MAGHAHARAP NA SI MATT AT GAB!
Sana ay patuloy niyo pa ring suportahan ang series na ito. Maraming salamat sa patuloy na mga tumatangkilik (kung meron man haha) :)
Comment kayo. What do you think of this chapter? :)
Happy Reading!
--
Matapos
ang ilang araw ay nailabas na rin ng ospital si Matt at nakapasok na nga siya.
Kaya buong-buo na ulit kaming barkada. Masaya ako, ngunit gulung-gulo pa rin.
Ito siguro ‘yung sinasabi nilang “be
careful with what you wish for”. Kasi naman, kung kailan alam ko ng (may
possibility—wala pang confirmation from him) mahal ako ni Gab, at saka naman
ako naguguluhan. At saka ako umaayaw. At saka ako nagising sa isang realization
about Matt.
At
ito pa nga, ngayong si Matt na nga ang ikinatitibok ng puso ko... mas malaking
problema ito dahil totally wala akong pag-asa sa kanya. Ayokong masira ang
pagkakaibigan namin, ayokong mawala si bestfriend. Funny, parang ganito lang
ang sitwasyon ko nang magsimula ang feelings ko for Gab. Ngayon, kay Matt naman
ako nagkakaganito.
At
isa pa, may iba na siyang mahal.
Napabuntong-hininga
ako.
At
isa lang ang naisip kong paraan para takasan itong sitwasyong ito.
--
Nagpahinga
pa si Matt ng ilang araw bago pumasok. Sabi niya ay gusto daw muna niyang
pagalingin ang mga galos niya sa pisngi. Tinulungan naman namin siya ni Janine
humabol sa mga mami-miss niyang requirements. After another 2 days, pumasok na
rin siya.
Habang
naghihintay sa susunod naming subject teacher ay isinagawa ko na ang plano ko.
Kinakabahan ako, pero alam kong ito lang ang paraan. If this works,
everything—as in everything—will fall into place. Hindi man sigurado ay alam
kong kaya ko namang matutunan ito. Everything’s
a learning process, ika nga nila. At saka, may starting point na naman ako,
eh.
“Huy,
bes bakit tahimik ka?” pag-uusisa ni Matt. “Ahh, wala. May naiisip lang ako.”
Sagot ko sa kanya. Nangunot naman ang noo niya. “Share.” Sabi niya at pagkatapos
ay uminom ng C2. “Ligawan ko kaya si Nikki?” Paglalahad ko. Nagulat naman ako
nang maibuga niya ang iniinom niya. Tinapik ko ang likod niya para matigil ang
pag-uubo niya. Buti na lamang at walang tao sa harapan niya. Nagtawanan ang
buong klase sa nangyari kay Matt.
“Easy
lang.” Nag-aalala kong sabi sa kanya. Tiningnan niya ako na tila nagtataka.
“Ano naman ‘yang pumasok sa kokote mo?” medyo naiinis niyang tanong na
ikinataka ko. “Crush ko naman siya, eh. Mabait siya. Bakit, may problema ba?”
tanong ko. “Bakit parang nabigla ka naman masyado?” dagdag ko.
“Teka,
teka. Sigurado ka na ba diyan? Mahirap pumasok sa isang bagay na hindi ka
sigurado. Baka saktan mo lang siya at ang sarili mo.” May tono na sabi ni Matt.
Napaamang naman ako sa sinabi niyang iyon. Kasi sa totoo lang ay hindi talaga
ako sigurado. Ito kasi ang plano ko para makalimutan ko sila Gab at Matt.
Kailangan kong magmahal muli ng babae. As much as I want to follow what my
heart says, alam kong magiging problematic ang buhay ko once sundin ko ito. Kasi
the truth is, I’m still afraid of confronting my true sexuality.
“Ano
na, Josh?” naiinip na tanong ni Matt. “Hindi... pero...” “Oh, hindi naman pala,
eh! Huwag ka kasing padalos-dalos!” at habang sinasabi niya iyon ay kitang-kita
na sa kanya ang di-mapaliwanag na pagkainis na lubos kong ikinataka. Isa lamang
ang naisip kong dahilan kung bakit siya nagkakaganito. “Bes, tapatin mo nga
ako. May gusto ka ba kay Nikki?” tanong ko. Nanlaki naman ang mata niya sa
tanong ko. “Ahh... eh... hindi, pero huwag siya. Nako, huwag siya.” Aligaga
niyang sabi habang umiiling.
Lalo
akong naguluhan.
“Ang
gulo naman nito.” Mahina kong sabi.
“Ikaw
ang magulo.” bulong niya, pero narinig ko iyon. Hindi ko na lamang iyon
pinansin dahil baka lalo pa siyang mainis at mag-away lang kaming dalawa.
“Ba’t
ang tahimik niyo?” entra ni Janine na kakagaling lang sa CR. Walang sumagot sa
tanong ni Janine. Nangunot ang noo niya. “Matt?” tanong niya kay Matt. “Ah,
ewan! Tanungin mo ‘yang kaibigan mo kung bakit.” Pagalit niyang sabi at walang
sabi-sabing lumabas ng room.
“Ano
bang problema non? Meron?” takang tanong ni Janine. “Ewan ko. Maayos naman
kaming nag-uusap, eh. Tapos sinabi ko lang na parang gusto kong ligawan si
Nikki.” Bulong ko sa kanya. “Ay, ‘teh? Bakit agad-agad?” nagugulumihanang
tanong niya. “Ano bang problema niyong dalawa? Bakit parang biglang-bigla
kayo?” tanong ko sa kanya. “Hoy, Janine lalaki pa rin ako.” Dugtong ko.
Binulong ko lamang iyon sa kanya.
“Gaga,
oo naman! Ang sinasabi ko lang, eh bakit bigla kang nagdesisyon ng ganiyan?”
tanong niya. “At saka, ‘di ba mahal mo si Gab?” dugtong niyang bulong. Hindi ko
naman masabi ang dahilan ko sa kanya dahil alam kong kakaltukan ako ni Janine.
Babae siya, at malamang mararamdaman niyang gagamitin ko lang si Nikki para
makalimot, which is partly true... pero ang kaibahan ay susubukan ko talaga
siyang mahalin.
“HAY
nako. Imbyerna ha. Gets ko na gusto mong mangyari. Nako, Josh kahit kailan ka
talaga. Nako!” nanggigigil niyang sabi sa akin. “Basta, Josh. Walang mali sa’yo.
Tandaan mo ‘yan.” Pagpapaalala niya. Nabigla naman ako dahil nakuha niya agad
ang gusto kong mangyari. Talagang kilala niya ako. “Kasi...” sabi ko. “Basta,
Josh. You’re not gonna do that if it’s just for that reason.” Seryosong sabi
niya. Natakot naman ako sa kanya kaya sumang-ayon na rin ako.
“Good.
Oh, ayusin mo ‘yung kay Matt. Nagtatampo ‘yun for sur...” natigilan si Janine.
Nagtaka naman ako sa tinuran niya. “Huh? Bakit naman magtatampo ‘yun? Dahil sa
nangyari kanina? Ano bang meron doon sa sinabi ko? Tapatin niyo nga ako. Alam
kong may alam kang hindi ako nalalaman. Matagal ko ng napapansin.” balik ko sa kanya.
“Hmp! Basta! Wala ng tanong-tanong. Ang tagal naman ni sir.” Sambit niya.
--
Janine.
Talagang
naloka ako sa mga nalaman ko mula kay Josh. 1.) Mahal daw siya ni Gab. As in
OMG lang. Who would’ve thought na pati si Gab mahuhulog sa charms ng friend ko?
And more importantly, sino bang mag-aakalang hindi (na) straight si Gab?! Eh
ako nga eh crush na crush ko ‘yun, at aaminin kong medyo napapagpantasyahan ko
siya dati hehe. Kaya naman medyo naloka ako sa nalaman kong iyon. 2.) Liligawan
daw ni Josh si Nikki! Ano na naman kayang natira ng kaibigan ko? For all I
know, in denial pa rin siya. Nakakaasar talaga. Ito ang ayaw ko sa kanya eh.
Hindi siya madala sa mga signs! Diyos ko, halos araw-araw ng ipagduldulan ni
Matt ang sarili niya sa kanya, pero hindi pa rin niya nakukuha! Napaka in
denial ng lolo mo. Alam ko naman kaya niya liligawan si Nikki eh dahil ayaw
niya sa pagkatao niya. Kaya naman pinagsabihan ko siya. Takot na lang niya.
At
ang isa pang lalo kong ikinakaloka is Matt. Don’t get me wrong, hindi ako
nababaliw sa kanya noh. Noong una eh crush na crush ko rin ang lolo mo, pero
nang napaamin ko eh super turned off na ako. Naloloka ako dahil simula nang
sinabi kong tutulungan ko siya eh palagi na siyang nag-iinarte! As in, tulad ng
ginawa niya lang kanina. Walk out ang effect ni kuya. Facepalm na lang ako.
Pero
may isang bagay na bumabagabag sa akin... hindi ko alam kung sasabihin ko kay
Matt ang natuklasan ko mula kay Josh tungkol kay Gab. Kapag sinabi ko kasi sa kanya,
eh alam kong magagalit si Josh. Ngunit kapag nalaman naman ni Matt na matagal
ko ng alam ito ay magdadamdam din iyon sa akin. Hay, naguguluhan na talaga ako.
At alam kong masasaktan talaga si bebe Matt kapag nalaman niyang MU na ang
dalawa. Masyado na siyang nagsu-suffer, pakiramdam niya wala siyang laban.
Kung
tatanungin niyo ako kung Team Matt or Team Gab ako? Syempre, Team Matt ako!
Hindi ito dahil sa mas close kami at tinutulungan ko siya, pero dahil alam kong
puro at totoo ang pagmamahal niya kay Josh. Nakita ko iyon sa mga oras na
magkasama kami. Sa mga nakaw naming bulung-bulungan, sa pagppplano ng mga
susunod naming hakbang para maangkin niya ang puso ni Josh, at sa paglalabas
niya ng other side niya sa akin (kung kiligin ang lolo mo talo pa ako!). Iba si
Matt. Iba ang pagmamahal niya. Pakiramdam ko nga eh binuhos na niya lahat para
kay Josh, kahit pa alam niya na maaari siyang matalo. Sana talaga ay makita na
ni Josh si Matt bilang isang taong mahal din niya.
As
usual, dahil ako ang ever-supportive friend, kailangan kong pumagitna sa
kanila. Ito naman ang trabaho ko, eh. Kaya wala akong lovelife dahil busy ako
sa buhay ng ibang tao, charot.
--
Natapos
ang math class namin ng walang Matt na nagpapakita (no MATT in MATH lol). Nag-aalala
na ako. Baka naman kasi ano na naman ang ginawa ng ulupong na iyon. Kita rin sa
mukha ni Josh ang pagkabagabag at pagkaparanoid niya. Kasi ba naman, si Matt
kasi ang arte lang talaga. Chicks kung chicks. Akala mo jowa kung makaasta.
Hay, but I can’t blame him. Ganiyan talaga pag nagmamahal.
“Jans,
ano ba meron dun?” at tila hindi na nga nakatiis si Josh at tinanong na ulit
ako. To be honest, natakot ako kanina, kasi muntik na kaming mabisto ni Matt.
Napaisip naman ako ng sasabihin. “Ewan ko nga, eh. Hindi ko alam.” Sagot ko.
But the truth is, I know what exactly is going on. Hindi ko lang talaga pwedeng
sabihin kay Josh. Hindi dapat sa akin manggaling ito. Baka mabugbog ako ni Matt
pag nangyari. Sira beauty ko pag nagkataon.
--
Josh.
Hindi
na pumasok si Matt for the rest of the day na lalo kong ipinag-alala. Tila may
nagawa o nasabi akong mali. Ewan ko, pero for the past few days after niyang
ma-ospital ay napapansin kong naging mas sensitive siya sa mga nangyayari sa
paligid niya. Extremes ang emotions niya ngayon. Kapag masaya siya, ay sobrang
ecstatic niya, ngunit kapag malungkot naman ay sobrang depressed niya.
Ang
isa ko pang napapansin ay ang mas lumala niyang kakulitan. In the middle of the
night bigla niyang babahain ng text messages ang cellphone ko na either
“Josh.”, “Bes.”, o “Uy,” lang ang laman. Hindi ‘yan titigil hanggang hindi ako
nagrereply, ngunit kapag nagreply naman ako ng “Bakit?” ay magrereply lamang
ito ng “Wala lang, sige tulog ka na. Good night! ;)”. Pero ito ang
pinaka-ikinagulat, ikina-kilig, at ikina-gulo. Tinext niya ako isang beses:
“Kain ka na, ha. Huwag magpagutom! Labyu mwah! hihi :”>” Ang gulo talaga,
kahit alam kong joke lang iyon at inatake na naman siya ng mga trip niya. Tapos
ngayon ito na naman siya sa mga bago niyang pag-iinarte, which made me think
kung may pinagdadaanan ba si Matt na naging ugat kung bakit bigla siyang
nagkaganito after ng aksidente.
Dinamay
ko na rin ang bag niya at binitbit palabas ng room. Dali-dali kong hinanap siya
sa buong campus. Kilala ko siya, hindi ‘yan uuwi ng hindi ako kasama kahit
magkagalit kami niyan, kaya confident ako na makikita ko rin siya. Matapos ang
ilang minuto ay nakita ko rin siyang nakapalumbaba sa mga benches sa labas ng
gate ng school, tila malalim ang iniisip. Umupo ako sa tabi niya.
“Halika
na?” medyo matamlay niyang sabi, pero alam kong sa oras na iyon ay ok na ulit
siya. “SM tayo.” Yaya ko. “Bakit?” matamlay pa rin niyang tanong. “Hmmm, ayaw
mo ata. Sige, tulog na lang ako sa inyo.” Suggestion ko. Medyo napaisip naman
siya, at pagkatapos ang ilang segundo ay umiling. “Eh ano gusto mong gawin
natin?” tanong ko. “Sa inyo naman ako matutulog. Hindi pa ako nakakapunta sa
inyo. Hindi na ako natuloy kahit kailan.” Plain niyang sabi. Medyo napaisip
naman ako sa suggestion niya at naisip kong tama nga siya. Pati nga si mama ay
hindi siya lubusang kilala. Kung hindi pa siya naaksidente ay hindi pa siya
makikilala ni mama. “Sige!” excited kong tugon.
--
Habang
nasa tricycle ay patuloy ko pa ring inooserbahan si Matt. Simula nang sabihin
ko sa kanya ang balak kong ligawan si Nikki ay biglang nagbago ang mood niya.
Kaya naman napaisip ako. Si Nikki kaya ang mahal niya? Pero naisip ko rin na
maliit ang probability dahil hindi naman sila close. Though hindi ito
imposible, dahil pwede ka namang magmahal ng malayo, ng patago... parang ako.
Nang
makarating kami ng bahay ay wala pa rin akong maisip na dahilan kung bakit nagkakaganito
ang bestfriend ko.
--
“Ma!”
pagtawag ko sa kanya pagkapasok ko ng bahay. Narinig ko naman ang tila
pagkawala ng tunog ng umaagos na tubig mula sa sink sa kusina. Ilang sandali pa
ay nadatnan ko na si mama, tila kakatapos lang niya magluto ng hapunan dahil
suot-suot pa niya ang kanyang apron. “Ma, si Matt nga po pala. Kung maalala
niyo po siya po ‘yung...” “Ah, ikaw ‘yung naaksidente ‘di ba?” tanong ni mama
na siyang punmutol sa sinasabi ko. Napahiya naman ako dahil sa awkwardness ng
pagkakarecall ni mama kay Matt. “Opo, tita. Ako nga po iyon hehe.” Medyo
nahihiyang pag-amin ni Matt.
“Nako,
kay gwapo naman pala nitong batang ‘to.” Pagbati ni mama kay Matt. Natawa naman
ako sa loob-loob ko. Medyo namula naman si Matt sa sinabi ni mama. Cute talaga.
“Ahh, eh. Salamat po.” Nakayuko niyang sabi kay mama. “Oh sige, ipaghahanda ko
muna kayo ng merienda, ha. Balik lang ako sa kusina.” Pamamaalam ni mama. “Ah
ma! Dito pala matutulog ‘to.” Pagpapaalam ko. “Sige,” sabi ni mama na hindi na
lumingon ulit, at sa halip ay dumiretso na sa kusina.
“Upo
ka, bes.” Paanyaya ko sa kanya, at naupo nga si mokong sa sofa.
Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang kanyang mga mata. Nag-aalala na talaga
ako para sa bestfriend ko. Kung alam ko lang ang dahilan kung bakit siya
nagkakaganito ay tutulungan ko siya, pero ayaw naman niyang magpatulong. Ayaw
niyang sabihin ang dahilan. At ayaw ko namang magcross ng line at manghimasok. Medyo
nasasaktan na ako, dahil may mga bagay na ayaw siyang sabihin sa akin, and yet
pakiramdam ko nasabi na niya kay Janine. Ewan ko ba, pero dapat intindihin ko
na lang siya at respetuhin ang desisyon niya. May dahilan naman siguro siya.
Ilang
minuto pa eh lumabas na si mama galing kusina dala ang dalawang slice ng apple
pie na ginawa ko noong isang araw dahil sa kakapanood ko ng Food Network.
Inilapag niya ang tray sa table sa harap namin. “Ma, bakit nilabas mo na ‘yan?”
takang tanong ko. Hindi ko pa kasi natitikman ang gawa ko. First time ko kasing
gumawa noon, at experiment lang talaga iyon. “Ahh, para matikman na rin natin.”
Sagot ni mama.
“Tita,
salamat po. Nakakahiya naman.” Magalang na sabi ni Matt kay mama. “Nako wala
iyon. Lahat ng kaibigan ni Josh welcome dito. Huwag kang mahihiya.” Ngiting
balik ni mama kay Matt. Umupo si mama sa couch sa harap namin at nagsalita.
“Alam mo, Matt. Iyang kaibigan mo noong malamang maaksidente ka, daig pa ang
taong nasusunugan sa pagpapanic. Pilit ng pilit na pumunta kami sa St. Luke’s.
Eh ang layo noon! Diyos ko, napakamapilit na bata! Noong tinanong ko siya kung
sino ‘yung kaibigan niyang iyon sabi niya “Matt” daw ang pangalan. Sabi ko sino
iyon? Hindi ko pa ata nakilala. Pero pilit pa rin ng pilit, panic ng panic
sobra—“ nanlaki naman ang mata ko nang marealize ko ang pinagdadadakdak ni
mama.
“MA!”
pagpigil ko. Ramdam kong namumula na ako sa hiya. “Oh ano? Nagkkwento lang ako
sa kaibigan mo. Matt, siguro close talaga kayo, ano? Grabe talaga siyang
mag-alala, eh. Parang buhay niya ang mawawala kapag hindi siya makapunta
sa’yo.” Napailing na lang ako sa kagagahan ni mama. Nakakahiya talaga! Ugh.
Binalingan ko naman ng tingin si Matt, at laking gulat ko nang makitang
nakangiti na ito.
“Talaga
po, tita? Nag-alala ‘to sa akin?” nakangiting sabi niya, sabay turo sa akin.
Nahalata ko naman ang biglang pagsigla ng mood niya. “Nako oo naman! Ngayon
alam ko na ata kung bakit. Mabait ka naman pala talaga, eh. Talagang
magkakasundo kayo.” Nakangiti pa ring sabi ni mama kay Matt. “Hindi ko po siya
masisisi, tita. Ganitong klaseng kaibigan ba naman ang mahanap mo, hindi mo na
talaga pakakawalan.” Biro ni Matt, at nagtawanan na silang dalawa habang ako ay
pahiyang-pahiya pa rin dahil sa naging takbo ng usapan. Baka kasi makahalata na
si Matt. Ugh. Pero sa loob-loob ko ay masaya ako dahil nagbalik na ang mga
ngiti ni Matt sa mga labi niya, mga ngiting nakapagpapasaya ng araw ko.
“Oh,
kumain na kayo. Gawa ni Josh iyan.” Sabi ni mama, sabay turo sa apple pie.
“Wow.” Excited na sabi ni Matt at dali-daling kinuha ang platito at tumikim.
Napatigil kami, hinihintay ang magiging reaksyon niya. Kahit kasi ako ay wala
talagang ideya kung ano ang kinalabasan ng experiment ko. Is it another cooking
milestone (parang carbonara ko lang)? Or is it an epic fail? Matt would be the
judge of that.
“Ang...
sarap!” bulalas niya. YES! At least ayos ang luto ko. Not bad for a first
timer! Sobrang saya ko dahil nagustuhan niya. “Galing mo talaga!” sabi niya at
nagulat na lamang ako sa pag-akbay niya sa akin. And in that moment, alam kong
okay na kami. Napangiti ako. Kahit papaano ay nagawa kong ibalik ang ngiti sa kanyang
mga labi, ang saya sa kanyang mga mata.
--
“Sorry
nga pala”. biglang bulalas ni Matt. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto ko,
naglalaro ng scrabble for some reason. “Para saan?” taka kong tanong. Bakit
siya nagsosorry, eh siya nga ang galit? So I assumed na ako ang may nagawang
mali. “For bitching.” natatawa niyang sagot. “Eh bitch ka naman talaga, eh. Di
na ako nagulat, bes.” tukso ko sa kanya. Namula siya sandali, ngunit biglang
natawa.
“Sa’yo
lang naman ako ganito, eh.” seryoso niyang sabi matapos tumawa. I just rolled
my eyes, thinking na babanat na naman si mokong... pero walang sumunod na
banat. Napatingin naman ako sa kanya, nagtatanong. Hindi ko kasi naintindihan,
pero bakit parang may iba pang meaning ang sinabi niya? Ewan, heto na naman ako
at nagi-ilusyon.
“Seryoso
ako.” sabi niya at biglang napayuko. Nakita ko naman ang pagpula ng mga pisngi
niya. Hindi ko ikakailang kinilig ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ay
higit pa sa kaibigan ang turing niya sa akin nang mga oras na iyon. Ewan ko ba,
masyado na akong nangangarap. Alam kong suntok sa buwan na mahalin din ako ni
Matt. Maalaga at mapagpahalaga lang siya sa akin, iyan ang paulit-ulit kong
sinasabi sa sarili ko. Ganoon din naman kasi siya kay Janine. Babanat ng sweet
jokes, ililibre, at kung anu-ano pang sweet, pero... friendly gestures. So
yeah, I should stop dreaming.
“Oo
na. Drama mo boy!” ang sinabi ko na lang sa kanya. Again, I tried to shrug this
off. “Bes salamat talaga, ha. Kasi ang haba-haba ng pasensya mo sa akin, tapos
kahit na uhhh... ganito ako, tanggap mo pa rin ako. Hindi ka lumayo. Sobrang
naappreciate ko iyon.” Ngayon, ay ako naman ang nagseryoso. Nakita ko namang
sumilay ang ngiti sa mga labi niya na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
“Sus.
Wala ‘yun. Basta tandaan mo. Nandito lang ako, bes para sa’yo.” pahayag niya.
“Salamat. Salamat dahil nagkaroon ako ng bestfriend na katulad mo. Bestfriend
talaga kita.” pahayag ko.
“JOSH!”
nawala akong bigla sa ulirat nang mapadako ang tingin ko sa aking pintuan.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Gab na nakatayo doon, hindi maipinta ang
mukha at nanginginig sa galit.
“Anong
ibig sabihin nito?” bulyaw niya.
At
nang mga oras na iyon ay wala na ang galit sa mukha ni Gab. Napalitan na ito ng
lungkot at sakit.
--
Itutuloy...
Manhid lang talaga c josh sa ipinapakita ni matt sa kanya obvious n nga na gusto na xa ng huli. Haba lang ng hair ni josh 2 papa nagaagawan sa kanya. Tnx sa.update
ReplyDeleteRandzmesia
Tagal mag update :| #Excited :>
ReplyDeleteRR<
1. Ay nako Josh, tanong mo, ikaw din ang sasagot. Ano b talga?
ReplyDelete2. Patay kang bata ka, rambol na to. haha
3. Magpagupit kana kasi Josh.
bharu