318 (My Second Attempt to Love)
By: ImYours18/Niel
Email and FB Account:
nielisyours@yahoo.com.ph
Wattpad Username: Nyeniel
Authors Note:
Anneong everyone! Chapter 3 na oh!
Woot woot! XD
Guys, first of all, I just want to
say sorry for the late update. Super naging busy lang po talaga dahil sa
presentation namin sa school kaya churi na.
Second, I just want to say thank
you very much sa lahat ng sumusuporta sa akin at sa mga works ko, lahat kayo
guys inspirasyon ko sa paggawa ng mga akda ko.
Third and the last, sana po ay
suportahan nyo din po ang another work if mine, ang “Ang Valedictorian ng Puso Ko.” Na ire-release ko po kapag naka-kalahati na
ako dito sa MSATL para hindi po masyadong hassle.
Salamat muli guys! Lavyah all! :*
PS: Paadd po ahaha! XD (nielisyours@yahoo.com.ph) Salamuch! :*
-nieL
Warning: Some words used in
the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not
appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any
parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and
comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About
the cover photo:
I do not own this image. Any complaint arising out of
its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be
immediately removed.
ENJOY READING =)
Chapter 3:
Xander’s Point of View:
Kinaumagahan, pagkagising na pagkagising ko ay tumama sa
mukha ko ang taas sikat ng araw na nagmumula sa binatana ng kwarto ni Colby.
Tinignan ko ang sarili at ang katabi ko, si bes. Kapwa kami walang kahit anong
saplot sa aming katawan. Kagabi pala ay may nangyari sa amin ni bes. Hindi ko
alam kung ano pang ibang dahilan kung bakit ko siya niyaya na makipagtalik sa
akin – ang tanging nasa isip at puso ko lang kasi ay nasasabik ako sa kanya at
mahal ko siya.
Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to. Hindi naman ako
bakla ngunit bakit bigla na lang tumibok ang puso ko para sa bestfriend ko.
Noong una ay paghanga lang to, dahil nga sa kahit anong panglalait sa kanya at
kahit anong galit sa kanya ng mga nagkakagusto sa akin noong high school ay
dedma lang sya at hindi niya pinakitang naapektuhan siya dahil hindi naman
talaga. Ngunit, sa pinapakita niyang tatag sa lahat ng sakit na nararamdaman
dulot ng ginawa ng gagong Tristan na yun at sweetness niya sa akin mas lalo
akong tinatamaan sa kanya. Masaya? Inspired? Yes, pero sa tuwing iniisip ko na
mag bestfriend kami at may mga bagay na maaring ma-risk kapag pinagpatuloy ko
at pinaglaban ang nararamdaman ko sa kanya, nasasaktan ako. Haiiissst! Pag-ibig
nga naman. Totoo nga pala ang sinasabi nila na love has no limit. Proven na sa
nararamdaman ko kay Colby, hindi ko naman kasi inaakala na magkakaroon ako ng
mas malalim na nararamdaman sa kanya sa kabila ng relasyon namin bilang
mag-bestfriend at parehas kami ng kasarian.
Teka? Bakla na ba talaga ako? Bakla na bang maituturing
kapag nagmamahal ka ng isang lalaki? Hayst! Ayaw kong maging bakla. Pero, hindi
ko din mapigilan ang nararamdaman ko para sa bestfriend ko.
“Bes..” Sambit ni Colby habang nagmumuni-muni ako. Haysst!
Napaka-cute nya talaga. Hindi ko alam kay Colby kung bakit wala siyang self
confidence, but he is adorable actually. Masyado nya lang binababa ang sarili
niya.
“Uhm bes? Good Morning!” tugon ko sabay bitaw ng isang
ngiti.
“Good Morning din bes..” Pagbati niya. “Anong oras na bes?”
Tanong niya habang kumukusot ng mata! Shit! Bakit ba ako tinatamaan kay Colby!
He’s very cute while doing that thing!
“8 o’clock in the morning sir..” Sabi ko habang sumasaludo
pa.
“Hahaha! Panget mo!” Pang-aasar niya.
“Hoy! Mr. Jake Colby Rivera. Sa tanang buhay ko ikaw lang
ang nakapagsabi sa akin niyan. You stained my image! Bawiin mo yan! Haha!”
Pang-aasar ko sa kanya.
“Hahaha!” Tawanan namin.
Tahimik.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung
dapat ba naming pagusapan ang nangyari
sa amin kagabi. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya na kaya ko nagawa yun
dahil nadala ako ng emosyon ko at hindi ng libog lamang, yeah may kasamang
libog ngunit nangingibabawa ang pananabik at pagmamahal ko sa kanya.
Inuusig na tuloy ako ng konsensya ko. Hindi naman dapat
pagtatalik ang paraan upang ma-express ko sa kanya ang pagmamahal ko e, dapat
sinabi ko na lang. But, I don’t have enough strength to do that dahil natatakot
ako na baka hindi niya naman ako mahal o mahalin. At natatakot ako na masira
kung anong meron kami kaya hanggat maari gusto kong magpigil, ngunit sa
nangyari kagabi? Hindi ko nagawa. Ang tanga ko! :’(
Ngayon hindi ko alam kung iiwas siya sa akin, ayokong isipin
niya na ginawa ko lang iyon dahil “trip” ko lang o ginawa ko lang siyang
“parausan ng libog” ngunit, takot ako na umamin sa kanya.
Umalis kami ni Colby ng bahay nila ng mga alas-11 ng
tanghali. Doon na rin ako nag-lunch dahil naghanda naman si manang ng lunch
para sa amin ni Colby. Umalis na kasi si tita at ang mga kapatid ni Colby at
kami na lang ang naiwan.
May napansin akong kakaiba kay Colby, parang iwas na ito
makipag-eye to eye sa akin? Dati kasi kapag napagtripan namin lalong lalo na
kapag kumakain kami ay nakikipagkulit ito sa akin, at madalas kaming mag
eye-to-eye, yun bang larong titigan? Ganun. Napansin ko din na tahimik lang
itong kumakain na lubhang nakapagpanibago sa akin. May kinalaman ba ang
nangyari kagabi? Sinasabi ko na nga e. Sana ay hindi naman siya umiwas sa akin.
Hindi ko kaya…
Hanggang sa pagsakay namin sa bus at jeep ay wala pa ring
imik si bes at nakatingin lang ito sa bintana. Hindi naman sya mukhang
malungkot, mukha lang maraming bumabagabag sa isipan niya. Sana naman ay hindi
ang nangyari kagabi, pero imposible, alam ko na may kinalaman ako sa iniisip
niya sa ngayon.
“Bes? Okay ka lang?” Alala kong tugon.
“Ahh.. Ehh.. Oo bes, iniisip ko lang yung assignment ko sa
statistics. Hindi ko pa kasi nagagawa e.” Sabi niya. Nagulat naman ako dahil
todo bonding pa kami kagabi e may problema pa pala sya sa assignment nya.
“Haahhh?! Bat hindi mo sinabi bes?” Gulat na sabi ko sa
kanya.
“Ahhh.. Ehh.. Hi-hindi k-ko kasi nakopya e..” Sabi nya na
uutal-utal. Sa aking palagay naman ay dahilan nya lang yun at malakas ang
pakiramdam ko na hindi iyon ang iniisip niya.
“Okay bes.. basta if you need any help.. nandito lang ako..”
Sincere na sabi ko sa kanya.
“Salamat..” Cold na sabi niya sabay baling muli ng tingin sa
bintana ng bus.
Alas-12 ng dumating kami ni Colby sa school.
“Bes? Ahh.. uhmm…?” Sabi niya na parang nagaalinlangan pa.
“Uhmm? Bakit bes?”
“Ahhh kasi.. ano..”
“Ano yun bes?”
“Ahhh.. Ehh.. Wala, sige pasok ka na..” Sabi niya na
mistulang nagaalangan.
“Ahh sige..” Nasabi ko na lang sa kanya sabay talikod.
Napahinto ako saglit.
Lumingon ako sa kanya.
Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Bakit ba
ganito akong kabaliw sayo Colby? Yun bang parang ayaw ko nang mawalay sa
kanya?! Ganun akong kasabik na makasama siya lagi.
Napansin ko namang huminto din siya ngunit makalipas ang
ilang saglit ay kumaripas naman ito agad ng takbo palayo..
Isang oras pa bago ang unang klase namin kaya naman pumunta
muna ako sa cafeteria upang tumambay. Magisa lang ako doon dahil nga wala pa
naman akong masyadong ka-close sa room except na lang kay Trina na katabi ko
tuwing physics ang subject namin.
Mabait naman si Trina, ngunit minsan ay parang hindi ko na
ito matantsa. Minsan kasi ay parang beyond the limits na ang mga tanong nya sa
akin tulad ng kung sino ba ang girlfriend ko ngayon, kung ano daw ba ang mga
type ko sa isang babae, kung may mga karanasan na daw ba ako sa pakikipagtalik.
Kung hindi lang sana ako inlove kay bes at ma-attract ako kay Trina dahil
maganda naman siya at sexy, ngunit sa mga pananalita nya at galaw ay
napakalaking turn-off nun sa isang lalaki.
Sa tuwing nagtatanong naman sya ay tinatawanan ko lang ito.
Parang wala naman kasi sa lugar e. Hindi naman sa nagpapaka-conservative ako
ngunit parang masagwa naman sa babae kung sya pa ang nagtatanong sa lalaki ng
mga ganung bagay.
Hindi naman sa pagmamayabang ngunit naging maingay na din
ang pangalan ko sa classroom namin. Oo, aaminin ko naman na may itsura ako
dahil nga may lahing Australian si mama, at doon ko nakuha ang aking kinis at
kaputian ng aking kutis. Ngunit, hindi ko naman binigyan ng pansin ang mga
bulungbulungan at ang mga praise na yun, ayoko lang kasi makarinig ng mga sabi
sabi sa mga classmates ko.
So, balik tayo kay Trina, and speaking of Trina..
“Hi Tristan..” Magiliw at may pilantik na sabi ni Trina.
“Uhm..” Gulat kong sagot. “Kamusta Trina?” Malugod kong
sabi.
“I’m okay. How about you?” Sabi niya. Napansin ko naman na
may kasama itong barkada sa di kalayuan. Natanaw ko ang mga kabarkada niya na
classmate ko rin na pinagmamasdan at pinagtatawanan si Trina sa ginagawa niya.
Hindi ko lang sigurado ngunit nakakaramdam ako ng mali.
“Kaano-ano mo yung guy na naghahanap sayo nung nakaraang
araw?” Tanong niya sabay harap sa akin. Nagtaka naman ako, sino yung tinutukoy
niya?
“Huh? Lalaki? Sinong lalaki?” Nagtataka kong tanong.
“He was looking for you e, accountancy ata ang course nun e.
I saw him with a cute guy dati..” Sabi niya. “I
think he’s a gay. No he’s a
faggot rather haha.” Pangaasar ni Trina sabay tawa. Namintig naman ang tenga ko
sa narinig. Tanggap ko pa sana kung tawagan nya ng gay si Colby pero kung
faggot?!
“Excuse me?! Kilala mo ba kung sino ang sinasabihan mo ng
faggot?!” Sabi ko sa kanya ng may pagtataas ng boses.
“Oooopppss.. Na-upset ba kita? I’m sorry Xander..” Sabi nya
ng parang nangaasar pa.
“Bestfriend ko yung tao at ayokong sinasabihan sya ng ganun
okay?” Sabi ko sa kanya sa mahinahon na paraan.
“Okay..okay.. Nandito lang naman ako to ask you if pwede ako
na lang partner mo sa gagawin na’ting play sa Literature e.” Sabi niya sa akin.
“Ahhh.. Ehh.. Sure, yun lang pala e.”Malugod kong sabi. Pero
ang totoo gustong-gusto kong magalit sa kanya sa panglalait sa bestfriend ko.
“Salamat Xander. Oh paano ba yan? Una na ako ah?” Sabi nya
sabay bitaw ng isang nakakalokong ngiti.
“Sure..” Sabi ko. Nilapit naman niya ang kanyang bibig sa
aking tenga.
“Mag-iingat ka sa bestfriend mo ah? Baka bestfriend with
benefits ang peg nyan?! Sayang naman ang itsura mo kung sya lang din naman ang
makikinabang sayo..” Bulong nya sa akin. “Babye!” Dagdag nya pa.
Gustong-gusto ko siyang awayin. Kung hindi lang sana siya
babae. Ayoko ng ginaganun si bes, dahil bestfriend ko ito.. at mahal ko ito.
Ayoko ng may naririnig sa mga tao sa paligid ko na bash tungkol sa kanya
lalong-lalo na kapag wala itong katotohanan. Nasasaktan ako ng doble dahil alam
kong ako ang dahilan kung bakit may mga taong nagagalit at naiinis sa kanya.
Tumayo na si Trina at lumapit na sa mga barkada nya.
Napansin ko naman na nagtatawanan sila. Hindi ko sigurado kung tama ba ang
hinala ko na ako nga ang pakay nila, ngunit malakas ang kutob ko na ako nga ang
pakay ni Trina, at ginamit pang panakot sa akin si bes.
Hindi ko na lang ito binigyang pansin pa..
Dalawa lang ang subject namin ngayon, gayundin sa schedule
nila bes. Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng discreet mathematics namin ay
pumunta ako sa room nila bes
“Excuse me, nandyan po ba si Colby?” Tanong ko sa isang
babae na nakatalikod.
“Oh Xander?” Gulat na sabi ni Nerrisse. “Si Colby ba kamo?”
“Oo, ahhh.. ehh.. nasaan pala siya?” Tanong ko kay Nerrisse.
“Ahhh, nasa baba ah? Hinahantay ka daw..” Sabi ni Nerrisse.
Agad naman akong bumaba ng ground floor upang i-check kung
nandoon nga si Colby, ngunit noong chineck ko ang benches ay tanging mga grupo
ng mga estudyante lang ang nandoon at wala akong nakita ni anino ni Colby.
Sinubukan ko syang hanapin sa buong ground floor, sa
gymnasium ng university, sa mga floors ng university, sa mga lobby ngunit hindi
ko sya nakita. Sinubukan ko ding tumawag sa kanya ngunit nakapatay naman ang cp
nya. Sinasabi ko na nga ba e, umiiwas si bes dahil sa nangyari sa amin kagabi.
Sinasabi ko na nga ba na makakaramdam sya ng pagkailang. Wag naman bes, hindi
ko kakayanin kapag umiwas ka.. :’(
Hapong-hapo akong bumalik sa mga bench sa ground floor dahil
sa paghahanap kay bes. Hanggang sa may isang pamilyar na boses ang narinig ko
mula sa likod ko. “Bes..”
“Bes??!” Gulat kong sabi. Si Colby, na may hawak hawak na
plastic ng softdrinks at may nakasalpak na earphone sa tenga.
“Oh ehh bat gulat na gulat ka? Alam kong mukha akong multo
pero hindi ako multo para katakutan mo bes.”
Pagbibiro nya sabay ngisi.
“Para kasing nakakatawa e..” Sabi ko sa kanya sabay talikod
palabas ng gate.
“Bes!! Bess!!” Pagtawag nya sa akin, hindi ko na lang ito
pinansin.
Mabilis akong naglalakad palabas ng university. Nakasimangot
akong naglalakad. Nakakapag-biro pa sya ng ganun? E halos mahilo na nga ako
kakahanap sa kanya dahil hindi ko sya makita. I know, napapraning lang din ako
dahil baka nga umiiwas sya dahil sa nangyari sa amin kagabi ngunit nagalala
lang din naman ako. Halos may labin-limang minuto ko din kasi siyang hinanap.
“Bessss!” Sigaw ni Colby na hinahabol ako. Mabilis pa din
akong naglalakad hanggang sa maaabot nya at mahawakan nya ang kamay ko. “Bes..
Saglit nga bes?! Ano bang problema mo?!” Pasigaw nyang sabi.
“Saan ka ba kasi nagpupunta?!”
“May binili lang naman ako at nakipagkwentuhan saglit kay Rizza?
Ano bang problema dun bes?!”
“Hinanap lang naman kasi kita sa buong campus.. Hindi naman
kasi ako nagalala..” Sarkastiko kong sabi sabay lakad muli papunta sa sakayan
ng bus.
“Besssss!”Pagsigaw ni Colby ngunit hindi ko pa rin ito
pinansin.
Hanggang sa makapasok ako sa loob ng bus ay hindi ko pa rin
sya pinansin. Nakaramdam naman ako ng awa dahil hapong-hapo sya noong tumabi sa
akin sa loob ng bus.
“Sorry na bes. Hindi ko naman sinasadya na magaalala ka..”
Hingal nyang sabi sa akin.
Imbis na kausapin ko si bes dahil sa sobrang awa ko ay
niyakap ko ito ng mahigpit. Sobrang higpit. Damang dama ko ang init ng kanyang
katawan at bilis ng pagtibok ng kanyang puso gaya ng sa akin.
Nakaramdam naman ako ng pagkakonsensya dahil kung tutuusin
ay wala naman talaga syang kasalanan. Masyado lang kasi akong napraning na
umiwas sya at masyado din akong nagalala.
“Bes, sorry din. Nagaalala lang talaga ko..” Sabi ko sa
kanya habang nakayakap sa kanya.
“Sorry din bes.. Kung
pinagalala kita.. “
“Wala yun bes.. Masyado lang talaga akong paranoid.” Sabi ko
sa kanya.
Ngunit laking gulat ko ng bigla syang kumalas sa
pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko. Ngumit siya. Mabilis nyang
inilapat ng madiin ang kanyang labi sa aking labi. Hinalikan nya ako. Nataranta
ako. Natulala at tila hindi makakilos dahil sa sobrang tuwa na naramdaman ko.
“Huy!” Pagising ni Colby sa diwa ko. Natameme pala ako dahil
sa ginawa niya. “Nangyari sayo?!” Matawa-tawa nyang tanong.
“Ahh.. Ehh.. Bakit mo ko hinalikan bes?” Mahinang tanong ko
sa kanya. Baka kasi may makarinig, nasa public place pa naman kami.
“Pangbawi ko lang bes. Saka masaya ako dahil
nakapagpatawaran na tayo. Bakit? Unusual ba to?” Tanong nya. Para naman akong
binatukan sa tinanong nya. Oo nga pala, usual na pala sa aming mag-bestfriend
ang halikan ang isa’t isa ngunit smack lang huh? Once pa lang namin nagagawa
ang torrid, kagabi.
“Ahhh ganun ba?” Malungkot kong tugon.
Tahimik kaming nakasakay sa bus. Maya maya ay bumuhos ang
malakas na ulan habang nasa bus kami. Wala pa naman akong dalang payong, at
malayo layo pa ang byahe namin.
“Bes? May payong ka dyan? Ang lakas ng ulan oh?” Pagtatanong
ko kay Colby.
“Nakalimutan ko nga magdala bes eh. Nakaka-asar. Baka
magpasundo na lang ako kay ate mamaya sa sakayan ng jeep. Pero, eh paano ka?”
Pagtanong nya sa akin.
“Ahhh. Ehh.. May payong ako hehe.” Pagsisinungaling ko sa
kanya.
“Patingin nga ng bag mo?” Pagaalinlangan ni Colby.
“Wag! Meron nga kasi bes..” Sabi ko sabay yakap sa bag ko.
“Maniwala. Patingin muna ako.” Pangungulit nya.
“Meron nga kasi ako dito.”
“Isa..” Pananakot nya.
“Dalawa.” Pamimilosopo ko.
“Tatlo. Wag mo kong intaying makalima!”
“Apat!”
Hindi na sya kumibo at tumingin na lang sya sa bintana. Buti na lamang at iilan na
lamang ang tao sa bus dahil kung titignan mo kaming magharutan kanina ay
iisipin mo talagang mag-jowa kami. Kinalabit ko si bes ngunit hindi ako nito
pinansin. Nilambing ko ito ngunit hindi ito nagpatinag. “Oh sya wala nga akong
payong, pero ayos lang. Makakauwi naman ako e.” Pagamin ko sa kanya.
“Tignan mo. E paano kapag nagkasakit ka? Sakitin ka pa
namang buang ka?! Ipapahatid na kita kay Ate Grace..” Pagaalala nya. Ang sarap
pala sa feeling kapag nagaalala sayo ang taong mahal mo noh?! Pulang-pula lang
ako sa sobrang kilig.
“Bes, alam mo namang malayo ang bahay ko. Nakakahiya kaya.
Okay na ako. Magpapatila muna ako.” Sabi ko sa kanya.
“Bahala ka nga..” Pagtatampo nya sabay tingin sa bintana.
Nagsalpak sya ng earphone sa kanyang mga tenga.
Tahimik.
“Bes, ano yang pinakikingan mo?” Tanong ko sa kanya.
Tinignan lang ako nito sabay irap sa akin.
Walang sabi-sabi kong kinuha ang kaliwang bahagi ng kanyang
earphone at sinalpak ito sa kanang tenga ko. Hindi naman sya umangal at
hinayaan lang ako sa ginawa ko.
Ikaw Lamang (Silent Sanctuary)
Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na
Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa
Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na
Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa
Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na
Mistula naman akong tinamaan sa bawat salita ng sinasaad ng kanta.
Tulad ng sinasabi sa kanta kung saan hinahanap-hanap niya ang kanyang sinisinta
at sa bawat oras na magkapiling sila ay ang saya saya nya. Sa bawat kilos naman
na ginagawa nya ay laging nasa isip nya at nagiging inspirasyon nya ay ang
taong minamahal nya. Parang ako, natuturete ako kapag nandyaan si bes, ang saya
saya ko kapag nandyaan sya, nauutal ako sa tuwing lumalalim ang paguusap namin
at lagi lang din siyang nasa isip ko sa kahit anong bagay na gawin ko.
Sa parte ni bes, hindi ko alam kung bakit nya iyon
pinatugtog. Kilala ko si bes e, may sariling soundtrack yan depende sa kanyang
mood. Noon ngang naghiwalay sila ng gagong Tristan ay puro mga pang-broken
hearted songs ang pinatutugtog nya. Ngunit, bakit nya naman kaya iyon
pinagtutugtog? Inlove kaya si bes? Kung ganun, may kakumpitensya na pala sa ako
kanya? Sana naman ay hindi, dahil sa ngayon ay wala pa
akong sapat na lakas to
confess my feelings to him.
“Bes? Bakit mo pinatutugtog yan?” Curious kong tanong sa kanya.
“Para kay Tristan?”
“Hala?! Hindi ah?! As if naman. Wala lang, favorite ko lang
talaga ang Silent Sanctuary.” Sagot nya.
“Ahhh. Ganun ba?” Reaksyon ko. Syempre natuwa naman ako kung
hindi para kay Tristan ang kantang iyon. Ngunit ang tanong sa isip ko ay para
kanino naman kaya yung kantang yun?! Hindi kasi ako ganung kakumbinsido na wala
lang yun at pinatutugtog nya lang yun dahil paborito nya lang talaga ang singer
ng kanta.
“Oo, at bakit mo naman nasabing para kay Tristan? E hindi na
nga ako mahal nung tao?”
“Wala lang. Na-curious lang ako.”
“Hahaha! Ikaw talaga bes! Wala lang to. Masama bang makinig
sa mga love songs kapag broken hearted?!”
“Hindi naman bes. Na-curious nga lang e. Kulit mo. Haha!”
Tawanan.
Magaalas-5 na noong makababa kami ng bus ni bes. Bahagya
namang humina ang ulan ngunit mabigat pa rin ang mga ulap dahilan upang dumilim
ang paligid. Mabilis naman kaming naglakad ni bes papunta sa sakayan ng jeep
upang hindi na kami abutan pa ng ulan ngunit huli na dahil habang naglalakad
kami ay muling bumuhos ang malakas na ulan.
Wala naman kaming dalang payong kaya wala na kaming nagawa
kung hindi ang maligo at enjoyin na lang ang ulan. Ngunit, imbis na mainis kami
ay napangiti na lang din si bes dahilan na mapangiti ako. Buti na lamang ay iilan
lang ang gamit at wala pa akong dalang libro sa araw na iyon kaya naman ayos
lang kung mabasa ang bag ko.
Mistula naman kaming mga bata ni bes na basang basa at
naliligo sa ulan. Nagbabasaan kami gamit ang mga tulo ng ulan na bumagsak sa
aming mga palad at winiwisik namin ito sa isa’t isa. Mistula naman kaming mga
baliw dahil sa lakas ng tawanan at paghaharutan namin ni bes.
Umuulan pa rin hanggang sa marating namin ang plaza. May mga
benches na ngunit wala naman pwede masilungan. Kaya naman umupo kami ni bes sa
mga benches.
“Bes? Natatandaan mo pa ba? Third year high school pa tayo
noong huli tayong naligo sa ulan?” Pagpapaalala nya.
“Oo naman bes. Same place din pala. Dito din tayo naabutan
nun e. Galit na galit nga sa akin si mama noon kasi pagdating ko sa bahay para
akong nag-swimming nang nakauniform sa sobrang pagkabasa..”
“Oo nga e, ako naman nagkasakit ng ilang araw noon.”
“Kaya umabsent ka ng limang araw?” Pagpapaalala ko.
“Oo dahilan upang magtampo ka.”
“E hindi ko naman kasi alam e. Kaya sobra akong nagalala..”
Pagpapaalala pa namin sa isa’t isa.
“Hahaha! Nakakatuwa noon bes noh? May bagyo na’t lahat lahat
pero tayo hala sige ligo lang. Haha!”
“Hahaha! Oo nga nakakamiss.”
Tahimik.
“Bes? Salamat ah?” Pagbasag nya sa katahimikan.
“Para saan naman bes?” Tanong ko sa kanya.
“Kasi binalikan mo ko. Kahit na na-risk yung honor mo ay
bumalik ka pa talaga dito. Hindi ko lang din kasi ma-imagine bes if ever na
wala ka dito sa panahong nagago ako ni Tristan. Baka kasi nagpakamatay na ako
bes. Buti na lang at nandyan ka. At napaka-thankful ko kasi never mo akong
iniwan, never mo akong pinabayaan. Kaya sobrang salamat..” Sabi nya sa akin.
"Syempre bes, mahal kita e..”
-
I T U T U
L O Y
-
How about
this chapter guys? ^_^ Sorry kung maikli guys ah? Need ko lang kayong bitinin
sa part nay an ^_^ hihi!
Sobrang bitin! Pero kapanapanabik! sana mas madalas ang update!
ReplyDeleteSana mabilis yung update! Kilig ako!
ReplyDeletenice medyo bitin nga lang kilig much neil. hehehe
ReplyDeletehave a great day
Sarap maligo sa ulan...gogogo xander ipafeel mo ang love mo ke colby. Tnx niel sa update
ReplyDeleteRandzmesia
bestfriend. parehong lalake. nag kikiss(smack) tapos normal lang yun..????? ihanap nio nga ako ng bestfriend na ganyan,., hahahahaha
ReplyDeleteHihixd Next part.
ReplyDeleteFeeling love...
ReplyDeleteHaisssst i miss my lalabs so muchzz
i'm inlove with colby. >.<
ReplyDeleteung nakakarelate ako sa set up na parang bestfriend w/ benefits.. Nkakaaliw.
ReplyDelete