Followers

Saturday, July 20, 2013

TRUE LOVE 2

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
Email:  alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Hello po sa inyong lahat. Sa mga readers, ito na po ang next update ng story. Hindi ko lang po alam kung mayroon pang nag-aabang nito dahil sa tagal ng posting. I will depend na lang sa dami ng mga comments.

Sabi ko po nung una ay dalawang parts ang post ko. Kaya pasensya na po kung isa lang muna ito but dont worry, I will post tne next as soon as possible.
Ayos lang sa akin kung hindi niyo na ito babasahin. Wala namang sapilitan dito.  Sa mga tutuloy pang magbabasa pakireview na lang po muna ang last chapter para makasunod kayo.

Negative comments, criticisms, suggestions are welcome. Kung may mali po ay ipaalam agad upang maayos.

Happy Reading!




(Andrew POV)

Tulad ng aming palagi naming ginagawa, madaling araw pa lang ay tumungo na kami ni nanay sa dagat kasama sina Troy at ang asawa niyang si Maribel.

"Maganda talaga ang lugar na ito Tita." ang naibulalas ni Maribel habang pinagmamasdan ang paligid. Kasalukyan kaming naglalakad papunta sa dagat.
"Mabuti naman at nagustuhan mo dito sa aming lugar iha." ang tugon naman ni nanay.
"Oo nga po. Akala ko parang Maynila lang dito pero hindi pala. Malinis ang paligid at sariwa ang hangin. Nakakarelax! Kapag akoy nakapanganak, babalik kami dito."
"Tama yan iha. Makakabuti para sa inyong anak ang sariwang hangin dito."

Habang naglalakad kami ay pasimple ko siyang sinusulyapan. Halata sa kanya ang kasiyahan habang nag-uusap sila ni nanay. Ang kanyang ngiti ang mas lalong nagpadagdag sa angkin niyang ganda. At sa tingin ko ay mabait siya. Masaya ako para kay Troy dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang babaeng kukumpleto sa kanyang pagkatao, ang makapagbibigay ng anak na bubuo ng kanyang sariling pamilya.

Sa ngayon alam kong maayos na ang lahat sa pagitan namin ni Troy. Hindi na ako mag-aalala pa para sa kanya. Nandyan na si Maribel na aagapay, mag-aalaga at pagbibigay ng panibagong saya sa kanya.
Pagkarating kami sa dagat ay sinimulan na namin ang aming gawain. Habang abala sa pamimili ng isdang paninda ay naroon lang ang mag-asawa para kami ay panoorin. Siyempre may mga ilang katanungan sila na sinasagot naman namin ni nanay. At sa palengke naman ay tinutulungan nila kami ni nanay sa pagtitinda.

Marahil ay swerte sila dahil marami-rami ang naging benta namin sa umagang iyon. Wala pang tanghali ay kakaunti na lang ang aming paninda.

"Sino sila mare?" ang curious na tanong ng isa naming suki nang mapansin nito ang aming kasama.
"Mga kaibigan sila ni Andrew." ang tugon ni nanay habang abala sa pagtanggal ng bituka at hasang ng binibili nitong isda.
"Aba kay pogi at ganda naman nila at mukhang mayayaman ah!" ang sabi nito. Natawa lang sina Troy at Maribel.
"Taga Maynila kayo di ba?" ang sunod na tanong nito sa kanila.
"Ah opo." ang magiliw namang tugon ni Maribel.
"Ganoon ba, maligayang pagdating dito sa aming lugar."
"Salamat po."

Marami pang mga bumibili ang nakapansin sa kanilang dalawa isamana diya ang ibang taong dumadaan lang na napapatingin sa kanila. Hindi na rin ako nagtataka pa dahil sa itsura pa lang nila at pananamit ay nakakagaw- atensyon talaga. \

Nang magtanghali ay bumalik muna kami sa bahay upang kumain. Pagkatapos ay saglit na umiglip si Troy. Doon kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap at makilala ng kanyang asawa na si Maribel. Agad akong nagpasalamat sa kanya sa pagiging mabuting asawa niya kay Troy.

"Mabait si Troy, kaya hindi siya mahirap mahalin Andrew." ang kanyang tugon sa akin.
"Masaya ako, sa wakas ay gumaan na rin ang pakiramdam ko. Nung mga panahon kasi na umalis kami ni nanay sa kanila ay nag-aalala ako para sa kanya."
"Alam ko Andrew. Sinabi na ni Troy sa akin ang lahat pati ang naramdaman niya para sayo. I admit nung una ay hindi ako makapaniwala at hindi ko siya matanggap. Ngunit unti-unting nagbago iyon nang magpakita siya ng efforts sa akin lalo na nung magpropose siya sa akin sa harap ng aking mga magulang. Doon ko siya sinagot at hindi ko naman iyon pinagsisihan."
"Magiging maayos at matibay ang isang relasyon kung ang magkasintahan o mag-asawa ay tapat sa isat-isa, walang tinatagong sikreto. Iyon ang pananaw ni Troy kaya inamin na niya sa iyo ang lahat."
"Tama ka Andrew. Kaya magpapasalamat na rin ako. Malaki ang naitulong mo sa pagbabago ni Troy. Dahil sayo ay nakilala ko siya."
"Walang anuman Maribel. Goodluck pala sa magiging anak ninyo."
"Oo naman ninong."

Natawa naman ako sa sinagot niyang iyon. Pero agad na nawala iyon sa sunod niyang tanong na nagpabigla sa akin.
"Ikaw naman Andrew. Hindi mo pa ba nakikita ang iyong special someone. Para naman maging masaya ka?"

Ang tanong na iyon ay hindi nalalayo sa palaging sinasabi sa akin ng aking mga kaibigan at kaklase. Kung tutuusin ay tama sila at napatunayan ko naman iyon sa aking nakikita sa kanila kapag kasama nila ang kanilang kasintahan. Ngunit iba ang aking sitwasyon. Masyadong kumplikado at naiiba na hindi tanggap ng lipunan.

"Salamat. Concern ka rin sa akin gaya ng iba kong mga kaibigan. Pero alam mo naman siguro diba, naikwento na rin sayo ni Troy ang mga nangyari sa akin noon. Kaya wala na akong balak pang hanapin ang imposibleng makita. Tulad ng palagi kong sinasabi, walang patutunguhan ang ganoong relasyon." ang aking pagtugon sa kanya.

Hinawakan ni Maribel ang aking kamay.
"Bilib ako sayo Andrew dahil nagagawa mong magpakatatag sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa iyong buhay. Pero ang sa akin lang ha, lahat ng tao ay may karapatang sumaya. Darating ang panahon na matatagpuan mo ang taong nakalaan para sayo. Sana bigyan mo ng isa pang pagkakataon ang sarili mo na magmahal ulit."

Napangiti na lang ako sa kanyang ibinigay na payo sa akin. May punto siya doon at aaminin ko na may kaunting porsyento sa aking isip na gustong gawin iyon. Pero nangingibabaw pa rin ang aking naging desisyon.
_____________
Dalawang linggo ang lumipas mula ng bumalik sina Troy at ang kanyang asawa na si Maribel sa kanilang tirahan sa Canada ay naging maayos naman ang takbo ng pamumuhay namin ni nanay. Sa nakikita ko ay masaya na talaga si Troy sa kanyang buhay ngayon, kasama si Maribel.

Di tulad noon na nakikita ko siyang malungkot. Naalala ko, isang araw bago ang nakatakda naming pag-alis ni nanay sa kanilang bahay ay nag-usap kami. Deretsahan niyang inamin sa akin ang kanyang nararamdaman. Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala dahil wala naman sa personalidad niya ang magkagusto sa isang tulad ko.

Kung natuturuan ko lang sana ang aking puso na siya na lang sana ang aking mahalin. He also got the looks tulad ng taong una kong minahal at higit sa lahat ay napakabait niya sa akin, pero hindi talaga maaari.

Pinasalamatan ko siya sa pag-ibig na ibinigay niya sa akin, sa mga naitulong nila sa amin ni nanay. Sinabi ko rin sa kanya na hindi ko kayang ibigay sa kanya ang pagmamahal ng tulad kay Bryan.

"Nadala na ako Troy. Sabi ko sa aking sarili na hindi na ako kailanman na magmamahal ulit. Sa tingin ko, walang mangyayari kung ako ang mamahalin mo. Kaya tulad din ng sinabi ko kay Bryan, na sa iba mo na lang ilaan ang pag-ibig mo, sa isang babae na kukumpleto sa iyong pagkatao, na makapagbibigay ng anak. Isang halimbawa na ang nangyari sa amin na ang ganitong klaseng relasyon ay imposible at kailanman ay hindi magtatagal. Ang lalaki ay para sa babae. Sa mata ng Diyos at tao ay ito ang tama Troy." ang sabi ko sa kanya noon.

"Tama ka at naiintidihan ko Andrew. Sa aking pag-alis ng bansa ay susubukan kong sundin ang iyong mga sinabi." ang kanyang malungkot na pagtugon.

Ngayon, kahit hindi man natuloy ang happy ending sa aming dalawa ay nananatili pa rin kaming matalik na magkaibigan.
__________
Naging madalas ang pag-uusap namin nina Dina at Troy sa pamamagitan ng cellphone. Nagagawa ko lang na sagutin sila kapag nasa bayan ako. Dahil dito ay alam ko ang mga nangyayari sa kanila kahit pa na magkakalayo kaming tatlo.

Nitong nakaraang linggo lang ay excited na binalita sa akin ni Dina na naging sila na ni Elmer, ang lalaking parati niyang binabanggit sa aming kamustahan.

"At talagang tinuloy mo pa rin ang pagsama sa kanya ha. Sino pala yung unang nanligaw sa inyong dalawa?" ang aking tanong sa kanya.
"Siyempre siya. Ewan ko ba talagang kinikilig ako kapag nagpapakita siya ng sweetness sa akin lalo na nung unang beses niya akong dalawin sa bahay nila at ipaalam kay mom na mahal niya ako at nanghihingi ng permiso na ligawan ako. Grabe!"

Sa sinabing iyon ni Dina ay may mga pangyayaring nagbalik sa aking isipan. Naalala ko nung mga panahon na binibisita ako ni Bryan sa dati naming tirahan at ang deretsahang pag-amin niya kay nanay ng kanyang pagmamahal sa akin. Halos magkapareho lang iyon ngunit ang ending... wala.
"Sa umpisa lang yan. Maniwala ka sa akin, sa bandang huli hihiwalayan ka rin niyan."
"Napaka negative mo naman Andrew."
"Im not. That is the reality."
"Tinutulad mo ako sayo eh. Hindi naman siguro lahat ng lalaki ganoon."
"Wake up Dina. Narito tayo sa bansa na kung saan ay hindi tanggap ang ganyang klaseng relasyon. At walang lalaki na kailanman na papatol sa mga tulad natin. Kung meron man, iyon ay dahil sa may iba siyang motibo, sa huli tayo pa rin ang kawawa.
"May point ka diyan friend. Pero may karapatan naman ang mga tulad natin na maging masaya di ba at wala namang masamang sumubok?"
"Hay Bahala ka. Basta ako nagbibigay lang ng payo sayo bilang kaibigan."
"Anyway thanks for that advise friend, hindi ko naman binabalewala yung mga sinasabi mo sa akin ano. Siyanga pala mamaya padala ko sayo yung mga pictures namin ha."

Ilang segundo pa lang ang lumipas mula ng matapos ang usapan naming iyon ay paisa-isa akong nakatanggap ng mga picture messages mula sa kanya.  Mahigit 15 ang lahat ng iyon na kung saan ay magkasama sila ni Elmer. May magkayakap, kiss sa pisngi, smack sa labi, magkahawak kamay at magkaakbay sa balikat na kinunan sa parke, mall at sa isang bahay.  Napansin ko na may itsura rin pala ang taong ito at may kaya. Sweet sila kung titignan pero ewan ko ba parang wala akong nararamdamang kilig sa aking mga nakikita. Ni hindi ko nga makuhang ngumiti man lang.

Agad ko siyang tinawagan ulit pagkatapos kong makita ang lahat ng mga larawan.
"Hello Dina, anong gusto mong palabasin sa...."
"Ooopss... Cool ka lang friend. gusto ko kasi makita mo kung gaano kami ka sweet ni Elmer."
"Hay nako ito na naman tayo Dina, kakasabi ko lang kanina di ba na..."
"Sa umpisa lang yan, dahil babae rin ang hahanapin niyan, walang nagtatagal sa ganitong relasyon. Alam ko na yun Andrew."
"Ok. O siya...sige goodluck na lang sa inyong dalawa." ang nasabi ko na lang sa kanya.

Hindi naman lingid sa aking kaalaman na tulad ng mga sinabi ni Maribel, ginawa lang ito ni Dina para mabago ang aking pananaw sa buhay. Siguro gusto din niya ako makitang masaya tulad nila. Ngunit final na ang desisyon ko. Nakapag move-on na ako sa nakaraan at masaya ako ngayon.
___________
Ilang linggo bago magpasukan ay todo kayod na kami upang makapag-ipon para sa magiging gastusin sa aking pag-aaral. Malaki ang pasasalamat ko sa iba pang nagtitinda sa palengke dahil nakakapag sideline ako sa kanila. Hindi sa pagyayabang pero ako na yata ang pinakamasipag doon ayon sa kanila. Halos lahat ng tao kasi doon ay kilala na ako.

Kung gaano ako kasigla na halos araw-araw kahit na maghapon akong nagtatrabaho ay malakas pa rin ako ay kabaliktaran naman ng nakikita ko kay nanay. Nitong mga nakaraang araw lang ay napapansin kong may kakaiba sa kanya. Kung ikukumpara ko sa dati ay parang nanghihina siya. Agad ko siyang kinausap tungkol dito.

"Nay magpahinga na po kayo sa bahay ako na ang bahala dito." ang sabi ko sa kanya. Nasa palengke na kami ng mga oras na iyon at nagtitinda.
"Ganoon ba. Mabuti naman anak para makapagpahinga rin ako. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, siguro dahil na rin sa pagod."
"Oo nga po nay. Sige po matulog na lang muna kayo para bukas ay may lakas ka na ulit."

Pagkaalis ni nanay ay nagpatuloy lang ako sa pagtitinda. Kahit papaano ay marami-rami naman ang bumibili.

Habang nasa kasagsagan ako ng pagtatanggal ng kaliskis ng isda nang marinig ko ang isang boses na tumatawag sa aking pangalan. Nagmamadali ito at papalapit sa aking kinaroroonan.

"Andrew! ang nanay mo nakitang walang malay sa loob ng bahay niyo!"

Singbilis ng kidlat akong umalis sa aming pwesto, wala nang pakialam pa sa aming mga paninda at sa bumibili. Nagtatakbo ako palabas ng palengke at agad na sumakay ng tricycle. Nang makarating sa amin ay sinabi ng aming kapitbahay na nasa ospital na ito.

Agad kong tinungo ang sinabi nilang ospital. Hindi ko maintindihan ang aking mararamdaman. Magkahalong pagkalito, takot, at lungkot. Mistulang nagbalik sa aking alaala ang mga panahon ng pagkamatay ni tatay. Hindi ko kakayanin kung mauulit pa ito sa aking ina.  

Habang nakasilip ako sa salamin ng pinto ng emergency room para tignan ang aking walang malay na ina habang sinusuri siya ng nars at doktor ay naiiyak ako, humihiling na sana ay makaligtas siya sa kapahamakan.

Makalipas sampung minuto ay lumabas na ang doktor.
"Ikaw ba ang kamag-anak ng pasente?" ang tanong niya sa akin.
"Ah opo dok. Kamusta na po ang nanay ko?"
"Based on our findings. Mataas ang kanyang blood pressure. Pero hindi iyon ang dahilan ng pagkawala ng malay niya. Inatake siya sa puso."

Halos manlambot naman ako sa aking mga narinig Muli akong naiyak kasama ng matinding kaba at lungkot. "Ano na po ang mang...yayari dok...?"
"Tatapatin na kita iho. Hindi kaagad siya nasakloohan ng atakihin siya. Maybe ilang minuto na ang lumipas nang may makakita sa kanya kaya hindi kaagad naagapan. Kritikal ang kanyang lagay at kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon."

Hindi ko akalain na aabot sa ganito. Noon pa man nung naninirahan pa kami sa Maynila ay kapansin-pansin na ang minsanang pagkahilo, pag-ubo at hirap sa paghinga ni nanay kaya huminto siya sa paninilbihan sa isang maykayang pamilya doon. Nang mamatay ang itay ay ako na ang dumiskarte sa pamamagitan ng pangangalakal sa umaga mairaos lang ang mga pangangailangan ko sa pag-aaral.

Nasundan pa ito. At mas napapadalas pa ng magsimula kaming magtinda sa palengke. Ang sabi naman niya kapag tinatanong ko siya ay ayos lang siya at nagpapatingin daw siya sa isang health center sa bayan. Kaya ikinabigla ko talaga ang nangyari sa kanya ngayon.

Sa mga sinabi ng doktor ay naisip ko kaagad ang mangyayari kung di maoperahan si nanay, maaaring lumala pa ang kalagayan niya at humantong sa kanyang pagkawala na ayoko pang mangyari. Agad kong naisip ang magiging gastusin sa sinasabing operasyon ng doktor. Kahit pa na medyo nakakaraos na kami sa buhay ay kulang pa ito. Habang nag-iisip ako ay nagsalita muli ang doktor.

"Iho, Dapat maoperahan agad sana ang iyong nanay. But unfortunately kulang ang mga facilities namin to do that. I will suggest to transfer her to another hospital."

Hindi ko na alam ang aking gagawin. Nalilito na ako. Parang nagpatung-patong na ang aking pasanin. Si nanay na lang ang pamilya ko, paano na lang kung mawala siya, hindi ko talaga kakayanin kung mangyari talaga iyon.

Iniisip ko kung kanino ako lalapit para humingi ng tulong. At isang tao ang agad kong naisipang tawagan. Pero nang akmang pipindutin ko na ang kanyang numero nang maalala kong wala pala siya sa Pilipinas dahil abala sila ni Maribel sa kanilang negosyo doon. Syempre napakalaking halaga ang aking kailangan, na baka hindi siya makapagpahiram. Kung sakaling makapagbigay naman siya ay hindi ko naman kakayanin na mabayaran siya agad. Gayumpaman ay sinubukan ko pa rin. Gamit ang ibinigay niyang number ay tinawagan ko siya ngunit nabigo ako. Ewan ko ba parang nanandya ang tandhana dahil sa oras na kailangan mo ang tulong ng isang tao ay mahirap naman siyang kontakin.

Saglit akong nagtungo sa isang simbahan sa bayan. At doon ko inilabas ang lahat ng aking mga saloobin sa mga nangyayari sa aking buhay. Nanalangin ako para sa kaligtasan ni inay, na bigyan pa ako ng lakas ng loob na harapin ang pagsubok na ito sa aking buhay.

Pagbalik ko ng ospital ay sinalubong ako ng aking mga kaibigan at kaklase.
"Nanggaling kami sa inyo at nalaman namin sa mga kapitbahay niyo na nandito kayo sa ospital. Kamusta na si Tita?" ang agad na tanong sa akin ni Arthur.

Hindi ko na naman napigilan ang mapahagulgol. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Rica, ang kanyang kasintahan sa aking mga kamay.
"Hindi maganda ang lagay niya. Kailangan niyang maoperahan agad. Pero hindi ko alam ang aking gagawin. Ayoko pang mawala sa akin si nanay, siya na lang ang kasama ko sa buhay." ang aking malungkot na pahayag.
"Huwag kang mag-alala Andrew. Tibayan mo lang ang loob mo, may awa ang Diyos. Gagaling si Tita." ang sabi naman ni Bea, ang kasintahan ng isa ko pang kaibigan na si Roy.

Tinungo namin ang silid kung saan naka confine si nanay.
"Inatake siya sa puso. Sabi ng doktor na nasa kritikal siyang lakagayan ngayon." ang pagsabi ko sa kanila ng kondisyon ni inay ngayon. 
"So, Ano na ang balak mo ngayon Andrew?" ang tanong sa akin ni Arthur.
"Ito nga nag-iisip pa ng paraan kung kanino ako lalapit upang humingi ng tulong. Di biro ang halagang kakailanganin para sa operasyon. Ito pa at kailangan niyang lumipat ng ibang mas malaking ospital na kumpleto sa mga kagamitan."
"Paano yan guys, lets contribute na para sa pang-opera ni Tita." si Rica.
"Huwag na, salamat na lang sa inyo guys. Sapat na nandito kayo upang sumuporta at samahan ako dito."

Hindi naman sa tinatanggihan ko sila ngunit alam ko rin naman ang mga katayuan nila sa buhay. Kahit pa pagsama-samahin nila ang lahat ng kanilang pera pati na rin ng iba pa naming mga kaklase kung saka-sakali ay kukulangin pa rin ito. Gayumpaman ay nagpasalamat pa rin ako. Sila ay talagang tunay na mga kaibigan. 

Dahil sa kondisyon ni nanay ay doon na ako natutulog pa sa ospital. Pinagpaliban ko na rin muna ang iba pa naming mga pang-araw-araw na gawain upang mabantayan siya at makapanghagilap ng maaaring pagkautangan.

At sa paglipas ng mga araw ay mas lalong tumitindi ang aking pangamba at kaba. Habang tumatagal kasi ay mas lalong lumiliit ang chance niya na gumaling. Lahat ng naipon ko para sa aking pag-aaral sa darating na pasukan ay naubos na. Halos lahat ng maaaring lapitan ay pinuntahan ko na rin. Nakapagpautang naman sila sa akin ngunit malaki pa rin ang kulang. Dahil dito ay tinawagan ko na si Dina, nagbabakasakali na matulungan niya ako.

Tatlong araw lang simula ng kontakin ko siya ay agad siyang dumating.
Tulad ng ginawa ko sa iba ko pang kaibigan, hindi ko rin napigilan ang aking sarili na humagulgol. Inilabas ko ang lahat ng aking mga hinanakit at saloobin sa kanya.

Pagkatapos ay may sinabi sa akin si Dina na siyang nagbigay sa akin ng lakas ng loob at pag-asa.
"Huwag ka nang mag-emote diyan friend dahil may good news ako sayo. May espesyalista kaming relative na pinakiusapan ko. At pumayag siyang operahan si Tita."

Agad kong niyakap si Dina sa matinding tuwang aking nararamdaman. Malaki talaga ang maitutulong nito sa ikagagaling ni nanay.
"Ang sarap mong kayakap." ang naibulalas niya. Sa sinabi niyang iyon ay napatawa ako.

Nang kumalas ako sa kanya ay nagsalita siya ulit. "Hay ang saya ko at natupad na ang aking pangarap na mayakap ka Andrew!" ang medyo kinikilig niyang pahayag."
"Kaw talaga Dina, may boyfriend ka na ah!"
"Oo nga pero alam mo naman na bago ko pa siya makilala ay pinagpapantasyahan na kita ano"
"Ewan ko sayo, pero salamat Dina. Di mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon."

Napansin ko naman ang biglang pananahimik niya na tila may iniisip.

"May problema ba Dina?" ang tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Nahahabag lang siguro ako sa kondisyon ni Tita."
"Ah ok. So kailan ba maooperahan si nanay?" ang tila excited ko nang tanong.
"Bago mangyari yan Andrew, siyempre dadalhin natin siya sa Maynila ano?"

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Taga roon nga pala yung sinasabi niyang doktor. Bigla naman akong nakaramdam ng akung anong kaba sa mangyayari ngunit iniisip ko na lang na para sa kapakanan ni nanay ay iisantabi ko na lang muna ang pansariling pangamba.

Sa araw ring iyon ay inayos na ni Dina ang lahat ng mga bayarin namin sa ospital. Ako naman ay inasikaso ang ilang mga bagay gaya ng aming negosyo. Dahil hindi pa tiyak kung makakapaghanapbuhay pa si nanay ay napagdesisyunan kong ibigay na sa iba ang aming pwesto sa palengke. Saka ko na iisipin kung ano ang aking gagawin kapag magaling na siya. Nagpaalam na rin ako sa iba ko pang amo kung saan ako nag sideline. Pinagbilin ko naman ang bahay namin sa aming kapitbahay. 

Sabi rin ni Dina na darating ang isang special plane papuntang Manila kinabukasan. Sa loob ko ay nagtataka ako na di ko mawari, na parang may mali. Ang bilis ng preparations na nagawa lang niya mag-isa tapos yung sinasabi niyang doktor, parang nahihiwagaan ako. Napakadali namang pumayag nito na operahan ng libre si nanay. Ngunit isinantabi ko na lang mga bagay na iyon. Agad na rin akong nag-empake ng aming mga gamit dahil alam kong matatagalan kami roon.

At dumating na ang araw ng aming pag-alis papuntang Maynila, baon ang pag-asang mabibigyan ng pangalawang buhay ang aking pinakamamahal na ina.

Itutuloy....





































45 comments:

  1. ,,,go alvin awaiting for your update

    ReplyDelete
  2. Nice story.can't wait for the next part.

    ReplyDelete
  3. Salamat kahit natagalan ang update satisfied ako sa chapter na ito. Hula ko c bryan ang doctor? Tnx sa update daredevil.

    Randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. wew. parang di naman doctor ang couse niya haha :D

      Delete
    2. i mean medicine nung college niya. Anyway thanks for reading....

      Delete
  4. tagal kong hinintay to....galing pa rin thank you kuya author

    Just

    ReplyDelete
  5. Wow. Meron na din.. tagal ko din inintay to.. salamat author. Tagal pumasok ni bryan.. hehe. Doctor na pala sya. Tsk.

    ReplyDelete
  6. woooh sa wakas nag update na rin..at sulit mahaba sya...hahaha,,sana update agad ang ganda pa namn ng story...nalulungkot ako para kay andrew naging pessimistic sa love..

    ReplyDelete
  7. Hindi ako magsasawang subaybayan tong story nato, Alvin sana pagpatuloy mo pa! ang ganda na ng mga nangyayari! Kung may maitutulong ako sabihin mo lang, gawan pa natin ng Comics kung gusto mo! XD Keep it up!

    ReplyDelete
  8. akala ko hindi na yun masundan ang part 1 author,
    Sobrang tagal kasi..
    Salamat sa update,


    *James22*

    ReplyDelete
  9. akala ko hindi na yun masundan ang part 1 author,
    Sobrang tagal kasi..
    Salamat sa update,


    *James22*

    ReplyDelete
  10. Yehey been waiting for this update! Update na po agad please! :)

    ReplyDelete
  11. yey meron nadin. worth wait Author.
    thanks sa update.

    sana lumabas kagad next part.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malapit ko nang matapos yung part 3 kaya mapopost ko na siya this week.

      Delete
  12. so this is the continuation of campus trio...nice...looking forward for next chapter.

    ReplyDelete
  13. yes naka pg update na rin hehehe tagala kuna ng antay sana sa susunod na update d ma syado matagal pero ok lng hehehe nakaka inis lng nabitin ako eh heheh salamat sa update po


    franz

    ReplyDelete
  14. I love this story! hoping na maging madalas ang update please Mr Author!!!!!

    ReplyDelete
  15. Thank you! Kelan niyo po bubuksan yung blig niyo? :))

    ReplyDelete
  16. Wow update na agad.,ganda ehh

    Julmax

    ReplyDelete
  17. Ganda ng story na i2 peo ang bagal lng ng update...... mark here

    ReplyDelete
  18. Bat di ako makapasok sa blog mo, sira pa din ba haixt

    ReplyDelete
  19. Update na daliiXD

    -Kyo

    ReplyDelete
  20. Ang ganda..worth the wait..next update na

    Krisluv

    ReplyDelete
  21. hi mr daredevil, paganda na ng paganda ang story. kahit matagal ang update, nandun pa run ang kilig much haha at marami pa rin ang nagantabay. nakaukit na kasi to sa puso at isipan namin. iba kasi talaga ang arrive mo hahaha...sana palagi na ang update.

    excited na akong makilala ang doktor. feel ko kasi si Bryan xa haha. sana nga hehe galing mo!

    oy bakit naisali si Sarah sa 2nd paragraph? naguluhan tuloy ako. haist!

    EDWIN PALOMA

    ReplyDelete
    Replies
    1. sorry typo error... binago ko na :D

      Delete
    2. yon oh ok na haha...tnx po.

      EDWIN PALOMA

      Delete
  22. ayos may update na.
    ang ganda!

    ReplyDelete
  23. the most awaited story, ever!

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek ka jan! walang kokontra hmp!

      Delete
  24. kakatuwa mga nanya2ri,
    sguro kanila bryan ung hospital at sa knya nanghingi ng tulong c dina.:))

    ReplyDelete
  25. .thanks!! sana mag update agad.. sayang naman.. marami kc kaming nag aabang hehehe.. tagal ng pg update.. pero nice one!..

    ReplyDelete
  26. Thanks sa update kahit medyo natagalan...
    Bitin mode hehehe.... Sana mapost this wik yong kasunod... Demanding
    Have a nice sunday mr. author

    ReplyDelete
  27. kelan ang next part ??? PLzzzzzzzz !!! i need nah hahahahaha

    ganda ng kwento but still inaabangan ko ung hula sa kanila ??

    magkakatototoo ba un ?? answer please

    fb account : jomar_siva@yahoo.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. this week yung next part 3...

      yung tungkol sa hula hmmmm.....

      Delete
  28. paki bilisan naman ung mga susunod na chapter pls

    ReplyDelete
  29. super ganda talaga. whew!

    ReplyDelete
  30. malapit na kaya magkatotoo ang hula ng ating mga bida? hmmmmm..aabangan ko talaga. nakakaadik talaga nito. gooooosebumps!!!

    ReplyDelete
  31. super duper ganda. i salute u daredevil. wala ka pa ring kupas. may asim pa rin!

    mr. dj

    ReplyDelete
  32. koment uli ako.
    nainis kasi ako kay Troy. kung kailan kailangan xa ni Andrew ay di rin mahagilap. saan pa kasi xa nagbulakbol. grrrrr tadhana nga naman.

    sana di muna mamatay nanay ni Andrew pls...pakibago ng plot if ever.

    EDWIN PALOMA

    ReplyDelete
  33. so funny with Dante aka Dina lols consistent kasi siya sa kayang pagnanasa kay andrew. kinilig pa ang bruha ahahaha...meganon?

    ReplyDelete
  34. next na pls. bitin kasi.

    ReplyDelete
  35. eto ung pinakaiintay ko na na kwento, buti nlang meron na

    joseph of tondo

    ReplyDelete
  36. Eto na! Yeeehh... Sana tuloy tuloy na ang pag-update neto. Tagal ko inantay to grabe! I was hooked with Campus Trio & can't wait to finish reading until the last chapter of this... God bless, good luck, keep it up & more powers. :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails