“PO?!”
napahiyaw naman ako sa gulat. “Ano pong nangyari?!” Hindi ko mapakaling tanong.
Natataranta na ako. Ano na naman ba ang ginawa ni Matt? “Nagtataka kasi ako
kung bakit hindi pa siya nauwi. Ayun pala nagpunta ng Maynila. Nagpakalasing
daw. Nabundol tuloy ng kotse. Buti na lang ay may nagmagandang-loob at hinanap
ang ID niya at tinawagan ako. Mabuti na rin at nadala agad siya sa ospital.”
Pagpapaliwanag nito. Halata ang lubos na pagkabagabag sa boses niya. “Please,
Josh. Hinahanap ka niya, eh.” Pagmamakaawa niya. “I’ll see, tito.” Ang tangi ko
na lang sinabi. “I’ll be expecting you. Please don’t let my son down.” At
binaba na nga niya ang telepono. At wala na akong sinayang na oras.
“MA!”
humahangos kong tawag sa kanya papunta sa kwarto niya. “Anak! Anong nangyari?”
gulat niyang tanong. “Ma, punta tayo sa St. Luke’s! Please. Naaksidente
kaibigan ko.” Taranta kong sabi sa kanya. “Anak, gabi na. Pwede bang bukas na
lang? Wala ka namang pasok.” Sabi niya. Napailing naman ako. “No, ma! I need to
be there NOW!” demanding kong tugon. “Chill lang, anak. Sige, magbibihis lang
ako.” Naguguluhang sabi ni mama. “Pakibilisan po.” Ang tangi ko na lang nasabi
at nagtungo na nga ako ng kwarto para magbihis.
--
“Janine!
Si Matt...” “Oo, Josh! Papunta na nga rin ako eh.” Pagputol niya sa akin.
Tinawagan ko siya the moment makasakay ako sa kotse. “Ano na daw ba balita?”
nag-aalala kong tanong. “Hindi ko nga rin alam, eh. See you there na lang.
Ipagdasal na lang muna natin siya.” Sabi niya. “Okay, see you.” At binaba ko na
nga ang cellphone.
Matt,
ano na naman ba ‘tong ginawa mo? Lagi mo na lang pinaparamdam na ako ang may
kasalanan. Napailing na lang ako at tahimik na ipinagdasal ang kaligtasan ni
Matt.
--
“Josh!
Thank you at nakapunta ka!” aligagang salubong sa amin ni Tito Richard. “Oo
naman po. Nag-aalala na rin po ako kay Matt.” Sabi ko. “Ako nga pala si Stella,
nanay ni Josh. Magkaklase pala mga anak natin.” Pagpapakilala ni mama. Sa
naganap na palitan sa harapan ko ay ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa
pala napapakilala si Matt kay mama. Sa tinagal-tagal naming naging magkaibigan
ay ni minsan ay hindi pa siya nakakapunta sa bahay namin. Nakakagago lang. Kaya
siguro takang-taka si mama kung bakit alalang-alala ako kay Matt eh hindi naman
pala niya ito kilala.
“Ma,
paiwan na lang ako dito. Bukas na lang ako uuwi.” Pagpapaalam ko kay mama. Kahit
naman kasi papaano ay hindi ko maitatangging hindi ako mapapakali kapag hindi
ko nabantayan ang bestfriend ko. Napaisip naman sandali si mama. “Ako na
bahalang maghatid kay Josh bukas.” Nakangiting sabi ni Tito Richard. Napatango
naman si mama, nagsabi ng ilang salitang pampalakas ng loob kay tito at umalis
na. Binilinan lamang niya ako na huwag magpapagabi ng uwi bukas. Niyakap ko
siya at nagpasalamat.
“Tito,
ano nga po ulit ang nangyari?” tanong ko nang makaalis na si mama. “Ayun nga,
mukhang may dinadalang problema yata ang anak ko, eh... napapansin ko nitong
mga nakaraang araw na wala siya sa sarili. Parang nawala ang sigla niya. Hindi
siya umuwi kanina, nalaman ko na lang na nakarating na pala siya ng Tomas
Morato at naglasing. Ewan ko ba kay Matthew, maglalasing na nga lang, sa malayo
pa gusto.” Mapait na biro niya. Napabuntong-hininga si tito. Natigilan naman
ako sa sinabi niya, tila may isang matigas na bagay ang humampas sa ulo ko.
Hindi ako manhid para hindi malaman na ako naman talaga ang dahilan ng
pagbubulakbol niya ngayong araw.
“Kamusta
na po siya?” alangang tanong ko. “Sa ngayon, stable na daw siya. Teka nga,
halika puntahan na natin. Sa kwarto na lang niya tayo magkwentuhan.” Pag-anyaya
ni Tito.
Nang
makapasok ako ay nadatnan ko si Matt. To be honest, I was expecting something
na makikita mo sa mga telenovela kapag may mga naaksidente. Iyong tipong may
benda sa ulo, at may kung anu-anong aparato ang nakakabit sa katawan. Thank God
hindi ito ang Matt na nasilayan ko. Bukod sa ilang mga maliliit na galos sa
braso at isang maliit na hiwa sa pisngi, ay mukhang stable naman ito.
Nagpasalamat ako sa Diyos dahil mukhang maayos na naman ang lagay niya.
“Alam
mo Josh, sabi sa akin ng doktor na tumitingin sa kanya kanina sa emergency ay
sinasambit niya daw ang pangalan mo habang unconscious siya.” Paglalahad ni
tito. Nanlaki naman ang mata ko sa natuklasan ko. “Ikaw ang hinahanap niya,
Josh. Kapag kinukwento ka niya sa akin eh kitang-kita ko ‘yung kakaibang sigla
sa kanya. Kitang-kita kong masaya ang anak ko.” Hindi ko na alam ang sasabihin
ko kay Tito kaya natahimik na lamang ako. “Malaki ang pagpapahalaga sa iyo ng
anak ko. Sana huwag mo siyang biguin, hijo.” Pakiusap niya. Nanlambot naman ang
puso ko sa sinabi ni tito.
Nakakatakot
pala talaga. Everything in life is volatile, hindi mo alam kung anong
mangyayari sa susunod na segundo. Gaya ng pagkakaaksidente nitong si Matt.
Natakot talaga ako, hindi ko maipaliwanag pero sobrang nanlulumo ako kapag
naiisip ko ang mga posibilidad na mangyari sa kanya dahil sa pagkakapahamak
niya. Normal ito, dahil kaibigan ako. Kaya naman napagdesisyunan kong patawarin
na si Matt. Baka mamaya ay mahuli pa ang lahat.
“Ano
bang nangyari at nagkaganiyan siya, Josh?” tanong ni tito. Tila binuhusan naman
ako ng malamig na tubig sa tanong na iyon ni tito. Alangan namang sabihin kong
hinalikan ako ng anak niya?! Kabaliwan iyon kung ganoon. “Ahh... kasi po...”
“JOSH!”
pag-entra ni Janine sa kwarto na nagpatigil sa pagsasalaysay ko na
ipinagpasalamat ko. I was spared from the agony of trying to explain what
really went down that night. Nagyakapan naman kami at bigla na lamang siyang
naiyak. “I’m so sorry, Josh... I didn’t mean....” humahagulgol na sabi ni
Janine. “Shhh, may kasalanan din naman ako dahil umabot pa tayo sa ganito. Sorry,
Janine.” Pag-aalo ko sa kanya. At doon ay alam namin na bati na kami.
“Mukhang
may malalim na dahilan, ah.” Sabi ni Tito. “Sige, bibili lang ako ng makakain
natin at saka niyo ikwento.” Sabi niya. “Nako, tito! Huwag na po, kumain na po
kami.” Pagpigil ko. Tumango din naman si Janine. “No, I insist.” Nakangiting
sabi niya at lumabas na nga siya ng kwarto ni Matt.
“Hoy,
anong idadahilan natin kay Tito? Tinatanong niya kung bakit nagkaganiyan si
Matt. Alangan naman sabihin ko na dahil...” natigilan ako, medyo nagpapanic na
ako dahil alam kong wala akong maisip na maganda, at higit sa lahat,
kapani-paniwalang excuse na kakagatin ni tito. “Relax. Sabihin natin na
nagkagalit tayong tatlo dahil ahmm... nasira niya ‘yung pinaghirapan mong
project tapos dinepensahan ko pa siya kaya nagalit ka na rin sa akin.”
Suhestyon niya. “Sige.” Pagsang-ayon ko.
“Basta,
Josh okay na tayo, ah?” paninigurado ni Janine. Ngumiti naman ako. “Oo naman,
after what happened to Matt doon ko lang narealize how lucky I am to have the two
of you... kahit parehong sira ang mga turnilyo niyo.” Natatawa kong sabi. Natawa
din naman siya. “Gago, akala ko seryoso na, eh. Ok na eh!” sabi ni Janine.
“Pero seriously, thank you ha!” nakangiti niyang sabi.
“Ay,
Jans! Shit, may ikkwento ako!!” di ko mapakaling bulalas nang maalala ko ang
nangyari noong huling sleepover ni Gab sa bahay namin. “Ay omg, scoop ‘yan!
Anyare?! Details!” excited niyang tugon. “Si Gab...” ngunit bago pa man ako
makapagkuwento ay bumalik si Tito Richard sa loob ng kwarto. “Nagpadeliver na
lang ako.” Sabi niya. “Thanks po.” pagpapasalamat ko.
--
“Tito?
Kailan daw po siya magigising?” tanong ko habang kumakain kami ng chickenjoy na
binili ng tatay ni Matt. “Siguro bukas. Sabi ng mga doctors nagkaroon lang daw
siya ng mild concussions kaya unconscious siya, but it’s not something
dangerous naman daw. Buti daw mahina lang ‘yung impact nung accident.”
Pagpapaliwanag niya. “Ngayon, ako naman ang may itatanong. Anong nangyari sa
inyong tatlo, ha? Nagaway-away kayo, noh?” pang-iintriga ni Tito. “May kaunting
misunderstanding lang po.” Pag-amin ko. Napatango naman siya.
“Tito,
alam kong nagkaroon rin po ako ng parte kung bakit nangyari ito, kung siguro po
ay naging mas maunawain ako kay Matt...” “No, no. Hindi kita sinisisi sa
nangyari, don’t worry. Si Matt ang may responsibility sa mga actions niya. It
just so happens that hindi niya nagamit ‘yung utak niya this time.” Tugon ni
tito. Medyo nabunutan naman ako ng tinik dahil wala naman palang sama ng loob
si Tito sa akin dahil sa nangyari kay Matt. Humanga din naman ako sa tindi ng
pang-unawa niya sa anak niya. Kung si mama ito at sa akin ito nangyari ay
siguradong kakaltukan niya ako. Iba si Tito Richard. Kaya siguro ay hindi niya
magawang magalit kay Matt ay dahil ito ang kaisa-isa niyang anak at pamilya.
“Basta
may advice lang ako sa inyong dalawa. Alagaan niyo ang isa’t-isa. Try to
resolve conflict as soon as possible. Kayamanan niyo ang isa’t-isa. Huwag
niyong papabayaan ang pagkakaibigan niyo. Naiintindihan niyo?” malalim na
pahayag ni tito. Napangiti naman ako at tumango. “Yes, boss!” ang tugon naman
ni Janine na may saludo pang nalalaman. Natawa naman ako sa kanya dahil tila
close na close na sila ni tito para umasta siya ng ganoon.
--
Nagprisinta
ako na ako na lang muna ang magbabantay kay Matt kinabukasan. Sabi ko kay tito
ay magpapasundo na lamang ako kay mama mamayang gabi. Nakita ko kasi na walang
pwedeng maiwan sa kanya. Alam ko kasing maraming aasikasuhin si Tito, ngunit
nahihiya lamang siyang magrequest sa akin kung pwede bang ako na lang ang
magbantay muna sa anak niya. Halata naman eh, kaya ako na mismo ang
nagvolunteer. Alam ko namang maiintindihan ako ni mama kaya okay lang na
magpagabi ako kahit na pinaalalahanan niya akong huwag magpagabi kahapon.
“Uhmmm...
uhhh.” Rinig kong may parang umuungol habang ako’y nagmumuni-muni. Nang tingnan
ko ang direksyon ng pinangagagalingan ng tunog ay nakita kong nagising na pala
si Matt. Hawak ng kamay niya ang kanyang ulo at tila may iniindang sakit.
“Mabuti naman gising ka na.” Nakangiti at masigla kong bati sa kanya. Ilang
oras na rin akong nagpractice para dito. Gusto ko kasi paggising niya ay makita
niyang wala na akong galit o hinanakit sa kanya.
“Jo...
Josh?” nauutal niyang baling sa akin. “Oh, bakit parang nabigla ka?” natatawang
tanong ko sa kanya. Halata kasi sa mukha niya na naguguluhan siya, at tila
maiiyak na. “Ah, eh.. ano... paanong... bakit...” utal-utal na sabi ni Matt. “Nako,
kumain ka na nga muna. Teka, ibibili lang kita ng noodles sa labas.” Sabi ko.
“Pero, Josh... teka—“ “Basta kumain ka. Sandali lang ako.” Pagputol ko sa kanya
habang patungo sa pinto.
--
“Josh,
‘di ko pa rin maintindihan, baki—“ “Kumain ka!” pag-utos ko sa kanya habang
sinusubuan ko siya ng noodles na nabili ko sa canteen ng ospital. Agad naman siya
tumalima at sinubo ang pagkain. “Josh, I mean, hindi mo pa ako—“ “Nganga!”
pagpigil ko ulit. Para naman siyang batang takot na takot na mapagalitan ng kanyang
magulang at humigop muli ng sabaw. “Jo...” “Kapag nagsalita ka pa, ibubuhos ko
‘to sa’yo.” Banta ko. Agad din naman siyang nanahimik. “Dapat maubos mo ‘to
nang magkalakas ka.” Paalala ko sa kanya.
Nanatili
naman siyang tahimik habang sinusubuan ko siya ng noodles. Ngunit hindi niya
maalis-alis sa akin ang kanyang nagmamaka-awang tingin na medyo kinailang ko.
Nang maubos niya na ang pagkain (takot niya lang sa akin kung hindi niya ubusin
iyon haha), ay tinapon ko ang mga basura at naupo sa tabi niya.
Katahimikan.
“Ok
na.” sabi ko ng hindi hindi siya tinitingnan. “Hindi na ako galit.” Seryoso
kong sabi habang nakatingin lang sa harap ko. “Sorry...” mahinang bulong niya.
Nang balingan ko siya ay nakita kong may tumutulo ng luha sa pisngi niya. Naawa
naman ako sa ayos niyang iyon. “Sorry talaga, bes. Hindi kita pinagtritripan.
Kahit kailan hinding-hindi ko magagawang saktan ka ng ganoon. Josh... sorry.”
Parang batang humahagulgol niyang pagmamakaawa.
“Ok
na nga. Ang kulit!” may bahid ng pagkairitang sabi ko. “Hindi pa, eh! You’re
still angry!” parang bata niyang sabi sa akin. “Oo, okay na ‘yung about sa
sleepover, pero bes! Nag-iisip ka ba? Hindi maganda ‘yung ginawa mo! Naglasing
ka tapos sa kung saang lupalop mo pa piniling gawin iyon. Hindi mo alam kung
paano kami nag-alala sa’yo. Akala ko may masama ng nangyari sa’yo. Akala ko
mawawalan na ako ng bestfriend. Pinag-alala mo ako ng husto, Matt.”
Paglilitanya ko sa kanya. Hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko at naiyak na
rin ako. Ito ang kinaiinisan ko kay Matt: ginagawa niya akong iyakin. Nag-alala
naman talaga ako ng husto. Iniisip ko pa lang na mawawala siya sa buhay ko eh
nahihirapan na akong huminga.
“Opo,
hindi ko na uulitin. Huwag ka na umiyak, bes. Nasasaktan ako, eh.” Pag-aalo
niya sa akin. “Kung alam mo lang kung bakit ko nagawa iyon...” sabi niya. Napatigil
naman ako sa pag-iyak. “Bakit nga ba?” takang tanong ko. “Ah... eh...” pagstammer
niya.
“Ay,
anyare!?” bungad ni Janine sa amin na pumutol sa dapat sasabihin ni Matt.
Napatingin naman kami ni Matt sa may pintuan at nakita namin si Janine na
nakangisi. “MMK ang peg?!” hirit niya. “Kayo talagang mga lalaki kayo! Ang
ddrama niyo. Sakit sa bangs. Oh, I brought you some fruits, bebe Matt.” napangiti naman si Matt nang makita si Janine.
“Dinamihan ko ‘yung banana ‘coz I know that you loooove bananas.” hirit ni
Janine at kinindatan si Matt. Namula naman si Matt sa sinabi ni Janine, habang
ako’y napahagalpak sa tawa. Iba kasi ang dating sa akin, eh. Idagdag mo pa na
ang pilyang si Janine ang nagsabi noon. Dito ko narealize kung gaano ko talaga
namiss ang dalawa. Masaya ako dahil buo na ulit kami.
Nagkwentuhan
kami ng matagal. Grabe, parang ang tagal na naming hindi nagkikita-kita, pero
kung tutuusin eh ilang araw lang naman kami hindi nagkaintindihan. Tawanan,
asaran at kung anu-ano pa. Nang maglaon ay pinagpahinga muna namin si Matt
dahil alam naming kahit papaano ay nanghihina pa rin ito. Lumabas muna kami ni
Janine sandali sa kwarto ni Matt. Naupo kami sa sahig. Ginamit ko ang
pagkakataong ito para ikwento kay Janine ang nangyari nang mag-overnight si Gab
sa bahay namin.
“Jans,
something’s bothering me.” Pagsisimula ko.
“Tungkol
naman saan?” tanong niya.
“It’s
about Gab.”
“What
about him?”
“Kasi
ganito ‘yun. Kailan lang nag-overnight siya sa amin. Then nang wala kaming
magawa nagkwentuhan kami. So tanungan ganon. Then sabi niya ako daw ‘yung
dahilan kung bakit sila nagbreak ni Therese...”
“OMG,
sinabi niya ‘yun?” pagcut niya sa akin.
“Oo,
pero patapusin mo muna ako, Jans. So siyempre nagulat at nagtaka ako so
tinanong ko kung bakit ako. Sabi niya, kasi nga daw nabother siya ng sobra sa
pagiging cold ko, then napabayaan na daw niya ‘yung relationship nila ni
Therese. ‘Yun.”
Napatango naman si Janine.
Napatango naman si Janine.
“Pero
ito talaga, eh. Jans, naguguluhan ako sa mga pinapakita niya. Alam mo ‘yung
siguradong-sigurado ka na sa ibig sabihin ng actions ng isang tao, pero ayaw mo
pa ring maniwala hanggang marinig mo mula sa bibig ng tao na ‘yun ang ibig
sabihin noon?” sabi ko.
“Oo,
gets ko... but how does this relate to Gab? Ano bang ginawa niya?”
“Kasi,
naalala mo ‘yung kinwento ko sa’yo nun? ‘Yung sinabi niya sa ospital na mahal
daw niya ako. So tinanong ko siya kung ano ibig sabihin noon...”
“Anong
sabi niya?” curious niyang tanong.
“Wala.”
Sagot ko.
“Ay.”
Tila naguguluhan at disappointed niyang tanong.
“Pero...”
“Pero?”
“May
ginawa siya. Hindi niya sinagot ‘yung tanong ko, pero may ginawa siya.”
“Ano?!
Dali, nambibitin pa eh. Ano ginawa niya?”
“Hinalikan
niya ako sa pisngi...” nahihiya kong bulong sa kanya.
Nanlaki
naman ang mata ni Janine at eksaheradang naging hysterical.
“OMG,
JOSH! OMG!!! Gaga, ibig sabihin... Si Gab...”
“Mahal
niya rin ako...?”
“Oo,
‘yun na nga ata!” si Janine na patuloy pa ring nagwawala.
“So
hindi siya straight. Friend! Di ko na keri ‘to! Ibig sabihin Mutual
Understanding itey!” Si Janine pa rin.
“Pero
ayoko pa rin umasa kasi ‘di naman niya sinabi, eh.” Pagdadahilan ko.
“Kahit
na! Friend! Denial queen ka talaga forever! Ikaw! Hahalik ka ba ng ibang tao,
more importantly, ng LALAKI kung walang dahilan?! Hindi! Grabe! Hindi ko ‘to
inexpect from Gab.” Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Janine habang
napapailing.
“Pero
to be honest... parang may kulang. Parang hindi ko na siya kamahal tulad ng
dati. Parang nabawasan. Ewan ko.” Sabi ko.
“Bakit
naman?” interesadong tanong niya.
“Parang
may pumipigil sa akin. Parang ‘yung puso ko, ewan. Parang may ibang taong
tinitibukan. Ayokong isipin, pero parang kilala ko na, eh.” Nagulat din ako sa
sinabi kong iyon. Ni minsan ay hindi ko naman talaga pinagtuunan ng pansin ang
posibilidad na tao ang dahilan kung bakit nabawasan ang pagmamahal ko kay Gab.
“Sino?
Hoy Josh, bakit parang hindi ko alam ‘yan?”
Si Matt, sabi ng utak ko. Nagulat naman ako sa realization na iyon.
“Ayaw
ko muna sabihin. Kapag nasiguro ko na kung anuman ito, at saka ko na lang
sasabihin.”
Niyakap
naman ako ni Janine na ikinagulat ko.
“Huwag
kang matakot, Josh. Sundin mo ang nilalaman ng puso mo. Kundi man ‘yan si Gab,
hayaan mo lang. Kaligayahan mo rin ang pinakamahalaga. Di porke’t nalaman mo na
ang damdamin ni Gab, eh pipilitin mo ang sarili mo. Basta, hayaan mo lang
magdecide ang puso mo whether it’s Gab or not.” Makahulugan niyang sabi.
Nagpasalamat ako sa kanya pagkatapos noon.
At
nang matapos ang usapan namin ay mas lalo akong naguluhan sa nararamdaman ko.
Posible
nga bang mahal ko na si Matt? Alam kong may namumuo na akong damdamin para sa kanya
dahil sa lahat ng kabaitang pinakita niya sa akin, pero sapat na ba iyon para
matawag na pagmamahal? Dahil ba sa nangyari, na muntik na siyang mawala sa akin
kung kaya lalong umusbong itong nararamdaman ko kay Matt?
Posible
bang mahal ko na talaga siya... at hindi na si Gab ang itinitibok ng puso ko?
--
Itutuloy...
Yung feeling na ayoko munang basahin to! Tapos tsaka ko na babasahin pag meron ng chapter 25 and so on... Ayoko kasing mabitin ng bonggang bongga! I'll store it nalang ulit sa "Pocket" then I'll read the whole story all over again para nmn makasakay muli ako sa kilig moments from the top to this chapter!
ReplyDeleteMr. Author: sana mapost muna ang mga natitirang chapters (medyo demanding) haha :D so so excited lang to read the whole story in one sitting :D anyways, more powers! God bless :">
Wow, thank you! To be honest, malapit na ako matapos sa story! Sana hindi makasagabal ang acads ko haha lol. Pero malayo pa siya sa mga nakapost dito. :)
DeleteHantagal nmn po ng next chapter (taen-tae?) :) hindi nako mapakali kakaintay sa susunod na kabanata. Sana maupdate na po sya at sana po Mr. Author pakidamihan ng ipopost mo pong chapter at pakihabaan din po (demanding!) haha.. More powers! Good luck & God bless :D
ReplyDeleteThank you! :D Bukas ako mag-uupdate. :)
Deletepareho mo silang mahalin, para walang masaktan. hehe. magsama kayongtatlo. haha
ReplyDeletebharu