Followers

Sunday, July 28, 2013

TRUE LOVE 4

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Sa mga readers, ito na po ang next part ng story. Medyo maikli po siya pero hindi naman matagal para masundan.

Kaya po lubos akong nagpapasamalat sa inyong lahat sa patuloy na pagbabasa. Salamat din po kay Sir Mikejuha, sa pagbibigay ng oportunidad sa akin na makapagshare ng story dito sa blog.

Sa mga nagtatanong pala tungkol sa aking blog, sasabihin ko na lang po kung kailan ko siya bubuksan. Marami pa kasi akong aayusin doon.

Tungkol naman sa story, I will expect na kaunti lang ang magbibigay ng comments ngayon dahil wala pa masyadong excitement sa part na ito.

Happy Reading!




(Andrew POV)

Sa kabila ng kakaiba kong pakiramdam ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa clinic ni Dr. Luis. Nasa tapat na ako ng pinto nang biglang bumukas ito.

"Oh iho. Anong ginagawa mo dito, may problema ba sa nanay mo?" ang kanyang tanong sa akin.
"Wala naman pong problema kay nanay, pero gusto ko lang po kayong makausap tungkol sa kanya." ang aking sagot sa kanya. Nais ko kasing personal na magpasalamat ulit sa kanya at syempre mapag-usapan na rin kung paano ko mababayaran ang lahat ng naging gastusin namin dito tulad ng sinasabi ko kay Dina.

Sumilay ang ngiti sa mukha ng doctor. At sa nakita kong iyon ay naisip ko ulit na pamilyar talaga ang kanyang mukha sa akin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala kung saan ko siya nakita.

"Gusto man kitang pagbigyan na makausap ngunit hindi pa pwede ngayon dahil may scheduled check-up ako ngayon. Siguro bukas na lang?"
Doon ko napansin ang dala niyang bag. "Ah sige po doc makakapaghintay naman ako."
"O siya mauna na ako sayo, see you tomorrow."

Agad akong bumalik sa kwarto ni nanay.
"Oh Andrew, ang bilis mo naman yata, nakausap mo na ba si Dr. Luis?"
"Bukasna lang daw may pupuntahan pa siyang pasyente ngayong araw." ang aking sagot sabay upo sa isang upuan sa kaliwang bahagi ng kama kung saan nakaratay si nanay. "Teka, paano mo nalaman na sa kanya ang punta ko?"

Napatingin sa akin si Dina na animoy nagulat. "Ah... ano... sinundan kita."
"Ha... bakit naman?"
"May sasabihin sana ako sayo."
"Ganoon ba? Narito na ako ngayon kaya pwede mo na sabihin kung ano man yan."
"Teka... ano ba yun nakalimutan ko na sandali lang."
"Alam mo Dina, ang weird mo talaga nitong mga nakaraang araw. May problema ka ba?" ang di ko naiwasang itanong dulot ng aking pagtataka sa kanyang mga kinikilos.
"Wala ah. Marami lang gumugulo sa isip ko ngayon."
"Ano naman iyon? Tell me kaibigan mo ako."
"Ah eh... si Elmer... oo siya nga... Nagkatampuhan kasi kaming dalawa."
"Ayun.... sinasabi ko na nga ba, as expected na mangyayari yan. Hindi ka kasi nakikinig sa akin."
"Teka Andrew hindi ganoon yun."
"May modus operandi na yang boyfriend mo, nambababae na yan. Ilang araw na kayong hindi nagkikita di ba? Lalaki siya kaya hahanap talaga yan ng babae."
"Di totoo yan, loyal si Elmer sa akin."
"Talagang pinagtatanggol mo pa siya ha. Sige bahala ka. Basta ako hindi nagkulang ng paalala sayo."
Hindi na siya umimik pa sa aking sinabi.
_________
Kinabukasan bago ako bumalik ng ospital ay naisipan kong sumaglit muna sa lugar kung saan ako ipinganak, nagkaisip at lumaki, ang Tondo.

Habang nasa biyahe ay ginugunita ko sa aking isipan ang ilang mga alaala ko at ng aking pamilya sa lugar na iyon. Doon kami nagsimulang bumangon at magsumikap ni nanay mula sa pagkakawala ng aking ama.

Halos hindi ko na nakilala pa ang lugar ng akoy makarating. Wala na ang bakas ng nakaraan. Mula sa mga magkakatabing barungbarong na gawa lang sa kahoy na matuturing na squatters area, Ngayon ay mga townhouses na ang nakatayo ngayon. Halatang mga may kaya ang naninirahan ngayon sa lugar na ito.  Sa paligid naman nito ay mga mga puno at halaman na. 

Naisip kong libutin saglit ang lugar, nagbabakasakali na may mga kakilala pa akong nakatira pa rito hanggang ngayon.
At sa kasagsagan ng aking pag-iikot ay nakaramdam ako ng gutom. Sakto namang may nakita akong bakery kaya bumalik ako doon upang bumili ng makakaing tinapay at softdrinks bilang panulak. Naupo ako sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy. Maaga pa sa mga oras na ito kaya maraming tao ang bumibili sa bakery na iyon.

Abala pa rin ako sa aking kinakain nang may isang lalaki ang tumabi ng upo sa akin na may bola at umiinom din ng softdrinks. Naka jersey ito kaya malamang na katatapos lang nitong maglaro ng basketball.

Abala pa rin ako sa aking pagkain nang mapansin kong parang nakatingin sa akin ang lalaking iyon. Nilingon ko siya at nakumpirma ang aking hinala. Saglit kaming nagtitigan at nakita ko na pang kinikilatis niya ako.

"Ikaw ba si Andrew?" ang agad na tanong niya sa akin nang magsalubong ang aming tingin.

Nahiwagaan naman ako sa kanya kung bakit alam niya ang aking pangalan.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Sabi na eh. Ikaw nga yan." ang kaniyang sambit sabay palakpak ng isang beses na tila natuwa sa pagtama ng kanyang tanong.

Isang nagtatakang tingin ang pinukol ko sa kanya bagamat namumukhaan ko siya.
"Hindi mo ba ako matandaaan ako si Lui."

Doon ko na siya naalala.
"Lui! Ikaw pala yan. Grabe ang laki ng pinagbago mo." ang pagpuna ko sa kanyang itsura. Kung noong mga bata pa kami ay magsingpayat kami, ngayon mas matangkad na siya at kita ang kanyang mga muscle sa katawan.

Si Lui ang aking pinakaunang naging kaibigan at kababata nung mga panahon na naninirahan kami dito. Magkapit-bahay lang ang aming mga pamilya. Magkaklase kami mula kinder hanggang high school. Minsan ay nakakasama ko siya sa aking pangangalakal.

"Ikaw rin naman ah." ang kanyang tugon sa akin. "Anong ginagawa mo pala dito?"
"Dumalaw lang ako. Tinignan ang pagbabago ng ating lugar simula ng paalisin kami dito. Ikaw, dito na ulit kayo nakatira?" ang tanong ko sa kanya. Pagkagraduate niya kasi ay lumipat sila ng bahay dahil sa trabaho ng kanyang tatay.
"Ah oo. Napagdesisyunan din kasi ni tatay na bumalik kami dito.
"So wala na palang trabaho si ninong?" Inaanak ako sa binyag ng kanyang ama.
"Oo. Kaya ako na ang nagtatrabaho sa aming pamilya. Ikaw, may trabaho ka na rin ba? Saan?"
"Wala pa. Nag-aaral pa rin ako hanggang ngayon."
"Talaga? Bakit ka naman huminto?"
"Actually, isang taon na lang naman graduate na rin ako. Kaso parang hindi ako makakapasok ngayong pasukan dahil sa kondisyon ni nanay.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Inatake siya sa puso. Pero awa ng Diyos maayos na siya ngayon."
"Mabuti naman kung ganoon."

Marami pa kaming napag-usapan ni Lui. Kinuwento niya ang mga nangyari sa kanya simula nang umalis silang pamilya. Doon ko nalaman na graduate pala siya ng HRM na course at ang trabaho niya ngayon ay sa isang restaurant. Pang gabi ang kanyang schedule at ang libangan niya sa araw ay ang maglaro ng basketball. Malapit lang pala sa lugar na ito ang kanilang tirahan.

Ako naman ay nilahad ko sa kanya ang mga nangyari sa akin maliban sa aking lovelife. Kahit ako rin kasi ay ayoko nang pag-usapan pa iyon.

Napasarap ang aming kuwentuhan na inabot ng halos isang oras. Gustuhin ko mang magtagal pa roon at samahan siya sa kanila para makita sina ninong at ninang ay sinabi ko lang sa kanya na sa susunod na lang dahil sa sitwasyon ni nanay.

Pero bago kami maghiwalay ay nagpalitan kami ng aming mga cellphone numbers upang magkaroon ng komunikasyong dalawa.
__________
Bago ako bumalik sa kwarto ni nanay ay sinadya ko ulit si Dr. Luis gaya ng napag-usapan namin kahapon.

Sinilip ko siya sa salamin ng pinto at nakita ko siya na abala sa pagsusulat.

"Magandang tanghali po doc" ang magalang na pagbati ko sa kanya na sinabayan ko ng pagkatok.
"Ikaw pala, come in"

Pinaupo niya ako  sa isang silya katapat ng kanyang mesa.
"Anong sadya mo sa akin iho?"
"Narito po ulit ako upang personal na magpasalamat."
"Nasabi mo na sa akin yan nung isang araw."
"Hindi rin iyon ang dahilan ng pinunta ko rito. Gusto ko po sanang malaman kung paano ako makakabawi sa inyo. Sa totoo lang kahit pa na sabihin niyo ng kaibigan kong si Dina na hindi ko na kayo babayaran ay nahihiya pa rin ako."
"Sinabi na rin sa akin ni Dante ang tungkol diyan sa nais mong mangyari kaya nagka idea na ako na yan nga ang pakay mo sa akin ngayon."
"Pasensya na po kung nagiging makulit ako. Pakiramdam ko po kasi sa aking sarili na wala akong silbi. Hindi ko matanggap sa aking sarili na wala akong nagawa para sa aking ina na siyang nag-aruga sa akin samantalang siya ay nagsisikap sa paghahanap-buhay para sa akin."
"Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo iho."
"Kaya po sana hayaan niyo akong mabayaran ko kayo kahit paunti-unti maibalik ko lang ang kabutihan na ginawa niyo sa aming mag-ina."
"Bilib ako sa prinsipyo mo iho. So kung yan talaga ang gusto mo sige papayag na ako."
"Salamat po doc. Paggaling po ni nanay ay agad akong hahanap ng paraan para kumita. Maghahanap rin ako ng trabaho."
"Ok."
"Siya nga po pala, kung meron po kayong kailangan sa akin, kung ma maitutulong ako ay gagawin ko po. Lahat po ng gusto niyo ay aking susundin na rin."

Nakangiting tumango sa aking ang doktor. 
"Sandali pala... di ba nag-aaral ka pa?" ang bigla niyang itinanong sa akin.

Halos dalawang linggo na lang pala ang natitira at magpapasukan na. At dahil sa nangyari kay nanay ay malabo na akong makakahabol sa pagpasok.
"Opo doc. Pero sa sitwasyon namin ngayon ay mahihinto na naman ako." hindi ko maitago ang kalungkutan sa aking sinabi dahil sa totoo lang ay nanghihinayang ako. Sayang naman dahil isang taon na lang ay magtatapos na ako at tiyak na mas maganda sana ang aking kinabukasan.
"I see."
__________
Tatlong araw ang lumipas, naroon pa rin ako sa ospital para magbantay kay  nanay  na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Bagamat walang malay ay kinakausap ko siya.
"Nay, alam niyo po ba na napakasaya ko ngayon, dahil magaling ka na at magsasama pa tayo ng matagal. Hindi pa rin tayo pinababayaan ng Diyos. Ang laki talaga ng aking pasasalamat sa kanya sa pagtupad ng aking panalangin. Excited na po ako sa inyongh paggising nay!"

Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay.
"Tatanawin ko talagang isang napakalaking utang na loob sa mga taong tumulong sa atin nay. Pero hindi po ako mapalagay nang hindi ako nakakabawi sa kanila. Kaya po gagawa ako ng paraan para maibalik kahit papaano ang kanilang kabutihan sa atin. Sa ngayon po ang naiisip ko pa lang ay bayaran sila ng paunti-unti. At kung sakaling kakailanganin nila ako ay tutulong din ako sa kanila. Gagawin ko ang lahat ng kanilang gusto o ipagagawa."

Naputol lang ang aking pagsasalita sa isang tawag sa aking cellphone. At sa kauna-unahang pagkakataon simula ng atakihin sa puso si nanay ay ngayon lang ulit siya tumawag.
"Hello Troy, Anong nangyari sayo bakit ngayon ka lang tumawag?" ang agad kong itinanong sa kanya. Hindi naman ako galit o nagtatampo sa kanya.
"Pasensya ka na Andrew, busy lang kasi ako sa aming negosyo. Marami rin kaming inaasikaso ni Maribel." ang kanyang tugon sa akin.

Naiintindihan ko naman ang kanyang dahilan. Siya lang kasi sa kanilang pamilya ang magmamana ng kanilang negosyo. At siyempre may iba na siyang priority ngayon, ang kanyang asawa.

"Alam kong maayos na ang kalagayan niya kaya masaya ako para sa inyong dalawa." ang sunod niyang sinabi na ipinagtaka ko.
"Alam mo ang nangyari kay nanay? Paano mo nalaman?"
"Ah... Si Dante. Sinabi niya sa akin ang lahat."
"Talaga? So may communication pala kayong dalawa." ang aking nasambit. Ang weird naman na nagagawa ni Dina na macontact si Troy samantalang ako na halos hindi ko siya matawagan nung sinubukan kong humingi ng tulong sa kanya.
"Bale... kahapon ko lang siya nakausap. Kinuwento niya sa akin lahat-lahat."
"Ah ok..."
"So pano Andrew, tatawagan na lang kita ulit. Kung magkaroon ako ng time ay dadalawin ko kayo diyan sa Manila."
"Sige Troy, ikamusta mo na lang ako kay Maribel. Sige ingat kayo diyan."

Isang oras ang lumipas nang makatanggap ulit ako ng tawag mula sa isa kong kaibigan sa probinsya.
"Andrew kamusta na kayo diyan? Pinuntahan ka namin sa inyo at ang sabi ng mga kapit-bahay niyo dito na lumuwas kayo ng Maynila."
"Pasensya na Arthur. kung di ko kayo naabisuhan. Biglaan kasi."
"Naiintindihan ka namin tol. Ano na pala ang nangyari kay Tita?"
"Ligtas na. Hinihintay ko na lang na magising siya."
"Mabuti naman kung ganoon."

Nahimigan ko sa kanyang boses na masaya siya para sa akin.
"Pinag-uusapan pala namin dito kung babalik pa ba kayo at kung mag-aaral ka pa dito sa darating na pasukan."
"Sa totoo lang nalulungkot ako sa bagay na yan. Malabong diyan pa ako mag-aral sa pasukan o baka mahinto na naman ako. Parang dito na kasi ulit kami maninirahan sa Maynila."
"Ganoon ba. Talagang nakakalungkot nga yan. So totoo pala siguro yung binalita sa amin nina Bea at Andy."
"Ha? Anong balita?"

"May nagsabi sa kanila, mga kaklase natin na nung nagpaenroll daw sila ay may may isang lalaki daw silang nakita na nagpunta sa office sa school para ayusin ang mga records mo."
"Talaga!" gulat na gulat talaga ako sa aking narinig.
"Hindi mo ba alam? Sabi pa nga daw ng registrar na nakausap nila na kakilala mo yung tao at siya na ang pinaasikaso mo ng iyong pag transfer sa Manila dahil abala ka sa pag-aalaga kay Tita."
"Wala akong alam sa bagay na yan. Teka, ano naman ang itsura ng taong sinasabi niyo?" ang aking tanong sa kanila. Nagbabakasakali na makakuha ako ng clue kung sinoman iyon.

"Hello friend si Rica ito!" Marahil ay naka loudspeaker ang phone ni Arthur at inagaw niya iyon sa kanya.
"Oh bakit Rica?"
"Kunwari ka pa diyan friend. Nagpapaechos ka lang. Alam naman namin dito na kilala mo siya ano. Kahapon bumalik siya dito, tinuro siya samin ni Bea ng mga kaklase natin. At nakausap namin siya."
"Ano ba kayo, hindi ko talaga alam ang bagay na yan. Sa totoo lang nagulat din ako sa balita niyo." ang aking pahayag.

Halos mabingi naman ako sa biglaan nilang pagtili.
"Kakilala mo daw siya Andrew. Grabe! hindi mo sinabi na may friend ka palang... Ayiiii!!! Sobrang hot!"
"Sige tawagan ko na lang ulit kayo."ang sabi ko sa kanila. Pinutol ko na ang kanilang iba pang sasabihin.

Lubusang naguluhan ang aking isipan kaya minabuti kong tawagan si Dina kung may kinalaman siya tungkol sa bagay na ito.

Itutuloy...













59 comments:

  1. Wow nice chapter.... I know it was Bryan ang tumutulong sa kanya ang galing...

    ReplyDelete
  2. Wow bilis ng update ngayon Mr. Author, okay lang kahit konti ang mahalaga umaandar ang story. :)

    ReplyDelete
  3. Yes bumalik na c bryan at xa lahat tumutuling kay andrew. tama ba ako? Exciting ang kasunod

    Randzmesia

    ReplyDelete
  4. Urgent Request to post Chapter 5!!!! hehe
    sana po 2loy.2loy ang story idol author, plsss
    i just love andrew-bryan fm d'start

    AtSea

    ReplyDelete
    Replies
    1. By first week po ng august ko post next part...

      Delete
    2. hala ang tagal pa! wag naman sana. demanding ang peg haha

      Delete
  5. Excited for the next chapter! Worth to wait update agad agad pag may time

    - nathanjohn

    ReplyDelete
  6. wow! no doubt, it was Bryan who helped him. wagas talaga ang pagibig ni Bryan kay Andrew. pero, may asawa na si Bryan di ba Mr. Daredevil? my husband's lover ang peg na si Andrew ang third party?
    haaaaay expect nalang tayo ng kapighatian ni Andrew uli.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang sagot ko ay.....

      Abangan sa mga susunod na araw...

      Parang My husbands Lover ba? Honestly di ako gaano nanonood nun eh haha...

      Delete
    2. nuod din pag may time haha

      Delete
  7. maganda naman ang takbo ng wento. kakatuwa lang at si Andrew lang ang walang alam sa mga nangyayari. pinagkaisahan siya haha...pati mga classmates nya sa probinsya kinuntsaba pa ni Bryan ahaha...bumabawi lang!

    Go Byan! ayosin mo lang at baka maunahan ka pa ni Lui. i smeel fishy haha

    ReplyDelete
  8. bitin aman frend! tagal pa kasunod, hmmmm, mukhang kumikilos na ule c BRYAN W/ THE HELP OF DINA.. AT ALAM DIN E2 NI DR. LUIS D BA? YEHEYYYY.

    ReplyDelete
    Replies
    1. si Troy may alam din.
      si Michael ang nawala sa circulation hahaha...

      Delete
    2. Baka kasabwat din ni bryan si michael. Baka siya yung nagpunta sa school ni andrew.marahil ay hindi lang magisa si bryan na tumutulong kay andrew.

      Delete
    3. di naman suguro mr. anonymous kasi ayon sa bulang crystal ko (meganon? haha), si Michael ay nandun sa USA nanirahan at may sariling pamilya na. so it's impossible hehe parang ako lang ang author haha

      Delete
  9. wow may update na :]

    thanks daredevil ^_____________^

    ReplyDelete
  10. Nice chapter kahit maikli lang.mukhang kumikilos ng lihim si bryan.kakutsaba pa niya si dante.

    ReplyDelete
  11. ANG IBIG SABIHIN BA NITO AY PAPAARALIN NI BRYAN SI ANDREW DOON SA MANILA? PAANO TO ISAKATUPARAN EH MAHIYAIN PA NAMAN SI ANDREW. TIYAK AAYAW SIYA KUNG SINO MAN ANG MAG-ALOK NITO. BAKA ITO NA ANG SINABI NG DOKTOR NA SUSUNDIN LANG ANG IPAPAGAWA NITO. ANG GANDA TALAGA NG STORY.

    ANDREW

    ReplyDelete
  12. sana mailahad naman kung ano ginawa ni bryan doon sa skul ni andrew. bryan's pov pls.

    mr. dj

    ReplyDelete
    Replies
    1. There will be a point of view for Bryan and other characters on the next parts...

      Delete
    2. ayon meron pala eh. pati si dr. luis sebastian din mr. daredevil sana nay pov. excited much lang ang peg lols

      Delete
  13. domadamoves na si Bryan. chos!!!

    ReplyDelete
  14. im on the brink of DEATH, mr author you can help me by freaking posting 2-3 chapters of the story..!!! hahaha joke..
    i like it kaso me anak na raw si bryan awts.........
    ...sana campus drama parin.. para makarelate hehe
    -DINO16

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha... Yaan mo sisikapin kong paiksiin ang interval ng next updates... Sana lang ay wala akong maging problema...



      Delete
  15. good my update na. mukhang advantage kay Andrew ang lahat. next na agad agad please

    ReplyDelete
  16. Go Bryan! Ayon sereto ang laro ng damuho lols. True Love nga naman. Arrrrgzzz

    ReplyDelete
  17. may Andrew-Lui affair bang magaganap? gusto ko yan para may selosang magagaap hehe ang sama ki naman. lagot ako ni Bryan(-_-)

    ReplyDelete
  18. thanks daredevil at babalik na uli si Bryan

    ReplyDelete
  19. getting excited. i wish for a faster updating. thanks.

    ReplyDelete
  20. kailan pa ba magpapakita si Papa Bryan? he is still mysterious. hmmmm...so thrilling.

    Diegs, Davao

    ReplyDelete
  21. napacomment tuloy ako kasi nainis ako. grrr!!!

    ReplyDelete
  22. Good job. Next chapter na po.

    ReplyDelete
  23. yeheyyyyy makapag aral pa rin pala si Andrew. ang galing! i hope na mabilis na ang sunod na mga chapters.

    ReplyDelete
  24. bakit yong ibang stories dito ay kakaunti lang ang koments? kayo ang nakakaalam hehe

    jokots

    ReplyDelete
    Replies
    1. not interesting yong iba. yon lang. peace.

      Delete
    2. grabe naman... all stories naman dito ay magaganda. Actually they are my inspiration to create my own stories hehehe...

      Delete
    3. i strongly disagree mr. daredevil. even me doesnt like the other stories. oa na kasi at ang daming adlib na kaharotan. nakakairita na tuloy.
      di ba mga co-readers?
      gawin nalang nating chat box ito while waiting sa update haha

      Delete
    4. NakakaHaggard ka Paloma!!! Ahahaha!!!

      Delete
    5. haha musta ka na Marian? wagi pala byuti mo sa recent hfm awards. naks naman. ikaw na!
      bat ka sumulpot? at bat naman ako nakakahagard? ang sama mo naman!
      tampo mode.
      best actor ang peg.

      Delete
  25. ayon meron na. basa mode.

    ReplyDelete
  26. sobrang bitin pero kakaexcit heheeh next np pls pls pls

    ReplyDelete
  27. wala pa rin. silip silip din pag may time.

    ReplyDelete
  28. pls paki update na po parang awa mi na huhuhu

    ReplyDelete
  29. nice...... san may part 5 na.... T_T

    ReplyDelete
  30. thanks sa update. excited na ako sa next chapter.
    james here.

    ReplyDelete
  31. imposible naman at di namukhaan ni andrew ang doktor. ganon na ka purol utak nya? di ba matalino siya? over na rin ang author. sige update na nga kung ano na mangyayari.

    leoj

    ReplyDelete
  32. ano pala course ni Andrew? sensya na newbie here.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala Marian sagot. ang natandaan ko lang ay ENGINEERING. ewan kung anong engineering yon. baka electrical haha. wild guess ko lang.

      Delete
  33. wala pa rin? sigh.

    ReplyDelete
  34. To all readers... ginagawa ko pa po ang part 5 ng story.

    Maybe mga monday or tuesday ko siya maipost next week.

    ReplyDelete
  35. hay naku wala pa ring update. ehek!

    ReplyDelete
  36. sabi mo monday or tuesday bakit wala pa rin? kakainis. you bluffed us.

    ReplyDelete
  37. Mr. Author please where's the update? Can't wait too long. Thanks.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails