THE ROYAL SCANDAL 1.0 : THE
PRINCE'S MAN ©
2013
<<< THE MSOB VERSION
>>>
by: Jayden Clark Reith
Altamirano-Ibarra
Genre: bromance, yaoi,
boyxboy
HUMANE comments, votes and commendations
for this story are VERY MUCH APPRECIATED! Parefer po sa iba pang readers kung
nagustuhan niyo po. Hehe. Salamat! :-)
PS. Hindi po ako Major in
English so please with my English kung may mali man po ahh. Electronics Engineering
po ang tinapos q eh. Hehe. Sana po ay magustuhan niyo ito.
-------------------
Chapter 1: My Supermagnet
*** Jayden ***
I've been admitted sa The
Royal Academy as a full scholar pero hindi ko tinanggap yung offer nila na
manirahan ako sa dormitory. Kahit mejo malayo sa bahay namen yung bago kong papasukan
ay ayos lang kasi kaya naman ng budget. Inaalala ko kasi sila Mama at si baby
Andrei. Kaya naman ng work salary ko bilang service crew sa isang fastfood chain
ang pangangailangan naming pamilya at ako na mag-aaral sa kolehiyo.
"Jayd anak gising na!
Baka malate ka. First day mo sa college diba?" Sigaw ni Mama sa labas ng
kwarto ko.
Pupungay-pungay akong gumising
at nag-unat ng kamay.
"Sige po Ma! Baba na po
ako." Ako.
Nakababa na ko at agad kong
nakita si baby Andrei. Dali-dali itong pumunta sakin dahil gustong magpabuhat.
"How's our baby Andrei?
Have you eaten your breakfast na ba baby?" Ako sabay kiss sa pisngi niya.
"Uhmm uhmm!" Si
baby Andrei umiiling. Walanjo! ANG KYUT TALAGA NG BABY NAMEN! Hahaha.
"Okay sabay na si Kuya
kumain ng breakfast ahh. Mamaya papasok si Kuya sa school so keep an eye for
Mama okay?"
Nag-nod na lang si baby
Andrei bilang pagsangayon sa akin nang bigla namang sumingit si Mama.
"Oh anak kain na. Baka
malate ka. Akin na si Andrei. Ako na magpapakain dyan."
After mag-almusal ay
dumiretso na ako sa kwarto para maghanda na sa pagpasok. Lagpas isang oras ang
byahe papunta sa TRA. 9am ang first
class ko. Time check: PHILIPPINE STANDARD TIME 7AM. I still have almost 30 minutes
para mag-ayos ng sarili. Sinuot ko yung pink v-neck shirt ko bilang pantaas,
blue cargo pants pambaba at red na may touch ng black na casual shoes. Baston
style ang pantalon. Time check: PHILIPPINE STANDARD TIME 7:30AM.
"Waah! Ayokong malate sa
first day ko. Kelangan nang humayo at magpakarami. Late na ko! Late na ko!"
Mahinang sigaw ko.
Bumaba naman ako kaagad para
magpaalam kay Mama at kay baby Andrei. Nakita ko si Mama na nanunuod ng
koreanovela sa desktop namen samantalang si baby Andrei naman ay nilalaro ang
kanyang mga toys. Koreanovela addict din si Mama katulad ko. Hehe.
"Ma alis na po ako ahh.
Baka malate ako. Baby Andrei kuya will attend to his classes na ahh. Be a good
boy okay? Wag magkulit hmmmm?" Ako na humalik kay Mama pagkatapos ay kay
baby Andrei.
"Sige anak. Ingat sa
biyahe. Wag magpapagutom ahh! Mwaah mwaah tsup tsup" Si Mama.
Diretso naman ako sa sakayan
ng trike malapit sa tinitirhan ko. Trike muna papunta sa bus station then bus
tapos lakad hanggang school. Medyo malayo pero okay lang. KAKAYANIN SIR!
Hehehe.
Malapit na ko sa gate ng TRA.
Nakita kong maraming nag-aantay na mga babae. 'Yung iba'y naka-uniform pa tapos
yung iba may mga hawak na placards at tarpaulins na nakalagay "WE LOVE YOU
PRINCE ALEX", "ALEXANDER FOREVER", atbp.
Naalala ko. Dito nga pala
nag-aaral sa The Royal Academy si Prince Alexander, ang susunod na hari ng
Pilipinas. He is one of a kind. Poker face at minsanan lang kung ngumiti. But
wait there's more! Kapag ngumiti na yang hayup na yan, AYY! Bato lang ang hindi
kikiligin. Literal na gwapo talaga siya at aaminin ko attracted ako sa kanya.
Matagal na. Physically, sa mapalad niyang balikat, sa malinis niyang batok na
ang sarap-sarap kagatin at sa malalaki niyang binti. Malalaki din ang braso
niya at may well-formed na mga abs pero I'm more attracted dun sa nauna ko nang
nabanggit. Hehe. Grabe talaga siya. Ang lakas ng hatak niya sakin. MY
SUPERMAGNET! Woohoo!
Well, tama po kayo ng
pagkakabasa. Nagtatangi ako sa kapwa ko lalaki. Ewan ko ba sarili ko. Minsan nga
tinatanung ko sarili ko na 'Of all guys bakit ako pa?'. Sa una hindi ko talaga
matanggap na ganito ako pero sabi nga nila, "Embrace yourselves and you'll
experience true happiness." Pinaalam ko na rin kay Mama ang totoo kong
pagkatao at sa kabutihang-palad ay malugod naman niya akong tinanggap. Naalala
ko nga yung sinabi niya na "Anak, matagal na naming alam ng Papa mo. Nung
bata ka pa lang ay parang iba ka na sa ibang mga batang lalaki dyan na kalaro
mo. Kumbaga ay may 'tendency'. Hehe. Hinihintay ko lang na ikaw ang magsabi
samin niyan. Mas maganda kung bukal sa loob ang pagtatapat di ba anak?". Super
saya ko nun. Tanggap ako ng magulang ko. I'M SUPER BLESSED! To God be the
Glory!
"Excuse me! Excuse
me!" Ako nang marating ko ang gate ng school.
"Tsk tsk tsk! Nakaharang
'tong mga babaitang toh!. Tsk...." Sa isip ko.
"Ano ba? Nang-aano ka
eh. Umalis ka nga. Nakaharang ka. Layas! Shoo!" Sabi ng isang babae sabay
tulak sakin. Napaupo naman ako sa kabiglaanan.
"Ano ba? Papasok ako.
Tumabi nga kay........" Naputol ang sasabihin ko nang bigla-bigla silang
magsigawan.
"WAAAH! ANDYAN NA SIYA!
ANDYAN NA SIYA!" Sigaw ng isa.
"ANG GWAPO NIYA TALAGA!
WAAAH! KINIKILIG AKO!" Sabi ng pangalawa.
"GIRLS HANDA NA KAYO!
ITAAS ANG TARP BILIS!" Ang sigaw ng lider ata nila.
Lumingon naman ako kung sino
yung pinatutungkulan nila at hindi nga ako nagkamal........
"P*TANG INA! ANG GARA NG
KOTSE NYA. SSC TUATARA NA NAGKAKAHALAGA LANG NAMAN NA $970,000." Sa isip
ko.
"Teka wait! Bakit hindi
niya kasama iyong convoy niya. Hmmm" Sa isip ko ulit.
Literal na napanganga ako sa
gara ng kotse niya. Tiningnan ko siya at BBOOOOOMMMMM! Napaupo ako. PUTAKTE!
DEMIGOD NA BUMABA SA LUPA, UNA MUKHA! Wahahaha. Joke! Napaupo ako kasi naroyalstruck
lang naman po ako.
"Aray! Ang sakeet!"
Ako habang nakaupo hinihimas ang pwet ko.
"Bakit tumahimik? Hmmm."
Sa isip ko.
May kamay na nakaabang para
tulungan akong tumayo. Iniangat ko yung mukha ko para tingnan kung sino yung
tumutulong sakin habang papalapit yung kamay ko sa kamay niya. Layo ng kamay ko
sa kamay niya: 30cm...
25cm...
20cm...
15cm...
10cm...
5cm...
4cm...
3cm...
2cm...
1cm...
Medyo naaaninag ko na rin
yung mukha niya pero hindi pa madetermine ng utak ko kasi nasisilaw ako sa araw.
0cm...
Nakadikit na yung kamay ko sa
kamay niya ngunit.....
Bigla kong inilayo yung kamay
ko sa kamay nung taong tumutulong sakin para makatayo. BIGLA! AS IN BIGLA
TALAGA! Napansin kong ganun din yung tao sa harapan ko. Bigla niya rin inilayo
yung kamay niya sa akin. BIGLA BIGLA RIN! PROMISE!
ARCING which is a luminous
discharge of current that is formed when a strong current jumps a gap in a
circuit or between two electrodes. In other words, SPARK! Yan ung naramdaman
ko. Literal na naramdaman ko yung kuryenteng dumaloy at parang nakakita ako ng
ilaw sa pagkakaalis ng kamay ko sa kamay niya. Nakita ko ahh ewan ko lang sa
kanya? Hhmmm... Nag-accelerate ang speed ng heartbeat ko. DUG! DUG! DUG! DUG!
DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG!
"Mahal na Prinsipe, ayos
lang po ba kayo?" Tanung ng guard kay.....
"KANINO?" Nagulat
ako sa isip ko.
"SA MAHAL NA PRINSIPE?"
Ako ulit.
Iniangat ko ang mukha ko
upang malaman kung tama ba ang narinig kong tinuran ng tagabantay. Mataman kong
inimbak sa sulok ng aking balintataw, sa kaibuturan ng aking puso, gugunam-gunamin,
aariing salik ng aba at payak kong kabatiran ang mga namutawi sa labi ng
tagabantay bago ko nabatid na.....
"Patawarin niyo ako sa aking
kapangahasan Mahal na Prinsipe. Hindi ko po sinasadya ang mga nangyari."
Paumanhin ko sa kanya habang tumatayo ako. Nang makatayo'y nag-bow ako ng 90° ng
ilang beses.
"Sige po. Mauna na po
ako. Late na po ako sa klase ko. Ipagpaumanhin niyo po." Kumaripas ako ng
takbo dahil sa kaba at hiya.
Narinig kong nagsalita siya
ngunit hindi ko na narinig dahil sa bilis ng pagtakbo ko. Hindi ko alam kung
anung meron sa kamay niya at nakuryente ako pero bahala na si Batman.
Question! Sasabihin natin na
bahala na si Batman satin pero sino namang bahala kay Batman? Hmmmmm. Ay ewan!
Bakit ko ba iniintindi si Batman?
"Ano kayang magiging
takbo ng buhay ko dito sa The Royal Academy? Makakadaupang palad ko pa kaya
siya?" Tanong ko sa sarili ko habang hingal na hingal sa pagtakbo papunta
sa first class ko. Ang lalim ahh? Makadaupang palad talaga? Kanina pa ko. Hahaha.
Nakailang minuto din ako sa
kakatakbo at kakahanap sa room ko. Room A404 College Algebra. Maraming building
sa TRA kaya nahihirapan ako maghanap. Takbo dito. Takbo doon. Lingon dito.
Lingon doon. Hingal na hingal na ako.
BLLAAAAGG!!!!!
May nakabanggaan akong lalaki
dahil sa paglingon ko sa likod ko habang tumatakbo. Pangalawa! Pangalawang
beses ko na 'to ngayong araw na matumba.
"Are you okay?" Tanung
sakin ng lalaki.
"Oo. Ayos lang naman ako."
Akmang tatayo pero natumba ulit ako.
"Ouch! Aray! Ang
sakeeeet! Ang sakeeet ng paa ko." Napalakas ata yung pagkakabanggaan
namen. Hindi ako makatayo. Aarrggh!
"Halika! Dalhin kita sa
Clinic. Freshman ka ba? Para kasing naghahanap ka? Tama ba?"
" Ahh oo eh. Kanina pa ko
naghahanap sa room ko. Oh bakit ka nakaganyan?" Nakatalikod kasi siya sakin
na nakaupo tapos yung kamay niya na aalalayan ako sumampa sa likod niya.
"Hoy! Bakit ka
nakaganyan? Wag mong sabihing magpipiggyback ride ako sa'yo?" Ako.
"Oo. Bakit? Dadalhin
kita sa clinic. Tsaka hindi kasi ako kumportable kung aalalayan kita na
nakasampa ung braso mo sa leeg ko. Awkward eh! Hehe." May kakulitang sagot
ng lalaking nakabanggan ko.
"Awkward? Eh mas awkward
pa nga na nakapiggyback-ride ako sayo diba? Mararamdaman mo yung ano ko.
Hmpt..." Sa isip ko.
Naputol ang pag-iisip ko
dahil hinawakan niya ang kamay hanggang sa inalalayan niya akong makasampa sa
likod niya. Wala akong nagawa. Nabigla ako eh.
"Huy okay lang ako. Wag
muna akong intindihin. Arraayyy!" Hinampas ko ang balikat niya kasi
nasaktan ako sa pag-ayos niya sakin sa likod niya.
" Wui masakeeeet!"
"Ay sorry! Hehe."
Si lalaki.
Infairview Quezon City, ang
bagal ng lakad namen. Sinasadya niya ba? Hmpt..... Mga ilang minuto ang
namayani habang naglalakad kami patungo sa kung saan.
"Ah eh nunga palang pangalan
mo? Salamat sa tulong ahh." Ang medyo nahihiya kong tanong.
"Ryd... Ryder Eli Lorenzo.
Call me Ryd. How 'bout you?" Confident niyang sagot sa tanong ko.
"Jayden Clark Reith
Altamirano. Jayd for short. Hmmm parang alam na alam mo ang pasikot-sikot dito
sa TRA. Dito kaba nag-aaral? Course? Year?"
"Actually, dapat 2nd
year na ko kaso nagbulakbol kaya ayun balik 1st year. ECE. ECE course ko. Ikaw
ba?"
"ECE din ako eh. Freshman.
So bale magiging kaklase kita?"
"Haha. Parang ganun na
nga. Galing noh!"
"Huh? What do you
mean?"
"Wala wala. Dont mind
it. Hihi."
"Kanina pa 'to tumatawa
ahh Problema nito? Hmmmm..." Sa isip ko.
Marami-rami din kaming
napag-usapan. Kung anu-ano lang. Parang antagal na namen magkaibigan. Pero ahh.
Ang gwapo niya. Matangkad din siya. 6'1" nga daw height niya eh. Haha. At
ang linis ng batok. Aarrggh! Inaatake na namen ako ng "Vampire
Syndrome" ko. Gusto kagatin yung batok niya. Woohoo!
"Wui nasan na tayo?
Dormitory niyo ata toh eh? Bakit tayo nandito? Diba sa clinic mo dadalhin?"
Sunod-sunod kong tanong kay Ryd pero hindi siya sumagot. Dire-diretso lang ng
lakad sabay pasok sa isang room.
"Since ako nakabangga mo
eh di ako ang maggagamot sa'yo." Siya sabay baba sakin sa isang malambot
sa sofa. Umalis sya saglit at pumasok sa kwarto niya ata. Naglibot ang mata ko
sa dorm niya. Modern! Magara! In short, pang-mayaman. Nahagip ng mata ko ang
kanyang wall clock.
"WWWWAAAAAAHHHHH!!!!"
Sigaw ko.
Bigla namang lumabas si Ryd
mula sa kwarto niya na may dalang first aid kit. Nataranta siya dahil sa
pagsigaw ko.
"Anyare? Bakit ka sumigaw?
May masakit ba sa'yo?" Si Ryd.
"Hindi na ko nakaattend
sa first class ko. 9am pala klase ko pero alas diyes na eh."
"Yun lang naman pala eh.
Tsk! Akong bahala sa'yo. Hindi mo kilala ang lalaking nasa harap mo. Wahahaha."
"Sigurado ka?"
Pag-aalangan ko sa sinabi niya.
"100% sure. Akong bahala
sa'yo. Tsaka wag ka nang pumasok ngayong araw. Ihahatid kita sa inyo."
Paninigurado sakin ni Ryd sabay kindat.
"Wag na! Wag na!
Nakakahiya. Kaya ko na umuwi mag-isa. Malaki na ko noh?"
-------------------
Nandito ako ngayon sa kwarto
ko nakatingin sa kisame. Mapilit talaga si Ryd kaya wala akong nagawa. Hinatid
niya talaga ako sa bahay namen. Pinainom niya rin ako ng gamot para mawala yung
sakit sa paa ko. Niyaya ko siyang pumasok sa bahay namen pero ayaw niya. He has
some appointments pa daw to attend.
Hindi ako nakaatend sa klase
ko for this day dahil sa kalampahan ko. First pagkatumba with failed tulong
from Prince Alex. Second pagkatumba dahil nagkabanggaan with Ryd. Hindi ko alam
ahh pero ewan. Nabobother lang ako. Tsk! Nakatulog na lang ako dahil sa pagod
at pag-iisip. zzZZZZzzzzZ.
Itutuloy.....
next nahhh.... :D
ReplyDeletei like the story heheh ganda ng flow sa story keep up and sana 2loy2x yung update
ReplyDeleteKING2HEARTS???????????????????????????
ReplyDeletewwwweeeeeeeeehhhh
Lee Seung gi
nice start! next chapter na :]
ReplyDeleteyoucancallmejm
hindi ako nagandahan sa chapter na ito. parang kakalogan lang. tingnan natin sa next chapter kung kikiligin ba ako.
ReplyDeleteching
Bukas (July 17 6PM) po ang Chapter 2 ng TRS 1.0. Pakiintay na lng po nio. Hehe. :-*
ReplyDeleteSa mga ngcomments, hindi aq makapgreply sa comments niu thru my phone kaya hindi q po kau mamemention dito pero salamat sa pgcomment. Sa susunod po ulit. :-)
@ching: salamat din sa comment niu. Hehe. Sana po ay kiligin kau sa mga susunod na Chapters. Sana! :-P
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete