Followers

Tuesday, July 30, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 10

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By : Baste31 - j.a.c.
Chapter 10 : Pride
Please Click The Link For Previous Chapters:  COMPILATION


Isang malakas na tibok ng puso ang naramdaman ko sa sinabi ni Louie. Bumalik lahat ng ala ala ko tungkol kay Diane ng banggiting ni Louie ang pangalan nya.
Parang nawalan ako ng boses para tanungin si Louie kung ano ang nangyari kay Diane o kung bakit siya malungkot.
Napatingin lang ako kay Louie, nakatingin pa rin sya sa dagat hawak sa kamay ang gitara. Ilang segundo rin ang katahimikan ng makahanap si Louie ng boses para magsalita.
"na-rape si Diane tol.." napayuko na lang si Louie pinipilit na huwag umiyak.
Parang sumakit ang dibdib ko sa narinig na balita ni Louie tungkol kay Diane. Bumuhos ang tanong sa isip ko. Kelan? Sino yung hayop na rapis? At ano na nangyari kay Diane?.. Pero hindi ko nagawang magtanong sahalip nagpatuloy magsalita si Louie.
"naaalala mo ba nung magkita tayo sa restaurant nung una tayong magkita?
Hindi ako napadaan dun! Nagbabantay ako sa kanya dahil may stalker sya na nanghaharas sa kanya. Sobra din nyang dinibdib yung mga masasakit na salitang sinabi sa kanya ng manager nila kaya ilang araw matapos syang masisante hindi na naglalalabas ng bahay si Diane.
Hindi ko na rin sya nababantayan kasi pakiramdam ko safe na sya sa bahay nila. Pero isang araw sumalisi yung stalker nya sa bahay nila...
Nahuli naman yung hay*p na lalakeng yun, pero hindi kinaya ni Diane yung tsismis tungkol sa kanya kaya umalis na lang sya sa lugar namin..
kasalanan ko yun tol eh!" sabay suntok ni Louie sa buhanginan.
Nakunsensya tuloy ako sa nagawa ko kay Diane, siguro kung hindi ako gumawa ng kalokohan noon baka hindi narape si Diane.
Kung alam lang ni Louie na sinisisi ko rin ang sarili ko sa nangyari.
Sa pagkakataong yon hindi na naman ako nakaharap sa kamaliang nagawa ko, pinanghinaan na naman ako ng loob, ayaw kong magbago ang samahan namin ni Louie.
Ayaw kong magalit sya sa akin! Wala akong nagawa kundi akbayan si Louie at sabihin sa kanyang wag sisihin ang sarili sa nangyari.
Ramdam ko ang bigat ng saloobin ni Louie ng mga oras na yon. Kung may magagawa lang ako para gumaan ang pakiramdam nya pero wala atang salita makapagpapagaan ng damdamin nya kaya hindi ko na nakuhang magpayo sa kanya. Ilang minuto rin ang nakalipas ng medyo nahimasmasan na si Louie tumayo na kami at naglakad papuntang resort. Nagpasalamat sya sakin sa pagdamay ko sa kanya.
Pagdating namin sa hotel, dinaan nya muna sa staff ng hotel yung gitarang hiniram nya at bumalik na kami sa kwarto. Wala na kaming pag-uusap ni Louie pagdating sa room namin nila Paul at natulog ulit. Kinaumagahan ay ang araw ng city tour namin sa plaza, ilang souvenier shops at pag-uwi namin ng Manila.
Nang magising ako, nakayakap na naman sakin si Paul. Ang hilig palang mangyakap ni Paul kapag may katabi sa kama. Kaya tinanggal ko ulit yung kamay nya at nauna na akong mag ayos ng mga gamit ko.
Nang magising yung dalawa nag-ayos na rin sila ng gamit nila. Parang walang nangyari noong madaling araw dahil maaliwalas na ang mukha ni Louie, nag goodmorning pa nga sya sa'kin at panay ang ngiti. Matapos naming lahat magbreakfast sakay na kami agad ng shuttle para mag city tour. Sa isang fastfood na rin kami naglunch.
Pagkatapos namili ng mga souvenier at pasalubong. Binilan ko rin si Louie ng isang t-shirt, pagkain at towel na may burdang palawan para sa nanay nya at kay Lito. Bumili naman si Paul ng tatlong bracelet na magkakamukha at binigay ang tig-isa sa amin ni Louie. Bumili rin sya ng ilang pasalubong at isang t-shirt.
Busog na busog ang mga mata namin sa mga magagandang view na dinaanan namin at punong puno naman yung memory ng digicam sa dami ng mga pictures ng masayang bakasyon namin. Malapit nang magdilim ng makauwi kami at ihatid namin ni Paul si Louie sa bahay nila. Hindi na rin kami nakapasok sa bahay nila dahil sa pagod sa byahe.
Pinaabot ko na lang kay Louie lahat ng pasalubong ko sa nanay at kapatid nya. Hindi ko naman mabilang ang pagpapasalamat ni Louie samin ni Paul at nangako pa syang sakaling magkaroon sya ng pera, babawi sya samin.
Sabi naman namin, wag nya intindihin yon and he's always welcome! Pagkatapos non umuwi na kami ni Paul. Kinabukasan, balik school ulit kami ni Paul. Madaming projects na kailangang isubmit at exams na kailangang reviewhin at ipasa.
Nalalapit na rin ang defence namin at sinigurado ni Paul na plantsado na lahat para sa grupo namin. Dala ko rin yung digicam at pinadevelop yung iba sa mga pictures namin. Nilagay ko pa nga sa wallet yung favorite kong shot namin sa airport at yun din ang wallpaper ng cp ko.
Three days after napasyahan namin ni Paul na pasyalan si Louie sa bar kaya lang hindi namin sya nakita. Kaya kinabukasan dinalaw na lang namin sya sa bahay nila pagkatapos ng klase.
Welcome na welcome naman kami sa bahay nila Louie. Hindi nga malaman ni Nanay Mila kung pano kami eestimahin.
Nang makaupo na kami ni Paul nagpasalamat naman ang nanay ni Louie sa mga pasalubong na bigay ko sa kanila nung umuwi kami galing Palawan.
Napansin ko agad ang ilang mga bagong gamit nila Louie na nakapatong sa lamesa, bagong electricfan, mga damit, at bagong mga baso at pinggan.
"Nay nasan po si Louie?" ang tanong ko.
"Saglit lang Ian, pauwi na yon."
"Saan po ba sya Nay nagpunta? Pumunta ho kaming bar nung nakaraan wala naman ho sya doon. Kaya dito na lang kami nagpunta." ang sabi naman ni Paul.
"ah eh.. hindi na sya nagtatrabaho dun, mabuti pa si Louie na lang ang magsabi sa inyo.. O e ayan na pala sya."
"Nay, eto na yung tricycle.. Oh Paul, Ian nandito kayo? Tamang tama pala.." pinaalis na lang ni Louie yung tricycle nang makita nya kami sa bahay nila.
Pinagkukuha ni Louie yung mga bagong gamit nila sa lamesa at tinanong sakin kung nasaan yung sasakyan ko.
"Anak sayang naman yang mga gamit.."
"Nay bakit naman kasi kayo tanggap ng tanggap ng mga to! Hindi ko ba kayang bumili nito?!" nararamdaman kong mukhang nagtatalo na sila Louie at ang Nanay Mila nya kaya sumingit na ako sa usapan.
"tol, ano ba nangyayari?" "si Nanay kasi, ibinili ng Mama mo ng kung ano ano nung wala tayo, hindi man lang tumanggi!"
naisip ko lang na baka naisipan ni Mama na ibili sila ng kasangkapan sa bahay dahil napansin ni Mama mga pangangailangan nila Louie kaya sila binili ni Mama.
"bukal naman sa loob ni Mama na bigyan kayo nyan tol, kaya ok lang yan.." ang kalmado kong sagot kay Louie.
"sandali tol ha?" pumasok si Louie sa kwarto nila, pagbalik nya dala nya na ang isang box ng mamahaling cellphone.
 "hindi naman kami nanghihingi tol, saka eto.. Hindi ko naman kailangan to, kumakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag aral si Lito, hindi ko ba kayang bilin ang mga to? Hindi ko ba kayang buhayin ang pamilya namin?!!" nakakapag-init talaga ng ulo ang tono ng pananalita ni Louie kaya di ko na napigilan ang sarili ko.
Si nanay Mila naman tahimik lang sa isang tabi.
"ang problema kasi sayo, binibigyan mo ng ibang kahulugan yung pagtulong sayo ng tao!! Ibinigay sayo yan ni Mama in good intention, hindi kung ano pa man! Taas naman kasi ng PRIDE mo! Para yun lang!"
"Para yun lang? Hahah! Hindi mo naman naiintindihan, ano nga naman ang alam mo e hindi ka naman marunong magbanat ng buto! Ano ba alam mo sa pagsisikap at sa mga pangarap ko?!!" hindi na ko nakapagsalita sa mga sinabi ni Louie.
"wag kang mag-alala tol, kapag nakahanap na ko ng bagong trabaho babayaran ko tong lahat!!"
maghahanap ng bagong trabaho? Ang tanong sa isip ko.
Kahit nagtataka ako sa sinabi ni Louie, hindi ko maiwasang mainis sa mga sinabi nya sakin.
Nakakapag init ng ulo ang tono ng pananalita nya.
"Paul umalis na tayo, sarado na isip nito!" sabay talikod ko at alis.
"Nay, alis na po kami." naman ang narinig ko kay Paul, paalam nya sa Nanay ni Louie bago sya umalis.
Isang linggo rin kaming hindi nag-usap ni Louie.
Si Paul na lang ang bumibisita kina Louie mula non. 


To Be Continued 

1 comment:

  1. walang nagbabasa yata dito e ang ganda nmn ng istorya. ang totoo nabas kon nga ito paulit ulit. kasi maganda ang istorya. salamat.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails