dahil napalaki kita bilang isang mabait na bata, na may takot sa Diyos. Sa araw ng libing ng mama mo, nang makita kitang umiiyak, ipinangako ko sa sarili ko na mas lalo pa kitang aalagaan.” sa ngayon ay humihikbi na si papa, at ako ay patuloy pa ring nakikining sa mga sinasabi niya, tahimik na umiiyak.

“Anak, nang mawala si Cathy ay alam kong kailangan kong punan ang kakulangan niya sa buhay mo, and seeing how I’ve done... I’m proud of you, anak. I couldn’t have asked for a better son than you, Matthew. Mahal kita, at ang hangad ko lang ay ang kaligayahan mo. Ikaw na lang ang natitira kong kayamanan sa mundo. Balewala ang lahat ng meron tayo, lahat ng ito, kung hindi ka naman masaya. Gusto kong maging masaya ka, anak. Kasi tatay mo ako, at anak kita. Tatay mo ako na nagmamahal sa’yo.” pagpapatuloy niya.

Alam ko nang mga oras na iyon ay tanggap na niya ako. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin si papa. “Salamat, papa.” hagulgol ko.

“Anak, huwag kang mag-alala. Tanggap ko, tanggap kita.” pahayag niya.

“I love you, papa.”

“I love you too, Matthew. Happy Birthday.”

--
Kinabukasan ay hindi naging maganda ang gising ko.

Ay mali pala, gising naman talaga ako. Wala naman kasi akong tulog, eh. Buong gabi ay nilamon ako ng guilt dahil sa ginawa kong pagditch kay Josh, ng galit sa sarili dahil sa katangahan ko, at ng sakit... dahil nasaktan ko ang taong pinakamamahal ko, something I vowed to refrain from doing. I was supposed to be the one taking care of him, making sure he’s okay. Ako dapat ang nasa tabi niya ngayon, ako dapat ang nagpapasaya sa kanya.

I really am good for nothing.

Oh, birthday ko nga pala ngayon. Happy Birthday, Matt!

‘Birthday’ lang, walang ‘happy’.

I did my best to stand up.

Hindi ako pwedeng sumuko. Now that I’m losing him, hindi ito ang pagkakataon para tumigil, bagkus ay kailangan ko pang dagdagan ang effort ko. Alam kong nasaktan ko siya, kaya naman dapat ko siyang mapasayang muli. I shouldn’t mull over, being a depressed, good for nothing fucktard. I need to be stronger. I need to be myself again, dahil kailangan ako ni Josh.
Dahil kailangan ko si Josh.

--
“Happy Birthday, Matt!”

“Tol, libre naman diyan.”

Ilan lamang iyan sa mga sumalubong sa aking bati sa school. Aaminin kong medyo nahimasmasan ako kahit papaano dahil sa presensya ng mga kaklase ko. Pilit kong ibinalik sa kanila ang pasasalamat ko. Pinilit kong ngumiti. Ayokong magmukhang mahina. Kaya naman I went through my birthday na parang walang nangyari.

Hindi pumasok si Josh at si Janine ng araw na iyon.

I have never felt so alone. Again, I started blaming myself for what happened. Kung maibabalik ko lang ang oras, I will never hesitate. Kung bibigyan lamang ako ng pagkakataong magawa iyon ay hindi na ako magdadalawang-isip. Okay na okay kami ni Josh bago mangyari ang lahat ng iyon. Matapos ang insidente sa bahay nila, matapos niya akong ipagtanggol mula kay Gab, matapos niyang aminin na mas mahalaga na ako sa taong mahal niya... ewan ko, pero umasa talaga ako.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob, dahil for once ay nakita na rin niya ako. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko, at gusto ko na rin talagang ipagtapat sa kanya itong nararamdaman ko. One can only handle too much. To be honest, it was so unbearable being with person you love the most, and not being able to tell and express how you feel. Masakit, pero pinipilit ko pa rin ipagpatuloy ang laban kahit walang kasiguraduhan. He gave me that spark of hope nang sabihin niya sa akin iyon. Umasa ako na... pwede niya rin pala akong mahalin, na baka... ito ay hindi lamang isang pangarap.

But then, I blew my chance.

Nawasak ang puso ko nang makita ko siyang umiiyak, at nang marinig ko ang pagtataboy niya sa akin. Ibang klase ang sakit na naramdaman ko kagabi, I’ve never seen him so... broken.

“Matt,” napalingon naman ako sa boses na iyon. Nadatnan ko si Nikki, nakangiti. Kasalukuyan akong nag-iisa sa likod ng stage, nagmumuni-muni sa mga nagawa ko kahapon. Gusto ko kasing mapag-isa. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “Sabi na, eh. Nandito ka.” ngiti niyang sabi at lumapit para umupo sa tabi ko. Tahimik lamang ako, hinihintay ang sasabihin niya. To be honest, wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino.

Si Josh lamang ang gusto kong makausap ngayon, pero alam kong isang malaking suntok sa buwan iyon given our situation.

“Happy Birthday nga pala.” panimula niya. Tinanguan ko na lamang siya, isang senyales na nagpapasalamat ako, pero isa ring paraan para iparating sa kanya na ayokong makipag-usap sa kanya. “I heard what happened.” malumanay niyang pahayag. Napabaling naman ako sa kanya. “What?” taka kong tanong. “Yesterday.” pakikisimpatya niyang tugon. “How did you..” utal kong tanong. Paano naman niya kasi malalaman iyon?

“Janine told me. I called her kanina and asked her kung bakit parang wala ka sa sarili mo. Matt, you can be totally honest with me. Since... I know your true feelings for Josh.”

“What makes you think I’ll do that?” irita kong pahayag.

“Look Matt, I know I’ve been... ewan, pero feeling ko after kong malaman ‘yung feelings mo kay Josh, nawala na lang iyong pagkacrush ko sa kanya bigla.”

“Huh?”

“Matt, I know may something ka for me. Something that... makes you mad? Kasi nga I have this feeling for the love of your life. But I can assure you, I’ve gotten over it. Alam mo ba kung bakit?”
Napailing ako. Saan ba papunta itong usapan namin?

“After mo akong talakan, which was awesome of you, to be quite honest. I’ve been secretly observing the two of you. Pagkatapos kong mag-observe for the past few weeks... nahiya na ako.”

“Look, just make your point. Hindi ako makasunod, Nikki.”

“I just felt that If I kept pursuing this feeling, makakagulo lang ako sa inyo. Matt, I’ve seen the way you treat Josh and to be honest, naiinggit ako sa kanya, because I’ve always wanted to have someone to treat me like you do with Josh. Si Josh naman, I can see that he’s happy when he’s with you. Iba ‘yung aura niya kapag kasama ka. Clearly, special ka talaga sa kanya. It’s just a matter of time before you two figure out that you have been feeling the same.”

Patuloy pa rin akong nakikinig.

“I didn’t want to intervene. You two are so perfect for each other. Matt, mahal ka rin ni Josh... I think nahihirapan lang siyang aminin sa sarili niya, or natatakot lang siyang sabihin sa’yo.”

“Paano mo naman nasabi? Niks, please huwag mo akong paasahin.”

“No, I’m telling you what I see. Sa tingin mo ba masasaktan si Josh ng ganoon sa nangyari kagabi if hindi ka ganoon kaspesyal sa kanya? Sa tingin mo ba, in the first place, would he go through all of that effort just to please you? Matt, you’ve been blinded by this fear of rejection, and because of that you are failing to see what Josh is feeling for you.”

At sa puntong iyon ay napaiyak na ako.

“Niks, I don’t know... pero kung tama ka man, I may have lost my chance. Oh God, I blew it big time! I’ve ruined everything!” sigaw ko. Wala naman siyang sinayang na oras at ikinulong na niya ako sa isang mahigpit na yakap. “Ilabas mo lang ‘yan. Everything is going to be okay. Baka hindi ngayon, pero baka bukas oo. Two people who love each other always come around.” malaman niyang sabi.

Makalipas ang ilang minuto ay masasabi kong nahimasmasan na ako kahit papaano.

“Niks, salamat ah. Sorry din if we’ve started roughly.” pag-aapologize ko. “No problem. So, ano ng balak mo?” tanong niya. “To be honest, I’m lost as hell. Clueless. Wala akong maisip na paraan. I’ve hurt him so much.” malungkot kong pahayag. “Matt,” malaman niyang sabi. “Hmm?”
“I think it’s time.”

“Time for what?”

“I think you should tell him how you really feel.”

Oras na nga ba? Handa na ba ako? I knew this was bound to happen anyway...

“How?” ang tanging nasabi ko na lamang. “I have a plan.” ngiting sabi niya. Nangunot naman ang noo ko. “Ano?” curious kong tanong. “Di ba may field trip tayo sa Ilocos next week? I think it’s the perfect opportunity for you to tell him.” sabi niya. “He wouldn’t even talk to me. Sinigawan niya ako, pinalayas niya ako sa bahay niya when I came. Hindi ko naman siya masisisi. Nasaktan ko siya, eh. I bet wala rin chance na magkasama kami doon kasi lalayuan niya ako.” matamlay kong pagpapaliwanag.

Nanatiling tahimik si Nikki.

“I can handle that. Ka-close ko ‘yung Guidance Counselor natin. Siya kasi ang nag-aayos ng field trip. Thank God, magkatabi surnames niyo... and na, pareho kayo ng gender so it’s less suspicious. I’ll tell her that magandang idea kung sa rooms and sa bus, alphabetically arranged. You know, para organized and all that shit. For sure you’ll end up in the same room. If I’m correct 2 persons per room doon sa place. Now you can have the chance to be alone with him.” ngiting pahayag niya.

In an impulse, niyakap ko siya.

“Salamat, Nikki.” naluluha kong pahayag.

“Oo na. Ang galing ko talaga.” natatawa niyang pahayag.

--

Itutuloy...

10 comments:

  1. ahahaha so kilig much na talaga! update na agad agad!
    2 thumbs up!

    ching

    ReplyDelete
  2. can't wait for chapter 29! thanks kuya author.

    Just

    ReplyDelete
  3. I'm happy, kasi may update na! Pero Mr. Author bakit parang masyadong maikli? Sana po yung mga susunod na chapters mahahaba na. Good luck! Keep it up. :)

    ReplyDelete
  4. Galing mu nmn idol author 19 y/o ka lng hehe so young..
    Nag-greet ako sau hpy bdy s prev chapter ha ;)
    Understand sobrang bc ka sa skul, take ur tym at gudlak

    So Matt, since u blew 8 bigtym, bumawi ka ng bonggang bigtym din ok? hehe at bilisan mu bka c Gab andyn lng s tabi.tabi
    Excited at kinikilig na ako 4 nxt chapter ah hehe

    AtSea

    ReplyDelete
  5. EXCITED NA AKO..NEXT CHAPTER NA PLEASE!!!!!!!!!!!!!HAHA

    ReplyDelete
  6. Mas gusto ko si Matt kaysa kay Gab :(( Sana maayos ni Matt to.LoL affected. Ang ganda ng story grabe.Pinapabasa ko sa mga kaklase kong girl kasi nacurious sila kung anong binabasa ko.then pati sila nahooj sa story Nice Story!! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat! Ikalat mo pa sa iba mong friends. X)

      Delete
  7. I am so into your prowess of writing. Keep it up man!
    I like the story much.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat. ikalat mo pa sa iba mong friends hahaha. :))

      Delete
    2. ^Oops, wrong comment (was using my cellphone that time). Thank you! I really appreciate this! :)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails