Followers

Friday, July 19, 2013

THE ROYAL SCANDAL 1.0 : Chapter 3 Hindi Inaasahan


THE ROYAL SCANDAL 1.0 : THE PRINCE'S MAN © 2013




<<< THE MSOB VERSION >>>




by: Jayden Clark Reith Altamirano-Ibarra




Genre: bromance, yaoi, boyxboy




Humane comments, votes and commendations for this story are VERY MUCH APPRECIATED! Parefer po sa iba pang readers kung nagustuhan niyo po. Hehe. Salamat! :-P




PS. Hindi po ako Major in English so please with my English kung may mali man po ahh. Electronics Engineering po ang tinapos q eh. Hehe. Sana po ay magustuhan niyo ito.




-------------------




Chapter 3: Hindi Inaasahan





*** Jayden ***




2nd subject for my Tuesday schedule. Habang nakikinig sa professor namen ay bigla akong naihi. Nagpaalam na ako sa prof namen. Akmang tatayo ako ay siya ring pagtayo ni Ryd. Pinandilatan ko siya ng mata na ang ibig sabihin ay wag na siyang tumayo at sumunod sakin. Mag-isa akong lumabas ng classroom namen. Pagkalabas ko ng room ay pinindot ko ang play button sa bluetooth headset ko. Bumili ako ng bluetooth headset kasi palaging nasisira yung mga wired headsets na nabibili ko eh. Hindi ako galawgaw pero palagi talagang nasisira kaya ayun. Wireless bluetooth headset! Now playing: THE WAY YOU LOOK AT ME by Sabrina.  Ang ganda talaga ng version ni Sabrina ng kantang ito. Nakakainlove! Woohoo!




No one ever saw me like you do



All the things that I could add up too




Habang naglalakad papunta sa comfort room ay may madadaanan akong isang room sa building namen. Hindi ko alam pero gusto kong sumilip sa loob. Slow motion ang pagsilip ko sa kwartong yun.




I never knew just what a smile was worth




Una kong nakita ay ang dalawang nakasuit na lalaki sa pinakalikod na bahagi ng silid-aralang iyon. Nabigla ako sa sunod kong nakita.




But your eyes see everything without a single word




I mean, natitigan. Oo, tinitigan ko siya. Saktong-sakto yung kantang nakaplay sa headset ko sa sitwasyon ko ngayon. Saktong-sakto rin yung chorus sa pagtitig ko kay Prince Alex.




CHORUS




'Cause there's somethin' in the way you look at me




It's as if my heart knows you're the missing piece




You make me believe that there's nothing in this world I can't be




I never know what you see




But there's somethin' in the way you look at me




Nasa likod na bahagi kasi ng kwartong iyon si Prince Alex. Wait wait! Nakipagtitigan din siya sa akin? Bakit? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG!




OA man pero tumagal ang titigan namen ay tumagal for the whole duration ng chorus ng kantang nakaplay sa headset ko. Naputol iyon dahil may sumitsit at kumalabit sakin.




"Wuizt! Sinong tinitignan mu dyan?" Yung assistant ni Prince Alex na kinalabit ako at sumilip din sa room na tinitingnan ko.




"Ah eh wala naman. Hehe. Sige! Mauna na ko ahh." Paalam ko sa kanya.




"Pierre. Call me Pierre." Sigaw niya sakin. Ngayon, alam ko na ang pangalan niya.




Hingal-hingal akong dumating sa comfort room. Agad akong pumasok sa isang cubicle. Nakailang minuto din ako sa loob bago lumabas kasi kinukondisyon ko pa ang sarili ko.




"Hay! Anung nangyayare sakin? Bakit ganun na lng ang titig ko sa kanya at bakit ganun na lang siya makatitig sakin? Parang may something na ewan. Woooossshhh!" Sa isip ko.




Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto namen ay nakasalubong ko si Ryd na nagmamadali.




"Hoy Ryd san ka pupunta?" Tanung ko sa kanya na hingal na hingal.




"Hay naku! Akala ko kung napanu ka na. Tsk! Nag-alala ko sa'yo alam mo ba? Antagal mo kasi bumalik eh!" Si Ryd na halatang alalang-alala sakin.




"Ah eh pasiyensya kung natagalan ako ahh. Medyo napadami ang nainom ko kanina kaya ayun, napadami din ang lumabas. Hihihi! Sorry po." Ako.




"Sige na. Sige na. Okay na. Basta ligtas ka. Hehe." Si Ryd na ngumiti na.




Nauna si Ryd sa paglakad pabalik sa room namen. Sumusunod lang ako sa kanya nang mapansin kong pawis na pawis ang likod niya.




"Ryd halika muna. Pawis na pawis ka ohh. Halika ka dali. Pupunasan ko ang likod mo."




Lumapit naman siya sakin pero nakaharap siya. Pinatalikod ko siya. Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng shirt niya at pinunasan ko ng panyo ko ang likod niya. Iba ang pakiramdam ko sa pagpupunas ko likod niya. May nararamdaman akong ewan. Basta ewan! Ewan talaga. Para akong nanay na pinunasan ang likod ng anak na pawis na pawis sa kakalaro. Haha.




"Wui! Wag dyan! Hahahaha. Wag dyan! Wag dyan! Hahahaha. Malakas kikiti ko dyan. Wahahahaha." Si Ryd na tawa nang tawa habang pinupunasan ko yung tagiliran niya.




"Hahahaha. Pinupunasan lang naman kita ahh. Wahahahaha." At kiniliti ko na siya. Gumanti naman siya sakin.




"Ikaw ahh. Kilitian ba gusto mo? Pwes itong sa'yo! Hahahaha." Si Ryd.




"Wui Ryd tama na. Hahahahahaha. Hindi na ko makahinga. Wahahahahahaha. Tama na. Hindi na kita kikilitiin pramiz?" Ako na walang magawa sa pagkiliti sakin ni Ryd.



"Promise? Hehehehe."



"Oo, hindi na pramiz!" Ako na hingal na hingal.




"Halika ka na. Balik na tayo. Hehehe." Ako.




--------------------




Tuesday




Wednesday




Thursday




Friday




Saturday




6 days have passed. Naging madali para sakin ang first week ko as college student kasi palagi kong kasama si Ryd. Hindi nga kami mapaghiwalay eh. Si Prince Alex? Hindi ko na siya nakausap since nung una naming encounter.




Sunday na and I'm on my way to Mall of Asia para magliwaliw. Mainit kasi at walang magawa sa bahay. Umalis din kasi sila Mama at baby Andrei kaya ayun, gagala din ako. Ako lang mag-isa. Gusto ko sana isama si Ryd kaso may business appointment daw sila ng family niya kaya hindi siya makakasama.




"Pasay po, isa lang." Sabi ko dun sa naniningil ng pamasahe sa jeep na sinasakyan ko.




Hindi pa puno yung jeep kaya pinagkasya ko muna ang sarili ko sa paglalaro sa cellphone ko. After magsawa sa paglalaro ay pinagtugtog ko naman yung mga audios ko. Lumarga na yung jeep. Ingat sakin.




After around 40 minutes ay nasa Pasay na ko at pasakay na going to MOA. 15 minutes, nasa MOA na ko. Ang una kong ginawa ay mag-window shopping. Siyempre ang focus ng mata ko sa pagtingin-tingin ay mga gadgets. Gadget savvy ako weh.




I was looking sa labas ng isang electronics shop nang may nabangga ako.




"Aray!" Ako nang mapaupo.




"Sorry ahh." Paumanhin nung lalaki. Pero teka! Sandali? Pamilyar yung boses. Mistula itong musika sa aking pandinig. Tumingala ako at nabigla ako sa nakita. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya dito. What a coincidence!




"Ipagpaumanhin niyo po Mahal na Prin....." Ako pero biglang pinigil niya ako sa pagsasalita ko gamit ang kamay niya.




"Sshhh! Wag kang maingay! Tinataguan ko yung mga bantay ko. Hinahanap na ko nung mga yun. Hahahaha." Natatawa pa siya sa kalokohan niya. Tinanggal na niya ang kamay niyang nakaharang sa bibig ko.




"Ngunit Mahal na Prinsipe, baka mapano kayo kapag hindi niyo sila kasama. Baka pagkaguluhan kayo." Ang pag-aalala ko sa kanya.




"Tss. Hindi yan. Akong bahala. Halika! Samahan mo ko. Magpapalit ako ng damit." Siya sabay hawak sa kamay ko at hila sakin papunta sa kung saan.




Pumasok kami sa isang sikat at mamahaling boutique. May sumalubong sa amin na isang sales lady pero natulala ito nang mapagsino ang nasa harap niya. Unang tumingin ang sales lady sa mukha ng Mahal na Prinsipe at pangalawa sa baba. Dun talaga siya natulala. Nagtaka ako kasi nanlaki ang mata niya. Pareho kaming tumingin dun sa tinitingnan nung sales lady at nabigla kaming pareho sa nakita.




"AY SORRY!" Pareho kaming nagulat. Naghiwalay na ang kanina pang magkahawak na kamay. Nakabungguan ko siya ng mga 2:20 pm pero anung oras na. 2:43 pm. Tsk! Ang tagal namin magkahawak ng kamay. Kaya pala kanina ay mga taong panay ang tingin sa amin. Buti hindi sila nakatingin sa mga mukha namen kundi sa mga kamay namen. Malaking iskandalo kapag nagkataon.




"Welcome Your Highness! Why have you come to this humble place?" Ang turan ng sales lady sabay yuko. Haha. Natuwa ako kasi lakas maka-english ni Ate.




"Kakain. Kakain kami!" Ang pilosopong sagot ng Prinsipe. Napangiti ako. May kwelang side pala siya. Akala ko kasi masungit siya eh.




"Siyempre, bibili ng damit. Diba botique to? Hehe." Sabay bawi niya.




"Sige po Mahal na Prinsipe. Pumili na po kayo hanggang gusto niyo." Ani sales lady sabay punta sa pinto ng shop at isinarado ito.




Habang namimili ng damit ang Mahal na Prinsipe at nagtingin-tingin na din ako ng damit. Nanlaki ang mata ako sa presyo ng mga damit. Halos lahat sila ngrerange ang price mula 8k hanggang 15k.




"Jayd, halika. Tingnan mo nga kung bagay sakin." Ang Prinsipe na nakasilip sa fitting room. Pumunta naman ako dun sa fitting room niya para tingnan yung suot niyang damit.




"Ang gwapo!" Ang mahina kong bulong nang mga oras na nakita ko siya. Suot niya ay isang simpleng hoodie jacket at shades na black pero para siyang artista sa get up niya. Well, mas sikat nga pala siya sa mga artista dito sa Pilipinas.




"Anong sabi mo Jayd? Mahina eh kaya hindi ko narinig." Si Prince Alex.




"Bagay na bagay po sa inyo Kamahalan. Promise? Hihihi." Ang medyo nahihiya kong sabi sa kanya.




"Talaga?" Siya.




"Opo!" Ako.




"Promise talaga?"




"Opo, Kamahalan."




"Sure?"




"Opo!"




"Is that your final answer?"




"Ang kuleet ahh. Sabi nang oo eh." Ako na napalakas ang boses. Pati yung sales lady kanina ay napatingin samen. Ooppss! Naitakip ko sa bibig ko ang kamay ko. Ang kuleet kasi niya eh. Parang bata!




"Ahihihi! Opo, bagay na bagay po sa inyo, Mahal na Prinsipe. Lahat naman po ng kahit anong suotin niyo eh bagay po sa inyo Kamahalan."




"Sige na nga. Hehe." Siya. Maloko din pala tong Prinsipeng toh. Tss!




Waah! Nagbayad siya gamit ang credit card niya na walang limit. Yaman talaga. Bago umalis sa shop ay binilinan niya ang sales lady na nag-assist sa amen kahit hindi naman. Haha.




"Miss, sa'yo na yung suot ko na shirt kanina. Kunin muna lang dun fitting room. Iniwan ko dun." Siya.



"Tsk! Ang yabang ahh. Hindi porket Prinsipe ka ay pagkakaguluhan ka ng mga......" Napatigil ako sa pag-iisip dahil parang kidlat yung sales lady sa pagkuha ng damit ng Prinsipe sa fitting room.




"Maraming salamat po Mahal na Prinsipe! Iingatan ko po ito." Pasasalamat nung babae.




"Tsaka pala Miss, kung gusto mong mabuhay ay huwag na huwag mong sasabihin sa iba ang nangyari ngayon sa shop na ito. Kapag may lumabas na balita tungkol dito ay babalikan kita. MALIWANAG BA?" Nagulat ako sa banta ng Prinsipe dun sa sales lady.




"OPO, OPO, OPO! Wala pong makalaalam na dumaan kayo dito. Wala po." Ang natatarantang sagot nung babae.




Lumabas na kami sa shop. Pagkalabas na pagkalabas ay humagalpak sa tawa ang gago habang naglalakad.




"Wahahahaha! Wahahahahaha! Wahaha! Nakita mo yung itsura nung babae diba? Hahahaha. Nakakatuwa siyang tingnan. Hahahaha."




"Ibig sabihin hindi totoo yung banta mo sa kanya? Wweeeeww! Akala ko totoo. Pati ako natakot sa'yo." Ako.




"Jinojowk tym ko lang si Ate. Hehehehe. So tara na?"




"Huh? Anung tara na?"




"Maggagala ta'yo adik! Halika ka na. Hehe."




Aba, may nalalaman pa lang salitang "adik" ang isang katulad niya. Haha. Walang akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nakakatuwa siyang tingnan kasi suot niya yung hood ng jacket niya at nakashades. Nakatakip pa yung panyo niya sa bibig niya. Para siyang wanted! Haha. Una kaming nanuod ng sine. Ako yung bumili ng pagkain namen at siyang yung pumila sa pagbili ng ticket.




"Ang tagal naman." Ako na naghihintay sa kanya. After 15 minutes ay sa wakas, dumating na siya.




"Pasiyensya sa paghihintay. Pasok na tayo! Hehe." Siya.




Nagtaka ako kasi walang katao-tao sa sinehan. As in wala talaga. Natakot naman ako bigla. Hindi ko alam na natulala pala ako.




"Wui Jayd, dito ka! Dali, dali! Magsisimula na."




"Ahh. Diyan na po." Ako.




Horror ang pelikulang pinili ni Prince Alex. Sabi ko kasi sa kanya bahala na siya pumili ng papanuorin namen. Tsk! Magugulatin pa naman ako. Woossh! Sana wala masyadong nakakagulat na scenes.




"WAAAAHHHHHH!" Ang pagsigaw ko sa simula pa lang ng pelikula.




"Wui tahimik! Hahahahaha. May nanunuod na iba oh! Wahahahaha." Ang pagtawa ng Mahal na Prinsipe.




"Nanunuod na iba? Eh tayo lang namang dalawa ang nandito ahh? Bakit kaya wala pa ring pumapasok noh? Anyare? Hmmmmmm." Pagtanong ko sa kasama ko.




"Oo nga noh? Bakit kaya? Hehe." Hmmmm ano kayang ginawa nitong hinayupak na toh? Tsk!




Natapos ang pinanuod namen na puro na lang sigaw ang ginawa ko. Tawa naman ng tawa ang Prinsipeng kasama ko. Anyway, masaya ako kasi kasama ko siya ngayon.




"Next stop?" Ako.




"Hmmmm arcade tayo. Arcade! Dali! Dali!"  At tinulak niya ako hawak-hawak ang balikat ko habang nagpapapadyak na parang bata. Yung may talon-padyak effect.




Ako na ang bumili ng tokens kasi baka makilala siya ng teller dun sa bilihan ng tokens at pagkaguluhan siya ng mga tao.




"Oh!" Abot ko sa kanya sa mga tokens. Kinuha naman niya ito sabay hila sakin papunta dun sa basketbolan. Hindi ako naglaro kasi hindi naman ako naglalaro ng basketbol eh. Pinanuod ko lang siya. Natuwa naman ako kasi walang kahirap-hirap para sa kanya ang pagshushoot. Halos kasing tangkad na kasi niya yung basketbol ring. Hindi ko namalayan na marami na pa lang nanunuod sa kanya. Suot niya yung hood ng jacket at shades niya pero walang takip yun bibig kaya sigurado akong makikilala siya. Para maiwasan ang kumosyon ay hinila ko siya palayo dun.




"Wui bakit mo ko hinila? Madami pang token oh? Tsaka hindi pa ko tapos maglaro. Ang taas-taas na nga ng points ko eh." Ang paghihimutok niya.




"Makikilala ka po ng mga tao. Baka pagkaguluhan ka."




"Ahh. Salamat. Hehe." Pasasalamat niya. Lumakad na kami palayo dun. Napansin kong pawis na pawis ang likod niya.




"Mahal na Prinsipe, basang-basa po ang likod niyo. Lapit po kayo." Pumunta kami sa lugar na wala masyadong tao. Lumapit naman siya at tumalikod sakin. Pinasok ko ang kamay ko sa loob ng jacket niya at sinimulan kong punasan ang likod niya. Nakaramdam ako ng pagkailang kasi ang Mahal na Prinsipe ang pinupunasan ko. Ang lakas ng kaba ko at ramdam yun kasi nanginginig ang kamay ko.




"Hahaha. Wag kabahan. Hehe. Ako lang naman ito eh." Siya na nahalata ang kaba ko.




"Sorry po." Ako.




Kapag may pinupunasan ako ng likod na kahit sino man ay may naaalala akong tao. Palagi kasi kaming naglalaro noong mga bata pakami kaya hindi maiiwasan ang pagpawisan. Minsan nagkasakit siya kasi natuyuan daw siya ng pawis sabi ng mommy niya. Almost 2 weeks ata siyang nagkasakit nuon. Tsk! Binibisita ko naman siya kahit papaano.




My childhood bestfriend. He was my tagapagtanggol nung bata pa kami. He was born in the Philippines pero hindi siya full-blooded filipino. He's half korean. He left the country kasi gusto niya itry ang luck niya sa South Korea as an artist. Hindi niya daw alam kung kelan siya makakabalik. Simula nang nagkahiwalay kami ay hindi na kami nakapag-usap. No communications sa kahit anung paraan. Haizt! Namiss ko tuloy siya.




"Natahimik ka Jayd? May problema ba?"




"Ahh wala po. May naalala lang ako."




"Sino?"




"Childhood bestfriend po."




"Ahhhh. Namiss mo siya?"




"Opo."




"Hmmmmm." Siya.




"Siya nga pala, don't be so formal kapag tayong dalawa lang. Wag muna ako tawagin na Kamahalan o Mahal na Prinsipe. Call me Alex na lang. Wag muna rin ako i-po kasi halos magkasingtanda lang naman tayo. Ang awkward eh. Hehe." Siya ulit.




"Sige. Hehe." Ako.




We're now heading to Seaside kasi pagabi na rin at gusto ko mapanuod ang sunset. Bumili muna kami ng snacks para naman may makakakain habang naghihintay sa paglubog ni Mr. Sun.




Maraming tao ngayon. Naghanap kami ng lugar na medyo kaunti ang tao at fortunately, mayroon kaming nakita. Naupo kami dahil sa pagod.




"Hmmmm bakit ka naman nagawi dito Alex? Tsaka bakit mo tinaguan yung mga bantay mo?" Una kong tanung kay Prince Alex.




"Gusto ko lang mapag-isa. Hehe."




"So nakaka-abala pala ako?"




"Ay hindi. Hindi! Hindi talaga! Hehe." Defensive niyang sagot.




Nakaupo ako na nasa gilid ko ang dalawang kamay kong nakalapag sa semento. Si Prince Alex ay nag-unat ng kamay.




"Sorry!" Siya. Nailapag kasi niya ang kamay niya sa kamay kong nasa pagitan namen.




AWKWARD!




KATAHIMIKAN!




Matapos ang paghihintay sa paglubog ni Mr. Sun ay eto na siya. Magpapahinga na. Tsk! Ang ganda talaga ng view sa kinauupuan namen. Abalang-abala ako na nakatingin sa dagat pero napansin kong nakatitig sakin si Prince Alex.




"Bakit?"




"Wala naman. Hehe." Siya na hanggang tenga ang ngiti.









Itutuloy..........

10 comments:

  1. bitin nmn. kung kailan nmn ako nadadala s kwento ska naman naudlot pagbabasa ko. kelan po kya ang nxt chapter?

    -0309-

    ReplyDelete
  2. wala pa talagang kilig. halatang baguhan pa sa pagsusulat kasi walang arrive kahit maganda sana ang material. haist!

    ReplyDelete
  3. masusundan pa to..haay...tagal

    ReplyDelete
  4. update po dito...please...thanks

    ReplyDelete
  5. mr. author kilan poh next update nito hehehe subrang bitin poh aii ganda pah naman ng story hehehe

    ReplyDelete
  6. Wala naba Nxt update nito?????

    ReplyDelete
  7. Isang taon atacupdate neto ah.

    ReplyDelete
  8. Kelan po undate nito

    ReplyDelete
  9. i22loy pa PO ba tong story nato. Ganda kasi hehe sayang nmn

    ReplyDelete
  10. asan napo ang kasunod? salamat.

    0309

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails