Written By : Baste31 - j.a.c.
Chapter 9 : Huling Gabi
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION
Medyo
sumakit ang mata ko sa tagal ng pagkakapiring.
Halos
wala akong makita pagbukas ng mata ko hanggang palinaw ng palinaw ang image na
nakikita ko. Nang tuluyan nang umayos ang paningin ko nakita ko na ang lahat ng
mga classmates ko, nakablindfold pa rin at karamihan nakayuko.
Si
Louie naman ay nakaupo at nakasandal sa ilalim ng puno ng buko, nakatingin sa
akin. Sa sobrang kaba ko huminga muna ako ng malalim at nag umpisa nang
magkwento.
"hindi
ko alam kung saan mag uumpisa, noon kasi nagising na lang ako na napakasama na
pala ng image ko sa lahat ng tao.
Napakapasaway,
maloko, hindi nag aaral ng mabuti, ginagawa ang gusto at sakit na nang ulo ng
parents ko. But all of that change when I met one of my bestfriends.
Hindi
ko naisip na ang aksidente naming pagkakakilala ay magiging dahilan ng
pagkakabati nami ng Papa ko. I never thought that a simple sorry can change a
life of a person.
Kaya
malaki ang pasasalamat ko sa kanya, siya ang nagturo sa akin kung paano maging
matapat at magpahalaga.
Palagay
ko nga hindi aksidente ang pagkakakilala ko sa kanya, na lahat ay may dahilan,
lahat ng nangyayari ay talagang nakatakda. Kaya para sayo tol? THANK
YOU!!"
ganon
lang kaikli ang message ko pero ang sarap sa pakiramdam pala kapag nailabas mo
ang mga nasa dibdib mo. Hindi ko alam na ako pala ang last sa amin na
magsasalita, nalaman ko na lang nang sabihin ni Sir na tanggalin na lahat ng
blindfolds nang mga classmates ko.
Natapos
ang bonding namin sa mga kataga ng Sir na "Harapin natin ang kinabukasan
nang walang pinagsisisihan!"
pagkatapos
ay pinayagan kami ni Sir na uminom ng kaunti pero no swimming dahil delikado
daw.
Ang
gabing iyon ay naging pinakaunforgetable dahil mas naging close kami ng mga
classmates ko kahit ilang buwan na lang ang dadaan ay maghihiwahiwalay na kami
pagkatapos ng graduation.
Tumagay
lang kami ng isang shot nila Paul at pumanik na kami sa room na nakalaan sa
amin. Dalawang bed ang nasa loob ng kwarto, maaliwalas ang pakiramdam sa loob.
Kulay puti ang pintura at bedsheets, kulay beige naman ang kurtina at pillows.
Pinagdikit
na lang namin nila Louie ang dalawang kama tapos nagharutan. Nagdaganan, paluan
ng unan,tulakan at kilitian. Nang mapagod kami higa kami na iba iba ang pwesto.
Ako nakahiga sa tiyan ni Paul pahalang ng kama, si Louie naka ayos nang higa,
si Paul naman ay nasa bandang paanan ang ulo.
Tahimik
silang dalawa nang maisip ko yung share kanina ni Paul.
"Paul,
ang dami mo palang di sinasabi samin, kala ko ba bestfriends tayo? Tsk"
"sorry
tol ha? Hindi ko alam kung pano sasabihin eh, pero atleast ngayon alam nyo na.
Isa pa wala naman akong planong itago sa inyo."
"ayos
lang yon. Wala namang nagbago, magkaibigan pa rin naman tayo." ang sabi
ko.
"teka
tol, tungkol sa nagugustohan mong girl. Sino yon?" ang dagdag ko pa.
"ahh..
Uhh.. Tol hindi ko pa kayang sabihin sayo ngayon, kapag kaya ko na sa ko na
sasabihin.."
"sooos..
Nagsikreto pa, siguraduhin mo lang ha? Kundi.." ang banta ko kay Paul.
"galing
mo kumanta kanina ha Louie! Talented!" ang pagpuri ko habang inuuga ng paa
si Louie.
"Oo
nga Louie, di namin alam magaling kang kumanta." ang sabi naman ni Paul.
"Louie,
hoy Louie wala kang imik dyan!" sabay angat ng ulo ko para tingnan si
Louie pero nakatulog na pala na nakapatong ang braso sa mga mata.
"tulog
na pala tong lokong to, di naman nagsasabi. Tulog na nga rin tayo, inantok
tuloy ako. Dito na ko matutulog sa tiyan mo Paul ha? May angal ba?
Heheh.."
"heheh..
Bahala ka, pag nangawit ako lalaglag ko na lang ulo mo. Hahah"
"subukan
mo.. Heheh.." at ayon nga at nakatulog na kaming tatlo.
Kinabukasan
nagising ako na maayos na ang higa namin tatlo. Ang luwag luwag ng pinagdikit
na kama pero dikitdikit kaming nakahiga.
Napansin
ko na nakayakap si Paul sa akin kaya inangat ko ang kamay nya palayo.
Bumaling
ako sa kabilang side ng kama kung nasaan si Louie.
Napakalapit
ng mukha ko sa mukha nya, natutulog pa rin pala.
Pinagmasdan
ko ang mukha ni Louie, hindi ko alam kung bakit pero parang nahypnotize ako,
kahit na tulog napaka gwapo nyang tingnan.
Maganda
ang tubo ng kilay kahit di makapal, maganda ang ilong at mapula ang labi, mga
katangian na pinapangarap ng babae.
Hindi
ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko kung bakit hinalikan ko si Louie sa
labi. Kakaiba ang naramdaman ko, parang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko
alam kung dahil sa kaba na magising si Louie o ano.
Ito
ang unang beses na humalik ako ng lalake, ang lambot ng labi ni Louie at hindi
ko alam kung bakit pero nasarapan ako sa halik na yon.
Pilit
kong binura sa isip ko ang ginawa kong iyon kay Louie at umarteng parang walang
nangyari.
"GISING NA! Hoy, GISING NA PAUL, GISING
NA LOUIE!!" pag iingay ko.
"good
morning!" ang bati ni Paul. "ang ingay mo naman" ang bungad
naman ni Louie na parehong nagising sa ingay at pag uga ko sa kanila.
Pagkagising
namin ay naligo na kami isa isa. Papahiramin ko sana si Louie ng damit ko pero
tumanggi sya gusto daw nya na suotin yung damit nya kahit luma na. H
indi
ko na sya pinilit at bumaba na kami sa dining area at hinintay yung ibang
kasama namin at kumain. Ang skedule pala namin ngayon ay Island hopping at
swimming.
Maraming
nagreact sa naging bihis ni Louie nung umagan yon. Iba pa nga sa mga classmates
ko nagtanong pa kung bakit ganon yung suot ni Louie, lumang t-shirt at maong
shorts na halatang dating pantalon na pinutol para maging shorts.
Hindi
naman sila pinansin ni Louie, parang wala lang sa kanya kung ano sinasabi ng
mga classmates ko ni hindi nga sya nagsalita ng masama laban sa kanila.
Masaya
naman ang naging island hopping namin, kwentuhan habang nasa bangka.
Kulang
na kulang ang isang buong araw para libutin ang lahat ng isla kaya wala kaming
ginawa kung hindi kumuha ng pictures.
Isinulat
pa nga namin nila Paul at Louie sa buhanginan ang pangalan ng bawat isla na
napuntahan namin at kinuhanan ng litrato.
Nang
magtanghali na ay bumalik na kami sa resort at nananghalian.
Matapos
naming mananghaliang lahat nagpalit na kaming lahat ng mga swimwear namin, ang
mga girls ay naka see through na damit at sexy na two piece.
Ang
iba naman naka sunday hat at shades pa bakasyonistang bakasyonista ang dating
kaya tuwang tuwa naman kaming mga boys at busog ang mga mata. Heheh.
Ako
naman ay naka floral shorts at nakahubad, yung ibang boys naman naka polo na
bukas ang mga butones at nakashades pa.
Si
Louie naman ay naghubad lang ng kanyang damit, napakagandang pagmasdan ng
katawan ni Louie, kitang kita sa katawan nya na napakasipag na tao dahil
defined lahat ng mga muscles nya na parang nag-g-gym.
Yung
dibdib nya, yung abs at biceps parang pangmodelo nga kung titingnan hindi pa
kasama yung mukha ni Louie na lalong nagpapaganda ng buong itsura ni Louie.
Pero
hindi naman papatalo yung katawan ko syempre! Ano pa at nag-gym ako dati. Hehe.
Hindi na nga lang napagpatuloy kasi ayaw ko namang magmukhang pangbody builder
ang itsura ng katawan ko, yung tamang hubog lang tama na sakin, lamang pa nga
ako kay Louie dahil mas maputi pa nga ako sa kanya eh. Hehehe..
Si
Paul naman naka polo na bukas ang butones, hindi man ganong maganda katawan
wala namang makikitang taba. Hindi naman talaga katawan ang pamatay kay Paul,
smile ang pinaka asset nya.
Kapag
ngumiti kasi si Paul tiyak matutunaw ang babaeng tititig sa kanya, para nga
syang model ng isang brand ng toothpaste kapag ngumiti na, pantay pantay ang
mga ngipin at napakaputi.
Noong
nakaset na kami derecho kami sa beach, napakasaya namin, habulan, basaan,
tinabunan yung katawan ng buhangin, picture taking at syempre swimming!
Habang
naliligo kaming tatlo biglang sinabi ni Louie na saglit lang at may sasabihin
sya samin ni Paul. Nagpunta si Louie sa buhanginan at nagsulat sa buhangin
"tol
SALAMAT sa lahat!" ang message nya samin ni Paul. Napangiti naman kami ni
Paul at tinawag si Louie.
"Louie!
Tara na dito tama na drama!". Bumalik si Louie samin at nagtawanan kami.
Lahat ng mga classmates ko busy sa kanya kanya nilang ginagawa. Yung iba
nags-swimming sa swimming pool na nasa resort yung iba naman nagvo-volleyball
at yung iba naman nakahiga papag na may umbrella.
Sobrang
saya namin ng hapon na yon, medyo umitim na ata kami sa kakabilad sa araw.
Nung
mga 6:30pm na maaga kaming pinag dinner ng mga professors namin dahil pupunta
kaming bar at magkakaroon ng cocktail party.
Nang
malaman namin yun nila Louie nagkangitian na lang kami naalala namin na sa
isang bar nag umpisa ang aming pagiging magkaibigan.
Kaya
lang ano naman ang maganda idea sa pagpunta sa isang bar? Meron din naman nun
sa Manila, kaya napagpasyahan namin nila Paul na hindi na lang kami sasama.
After
dinner habang nagp-prepare ang mga classmates namin para pumuntang bar nag-usap
naman kaming tatlo kung ano magandang gawin, alangan naman na habang nag-eenjoy
ang lahat sa party kami naman natutulog lang?
"ano
kaya kung uminom na lang tayo dito sa kwarto? Kapag sa bar kasi baka maramdaman
ni Louie na nasa trabaho sya at wala sa bakasyon! Hahaha!" pangungulit ko
kay Louie.
Matapos
naming magkasundong iinom na lang sa kwarto namin, pinabili ko sila Paul at
Louie ng 1 case ng beer at mga pulutan.
Hindi
na ko sumama sa kanila para magkausap silang dalawa, pakiramdam ko kasi hindi
sila ganun ka-close sa isa't isa, ewan ko ba parang kapag wala ako baka hindi
magkikibuan yung dalawa kaya nagbigay daan na kang ako para magkausap yung
dalawa.
Nagpalusot
na lang ako na ako na bahalang mag-ayos ng kwarto, para pagdating nila pwede
nang uminom. Iniusad ko lang naman yung mga kama sa gilid para may space kami,
pagkatapos kinuha ko yung camera sa bag ko at tiningnan yung mga pictures.
Medyo nainip nga ako dahil ang tagal bumalik nung dalawa.
Hindi
naman ako nagkamali dahil pagbalik nung dalawa nagtatawanan pa, nagtaka tuloy
ako kung ano nangyari at napag usapan nila, at parang close na close na sila!
Natuwa na rin ako kasi yun naman talaga gusto kong mangyari, ayos ang plano ko
di ba? Heheh..
Alam
ko naman na mag-uusap din yung dalawa kapag wala ako, si Louie pa e napaka
palakaibigan nyan napaka "likeable" na tao nyan.
Parang
kapag magkausap lang kayo ng kaunti magiging close na kayo. Nilapag namin lahat
ng bitbit nilang isang case na beer, isang plastic na ice tube, styro cups at
mga pulutan sa sahig.
Habang
naglalagay si Louie ng yelo sa styro cups isa isa kong binuksan ang tatlong
bote ng beer. Inabutan ko si Paul ng beer tapos ng aabutan ko na si Louie ng
kanya..
"siguro
ngayon hindi na bawal?!" pagpapaalala ko kay Louie noong abutan ko sya
dati ng beer sa bar.
"hindi
na BAWAL Sir! Pwedeng pwede na! Hahah" kinuha na ni Louie yung bote ng
beer at nagtawanan kaming tatlo sa kalokohan namin.
Tapos
non itinaas ni Paul yung bote nya at "Para sa ating pagkakaibigan!!"
napangiti nga ako kasi never ko pang nakita si Paul na manguna sa cheers.
"Yeaah!" at "Ayos!" naman ang naging sagot namin ni Louie
sabay tunog nang nagbabanggaang mga bote.
Habang
nag-iinuman kaming tatlo halos hindi naman ako maubusan ng i-k-kwento kay
Louie. Ikinuwento ko sa kanya lahat ng kalokohan ko noon, mga chiks at bading
na nagbibigay motibo sakin, mga classmates na nakokopyahan ko sa exam na mas
mataas pa minsan ang score ko, mga naging girlfriend.
Nang
mapag-usapan na ang mga girlfriend naalala ko na may nagugustuhan nang babae si
Paul kaya naman kinulit ko sya na sabihin sakin kung sino at saan nya nakilala
yung girl. Pero ayaw talaga magsalita ni Paul, naghabulan pa kami sa buong
kwarto at nagbuno sa kama.
"ano
ha? Huli ka na, hindi mo pa rin sasabihin?" sabi ko kay Paul habang
nakaupo sa tyan nya hawak ng mga kamay ko ang mga kamay nya. Kahit hindi
makagalaw hindi ko talaga mapaamin si Paul.
"kulit
naman! Sasabihin ko rin sayo, di ka lang makapaghintay e.."
"kulit
pala ha?! Kapag di mo sinabi hahalikan kita!"
"Waaaggg,."
dahan dahan kong inilapit kay Paul yung labi ko para kunwari hahalikan ko sya.
Nang medyo malapit na mukha ko kay Paul bahagya nyang iginid yung mukha nya at
pinikit yung mata.
"Waaagg..
Ang kulit!" Hindi ko naman talaga tototohanin yung halik kay Paul ng
biglang..
"HOY!"
Si Louie nasa likod ko na pala, at tinulak ako, kaya derederecho yung labi ko
sa gilid ng labi ni Paul. Napabalikwas naman kami ni Paul sa biglang pagki-kiss
namin.
"langya
naman Louie!!!" ang agad kong nasabi sa kanya sa sobrang gulat.
At
isang mahinang suntok sa balikat ang iginanti ko sa kalokohan nya. Habang si
Louie e halos mamatay na sa katatawa si Paul naman parang pulang kamatis sa
sobrang hiya.
Kaya
pinagtulungan naming bugbugin si Louie ni Paul hanggang mapagod kaming tatlo.
Hindi
ko na alam kung mga anong oras na yon pero halos maubos na namin yung isang
case na beer. Dahil na rin sa pagod at hilo gawa ng beer nakatulog kaming
tatlo.
Hindi
ko alam kung gaano kahaba ang tinulog ko ng magising ako para umihi. Hindi pa
naman umaga dahil wala pang makitang liwanag na tumatagos sa kurtina ng kwarto.
Pagbalik
ko saka ko lang napansin na wala pala si Louie sa kama. Nagtaka tuloy ako kung
saan nagpunta si Louie kya naglakad lakad ako sa labas para hanapin sya.
Paglabas ko ng resort ang sarap ng simoy ng hangin at tahimik ng buong paligid
kaya rinig na rinig ko ang kung sino na naggigitara sa di kalayuan.
Pagtingin
ko sa paligid nakita ko si Louie nakaupo sa ilalim ng puno ng buko paharap sa
dagat naggigitara.
Kaya
pinuntahan ko si Louie, nakatingin lang sya sa malayo habang tumutugtog hindi
man lang nya napansin na nakalapit na ako sa kanya.
"hindi
ka makatulog?" ang binungad ko sa kanya at umupo sa kaliwa nya. Ngumiti
lang sya ng pilit na ngiti nang makitang ako ang nagsalita at tumango.
"may
problema ba tol?" tinuloy lang nya paggigitara at..
"may
naalala lang ako.."
"talaga?
Ano?" sabi ko, ramdam na may gumugulo sa kanya.
Napahinto
sya sa pagtugtog ng gitara at tumingin sa malayo.
"si Diane..
To Be Continued
No comments:
Post a Comment