Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By : Baste31 - j.a.c.
Chapter 4 : Ang Classmate Ko
Please Click The Link For Previous Chapters : COMPILATION
Kinaumagahan medyo maayos na pakiramdam ko.
Wala na yung hilo gawa ng alak pero masakit pa rin yung katawan ko sa bugbog at pasa.
"gising ka na pala.." ang bati sa'kin ni Louie na nasa upuan na nasa may computer ko, nabigla ako na nasa amin pa sya hanggang ngayon.
"haa?! Bakit nandito ka pa?"
"heh.. Ayos ka rin pala noh? Hindi ka pa nga nagpapasalamat yan na agad ang bungad mo sakin?"
"akala ko umuwi ka na nung bumaba ako ng kotse."
"kung umuwi ako baka kinaladkad ka na ni manang papanik dito sa kwarto mo. Kaya ka ba non buhatin matapos mong bumagsak?"
"bumagsak?"
"iinom inom ka kasi, hindi mo naman pala kaya. Tapos nakipag basag ulo ka pa!" dun ko nalaman na bumagsak pala ako kagabi pagbaba ng kotse.
Si Louie din ang nag akyat sakin sa kwarto ko at pagpapalit nya ng damit ko nang sumuka ako sa damit ko pa mismo. Kaya pala iba na ang suot ko paggising ko.
Napansin ko yung damit ni Louie balik ulit sa dati, kupas na pantalon at damit ibang iba nung nasa loob sya ng bar.
Hindi na ko naglakas loob itinanong kung bakit suot nya yung ganong damit nagpapasalamat na lang ako at tinulungan nya ako na makauwi. Naawa daw sya sa akin nung awatin nya kami ni Eric, kasi iika-ika daw ako na di makagulapay na lumakad papunta sa kotse ko kaya pinaupo nya ako sa passenger seat at sya na ang nadrive.
"Teka anong oras na ba?" pagtingin ko sa relo ko pasado alas dyes na ng umaga.
"shit!" bigla akong natauhan, di dapat malaman ni Papa na nagpapasok ako ng kungsino sa kwarto ko. Mabilis akong kumuha ng damit at pantalon at pinasuot ko agad kay Louie.
Nagtataka man isinuot naman ni Louie yung damit ko sa paliwanag ko sa kanya. Sa suot pa lang kasi ni Louie tiyak magsasalubong na ang kilay ni Papa dahil hindi presentable. Nag iba na naman ang itsura ni Louie sa suot nyang damit ko, mas bagay pa ata sa kanya yun kesa sa akin, mapapagkamalan mo na syang anak mayaman.
Wala na pala kaming oras magkwentuhan dahil malamang aakyat na si Papa sa kwarto dahil hindi pa ko bumabangon. Di naman ako nagkamali at naririnig ko na ang yabag ng tao na papanik sa 2nd floor at ang boses ni Papa. Lalo naman akong nataranta kaya ni lock ko yung pinto.
"Louie magtago ka!"
"teka kilala mo ko? Saka bakit ako magtatago?"
"mamaya ko na papaliwanag basta magtago ka, please!"
"hindi ako magtatago, problema mo yan kaya harapin mo!"
"pambihira naman oh-"
"Christian. Christian!" ang pagtawag sakin ni Papa habang kumakatok sa pinto.
"Pa?"
"Christian open the door."
"patay, di ko matatago tong pasa ko kay Papa. Pano to? Hay.." pabulong ko sa sarili na litong lito na kung bubuksan ang pinto at haharapin ang sermon ng Papa ko.
Lalong lumakas ang katok ni Papa sa pinto
"Christian I said open this -- door.."
"Who are you?" nagtatakang boses ni Papa dahil hindi ako kundi si Louie ang nagbukas ng pintuan.
"Bubuksan mo rin kasi yung pinto pinagtatagal mo pa." ang sabi ni Louie sa akin.
"Pa this is Louie classmate ko!" ang pagsisinungaling ko kay Papa tungkol kay Louie. Nang makita ako ni Papa na may mga pasa nagsalubong agad ang kilay nya.
"Christian.. Did you get into trouble?" ang pagalit na sabi sa akin ni Papa na hindi na naisip na nasa tabi lang si Louie.
"Pa? No.. Naaksidente lang ako.. Di ako nakipag away."
"Mawalang galang na po Sir,--" pagsingit ni Louie sa mga palusot ko.
Naroon din pala si Mama sa likod ni Papa nakatingin lang sa nangyayari.
"ang totoo po nyan Sir napaaway tong si Christian kagabi sa bar." lalong nagdikit ang kilay ni Papa sa narinig na katotohanan galing kay Louie. Sa tingin nya sa kin masasabi ko na na gusto na akong kainin ng buo ni Papa.
"Lasing na lasing rin po yan kagabi, kaya pinagdrive ko na lang pauwi kundi sa kalye na yan babagsak o naaksidente na." napatingala na lang ako takip ng kamay ang mukha sa paglalaglag sakin ni Louie kay Papa.
Taran**dong to di marunong makisama.
"isa pa po hindi nya ako classmate!" tuluyan na talaga akong nilaglag ni Louie kay Papa. Sigurado ako na palapit na ang kaparusahan ko.
"Tol, kapag may ginawa ka kasing pagkakamali wag mong takasan harapin mo at humingi ka ng tawad! Huwag mo ding gawing sagot ang kasalanan sa isa pang kasalanan. Tanggapin mo yung kalalabasan ng ginawa mo dahil alam mo na mali ang ginawa mo!"
"Totoo ba mga sinabi nya Christian?" Ang straight na tanong ni Papa na nakatingin sa akin na ngayon ay nakayuko at halatang guilty.
Parang pinagsakloban ako ng langit at lupa, hinihintay pa rin ni Papa ang isasagot ko.
To Be Continued
sumagot ka at aminin mo ang totoo. baka pag dika umamin magalit pa lalo ang papa mo.
ReplyDelete0309
hahaha kaloka c Louie eh noh? Wala nagawa c Christian xD
ReplyDelete