Followers

Monday, July 29, 2013

'Unexpected' Chapter 32

Hi! Muli ay gusto kong magpasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa story na ito. You inspire me. :)

More of my messages can be read at the end of this update, including a sneak peek of the next chapter. ;)

Happy Reading! :D

---


Chapter 32

Medyo natagalan kami bago marating ang destinasyon namin. Mga alas kwatro na ata ng hapon iyon. Tama lang pala ang ideya ng school namin na gawing 3-day affair ang field trip. Napakalayo naman pala kasi ng Vigan! Mga more or less than 8 hours din ang naging biyahe namin kaya naman kung isang araw lang ito ay malamang pagkadating pa lang namin doon ay uuwi na rin kami agad-agad which is just stupid. Pero kahit pala malayo ay sulit na sulit naman pala!

To say na napakaganda ng lugar is a gross understatement. It was spectacular! Pakiramdam ko talaga ay nag time travel ako pabalik ng Spanish occupation sa bansa. Matapos mailagay ang gamit sa hotel, ay agad-agad kaming nagsama-sama ni Kate, Matt, at Janine sa paglilibot dahil sinabi ni Ms. de Vera na ang unang araw namin dito ay free day kaya naman malaya kaming magikot-ikot at enjoyin muna ang lugar as long as hindi kami lalayo masyado sa hotel.

Napanganga kami sa mga bahay, at iba pang structures sa paligid namin. Nang makakita kami ng nagtitinda ng empanada ay agad-agad akong hinatak ni Janine patungo sa direksyon ng tindahan at bumili. Umiiral na naman ang pagkapatay-gutom niya, but hey! Gusto ko rin naman ‘tong matikman.

“Kuya! Apat na piraso po.” nakangiting bungad ni Janine sa nagtitinda. Habang iniinit ang empanada namin ay bigla na lamang pinalo ni Janine si Matt sa braso. “Hoy, papa Matt! Manlibre ka naman.” tukso niya kay Matt. “Uy pass naman ako. Lagi na lang ako, eh. Ikaw naman.” parang batang sagot ni Matt kay Janine. “Ganyan talaga sila.” babala ko kay Kate bago pa siya makapagreact.

“Sige na, please?” pagmamakaawa ni Janine kay Matt habang magkapatong pa ang dalawang kamay niya na tila nagdarasal. Natawa naman ako sa inasal niya. Tiningnan ko si Matt at nakita kong medyo nakasimangot ito. “Janine, give him a break. Tama naman siya, eh. Lagi na lang siyang nanlilibre. Baka wala ng pera ‘yan.” depensa ko kay Matt.

“Wow. Porke’t bati na kayo pinagtatanggol mo na siya? Ano ka ba niya, ha?” may bahid ng pang-aasar ni Janine. Sometimes, I just don’t get her. May mga pagkakataong medyo below the belt na ang mga hirit niya, gaya nito... but I always think the best of it everytime. Siguro sanay na ako sa kanya dahil nga kaibigan ko siya at alam ko namang wala siyang masamang intensyon. Although, to be quite frank, medyo tinamaan ako sa banat niyang ito. Napabuntong-hininga ako, dahil alam ko... alam kong hanggang bestfriend lang ang turing sa akin ni Matt.

“Janine, cut it. Oh sige, ito na.” pagsuko ni Matt bago ilabas ang wallet niya mula sa bulsa niya. Napailing na lang ako sa nasaksihan ko. Ngunit lahat nang tensyon sa paligid ay nawala nang matapos naming kainin ang biniling empanada ni Matt. Masarap pala.

“Halika, guys. Libre ko kayo ng ice cream.” pagyayaya ko. Kahit ako naman kasi ay medyo naguilty dahil lagi na lang si Matt ang nanlilibre. Oo, mayaman siya, pero hindi naman dapat ganoon na lamang palagi. “Game!” excited na tugon ni Matt bago namin tahakin ang daan patungo kay Mamang sorbetero. Agad-agad din namang sumunod ang dalawang babae.

“Manong pagbilan po.” magalang kong sabi kay Manong. “Anong flavor, iho? Chocolate, avocado, keso?” tanong niya. At doon ay biglang nagbalik ang ilang mga ala-ala.

--

Flashback.

Last year.

Kakagaling lang namin ni Gab sa isang meeting ng student council. It was on a Saturday, kaya walang pasok. Ngunit dahil nga members kami ng student council, ay kailangan naming magsakripisyo ng extra time upang magplano ng at mag-organize ng gaganaping events. Sa isang linggo ay simula na ng Intramurals kaya naman ginagawa na namin ang initial preparations.

Habang naglalakad patungo sa sakayan ng jeep ay biglang may tinuro si Gab at nagsimula na lamang siyang tumakbo patungo sa ibang direksyon. Doon ko nakita ang isang ice cream cart. Natawa naman ako dahil parang bata ang bestfriend ko kung umarte, dahil sapat na ang isang simpleng ice cream upang mapangiti siya. Agad-agad ko rin naman siyang sinundan.

“Bes, anong flavor sa’yo?” tanong niya habang dinidilaan ang avocado ice cream na hawak niya.

“Gusto mo ‘yan? Hindi ko type ‘yan. Chocolate ang gusto ko” sabi ko, habang tinuturo ang ice cream na hawak niya, imbes na sagutin ko ang tanong niya.

“Ang sarap kaya. Tikman mo, oh.” depensa niya, ngunit mas ikinagulat ko nang bigla niyang idiin ang ice cream niya sa bibig ko kaya nalasahan ko na ang kinakain niya, kasama ang laway niya.

“Tangina, kadiri!” reklamo ko, pero aaminin ko... masarap pala talaga. Tumawa lang ng tumawa ang loko.

“Kuya, sige nga. Isang avocado rin.” natatawang baling ko sa nagtitinda. Naramdaman ko na lang ang pag-akbay ng mga braso ni Gab.

At doon ako nagkaroon ng bagong paboritong flavor ng ice cream... dahil kay Gab.

--

“JOSH!” nagulantang na lamang ako nang maramdaman ko ang isang pitik sa tenga ko, ngunit imbes na mainis ay wala na lang akong sinabi. Binalingan ko si Janine na siyang hinala kong gumawa sa akin noon. Binigyan ko siya ng isang nagtatanong na tingin. “Hoy! Anong flavor daw? Naka-autopilot ka na naman diyan, friend. Kajirits.” pahayag niya.

Lecheng Gab kasi.

Namimiss ko tuloy siya.

“Bes, anong flavor daw? Ok ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Matt. Binigyan ko na lamang siya ng isang hilaw na ngiti na tilang sinasabing okay lang ako.

“Isang chocolate po, manong.”

--

Nang tingnan ko ang relo ko ay nakita kong alas-siyete na pala ng gabi, kaya naman nagyaya na akong kumain na siya namang pinaunlakan ng tatlo. Sa hotel na kami kumain, since covered naman ng bayad sa field trip ang food which was awesome. Kaya naman wala na kaming inaksayang panahon nang matapos kaming pumila sa buffet.

“Josh.” pagtawag ng atensyon ko ni Kate. “Hmm?” baling ko sa kanya habang humihigop ng mainit na sabaw. “Si Gab? Kamusta na siya? Parang hindi ko na kayo nakikitang magkasama. May ipropropose kasi akong project sa student council.” inosenteng pahayag niya. Nako, kung ako lang eh baka naibuhos ko na sa kanya itong hinihigop ko, pero oo nga naman, wala siyang alam.

At muli ay naramdaman ko na naman ang lungkot ng mga nangyari kagabi.

Naalala ko ang mukha niya, ang pag-iyak niya, ang boses niya. Nararamdaman ko pa rin ang hinagpis niya nang magmakaawa siya sa akin. Pero ang mas masakit ay ang mga naalala kong masasaya naming alaala. Ang mga ngiti niya, ang mga biro niya, kahit ang mga katarantaduhan niyang tiniis ko. Lalo akong nanlulumo dahil narealize kong hindi na muling mangyayari ang mga iyon.

Masyado ko na siyang nasaktan.

Ngayon ay pakiramdam ko eh ako ang may kasalanan kung bakit siya nasasaktan ngayon. Kung kaya ko lang talaga... kung kaya ko lang, Gab. Kaso, huli na ang lahat.

Ngunit dapat hindi na ako nag-iisip ng ganito kung hindi ko na talaga siya mahal, ‘di ba? Ngunit bakit may malaking parte pa rin ng puso ko ang naghuhumiyaw para sa kanya? Posible nga ba? O natatakot lang akong pakawalan siya? Bakit ganito pa rin ang epekto mo sa akin, Gab?
Ginawa ko ang makakaya ko upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala.

Naramdaman ko ang pagtabig ni Matt sa hita ko. Alam kong may ideya siya sa iniisip ko ngayon.

Ngunit wala siyang alam sa mga nangyari kagabi.

“Excuse me.” paalam ko, at hindi ko na napigilan ang sarili kong umalis ng hapag-kainan at magpunta sa pinakamalapit na banyo para ilabas ang kanina ko pang kinikimkim na mga damdamin.

--

Janine.

Naiwan kaming tatlong tulala matapos ang biglaang pagwalk out ni Josh.

“May nasabi ba akong mali?” nag-aalalang tanong ni Kate.

“Wala. Natatae lang ‘yon. Nahihiya lang magsabi. Shit, susundan ko nga.” pagdadahilan ko bago pa sila magsuspetsa. Alam kong alam ni Matt ang dahilan ng pag-alis ni Josh, ngunit nagdahilan na rin ako for Kate’s benefit. Iniwan ko muna ang dalawang kumakain para sundan ang kaibigan ko. Alam kong malaki pa rin ang hugot niya kay Gab, ngunit alam kong may mas malalim pang dahilan na hindi niya sinasabi sa akin. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ito kung bakit siya umiiyak kagabi.

Nang marating ko ang men’s CR ay wala na akong pakialam kahit pa babae ako. Agad-agad akong pumasok, thankful to find out na walang ibang tao kundi kaming dalawa lang ni Josh. Agad-agad kong kinandado ang pintuan. Buti na lamang at malinis at walang amoy ang CR dito, kundi ay malamang hindi ko na sinundan ang kaibigan ko. Dumiretso ako sa nag-iisang saradong cubicle at kinatok ito.

“Josh,” mahinahon kong pagtawag. Ngunit wala pang ilang segundo ay biglang bumukas na ang pinto at isang umiiyak na Josh ang bumungad sa akin. Wala akong sinayang na panahon at bigla ko na lamang siyang niyakap, knowing na kailangan niya ito ngayon. Doon na siya humagulgol. Hinagod ko na lamang ang kanyang likod at inalo-alo siya. Wala man akong magawa upang lutasin kung anuman ang problema niya, gusto ko pa ring malaman na nandito lang ako para sa kanya kahit anong mangyari.

Makalipas ang ilang minuto ay medyo humupa na ang mga hagulgol ni Josh. Kinalas ko ang yakapan namin at tiningnan siya diretso sa mata. “Josh, tell me what happened last night.” kalmado kong pahayag. Tumango naman siya at agad-agad namang kinwento ang nangyari na siyang pinakinggan kong mabuti.

--

“Josh,” ang tangi ko na lamang nasabi matapos niyang magkwento. I never expected this. Hindi ko akalaing nagkaroon pala sila ng confrontation ni Gab kagabi. Hindi na ako nagtaka kung bakit nagkaganito si Josh. He’s confused, guilty, and hurt. Confused dahil ngayon, alam na niya na mahal na rin siya ng taong minahal niya dati, kaya ngayon ay tinatanong niya ang sarili niya kung tama ba ang desisyong mahalin si Matt. Guilty, dahil alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit nasaktan si Gab, dahil sinabi niyang hindi niya kayang ibalik ang pagmamahal nito. And hurt, dahil nawalan siya ng isang napakahalagang kaibigan. Pero assumptions ko lamang iyon. No one knew the real story.

No one knows gaano katindi ang sakit na nararamdaman ni Josh ngayon.

“Josh, halika na. They might get suspicious.” sabi ko matapos ang ilang minuto.

“Nagsususpetsa na sila. Umalis ba naman ako ng walang paalam. Thanks for stating the obvious.” sarcastic niyang balik sa akin.

Nirolyo ko na lang ang mga mata ko, and did my best to just ignore what he said.

“I covered for you.” nakangisi kong sabi sa kanya.

“What is it this time?” curious niyang tanong.

“Sabi ko kay Kate natatae ka lang.” sagot ko.

At doon ay nasilayan kong muli ang ngiti ni Josh hanggang sa nakita na lang namin ang mga sarili naming humahagikgik sa sahig ng banyo.

--

Josh.
Laking pasalamat ko dahil kahit papaano ay nakatulong ang pagkkwento ko kay Janine ng mga nangyari kagabi upang maibsan ang sakit na nararamdaman at ang bigat na dinadala ko kahit papaano. Matapos makarinig ng katok mula sa pinto ng banyo ay agad-agad kaming lumabas ni Janine, walang pakialam sa nakakita sa aming mama na tila gulantang sa nasaksihan niyang paglabas ng isang lalaki at isang babae sa CR ng lalaki.

“Call of nature hahaha.” nahihiya kong pahayag nang makabalik na kami ni Janine sa table namin. I faked it, para hindi halata. Nginitian ko si Kate, na tila nagsasabing wala siyang ginawang masama. I can’t blame her. Wala siyang alam. Agad akong tumabi kay Matt at nagpatuloy sa pagkain. Napansin kong masuri niya kong tinitingnan, kaya naman hinarap ko siya.

“You sure okay ka lang?” concerned niyang pagtatanong.

“Oo naman.” sagot ko.

“We’ll talk later, okay?” may authority niyang pahayag.

“I have nothing to say. Ano bang meron?” nag-aalala kong tanong.

“Sino bang may sabing ikaw lang ang may sasabihin?” makahulugan niyang pahayag bago siya magpatuloy sa pagkain.

--

Itutuloy...

--

Author's Note:

SPOILER ALERT: Mababasa na sa susunod na chapter ang pag-amin ni Matt kay Josh! So abangan niyo ang update. ;) Ie-edit ko pa ang chapter na iyon for improvements. :)

POV ni Matt ang ginamit ko. Idk, I find writing in his perspective as my comfort zone, despite the fact na si Josh talaga ang (originally) ang main character dito.

Teaser (fragmented bits ito, kaya huwag kayong magtaka kung parang hindi buo yung logical flow ng dialogues):

Matt.

Agad-agad akong humiga sa tabi niya at ikinulong siya sa isang mahigpit na yakap. Bigla siyang napaigtad at binigyan ako ng nagtatakang tingin. Agad tumindi ang pag-aalala ko nang makita ko ang mugto niyang mga mata.

“What the hell, Matt?!” irita niyang pahayag.

......

“Josh, ‘di ba sabi ko sa’yo sasabihin ko na kung sino ‘yung taong minamahal ko? At gusto ko ikaw ang unang tanong makarinig ng pag-amin ko sa kanya.” pagsisimula ko.

.........

“I love you, bes.” pag-amin ko bago tuluyang maglapat ang aming mga labi kasabay ng masaganang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. 

------

ABANGAN!




15 comments:

  1. Shit!!! Ang tagal ko ng hinihintay to!!! Sobra!!!! Thank you Mr. Author for writing one heck of a wonderful story. Simula ng mabasa ko to ay sobrang kinilig na talaga ako. More power to you and God bless! - Ken

    ReplyDelete
  2. ay naku super bitin! update agad pls. thanks.

    ReplyDelete
  3. Pati yung kaklase kong girl naloloka na kasi walang upadte salamat at meron na hahaha :)))

    ReplyDelete
  4. Masyadong emotional c josh. Move on n kc focus on matt. Tnx sa update

    Randzmesia

    ReplyDelete
  5. hehe kakaexcite naman.sana di na mag inarte si josh.hehe

    -just

    ReplyDelete
  6. Yes sa wakas napaamin na din si matt.,superdoper excited sa nxt charpter..,mr author update agad pls nagmamakaawa.,ehehe tnx s magandang kwento.,

    Julmax

    ReplyDelete
  7. Pagkatapos umamin ne Gab, now 8s Matt's turn nmn, ayiiiiii sobra exciting ang nxt chapter sana ma-post agad hehe..
    Josh wag na msyado mag-inarte OK! Matt s d'ryt 1 4u..
    Kinikilig n ako s nxt chapter ah hehe

    TYVM to our dear author ;)

    AtSea

    ReplyDelete
  8. UPDATE NA! hahaha

    heksayted lang?

    grabe grabe grabe.... ^_^

    ReplyDelete
  9. Can't wait fir the next chapter...
    Goo team matt!! :))

    ReplyDelete
  10. It's' best kung maging masaya na sila... Medyo, nakakairita na kasi yung away bati na setting :) I just hope na Josh-Matt na talaga! :)

    ReplyDelete
  11. Update na agad please...nabitin lang aq...

    ReplyDelete
  12. Sana paepalin nyo padin si Tristan :( gusto ko ulet magkagulo :p.

    -Kyo

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails