Followers

Tuesday, July 23, 2013

'Unexpected' Chapter 30

Hi! Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa series na ito. Reading all your comments has that therapeutic effect on me. :)

Pwede bang magshare? I am currently in a serious dilemma, dahil... I'm writing the finale chapter, AT HINDI KO ALAM KUNG SINO ANG PIPILIIN NI JOSH. Confused pa ako kung kanino ko pa siya dapat ibigay! Hell, nakakafrustrate pala! :| I seriously don't know kung paano ko siya isusulat in such a way na made-deliver ko lahat ng gusto kong iparating sa inyo. :( Given the pressure of acads, and everything else... so help me God, at nawa'y matapos ko siya on time. :)

Bigyan niyo naman ako ng ideya kung sino ang gusto niyo para sa kanya (I may not necessary follow it, but your comments might help). Please. :(

Given that, I'd like to inform you na malapit ng magwakas itong series, and I hope that you're all with me until the end... and even when I start writing a new one. :)

Anyway, nothing much happens in this chapter, pero importante pa rin ito, dahil ito ang pinaka-bridge/transition for bigger things to come. ;)

Comments and constructive criticisms are highly appreciated.

Happy Reading!

--
Chapter 30

Matt.

This is it.

Field trip na.

Kasalukuyan akong naghihintay sa loob ng bus. To be honest, nakakatawa man, eh pinakauna akong dumating. Excited na kasi ako. Alam ko kasi ang magiging takbo ng araw ko. Isang buong araw kasama si Josh. Just thinking about it ay napapangiti na ako. It’s all thanks to Nikki dahil naconvince niya ang Guidance Counselor namin na gawing alphabetically-arranged ang bus seating at ang room assignments, tapos nagsuggest pa siya ng buddy system na kung sino ang katabi mo sa bus ay siya ang magiging buddy mo all throughout the trip, which meant na dapat magkasama kayong dalawa as much as possible. Kaya naman no choice si Josh kundi ang sumama sa akin, haha.

Ilang minuto pa ay nagsimula ng magdatingan ang mga kaklase ko. Nginitian ko na lamang sila dahil wala naman talaga sa kanila ang gusto kong kausapin. Isang tao lang naman kasi ang hinihintay ko, eh ngunit wala pa siya. Nadatnan ko naman si Janine na pumasok sa loob ng bus. Nakasuot siya ng isang malaking sombrero at shades. Natawa ako sa ayos niya. Maganda talaga siya, ngunit dahil sa close kami at alam ko ang tunay niyang ugali ay iba ang nakikita ko. May pagkakwela ang dating sa akin ng get-up niya. Nang makita niya ako ay agad-agad naman siyang umupo sa tabi ko.

“Excited ah.” pambungad ko sa kanya. Kumunot ang noo niya. “Yung suot mo kasi.” sabi ko sabay turo sa sombrero at shades niya. Natawa naman siya. “Oo naman, noh. Bihira lang ito. Anyway, patabi na lang ah.” sabi niya bago umupo sa bakanteng upuan sa kaliwa ko. “Eh, doon ka na sa kabila.” pagrereklamo ko. Alam ko naman kasing kahit anong mangyari ay si Josh ang makakatabi ko. Napasinghap naman siya. “Mr. Lopez! Anong ibig sabihin nito? Ayaw mo na akong makatabi? May iba na ba? Sino siya?! Sabihin mo sa akin!” pag-iinarte niya. Kay aga-aga ay inatake na naman ng kanyang kagagahan si Janine. Typical.

“Sorry, Janine...” seryoso kong sabi, sumasakay sa trip niya. “Hindi tayo talo.” bulong ko sa tainga niya. Humagalpak naman sa kakatawa si Janine dahil sa ginawa ko. Ako rin naman ay nangiti sa pantri-trip kong iyon. Wow, I just realized I made a joke on my sexuality. Mukhang mas tanggap ko na pala ang sarili ko kaysa sa inaakala ko.

“Matt, seriously... ang creepy.” komento niya na siyang nakapagpatawa sa akin. “Totoo naman, eh.” balik ko sa kanya. “Speaking of which... alam na ba ni Tito?” maingat niyang tanong. At nakaisip naman ako ng ideya. Nagkunwari akong malungkot at bigla na lang napailing. “Oo, eh.” nakayuko kong sagot sa kanya. “Oh em. It didn’t go well?” nag-aalala niyang tugon. I did my best not to laugh. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ko siya ng diretso. “It did not. Pinalayas nga ako ni dad, eh.” mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya. Napasinghap siya, ngunit pinili niyang manahimik.

“Kaya nga nagjojoke ako kasi ito na lang ang paraan ko para makalimot. Buti na lang may naipon akong medyo malaki kaya naka-upa pa ako ng matitirhan. Ang hirap palang mamuhay ng mag-isa, Janine. Paano na lang ako mag-aaral next year? May alam ka bang part-time job?” malungkot kong pahayag. Si Janine naman ay tila maiiyak na sa mga sinabi ko. Inakbayan niya ako at inalo. “Kung gusto mong umiyak, sige lang.” pahayag niya. At doon ay natawa na ako ng tuluyan.

“HAHAHAHA! Got ya!” asar ko sa kanya. Nangunot naman ang noo niya. “Oo alam na ni daddy. Hindi mo ba napansin noong nagpunta ka sa bahay namin kahapon para gisingin ako? Wala naman siyang reaction sa pagiging sobrang saya ko when I found out na papasok na si Josh. If dad did not know, for sure magtatanong iyon sa iyo.” pag-eexplain ko. At naramdaman ko na lamang ang malakas na paglapat ng palad niya sa pisngi ko.

“Aray! What was that for?!” reklamo ko. Ang sakit! “May lamok kasi! And don’t English me! Marunong rin ako niyan!” inis na sigaw ni Janine sa akin. “Pikon!” balik kong pang-aasar sa kanya. “Walang magawa sa buhay!” ganti niya.

“Malandi!” gatong ko pa.

“Obsessive Compulsive!” balik niya na siyang ikinainis ko. Walang mali sa pagiging malinis!

“Maharot!”

“Duwag!”

“No Boyfriend Since Birth!”

At doon ay napasinghap ng todo si Janine, clearly hindi gusto ang narinig mula sa akin.

“Bading!” matinding balik niya sa akin.

At doon ay pareho na kaming natigilang dalawa. Medyo nasaktan ako sa mga sinabi niya, but I kept my cool. Ayoko namang pag-awayan namin ang isang petty matter such as this. I just hope na... walang nakahalata sa mga kaklase ko. Oo, tanggap ko naman na ang sarili ko at wala na akong dapat ikatakot dahil okay naman ito kay papa, pero kung malaman man ng buong school ay... gugustuhin kong sabihin iyon sa kanila kapag... kami na ni Josh. If ever mangyari man iyon.

Sana nga.

At isa pa, sa kanya lang naman ako nagkaganito, eh. Kaya wala ring silbi kung malalaman nila tapos hindi naman ako mahal ng taong dahilan kung bakit ako naging ganito. Kung kabadingan man ang tawag sa pagmamahal ko kay Josh, so be it. Wala naman akong pakialam doon. Nagmahal lang ako, eh. I don’t see why that has to be an issue.

“Uy, sorry.” nahihiyang pahayag ni Janine. Tiningnan ko na lamang siya at tumawa ng mahina. “Sus, oks lang ‘yon.” pagdismiss ko sa mga worries niya na galit ako sa comment niya. “Hoy, share naman kung paano nagreact si tito!” paghikayat niya, medyo bumalik na ang sigla sa kanya. “Actually, hindi ko ineexpect na matatanggap niya, eh. It unexpectedly slipped, then hindi ko na dineny. It happened after I went to Josh nung gabi ng birthday ko. When he sent me away, I immediately went home knowing dad would comfort me, pero mukhang galit siya sa ginawa kong pagditch sa party. Tapos, naiyak na lang ako sa harap niya, after noon niyakap niya ako. I told him how much I’m hurting, then ayun na. Poof! Nasabi ko biglang mahal ko na si Josh.” bulong ko sa kanya.

“Then?” pagpapatuloy ni Janine.

“”Pa, I’m gay.” ganyan ko sinabi. Ang straight to the point nga, eh. Epic. Akala ko talaga bubugbugin niya ako, Janine. Iba ang kaba ko that night. Alam ko naman kasing mabait si papa, pero kapag nawalan siya ng pasensya... nakakatakot na. Hindi ko rin kasi alam kung iintindihin niya ako, kasi yes, mabait siya pero lagi niyang sinasabing gusto na niyang magka-apo.” napatawa naman ako ng mapait sa realisasyong iyon.

“Paano ‘yung exact reaction ni tito? Paano ‘yung pagtanggap niya? Nambitin pa, eh.” tila hindi naman napansin ni Janine ang pagbaba ng mood ko.

“It was unexpected, kasi umiyak siya...”

“Oh-em.” singhap ni Janine.

“Ako rin umiyak lalo. Then, he told me to stop crying dahil tanggap niya... Ayun.” at tumigil na ako dahil baka madala pa ako ng mga emosyon ko. Sobrang thankful talaga ako dahil sa pag-unawa sa akin ni papa. Kaya mahal na mahal ko siya, eh.

Sandali kaming natahimik pareho ni Janine.

“Matt!” napaangat ang mga ulo namin ni Janine at nabungaran kami ng isang nakangiting Nikki. “Oy, Niks!” tayo ko sabay apir sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagtense ng katawan ni Janine. Siguro ay dahil nagulat siya at nagpapansinan na kami ng taong may selos ako dati. “Good luck later, ha. I believe in you! Kaya mo ‘yan! Basta, huwag niyo akong kalimutan once this turns out right.” magiliw niyang sabi. “Salamat talaga.” sinsero kong pahayag. “Sus wala ‘yon! Anyway, punta na ako sa seat ko. Bye, Matt, Janine!” pamamaalam niya.

Naupo ako at nadatnan ko na lamang si Janine na masuri akong tinitingnan.

“Mr. Lopez! What is the meaning of this?!” finally ay hindi na siya nakatiis at nagtanong na siya. “Secret.” pang-aasar ko sa kanya. “Ano nga!” pangungulit niya. “Basta, just watch out. Malalaman mo rin in a few moments. Trust me, mas magandang hindi ako ang magsasabi sa iyo.” pagrarason ko.

Tumahimik naman siya.

“Ako rin may alam.” nakangisi niyang baling sa akin matapos ang ilang segundong pananahimik. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay. “Secret.” pang-aasar niya. Nangunot naman ang noo ko. “Ano nga? At tungkol saan?” pagpilit ko. “Josh.” reply niya. Nagising naman lalo ang diwa ko. “I have a secret. I’m not telling.” patuloy pa niyang pang-aasar.

“Isa.” banta ko. Lalo lamang siyang ngumisi.

“Dalawa.”

Wala pa rin.

“Ah ganoon ah!” at kiniliti ko na siya sa tagiliran na siyang ikinahagalpak niya sa tawa. “Ano? Hindi mo pa sasabihin?” pagpilit ko pa habang siya’y tila mamamatay na sa sobrang kiliti. “Oo na! Oo na!” pagsuko niya. At agad naman akong tumigil. Hingal na hingal na si Janine matapos noon. “Ang unfair mo, ugh! Okay, okay. Sasabihin ko na, friend.”

“Kasi last night, he called me. He was crying.” pagsisimula niya.

“Oh bakit naman?” nag-aalala kong tanong.

“I don’t know, eh. Sabi lang niya kailangan lang daw niya ng tao who will make him sane that night. Parang may nangyari na ayaw niyang sabihin, eh. May kinalaman ka ba dito?” tanong niya.

“Wala.” diretso kong sagot. Hindi nga kami nagkakausap, eh.

“I’m worried. Bakit nga ba wala pa siya?” dugtong ko. Napabuntong-hininga na lamang kami ni Janine.

Ilang minuto pa ay wala pa rin si Josh. Pareho na kaming kinakabahan ni Janine. Masasayang ang mga plano namin ni Nikki, ang suportang ibinigay sa akin ni Janine, at ang tapang at lakas ng loob na naipon ko specially for this day. Mahirap na kasing maghanap ng ibang timing, at magdevise ng panibagong plano bago pa mahuli ang lahat. Kailangan kong gamutin ang mga sugat ni Josh bago pa ito tuluyang lumala at bago pa ako mawalan ng pag-asa.

Josh, please... not this time. Don’t leave me hanging.

“Last 5 minutes. Kapag hindi pa dumating si Josh in 5 minutes iiwan na natin siya.” sabi ni Von, ang class President namin, over the microphone. Hindi na ako mapakali. Dapat dumating siya.
Damn, ito siguro ang naramdaman ni Josh habang naghihintay siya sa akin noong birthday ko.

Ang sakit pala. I’m such a jerk!

“Nga pala, guys! Just in from the admin.” nakuha ang atensyon namin ni Ms. De Vera na siyang kasalukuyang gamit ang microphone para sa isang announcement. “Instructions kasi ng admin is magkaroon ng buddy system para mas organized. Kaya naman, I’m sorry to say this, but may seat plan ang bus.” pag-anunsyo ni ma’am. Narinig ko naman ang mga reklamo ng mga kaklase ko, at tila ako lamang ang masaya sa anunsyo ni ma’am.

Thanks, Nikki. Si Josh na lang ang kulang.

“Quiet, III-A! At saka, if possible—that is, if same gender ang katabi niyo sa bus—siya na rin ang magiging roommate niyo. Ginawa ito for the purpose na mas madaling i-check kung may naiwan ba, or what-not, and para na rin mas organized. Sana magcooperate tayo, guys. Alphabetically-arrange yourselves. Go na, people. Kilala niyo na naman ang makakatabi niyo.” pagtatapos ni ma’am. At kahit wala sa loob ng iba ay nagsitayuan na ang mga kaklase ko at naglipatan na ng mga upuan.

Kinindadatan ko si Janine. Napangisi naman siya ng mapang-asar matapos niyang makuha ang gusto kong ipahiwatig. Alam kong alam na niya ang plano namin ni Nikki.

--
“Ma’am, please. Wait lang po. Kahit 3 minutes lang. Hintayin na po natin si Josh!” pagmamakaawa ko sa adviser namin na mag-extend, dahil hanggang ngayon ay wala pa si Josh. Nararamdaman ko na lamang ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo ko. Sobrang kaba, at pag-aalala ang nararamdaman ko. Tinignan naman ako ni Ms. De Vera ng mabuti at tumango. “Fine, 3 minutes.” authoritative niyang sabi. “Thank you, ma’am!” galak kong tugon.

“No need.”

Napalingon naman ako sa may pinto ng bus, and in an instant, all my fears, apprehensions, and worries faded away. Nandito siya! Josh came! Hindi ko mapigilang mapangiti ng wagas.

“Good. Ang tagal mo naman, Josh. Sige, maupo ka na sa tabi ni... oh, Matt.” si Ms. De Vera matapos tingnan ang papel na naglalaman ng seat plan.

Natigilan naman sandali si Josh, at tinignan ako.

“Samahan na kita.” ngiti kong pahayag sa kanya, ngunit tila walang epekto iyon sa kanya. He just shrugged his shoulders and followed me to my seat. Inanyayahan ko siyang maupo katabi ang bintana, dahil alam kong mas kumportable doon, at masayang makita ang mga tanawin sa labas ng mas malapitan.

Naramdaman ko na lamang ang biglang pag-andar ng bus, isang senyales na nagsimula na ang paglalakbay namin patungong Ilocos, at ng paglalakbay ko tungo sa puso ng taong mahal ko.

--
“Bakit ka late?” masigla kong pambungad sa kanya habang nasa biyahe, forcing to start a conversation. Ngunit wala siyang naging sagot. Inobserbahan kong mabuti ang ayos niya, at medyo naalarma ako dahil halata sa kanya ang pagod, dahil sa mumunting mga linya sa ilalim ng mga mata niya. Hindi siguro ito nakatulog ng mahimbing kagabi. May koneksyon siguro ito sa sinabi sa akin ni Janine kanina.

“Ayos ka lang ba? You don’t look... like yourself.” pag-iinquire ko. At ayun, nilingon din niya ako na siyang nagbigay sa akin ng mas malinaw na anggulo ng mukha niya. Napansin ko ang kawalan ng sigla sa kanya. Nakonsensya lalo ako dahil alam kong malaki ang posibilidad na ako ang dahilan ng pagkawala ng masayahin niyang presensya. Malamang ay may galit pa rin siya sa akin. Ngunit mas binabagabag pa rin ako sa kung anuman ang nangyari sa kanya kagabi. Was it too much para umiyak siya ng ganoon to the point na mawawala na raw siya sa sarili niya at kailanganin ang comfort ni Janine?

Malaki nga siguro ang dinadala niya ngayon.

“Look, if this is about my birthday...” pagsisimula ko, but he cut me right away. “No, hindi ito tungkol diyan.” seryoso niyang sabi habang nakatingin lamang sa bintana. “Josh, I’m sorry. If hindi pa sapat—“

“Look, Matt. Shut up for a moment, please. I’m trying to rest, okay?” irita niyang tugon, at alam kong totoo ang pagkairita niya sa akin, dahil nage-English siya kapag ganito ang nararamdaman niya.

Natigilan ako.

“And just so you know, not everything is about you.” matalim na dugtong niya bago ibaling ang atensyon niya sa bintana ng bus.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa ginawang pagtrato ni Josh sa akin. Totoong deserve ko kung anuman ang mga nakukuha ko ngayon. Dapat pa ngang maging thankful ako dahil nag-exceed ito sa mga expectations ko. Hindi ko akalaing hindi magrereklamo si Josh sa seat plan ng bus. Naisip ko na rin kasi kung ano ang pwedeng back-up once na magreklamo siya kay Ma’am. Malakas din naman kasi si Josh kay ma’am, at mabait si Ms. de Vera kaya hindi malayong pagbigyan siya nito kung sakali. Sira ang mga plano ko kung mangyari man iyon.

Still, feeling his presence again, sitting beside him again, ewan ko, pero ang corny (na naman) man eh pakiramdam ko buhay muli ako. Ilang araw ko na rin kasi siyang hindi nakakasama kaya naman isang napakalaking blessing ang pagkakatabi namin ngayon. Ang hirap kasing alisin sa sistema ng isang tao ang paghahanap sa presence ng isang taong palagi mong kasama. I guess that further explains everything.

I risked a peek at Josh. Namasdan ko nga ang pagbaba ng mood niya. Something tells me na may dinadala siyang mas mabigat pang bagay bukod sa alitan naming dalawa. Call me a jerk, pero isang maliit na bahagi ng katauhan ko ang nagustuhan rin naman ang panlalamig niya sa akin. Don’t get me wrong, that does not mean na gusto ko ang ginawa kong pagsakit sa damdamin niya. Hell no. Ang sa akin lang naman, seeing him like this... I guess ang ibig sabihin noon ay may halaga rin naman ako sa kanya kahit papapaano, na may impact din naman akong naidulot sa buhay niya. Hindi naman siya magiging ganito sa akin kung wala akong halaga sa kanya, ‘di ba?

Medyo napangiti naman ako sa realisasyong iyon. I’ve been blinded by all the negativities that surrounded me the past few days. Tama nga si mama. Ang lagi niya kasing sinasabi sa akin noong nabubuhay pa siya ay ang huwag kalimutang tingnan ang brighter side of things, dahil kahit ang pinakamahirap na problema ay may bright side pa rin kahit papaano.

Pero going back, ano nga kaya ang dinadala ni Josh? I’ve never seen him so down.


Kailangan kong malaman kung anuman iyon.

--

Itutuloy...

14 comments:

  1. Una aq hehehe.... medyo bitin sana mbilis ang update ....... mark

    ReplyDelete
  2. Si matt n lang piliin mo... Wenx aun di ko pa nababasa tong chapter na to...

    ReplyDelete
  3. patayin si matt sa aksidenti at sila pa rin ni Gab.

    ReplyDelete
  4. Team Matt ako.haha pero okay lang din si Gab.pero para kasi sakin najustify naman ni matt yung pagmamahal nia kay Josh haha La lang di ko pa din nababasa tong chapter na to.mabasa nga :))

    ReplyDelete
  5. Mas ok cla ni Matt...tnx sa update

    Randzmesia

    ReplyDelete
  6. i think dapat si Matt kasi pure ang intention for josh.kasi si Gab may pagkaselfish ang motibo.

    just

    ReplyDelete
  7. Matt prin ako.,nkakabitin n man ohh.,

    ReplyDelete
  8. sobra ko nagustuhan ang kwento ang dami pang kilig moments..
    Hope it will be Josh-Matt n'd end kc based on character only Matt s worthy for Josh unlike Gab kulang ang effort nya but they could still be orig bstfrends nlng.
    Well, everythings up 2u idol author 4 sure hapi kme and satisfied.
    Thanks :)

    AtSea

    ReplyDelete
  9. Mas ok na si matt! Wag na si gab ok na yung magbestfriends na lang sla! Update na dalii!!

    -kyo

    ReplyDelete
  10. #TeamMatt ako. Mabait, mayaman, pogi, mapagmahal, malalahanin, & maalaga! Wala ka ng hahanapin pa. Kumbaga All-in-One :)

    Nabitin ako ng sobra. Sana may update na! Hindi ako mapakali, sana mabasa ko na ang kabuuan ng story. More power! Keep it up. :)

    ReplyDelete
  11. Update will be posted tomorrow! Salamat sa lahat ng mga nagcomment, at nagbasa. :)

    ReplyDelete
  12. so malamang josh gab parin s huli.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails