Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By : Baste31 - j.a.c.
Chapter 6 : Magandang PagsaSamahan
"tinapon
mo?!" halata sa boses ni Louie ang pagkabigla.
"bakit
mo tinapon? Pambihira ka talaga! Maayos pa yon! Hay."
"kaya
nga binibigay ko na sayo itong damit na to kasi luma na yung damit mo. Ayaw mo
ba nito?"
"tsk.
Ikaw tol halimbawa makakita ako ng bagong kaibigan ok lang ba sayo na iwanan na
lang kita?" nang sabihin yon ni Louie sakin para akong nabuhusan ng
malamig na tubig at hindi nakapagsalita.
"hindi
mahalaga sakin kung bago o luma ang isang bagay, kapag mahalaga sa akin
iniingatan ko!"
Wala
na akong nasabi kay Louie at agad umuwi ng bahay.
Iniwan
ko pa rin yung mga damit ko kay Louie. Naghanap ko sa lahat ng sulok ng bahay
pero kahit anong hanap ko wala na kahit saan, kahit sa basurahan na
pinagtapunan ko yung damit ni Louie wala na rin.
Kahit
saan palpak talaga ako oh! Sabi ko sa sarili.
Wala na talagang pag-asa nang mapadaan ako sa
likod ng bahay namin ng makita ko si Manang na kinukuha ang mga sinampay.
Laking tuwa ko ng makita ko ang damit at pantalon ni Louie sa sampayan!
"Manang!
Pano napunta to dito?" sabi ko kay Manang na may pagkasabik ang boses.
"ah
Sir, nakita ko po sa basurahan ang mga yan. Mukhang maayos pa naman kaya kinuha
ko. Bibigay ko sana sa anak ko Sir"
"ah
Manang eto pera ibili mo yung anak mo ng damit at pants ha? Akin na tong mga
to! Salamat Manang! Heheh" at inabot ko kay manang yung 500 kapalit ng mga
damit ni Louie.
"Sir?!
Talaga po? Ay salamat po ng marami.." medyo nagtataka pero masaya naman si
Manang sa natanggap na pera.
Dali
dali akong bumalik kina Louie kahit magdidilim na. Dumaan na rin ako sa isang
fastfood at nagtake out ng mga pagkain.
Pagdating
ko kina Louie masayang masaya ako dala yung mga damit ni Louie at pagkain. Nag
aayos na pala si Louie para pumasok sa Bar. Laking ngiti ni Louie ng makita
yung damit nya na dala ko.
Inayos
ni Nanay Mila at Lito yung pagkain sa lamesa at kumain kaming apat.
Tumabi
pa nga sakin si Louie at umakbay.
"tol,
salamat ha? Alam mo importante talaga tong pantalon sa akin. Bigay pa to ni
Tatay nung buhay pa sya." doon ko nalaman na namatay na pala ang tatay ni
Louie.
Gusto
ko sanang magtanong kaso baka mawala yung masayang ambiance.
"pasensya
ka na talaga ha? Tara na kumain na tayo, gutom na ko eh!" nagtawanan
kaming lahat at masayang kumain at nagkwentuhan saglit.
Ako
na rin ang naghatid kay Louie sa Bar at umuwi na sa amin. Few days ago pauwi
ako galing school naisipan kong dumaan sa isang 24hrs convinient store ng
makasalubong ko ang Mama ni Paul.
Agad
naman nya akong nakilala dahil ilang beses na rin naman ako nakapunta kina Paul
kaya nagkamustahan kami.
"good
afternoon Mrs. Lopes, its nice to see you!"
"good
afternoon too Christian, kamusta ka na?"
"ok
naman po ako, kayo po? I heard dinala po kayo ng Hospital recently?" bakas
sa mukha ng Mama ni Paul ang pagtatakha at sinabi nya sa akin dahil hindi naman
sya na-ospital.
Nagtaka
din ako dahil iyon ang sabi sa'kin ni Paul nung magpaalam sya nung magpunta
kami ng bar. Hindi ko na inusisa masyado kasi nagmamadali rin yung Mama ni
Paul, im sure may reason naman si Paul for making an excuse like that kaya di
ko na lang pinansin.
Pagtapos
ko dumaan sa convinient store umuwi na ako.
Maganda
ang naging performance ko sa school sa mga sumunod na mga linggo, bihira na rin
kaming gumimik ni Paul dahil palapit na ng palapit and final exams kasabay pa
ang thesis namin di pa kasama dyan ang mga projects ng mga prof namin pero
naglalaan kami ng time para makapunta sa bar na pinagtatrabahuhan ni Louie.
Dahil
kaibigan ko si Paul madali naman syang naging ka-close ni Louie.
Para
kaming triplets ng mga yan, hindi pwedeng may lakad ang isa hindi kasama yung
dalawa.
Masaya
na rin akong umuuwi ng bahay dahil alam ko na wala ng gap sa pagitan namin ni
Papa. At natutuwa naman din si Papa sa magandang ipinapakita ko sa school.
Wala
nang mga reports sa kanya na may ginawa akong kalokohan puro magagandang feebacks
na lang ang nakakarating sa kanya galing sa mga teachers.
Si
Mama naman masaya rin sa nangyayari sa family namin dahil ang laki na raw ng
pinagbago ng unico hijo nya.
Syempre
naman! Heheh. Good boy na ata ako!
At
tinanong pa ni Mama kung kelan ulit dadalaw sa amin si Louie, hindi ko daw kasi
naaayang sumama sa bahay.
Kaya
one time isinama ko sa bahay sila Paul at Louie.
Tinaon
ko talaga na nandoon ang parents ko para makita nila ang mga kaibigan ko.
To Be Continued
No comments:
Post a Comment