Followers

Wednesday, July 17, 2013

THE ROYAL SCANDAL 1.0 : Chapter 2 His Prominent Collar Bone


THE ROYAL SCANDAL 1.0 : THE PRINCE'S MAN © 2013




<<< THE MSOB VERSION >>>




by: Jayden Clark Reith Altamirano-Ibarra




Genre: bromance, yaoi, boyxboy




Humane comments, votes and commendations for this story are VERY MUCH APPRECIATED! Parefer po sa iba pang readers kung nagustuhan niyo po. Hehe. Salamat! :-P




PS. Hindi po ako Major in English so please with my English kung may mali man po ahh. Electronics Engineering po ang tinapos q eh. Hehe. Sana po ay magustuhan niyo ito.




---------------------




Chapter 2: His Prominent Collar Bone




*** Prince Alexander ***




"Teka! Teka! Ayos ka lang? AnonG Pangalan mo?" Sigaw kong papahina dun sa lalaking natumba na tumakbo papalayo. Tutulungan ko sana siya makatayo kung hindi lang dahil sa naramdaman kung kuryente sa pagkakalapat ng kamay niya sa kamay ko. May nakita din akong parang electrical discharge sa pagitan ng mga kamay namen. Yung makikita niyo kapag magsasaksak ng plug sa outlet? Anung tawag dun? Naituro na samin yun eh. Electric Arc! Tama! Yun ung tawag dun. Hmmmm nakita rin kaya niya yung ilaw na yun o imagination ko lang yun?




Teka! Bakit parang may mali? Marami na kong nahawakang kamay pero lahat sila normal lang. Walang kuryente! Walang arc! What's with his hand at ganun ang naramdaman ko? Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko. DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG!




Matapos yung incident na yun with him ay natulala na ako at hindi na rin ako nakapasok. Kahit prinsipe ako ng bansang ito ay kahit kailan hindi ko binalewala ang pag-aaral ko. I, myself, value education as much as I value myself, my family, and my nation. 3rd year na ako sa pinatayo naming The Royal Academy taking up Electronics and Communications Engineering.




Nakahiga na ako sa kama ko ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko yung lalaki kanina. He's like Snow White physically. His skin is as white as snow, lips as red as blood, and with hair as black as ebony. Super kinis pa. Height? Siguro hanggang balikat ko lang. Gangyang ganyan siya. Promise?! Parang babae. Time check: PHILIPPINE STANDARD TIME 11:53PM.




"Aarrggh! Bakit hindi siya mawala sa isip ko? Anung nangyayari? Magugunaw na ba ang mundo?" Sigaw ko sa kwarto ko.




Supposedly, natutulog ako mga 9-10 pm pero anung oras na. 11:53 pm ay late na para sakin. Hindi kasi ako sanay magpuyat or better say, ayaw ko lang talagang magpuyat. Nakakapimples ang pagpupuyat diba? Kakabawas kaya sa pogi points ang pimples. Tsk! Maya-maya, tumahimik sa kwarto ko.




(=_=) >>>>> Ako




Naalala ko kasi..... Yeah right!




I can still remember.....




Every detail.....




Of.....




HIS PROMINENT COLLAR BONE!!!!!




Naka-v-neck shirt kasi siya kaya kitang-kita talaga.  Napalunok ako nung makita ko yun. I have seen collar bones of different women pero hindi naman ako napapalunok. Tsk tsk! Nakatulog na lang ako na siya ang nasa isip ko.




*** Jayden ***




Second day of class. Nandito na ko sa The Royal Academy at hinahanap ko yung Engineering Building Room A403. Filipino 1 ang subject namen for this day. Maaga na ko pumasok kahit pa 10:30am class kesa hindi na naman hindi ako ulit makapasok. Habang naglalakad ako ay may humablot sa bag ko pero in a nice way. Mabilis siyang naglakad palayo sakin na hindi man lang lumingon. Hmmmm pamilyar ang tikas at tindig niya.




"Hoy Ryd, ang bag ko!"




Tsk. Imbis na ibalik sakin ay mas bumilis ang paglalakad niya habang itinataas ang bag ko na parang nagsasabi na "Habulin mo ko. Kunin mo sakin ang bag mo!" Mabilis ko siyang nahabol at hindi nga ako nagkakamali. Si Ryd nga.




"Hoy Ryd, ang bag ko akin na! Akin na dali!"




"Hello Jayd! Kamusta?" Siya sabay sukbit ng bag ko sa balikat niya at akbay sakin.




"Bago ka mangamusta, akin na muna ang bag ko. Leche ka! Bigla ka na lang nangunguha ng bag nang may bag. Akin na yan! Please?" Pakiusap ko.




"Bakit ko ibibigay sa'yo? Tingnan mo nga ang sarili mo. Ang liit-liit mo. Ang payat-payat mo. Tapos nagdadala ka na mabibigat?"




"Mabigat? Eh wala nga halos laman yang bag ko eh. Tss. Akin na yang bag ko. Tsaka bakit mo ba ginagawa toh?" Pag-aagaw ko sa kanya ng bag ko pero hindi ko pa rin naagaw.




"NANLILIGAW!" Straight at walang kagatol-gatol na sagot ni Ryd sa tanong ko.




"Ahh nanliligaw....." Ako.




1




2




3




4




5




"ANO? NANLILIGAW? IKAW? SAKIN?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya dahil sa pagkagulat. Halos limang segundo bago naproseso ng utak ko ang sinabi niya.




"I LIKE YOU at isang MALAKING OO. Manliligaw ako sa'yo." Isa na namang super straight na sagot mula kay Ryd. Sa pagsagot niyang yung ay napatigil kami sa paglalakad.




"Ryd are you kidding? If yes then please stop." Ako. Katahimikan ang namayani saming dalawa. Napansin kong nawala sa mukha ni Ryd ang kanina pa niyang suot ng isang malaking ngiti.




"Okay okay okay! Tatanungin kita. What makes you think na ligawan ako? You seemed refined and well-mannered, Ryd. You're rich, I'm not. You're gym buffed, I'm not. You look good, I'm not. Maraming magiging hadlang sa ating dalawa. Kahit na allowed ang same sex marriage dito sa Pilipinas ay hindi pa rin maalis ang panghuhusga sa mga taong kabilang sa 3rd sex. Kakakilala pa lang natin kahapon diba? You still don't know the real me. Baka mamaya iwanan mo ko kapag may hindi ka nagustuhan sakin. Baka mamaya iwanan mo ko kapag may malaman kang masama tungkol sakin. INFATUATION! Or let's say, PLATONIC LOVE o PHILIA o friendly or brotherly love! Yan ang nararamdaman mo sakin. Hindi pa yan EROS na you sense that you're trully in love with me. Mawawala din yan Ryd. Sa una lang yan. Hindi ko alam kung anung nagustuhan mo sakin pero hindi iyon ang totoong ako. Lastly, we can't deny the fact na lalaki ka and so am I." Mahabang paliwanag ko kay Ryd. Nakita ko sa mata niya ang lungkot kahit nakayuko siya dahil hanggang balikat lang ako sa kanya.




"Kahapon, may nakabangga akong estudyante dito sa The Royal Academy. Nagmamadali siya kasi tumatakbo siya. Pawis na pawis pa. Papunta siya sa direksyon ko. Kahit nakita ko siya ay hindi ako lumiko though alam kong magkakabanggaan kami. Yeah, I'll admit. I find him GORGEOUS kahit sa malayo pa lang. Nung nagkabanggaan na kami, hindi nga ako nagkamali. HE'S BEAUTIFUL! Napakagat-labi pa nga ako nung makita ko siyang napaupo eh. LOVE AT FIRST SIGHT? Maybe yes, maybe no. Hindi ko alam. Basta ang alam ko, my heart flutters nung makita ko siya. Sinubukan niyang makatayo pero hindi niya kaya. Napalakas ata ang banggaan namen. Second time? Natumba ulit siya. TTIIIINNGGG! May naisip ko. I position myself para ipiggyback siya. Ayaw niya pero pinilit ko. Sinampa ko siya sa likod kaya wala na siyang nagawa. I lied to him nang sabihin kong hindi ako kumportable na nakasampa yung braso niya sa batok ko kasi gusto ko talaga siyang ipiggyback. I find it more romantic kasi. Sabi ko dadalhin ko siya sa clinic pero ang nasa isip ko ay dadalhin ko siya sa dorm ko at ako mismo ang maggagamot sa kanya since kasalanan ko naman. Napainom ko na siya ng gamot. Hindi ko na siya pinapasok sa klase niya. Sabi ko ihahatid ko siya pauwi sa bahay niya pero ayaw niya. But then again, I insist. Desperado na nga ako. Habang nakahiga ako sa kama ko ay hindi siya mawala sa isip ko. Iniisip ko talaga ang mga nangyari samen. Bago ako makatulog ay napagdesisyunan kong ligawan siya. Yeah I know. Parang mabilis. Kapag niligawan mo ba ang isang tao ay kailangan alam mo na ang lahat sa kanya? Diba hindi naman? Kaya mo nga siya liligawan kasi gusto mo pa siyang makilala. Kapag nagmahal ka ba, iyong mga mabuting traits niya lang ang mamahalin mo? Diba hindi naman? Kung talagang mahal mo ang isang tao ay mamahalin mo ang buong siya. Maging sino man siya. Maging anu man siya. Maging anuman ang katayuan niya sa buhay. Ang mayaman ay para lang sa mayaman? Ang mahihirap ay para sa mahihirap? Ang babae ay para lang sa lalaki? Tsk! Hindi totoo yan. LOVE REQUIRES NO STATUS! LOVE KNOWS NO GENDER! Naniniwala ako dito dahil sa nararamdaman ko sa'yo. Kaya please Jayd allow me na makilala ka pa nang lubusan. Allow me to express my love for you. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapasaya ka." Ang mahabang litanya ni Ryd na nagpanganga at nagpatulala sa akin.




Hindi ko alam na ganun na pala kalalim ang emotional attachment ko sa kanya kahit unang beses pa lang naming magkakilala. Magaan ang loob ko sa kanya pero wala akong nararamdaman sa kanya kundi pagkakaibigan. Hindi ko nga lubos maisip na ang isang tulad ni Ryd ay magkakagusto sakin. Sa kabilang banda ay napahanga ako sa kanya sa paglalahad niya ng damdamin niya sa akin. Ang iba kasing lalaki ay hindi matanggap ang katotohanan na nagtatangi sila sa pareho nilang kasarian. Pilit silang nagtatago sa huwad nilang pagkatao at pilit na sumusunod sa dinidikta ng iba imbis na sa puso at isip nila. Hindi natin madidiktahan ang puso. Hindi natin makokontrol ang isip. Sabi nga sa isang kanta ay kapag tumibok ang puso, wala na tayong magagawa kundi sundin ito. Hindi kasalanan ang magmahal. Ang kasalanan ay ang pananakit mo sa sarili mo sa pagsunod sa ayaw ng puso't isip mo. If sa pagsunod mo sa kung anong gusto mo ay may mga taong lumayo sa'yo, hayaan mo sila. Hindi sila ang mga totoong nagmamalasakit sa'yo.




"Hey Jayd, are you okay?" Nag-aalalang tanung sakin ni Ryd. Naputol ang malalim kong pag-iisip.




"Huh?... Ah... eh... o..okay lang ako! Nabigla lang ako sa mga pinagsasabi mo. Pasyensya Ryd. Please let me think. Ayokong masaktan ka at ako sa mga hakbang na gagawin natin. I hope you won't mind pero pwede na ba tayo pumasok sa klase natin?"




AWKWARD!




KATAHIMIKAN!




Habang naglalakad kami papunta sa Filipino subject namen ay dala pa rin naman niya ang bag ko at nakasukbit ito sa balikat niya. Tahimik kaming naglakakad.




*** Prince Alexander ***




2nd day as third year college. Kakadating ko lang sa TRA. I'm with my royal guards as always. Hindi na ko nagpasama sa kanila kahapon kasi hiniling ko sa aking Amang Hari na pumasok sa school ng mag-isa. I was on my way sa building namen when I saw the guy na nakabanggaan ko kahapon. Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko. I saw him with Ryd, isa naming freshman. Supposedly dapat sophomore na si Ryd kaso nagbulakbo ata kaya ayun balik 1st year. Tahimik silang nag-uusap. Or in a more accurate term eh seryoso ang kanilang pag-uusap.




Sa direksyon nila ang punta ko kaya madadaanan ko sila. Nang makita nila ako'y agad nila akong binati.




"Magandang umaga po. Mahal na Prinsipe!" Si Ryd. Siniko nito ang katabi na kanina pa nakayuko.




"Ay! Ma-ma-magan-dang umaga po sa-sa inyo Mahal na Prinsipe!" Utal-utal na bati sa akin nung lalaki. Bakit kaya?




"Magandang umaga rin sa inyo! Papunta na ba kayo sa inyong mga klase?" Ako.




"Opo Mahal na Prinsipe. Maaari po ba kaming makisabay sa inyong paglalakad papunta sa building natin?" Si Ryd.




"Haha. Siyempre naman."




Habang naglalakad ay napansin kong tahimik lang ang lalaking kasama ni Ryd. Nakikita ko sa kanyang kinakabahan siya. Bakit kaya? Masama kaya ang pakiramdam niya?




"Ryd maari mo ba kong ipakilala diyan sa kasama mo?" Ako. Tumigil kami sa paglalakad kasama na rin siyempre ang mga royal guards ko sa likod. Mga sampu rin sila. Haha. Andame noh?





"Ay oo nga pala. Mahal na Prinsipe, siya nga po pala si Jayden Clark Reith Altamirano. Freshman din natin siya katulad ko. At Jayd, ang Mahal na Prinsipe, Prince Alexander" Pagpapakilala samin ni Ryd. Nakaabang ang kamay ko para makipagkamay.




Nang lumapat na ang kamay niya sa kamay ko ay naroon pa rin ang naramdaman kong kuryente kahapon nang tulungan ko siya. Hindi na ganun kalakas pero meron pa rin naman dahilan para bitiwan nung lalaki ang kamay ko ngunit mabilis pa sa alas-kwatro ang paghawak ko sa kamay niya. Ang lambot at kamay niya ang pinakamalambot na kamay na nahawakan ko na. Parang ayaw ko na siyang bitawan. Ramdam ko ang kaba mula sa nanginginig niyang kamay.




" Okay ka lang ba Jayden?" Ako.




"Opo, opo! Medyo kinakabahan lang kasi ngayon ko pa lang po kayo personal na nakilala Mahal na Prinsipe. Pagpaumanhin niyo po." Si Jayd.




"Haha. Wala kang dapat ipagpaumanhin." Ako sabay bitiw sa kamay niya. Muli kaming naglakad patungo sa building namen.




"Wui Ryd sa'yo ba yang bag sa balikat mo? Nakikita kasi kita palagi last year pero hindi ka naman nagdadala ng bag diba? Palaging fillers ata ang dala mo nun?" Tanung ko kay Ryd.




"Ahh. Kay Jayd po ito Kamahalan. Nililig....." Sagot ni Ryd pero naputol ito nang biglang sumingit si Jayd.




"Opo bag ko po yan Kamahalan. Kinuha niya po kasi sakin kanina. Eh hindi ko na nakuha kaya hanggang ngayon nasa kanya pa rin po." Si Jayd na halatang kinakabahan pa rin.




"Ahhhhh okay! So mauna na ko ahh. See you around." Hindi ko alam kung bakit bigla kong gusto umalis sa kinatatayuan ko. Ewan! Hindi ko talaga alam.




"Ahh sige po. See you around din po." Si Jayd sabay yuko bilang paggalang. Yumuko din sa akin si Ryd. Agad akong umalis sa lugar nila.




*** Ryder ***




Tumunog ang bell dahil lunch time na. Agad akong tumayo at kinuha ang bag ni Jayd nang hindi niya namamalayan.




"Wui Jayd sabay tayo maglunch. Treat ko. Hehe."




"Naku wag....." Si jayd




"WAG kang tatanggi kundi malilintikan ka sakin. Bwahahahaha" Pinutol ko ang pagsasalita niya kasi alam kong tatanggihan niya ang alok ko.




"So halikan na? Este halika na? Haha." Napakunot ang noo niya sa banat kong yun. Haha. Ang kyut niya kapag nakakunot ang noo niya. Para siyang si Ryzza Mae Dizon, ang pinakamaliit na dabarkadz ng Eat Bulaga, na mainit ang ulo.




Dahil sa The Royal Academy kami nag-aaral ay sosyal ang cafeteria namen. May mga VIP Rooms na para sa mga anak ng mga shareholders o yung mga nagmamanage ng TRA at ang Royal Lounge na para siyempre kay Prince Alex. Tangging si Prince Alex, si Pierre na royal assistant niya at ang limang royal maids na appointed para pagsilbihan siya ang pwedeng pumasok sa RL. Pwede lamang pumasok ang mga maids sa RL kapag si Prince Alex ay nasa loob. Mata ni Prince Alex ang susi para makapasok ka sa RL kaya no means para manakawan ito. Puro kasi mamahalin ang mga gamit sa loob. Salamin lang din ang dingding ng mga rooms. Kitang-kita mo ang ginagawa ng mga VIP students sa loob.




Parang restaurant ang style ng cafeteria namen dahil may mga waiters at waitresses na lalapit sa'yo kapag kukunin nila ang order mo. Pwede kang magbayad gamit ang ang cash, credit card o check. Nang makapasok sa loob ay sumusunod lang sa akin si Jayd. Pumasok kami sa isang VIP room ngunit pinigilan siya makapasok ng isang crew doon.




"Sir hindi po kayo pwede sa loob dahil pang VIPs lang po ang room na iyan." Yung crew kay Jayd.




"Ahh ganun ba. Pasiyen......" Si Jayd




"Papasukin mo siya. Kasama ko siya. Simula ngayon VIP na rin siya sa paaralang ito. Treat him the way you treat other VIPs okay?" Ang may otoridad kong pagsingit sa usapan nila.




"Okay po Sir. Sir Jayden pasok na po ka'yo. Pasiyensya po sa abala." Yung crew sabay yuko.




Pagkapasok sa isang VIP room nakita kong namangha si Jayd sa nakita niya.




"Mr. Altamirano, please have a seat." Paanyaya ko sa kanya umupo habang nasa likod ako ng uupuan niya at nakaposition ang kamay ko para paupuin siya.




"Andame mong arte. Haha. Salamat Mr. Lorenzo." Si Jayd na umupo. Ngumiti lang ako.




Agad din naman akong umupo sa upuang kaharap ng upuan niya at nagpatawag ng isang crew para kunin ang order namen. Pagkadating ng pagkain ay agad niya itong nilantakan.




"Waah! Ang sarap naman ng pagkain dito. Yum yum yum! Mmmmmm....." Si Jayd na sarap na sarap sa kinakain.




"Hahaha. Damihan mo lang. You can eat all you want." Ang pagngiti ko sa kanya.




"It's my pleasure na makasama ka for lunch today. Hehe." Ako ngunit mukang walang narinig si Jayd dahil walang tigil sa kakakain. Haha. Nakakatuwa siyang tingnan. Parang bata. Woohoo! HANGKYUT KYUT! Nakita kong may icing dun sa may gilid ng labi niya.




"Jayd, halika....." Ako. Pero si Jayd, walang narinig. Busy sa pagkain ng desert niya.




"Jayd? Hahaha." Ang matawa-tawa kong sabi sa kausap ko. Wala na akong choice.




Tinanggal ko ang icing sa gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki ko at walang kaabog-abog ko itong kinain. Haha. Nagulat si Jayd sa ginawa ko.




"Oo nga. Masarap nga. Mmmmmm..." Ako habang dinidilaan pa ang daliri kong pinantanggal ko sa icing sa bibig ni Jayd.




"Hoy lalake kadiri ka. Bakit mo kinain yung icing na nasa gilid ng labi ko? Tsaka pwede muna mang tanggalin yun gamit ang tissue ah. Tss!" Si Jayd.




"Bakit? Tinikman ko lang naman kung masarap talaga ahh. Haha. Hindi muna kasi ako kinakausap. Hehe."




"Eeeeiiiiiiiii. Kadiri ka!" Si Jayd.




"Hahahahaha. Kadiri? Anu namang kadiri dun? Galing naman sa labi mu yun eh. Bakit? Kumakain kaba ng dumi? Hmmmm." Ang maladetective kong tanong kay Jayd habang papalapit ang mukha ko sa mukha niya.




"Hindi ahh. Bakit naman ako kakain ng dumi aber? Hmmmm. Basta kadiri ka." Ang defensive na sagot ni Jayd. Sa lapit ng mukha ko sa kanya ang ninakawan ko siya na halik sa pisngi na mas lalo niyang ikinagulat. Hindi ko napigilan ang sarili ko eh.




"Hoy! Anung ginawa mo? Bakit mo ko hinalikan? Salamin lang ang dingding nitong room oh? Kitang-kita sa labas yung ginagawa natin." Si Jayd na namumula ang mukha. Halatang-halata kasi maputi siya. Siya na nga yata ang pinakamaputing tao na nakilala ko eh.




"Pervert!" Si Jayd. Natuwa ako sa itsura niya. Ginulo ko ang buhok nito.




*** Prince Alexander ***




Naihampas ko ang kamay ko sa table na kinakainan ko.




"Ayos lang po ba kayo Mahal na Prinsipe?" Ang nag-aalalang tanong sakin ni Pierre, ang assistant ko.




"Hindi ko alam pero biglang nag-init ang ulo. Ggrrrrr!" Ako habang nakatingin sa direksyon nila Ryd at Jayd.




Kainin ba naman ni Ryd yung icing na tinanggal niya galing sa gilid ng labi ni Jayd. Tsk! At tapos.....




tapos.....




tapos.....




NINAKAWAN NG HALIK SA PISNGI!




Aarrggh!!! Hindi ko alam pero nanggagalaiti talaga ako?




"Wala kang galang. Wala kang galang sa lalaki!" Ako habang nakatingin pa rin sa direksyon nila Jayd.




Maya-maya ay nagtatawanan na sila. Ang saya-saya nila. Parang ang tagal na nilang magkakilala. Bigla napalitan ng lungkot ang galit na naramdaman ko.




*** Pierre ***




Hello sa lahat. Ako nga pala si Pierre. Pierre Gonzales. Tatlong taon ang tanda ko kay Prince Alex at halos magkasingtangkad rin. May itsura rin naman ako pero iba talaga ang karisma ng Mahal na Prinsipe. Ilang taon na din akong assistant ng Mahal na Prinsipe ngunit ngayon ko lang nakitang hinampas niya ang kamay niya sa table na kinakainan niya.





"Ayos lang po ba kayo Mahal na Prinsipe?" Ang nag-aalala kong tanong kay Prince Alex.




"Hindi ko alam pero biglang nag-init ang ulo. Ggrrrrr!" Si Prince Alex na nakatingin sa direksyon nang isang VIP room na may dalawang estudyante sa loob.




Masayang-masayang nag-uusap yung dalawang estudyante at nakita kong lumungkot ang itsura ni Prince Alex. Ang kaninang galit na mukha ay napalitan ng lungkot.




"Tama kaya ang hinala ko? Hmmmmmm....." Sa isip ko.









Itutuloy..........

4 comments:

  1. nice story.... pero suggestion lng. sana yung mga details mo ay dagdagan mo pa kasi nakakabitin eh. dapat normal lang yung pagdi-deliver ng mga linya, more on nakakarelate. try to read other good stories para naman may reference ka. yun lng muna hehehe... sana na gets mo kung ano gusto ko iparating sayo mr. author

    - JOSHUA

    ReplyDelete
  2. mr. aurhor, suggestion lang po pls wag mong gawan ng pov ang kahat ng characters. ang gulo na tuloy. then mas lalong hahaba ang story.
    focus lang ang pov mo sa main characters to make it smoother flow of the story.

    ayos na sana pero naloka ako sa lahat nalang may pov. let us see in ur next chapter kung ayos na ba. salamat po.

    ching

    ReplyDelete
  3. sana bikas me chapter 3 na...heehehe

    ReplyDelete
  4. Interesting story.can't wait for the next.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails