Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
I dedicate this part to Mhi Mhiko for being an outsandig commentator... HAHAHAH thank you bro. :))
Chapter 9
(Pusong Lito)
[Kieth’s
POV]
Nasaan
ako?
Kaninong kama to?
Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto.
Inilibot ko ang aking mata at nakita ko sa aking tabi si Kian.
Anong ginagawa
niya dito?
Kinusot
ko ang aking mga mata.
Ang pagkakatanda ko ay kila Alex ako pumunta.
Nakausap
ko pa nga siya eh, tapos nahilo ako.
Naalimpungatan ako tapos hinali...
Nag
ki-k-i-kiss kami?
Napabalikwas talaga ako ng tayo at nagising si Kian.
“Ano
ba?!” sigaw nito.
Kahit bagong gising gwapo pa rin. He's such an angelic face.
“B-bakit
ka nandito?” sigaw ko.
Napatitig
lang siya sa akin at parang may malalim na iniisip.
Tumitig siya sa akin na
para bang nagtataka.
Agad ko namang hinanap si Alex.
“Si Alex? Nasaan si Alex?” tanong ko.
“Ah
eh.... kasi...”
“Ano?!”
sigaw ko.
"Wag kang sumigaw! bahay mo to?!" sabi niya
"Magsalita ka kasi..."
“Binilin
ka niya sa akin. May pinuntahan siya eh.” pahayag niya.
“Bakit
kaanu-ano ka ba niya ha?”
Nakita kong nag-iisip siya at natigilan.
"Huy..." sabi ko
“Pinsan
niya ako...”
“Di
man lang niya sa akin sinabi. Yung panget na yun. Oh bakit ikaw ang pinagbantay
niya sa akin? Diba niya alam mga pinag gagawa mo?”
"Anong bang mali sinasabi mo?"
"Wag ka nang magmaang-maangan..."
“Mali
ka sa iniisip mo.”
“Hindi
ako bulag.”
“Bakit
ano ba ang nakita mo? Naghalikan ba kami? Nagyakapan ba kami? Sige sabihin mo
ang kasalanan namin?!”
“Nakita
ko kayong magkahawak ng kamay.”
"Wow ha... kapag magkahawak ang kamay may ginagawa na agad? Ang kitid ng utak mo!"
"Makitid agad ha? Eh ano ba ang dapat kong isipin ha!"
“Hindi
mo alam ang nangyari kaya wag kang manghinala. Jan ka magaling eh, sa maghinala
ng mag hinala, mali naman yung inaakala.”
“Bakit
kilala mo ba ako?”
“Bakit
kilala mo rin ba ako? Maaring si RD kilala mo pero yung husgaan mo ako... mag
isip-isip ka muna nga bago ka manghusga ng tao. Hindi lahat ng tao manloloko tulad ng ginawa ng ex mo!”
Bigla
siyang tumalikod para luambas pero naagapan ko siya.
Hinila ko siya pabalik sa
akin kaya napalapit siya sa akin.
Bigla akong natigilan nung makita ko ang
kanyang mata.
Pamilyar
sa akin ang mapupungay na matang iyon, ang kulay brown na mata, mahahabang pilik
mata, makinis na balat, parang lahat ng ito nakita ko na.
Nakaramdam
ako ng parang magnet na humihila sa aking ulo para halikan siya.
Hindi ko
mapigilan ang aking sarili.
Unti-unti nagtagpo ang aming mga labi at
nasasarapan ako sa aking ginagawa.
Shit this is bad.
Eto ang tagpo kapag hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Naramdaman
ko ang pagtugon niya sa aking mga halik.
Naging mapusok ang aming paghahalikan.
Pilit kong pinapasok ang kanyang labi.
Ngayon lang ako naging agresibo ng
ganito.
Ganito na ba ako kahasa pagdating sa mga bagay na ito.
Oo lalaki ako pero bakit ganito? Daig ko pa ang sabik sa mga bagay na ito.
Di
ko mapigilan ang panggigilan ang kanyang malambot at mapulang labi.
Nakaramdam
ako ng kaunting sensitibong pakiramdam.
Unti-unting gumagala ang aking mga
kamay sa kanyang likod.
Natigil
lang ang aming paghahalikan ng kumalas siya at mahawakan ko ang kaniyang
likuran.
Ramdam ko ang pagahahabol ng kanyang hininga.
Shit, bakit ganito, nakakramdam
ako ng init sa aking katawan.
Dala
ba to ng alcohol kagabi?
Ang lakas ngayon ng loob ko an gawin yun...
“Kieth... wag...” narinig kong sabi niya.
Nakakaakit ang boses niya.
Lalo akong nahahalinang halikan siya.
Ang inocente ng mukha niya.
“Shit…”
ang nautal ko at hinalikan ko ulit siya.
Di
ko alam kung dala pa rin ba ito ng alcohol na nainom ko o dala to ng bagong
gising kong diwa.
I hugged him so tight at mas madiin na ang paghalik ko sa
kanya.
Kusa na akong kumalas.
Tumigil na din siya sa paghalik.
I'm back to my senses kahit papano.
“You
look so wonderful, di ko mapigilan...” sabi ko.
Ano ba ang nangyayari sa akin?
Parang all I want is to get him.
All of him.
Napatungo
siya ng ulo pero kinuha ko ang kanyang baba at muli inangkin ko ang kanyang mga
labi.
Shit!
I want him, I want to get him so eagerly.
Alam ko nagugustuhan niya
yung ginagawa ko.
Itinulak
ko siya sa may kama at pumatong ako sa kanya.
Naramdaman ko na nanginginig
siya, feeling ko magiging first time niya ito dahil kapag hinahawakan ko ang
sensitibong parte niya ay naiilang siya.
Again,
our lips met.
Di ko na talaga mapigilan ang sarili ko.
Bahala na si batman.
Di
man siya ang una ko, ako naman ang magiging una niya.
Pero isang parte sa utak ko
ang nagbalik tanaw, bigla na lamang itong lumitaw sa aking isip.
“Sige pumapayag ako
pero may kundisyon, sige papayagan ko na hawakan mo ako sa aking kamay, yakapin
pero wag na wag mo akong hahalikan...”
Yan
ang naalala kong sinabi ni Alex sa akin noon at hindi ko maintindihan kung
bakit naalala ko sya ngayong kasama ko si Kian.
Napatigil ako sa ginagawa namin
at napatayo.
“S-Sorry...”
tangi kong nasabi.
Tumayo
siya mula sa pagkakahiga at pumunta sa may tapat ng bintana.
Nagpaalam ako sa
kanya.
“Alis na ako... sorry kanina...”
Parang napahiya siya sa ginawa ko.
Tama naman diba?
Parang kinukunsensyan ako ni Alex.
“Ingat...”
mapait na sabi niya
Habang
papauwi ako sa bahay, di ko mapigilang mapaisip.
Naalala ko yung labi ni Alex
kasabay nito ang sensasyong nararamdaman ko kay Kian.
Nalilito ako bigla?
Bakit
ko nararamdaman ito?
Hindi naman ganito katindi ang nararmdaman ko kay Arjay
noon.
Mahal ko pa ba si Arjay?
Pero sino ang pumalit sa puso ko sa pwesto niya?
Si Alex? Si Kian?
Ah takte yan.
Masakit
ang ulo ko habang tulala na naglalakad.
Di ko namalayan na halos isang
kilometro na ang nalalakad ko.
Sumakay na lang din ako pauwi pagkatapos kong
mahanap ang sakayan.
Buong
maghapon yun lang ang nasa isip ko.
Nalilito na ako.
Gusto ko na ba talaga si
Alex kaya parang nagtaksil ako sa kanya nung halikan ko si Kian?
Takte gusto ko
nang basagin ang ulo ko.
Bakit
parang nagui-guilty ako?
Nakakainis.
Di naman kami ni Alex diba?
Nagpapanggap
lang naman kami diba?
Pero bakit nagseselos ako kay RD kapag nakikita kong
lumalapit siya kay Alex?
Bakit nung nakita ko si Kian na hawak ni RD ang kamay
ay nagselos ako?
Shit!
Ano
bang meron sa pagkato nila?
Namamangka ba talaga ako sa dalawang ilog?
Maari
nga kaya na dalawa ang tinitibok ng puso? Argsh.
I am begging for my life, give
me this damn answer.
Bakit
kasi pinabayaan akong mag-isa ni Alex?
Nasaan ba siya?
Gusto ko siyang makita.
Gusto kong makausap silang dalawa ni Kian.
Tinawagan
ko si Jake.
“Oh pre...”
“Pre...
may problema ako...” sabi ko.
“Oh
ano problema?” tanong niya
“Nalilito
ako.”
[Alex’s
POV]
Nakakahiya
talaga ang nangyari kanina.
Pagkaalis na pagkaalis ni Kieth at nahawakan ko ang
aking labi.
What in the world happened?
Nakadalawa
siya sa akin.
Nakakainis, pero bakit ganun, parang nagustuhan ko?
Bakit parang
hinahanap-hanap ko yung mga labi niya na nakadikit sa akin.
At
for the first time, french kiss.
Simple kiss lang kami ni Blake pero si kieth,
grabe, muntikan na.
Yeah tama kayo sa iniisip ninyo, I AM VIRGIN!
Sa lahat ng
bagay pwera lang sa kiss.
Yung hawakan niya yung sensitibong parte ng aking
katawan, hindi ko mapigilan ang mailang.
Grabe,
yun pala ang pakiramdm ng may humahawak ng sa iyon.
Nakakatanga lang.
Umagang-umaga pa naman.
Pero nakakainis si Kieth, bakit niya ginawa yun?
Buti
nga at hindi siya nakahalata about sa amin ni Alex.
Muntikan na din yun.
Paano
ba naman, hindi ako pwedeng matulog ng nakapang disguise, baka malunok ko yung
ginagamit ko.
Buong
maghapon nakakulong lang ako sa kwarto ko.
Nag-iisip sa mga nangyari.
Unang
kiss ko ay kay Blake.
That was the sign nang pagbigay ko sa pag-ibig.
Yun yung
time na umamin siya sa akin na gusto niya ako, na mahal niya ako.
(Flashback)
Dahil sa alam nga ni
Jessie na bisexual ako, may inireto siya sa akin.
Ang sabi niya, may gusto daw
ito sa akin matagal na at ipinakilala siya sa akin.
Pamangkin siya nung
may-ari nung binibilhan namin ng french fries.
Gwapo siya, pero mas gwapo si
Blake, grabe makapag compare lang ako wagas.
Crush ko si Darwin pero gusto ko
si Blake.
Magkatext kami noon
ni Darwin at ni Blake.
Silang dalawa lang ang gabi-gabing bumubulabog sa akin.
Pero
isang araw, dahil sa lokohan, doon nalabas ang lahat ng saloobin ng bawat isa.
Magkakasama kaming
grupo na kumakain at magkatabi kami ni Dawrin sa may upuan.
Medyo malayo naman
si Blake.
Kanina ko pa nahahalatang parang badtrip siya.
Ni hindi siya umiimik sa akin eh.
Nung nagsimula nang
magtuksuhan, doon na lalong uminit ang ulo ni Blake.
Nanliligaw sa akin si
Darwin at tinatanong nila kung kelan ko daw sasagutin.
“Oi Alex, kamusta ba
ang score ni Darwin sayo?” tanong ni Jessie.
“Hala ka.. adik tong
mga to.. secret...” hahaha. Ang nasabi ko na lang.
Nagulat na lang ako
nung hinawakan ni Darwin ang kamay ko.
“OH para saan to?”
“Para maramdaman mo
na seryoso ako...”
“Ramdam ko naman
eh...”
Kaya naghiyawan
silang lahat.
Halos kahat botong-boto sa kanya pero si Blake hindi maipinta ang
mukha.
Agad siyang tumayo at nag walk out.
Binulungan ako ni Jessie na sundan
ko.
Ang bilis niyang
maglakad grabe.
“Oi Blake!” tawag ko.
Di siya lumingon
kaya tumakbo ako.
Tumakbo rin siya kaya lalong lumaki ang agwat nung layo
namin.
Bigla naman kong natalisod at lumagpak sa lupa.
Ang lampa ko grabe.
Ang ganda na ng momentum tapos madadapa ako. Panira tong pesteng batong ito.
Agad niya akong
binalikan.
“Ayos ka lang ba?” tanong niya
Tinulungan niya
akong magpagpag nung panahong yon.
“Ikaw ba ayos ka ba?”
“Ah eh...wala ako sa
mood. Masama ang pakiramdam ko.” Sabi niya
“Parang di naman...”
“Lakad ka na doon.”
“Di ako aalis
dito..”
“Isa...”
“Ano ba kasing
problema mo?”
“Dalawa...”
“Marunong akong
magbilang.”
“Umalis ka na...”
"Itinataboy mo ba ako?"
"Please..."
“Ano ba kasing
problema mo? Para kasing ang bigat. Kung gusto mo nandito lang ako, pero kung ayaw
mo ayos lang. Nandito pa din ako.”
“Please umalis ka
na.. nahihirapan lang ako...”
“saan ba?”
“Di ka naman manhid?
Alam mo naman siguro ang nararamdaman ko...” sabi niya
Natahimik ako.
Sana
mahal niya ako, sana yun yung nararamdaman niya.
Sana sabihin niya na, Alex, mahal kasi kita....
“Blake....”
may sasabihin pa
sana ako sa kanya nung hagilapin niya ang aking labi at ito ay inangkin.
“B-Blake...”
“Gusto kita Alex...
mahal kita...”
Nalingid ang luha ko
nung sinabi niya iyon.
“Salamat.... salamat at natauhan ka...” niyakap ko siya
“Di ako makapaniwala....
mahal mo din ako?”
“Gusto kita... mahal
kita Blake...”
“Mahal din kita...”
“Ang torpe mo
kasi...”
“akala ko okay na kayo
ni Darwin.”
“Oo crush ko siya...
pero ikaw ang gusto ko...”
“Paano natin ito
saasbihin sa kanila?” tanong niya
“Handa ako anumang
oras... hihintayin kita....”
“I love you Alex...”
“I love you too
Blake...”
(End
of Flashback)
Biglang
tumunog yung telephone sa kwarto ko, may tawag na dumating.
Galing kay Ranz.
“Pwede ka bang
pumunta dito?” tanong niya
“Bakit
may problema ba dun sa papers natin?” tanong ko
“Need
ko lang ikaw... please... for me...”
“Ah
sige... sa bahay ninyo ba?”
“Hindi
wala ako sa bahay, nandito ako sa Glenn Forbes Park... alam mo ba tong lugar na
ito.”
Teka,
dun ako dinala ni RD at ni Kieth dati ah.
“Ah oo alam ko yan...”
“Sige
hintayin kita... salamat ng marami.”
Binaba
ko yung phone at nagbihis ako.
Nagpaalam ako kay mama at nagbilin siya sa akin
na dumaan daw sa sm para bilhin yung pinapabili niya.
Tatlumpung
minuto nang makarating ako sa lugar.
Agad ko siyang hinanap at ilang sandali
lang din ay nakita ko siya, nakaupo, nakatulala at marahil malalim ang iniisip.
“Ranz...”
sabi ko.
“Salamat...”
sabi niya tapos niyakap niya ako.
“Anong
problema ba?” tanong ko.
“Wala...”
“Wala
ka jan... di ka naman magyaya kung wala kang problema eh.”
“Anong
nangyari sa braso mo?”
“Ah
wala nadapa lang ako. Ang lampa ko no?” palusot ko.
“Haixt.
May problema lang sa puso kaya ganito. Isabay pa yung sa pamilya at kung
anu-ano pa. Pumunta nga kanina yung boyfriend ko kaso pinauwi ko siya. Parang
ayaw ko muna makipag-usap sa kahit sino maliban lamang sayo.”
“Kaya
naman pala eh. Wag ka nga magmukmok jan, cheer up!” sabi ko.
“Bakit
ba kasi nagkaroon pa ako ng pamilyang ganito?”
“Di
mo naman masisisi ang Panginoon. Ikaw talaga.”
“Biro
lang, sana maging maayos ang lahat. Nahihirapan na kasi ako eh, sobra akong
nahihirapan.”
“Wag
ka kasing masyadong hot.” Sabi ko.
“Nakakainis
kasi eh.”
“Wag
na muna natin isipin yan. Let’s have fun.” Sabi ko.
“aixt.
Paano mo pala nalaman yung lugar na ito?” tanong niya
“I’ve
been here twice.”
“Ah.
Nice naman. Sino kasama mo dito?”
“Mga
kaibigan lang. Sila nagdala sa akin dito at ikaw ang third person na nakasama
ko dito.”
“Wow
naman. Hahaha. Alam mo ba na ito ang pinaka-favorite place ko sa lahat?”
“Bakit
naman?”
“Ito
yung lugar kung saan lagi akong dinadala nung ex ko.”
“Alam
mo dito rin dinadala nung boyfriend ko yung ex niya dati.”
Boyfriend?
Ang lakas
ng loob kong sabihin yun ah.
Eh naka halik na siya sa akin ng dalawang beses.
Pero ang sarap....
Nagustuhan ko...
Waaah
teka bakit ganun?
Erase erase erase...
“Oh?
What a coincidence? Ang galing naman. Pero di na nakakapagtaka, this place was
a wonderful.”
"Yaan mo ipakilala ko siya sayo soon." sabi ko
"sure..."
“mahal
mo pa ex mo talaga no?”
“Sobra.
Di ko naman siya hihiwalayan kung wala talagang mabigat na dahilan.”
“Everything
happens for a reason.”
“Like
you and your Blake?”
“Yeah.
Ayt pinaalala mo pa siya.”
“Nasaan
na ba siya?”
“Hahaha.
Kaw talaga. Basta...”
“Pasecret-secret
ka pa jan.”
Halos
isang oras din kaming magkausap.
Kumain din kami hanggang sa dumating ang alas
siyete ng gabi, nagpaalam na kami sa isa’t-isa.
Agad naman akong dumeretso sa
SM para bilhin yung pinapabili ni mama.
Madali
ko rin naman nahanap yung pinapabili ni mama pero natigil ako nung makasalubong
ko si Jake at si Kieth.
Hindi ako makatingin ng diretso kay Kieth kaya nagtungo
ako ng ulo.
Kung
pwede lang talaga mag disappear dito, matagal ko ng ginawa.
Di ko alam
ire-react ko matapos ang lahat-lahat.
Palapit siya sa akin, Oh my God, ano kaya
ang sasabihin niya sa akin?
Ano yung sasabihin ko?
Hindi ko alam ang gagawin
ko.
Isa,
dalawa, tatlo, apat... lima? Anim?.... sampu?
Nakailang bilang na ata ako pero
wala ring nangyayari.
Nilagpasan lang niya ako.
Totoo ba ito?
Daig
ko pa ang hinampas ng hallow block sa sakit na nararamdaman ko.
Totoo ba ito?
Nasasaktan ako sa nangyayari?
Pero bakit?
Paano?
Nilingon
ko siya pero tangin si Jake lang ang lumingon.
Nagsorry siya sa akin gamit ang
kanyang bibig.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari.
Bakit?
Pagkauwi
ko sa bahay, iniiyak ko lang ito.
Bakit ba ako nasasaktan ng ganito?
Bakit
ganito na lang kung magreact ang puso ko?
Nasasaktan ako!
[Kieth’s
POV]
Magkasama
kami ni Jake ngayon at sinasabi ko sa kanya ang problema ko.
Never to think na
mangyayari sa akin to?
I actually confused with my feelings.
“Pre…
anong gagawin ko kay Arjay? Nalaman ko na ang totoo.”
“Alam
mo pre… nasa sa iyo yan kung ipaglalaban mo. Kung mahal mo siya talaga, go for
it!”
“Naawa
ako kay Alex.”
“Pre...
iba talaga gayuma ni Alex...” sabi nito.
“Pre,
bakit ganun? Bakit ako na-attract kay Alex?”
“Di
natin matuturuan ang puso natin pre... to think of it, may gusto ka at the same
time kay Kian.”
“Pre,
bakit ganito? Parang pareho lang naman silang dalawa eh.”
“Sino
ba mas gusto mo?”
“Di
ako makapaniwala na yung panget na yun, magkakagusto ako. Takte pre!”
“Karma
lang yan. Makapanglait ka sa kanya eh.”
“Pre
naman.”
“Ang
gulo mo kasi. Mamili ka nga sa tatlo, Arjay, Alex o Kian?”
“Come
on pare, kay Arjay pa rin ako.”
“Gayong
ikakasal na siya?”
“Ipaglalaban
ko siya!”
“Paano
si Alex?”
“Magbreak
kami.”
“Ganoon
na lang kadali yun?”
“Pre…
usapan lang naman naming ang magpanggap.”
“Pero
pre kahit na, ginamit mo yung tao kaya you should end that in a proper way.”
“Sabagay
tama ka.”
“Cheer
up.”
“Pero
pre di ko na alam ang gaagwin ko.”
“You
should settle all of these muna kay Arjay. Bago kay Alex.”
“Pero…”
“You
should know your priorities…” ang sabi niya.
“Pre…
naguguluhan na talaga ako. Gusto kong ipaglaban si Arjay pero parang minsan
nawawala kapag naiisip ko na si Alex.”
"Tara na nga...."
"Saan tayo?"
"Uuwi."
"Pero."
"Mag isip-isip ka muna..."
Pauwi
na rin kami.
Kanina pa kami dito.
Isang malaking tanong na lang sa akin,
MAHAL
KO BA SI ALEX?
Bakit nagdadalawang isip na ako kay Arjay?
Napansin
siguro ni Jake na natahimik ako.
“Pre, kung ako sayo, stress free.”
“Ano
yun?”
“Mag-isip
ka ng mabuti.”
Di
ko inaasahan na makakasalubong ko si Alex.
Naalala ko yung gabing yun.
Di naman
siguro ako nagi-ilusyon na nahalikan ko siya.
Hindi
siya makatingin sa akin ng ayos.
Kinulbit ako ni Jake at binulungan.
“Ano pre
di mo malapitan boyfriend mo?”
Tinulak
niya ako kaya napilitan akong lumapit sa kanya.
Pero, pero nahihiya ako.
Ayan
na, malapit na ako.
Nakayuko siya kaya hindi ko alam ang reaksiyon niya.
Isang
hakbang na lang ako sa kanya ng hindi sinasadyang magtuloy-tuloy ang lakad ko.
Shit!
Ano ba to?
Kaya agad akong nagmadaling umalis.
Sumunod sa akin si Jake at
nung nasa first floor na kami, agad niya akong hinila.
“Pre,
para saan yun?”
“Hindi
ko alam.”
“Gago
ka... di mo nakita, may tumulong luha sa kanya?”
“Shit!”
Akma
akong babalik pero pinigilan niya ako.
“Loko ka pre, ano gagawin mo babalikan mo
siya?”
“Oo
pre!”
“tangek
ka! Napahiya na yung tao, di mo man lang pinansin. Ang sakit nun.”
“Pero...”
“Tara
na! Itulog mo na lang yan.”
Ano
pa ba magagawa ko?
Pagkauwi
ko, kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan siya.
Pero di niya sinasagot.
Text
ako ng text pero wala din. Argssssh.
Hanggang
sa school hindi ganun ka init ang paguusap namin.
Kung mag-usap kami parang
casual lang.parang magkaibigan lang. Ayt.
“Nga
pala sor...”
“Ha?
No... wag....” sabi niya
“Pero..”
“Wag
mo ng ituloy? Adik lang to.”
“Please...
sorry.”
"Di
mo kasalananan kaya okay lang ako.”
“Parang
di eh.”
“Believe
me.”
“Kamusta
ka pala?” tanong ko
“Wag
ka nga magpakabait. Di bagay sayo.” And he laugh
Pero
nakikinita ko sa kanyang mga mata ang labis na pagkalungkot.
“You’re not okay
eh.” Sabi ko.
“Wag
mo akong intindihin.”
“Yung
isang gabi pala.”
“Ano
yun?”
“Yung
naglasing ako... yung nagawa ko....”
“Alin
yun?”
“Yung
hinalikan kita.”
“Ako
hinalikan mo? Hindi ah. Baka nananaginip ka. Ano ba naman yan pinag
iinteresahan mo ako.” Sabi niya.
Nakangiti siya pero ang totoo, hindi ganun ang
nararamdaman niya.
“Sorry...”
“Wala
kang dapat i-sorry, wala namang nangyari eh.”
“I
know meron...”
“Wala
po...”
“Pero
nalabag ko yung pinag-usapan natin...”
Nakita
ko na natameme siya.
Bakit ganun, gusto ko siyang yakapin pero sadyang torpe
lang talaga ako.
“Ah
yun ba inaalala mo? Yung USAPAN natin? Wala yun? Usapan lang naman un. Wala ka
namang pakialaam dun diba?”
“Umayos
ka nga.”
Medyo naiinis na rin ako sa sinasabi niya.
"Umayos? Ako?"
"Oo."
“Okay
naman ako ah.”
“Wag
mo akong iwasan.”
“Ikaw
iniiwasan ko?”
“Oo.
Sorry na kasi. Alam ko napahiya ka. Alam ko nasaktan ka sa ginawa ko.
Nagui-guilty ako.”
“Alam
mo ang laki ng problema mo!”
“Hindi
lang ako sanay na ganito.”
“Ikaw
ang umayos. Ano bang inaarte mo? Ano ngayon kung iniiwasan kita? Masama ba yun?
Pwede pa naman tayo magpanggap kahit ganito ah? Wala naman tayo sa harapan ni
Arjay. Ni hindi ko nga kilala kung sino siya eh!”
“Ikaw
lang naman ang inaalala ko eh. Yung pagpapanggap natin...”
“Lahat
namang ng ito dahil lang sa pagpapanggap eh. Wag kang mag-alala, hindi ako
nakakalimot na napapanggap lang tayo. Kung iniiwasan mo ako, so ano ngayon? Di
mo ako gusto? Di mo ako type? Nadidiri ka sa akin? Fine. Pero yung daan-daanan
mo lang ako at tapak-tapakan na parang di ako nag eexist, masakit yun!”
Hinawakan
ko siya pero nagpumiglas siya.
“Kieth, tao din naman ako eh, may damdamin naman
ako. Nasasaktan din naman ang ego ko. Ang sakit na nga sa loob, ang sakit pa
rin sa puso! Kieth ayoko na, kumakalas na ako sa usapan natin.” nakita ko
siyang umiiyak.
Lumuluha siya at gusto kong pahiran yun.
Pero wala akong
magawa.
Nagtatakbo
siya at hindi ko na napigilan.
Walang tao at tanging kaming tatlo lamang ag
nadoon nila Jake.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Naguguluhan ako sa
nangyayari.
[Alex’s
POV]
Kieth
sana lubayan mo na ako.
Iniiwasan kita hindi dahil napahiya ako, iniiwasan kita
kasi nasasaktan ako.
Feeling ko ang lahat ng ito ay puro pagpapanggap lang.
Ni
hindi nga niya alam na si Kian at ako ay iisa.
At isa pa, nahihirapan ako.
Nahuhulog na ako sayo.
Ayoko ng nararamdaman ko sayo.
Tapos
na ang klase ko kaya napagdesisyunan ko na pumunta kay Blake.
Di ko alam kung
makakaharap pa ba ako sa kanya ngayong may iba ng naglalaman sa puso ko.
Tinext
ko na rin si Charlene na samahan ako para alalayan ako.
Sususnod na lang daw
siya kasi may class siya.
Habang
naglalakad ako papunta sa kanya, nakita ko na medyo maraming tao din ang
bumibisita sa kinalalagyan niya.
Mga pamilya at kaanak ng ibang taong kasama ni
Blake sa lugar na iyon.
Nakita
ko na rin kung nasaan si Blake.
Umupo ako sa tabi niya.
Tinitigan ko siya saka
unti-unti napapaluha ako.
Sa muling pagbabalik ko, muling paghampas ng luha ko.
Tuwing pupunta naman ako dito ay napapaluha lang ako.
Napakatahimik
ng paligid.
“Mahal ko, kamusta ka?” tanong ko.
Pero
hangin lamang ang sumagot.
Wala pa ring sagot akong marinig mula sa kanyang bibig.
Ayoko namang umasa habang buhay pero eto ako, di nawawalan ng pag-asa.
“Sorry ngayon lang ako nakadalaw ulit ha. Madami
kasing ginagawa pati medyo maraming conflicts. Hayaan mong kwentuhan kita.”
Sabi ko.
Nanatili
lamang na tahimik ang paligid.
Tinitignan na ako ng ibang tao pero go lang ng
go.
Parang globe lang. Go lang ng go.
“Hindi
pa rin nila alam ang tunay na Alex. Haixt. Ginaya ko yung sabi mo dati na mag
disguise ako at ayon, lumalabas ang tunay na ugali nila. Alam mo ba ang sakit
nila magsalita. Kaya kapag nasasaktan ako, iniisip na alng kita kasi nawawala
lahat ng sakit na nararanasan ko.”
Natahimik
ako ng bahagya.
“Alam mo, may kasalanan ako sayo...” sabi ko.
Hinaplos
ko lang ang mga damo kung saan ako nakaupo.
“Sorry kung di ako nag-ingat. Sorry
kung medyo nadisgrasya ako. Di ko naman sinasadya eh. Mahal pa rin naman kita,
kaso may problema.....
Di ko alam kung dapat ko pa bang ituloy eh....
"Ang alam ko kasi nagpapanggap kami, ang alam ko wala lang
yun kasi nanjan ka, mahal na mahal pa rin kita. Pero sa di inaasahang
pagkakataon, nahulog ako, kasalanan ko mahal ko, di dapat ako nagpabaya.”
Sa
puntong yun, unti-unting tumulo na ang luha ko.
Humiga
ako sa tabi niya at niyakap kung saan siya naroroon.
“Sorry kasi minahal ko
siya. Patawarin mo ako kasi lagi na lang akong pabaya. Blake, mahal ko,
pasensiya na kasi minahal ko si Kieth. Feeling ko sasabog na ako. Di ko na
alam ang gagawin ko. Hindi ako makawala sa nakaraan. Hanggang ngayon mahal pa
rin kita pero ginugulo ako ni Kieth. Anong gagawin ko? Dapat kasi di ka na lang
nagkaganyan. Dapat kasi di ka nawala. Hanggang ngayon natatakot pa rin kasi
ako. Ayaw ko namang mawala ulit ang taong mahal ko. Blake, sana bumalik ka na.
Sana lang. Nakikiusap ako...”
Wala
na akong pakiaalam kung pag-usapan man ako ng mga taong nakakakita sa akin.
“Blake, tatanggapin ko naman kung magagalit ka sa akin. Gagawin ko lahat
mapatawad mo lang ako...”
Tanga na kung tanga.
"Magsalita ka nga! Naiinis na ako sayo! Naguiguilty lang ako sa nangyari!"
“Alex...”
narinig ko na tawag ni Charlene.
Agad niya akong niyakap.
“Ano tong sinasabi
mong mahal mo si Kieth?” tanong niya
Napatungo ako bigla.
"Naguguluhan ako..."
"Best..."
“Gusto
ko siya... mahal ko na siya. Pero hindi pwede. Pinipigilan ko ang sarili ko na
mahalin siya kasi...”
“Gawa
ni Blake?!”
“Oo...”
“Ano
bang gagawin ko para magising ka? Tignan mo si Blake ngayon. Hindi mo na
mababalik ang dati. Ang lahat ay nangyari na kaya tanggapin mo na. Gumising ka
sa katotohanan at harapin ang kinabukasan!”
(Itutuloy)
Oyy Alex kay Keith ka na lang =)))! Kenekeleg ako sobra dito! HAHAHAHAH GO DYLAAAAAN.
ReplyDeletesalamat yoseph. more power din sayo..... hahahah...:)
Deletealex tiwala lang kayang kaya yan hehehe
ReplyDeleteGodbless po sir dylan <3
-Ryuigi of nueva ecija-
maraming salamat po. :)) hahahah. abangan po ninyo ang mga sususnod na kabanata. :))
DeletePatay na pala c blake? Galing ng pagkakagawa mo sa katauhan ni blake nakakaconfuse kung buhay ba xa o patay na. Can't wait for the next chapter. Galing kyle. Tnx ulit sa update.
ReplyDeleteRandzmesia
maraming salamat po.. sabay-sabay po natin abanagan kung ano ang katoohanan.... marami ang naghihintay... salamat po. :))
Deletei like the story keep up the good work... god bless!!!
ReplyDeletemraming salamat po. :))
Delete<3
ReplyDelete:)
DeleteGrabe napaiyak ako sa chapter na to :-(
ReplyDeleteheheheh.....gnun po ba.. I hope it was really good for you guys.. thanks for reading. :))
DeleteAw. </3
ReplyDeleteConfuse mode ngayon si Keith.
Paktay si Alex pag nagkabistuhan na. :/
Go kuya Kyle =)
salamat coffee prince.. heheheheh.... :))
DeleteKay Keith ka nalang Alex, kay Dylan naman ako haha peace :))
ReplyDeleteOmg. Ang ganda ng story!
ReplyDelete