Followers

Monday, July 29, 2013

Bliss Chapter 1


Bliss Chapter 1

by Carlos Clav


 Bestfriends? Sarap pakinggan ng word na yan noh. Yes tama ka Masarap magkaroon ng kaibigan, kaibigan na hindi ka iiwan sa panahong kailangan mo ng taong makikinig sayo, yung taong kasama mo sa panahong down ka. Ung taong pupunas ng luha mo kapag feeling mo nag-iisa ka, talagang napakaswerte mo kung nakatagpo ka ng taong ganun o yung matatawag mong bestfriend.?

            Pero kailan nga ba natatapos ang pagkakaibigan ng dalawang tao? Kapag ba nagkatampuhan? Nag-away? O kapag nagsimula silang mahulog sa isa't isa.?

            Ano nga ba ang pipiliin mo? yung friendship niyo o yung feelings mo? Matatawag mo pa ba syang kaibigan gayong alam mong higit sa kaibigan ang tingin niyo sa isa't isa. Handa mo bang itaya ang pagkakaibigan niyo kahit alam mong sa oras na maghiwalay kayo ay hindi maibabalik yung friendship na binuo niyo?

         Nagkamali nga ba ko ng pinili.?

         Ako si carlos...

         Unang araw yun ng klase. napunta ko sa section 5, alam ko naman na hindi ako bobo sadyang di lang ako nagseseryoso. basta makapasa ok na ko dun di naman kasi ako penepressure ng mga tao sa paligid ko, proud sila kahit ano man makuha ko. medyo malayo man section ko ok na yun hanggang section 16 noon ang 4th year.  wala pa akong kakilala nung panahon na yun kung meron man ay hindi ko mga kaclose. napunta kasi sa ibang sections ung mga kaclose ko nung third year gusto ko sana magpalipat kaso hindi na daw pwede.

         Kaya no choice kailangan ko makisama sa mga bago kong mga classmate.

         Alpahabetical ang seating arangement kaya  medyo sa dulo kami ayoko sana sa dulo kaso wala eh hindi ko naman pwedeng sisishin yung apelido ko di ba?.

         "Hi" bati sakin ng katabi ko."im alvin" saad nito.  napansin ko may itsura sya, maamo ang mukha. maputi hindi masyadong payat tama lang. malakas ang dating.

         "Carlos" ngumiti lang ako sa kanya. mabait sya madami syang tanong. ako naman ay di masyadong nagsasalita medyo naiilang kasi ako. may pagkaloner kasi ako. ako ung tipong kung di kakausapin hindi magsasalita gusto ko tahimik lang lagi.

         "magsalita ka naman?" sabi nito na nakangiti "ako lang tanong ng tanong eh" napatingin ako sa kanya at napagmasdan ang buong mukha nito. sigurado ako madami na tong naging syota pansin ko din madaming nakatingin sa kanyang babae na classmate namin.hang lalandi.!

         "hindi ko alam ang tatanong ko eh" sabi ko nalang dahil di ko talaga maisip ano ba itatanong ko. Nagkibit lang sya ng balikat.

         "kahit ano? Ask me if i'm single?" para naman akong matutunaw sa mga tingin niya.

         "bakit ko naman itatanong yun?" hindi ko sinasadyang mapalingon ako sa likod ko dahilan upang manlaki ang mata ko. humarap uli ako napa "shit" pa ko sa nakita ko

        "bakit?" tanong ni alvin at lumingon din sa likod "ah si niel? ano meron kay niel?"tanong nito

        si niel ay ang taong ayaw na ayaw kong maging classmate o kahit makatabi man lang. bakit? sya ang pinakabully na nakilala ko. lahat ata kasi pinagtritripan nito. at madalas ay ako. lahat ng pwede ikasira ng araw gagawin. "bwiset talaga nakakainis naman" nasabi ko nalang sa sarili ko. mukang ang panget ng pagtatapos ko ng high school.

        "ah wala" sabi ko nalang kay alvin

        "ok" sagot nito

        humarap na sya sa unahan. mabait si alvin lagi nagsisimula ng kwentuhan hindi ko naman sya masabayan kasi tahimik lang ako. Sa pagiisip ko naramdaman ko nalang may humihila ng uniform ko sa likod.at sigurado ako si niel yun. simula na ng kalbaryo ko bilang 4th year.

         "ano ba niel!" angil ko sa kanya. nakasimangot na ko. naging classmate ko sya nung second year kaya magkakilala kami at alam ko ugali niya.

         "puti ng uniform natin ah." tawanan naman ung barkada niya. dalawa ang barkada niya si allen at si elmer. si allen gwapo kaso mukang maloko ngiti palang nakakabwisit na si elmer naman mukha palang nakakainis na, yung tipong kapag nakita mo sira na agad araw mo? haha

         "tigilan mo nga ako niel kasisimula palang ng klase nang bubwisit ka na." sabi ko

         "joke lang. gawin natin memorable ang last year natin dito sa school." sabi nito na nakatawa

         "so wag ako ang gawin nyong laruan." angil ko.

         "ang cute mo kasi eh. sige iiwasan na nanamin. Friends na wag ka ng high blood." sabi pa nito.

         "bahala ka" sabi ko nalang.

         araw araw na kaming ganun nila niel minsan nakikisali pa si alvin pero minsan magkakampi kami kapag below the belt na masyado ang biro ng barkada nila niel. dahil dun naging close kami ni alvin. tuwing darating sa umaga batian, tanungan ng assignment. kopyahan. lagi kaming magkasama hanggang reccess. Alam ko may iba akong nararamdaman sa kanya pero pilit kong pinipigilan dahil alam kong mali.

         dahil fourth year may c.a.t  kami kaya naghanap ng mga officers ang teacher namin para mamuno kapag may duty kami. nung una gusto sana namin sumali ni alvin pero dahil masyado ng madami yung nagprisinta. hindi na kami nakaabot.

          Nang sumunod na araw kailangan naman daw ng "sp" or special police or ung magbabantay kapag may duty ang mga studyante. dun kami nakasali ni alvin dahil nga ayaw namin ng normal na cadet lang dahil alam namin laging nauutusan kapag cadet lang. hehe tamad kami.

          "Mukang mahirap ata training natin noh?" sabi ko kay alvin nung isang beses na kailngan namin bumalik ng hapon para magtraining

          "Mahirap nga siguro next week ata may uniform na tayo" sabi nito

          "ano naman kaya itsura." sabi ko

          "sigurado naman ako bagay sakin" sabi ni alvin. napangiti naman ako "yabang" sabi ko naman

           "hi mga classmate?" bati ni raymond samin na kararating lang, sa unuhan to nakaupo kaya di namin masyado nakakausap

           "oo" sabi ko "carlos pala." pakilala ko

           "oo kilala ko na kayo di ba isa isa tayong nagpakilala nung 1st day?" sabi nito

           "oo nga." sabi ni alvin " sp ka rin tol?" tanong ni alvin

           "oo sa quadrangle ata tayo magtetraining. susunugin  ata tayo sa araw

           "what?!" gulat ko

           "makawhat ka naman parang ang puti mo.dapat nga ako magreklamo masisira kutis ko " asar ni alvin. napaismid naman ako. Habang si raymond naman ay natawa lang.

           May itsura rin si raymond. simple lang pero may dating nakakatuwa pa dahil muka syang masayahin at masarap kasama. napakagaan ng loob ko sa kanya, hindi ko din alam kung bakit basta feeling ko mabait sya.

           lagi na kaming magkakasama kapag may training pero kapag sa classroom hindi masyado dahil may mga kaibigan din sya.

           Isang araw sobrang inis ko dahil nilagyan ng bublegum ni niel ang upuan ko muntikan ko pang maupuan kundi lang sinabi sakin ni Alvin, nang maalis na ang bubblegum saka ako umupo sabay tingin ng masama kay niel ngunit ngitian lang ako nito. kung hindi lang kasalanan makasakit. baldado na to si niel! hahaha pinagbigyan ko sya nung una ngunit sunod niyang ginawa ay nilagyan naman niya ng bublegum ang buhok ko. inis na inis talaga ko halos umiyak na ko. kaya tumakbo ako palabas ng room. dahil alam ko tutulo na luha ko. sumunod naman si alvin.

         Habang tumatakbo ako narinig ko pa ang tawanan ng barkada nila niel kaya tumulo na ang luha ko.

          "Akin na ako magtatanggal" sabi ni alvin ng maabutan ako sa labas ng cr. di ako sumagot lumapit naman sya hawak ang gunting. "wag ka ngang umiyak para kang bakla" sabi nito

           "baka mapoknat ako saka bakit may gunting ka? kasabwat ka noh?" sabi ko

           "hindi naman sa anit eh sa buhok lang saka may gunting naman talaga ko sa bag pang self defense " paliwanag naman ni alvin

           "nakakabwiset talaga sila niel" mangiyak ngiyak kong reklamo ng matapos niya tanggalin ang bublegum na nasa buhok ko.

           " hilig mo kasi patulan kaya lalo kang inaasar. saka-" bitin nito na nakangiti. umupo na kami sa bench malapit sa cr.

           "saka?" kunot na tanong ko

           "ang cute mo kasi kapag naasar kaya lalo ka nila inaasar" nakangiti nitong sabi. Tinitigin ko naman sya ang gwapo niya kapag tumatawa.

           "cute? saang banda sige mangasar kapa" naluluha naman sabi ko.

           “ito naman joke lang hayaan mo kapag inulit pa nila yun sayo sasapakin ko na talaga sila.” Sabi nito na sumeryoso.

            Nakita ko naman sa mukha niya na seryoso talaga sya, sabagay mukang kaya naman niya yung tatlo kaso parang hindi ko yata kayang makitang masuntok sa mukha si Alvin baka magalusan sya at yun ang di ko papayagan.

            “wag na, wag mo ng patulan baka tayo pa mapahamak.” Sabi ko nalang.

            magsasalita pa sana si alvin nang biglang umakbay sakin si raymond

            "oy kamusta. bakit parang umiyak ka?" tanong ni raymond sakin ng mapansin ang maga kong mata.  "saka bakit ganyan buhok mo?"

            "si neil pinagtripan nanaman" sabi ni alvin na nakangiti

            "isa ka din lagi ninyong pinagtitripan si carlos?" sabi ni raymond na seryoso. para naman napahiya si alvin dahil sa sinabi nito. "ok ka lang" tanong nito na mababakas talaga na nag-aalala, napatango lang ako. di ko napansin umiiyak nanaman ako.

            "ok lang yan" sabi ni raymond na hinimas ang likod ko. nakita ko na masama tingin ni raymond kay alvin. ganun din naman si alvin.          

           "kakausapin ko si maam na doon ka nalang maupo sa tabi ko. lagi naman absent katabi ko eh." sabi ni raymond        

           "hindi!?" kontra ni alvin 

           "bakit hindi? hindi mo nga sya mapagtanggol eh" natahimik naman si alvin.       

           "tama alvin dun nalang ako uupo para makaiwas kay niel" sabi ko naman. bigla naman tumayo si alvin at iniwan kami ni raymond. mukhang nagalit ito ng di ko alam kung bakit , Nang makabalik kami sa room kinuha ni raymond mga gamit ko sa upuan at dinala sa unahan. di ko naman nakita si alvin sa upuan niya. salamat at makakalayo na ko kay niel kaso mapapalayo naman ako kay alvin, asan na nga pala yun?.

             Maya maya dumating si alvin at nakita ko kinausap niya ung nasa likod namin ni raymond. tumayo naman ito at pumunta sa upuan ni alvin.

             "nagpaalam na ko kay ma'am na dito na ko uupo. kaso dapat daw kapag exam dun daw tayo sa dati." sabi ni Alvin na nakangiti. sama naman ng tingin ni raymond kay alvin.

            "sinundan mo pa talaga para asarin" ismid ni raymond kay alvin.

            "raymond ano ba? mabait yan si alvin saka kaibigan ko sya." sabi ko kay raymond dahil naasar na ko sa kinikilos nito

            "oo nga magkaibigan kami." sabat naman ni alvin na todo ngiti

            "bahala kayo" saad ni Raymond sabay harap sa unahan..

            Ewan ko ba bakit hindi magkasundo si alvin at raymond sila naman ngayon ang laging nagbabangayan. laging nag-uunahan kapag may gusto kong kopyahin na notes.  laging nagbabarahan. ang labo nila.

            "mga tol" isang umagang bati ni alvin saming dalawa ni raymond

            "hindi kita kapatid.!" bara ni raymond at tinuloy ang pagsusulat

            "edi hindi kung hindi..carlos may gagawin ka mamaya?" baling sakin ni alvin

            "wala naman bakit?"sagot ko.

            "tulungan mo naman ako oh."

            "saan naman?"sabat ni raymond

            "kausap ka? nakikisali pa eh" bara ni alvin

            "ewan sa inyo, saan ka naman magpapatulong basta mahina ako sa math huh." sabi ko

            "Balak kong ligawan si che?" sagot nito. bigla naman napatingin si raymond kay alvin. napangiti ito  "sige tol tutulungan ka namin" sabi ni raymond sabay akbay sakin.

            "hindi tayo magkapatid saka si carlos tinatanong ko.?" bara nito kay raymond pero mukang hindi natinag si raymond dahil nakangiti parin ito. Tumingin naman sya sakin natigilan ako. Bakit parang nasaktan ako. Mali ito tama na rin siguro na magkagirlfriend sya para makalimutan ko kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya.

            "sige ba" sabi ko naman sa kanya hindi ko alam na may tumulo palang luha sa mata ko.

            " umiiyak ka?" tanong ni raymond.

            " huh?" agad ko naman pinunasan yung mata ko. " napuwing lang sakit nga eh." palusot ko nalang.

            simula non parang naging ok na si raymond kay alvin lagi pa nga itong nagbibigay ng advice para sa panliligaw nito. natuwa naman ako dahil dun, gusto ko kasi makitang magkasundo ang dalawa kong bagong kaibigan. Dahil sa kanila sigurado na kong magiging masaya ang pagtatapos ko ng high school. Masaya na ko para kay alvin. Mabuti to habang maaga mawala na yung kakaibang nararamdaman ko sa kanya.

            "bakit ka nakangiti?" tanong ni raymond ng minsan nasa canteen kami

            "masama.? masaya lang ako kasi ok na kayo ni alvin."

            "ok naman kami dati ah. nabibwisit lang ako minsan mayabang kasi." saad nito.

            " hindi naman yun mayabang, ganunng lang talaga sya." saad ko pero umismid lang si raymond.

            tinulungan nga namin si alvin para ligawan si che. todo effort naman si alvin sa panliligaw. lagi lang kaming taga hatid ng sulat o ng kahit anong regalo nito kay che. masaya naman kami dahil mukang nagugustuhan ni che ang mga ginagwa ni alvin. hindi nga nagtagal sinagot ni che si alvin. nagbunga ang paghihirap at effort namin.

            dahil sila na nga, minsan na lang namin makasama si alvin dahil lagi na nito kasama ang syota nya. naintindihan naman namin dahil mukhang masaya naman ito. pero ako bakit iba nararamdaman ko? Nagseselos na ba ko? erase erase..!

            Dahil din don naging mas malapit kami ni raymond halos kami nalang lagi ang magkasama.

            Isang araw absent si raymond dahil may sakit daw to. nagalala naman ako kaso hindi ko pa naman alam ang bahay nito, dahil wala akong katabi kaya sa tabi ko umupo si alvin. medyo seryoso to kaya medyo nanibago ko.

            "uhm carlos." umpisa ni Alvin na hindi makatingin ng deretso

            "yes?" tanong ko

            "gwapo ba ko?" tanong nito

   

7 comments:

  1. pwede pa re-post di mabasa ng ma ayos, sabog at yung ibang sentences and word eh natatakpan ng advertisement, thanks po!!!

    ReplyDelete
  2. Gusto ko takbo ng kwento sana tuloy2 ^_^

    ReplyDelete
  3. medyo magulo ang wento. walang excitement. ewan naikumpara ko lang siguro sa ibang mga stories. sana mapaimprove mo ang composition.

    ReplyDelete
  4. gusto ko din ung takbo ng kwento, may mga selos factor.. hehe


    sna po may update na agad.. hehe demanding lang..



    <07>


    ReplyDelete
  5. Nakakahingal basahin. Walang commas at periods.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails