Followers

Wednesday, July 24, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 7

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By : Baste31 - j.a.c.
Chapter 7 : Isang Paraiso
Please Click The Link For Previous Chapters :  COMPILATION



Masaya si Mama at Papa ng makita ulit si Louie.
Parang iniinterview si Louie ng media sa dami ng tanong nila sa kanya. Napaka saya nga nilang tingnan habang nagtatawanan.
Nagpapasalamat din sila kay Paul sa pagtulong nito sa akin sa school, dun ko na rin sinabi na candidate si Paul para maging magna cum laude, na sya namang ikinamula ng mukha ni Paul.
Lumabas na naman ang pagiging mahiyain at humble nya.
Naalala ko na magkakaroon pala kami ng fieldtrip di kalayuan mula ngayon kaya ipinagpaalam ko kina Mama at Papa na gusto kong isama si Louie.
Hindi naman nagdalawang isip ang parents ko at pumayag ang mga ito, iyon eh kung gustong sumama ni Louie.
Medyo nag alangan nga lang si Louie nung malamang three days two nights ang fieldtrip namin, hindi raw nya alam kung papayagan syang mag-absent ng boss nya at isa pa inaalala nya ang nanay at kapatid nya.
Sabi ni Mama sya na raw bahala sa Nanay at sa kapatid ni Louie, ang problema na lang ay ang boss nya.
Kaya kahit nagdadalawang isip si Louie pumayag na rin sya sa pangungulit ko. Sabi ko hindi masaya ang tropa kapag hindi sya kasama.
"Sige susubukan kong magpaalam sa boss ko. Kulit mo eh.. Heheh" ang sabi ni Louie sa akin na medyo nahihiya pa kay Mama.
Dumating ang araw ng fieldtrip namin, sobra ang excitement na nararamdaman ko. Hindi pa nag aalarm yung isinet ko na orasan nagising na agad ako.
Syempre handa na ang lahat ng mga gamit ko, inayos na namin ni Mama kahapon. Dala ko rin yung digicam para maraming pictures syempre outing yung pupuntahan namin. Mabilis naman akong naligo at nagbihis ng t-shirt at walking shorts at rubber shoes.
Nang lumabas ako ng kwarto dala ang isa malaking backpack at bitbit bitbit ang isang sports bag nagising na rin pala si Mama. Si Papa natutulog pa raw dahil pagod sa trabaho. Napaka daming pinadalang gamit ni Mama eh three days lang naman ang fieldtrip.
Pagbaba namin ni Mama agad kinuha ng driver namin ang mga dala ko at dinala sa van. Naghabilin na lang si Mama na mag-iingat kami at mag-enjoy sa lakad namin. Hinalikan ko ang pisngi ni Mama at nagpaalam na.
Sinundo ko si Louie sa kanila.
Ayos na rin ang mga dala nyang gamit, isang bag. Gising rin ang Nanay ni Louie ng sunduin ko sya.
Nang paalis na kami ni Louie inabutan sya ng nanay nya ng P200, panggastos daw nya.
Hindi naman ito tinanggap ni Louie dahil sayang daw at mas kailangan ito ng Nanay nya pero pilit inilagay ng nanay nya ang pera sa bulsa nya kaya tinanggap na rin ni Louie yung pera.
Pagkatapos non nagpaalam na kaming dalawa ni Louie sa nanay nya at umalis. Pagsakay namin ng van nagtanong si Louie kung saan ba talaga ang fieldtrip namin, hanggang ngayon kasi hindi pa nya alam kung san ba kami pupunta.
"Palawan." ang sabi ko. Medyo nabigla si Louie ng marinig na Palawan, kahit kelan daw kasi di nya naisip na mapupuntahan nya ang lugar na yon.
Bigla naman syang nalungkot habang kinukuha yung pera sa bulsa nya. Kaarawan pala ng Nanay nya bukas, pero imbes na may pera ito, heto at ipinabaon pa sa kanya.
Medyo nalungkot din ako, pero sinabi ko na lang na ibili na lang namin ang nanay nya ng pasalubong pag uwi namin para makabawi.
Nang makarating kami ng airport sinalubong kami agad ni Paul, nandun na rin halos lahat ng mga teachers at classmates namin.
Tanungan agad mga classmate namin ni Paul kung sino ang kasama ko kaya pinakilala ko si Louie sa mga classmates namin. Game na game naman si Louie na makipagkulitan sa mga classmates ko, parang matagal na magkakakilala at sobra ang pagkaclose.
Nandyan na isasali nila si Louie sa picture taking nila. Papahuli ba naman kaming tatlo nila Paul at Louie sa picture taking? Syempre hindi, kaya nasa airport pa lang nagpakuha kaming tatlo ng picture sa isa naming classmate.
 Bagay talaga kay Louie yung damit na binigay ko sa kanya kahit na naka tsinelas lang sya. Todo ngiti nga kaming tatlo eh..
Tapos nangtingnan namin yung photo, tuwang tuwa ako sa shot na yon. Half body lang pero ang ganda ng kuha, si Paul nasa kaliwa, ako sa gitna at si Louie sa kanan ko magkakaakbay.
Sa loob naman ng eroplano ang ingay namin, kwentuhan, biruan. Magkakatabi kaming tatlo nila Paul at Louie. Sabi ni Louie ngayon lang sya nakasakay ng eroplano at hindi pumasok sa isip nya na makakapunta siya ng Palawan.
Kitang kita ko sa mga mata ni Louie ang sinseridad sa mga salita na sinasabi nya kaya lalo akong humanga sa kanya. Nang matapos ang mga kwentuhan tahimik na ang lahat at nakatulog ako.
Nang magising ako, nasa balikat ko ang ulo ni Louie at parang anghel na natutulog.
Nang tingnan ko ang mukha ni Louie may kakaiba akong naramdaman, hindi ko mapaliwanag na parang palagay ang loob ko.
Pakiramdam ko kaya kong harapin ang lahat ng pagsubok kapag nandyan sya sa tabi ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, para bang napakagaan ng buhay kapag kasama si Louie. Nang magland na ang airplane nagising na ang dalawa kong bestfriend.
Sinundo kami ng isang shuttle papunta sa hotel/resort na nabook namin. Ang ganda nang view, kahit saan ka tumingin talagang mamamangha ka.
Ang sarap din ng simoy ng hangin, ibang iba sa hangin sa Manila na puro pulusyon. Nang makarating na kami sa hotel sinalubong agad kami ng mga attendant ng hotel at hinatid sa mga kwarto. Ang kwarto pala ay binubuo ng tatlo hanggang apat na katao ang maaaring magsama sama, bukod ang mga lalake sa mga babae.
Sa apatan kami napunta nila Louie at Paul pero dahil ang classmate namin na si Kevin ay nalayo sa mga kabarkada nya dun na lang sya nakikwarto sa kanila kahit na maging 5 sila sa kwarto nila.
Masaya naman kami kasi mas maluwag at mas masaya kasi kami kami na lang. Hindi naman din kami nagtagal sa hotel, matapos naming magsettle sa magiging arrangement ng kwarto namin naglunch na rin kami dahil pagkatapos nang lunch ay ang skedule namin nang tour sa underground river.

Pero bukod sa nakakamangha at masayang pagpunta namin sa underground river ang pinaka masayang part ay nang maggabi na. 


To Be Continued 

3 comments:

  1. Bitin but nice chapter...cannot wait for the next one. Tnx ponse

    Randzmesia

    ReplyDelete
  2. bkit ang ikli ng mga chapters??

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails