Followers

Saturday, July 20, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 5

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By : Baste31 - j.a.c.
Chapter 5 : Ang PagkakaAyos
Please Click The Link For Previous Chapters:  COMPILATION




"Opo Pa.. I'm sorry" ang mahina kong sagot kay Papa na hindi pa rin makatingin sa kanya. 
Wala na akong magagawa, good bye car and freedom, hello bodyguard. 

Hay.. Pahamak talaga si Louie, akala ko pa naman mabait nanlalaglag pala. Nagtataka ako dahil ang tahimik ni Papa. 

Nagulat na lang ako ng may yumakap sa akin at tinatapik ang likod ko, si Papa. 

"It's ok son" 

"Im beggining to worry na mali ang mga taong kinakaibigan mo kaya mali ang mga decisions na nagagawa mo. But hearing you admit your fault and say sorry for getting into trouble. Nagkamali ako anak, maswerte ka at may kaibigan kang katulad ni Louie." 

Wala na akong nagawa kundi yumakap kay Papa at umiyak. 

Hindi ko pa narinig kay Papa ang mga ganong salita, ang madalas ay nakikita nya ang mga kamalian ko, na wala na akong ginawang tama. 

"Pa, I'm sorry.. Sorry for all the troubles I've done" tuloy tuloy pa rin ang pagtapik ni papa sa likod ko at pagtulo ng luha ko. 

Naramdaman ko rin na yumakap na rin si Mama sa amin ni Papa, umiiyak pero masaya. Matapos naming magkaayos ni Papa, nagpahanda sya ng pagkain sa katulong namin. 

Hindi pa nga kasi kami kumakain ni Louie, non ko lang nakitang ganon kasigla at kasaya si Papa. Dati rati napaka dalas ay nakasimangot o palaging siryoso ang mukha nya. 

Kapag kausap naman ako parang palaging naninita ang tono. 

Pero ngayon eto kaming lahat sa mesa kumakain ng magkakasama at masaya. Nakita ko rin na masaya si Papa na kausap si Louie kahit una pa lang nilang pagkikita. 

Si Mama naman kakaiba ang ngiti ngayong araw, parang nakakapanibago ang pagiging buhay ng aming bahay. 

Nang makakain na kami nagpaalam na si Louie na uuwi kaya nagpaalam ako kina Papa na ihahatid si Louie sa kanila at pumayag naman si Papa at Mama basta mag iingat lang daw kami. 

Nagpasalamat naman si Louie sakin kasi kung mamamasahe daw sya mula sa subdivision namin hanggang kanila tiyak kulang ang pera nya. 

Sabi ko naman ayos lang na ihatid ko sya, dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Wala pa yung ipadrive sya kumpara sa ginawa nya para sa'kin. 

Halos 30minutes din ang inabot ng byahe namin ni Louie hanggang sa lugar nila masikip na yung daanan pero kasya pa naman ang kotse na makapasok kahit na kaliwa't kanan ang mga taong dumaraan at mga batang naglalaro sa mismong kalsada. 

Karamihan pa sa mga tao doon nakatingin talaga sa kotse ko habang dumaraan kami dahil bihira ata ang sasakyan na pumapasok sa compound na iyon. Nang marating namin ang bahay nila Louie, inaya nya akong pumasok. 

Pinagmasdan kong mabuti ang loob ng bahay nila Louie at malaking malaki ang kaibahan nito sa bahay na kinagisnan ko. 

Maliit lang ang bahay nila, pagpasok mo makikita mo agad yung maliit na T.V. At kahoy na upuan na pangtatluhan sa kaliwa at ang kusina at lamesa sa bandang loob pa ng kaunti. Sa kaliwa naman ng kusina ay may maliit na kwarto na may papag na kahoy at dalawang lumang cabinet. May isa ring lumang gitara na nakasabit sa loob ng kwarto pero makikita mong inaaalagaang mabuti. Yung banyo naman nila ay may malaking drum na puno ng tubig at isang timba at tabo wala nga lang gripo.

Inabutan ako ni Louie ng isang basong tubig ng maupo ako sa kahoy na upuan malapit sa t.v. 

"eto oh tubig baka uhaw ka na! Hindi yan mineral water pero malinis yan" ang sabi ni Louie. 

"salamat." 

"marunong ka naman palang magpasalamat eh! Hehe.." biro ni Louie sakin, 

"teka pano mo nga ba nalaman pangalan ko?" dugtong pa ni Louie. 

"ahh kasi.. Natatandaan mo pa ba nung.." kinuwento ko kay Louie kung pano ko nga ba nalaman ang pangalan nya. 

Kaya lang hindi ko nasabi sa kanya ang talagang nagawa ko tungkol kay Diane. 

"Ganon pala.." maigsi lang ang sagot nya sa haba ng pagkakakwento ko. 

Tatanungin ko na sana sya ng tungkol kay Diane ng may pumasok sa pinto. 

"kuya!" ang tawag ng isang batang lalake na sa tingin ko ay nasa grade 5 or 6 na. Di nalalayo ang itsura nito kay Louie kaya malamang na kapatid nya ang bata. 

"Lito, si Nanay?" ang tanong ni Louie sa kapatid nya. Wala pang 10segundo ng dumating ang nanay ni Louie 
"Diyos miyo, Louie may bisita ka pala, kumain na ba kayo? Abay sandali lang ha at bibili ako ng makakain." 

"Nay wag ka nang bumili kumain na kami saka sandali lang naman dito si Ian" 

"kuya ako nakakita na may kotse sa harap ng bahay natin e, kaya tinawag ko si Nanay!" ang pagsingit ni Lito sa usapan. 

"ganon ba? Akala ko kasi kung ano nangyari at may magarang kotse sa bahay natin. O sya maiwan ko na kayo ha Ian, Louie ikaw na bahala sa bisita natin babalikan ko pa yung labahin ko!" 

"sige Nay! Ayos lang kami dito! Lito sa labas ka muna ha? May kausap lang si Kuya." 

"sige kuya" iyon at umalis nga ulit ng bahay ang Nanay at kapatid ni Louie. 

Tapos nagkwento si Louie tungkol sa nanay at kapatid nya, naglalabandera pala ito ang kapatid naman nya nasa grade 5 na. 

Saglit lang akong napunta kina Louie, dahil kailangan daw nyang magpahinga at may pasok pa sya mamayang gabi. 

Naiintindihan ko naman yun kaya nagpaalam na ako pero kinuha ko na lang ang cell number nya kaya lang wala daw syang cellphone. 

Kaya nagpaalam na ako kay Louie at nangako na bibisita na lang ulit minsan. Hindi naman makapaniwala si Louie na magiging magkaibigan kami at dadalhin nya pa sa bahay nila ang isang anak mayaman sa simple nilang bahay, yon ang pagkakasabi nya. 

Kinabukasan, sa klase masayang masaya ang pakiramdam ko at nag aaral ng mabuti. 

Gulat na gulat naman si Paul sa bigla kong pagbabago. 

Nangmatapos ang klase tinanong ni Paul kung saan ko nakuha yung mga pasa ko, sabi ko nakipag-away ako sa bar nung iniwan nya ako. 

Pero kahit ganon ang nangyari masaya ako. 

"at sa lahat naman ng napaaway at puno ng pasa ikaw lang ang masaya! Teka tol may lagnat ka ba at nag-aaral ka ng mabuti? Hehe" pinatong pa ni Paul yung kamay nya sa noo ko. 

"Pambihira naman Paul wala akong lagnat! Masaya lang ako dahil nagkaayos na kami ni Papa. Teka, ano na lagay ng Mama mo? Kamusta na sya?" 

"ah eh si Mama? Ok na naman sya.. Hindi naman grabe sabi ng doctor. Nasa bahay na si Mama nagpapahinga." 

"ahh mabuti naman. Maganda siguro kung bumisita ako sa inyo minsan, para makadalaw na rin" "NO. She's fine! Kulang lang si Mama sa pahinga." 

"sure ka?" 

"yah! Wait a minute, yung sinabi ko sayo about kay Louie, what happened?" 
"si Louie nga ang dahilan kung bakit kami nagkaayos ni Papa!" 

"pano?" "its a long story. Alam ko na rin kung san sya nakatira." 

"talaga? At si Diane?" 

"si Diane? Ah.. hindi ko pa natatanong, humahanap pa ko ng tyempo!" 

"ganun ba? Tol, alam mo kung baga sa ulam, yung SORRY mo, EXPIRED NA! Bagal mo kasi.."

 "hahaha.. Malamang naman kasi wala na yon sa kanya, at may nahanap na yon na trabaho!"

Maaga kaming nawalan klase nung araw na yon dahil wala yung last subject namin. Kaya naisipan kong bumisita kina Louie. 

Si Paul naman may aasikasuhing paper works sa thesis namin, alam mo na dapat plantsado na raw ang lahat para sa defence kahit na kakatapos lang ng midterm. Si Paul kasi dean's lister at ang possible na magna cum laude ng batch namin, kaya nga swerte ko kaibigan ko sya! 

Nang magpunta ako kina Louie, mainit naman ang pagtanggap ng Nanay Mila nya sa akin bumili pa nga sya ng softdrinks para mainom ko at iniwan kami ni Louie na mag-usap. 
"Napadalaw ka Ian?" 

"ah oo, bumalik ako para magpasalamat. Eto o may dala akong pagkain." 

"salamat ha?! Ay bago ko malimutan.." may kinuha si Louie na plastic sa may kwarto nya. 

"eto na pala yung damit at pantalon mo. Nilaban ko na rin yan." 

"hindi, sayo na yan Louie, mukha namang mas bagay sayo eh.. Tago mo na!" 

"talaga? Salamat ha, ganda nga eh mukhang mahal. Pero ibabalik ko pa rin sayo ito." at inabot pa rin sa akin ni Louie yung mga damit ko. 

"Sya nga pala, yung mga damit ko nasa inyo pa?" 

"kaya nga ibinibigay ko na sayo itong mga damit ko, kasi mukhang luma na yung mga damit mo kailangan ng palitan kaya ipinatapon ko na lang.." hindi ko mapaliwanag yung naramdaman ko nung makita kong malungkot ang mukha ni Louie. 



To Be Continued

3 comments:

  1. Naks. Cool. Thanks sa update author.

    ReplyDelete
  2. Ganda pala ni2.,kaya nxt chapter na ehehe

    Julmax

    ReplyDelete
  3. Maganda nga ang kwentong to.. galing mo author. By the way parang may hawig to sa kwentong idol ko si sir ata yun.. hehe pero hawig lang naman.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails