Followers

Monday, July 22, 2013

THE GAME OF REVENGE- - - Chapter 13 :) (farewell my superman)

By: Kulyitpangit:)




-------------------------------------------------------------------------------------------------------




Cherry Anne De Leon




Dumiretso agad ako sa bahay nina bunso pagkatapos kong maki pag usap kay Austin. Kanina pa ako uneasy. Parang may mangyayari.




Kanina pa ako hindi mapakali. Pagkahinto na pagkahinto ng kotse dumiretso na agad ako sa loob ng bahay nina bunso.




"Bunso! Bunso!" tawag ko kay bunso pero walang sumagot. Wala kaya siya? Aakyat na sana ako ng kwarto niya nang makita ko ang isang katulong nila papalapit sa akin.





"Ma'am pumunta po siya kina Sir PJ." sabi agad nung katulong.




Kina PJ? Nandun pa rin yung kaba ko at parang nadagdagan pa. Anong ginagawa niya kina PJ? Uhm Huwag naman sana. Hindi naman sana mangyari yung iniisip ko.




Nagtatakbo agad ako papunta sa kotse namin. Pero napatigil ako sa gitna ng malawak na garden nina bunso dahil sa kulog. Mukhang uula pa ata.




"Manong kina PJ po tayo." sabi ko agad kay kuya. Hindi talaga ako mapakali. Iba ang nararmdaman ko. Parang may mangyayaring hindi maganda.





Nagtatakbo ako ulit papasok sa bahay nina PJ. Nadatnan ko si tita sa sala.






"Tita good afternoon po. Nanjan po ba sina PJ?" tanong ko agad kay tita. Syempre may greetings muna para hindi mag mukhang bastos.





"Good afternoon din iha. Ahy. Wala si PJ. Pumunta daw sa park." sabi naman ni tita.





Hindi ko na nasagot si tita. Diretso na agad ako sa kotse at pinabalik ko si kuya sa park.





Nanginginig pa ako sa loob ng kotse. Mangyayari na nga ba? Huwag naman sana. Pls. Hndi kakayanin ni bunso. PJ Wait for me. Don't do something stupid. AARgggggggggggggg!!!





Nagtatakbo na naman akong pumunta sa loob ng park. Tiningnan ko ang buong lugar. Nakita ko sina bunso at PJ sa isang parte ng park. Nakatalikod si PJ kay bunso. Umiiyak silang dalawa.





Halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko sa aking kinalalagyan. Parang nanghina na ang mga tuhod ko.




Ayoko!




No!!!



Hindi!!!




UhRGGGGHHHHH!!!! Hindi!!!





It has started.









(pakiplay po ang video! Wag po sanang magproceed nang hindi magpeplay ito. Pag natapos po ang kanta pakiulit po ulit. Dapat po naka on ang kanta na ito hanggang matapos niyong basahin ang chapter na ito. Thanks! ILOVEYOU!!!!)


Paul John Herrera





"Layuan mo na ako. Itigil na natin ang pagiging magkuya natin."




Halos tumigil din ang mundo ko nang masabi ko ang mga salitang yun. Narinig kong mas lumakas ang pag iyak ni bunso. Ng bunso ko.




Ayokng gawin ito pero nasasaktan na ako ehhh.




Gusto ko siyang yakapin ay bawiin ang mga sinabi ko pero hindi pwede. Kailangan kong gawin ito. Kailangan.





Bawat pagpiyok at paghagulgul niya ay tumutusok sa puso ko. Ang gago ko kasi. Halos maputol na ang hininga niya sa kaiiyak. Ayokong nakikita siyang umiiyak.





Naramdaman ko na lang ang dalawang kamay na yumakap sa akin mula sa likod. Halos namanhid pa ako. Siya ang yumayakap sa akin.. Ang bunso ko. Isinandal niya ang ulo niya sa likod ko. Iyak pa rin siya ng iyak.





"Kuya huwag mo akong iwan. Kuya huwag naman ohh. Pls kuya don't leave me. Pls stay. Kuya ko. Ayoko kuya. Ayoko!" sabi niyang humahagulgul. Pahigpit nang pahigpit ang mga yakap niya.





Ang mga yakap na ito. Sa aking palagay ay ito na ang huli. Ang huling yakap na makukuha ko mula sa taong mahal ko. Mula sa taong nagbigay kulay sa mundo ko. Ng taong nagbigay ng kahulugan sa buhay ko. Ang taong mahal na mahal na mahal ko. Ang taong laman ng puso ko. Ang bunso ko.




Mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko kasabay din ng mas lalo pang paghagulgol ng bunso ko.




Ninanamnam ko ito. Ang huling yakap na mahal ko.





Hinawakan ko ang mga kamay niya. Inilapit ko sa mga labi ko tsaka ko hinalikan ang likod nito. Mahal na mahal ko ang mokong na ito. Mahal na mahal.




Lalo pang bumuhos ang mga luha namin. Mga luha ng sakit.





"Kuya pls." sabi niya ulit na humahagulgul sabay ng pag stamp ng mga paa niya.





"Tandaan mo na lang na mahal na mahal ka ni kuya." sabi ko sabay bitaw sa kamay at yakap niya.





Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya. Tatakbo na sana ako nang marinig ko ulit ang pagsigaw niya.





"Kuya!!!!!!"






Napatigil na namn ako sa kinaroroonan ko. Hindi pa rin nawawala ang pagluha ko at paghagulgul niya. Ang sakit sakit. Masisira na ang lahat. Dahil sa akin. Dahil sa nararmdaman ko.




"Sabi mo aalagaan mo ako. Sabi mo poprotektahan mo ako. Sabi mo dito ka lang. Sino nang magsasabi sa aking magiging maayos ang lahat? Sino nang mag aalaga sa akin? Sino nang magliligtas at magpoprotekta sa akin? Sino nang yayakap sa akin kuya? Sino nang kasama kong tatawa? Sino nang makakatabi ko? Kuya huwag mo akong iwan. Huwag mo akong iwan superman ko. Huwag mo kong iwan kuya ko."





Lalong bumuhos ang mga luha naming dalawa.



Ayokong ganito bunso pero sorry. Mahal na mahal kita.





Humarap ako sa kanya. Pinilit kong ngumiti. Ngiting pamamaalam. Ngiting puno ng pait. Ngiting puno ng pagdadalamhati. Ngiting punlo ng pagmamahal.


Tsaka ako tumalikod at umalis sa lugar na iyon.




Iniwan ko ang taong mahal ko.




Ang bunso ko.






Cherry Anne De Leon






Nasaksihan ko ang lahat. Ang pag iyak ni PJ. Ang paghagulgul ni bunso. Ang pagbuhos ng maraming luha. Ang pamama alam nila. At ang pagkawasak ng mga iniingatan kong tao. Ng mga mahal ko.




Halos hindi na ako makagalaw sa pag iyak. Kusang bumuhos lahat ng luhang pinipigil ko. Ito na. Ito na yun.




Napatakip ako sa bibig ko para hindi kumawala ang hagulgul ko. Patuloy sa pagluha ang mga mata ko.




Wasak na kami.




AHRRRRRRRRRGGGGGGGGGG!!!! Hindi ba sapat ang mga ginawa ko? Ang mga bagay na ginawa ko para mapigil ito?




Hindi.




Tuluyan na akong napaluhod sa lupa. Namanhid ang mga tuhod ko. Unti unting kumawala ang mga luha ko.





Nag umpisa na ring umulan. Nakikismpatya ang langit sa pagkawala ng isang bagay sa aming tatlo. Ang pagkakaibigan namin.





Nakita kong nagtatakbo paalis si PJ. Sinundan siya ni bunso pero nasdapa siya. Nagtatakbo ako papunta sa kanya. Hindi namin alintana ang ulan.





"Bunso." sabi ko at napaupo na rin ako sa tabi niya. Pansin pa rin ang paghagulgul niya kahit umuulan. Ang mga matang punong puno ng sakit. Ng pait.




Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Pinilit ko siyang pinatayo.




"Bunso tara na." pnilit kong patuwidin ang boses ko.




Nagpumiglas siya. "Sandali ate. SAndali. susundan ko si kuya. Yayakapin ko siya. Sasabihin kong sorry at babalik na siya. Ate sandali kasi. Si kuya ate. Iiwan niya ako. Ate sandali!!!"




Patuloy pa rin siya sa pag iyak. Sa pagpupumilgas. Nahihirapan ako. Ang hirap ng ganito. Ayokonh nakikitang umiiyak ang bunso ko. Ang sakit sa dibdib. Halos hindi ko siya matingnan. Para akong sinasaksak. Ang hirap.




Pinilit ko siyang yakapin. Nagpupumiglas pa rin siya. Pero hindi ako tumigil. Hindi ko siya matingnan. Gusto ko siyang yakapin. Ang hirap noyang tingnn sa mga mata. Ayoko.




Bumigay na rin siya. Yumakap siya sa akin. Isang mahigpit na yakap. Kalangan niya lakas ko. Pero paano? Nanghihina ako sa bawat luha na nilalabas niya. AHHHHHHHHHH!!!!!!!!!! Ayoko na!!!!!!!!!





"Ate si kuya. Ate!" sabi niya habang nakasandal siya sa dibdib ko. Hindi ko kayang magsalita dahil sa patuloy na pag iyak ko. Pati si bunso. Walang tigil ang pa iyak.




Isinandal ko ang baba ko sa ulo niya. At hinayaan ang mga luha naming pumatak. Ito ang kailangan namin. Ang lumuha at umiyak.





Wala na.



Wasak na kami.





Wasak na ang pagkakaibigan namin.









John Mickey Fortaleza






 Nasa loob kami ng kotse nina ate. Malamig pero parang wala akong nararamdaman. Namanhid ang katawan ko sa mga nangyari. Nakatulala ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Iniwan na ako ng kuya ko.




Bakit kuya? Bakit mo ako minahal? Bakit ngayon mo lang sinabi?  Bakit kuya?






Nakarating na kami sa bahay. Gusto sana mag stay ni ate pero sinabi kong gusto kong mapag isa.



Dumiretso ako sa kwarto ko na hindi pinansin ang mga sinabi ng mga kasambahay namin. Tulala pa rin ako.




Isinara ko ang pinto. Napunta ang tingin ko sa isang malaking blue na teddy bear na binigay sa akin ng kuya ko nung grade 3 kami.




Unti unti akong naglakad papunta sa teddy bear. Binuhat ko tsaka naupo sa sahig. Unti unti na namang pumatak ang mga luha ko.




Iniwan ako ng kuya ko. Wala na ang superman ko.




Tinitigan ko ang teddy bear habang patuloy sa pagluha ang mga mata ko.




Wala nang poprotekta sa akin. Wala nang mag aalaga sa akin. Wala anng yayakap sa akin. Wala nang magsasabing magiging ok ang lahat. Iniwan na ako ng kuya ko.




Napayakap na lang ako sa teddy bear. Hagulgul ko ang maririnig sa buong kwarto ko. Hindi ko kaya. Ang sakit.




Ang sakit sakit. Kuya ko.




"Kuya ko."







-----------------------------------------------------------------------------------------------





What do you think?





AHHHHHHH. Basta ako iyak ako ng iyak habang sinusulat ko ang chapter na ito!!! Promise!!!!





Comments will be highly appreciated!!! :)





Randy at your service! :)

3 comments:

  1. Pag-ibig nga naman...ganda nkakatouch ang mga eksena. Tnx sa update

    Randzmesia

    ReplyDelete
  2. Sobrang intense ng chapter n ito,sakit sa puso

    - nathanjohn

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails