Followers

Friday, July 26, 2013

'Unexpected' Chapter 31

Hi! Maraming salamat sa walang sawang sumusuporta sa akdang ito. You guys are the best! Maraming salamat din sa mga nagco-comment. :)

Update: Hindi ko pa rin maisulat ang finale! :( Nahihirapan talaga ako, but I promise to do my best!

Hmmm, so what's with this chapter? Nothing much again, pero mas light siya as compared sa mga susunod. Again, this is another transition/filler for bigger things to come. :)

Happy Reading!

--

Chapter 31

“Gusto mo?” pag-alok ko kay Josh ng chips. Makalipas ang isang oras ay hindi na ako nakatiis at sinubukan kong muli na gumawa ng conversation. Nabaling naman ang atensyon niya sa akin at itinaas niya ang isang kilay niya. “Piattos? Sour cream, paborito mo.” medyo nahihiya kong pag-alok. “You do realize na wala pang laman ang tiyan ko. Gusto mo ba akong magkasakit?” may himig ng sarkasmo niyang tugon. Napakamot naman ako ng ulo ko dahil sa katangahan ko. Lalo ko lang pinapalala ang sitwasyon, eh.

“Hoy, papa Matt bakit ako hindi mo ako inaalok?” rinig kong tanong ni Janine na siyang nakaupo sa mga silya sa tapat namin ni Josh sa kabilang side ng bus katabi ng kaklase naming si Kate. “Oh.” walang gana kong ibinigay sa kanya ang bag ng Piattos. Alam ko namang paraan lamang iyon ni Janine upang pagaanin ang pakiramdam ko, dahil nga napahiya ako sa kagaguhan ko kanina kay Josh.

Mukhang mas mahirap pa pala ang magiging trabaho ko.

Again I tried to look at the bright side. And yes! May naisip ako. At least kinakausap na niya ako! Ibig sabihin, konting effort pa ay magiging ayos na kami. Kahit pa pagalit ang pagtrato niya sa akin ay wala na rin naman akong pakialam. Ang importante ay pinapansin at kinakausap na ako ni Josh. Ngunit kailangan ko ng magmadali. I only have 2 nights to tell him. Mahirap ng humanap ng ibang pagkakataon. Baka hindi ko na magawa iyon ng tama kung hindi pa ngayon.

But first things first. Dapat makuha kong muli ang loob niya.

Inilabas ko ang cellphone ko at tinext si Janine.

“Uy, ang hirap naman ligawan nito. </3” ang text ko.

Binaling ko ang atensyon ko sa kinauupuan niya. Napaigtad naman siya ng bahagya dahil sa biglaang pagtunog ng cellphone niya. Agad naman niyang binasa ang message. Nagkatinginan kami sandali. Alam kong naiintindihan niya ang balak ko na mag-usap kami sa pamamagitan ng text.

“Mga lalaki talaga. Kastress tlga.” reply niya.

”Oist, seryoso ako, Jans. :(“

“Ako rin naman, eh. :P”

“Hai, ang tagal2x ko ng nag-iicp, ang naicp ko pa lang is dpat makuha ko ‘yung loob niya. Ano nga ba ginawa ko pra maging friends kami?”

Medyo natagalan si Janine sa pagreply. Tiningnan ko muli siya at nakita kong nagsisimula na siyang magtype ng message. I patiently waited for it.

“Ewan ko rin, friend. Kc naman, naturally friendly naman kayong 2 ni bebe kaya nagkasundo kayo agad... tayong tatlo. Oh, di b? Friendly tlga ako. jk. But srsly, hmm... Nung second day... u made libre breakfast, then banat ka ng banat, ganon. :))”

Napaisip naman ako.

“I like d breakfast idea, pero di ko alam if mgandang idea yung bumanat ako... baka ako banatan niya.”

--

Janine.

Kasalukuyan kaming magkatext ni Matt. Kanina ko pa inoobserbahan ang dalawa kong kaibigan at masasabi kong napakasungit talaga ni Josh kay Matt. Meron ata, eh. At ito namang si Matt ay parang maamong tupa na takot sa taong katabi niya na bigla-bigla na lamang titiklop kapag bibigyan siya ni Josh ng matutulis na tingin.

Kung alam lamang nila na pareho pala nilang mahal ang isa’t-isa.

Kaloka.

“Basta suyuin mo lang.” reply ko sa huling text ni Matt.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko. Nagtaka naman ako dahil ang bilis naman atang magreply ni Matt. Nang mapadako ang atensyon ko sa screen ng phone ko ay hindi ko inaasahang pangalan ni Josh ang makikita ko.

“Sana ikw na lang katabi ko.”, text ni Josh.

Ngunit bago pa man ako makapagreply, eh may dumating na bagong text mula kay Matt.

“Ano gagawin ko? Ikaw magaling d2, eh. Patulong naman, babes. :((“, ang sinabi ng text niya.
Wow lang, huh. Multitasking talaga ako dito? Ang hirap naman kasi sa dalawang ito, ang duduwag! If I had a choice, pag-uumpugin ko na lang ang dalawang ito at sasabihing huwag na silang mag-inarte dahil mahal naman nila ang isa’t-isa! Oh, kung alam lang lang ni Matt at Josh kung gaano ko gustong gawin iyon nang matapos na ang kaartehang ito bago pa ako tuluyang malurkey.

“Bkit naman?” reply ko kay Josh.

“Hindi ka na nagrereply.”, text ulit ni Matt.

Demanding, huh?

“Naiilang ako dito sa katabi ko. Wala akong makausap.”, reply ni Josh.

Ang arte naman nitong isa.

Isang demanding at isang maarte. At ako, isang maganda at matinong kaibigang walang choice kundi pumagitna sa dalawang ito. Kaya wala akong love life, eh. Masyado akong busy sa love life ng ibang tao.

“Ginusto mo ‘yan, eh.” reply ko kay Josh.

“Ang hirap, Jans.” dugtong niya sa reply niya.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang sunud-sunod na pagvibrate ng phone ko.

Janine.”

“Janine. Reply.”

“Janine. Bkit di ka nagrereply?” sunud-sunod na text ni Matt. At doon ay tuluyan na akong nairita.

“TANGINA, STOP TEXTING ME!” reply ko sa kanya.

Ilang segundo pa ay nagtext muli si Josh.

“Sorry naman, Janine! If you don’t want to help, fine! Huwag mo akong murahin.” ang text ni Josh.

Nanlaki naman ang mata ko.

Of all times na aatakihin ako ng katangahan ko, ngayon pa kung saan ako mawro-wrong send kay Josh.

“Sorry, wrong send. I swear, ang kulit kc nung isa kong katext. Sorry, bebe.” reply ko.

Naghintay ako ng ilang minuto para sa reply niya, ngunit walang dumating na text galing sa kanya. Dinako ko ang atensyon ko sa kinauupuan ng dalawa. Si Matt ay mataman akong tinitingnan, at si Josh naman ay nakabaling ang atensyon sa bintana. Nagtampo na ata. Ano ‘yun? Hindi siya maniniwala? Natural lang naman sa tao ang ma-wrong send ah!

“KATE,” malakas kong pagtawag sa katabi ko, enough para marinig nila. “Pakigising na lang ako pag magsstop-over na, ha. Tulog lang ako. Nakakastress kasi ang mga bagay-bagay sa paligid.” pagpaparinig ko sa kanilang dalawa. Dapat lang, noh. That serves them right. Wala naman talagang dapat problema sa kanilang dalawa if they only choose to settle it peacefully. Hindi naman pwedeng palagi na lang akong nandiyan sa kanila. Minsan kailangan ko rin ng ‘me’ time.

Gusto ko rin namang mapag-isa, noh.

--

Josh.

“Class, remember, after 45 minutes dapat nakabalik na kayo sa bus. Huwag na kayong lumayo at kumain sa kung saan. Ok, sige you may go.” pagdismiss sa amin ni ma’am palabas ng bus. Kasalukuyan kaming nakatigil sa isang mall para kumain ng lunch. Pagkatayo ni Matt ay agad-agad akong tumayo at naglakad palabas ng bus.

“Oh, before I forget. Always tag along with your buddies, ha.” pagpapaalala ni ma’am over the microphone na siyang nakapagpabuntong-hininga sa akin. Nakalimutan kong dapat nga pala kaming magsama ni Matt. Actually pwede namang magsama-sama kaming lahat, kaso nga lang hindi ko ramdam makisalamuha sa maraming tao. Wala ako sa mood. Kaya naman ramdam ko ng sobrang magiging awkward ang araw na ito.

Tahimik kami ni Matt palabas ng bus hanggang sa makapasok kami ng mall. Napaigtad ako ng bahagya nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko.

“Sige, ipagpatuloy mo ‘yan, friend. Huwag mong pansinin forever. Remember noong naaksidente siya? He might slip away once again. Sana gamitin mo ‘yung mga natutunan mo dati, Josh. Pls be mature naman this time. U can see naman dat he’s sincere, eh. C’mon, are you going to let this ruin the 3 of us? Kc pati ako apektado, eh. I know dat pati ikaw, nahihirapan na rin. Just saying. :(“

Hindi ko naman inasahan ang ganoong text ni Janine.

Talagang napaisip ako sa text niya. I tried to rationalize myself, just like what I always do. Ang laki ng tama ng point ni Janine. And, dahil doon ay narealize kong napakaselfish ko na palang talaga. Hindi ko na inintindi ang nararamdaman ni Janine—and, fine, ang nararamdaman ni Matt. Masyado akong kinain ng galit, at nakalimutan kong nakakasakit na pala ako ng ibang tao.

Ngunit ang pinakatumatak sa akin mula sa text niya ay ang pagpapaalala sa akin ni Janine tungkol sa nangyaring aksidente kay Matt dati. Naalala ko bigla kung gaano ako kinabahan, nalungkot, at halos mabaliw kapag iniisip ko ang pagkawala ni Matt. Naalala ko rin ang pangako kong magiging mas maunawain at dapat intindihin ang mga kaibigan ko. Naalala kong muli ang paalala ni tito Richard na agad ayusin ang problema naming magkakaibigan.

Naalala ko ang pagmamahal ko para kay Matt.

“Josh!” naramdaman ko na lamang ang pagyugyog ng katawan ko. “Huh? Ano?” lutang kong tugon. Tiningnan ko ang tao sa harap ko. Nakakunot lamang ang noo ni Matt marahil dahil sa pagspace out ko. “Saan mo gustong kumain?” matamlay pa rin niyang pakikitungo sa atin. I kind of felt guilty of how harshly I’ve treated him this morning. Sa kanya ko ata naibuhos ang mga hugot ko kay Gab.

Haaay, Gab.

“Saan mo gusto kumain? Josh, ok ka lang ba? Kanina ka pa lutang.” nag-aalala, pero kalkulado niyang tanong sa akin. Marahil ay natatakot siya na baka singhalan ko muli siya, seeing how I’ve reacted this morning.

I think it’s time para makipagbati na ako sa kanya.

Tama si Janine. Nahihirapan ako. At saka... dahil nga hindi naman niya ako mamahalin tulad ng pagmamahal ko sa kanya, eh at least maituring man lang niya ako bilang isang kaibigan. Kahit malungkot, ay pinilit kong kalimutan ang kasawian ko sa kanya. Kailangan ko siya, eh. Kahit bilang isang kaibigan man lang.

“Ikaw bahala, bes.” mahinahon kong sabi, at matapos ay nagpakawala ng isang maluwag na ngiti.

Natigilan naman si Matt ng panandalian bago sumilay ang isang nakakabighaning ngiti sa kanyang mga labi.

At alam ko sa mga oras na iyon ay ayos na kami.

Bigla niyang itinutok ang daliri niya sa likod ko. “KFC na lang tayo. Libre kita.” masigasig niyang pagyaya. Hinawakan niya ang braso ko at hinila papasok ng restaurant. Tila nakuryente ako nang maglapat ang mga balat namin ni Matt, ngunit hindi ko maikakailang masarap sa pakiramdam ang presensya niya. Damn, I was making it hard for myself all along. Hindi ko maikakailang sobrang namiss ko siya. Araw-araw mo ba namang kasama, kaya napakalaking dagok talaga para sa akin ang mga nagdaang araw. 

Pagka-order namin ay naupo na kami sa isang lamesa. “Uhh, Josh?” medyo nahihiya niyang pagtawag ng pansin sa akin. Tingnan ko siya. “Hmm?” tanong ko. I have to admit, medyo nakakailang pa ang set-up namin ngayon. Ganito naman usually ang nangyayari sa mga magkaibigang kakagaling lang sa isang misunderstanding. “Ok na ba tala—“ I cut him off. “Oo nga. Let’s not talk about it. Enjoyin na lang natin field trip natin.” pagputol ko sa kanya at nagpatuloy lamang kami sa pagkain. Sandaling tahimik ang ere sa pagitan naming dalawa nang bigla siyang magsalita.

“Josh, can I ask you something?” tanong niya.

“Ano yun?” balik ko sa kanya.

“Anong mararamdaman mo, if... in case, may gusto sa’yo ang isang tao, tapos nagtapat siya sa iyo?” nahihiya niyang tanong.

Napaamang ako ng panandalian. Mukhang may pinagdadaanan siya ngayon tungkol sa pag-ibig. Sa loob-loob ko ay nanlulumo ako. Mukhang malakas na talaga ang tama niya sa kung sinumang tao ang matagal na niyang tinutukoy na hanggang sa ngayon ay hindi pa niya alam. Naiinggit ako dahil ang swerte swerte niya. Ang sarap kasing magmahal ni Matt ng kaibigan. Paano pa kaya kung romantic in nature pa? Looking back, galing sa kanyang mga kwento about his first love, nararamdaman kong buo, puro at binibigay niya ang lahat sa taong mahal niya.

Medyo tinamaan din naman ako sa tanong ni Matt, dahil I’ve been facing the same dilemma for quite some time now. Ano nga ba ang mangyayari kapag nagtapat ako kay Matt?

“Depende.” tugon ko makalipas ang ilang sandali.

“Paanong depende?” uneasy pa rin niyang tanong.

“I mean, if by chance, mahal ko rin siya. Then, matutuwa ako.”

Nangunot ang noo niya.

“What if hindi?” tanong niya.

“I don’t know.” honest kong sagot. Kasi hindi ko pa naexperience ang sinasabi niya... I really don’t know how to place what happened with Gab, though. Wala kasi sa timing ang nangyari sa aming dalawa.

“Are you still willing to be friends with that person? Knowing na may feelings siya para sa’yo?” 

tanong niya matapos sumubo ng ilang pirasong French fries, naghihintay ng isasagot ko.

“Oo naman, I guess. As long as the feelings won’t get in the way. Alam mo naman kung gaano ko pinapahalagahan ang friendship.” pagpapaliwanag ko.

Napatango na lamang siya.

“Sino ba kasi ‘yan, ha? Masyado ka na atang head over heels?” curious kong tanong, ngunit alam kong hindi niya kakagatin. Ano bang meron at hindi niya masabi-sabi sa akin? Gusto kong magtampo, pero I just set it aside.

“Malalaman mo rin. I think dapat malaman mo na rin, eh. Bago matapos siguro ‘yung field trip.” seryosong sabi ni Matt.

“Sabi mo ‘yan, ah.” reply ko.

Tumango lamang siya.

--
Nagtatawanan kami ni Matt nang makabalik kami sa bus. Masaya dahil nakikita ko na muli ang mga ngiti sa labi niya. Nagjo-joke na ulit siya, and kahit corny talaga, eh may something na hindi ko maipaliwanag at talagang napapahagalpak na lamang ako sa mga jokes niya. Siguro ay talagang namiss ko siya ng sobra.

Naupo kami at patuloy na nagkwentuhan nang biglang umepal si Janine.

“Uy, bati na ulit ang love birds.” nakangisi niyang pang-aasar. Namula naman ako sa sinabi niya. Iba na kasi ngayon. Kung dati ay wala pang alam si Janine sa mga nararamdaman ko para kay Matt kaya parang wala lang sa akin ang mga pang-aasar niya, dahil kasi nga, wala siyang alam and she’s just being her bubbly self na mahilig mang-asar. Ngayon, it felt like she was doing it on purpose. Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Matt.

“Love birds daw, oh.” nakangisi niyang baling sa akin at itinaas-baba pa niya ang dalawang mga kilay niya. Sinuntok ko na lamang ang braso niya bilang reaksyon. Napangiwi ng panandalian si Matt dahil sa ginawa ko. “Para saan ‘yon?” reklamo niya habang hinihimas-himas ang braso niya. “Ganyan ka na naman kasi.” irita kong pahayag. “Paanong ganyan?” inosenteng tanong niya. Natigilan naman ako.

“Ganyan. Ano, lagi ka na lang ganyan! Basta! Lagi mo na lang akong nilalandi!” pagrereklamo ko sa kanya. Napasinghap naman ako, dahil sa nasabi ko. Totoo naman kasi. Lagi na lang niya akong inaasar ng mga romantic banat, jokes, at kung anu-ano pang hindi naman talaga dapat ginagawa ng isang lalaki sa kanyang kaibigang lalaki. Nag-away pa nga kami dahil diyan, eh... especially noong matulog ako sa kanya at nang mangyari ang halikan namin.

Lalo akong namula nang magbalik sa akin ang mga nangyari ng gabing iyon.

“Bakit, effective ba?” patuloy niyang pang-aasar. “Are you teased? Turned on?” dagdag pa niya. Nangunot naman ang noo ko. “Malandi ka. Flirt.” inis kong baling sa kanya at itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa bintana. Pakiramdam ko, eh napagtripan na naman ako dahil sa sexuality ko... but kinalimutan ko na lang ulit iyon. Napakasensitive ko talaga. Ayoko ng mag-away kami ulit, especially dahil kakabati lang namin.

“Hala, nagalit na si bebe Josh.” komento ni Janine.

--
Nakaramdam ako ng paggalaw sa pisngi ko. Binaling ko ang tingin ko kay Matt, ngunit hindi ko siya nililingon. Nakita kong pino-poke ng daliri niya ang kanang pisngi ko. “Uy,” masuyo niyang tawag sa akin. Itinaas ko ang isa kong kilay, bahagya kong inikot ang leeg ko sa direksyon niya. “Galit ka? Sorry na.” parang bata niyang paghingi ng tawad. Umiling ako, dahil hindi naman talaga ako galit.

“Weh?” hindi niya naniniwalang tanong.

“Oo nga.” buntong-hininga ko.

“Oh-em, galit na si bebe Josh.” panggagaya niya kay Janine gamit ang impit na boses at maarteng tono. At hindi ko na mapigilan ang mapatawa sa kagaguhan niya. “Oh my gas excited na aketch sa field trip. Charot.” pagpapatuloy niya na siyang ikinahagalpak ko na sa tawa. “Gago, ano naman ba nahithit mo?” natatawa ko pa ring pahayag sa kanya. Ngunit bago pa siya makasagot ay bigla na lamang siyang napaigtad sa kinauupuan niya. “Aray!” biglaan niyang reklamo na ikinataka ko. Iginiya ko ang ulo ko ng kaunti at doon ay namasdan ko si Janine na nakasimangot.

“Hoy hindi ako ganon, noh! Kaloka.” reklamo niya. Malamang ay narinig niya ang panggagaya sa kanya ni Matt. Lalo akong natawa dahil narinig pala iyon ni Janine at dahil na rin sa reaksyon niya. Napailing ako habang nangingiti pa rin. “Ayan.” biglaang sabi ni Matt sa akin. “Hmm?” taka kong tanong.

“Ayan. Dapat nakangiti ka lagi. Hindi kasi bagay sa’yo nakasimangot, eh.” masuyo niyang sabi.

“Ang galing mo kasing magpangiti, eh.” ang nasabi ko na lang bago ko pa mapigilan ang sarili ko.


Awkward.
--

Itutuloy...

13 comments:

  1. Bitin as usual. Pero salamat sa update, sana masundan agad. Kasi para kong 'di mapataeng pusa pag katapos kong basahin ito... Later on I will keep on checking it over and over again para malaman kung may update na. Sa po mapaaga yung update, hindi po kasi talaga ko mapakali. :)

    Natawa ng husto dun sa part ng 'Love birds' haha :D tapos yung reaction pa ni Josh? OMG, sana masundan talaga agad para naman magkasama na dila sa iisang room ni Matt. Para narin makapagtapat na siya! Go, go, go, go Matt. #TeamMatt ako! Okay lang kahit na maging bestfriends lang ulit sila ni Gab, kasi mas deserve ni Matt ang title bilang boyfriend ni Josh. Maalaga, mapagmahal, maaalahanin, mayaman, pogi, friendl... etc! Sana po masundan agd, yun lang po! Good luck! More powers & keep it up. :'>

    ReplyDelete
  2. KILIG MUCH ANG PEG!

    ReplyDelete
  3. Arte ni josh, hindi nmn bagay.. Nkkairita lng

    ReplyDelete
  4. heyey..my update n tgl kong hnnty to..hehe hayy sna mgng cla n ni Papa Matt..ayw ko ky Gab d nia maappreciate ung love ni Josh pra sknya..

    ReplyDelete
  5. Nakakakilig ;( sana si matt nlang makatuluyan nia.

    ReplyDelete
  6. Matt wag na torpe pls.haha.

    Just

    ReplyDelete
  7. TEAM matt talaga ako kakilig Grabe!!!

    ReplyDelete
  8. Weeh jost matt n yan haha. Napapacomment na ko!!!!!

    ReplyDelete
  9. finally nabasa ko ang ang 3 chapters na to kc katatapos ng training sa redcross :] thanks author. da best ka

    ReplyDelete
  10. Kay tagal Kong hinintay sang update na to

    ReplyDelete
  11. Kakilig ang chapter na ito. Matt p din ako. Tnx

    Randzmesia

    ReplyDelete
  12. Letse nman talaga! Kinikilig aketch >_<

    -kyo

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails