Followers

Sunday, July 14, 2013

'Unexpected' Chapter 27

HELLO! 

Special ang update today, dahil... birthday ko! Just sharing. :))

Comment kayo on what you think of the story. Iyon na lang ang gift niyo sa akin, haha.


Anyway, itinaon ko talaga ngayon ang update na ito, dahil it's also all about birthdays!

Happy Reading!

--
Chapter 27

Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch nang biglang may iutos si Janine kay Matt.

“Beh, bili mo naman ako ng kikiam sa labas. Pleaaaaseeee, I’m craving!” maarteng sabi ni Janine kay Matt. Napaamang naman si Matt. “Ayoko, ang layo. Mamaya na lang uwian.” reklamo niya. “Hay nako! Kainis ka, Josh! Ako pa inutusan mong magpabili, pero ikaw naman talaga may gusto! Dapat ikaw na nagsabi kay Matt. Napagalitan pa tuloy ako.” baling ni Janine sa akin. Nagulat naman ako. “Anong—“ magrereklamo na sana ako nang biglang apakan ni Janine ang paa ko na siyang nakapagpatigil sa akin. Ang sakit, gago.

Tiningnan naman ako ni Matt. “Sige, wait lang, ah.” ngiting sabi niya at tumayo na siya para umalis. “Anong meron sa inyo?” baling ko kay Janine. Nakangisi naman si Janine habang pailing-iling pa. May sapi ata itong dalawa ngayong araw. “Pinaalis ko lang naman siya para mapag-usapan na natin ‘yung surprise party niya. Walang opportunity kasi lagi siyang nandiyan, eh. This should give us enough time.” paliwanag niya. Genius talaga ‘tong babaeng ‘to. Sana mas ginagamit niya ang talino niya sa mga mas makabuluhang mga bagay.

“Basta ako na bahala sa food. Ikaw sa pag-imbita kay Tito at Manang, tapos kung may program or what haha.” pagsisimula ko. “Okay, dapat may carbonara.” pagsang-ayon niya. Tumango naman ako sa hiling niya. “Apple pie, cake, tapos barbecue and chicken? Oks na ba ‘yon?” tanong ko kay Janine. “Haha parang pambata naman. Dagdagan mo na rin ng hotdog with marshmallow.” pang-aasar niya. Inismiran ko na lang siya. “Uy, joke lang, friend. Okay na iyon. Paborito naman ata lahat ni Matt ‘yan. Ako na bahala sa cake.” pagbawi niya.  

“Maggrocery tayo bukas after school. Samahan mo ako.” anyaya ko sa kanya. Tumango naman si Janine. “Ay, ‘teh. Paano nga pala sa Thursday? May pasok, paano ka makakapagprepare?” tanong niya. Napaisip naman ako. “I’ll talk to mama. And sana mapapayag na rin si Manang na tumulong.” sagot ko. “Kaso kailangan kong umuwi ng maaga para makapagluto ng carbonara. Ayoko namang gawin in advance tapos iinit na lang. It’s not the same. ‘Yung apple pie, pwede ko ng gawin in advance, the rest ok na siguro sila mama ang maghandle. Pero oo nga, paano ako uuwi? Kailangan ko ng dahilan magcut ng classes natin after lunch para may enough time ako.” tanong ko. Ayoko namang mag-absent.

“Leave that to me!” proud na sabi ni Janine na nakangisi, tila may masamang binabalak. Napailing na lang ako. Ayaw ko man, but I have no choice. Para sa ikagaganda ng party ni Matt. Sana talaga ay magustuhan niya ito. “Ok sige. I really want this to turn out well. Thanks, Janine.” sabi ko.

--

“Bes,” pagsisimula ko ng usapan. Kasalukuyan kaming papalabas na ng campus kasama si Janine. “Yup?” tugon niya. “Ahm, pwede tulog ka ulit sa amin? Sa Thursday?” medyo alangan kong tanong. Nangunot naman ang noo niya. “Bakit naman?” tanong niya. “Ahh, eh... ano, papaturo kasi ako sa Chem. Nahihirapan ako sa Stoichiometry, eh.” pagdadahilan ko. “Weh? Pumasa ka naman nung seatwork ni ma’am ah!” hindi naniniwalang tugon ni Matt. Napailing ako sa loob-loob ko. Kailangan ko siyang makumbinsi na pumunta sa amin para sa gagawin kong surprise party.

“Tsamba lang ‘yon. At saka may seatwork ulit sa Friday. Sige na. Please. Minsan lang naman, eh.” medyo nagtatampo ko ng pahayag. Alam ko, maarte pero ito lang kasi ang naisip kong paraan. Natigilan naman si Matt. Sa tingin ko ay medyo effective naman ang pagpapaawa ko sa kanya. Bihira kasi ako maging ganito, mapilit. Persistent. “Tsk, sige na nga. Basta ikaw haha.” ngiti niyang tugon. “Special talaga ako sa’yo, eh no?” banat ko sa kanya. “OO SOBRA.” mariin niyang sabi. Ngayon, eh ako naman ang natigilan. Hindi ako makatingin sa kanya. “Ahhh... dun ka na rin magdinner ha.” nakayuko kong tugon. Narinig ko naman ang mahinang hagikgik niya. “Sure, sure.” ngiti niyang tugon at pagkatapos ay inakbayan niya ako. 

--

Kinabukasan matapos ang klase...

“Saan kayo pupunta?” takang tanong ni Matt nang makita si Janine na naka-angkla sa mga braso ko at iniwan siya sa paglalakad. “Itatanan ko na si bebe Josh.” baling ni Janine sa kanya. “Huh?” naguguluhang tanong ni Matt. “Palagi na lang kasi kayong magkasama. Gusto ko naman ng moment namin, noh. Tsupi! Magbobonding muna kami nito.” pang-aalaska ni Janine kay Matt. “Hindi ba pwedeng sumama?” medyo malungkot na tanong ni Matt. “Wait, let me think about that... NO.” diretsong patutsada ni Janine kay Matt. Naawa naman ako sa mokong dahil medyo may pagka-harsh naman talaga ang mga banat ni Janine kahit alam naming biro lamang niya iyon.

“Pagbigyan mo na si Janine. Alam mo namang hindi ‘yan titigil, eh. Basta, kitakits na lang bukas, ah.” ngiti kong baling kay Matt. Medyo nawala naman ang simangot niya at natango na lamang siya. “Sige, see you tomorrow. Ingat kayo.” medyo matamlay niyang paalam sa amin. Medyo nalungkot naman ako dahil sa tabas ng mukha ni Matt.

--

“Uy friend ilang lata ng mushrooms?” tanong niya habang nagmumuni-muni pa rin ako. Nang mga oras na iyon ay nasa loob na kami ng grocery at namimili ng mga ingredients para sa mga lulutuin para sa surprise party ko para kay Matt. “Ahh, dalawa.” tugon ko. “Uy! Anyare ba sa’yo? Kanina ka pa wala sa sarili mo. Sakit sa bangs!” puna sa akin ni Janine. “I think you were too harsh with Matt earlier.” tugon ko. “The fuck! I was just kidding! At saka kilala mo naman ‘yung lolo mo. Sobrang kulit niyan. If hindi mo daanin sa dahas hindi mo mapapasunod.” medyo iritang pahayag ni Janine.

“Oo na, concerned lang naman ako sa kanya.” matamlay kong tugon, na siyang nakapagpatigil kay Janine sa pagtulak ng push cart. Dahan-dahan siyang bumaling sa akin, may nakaplaster na ngisi sa mukha. “Tapatin mo nga ako, Josh... are you, like... in love with Matt?” todo ngiting tanong ni Janine. Nanlaki naman ang mata ko at napaamang sa kanya. Wala akong naisagot. Hindi ko kasi ineexpect ang tanong niya!

“OH MY GOD!!!” hysterical niyang reaksyon, na siyang nagdulot ng ilang mga nagtatakang tingin mula sa iba pang naggrocery tungo sa direksyon namin. “Oh my God, Josh! In love ka?!” hindi pa rin niya makapaniwalang bulalas.

“Huh? Hindi ah!” defensive kong sagot nang makabawi na ako sa pagkabigla.

“OH MY GOD. DI KO KERI. Dati hindi ka naman ganyan, eh! Pero ngayon ang lungkot-lungkot mo at concerned na concerned ka sa kanya!”

“Magtigil ka nga, Janine! Ang kulit. Hindi nga, eh!”

“Wala! Nahuli na kita, Josh! Nako, pero no worries! I’m not telling. Grabe kilig ako!”

Napabuntonghininga na lang ako. “Basta, hindi. Let me out of this shit, okay? You’re making this all up. It’s all in your head.” ang nasabi ko na lang, ngunit parang walang narinig si Janine na parang baliw pa rin na nagtatatalon.

Pilit kong itinatanggi iyon kay Janine dahil ayaw kong malaman ni Matt at i-risk ang pagkakaibigan namin. Mahirap na.

--

Kinabukasan.

Nasa canteen kaming tatlo, kumakain ng lunch. “Bes, parang ‘di ka mapakali diyan? Kanina ka pa aligaga?” curious na puna ni Matt. Nag-aalala kasi ako kung paano ako gagawa ng excuse para makauwi na. Kasalukuyang nasa bahay na si mama at si Manang Vie, naghahanda na ng mga pagkain. I specifically instructed them na ako ang gagawa ng pasta. Kailangan ko ng umuwi after lunch. I need enough time. “Hoy!” malakas na tawag sa akin ni Matt at nag-snap pa siya ng daliri sa harap ng mukha ko.

“Sorry, may naalala lang ako.” bulalas ko. “Uy, mamaya ah.” dagdag ko. Medyo nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha niya. “Ah, about that... baka ma-late ako, bes.” nag-aalala niyang pag-amin. “Bakit naman?” cool kong tanong, doing my best na ipakitang hindi ako nag-aalala. “Kasi ‘yung close friends ko from Manila nandito. Catch up lang kami. Bukas kasi babalik na sila.” paliwanag niya. Nagkatinginan naman kami ni Janine. “Basta promise mong by dinner time nandoon ka na, ha.” kondisyon ko. “Sus, ‘yun lang pala! PROMISE.” ngiti niyang sabi habang nakataas pa ang kanang kamay niya. “Thanks, ah. And pasensya na.” dagdag niya. “Oks lang. Basta doon ka magdinner, ah!” paninigurado ko. Tumango naman siya at sinabing ang kulit-kulit ko.

--
Matapos kumain ay bumalik na kami sa classroom. Hindi ako mapakali. Tingin ako ng tingin sa relo ko. “Hoy, ‘teh! Ano bang meron?” iritang tanong ni Janine. Kanina pa kasi ako hindi mapakali. “Kailangan ko ng umuwi.” urgent kong bulong sa kanya. “Shit, oo nga pala.” reaksyon niya. Napatahimik naman siya. Ilang minuto pa ay tila nakaisip na siya ng ideya. “Wait, intayin muna nating mag CR si Matt.” bulong niya.

Ilang minuto pa ay lumabas na si Matt para magbanyo. Gawain niya kasi ito tuwing math class. Sabi niya kailangan niya ng break from numbers. Nakakawindang daw. Habang nagdidiscuss ang Math teacher namin ay bigla-bigla na lamang akong inapakan ng napakalakas ni Janine na siyang nakapagpahiyaw sa akin. “Aray!” sigaw ko. Nagulantang naman ang klase sa nangyari. “Mr. Gutierrez, okay ka lang ba?” gulat at alalang tanong ni sir. Tiningnan ko ng masama si Janine. Isusuplong ko na sana siya, ngunit naunahan na naman ako ng bibig niya. “Sir! Kaninang umaga pa po ganyan si Josh. Sinabihan ko na nga pong huwag ng pumasok, eh pero ayaw makinig.” sabi niya kay sir.

Now I get it. Ang galing talaga. Pero sana hindi sa ganoong paraan. Ang bayolente lang kasi. Pwede naman akong umarte kung gugustuhin niya. Sana man lang ay nasabihan ako.

“Oh sige, Janina pakisamahan na lang siya sa clinic.” utos ni sir. “Ay, sir. Pinabantayan po kasi siya ng mama niya sa akin. Kapag inatake na naman daw po siya ng sakit, iuwi ko na daw po.” paliwanag niya. Mataman naman siyang tiningnan ni sir. Ako naman ay nagkunwari at umarteng may masakit sa akin. “Sige, pakihatid na si Joshua.” pagsang-ayon ni sir at dali-dali siyang gumawa ng clearance para ipakita sa guwardiya.

“Bilisan natin, friend. Baka abutan tayo ni Matt. Hindi maniniwala ‘yun na may sakit ka. Ako na bahalang gumawa ng ibang dahilan.” sabi ni Janine. Agad-agad din naman kaming lumabas, and before I knew it, nakarating na ako sa bahay.

--
“Ma, okay na ba ‘yung timpla ko?” tanong ko sa kanya, sabay abot ng sandok para matikman niya ang sauce. Tumikim naman si mama. “You nail this everytime. Hindi ko alam kung bakit ka kinakabahan this time. Kahit nga nakapikit ka kaya mong lutuin ‘yan, eh.” sabi ni mama. “I just want this to be perfect.” matamlay kong tugon. Nagkatinginan naman kami ni mama. Ngayong alam na niya ang damdamin ko para kay Matt ay alam kong nagkakaintindihan kami pareho. Alam ko ang mga ibig sabihin ng mga tingin ni mama.

Huwag kang mag-alala.

“Nako, anak. Siguradong magugustuhan ni Matt-Matt ‘yan.” komento ni Manang. “Lahat naman ng gagawin mo, magugustuhan niya.” ngiting sabi niya. Namula naman ako. “Ano pong ibig niyong sabihin?” Nahihiya kong tanong. “Nako, ikaw kaya lagi niyang kinukwento sa bahay. Kapag kasi walang magawa ang batang iyon, ako ang kakwentuhan. Malaki ang pagpapahalaga niya sa’yo, Joshua.” tugon ni Manang.

Nagkatinginan kami ni mama. And again, I understood what her stare meant.

Sabi ko sa’yo, eh.

Umiling na lamang ako.

Tiningnan ko ang relo ko. 6:30 na pala. Mabuti na lamang at ayos at handa na ang lahat. Ang laki ng pagpapasalamat ko kay Janine, mama, at kay Manang. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko ito magagawang lahat.

Ilang sandali pa ay dumating na si Janine. Nadatnan niya kami sa kusina. “Oh, friend. Hindi ka pa bihis?” pag-inquire niya habang pinagmamasdan ang hitsura ko. “Magbihis ka na. Anytime baka dumating na si Matt.” utos niya. “Ah sige, pakilagay na lang muna ‘yung cake sa ref. Salamat nga pala sa dala mo.” ngiti kong pasalamat sa kanya.

--
“Matt, asan ka na? :)” text ko sa kanya. Kasalukuyan kaming naghihintay sa dining area. Ako, si mama, si Janine, at si Tito Richard. Balak kasi namin siyang surpresahin.

“Josh, this is really something. I never expected na bibigyan mo si Matthew ng ganitong regalo. Sigurado akong magugustuhan niya ‘tong effort mo.” pagbati sa akin ni tito. “Ito po kasi ang naisip kong regalo, kasi wala na akong maisip na materyal na bagay na kailangan niya. Nasa kanya na po ang lahat, eh. Ang yaman niyo po kaya.” gatong ko kay tito na ikinatawa niya. “Haha. Hindi, ah. Ikaw talaga, no wonder kasundo ka ng anak ko.” sagot niya. Ngumiti na lamang ako.

Tiningnan ko ang relo ko. 8:30 pm na. Wala pa ring Matt na nagpapakita. Medyo naiinip na ang mga tao sa bahay. Alam kong alam ni Janine at ni mama na kinakabahan ako, ngunit walang nangahas sa kanilang dalawa na magsalita. Wala pa ring reply sa text. Nag-aalala na ako, pero mas nangingibabaw ang lungkot ko. Gusto ko ng maiyak, pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Darating siya. Nangako siya, eh. Alam kong hindi niya ako bibiguin. Never pa niya akong binigo. Baka naman nagkaproblema lang kaya mahuhuli siya ng kaunti.

Darating siya. Magtiwala ka lang, Josh.

Nawala ako sa pagmumuni-muni ko nang magvibrate ang cellphone ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang pangalan ni Matt sa screen. Sabi na nga ba, eh. Darating siya! Alam kong hindi niya ako bibiguin! Baka mala-late lang ng kaunti, at heto siguro ang text niya na nagsasabing mahuhuli siya at nagso-sorry dahil dito. Ngiti kong binuksan ang message.

Agad-agad ding nawala ang ngiti ko nang mabasa ko ang text niya.

“Ahm... ano po, cancelled na po ang party.” mabigat sa loob kong pahayag sa lahat. Hindi ko na lamang namalayan na naglakad na lamang ako papunta sa kwarto at agad-agad na nagkulong doon bago pa sila makapagreact.

At doon ko ibinuhos ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.
--

“Josh, pwede bang sa ibang araw na lang ako magdinner sa inyo? Namiss ko kasi ‘tong si Ryan at Mich eh. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita. Turuan na lang kita bukas sa school tmrow morning, aryt?” – Matt

Paano ang promise mo? Anong nangyari? Gusto ko siyang replyan, at magmakaawa—oo, magmakaawa na magpunta siya dito dahil may pangako siya. Magmakaawa na huwag niya akong ipagpalit para doon sa mga kaibigan niya. Gusto kong sabihin na may surprise party ako para sa kanya, na may regalo ako para sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko siyang makita.

Gusto kong sabihin sa kanya na nasaktan ako.

Galit. Galit ako kay Matt, ngunit mas galit ako sa sarili ko. Galit sa sarili ang naramdaman ko. Ngayon, alam ko ng hindi pala ganoon kahalaga ang tingin sa akin ni Matt. Masyado akong umasa. Kung ganoon talaga ako kahalaga sa kanya, ay hindi niya ako ipagpapalit. Mali si mama. Tama ako. Wala siyang nararamdaman para sa akin. Isa na namang kasawian. Ang galing talaga ng puso kong pumili ng taong mamahalin!

Oo, ang irrational ko na ngayon. Wala naman kasi siyang alam. If he had known, pupunta siya for sure.

Pero kasi...

“Tangina, nangako siya, eh! Sabi niya pupunta siya!” mariin kong bulalas, pilit kinokontrol ang boses ko.. At muli ay tila mga gripo na namang nabuksan ang mga luha ko. Nagsimula na naman ang mga hagulgol, ang mga hikbi. Nanginginig na ako sa lungkot, sa galit, sa awa sa sarili. Wala na akong pakialam sa mga bagay sa paligid ko. Naririnig ko ang mga katok ng mga tao sa labas, ngunit pinili kong huwag pansinin iyon. Ayokong makita nila ako sa ganitong ayos. Ayokong makita nila na nanghihina ako.

Biglang nagvibrate ang phone ko.

Nakita ko na naman ang pangalan niya. Curious—mali, umaasa na nagbago ang isip niya, binasa ko ang text. This is your last chance, Matt.

“Uy, bakit ‘di ka nagrereply? :( Tampo ka na? Cge na nga, diyan ako matutulog, pero baka madaling araw pa kami matapos dito. Nagkakasiyahan kami, eh.”-- Matt

In an impulse, binato ko ang cellphone ko sa dingding, at matapos ay mas lalo pa akong napaiyak.

Narinig ko ang pagkalampag ng doorknob na siyang dahilan para mapatingin ako sa pinto. Iyong tipong pinasukan ng susi. Bumukas ang pinto at nakita ko doon si Janine, may malungkot na tabas ng mukha. Nang madatnan niya ako ay lalo pang lumungkot ang tingin niya sa akin. God, I must’ve looked like a wreck! Dali-dali niyang kinandado muli ang pinto at walang sinayang na oras na humangos sa akin para yapusin ako ng yakap.

Muli ay napahagulgol na naman ako. “Janine, it hurts so much.” paglalabas ko ng sama ng loob sa kanya. “Shh, shh... ilabas mo lang ‘yan.” pang-aalo niya sa akin. “Janine, you’re right. It hurts, because...” “... because you love him, right?” pagtatapos ni Janine sa pahayag ko, na siyang lalo ko pang ikinaiyak. “Oo, Janine... mahal ko na siya. Pero bakit ngayon tanggap ko na sa sarili ko at saka ako nasasaktan ng ganito?” tanong ko sa kanya.

Ngunit wala siyang naisagot sa akin. Imbis ay hinigpitan lamang niya ang mga yakap niya.

“Do you want me to stay for the night?” alala niyang tanong. Napailing na lamang ako. “Halika, ayusin natin ang sarili mo. Kailangan nating bumaba. Sayang ang mga hinanda mo.” ngiti niyang sabi sa akin. Napailing na lamang ako. “Isa.” banta niya, at wala na nga akong nagawa.

--
“Joshua, what happened?” alalang tanong ni Tito sa akin. “Ahh, he’s with his friends daw po.” maikli kong sagot, hindi makatingin sa mga mata ni tito. “What? Really now?” medyo inis na pahayag ni tito. “Tito, just let him off the hook. Wala naman po siyang alam about this. No one can blame him.” pagdadahilan ko.

“You can blame him, Josh!” nagulat na lamang ako sa pagsagot ni Janine. Nagtinginan naman ang mga tao sa bahay, nagtatanong kung anong ibig sabihin ni Janine. “Tito, I have been a witness. Nagpaalam si Matt na lalabas siya, pero nagpromise siya na pupunta siya dito by dinner time. Josh has every right to be mad.” firm niyang sabi. “Janine, let it go.” malumanay kong baling sa kanya.

Si mama at si manang naman ay nanatiling tahimik.

“I’m going to call Matthew.” impatient na tugon ni tito. “Huwag na po, please. Magmumukha lang akong...” pagpigil ko, ngunit pinutol ko rin ang sasabihin ko. Ano nga ba ang ikinakatakot ko? Na magmumukha akong desperado? Weak? Vulnerable? Too clingy? Begging for his attention? Hell no. Ngayong alam ko na wala talaga siyang nararamdaman sa akin gaya ng sinabi sa akin ni mama ay mas lalong tumindi ang takot ko. Napabuntong hininga si Tito. “Fine. I understand. Let him find out himself. You have my blessing na bugbugin ang anak ko once he does.” pahayag ni Tito. Napangiti naman ako ng bahagya dahil doon.

“Kumain na lang tayo.” mahinahon na pagsali ni mama sa usapan. “Oo nga po, tita. Gutom na kami, eh.” sagot ni Janine. “Richard, manang, kain na.” pag-anyaya ni mama kay tito at manang. “Josh,” malaman na tawag sa akin ni mama. Umiling na lamang ako at binigyan siya ng isang makahulugang tingin. “Tita, let him be. Intindihin niyo na lang po.” baling ni Janine kay mama.

Naupo na lamang ako sa sofa at tiningnan ang kaganapan sa harap ko. Fully-decorated ang bahay, nakahanda ang mga pagkain. May tarpaulin pa akong pinagawa na nagpapahayag ng pagbati sa kaarawan ni Matt. At muli ay tahimik akong naiyak, iniisip ang mga paghihirap ko at kung paano na lang ako binigo ni Matt. Yumuko ako para walang makahalata. Luckily, no one dared to approach me. Mukhang nagkakaintindihan naman kaming lahat sa bahay na kailangan ko ng oras para mapag-isa.

--
Matt.

Shit. Why do I have this odd feeling? Bakit kinakabahan ako? Bakit hindi nagrereply si Josh?
But I didn’t let it get through me. I need to enjoy this night. Minsan ko lang sila makakasama. Nagpasalamat ako sa mga kaibigan ko dahil sa paglibre nila sa akin. Birthday ko na kasi kinabukasan, kaya naman hindi ko na pinalampas ang pagkakataong makasama sila. Namimiss ko na rin kasi sila, them being my closest friends in my former school. Binati muna nila ako ng isa pang “Advanced Happy Birthday” bago kami tuluyang magkahiwalay ng landas. Dahil doon ay medyo nagtampo ako kay Josh dahil tila clueless siya na birthday ko bukas. Moreover, pagbalik ko sa room ay nawala na lamang siyang parang bula. Sabi ni Janine ay ipinatawag daw sa Principal’s office para sa isang student council matter.

Hindi pa rin maalis sa akin ang kaba at pag-aalala.

--
1:34 am.

Oh! Happy Birthday to me!
Nasa harapan na ako ng bahay ni Josh. Pinindot ko ang doorbell, ngunit walang lumalabas ng bahay. Nasabihan ko naman siya na mala-late ako. I kind of felt guilty breaking my promise. Maiintindihan naman niya siguro iyon. Makakabawi naman ako sa kanya dahil tuturuan ko naman siya bukas sa chem. After all, iyon lang naman ang purpose kung bakit gusto niya akong papuntahin sa kanila.

After what seemed like eternity. Bumungad si tita Stella mula sa pinto ng bahay. Halatang naistorbo ko siya mula sa isang mahimbing na tulog. “Anong ginagawa mo dito?” medyo masungit niyang pahayag. Naisip ko na lamang na baka dahil iyon sa kadahilanang nagising ko siya. Pilit ko na lamang inintindi iyon. “Ah, nagtext po kasi ako kay Josh na dito po ako matutulog. Sorry po at nagising ko kayo.” pahayag ko. Natahimik naman si tita, tila nag-iisip. Makalipas ang ilang segundo ay lumapit siya sa may gate para pagbuksan ako.

“He’s really sad. Why did you do that?” pahayag ni tita na siyang ikinataka ko. “Po?” taka kong tanong. Habang papalapit na kami sa pintuan ng bahay ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, nadadagdagan ang kaba ko, na siya pang pinaigting ng hindi pagsagot ni tita sa tanong ko. Binuksan niya ang pinto at ang ilaw sa loob ng bahay. “Matutulog na ako.” matter-of-factly na pahayag ni tita at iniwan na lamang akong tulala.

Now I know why.

“Josh...” malungkot kong bulalas.

Napatingin ako sa paligid. Maraming balloons, pagkaing hindi gaano nagalaw, at isang tarpaulin na nakasabit sa tapat ng dining table, “Happy Birthday, Matt! Thanks for being the bestest friend, ever!” ang nakasulat. I felt myself sinking from where I’m standing. Nilamon na ako ng guilt. Kaya pala napakapersisent niya. Kaya pala hindi siya nagrereply. I didn’t expect that he’ll do this for me. Natouch ako. Masaya ako.

At naiinis ako sa sarili ko.

“Josh naman, eh.” buntong hininga ko, pilit pinipigilan ang mga luha na pumatak mula sa mga mata ko.

Lumapit ako sa dining table, at lalo pa akong nalungkot nang makita ko ang mga nakahain doon. Lahat iyon ay paborito ko. Ang carbonara niya, ang apple pie niya... I didn’t expect that he’d go through all this effort for me. Alam kong sobra siyang nasaktan dahil sa pagditch ko sa kanya. Wala akong alam... pero tangina kaya nga surprise, eh. Napailing na lamang ako at dumiretso tungo sa kwarto niya.

Kailangan kong magsorry. Nasaktan ko siya.

Nasaktan ko ang taong mahal ko.

--

Josh.

“Bes.”

Kilala ko ang boses na iyon. Dumating siya. Naramdaman ko na naman ang urge na umiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko at imbis ay nagtulug-tulugan.

“Bes.” muling tawag ng boses sa akin.

Ngunit hindi ako nagpatinag.

“Alam kong gising ka pa, bes.” mahinahon ang boses niya.

Nakaramdam ako ng mahinang paggalaw ng kama ko, isang indikasyon na umupo si Matt doon. Dahan-dahan niya akong niyugyog. “Uy, sorry na.” malungkot na sabi niya. Wala pa ring epekto sa akin. Hindi pa rin ako nagre-react.

“Bes. Nandito na ako. I came. Hindi pa naman ako huli, ‘di ba?”

At doon ay napabalikwas na ako.

“Umuwi ka na.” mahinahon kong sabi. Pati ako ay nagulat sa mahinahon kong pakikitungo sa kanya.

“Bes naman, eh. Sorry na.”

“Go away.” sa puntong ito ay pinipigilan ko na ang mapaiyak.

“Sorry, Josh.” yayakap na sana siya sa akin nang mapabangon ako. Ngayon ay magkaharap na kami. sa kama ko.

“Matt, just go home.” pagod kong turan sa kanya.

“No, I am not going anywhere!” mariin niyang sabi.

Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng kamao ko sa pisngi niya.


“GET OUT! LEAVE ME ALONE!” sigaw ko, at nakita ko na lamang ang sarili kong humahagulgol.

--

Itutuloy...

15 comments:

  1. Happy Birthday kuya author!thanks sa update!!!

    just

    ReplyDelete
  2. update...update.....update!!!!!!!!!!!!!

    waaaaahhhhhhhh!!!!!


    love this story haha first time ko nagcomment ganda kasi talaga good work po


    happy b-day din po sayo

    ReplyDelete
  3. Ikaw na talaga ang pinakamagaling mambitin mr.author. haha. Ganda na naman as expected. Update ka na uli dali hehe. Happy bday!

    ReplyDelete
  4. Shit grabeh naiyak nmn aq dto,

    ReplyDelete
  5. ang ganda, GRAVETY he he he , happy bday author, parang michael juha lang naman C O N G R A T U L A T I O N S !!!!!!

    ReplyDelete
  6. HAPPY BIRTHDAY !!!!


    yow! sarap magbasa ngaung tag-ulan hehehe

    ReplyDelete
  7. Prang c Josh ang nasurprise sa nangyari ah, bkit nmn kc Matt gnwa mu un first tym ako NAINIS sau pramis hehe
    Bka way e2 pra tapos na kilig moments Josh-Matt at ang ending Josh-Gab tlga hehe naisip ko lng.. Nosi ba tlga pra k Josh??? hmmmmm......Wait and Seeeeee :)

    Hapi Bday to our Dear author, all d best in life!

    AtSea

    ReplyDelete
  8. First of all I want to greet the authot a Happy Birthday :))) keep up the good work. :)

    After reading this chapter, I end up teary eyed as expected :) nakakadal yung feeling ni Josh. Yung hindi ka siputin ng taong expected mong dadatin... Pero sobrang nakakabitin! Update na agad birthday boy :D sana may update na by tomorrw or the next day. I can't wait to see the next chapter. Anyway, good job! Keep it up Mr. Author :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you! I'm happy, dahil nagkaroon ng impact ang munti kong akda sa iyo. :)

      Delete
  9. Wow ganda ganda ganda ganda talaga naawa ako kai josh parati puso ko nasaktan pati isip ko naguluhan pati mata ko lumuluha pinaiyak mo ako mr author.,huhuhuhuhuhuhu

    Julmax

    ReplyDelete
  10. Hapi burtday pala sayo sori kng ngay0n lng ako nka pag greet sayo., :*


    Julmax

    ReplyDelete
  11. hi ask ko lng if this is the latest ? Or tpos na to sa ibang site ? thanks :) HBD pla author :) Godbless :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dito lang ako nagpo-post, at wala sa ibang site. If meron man, please tell me (lalo na if hindi credited), dahil hindi ako ang nagpost noon. :) Maraming Salamat! :)

      Delete
  12. Maraming Salamat sa lahat ng bumati! I really appreciate it. God Bless! :)

    ReplyDelete
  13. belate happy bithday kuya.

    sad nmn nitong update. birthday na birthday eh! tas galit pa itong c Josh. mahal nmn nya, kung umasta parang jowa. e hindi p nmn sila. hehe.

    bharu

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails