By: Kulyitpangit:)
-----------------------------------------------------------------------------------------------
John Mickey Fortaleza
Ginising ako ng napakalakas na ring ng phone ko. Sino naman kaya ang tatawag nang ganito kaaga? Tsaka sunday ngayon ahhhh? Ahy. Oo nga pala Birthday ni kuya ngayon. Hihi. Oras na para isagawa ang plano namin ni ate na pinagplanuhan din namin ng 3 weeks. Malalaman niyo mamaya. Hihi
Kinuha ko phone ko mula sa side table, and to my surprise! May 36 missed calls!!! Anu be yen? Ka aga aga nagfloo'flood ng calls. And don't tell me na sa iisang tao galing ito? Hindi ko na nasagot yung call kasi namissed ko na.
Binuksan ko yung phone at tiningnan kung kanino galing. 15 kay kuya, 17 kay ate and the rest is from Austin. Kagabi pa yung kay Austin hindi ko lang nasagot kasi makatulog ako agad.
Hayst. Si Austin. Kagabi. Naaalala .ko na naman. Ito na naman ako. Parang may kumikiliti sa dibdib at tiyan ko. Ito na nga kaya yung kilig? Nahuhulog na nga ba loob ko sa kanya? Hmmmmmm. Ano man itong nararamdaman ko ieenjoy ko na lang. Yun naman talaga dapat ginagawa di ba? :)
Naalala ko yung tawag. Tiningnan ko kung sino yung huling tumawag kanina. Si kuya pala. So dali dali kong tinawagan yung number niya.
Naka isang ring pa lang ehhh sinagot na niya agad. Haha. Halatang inaantay niya tawag ko.
"Wow kuya hah!!! Ang aga aga flinood mo ako ng calls!" bungad ko agad sa kanya. Totoo kaya. 15 calls
galing sa kanya. Saan ka pa?
"Good morning din bunso." sarakastiko niyang sagot. Oo nga naman. Dapat kasi nag good morning muna ako. Ehhh. Sorry naman. Nacarried away ako ng feelings ko para kay Austin. XDDDDDD
Jowk lang! Itong mga ito!!! Huwag kasi!!! Nahihiya akoooo!!! XDDDDDDDDDDDDDDDDD
"ehehee. Good morning kuya. Anong meron? Bat ang aga ng tawag?" sabi kon nag mamaang maangan sa kanya. Part 1 of the plan is in the process na. hihi
"Ahm . . . . . .mag simba tayo bunso. Tinawagan ko na rin ate mo. Payag na siya. Uhm . . . . . . .. . . ikaw?" sabi niya na parang nalungkot ang boses. Ehhh. Birthday niya kasi ehh. Ta's hindi ko siya grineetan. Sorry talaga kuya. Parte talaga ng plano ehh. :D
"Sige kuya. Magbibihis na ako." sabi ko naman. Kailangang pigilan ko ang sarili ko kahit gustong gusto ko siyang greetan. Kalma Mickey. Kalma.
"Ahmm. . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . . . . . bunso. Wala ka bang naalala ngayong araw?" sabi niya na malungkot. Awwwwwwwwwwww. Kawawa si kuya. Don't worry kuya. Papasayahin ka namin mamaya. :D
"Wala naman kuya. Bakit?" sabi ko naman. Ihhhh. Ambad ko. :|
"Wala. Sige. Bihis kana." nasabi na lang niya. Ehhhh. Ang lungkot ng boses niya. Hindi ako pwedeng magmintis. Kailanagn maisagawa ang plano ng maayos. XD
Ibinaba na nga niya yung phone. Pagka baba na pagkababa niya nung phone, dinial ko agad ang numbwer ni ate. Kailangan ko ng updates.
"Hello ate." sabi ko pagaksagot ni ate ng phone.
"Hello. Ohhh. Anu na?" sabi niya. Halatang kumakain siya kasi may nginunguya pa ata.
"How is it going? Hindi mo muna siya grineetan hindi ba?" sunod sunod kong tanong kay ate.
"Hindi. Ginawa ko yung sinabi mo. Tsaka ayoko namang masira ang plano no." sabi naman ni ate.
"Good. Sige ate. Bihis na ako." pagpapa alam ko.
"Sige bunso. Ako rin. Kain lang ako." sabi ni ate sabay baba ng tawag.
Ako naman gumalaw na. Diretso na ako sa banyo para maligo.
Kailangan maisagawa namin ang plano nang malinis.
Kailangang sumaya nang husto si kuya ngayong araw!
AJA!
Cherry Anne De Leon
Ipinag patuloy ko na ang pagkain pagkatapos kong ibaba ang tawag.
Napa isip na naman ako. Plano ni bunso huwag munang greetan si PJ ngayong araw tas maghahang out sila buong araw, pero kunwari hindi namin naalala. Ako naman mauunang umalis sa kanila. Irarason ko na lang na wala ako sa mood pero ang totoo pala pupunta na ako sa bahay nina PJ para tumulong sa preparations ng sobrang laking party na si bunso mismo ang may pakana.
Opo. Si bunso mismo ang maya pakana ng lahat ng ito.
Pag sinabi kong malaking party, ibig sabihin malaki talaga!!!!
3 weeks before PJ's birthday ay nagprepare na kami. Invitations, catering, venue, and everything. Pero syempre kinakuntsaba namin ang lahat para hindi malaman ni PJ.
Imbitado ang buong section namin. Pati ang faculty at staff ng school imbitado. Imbitado din ang mga business socialites na kaibigan ng mga magulang namin. So ibig sabihin malaki talaga yung party.
Imagine? Nagawa lahat ito ni bunso para sa kuya niya?
Hindi ko maiwasang mag alala.
Paano kung mag assume si PJ after na malaman niya na pakana ni bunso ang lahat ng ito?
Haist. Lalo nang bumibigat ang sitwasyon.
Nakita ko pa sina Austtin at bunso sa mall kahapon. May pinabili kasi si Mommy sa akin.
Parang sobrang saya nila at sweet.
Nangyayari na ang lahat ng kinkatakutan ko. Pagkakataon na mismo ang gumagalaw para mangyari ang mga bagay bagay na ayokong mangyari.
Pero masyado pang maaga. Hindi ko inaasahang mangyayari ang mga ito ng ganito kaaga. Shet. Anong gagawin ko? Everything na pinoprotektahan ko ay nanganganib masaktan.
Unang kita ko pa lang kay Austin noon alam ko nang magiging malaking parte siya sa buhay naming tatlo. At nangyayari na nga.
Unti unti nang binabalot ng dilim ang mga buhay namin. And the thing is wala akong magawa para pigilan ang mga ito. Shet lang. Napangit ngit ako sa ideyang yun.
This shouldn't happen. Gagawin ko ang lahat para maagapan ang mga ito. Tinapos ko na ang pagkain ko at naligo na.
Hindi ko hahayaang masaktan ang kahit na sino man sa mga bestfriend ko. Ayoko.
AYOKO!!!!!!!!!!!!!
Pero ang tanong may magagawa nga ba ako?
Anong magagawa ko?
Tadhana na mismo gumagawa nito. Shet.
Basta. Gagawin ko ang lahat. Lahat ng makakaya ko.
Paul John Herrera
Natapos ang buong araw ko na wala akong natanggap na greetings kahit kanino. Oo. Lahat sila nakalimutan ang birthday ko.
Pati ang dalawang bestfriend ko walang naalala. Sina Cherry at bunso.
Pati si bunso. Nakakabwisit! Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala. Nakakabwisit lang at nagpumilit pa si bunso na pumunta sa amin ehh plano ko sanang magkulong ako sa kwarto ko. At dun umiyak!!! Shet lang.
Nakarating kami sa bahay. Bababa na sana ako nang may kung anong bagay silang pinagtakip sa mata ko. Ang higpit, tatanggalin ko na sana pero may dalawang malalaking kamay na humawak sa kamay ko. Hindi ko narinig ang boses ni bunso. Ano ito? Kidnap? Shet!!! Nasaan si bunso?
Nagsisigaw ako. Naramdaman kong pinasok nila ako sa bahay.
"Bunso nasaan ka!!! Shete pakawalan niyo ko mga kumag kayo!!!" yan at yan ang sinisigaw ko. Nasaan si bunso? Ano ba ito?
Naramdaman kong binitiwan na nila ako. Pagkakataon ko na para matanggal ang piring ko. Tinanggal ko ito.
Pero laking gulat ko nang pagkatanggal ng piring ko, imbes na bakanteng kwarto makita ko, isang party? ang nakita ko.
Teka teka? Ano ito? Naggagaguhan ba kami ng mga kidnappers.?
Tiningnan ko ang buong paligid. Mukhang malaking party nga.
Nakita ko sina mama, papa, mga teachers at classmates ko. Mga kaibigan nina mama na purong mga businessmen.
Iginala ko pa ang mga paningin ko nang madako ang paningin ko sa isang sulok ng malawak na garden namin(venue ng party).
Nandun ang mga taong pina ka importante sa buhay ko ngayon. Ang mga taong nagpapasaya sa akin. Ang mga bestfriends ko.
Nandun sina Cherry at bunso. Nginting ngiti sa akin. Parang unti unti nang rumerehistro sa utak ko ang mga nangyayari.
Patuloy pa rin ako sa pagtingin sa paligid nang biglang may magsalita
"Ok. Looks like we're complete. Ladies and gentlemen let's all stand up Let's give a round of applause to our birthday celebrant, Mr. Paul John Herrera!"
May tumugtog na music. Nagsitayuan silang lahat. Sabay sabay nilang sinambit ang mga katagang kaninang umaga ko pa gustong marinig.
"HAPPY BIRTHDAY PJ."
Shet. So naplano lahat ng ito? Hindi nila ako grineetan because they planned for this surprise party. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Naka smile lang ako dun sa stage. Nakahawak ang dalawang kamay ko sa ulo ko. Parang hindi ako makapaniwala na sinorpresa nila ako. Parang akong tangang lungkot na lungkot kanina tas ito ala maadadatnan ko?
Nakita kong kumakaway sa akin sina Cherry at bunso. Tinatawag pala nila ako. Siyempre ako pumunta naman sa kanila.
"Happy birthday PJ." ngiting bungad agad sa akin ni Cherry sabay abot ng gift niya. Niayakap niya ako. Yumakap din ako syempre. Kahit naman para kaming aso at pusa niyan ehh, bestfriend ko pa rin yan.
Hindi muna ako bumitaw sa pagkakayakap ni Cherry sa akin. ALam kong malaki ang parte nila sa surprise party na ito.
"Akala ko talaga nakalimutan mo ehhh." sabi ko habang nakayakap sa kanya.
Bumitaw kami sa pagkakayakap.
"Ako? Makakalimutan ko birthday mo? Never." sabi naman niya. Oo. Suplada si Cherry pero, pag soft side na niya ang nangingibabaw sobra na siya sa kabaitan.
"Happy birthday kuya." ngiting ngitng sabi ng isang tao sa akin. Kumpleto na ang birthday ko. Grineetan na niya ako. Makalimutan na lahat ng taong kilala ko ang birthday ko. Huwag lang ang taong ito. Huwag lang taong pinaka importante sa buhay ko ngayon. Ang taong mahal ko.
Ang bunso ko.
John Mickey Fortaleza
"Happy birthday kuya." sabi ko kay kuya sabay abot sa kanya ng gift ko.
Well, hindi talaga ako marunong pumili ng gift but i setlled with a gold necklace na panglalaki with the word kuya in it. Yun na lang. Mahal din naman!! XDDD
Well, back to the present. After kong magreetan si kuya, tiningnan niya ako Yung mga tingin na tagos sa kaluluwa. Grabe nga ehhh, parang gusto akong lamunin ng buhay. Tiningnan ko ang mga mata niya, may mga luhang namumuo. Pero hindi lungkot ang nakita ko. Saya. Sobrang saya ang nakikita ko ngayon kay kuya.
Bigla na lang siyang tumakbo at niyakap ako. Sobrang higpit ng yakap ni kuya. Yung tipong para bang ayaw niya akong pakawalan. Ayaw niyang mawala ako.
Nabigla ako sa umpisa pero unti unti akong napangiti at napayakap na rin si kanya. Minsan talaga si kuya emo! XD
"Akala ko talaga nakalimutan mo na." sabi niya sa boses na kay saya.
"Ako? Makakalimutan ko ba naman ang birthady ng superman ko? Hindi no! Hinding hindi yun mangyayari!" sabi ko. Hindi pa rin bumibitaw si kuya sa pagkaka akap sa akin.
Napansin ko pang hinahalik halikan niya ang ulo ko. Ramdam ko rin ang pagbigat ng mga hininga niya. Para bang ninamnamnam ang bawat amoy na nanggagaling sa akin. Ayaw niya akong pakawalan. Gusto niya sa tabi niya lang ako palagi. Hinding hindi ko ipagpapalit ang mokong na ito. Hinding hindi ko ipagpapalit ang superman ko.
"Siya kaya nangplano ng lahat ng ito. 3 weeks before your birthday sinabi na niya sa akin na magprepare na daw kami for this day. Ayun naglplano na nga kami. This big party that you are seeing now is all your bunso's doings." sabi ni ate na nakapameywang ang isa niyang kamay at nakangiti. Ang cute ni ate! XD
Bumitaw sa akin si kuya nang magsalita si ate pero nanatiling nakaakbay ang isa niyang kamay sa akin. Ang bigat ng kamay niya pero ano pa nga ba? Pagbigyan! XD
"Talaga?" sabi ni kuya sabay tingin sa akin with matching ngiti. "Ikaw talaga!" sabay pisil niya sa ilong ko na parang nanggigigil. Ang cute ko talaga!!! (Pagbigyan niyo na ako pwede?XDDD)
"Kuya naman ehhh." sabi ko na parang naiinis pero nakasmile. Pero syempre etchos ko lang yun.
Nasa ganun kaming pagkukulitan nang mapunta ang tingin ko kay Austin kasama ang mga ibang classmates namin sa isang table.
Hindi pa pala alam nina kuya na nanliligaw si Austin sa akin. I need to tell them soon. Hindi ako pwedeg maglihim sa kanya. Kailangan nilang malaman. Ayokong sa iba pa nila malaman. But how are they going to look at it? I mean is sila nga ehh hindi pa nag jojowa tas ako nagpapaligaw na!
Haist Joh n Mickey jowa agad? Nanliligaw pa lang yung tao jowa kasi agad! Erase erase! I can do this!! Basta sasabihin ko sa kanila right after this party. Tama. Bukas ko sasabihin. AJA!!
Time passed that day fast. I could see the happiness na nasa mga mata niya, sa aura niya throughout the night. Sobrang saya talaga niya. That fact makes me happier than he is. I'm happy na napasaya ko ang kuya ako. Siya na lang kasi lagi ang nagpapasaya sa akin ehh. I thought that i should pay him back for all the things that he has done for me. And this party was the ideal payment for him. And i succeeded. I made him happy.
I was just standing sa pool area nina kuya that time nang biglang may tumabi sa akin. Si kuya nasa garden pa nila talking to some of their relatives.
Si Austin pala.
"What's up?" sabi niya na naka smile sa kin.
"Ayos lang. Medyo pagod pero ok naman. Sulit." sabi ko namang nakangiti sa kanya,.
"I missed you. I didn't get the chance to talk to you for 2 days already. You were so busy for this event. I wanted to talk to you. Pero syempre inintindi ko na lang." sabi na naman niya na nakatingin lang sa kawalan sa harapan niya.
Nag iinit na naman mukha ko. I know i'm turning red again. Tsss. He missed me? Hayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy. Para namang may butterflies na nagliparan sa tiyan ko nang sinabi niya yun.
Ala!!! Ano itong sinasabi ko!! Naman ehhh!
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Ehhhhh. Ano namang sasabihin ko? Na namiss ko din siya? Ehhh. Oo namiss ko siya!!!!
ALa!!!!! Ayan na!!!
Erase the thought Mickey. Erase!!!
"You don't need to say anything. And you are blushing again." sabi niya na tumingin sa akin saka nakangiti.
Tumingin ka sa iba. Huwag mo akong tunawin halimaw ka. Tingin dun. Huwag dito. Arggggggggggggggg!!
"Is it really that obvious?" nasabi ko na lang tsaka nagpout.
"Yeah. But it makes you look cuter. And i like it." sabi na naman niya with full smile. Abot hanggang mata. Pwede ba? Enough puhlease? Baka sumabog ako! XDD
"Sige alis na ako. I only came here to say good night and bye kasi uuwi na kami." sabi niya tsaka nagsimulang lumakad paalis. Siyempre sinundan ko siya ng tingin.
Akala ko aalis na talaga siya pero hindi tumingin siya ulit.
"Wala ba akong . . . . . . . .ahm . . . . . . Goodnight kiss?" sabi niya na kinakamot pa yung ulo tas yung alam niyo yung style na pinapaliit ng mga lalaki yung isang mata nila? Yung pagwapo effect? Oo! Yun!!! XDDD Pero in all fairness effective sa kanya! XD
ALa! Ano ba yan!!!! XDDD
"Itulog mo na lang yan Austin." nasabi ko na lang nakangiti.
"Uhm. hehehe. Sige. Alis na ako. Bye." sabay kaway at takbo niya.
"May topak talaga." nasabi ko na lang na pailing iling sa sarili ko.
Ilang sandali pa dumating na si kuya at pumunta na kami sa room niya. Dito kasi ako matutulog ngayom. (Huwag kayong green pwede? Tulog lang ohh. XDDD)
Naligo kami tsaka natulog na. May mga damit naman kasi ako sa kanila.
(Hindi po kami sabay naligo. Aluu. Ang green! XD)
Nahiga na kami. Nakatalikod ako kay kuya. Syempre as usual niyakap ako ni kuya mula sa likod. Hindi talaga ako nagrereklamo kasi i feel safe when im in his arms. I love being embraced by him.
Gusto ko iba this night so ako humarap sa kanya tsaka niyakap katawan niya. ( Wag green ulit. Wlang mangyayari ok? XD)
"Goodnight kuya"
"Goodnight bunso."
Paul John Herrera
Nakayakap na naman sa akin ang taong mahal ko. Ang buhay ko. Himbing na himbing na siya sa pagkakatulog. Ang cute niya talaga . Gusto ko muna siyang titigan bago matulog.
Hindi ko talaga inasahang magagawa niya ang ganung kalaking party para sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na ginawa niya yun para sa akin.
But i think i'm taking my hopes too high na naman. Umaasa ba naman ako. That was just a surprise party kasi birthday ko. It's normal para sa magbebestfriends.
Haist. I even had a conversation with Cherry. She didn't want me taking my hopes too high rin dahil sa ginawa ni bunso. May sinabi rin siya na may malalaman daw ako sa mga darating na araw. Ayaw naman niyang sabhin. I will eventually know din daw.
Haist. Pero mali bang umasa ako? Umasa ako na mmahalin din ako ng taong nasa harapan ko ngayon? ng taong kayakp ko ngayon? Ng taong mahal ko? Ng bunso ko?
Mali bang umasa ako? Shete naman. Ang hirap ng ganito. :|
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
Kasabay nun ang paglalim ng hininga ko dulot ng matinding eosyon na nadaramna ko. Gusto kong mahalin niya din ako.
Sinamyo ko ang bawat amoy na nanggaling sa kanya. Nagbibigay yun kapanatagan sa akin. Nagpapatindi yun ng emosyon sa puso ko. Ng pagmamahal ko.
"Mahal na mahal kita bunso ko"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
So ayan. Wala na sana akong balak ituloy ito kasi wala naman atang nagbabasa pero sabi ni idol ituloy ko daw kung talagang ito gusto ko.
Bahala na kung hindi niyo babasahin.
Basta maguupdate lang ako hanggang gusto ko. At sure ball na tatapusin ko ito.
Thanks to kuya mike! :)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
I love your story... inaabangan ko na ung climax :) excited lng :) sna mag UD po kau pag free nyo :D
ReplyDelete- alex :)
The flow of the story was cute.. keep it up mr. author..
ReplyDeleteWhat a nice story' it made me smile, just continue what your doing! kilig much! Next chapter pls.
ReplyDelete- nathanjohn
Meron naman nagbabasa minsan nkakalimot lang magcomment dahil inaabsorb nmin ang bawat tagpo sa story. Lagi ko itong inaabangan. Continue lang. Thanks sa update.
ReplyDeleteRandzmesia
salamat po sa pagba2sa. Pls c0ntinue kahit b0ring siya. XD
ReplyDeleteTHANK YOU ULIT:D
Di naman boring kuya author e Hehe btw superb writing :)
ReplyDelete