Followers

Friday, July 12, 2013

'Unexpected' Chapter 26

Here it is: the confrontation.

Chapter 26


“Gab! Hindi mo naman sinabing pupunta ka dito.” medyo gulat kong pahayag.

“So this is the real deal, huh? Kaya pala wala ka ng time para sa akin... dahil diyan!” turo niya kay Matt na hanggang ngayon ay wala pa ring reaksyon sa mga nangyayari. “At ano ‘yung narinig ko? Bestfriend mo siya? Ha? Anong nangyari sa pangako mo sa akin? So pinalitan mo na ako?” mariin niyang pagpapatuloy. Sa mga oras na iyon ay nararamdaman kong unti-unti na akong nilalamon ng kinatatayuan ko. Hindi pa nga pala alam ni Gab, at hindi ko man lang binalak na sabihin ito sa kanya kahit na alam kong masasaktan siya. Dapat inasahan ko man lang na darating ang araw na ito kung kailan malalaman din niya.

“Ano? Magsalita ka Josh! Bakit mo ito nagawa?!” sigaw niya at naglakad na siya para sugurin ako. Hindi ko ikakailang natatakot na ako sa inaasal ni Gab at wala na akong nagawa kundi ang umatras. Akmang hahawakan na niya ako nang bigla-biglang tumayo si Matt at pumagitan sa aming dalawa.

“Back. Off.” kalmado ngunit may riing sabi ni Matt. Ngayon ko lamang ito narinig sa ganoong ayos. Nakakatakot. Sa mga oras na iyon, habang tinitingnan ko ang mukha ni Matt ay napalayo na ako ng tuluyan. Mukha siyang papatay. Mataman niyang tinitingnan si Gab at tila tinatantya ang susunod na gagawin ng una.

Sandaling natigilan si Gab sa ginawa ni Matt, ngunit agad-agad rin naman siyang nakabawi. “Fuck you. Sino kaya ang mang-aagaw dito? You back off! Akin si Josh!” balik ni Gab kay Matt at nilagpasan niya ito at nagsimulang magpunta patungo sa direksyon ko. Mahigpit na hinawakan ni Matt ang braso ni Gab. “I swear. Lay one finger on Josh at kakalimutan kong may respeto pa ako sa’yo.” banta ni Matt, sa parehong kalmadong paraan.

Ngunit tila walang narinig si Gab at pilit kumalas sa hawak ni Matt. Nang makawala ay agad-agad niya akong sinugod. Si Matt naman ay biglang hinablot si Gab at binigyan ito ng isang matinding suntok sa pisngi na siyang nakapagpatumba dito. “Ayoko sa lahat ‘yung hindi marunong makinig, eh!” at tila nawala na ang composure ni Matt nang mga oras na iyon dahil tila sumabog na siya.

Si Gab din naman ay hindi nagpatalo at aambahan na rin sana ng suntok si Matt, ngunit sa ‘di maipaliwanag na dahilan ay nakita ko na lang ang sarili ko na humarang sa pagitan ng dalawa. Nasalo ng kanang pisngi ko ang suntok ni Gab at ako’y napabagsak sa sahig. Hindi ko alam kung bakit ko ito nagawa. Dahil ba mahal ko si Matt at ayoko siyang saktan ni Gab? Pero ‘di ba mahal ko rin naman si Gab? Bakit hindi ko siya dinepensahan?

Masakit ang suntok niya, ngunit mas masakit ang nararamdaman ko ngayon. Masakit na nakikita ko silang dalawa sa ganitong ayos.

Sandaling natigilan si Gab at nakita ko ang napakalungkot na ekspresyon ng mukha niya. Si Matt din naman ay natahimik at tila nabigla rin sa ginawa ko.

“That’s it!” paghiyaw ni Matt at kinwelyuhan niya si Gab. “Alam mo matagal na akong nagpipigil sa’yo, eh. Ang tagal-tagal mo ng sinasaktan si Josh, pero parang wala lang sa’yo. Ngayon, bestfriend ba ang tawag diyan?! No wonder he replaced you! Hindi niya kasi maramdaman, eh!” nandidiring sabi ni Matt habang nakadikit ang katawan ni Gab sa dingding matapos siyang kwelyuhan ni Matt.

“At ngayon, sinaktan mo na naman siya. Hindi ka ba nahihiya? Ha?! Ang lakas din naman talaga ng loob mo, eh.” nanginging na sa galit si Matt.

Sa mga oras na iyon eh parang ibang Matt na ang nasa harap ko. Nawala na ang mga ngiti, ang mga tawa, ang Matt na nakagisnan ko. Ang Matt na nasa harapan ko ay isang galit, at palaban na tao. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi ko akalaing gagawin niya ito para sa akin, at dahil ganoon pala talagang katindi ang pagpapahalaga niya sa akin.

“Tangina! Speak up! Man up!” sigaw ni Matt kay Gab. Si Gab naman ay tahimik pa rin akong tinitingnan, oblivious sa presensya ni Matt. Nagkatitigan kami at bigla-bigla na lamang akong naluha. Nanlaki naman ang mata niya sa nakita niya. Si Matt ay wala pa ring kaalam-alam sa nangyayari sa akin sa kadahilanang nakatalikod siya at nakatuon ang pansin niya kay Gab.

“Wala kang alam.” ang huling sabi ni Matt kay Gab. “Umalis ka na. For Josh’s sake.” pahabol niya at lumayo na kay Gab. Nawala na ang matapang na ekspresyon ng mukha niya paglingon niya, napalitan ito ng gulat. “Bes.” singhap niya at walang sinayang na oras para lapitan ako. Niyakap niya ako, at pilit inaalo, kahit hindi naman ako humahagulgol at tahimik lamang na umiiyak.

Ilang sandali pa ay kumalas ako ng yakap kay Matt at tinungo si Gab. Naramadaman kong tututol sana si Matt, but apparently he thought better. “Gab... sorry. Magpapaliwanag ako.” pagsisimula ko, habang nakayuko. Ako naman talaga ang mali, eh. Gusot ko ito, kaya dapat gawan ko ito ng lusot.

“Bakit, Josh?” naiiyak na pagsisimula ni Gab. “A... akala ko ba, na promise... you promised. Alam mo naman... ‘yung ano, ‘yung pinagdaanan ko.” humihikbing sabi ni Gab. Nawasak naman ang puso ko dahil sa ayos niya. “Mahirap ipaliwanag, Gab.” ang tanging nasabi ko na lang. Hindi ko masasabi sa kanya na kaya ako nasasaktan dahil mahal ko siya. Oo, kahit hanggang ngayon. Kahit na mahal ko si Matt ay hindi ko itatangging may natitira pa rin akong pagmamahal kay Gab. “Mas magiging kumplikado lang ang lahat.” pagtatapos ko.

“Ano? Mahirap ipaliwanag? That’s bullshit! Ipaliwanag mo! Ang sakit, Josh! Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon! Ang ipagpalit ka ng pinakamahalagang tao sa buhay mo para sa iba! Hindi mo alam. Wala kang al—“ napatigil siya nang lumapat ang palad ko sa mukha niya. Sinampal ko siya. Hell, of all people! Ako ang sasabihan niya ng ganiyan?

“Everyday, Gab! Araw-araw akong nasasaktan! At fuck this! Gab, ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit ko nararamdaman iyon! Wala kang alam kung gaano kasakit, Gab! Akala mo ba ikaw lang ang nakaranas niyang tanginang pag-iiwan, pagrereplace? Hell, Gab! Sa tingin mo ba noong nagsinungaling ka sa akin about kay Therese hindi ko naramdaman iyon?  Hindi ba’t parang pinagpalit mo na rin ako? Gab, of all people, ikaw ang nakakaalam na kayong dalawa lang ni mama ang meron ako! Pero anong ginawa mo? Ni wala kang consideration!” at ngayon ay nagwawala na ako. Inilalabas ko na lahat ng kinimkim kong damdamin.

“Ito pa! Gab, sabihin mo nga. Sabihin mo, na out of all people! Ikaw, ikaw na pinagkatiwalaan ko, ikaw na naging sandalan ko, ikaw na... ikaw, being the last person I expect to hurt me, bakit mo nagawa pa rin iyon sa akin? Ha? Ngayon! Tangina, magpapakatotoo na ako. Tangina mo. Bestfriend mo ako, pero sinaktan mo ako at wala kang ginawa para pigilan ang sarili mo!” paglilitanya ko habang idinuduro-duro ko siya sa dibdib. “Ngayon, Gab! Sabihin mong wala akong alam! Sabihin mong ako ang selfish dito!” paghamon ko.

“Kung alam mo lang, Gab. Araw-araw kong nararamdaman iyang nararamdaman mo.” pabulong kong sabi. Natahimik si Gab. Mataman akong tinitigan. Walang nagsalita, o kumilos ng ilang minuto. Puro paghinga lamang ang maririnig sa loob ng kwarto ko.

“Umuwi ka na.” pagtataboy ko kay Gab.

I thought the worst part was over, pero nagkamali ako.

“You just wasted my time.” mahinang sabi ni bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Mahina man ang pagkakasabi niya ay parang hiniyawan na rin niya ako sa sinabi niya. Hindi maikukumpara sa kahit anong sakit na naranasan ko noon ang sakit na nararanasan ko sa kasalukuyan. Para akong hinambalos ng isang malaking tabla sa ulo. Tangina. Bestfriend kong maituturing pa ang magsasabi sa akin ng ganoon? At para saan? Dahil lang sa nangyari? Babaliwalain na niya lahat ng mga paghihirap ko sa kanya?

Sinisinok. Naghy-hyperventilate. Ewan ko ba. Wala na akong pakialam kung anong ayos ko ngayon. Sobrang nasaktan ako. “Ahhhhhhh!!!” impit kong sigaw dahil tila nawawalan na ako ng hininga. At nang mga oras na iyon ay naramdaman ko ang mga pamilyar na bisig na kumulong sa katawan ko. Ang mga bisig na nagpaparamdam sa akin na ligtas ako, na walang pwedeng manakit sa akin. Ang bisig ng taong mahal ko.

“Matt...” nanghihina kong sabi. “Shhh, huwag kang mag-alala. Nandito lang ako. Siya ang waste of time, hindi ikaw. Hayaan mo, reresbakan natin ‘yan.” pang-aalo niya sa akin. “Forget it. Hayaan mo na lang, please. Ayoko ng lumaki pa ito.” pagmamakaawa ko. Mataman naman akong tiningnan ni Matt. Ilang sandali pa ay tumango ito. Unti-unti na akong nilalamon ng kawalan. Nararamdaman ko ang pagbigat ng ulo ko, pagsikip ng dibdib ko. Sa mga oras na iyon ay nahihirapan na akong intindihin ang mga sinasabi ni Matt.

“Josh, nandito lang ako, ha. Alam ko kung gaano ka nasasaktan ngayon. Kaibigan mo siya at taong mahal mo. Huwag mo na siyang alalahanin. Nandito lang ako. Kaibigan mo...”

Unti-unti na akong nilalamon ng kawalan.

“... na pwede mo ring mahalin kung gusto mo.” masuyong sabi ni Matt.
--


“Aray!” reaksyon ko nang may maramdaman akong malamig na pressure sa may pisngi ko. “Anong nangyari?” disoriented kong tanong kay Matt, at bumangon sa pagkakahiga, ngunit napabagsak na naman ako sa kama dahil sa sakit na naramdaman ko. “Huwag kang malikot, bes. Medyo namamaga pa pasa mo.” seryosong sabi ni Matt habang nilalapatan ng yelo ang pisngi ko.

Biglang nagbalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina.

“Ahh, Matt... thank you ha.” seryoso kong sabi. Nahihiya na kasi ako sa kanya. Sobrang dami na niyang nagawa para sa akin. The way he stepped up for me when Gab came was probably one of the most courageous things I’ve seen in my life. Talagang natouch ako, at lalo pang umusbong ang pagmamahal ko para sa kanya. Napakabait ni Matt, at wala na akong mahihiling pa.

“Tsk, bakit ka kasi humarang? Bakit mo sinalo ‘yung suntok niya? Kaya ko naman iyon, eh!” medyo inis niyang baling sa akin na ikinagulat ko. Akala ko kasi ay sasabihin niyang Wala iyon, o kung anupaman. “Ah...” hindi ako makasagot. “Next time ayoko na ng uulitin mo iyon, ah. Ayokong ipagtatanggol mo ako. Ako dapat ang gumagawa noon sa’yo.” pinagsabihan niya ako. Namula naman ako at ‘di mapigilang mangiti.

“Pangiti-ngiti pa.” inis na bulong ni Matt. “Matt, can I be honest with you?” tanong ko. “Hm?” tanong niya habang patuloy pa rin ang hawak niya sa yelong nakalapat sa aking pisngi. “Hindi ko rin alam, pero nang mga oras na iyon, when I saw Gab aiming for you, ewan ko, there’s this part of me na ayokong masaktan ka. I guess... sobrang importante ka na sa buhay ko. To the point na mas importante ka na kaysa kay Gab kaya ko nagawa iyon.” sabi ko at napayuko na lamang akong bigla.

Katahimikan. Ilang sandali din akong naghihintay sa magiging reaksyon niya. Kung titingnan mo kasi ay parang sinabi ko na rin na mahal ko na siya by saying that he’s more important than Gab. Sana ay hindi siya makahalata.

“Can I be honest with you as well?” Matt finally broke the silence. Napatingin naman ako sa kanya., kinakabahan sa magiging tugon niya. “You’re cute when you’re shy like that, opening up. Parang hindi ka matae.” nakangisi niyang sabi habang itinaas-baba pa niya ang mga kilay niya. Nailang naman akong lalo. I shouldn’t have told him that! “Oh, natahimik ka? Ito naman. Thank you, bes. Ang tapang mo nga kanina, eh. Kinilig ako, promise!” tugon niya. Natawa naman ako sa inasal niya.

--
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni mama sa labas ng kwarto.

“Matt, baba lang ako.” sabi ko. “Oh, sama na ako.” tugon niya. Akmang tatayo na siya nang pigilan ko siya. “Ako na lang. Tawag lang naman ako ni mama. Uhm, laro ka na lang ng Xbox if you want.” ngiti kong pamamaalam sa kanya at lumabas na ako ng kwarto. “Oks!” dinig kong sagot niya bago kong tuluyang maisara ang pinto.

Pagkababa ng hagdan ay nadatnan kong nakaupo si mama sa sofa namin, tila seryoso. May kutob na ako sa ikatatakbo ng conversation namin. Napabuntong-hininga na lang ako bago umupo sa harap niya.

“Josh, ayoko ng makita si Gab sa pamamahay natin.” deretsahang sabi ni mama. Ganito naman siya lagi, eh, napakastraightforward. Wala naman akong nagawa at tumango na lamang. Seryoso na kasi si mama, eh... at saka sang-ayon naman talaga ako sa sinabi niya. “Tingnan mo ang ginawa niya sa’yo! Ang laki ng tiwala ko sa batang iyon. Pinakain, pinatulog, tinuring na parang anak! Tapos siya pa ang gagawa niyan sa’yo! Ang lakas din naman ng loob niya.” inis na inis na pagrereklamo ni mama. Wala akong naisagot.

“Anak, ayos ka lang ba?” ngayon ay malumanay na ang pagkakatanong ni mama sa akin. Tapos na ang worst part ng conversation namin. Nakikita ko ang concern sa mga mata at sa pananalita ni mama. “Hmmm, hindi po, but I know I’ll get by. I’ll be okay, ma.” tugon ko, pinipigilan ang sarili kong maluha. Bumabalik na naman kasi sa akin ang nangyari kanina. “Kalimutan mo na siya, anak. It’s for the best.” pagkumbinsi niya sa akin. Tumango ako, determined. “Ma, alam kong mahihirapan ako... pero alam kong nandiyan ka naman, eh. Kayo ni Matt.” tugon ko. Bigla namang lumiwanag ang ekspresyon ng mukha ni mama.

“Josh, gusto ko siya para sa’yo!” kinikilig na sigaw ni mama. Nanlaki naman ang mata ko. “Ma! Ano ka ba!” kontra ko sa kanya. “Sige, magdeny ka! Pero alam kong gusto mo siya!” pang-aasar ni mama. Natahimik ako. “See! Sabi na, eh! Huwag kang mag-alala! I fully support you.” nakangiti niyang sabi. Inismiran ko si mama.

“Anak, narinig ko lahat ng nangyari mula sa kwarto ko. Grabe, anak! Ikaw na talaga. Grabe ‘yung pagtatanggol niya sa’yo. At isa pa, ang gwapo-gwapong bata niya. Mahal ka rin noon. Promi—“

“Ma! Magtigil ka na nga. Hindi mo alam sinasabi mo. Imposible iyon. Maalaga at mabait lang ‘yung tao.”

“Anak, ikaw ang magtigil! Makinig ka nga sa akin. Sinasabi ko ito dahil ito ang nakikita ko. Iba ang mga tingin niya sa’yo. ‘Yung pagtrato niya. Kanina after ng lahat kinausap niya ako at hindi siya mapakali nang himatayin ka. Doon ay nakita ko kung gaano ka niya pinagpapahalagahan. Ikaw rin naman, mahal mo na talaga siya. Nang makita kita na sobrang bagabag sa pagkakaaksidente niya, naghinala na ako. Ngayong nakilala ko na si Matt, hindi na ako nagtataka.” mahabang pahayag ni mama.

“Ma, hindi na ako aasa.” napabuntong-hininga ako.

“Anak, trust me. Just see where this thing goes.” payo niya.

Natango na lamang ako para hindi na humaba ang usapan.


--
Lumipas ang isang linggo at masasabi kong medyo nakarecover na ako mula sa nangyari sa bahay. Kasalukuyan kaming nagkukulitan ni Janine habang hinihintay si Matt pumasok ng school. Naikwento ko na rin sa kanya ang nangyari noong isang linggo sa bahay, at inexpect ko ng magwawala siya. Nagpupuyos sa galit si Janine nang malaman niya ang ginawa ni Gab, pero pinakalma ko siya at sinabi kong kinalimutan ko na iyon kahit masakit pa rin sa akin.

“Uy, birthday na ni Matt sa Friday. Anong balak mo?” nagulat naman ako sa sinabi niya. “Huh? Birthday na niya? Wala naman siyang sinasabi sa akin.” taka kong tanong kay Janine. “Hay nako, ang sweet mo talagang friend. Very thoughtful.” pang-aasar niya sa akin. “Hindi ko talaga alam.” inosente ko pa rin na pahayag. “Anong ireregalo mo?” tanong niya.

Bigla naman akong nakaisip ng ideya.

“Bigyan ko kaya siya ng surprise party?” sabi ko. It was only an idea, hindi naman ako seryoso gaano. “OMG. Gusto ko ‘yan!!” excited na tugon ni Janine. “Seryoso? Naisip ko lang bigla, eh.” pagdadahilan ko. “Hoy, push na ‘yan! Sigurado ako magugustuhan ‘yan ni papa Matt!” pag-encourage niya sa akin. The thought na magugustuhan ni Matt ang isang bagay na ginawa ko pretty much sent me off.

“Patulong, ha.” ngiti kong pakiusap kay Janine. “Sure! So we still have 3 days to prepare.” pagpayag niya. “Ahm, the thing is... gusto kong the night before his birthday gawin if ever. Para hindi halata.” suhestyon ko. “May tama ka diyan. Oo nga naman. So that leaves you with 2 days. Keri mo ba?” tanong niya. “Hmm, I think it’s feasible. After all, ang naisip ko lang naman is kainan, simpleng celebration. Pagluluto ko siya. Tapos invite ko si Tito Richard, si Manang Vie, at ikaw. Intimate celebration na sa bahay namin gagawin siguro.” paliwanag ko.

“Mas maganda nga ‘yan! Oh my gas excited na ako.” enthusiastic na pahayag ni Janine.

“Excited for what?” dinig kong may nagsalita sa likod namin ni Janine. Hindi ako maaaring magkamali. Kilalang-kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. “Hi, papa Matt! Ano, ‘di ba kasi may field trip tayo next week sa Vigan? Excited na kami ni Josh. Overnight pa.” masiglang pagdadahilan ni Janine na siyang ikinahanga ko. Magaling talagang umarte ang babaeng ito.

“Talaga?” gulat na tanong ni Matt. “Oo kaya. Nako, huli ka na sa balita. Iyon ang bulung-bulungan dito, eh.” tugon naman ni Janine. “Maganda nga ‘yan. Kasing ganda mo.” banat ni Matt. Nagtitili na naman si Janine na siyang inexpect ko na. Natawa na lang ako sa dalawang timang na tinatawag kong mga kaibigan. “Eh bakit kinikilig ako? Dapat hindi! Kaasar ka, nako! Kaso heart mo si Jjj—“ “Uhm!” takip ni Matt sa bibig ni Janine na medyo namumula na. Nagtaka naman ako sa inasal ng dalawa. “Sarreh.” nahihiyang pahayag ni Janine. Nailing na lamang si Matt.


Ano bang meron sa dalawang ito?

--

Itutuloy...

8 comments:

  1. Intense yung Gab Matt moment.whew! Nakakadala.
    Tapos biglang nakakakilig yung Matt-Josh moment hihihi :">

    Kudos Author!

    -Btempt

    ReplyDelete
  2. first ako,,, how sad tsktsk tsk... gantihan ang nangyari???

    = paolo =

    ReplyDelete
  3. first ako,,, how sad tsktsk tsk... gantihan ang nangyari??? = paolo =

    ReplyDelete
  4. Hay nko team matt 4ever sana paki push ng updates ka excite

    ReplyDelete
  5. Hay nko ka kilig nmn sana pki push ng updates ka excite

    ReplyDelete
  6. kuya author can't wait for the next update kahit kakapost pa lang.....galing!!!keep it up!!!!

    jazz

    ReplyDelete
  7. grabeh na to, hindi kona kinaya ng power ko. kakakilig naman talaga.

    bharu

    ReplyDelete
  8. Huwaaaa.. hindi lang kilig to the bones, kilig top to the blood, veins, atay, at balun-balunan ang peg ko.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails