Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 11
(Give me a heart break)
[Alex’s
POV]
Pagkatapos
ng klase ko, nag check ako ng phone.
Puro text ni Charlene.
Tadtarin ba naman ako ng text ng babaeng ito.
“Best, nasa baba
ako ng building hintayin kita.” Nagreply naman ako.
"O tapos..." biro ko.
"Bilisan mo na lang bumaba."
"Ayoko nga."
"Bilisan na. nagiinarte pa eh."
“Sige na nga.”
Then
nakita ko na may text si Kieth.
“Tapos ng class ko. Punta na ako sa may
cafeteria, hintayin kita.” Di naman ako nag reply. Haixt.
"Ano bang naisip niya at hinihintay niya ako sa cafeteria?" nautal ko na lang sa sarili ko.
Pagkababa
ko ng building nakita ko agad si Charlene.
“Ano ba yan ang tagal!”
“Maka
reklamo ka wagas ah.” Sabi ko.
“Tara
na uwi na tayo.” Yaya niya
“Wait
lang, pupuntahan ko lang ang kamahalan.” Sabi ko.
“Anong
update na sa inyo?”
"Wala.”
"Wala daw oh...."
"Wala nga. Wag kang mag expect."
“Share
ka naman. Wag kang madamot. Did you?”
“Wag
kang chismosa!”
“Oh
my God! You did it?”
“Che.”
“Ayaw
mong sumagot ibig sabihin may nangyari na?”
“Wala.”
“You
kissed?”
Di
ako sumagot.
“Oh my God! Mahihimatay na ako!” sabi niya
"Gusto mo patain nalang kita?"
"Whatever."
“Gusto
mo ng upak? Grabe makapag react.”
“Masarap
ba?”
“Ewan.”
“Sumagot
ka naman. Mambabalita lang ako.”
“Oo
masarap!” sabi ko.
Napatigil
siya at napatili.
“Hoy loka ka!”
“Really?
Di ka naman si AMALAYER diba?”
“Whatever.”
“Kwento
ka pa.”
“tama
na baka naghihintay na yung kamahalan.”
"Oo na nga. binibitin pa ako eh."
Papunta
na kami sa cafeteria nang makita ko si RD.
Nakangiti siya sa akin. “hello.”
Sabi ko.
“Hi.
Uwian mo na?”
“Yeah.”
“Sabay
na tayo.”
“Papa
RD!” biglang sigaw ni Charlene.
Ngumiti
lang siya.
Itong si Charlene talaga oo.
“Naghihintay sa akin si Kieth.” Sabi
ko.
“Sabay
na tayo.” sagot niya
“Sure
ka?”
“May
sasabihin din naman ako kay Kieth eh.”
“Tungkol
saan?”
“Kay
Arjay.”
“Ah
I see.”
Niyaya
ko na siya.
Sabi ko sa may cafeteria sila.
Papunta na kami sa cafeteria noon
nung makita ko si Kieth, hilahila si Ranz.
Teka, bakit sila magkasama?
Magkakilala ba sila?
“Oh
ayun pala si Kieth eh.” Sabi ni Charlene.
Agad
naman tumakbo si RD at sinundan ko na lang siya.
Nagulat naman ako nung makita siya na nagmamadaling tumakbo.
Ano kaya ang nangyayari?
Parang may hindi ako alam dito ah.
Kakaiba
ang expression ng mukha ni RD.
Kinabahan ako bigla.
Napadpad kami sa may
fountain.
Habang papalapit kami, nakarinig kami ng pag-uusap.
Anong nangyayari
dito?
Bakit magkaaway si Ranz at si Kieth.
Nagsisigawan sila.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa pinanggalingan ng mga boses niya.
Nang
makarating na kami sa may fountain, nakita ko na magkahalikan si Ranz at si
Kieth.
Di ko maintindihan ang sakit na naramdaman ko noon.
Bakit parang sinibat ako ng kahoy sa may dibdib ko?
Natuon ang atensyon ko sa naghahalikang si Kieth at si Ranz.
Nakita ko na nabigla
si Kieth noong makita ako.
Napaluha
na lang ako nang masaksihan ko yung pangyayaring iyon.
Hinawakan ako ni
Charlene sa balikat.
Inalalayan ako.
“Arjay!”
ang nasabi na lamang ni RD.
“RD?”
nakita kong gulat na expression ni Ranz.
“What
the hell is happening?!” nagulat ako nung sumigaw si RD.
“Alex...”
narinig ko na sabi ni Kieth.
Agad
sumugod si RD kay Kieth at sinuntok ito.
Nagbuno ang dalawa hanggang sa awatin
namin.
Galit na galit si RD kay Kieth.
Di ko maintindihan kung bakit.
“Pwede
bang tumigil kayo!!!”
Napatigil
sila sa lakas ng boses ko.
“Alex magpapaliwanag ako.” Sabi ni Kieth.
“Magkakilala
kayo ni Kieth, Alex?” tanong ni Ranz
“Naguguluhan
ako sa nangyayari? Ranz magkakilala kayo ni Kieth? RD bakit galit na galit ka
kay Kieth?” tanong ko.
Walang
umimik.
“SUMAGOT KAYO!!!” sigaw ko.
“Alex...
ang Ranz na kilala mo at si Arjay ay iisa....”
Nang sinabi niya yun, para akong nabuhusan ng malamig
na tubig at may bloke pa ng yelo.
“Ikaw
Ranz at si Arjay ay iisa?”
“Arjay
ang tawag nila sa akin... teka... anong kaugnayan mo kay Kieth?” naguguluhan na tanong din niya.
“Siya
si Alex... boyfriend ko.” Sabi ni Kieth.
Nakita
ko na napaluhod si Arjay.
“Alex? Ba-bakit? Bakit ikaw pa?”
Nakita ko ang pagkakaluhod niya.
“Ex
mo si Kieth?” garalgal na ang boses ko sa nangyayari.
Lumapit
si Kieth sa akin.
Niyakap niya ako pero tinulak ko siya.
Naiilang ako sa
nangyayari.
Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
“Please
hear me out.. makinig ka sa paliwanag ko…”
“Hindi
mo kailangan magsorry.”
“Please...”
“Tumayo
ka jan...”
“Alex.”
“SABI
KO TUMAYO KA JAN!”
Tumayo
siya at parang batang sumunod sa magulang.
“You love each other na naman diba?”
sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.
“Mali
yang iniisip mo… Tek…”
“Iwan ko na kayo.. hinihintay na pala ako ni
mama.. gueh...” iniwan ko sila.
Hindi ko ata kayang makita silang magkasama.
Hindi ko kayang makita yung taong mahal ng mahal ko.
Hinila
ko si Charlene palayo.
Di ko kaya ang sakit.
Nagmahal lang ulit ako pero nasaktan
ako.
Wala akong karapatan na masaktan.
I’m such a loser afterall.
Wala
akong karapatang magalit, sa una pa lang alam ko na ang lahat ng ito ay
pagpapanggap lamang.
Pero ang sakit, ang sakit-sakit.
Di
ko namalayan na naabutan ako ni Kieth.
Hinawakan niya ako sa kamay na siyang
dahilan ng pagkahulog ng aking salamin.
Napatulo na ang luha sa aking mga mata
at napaluhod ako.
“Mali
ang nakita mo, mali ang iniisip mo.” Sabi ni Kieth.
“Kieth...
please... hayaan mo muna si best.” Sabi ni Charlene.
“Please
give us a moment.” Sabi ni Kieth.
“Umalis
ka na.” Sabi ko.
“Please...”
“Diba
eto ang gusto mo? Yung magkabalikan kayo? Ayan tapos na mission ko kaya kakalas
na ako. Makikipag break na ako sayo.”
“Alex
please... wag...” niyakap niya ako.
“Ay
mali pala... wala nga palang tayo... walang Alex at Kieth...” inilayo ko siya
sa akin.
“Wag
kang magsalita ng ganyan.” Nakita ko na umiiyak siya.
“Malaya
ka na diba?.. pwede ng maging kayo!”
“MAHAL
KITA!” narindi ako sa sinabi niya pero may nakapa naman ako sa aking puso.
“Oo
mahal kita Alex, mahal na mahal kita!”
“Sinungaling!”
sabi ko.
“Bakit
ba ayaw mong maniwala sa akin?”
"Kieth panget ako... nakikita mo ba ako?"
"Hindi itsura ang minahal ko sayo.. yung kalooban mo!"
"Wag an tayong maglokohan..."
"Hindi kita niloloko."
“Kaya
mo ba ako pinapunta sa cafeteria para makita yun?”
“huh?”
“Nag
text ka sa akin sabi mo hihintayin kita sa cafeteria.”
Napamaang
siya.
“Akala ko.... akala ko si Arjay.”
“Shit!
Bakit ba kasi di pa nawala tong sim na to. Nang dahil dito nagkandaletse-leche
ang buhay ko!” sabi ko.
“Sorry..
di ko naman sinasadya.”
“Please
iwanan mo na ako.. wag ka ng magpakita sa akin.. naasaktan lang ako..
please...”
“Nasasaktan
ka? Ibig sabihin...”
“Wala
pala akong karapatang masaktan. Sorry.”
“Mahal
kita... ayaw kong mawala ka sa akin...”
“Si
Arjay ang mahal mo at hindi ako....”
“Ikaw
ang dinidikta ng puso ko kaya makinig ka!”
“Ako
na ang angsasabi sayo..di makakabuti ang lahat ng ito!”
“Mahal
kita! Alam ko nakita mo kami ni Arjay na…”
“Na
naghahalikan? Hindi mo ako kilala kaya hindi ka pa sigurado sa nararamdaman
mo!”
“Wala
akong pakialam kung ano ka pa.”
“Pareho
tayong may nakaraan na nakasabit sa atin... kaya di pa pwede... di tayo pwede
at kahit kailan hindi magiging tayo... mahal mo si Arjay at yun ang pagtuunan
mo ng pansin.”
Tumayo
ako at hinila si Charlene.
Nagmadali kaming umalis at iniwan si kieth na
nakaluhod sa may daaanan.
Maraming tao ang nakakita sa nangyari.
Di ko mawari
kung ano ang dapat kong gawin, ang alam ko, dapat lamang akong tumakbo.
Lumayo...
[Arjay’s
POV]
Nakita
kong hinabol ni Kieth si Alex.
Nasaktan ang puso ko sa nangyari.
Dalawa sa
minamahal kong tao ang nawala sa akin.
Hindi ko aakalain na si Alex ang
boyfriend ni Kieth.
Nagkatitigan
kami ni RD.
Di siya umiimik kaya ako na ang nagsalita.
“bakit di mo sinabi?”
“Ang
alin?”
"Bakit
di mo sinabing si Alex ang boyfriend ni Kieth?”
“Dahil
hindi ka naman nagtanong.”
“Kahit
na!”
“Bakit
anong gagawin mo ha?”
“Babawiin
ko si Kieth.”
“Nababaliw
ka na.”
“Wag
mo akong pakialaman!”
“Alam
mong hindi pwede yang iniisip mo dahil mahal...”
“Mahal
ni kieth si Alex? Yan ba gutso mong ipamukha sa akin?!”
“OO!”
“Mahal
niya ako!”
“Pero
bakit iniwan ka niya ngayon?”
“Babalik
siya. Nagbalikan na kami ngayon!”
“Niloloko
ka lang niya!”
Sinampal
ko siya.
Napatigil ako sa ginawa ko. “Sorry.” Ang tangi kong nasabi.
“Aalis
na ako...”
Tumalikod
siya pero niyakap ko siya.
“Ang sakit... ang sakit-sakit...”
“Talagang
ganyan, mahal mo siya eh.. kaso hindi tama eh...”
“Makikipag
break na ako sayo..”
“Paano
yung kasunduan natin?”
“Sorry...”
“Paano
papa mo?”
“Ipaglalaban
ko ito...”
“Hindi
na nga tama to!”
“Wag
kang makialam dahil buhay ko ito at hindi ka kasali sa buhay ko!”
Napatigil ako
sa sinabi ko.
Ang tanga ko talaga, haixt.
“Sabagay,
wala lang naman ako sayo eh...”
“Sorry.
Di ko sinasadya...”
“No..
you just tell the truth...”
“Nabigla
lang ako...”
“Sa
una pa lang alam kong hindi ka na magkakagusto sa akin dahil si Kieth ang gusto
mo. Alam kong panakip butas lang ako at naipit ka lang sa kasunduan natin.
Masydo lang talaga akong assuming kaya ganun ang nangyari.”
“Anong
ibig mong sabihin?”
“Ikaw
ang ikalawang lalaki na minahal ko...” sabi niya
Di
ako makapag salita.
Speechless ako sa nangyari.
Mayamaya naramdaman ko na
umalis na siya.
Naiwan ako doon mag-isa.
Napatulala ako ng bahagya.
Alas
singko na ng mapagpasyahan kong umuwi ng bahay.
Nagbyahe na ako.
Wala pa rin
ako sa sariling tinahak ang aming bahay mula sa kalayuan.
Di ko pa rin
maintindihan ang nangyayari.
Si
Alex ay ang boyfriend ni Kieth.
Mahal ni Kieth si Alex.
Tapos mahal ako ni RD.
Ako daw ang ikalawang lalaking minahal niya.
Pagkauwi
ko ng bahay, agad akong sinalubong ni papa.
Masama ang tingin sa akin. Haixt.
Ano na naman kaya ang nangyari?
“Bakit
ngayon ka lang?”
“May
inasikaso lamang po?”
“Anong
nangyari sa inyo ni RD?”
“Po?”
siguro sinabi na niya yung nangyari. Haixt.
Nalungkot ako bigla.
“Nakikipagkalas
siya sa ksaunduan ninyo.”
Nagulat
ako.
Bakit siya pa ang nakikipagkalas?
Ako ang dapat nagsasabi ng ganun.
“Ano
daw sabi niya?”
“Walang
sinabi eh. Pero.”
“Pa
ayoko na.” Sabi ko.
“Ano?”
“Mahal
ko si Kieth.”
“Tigilan
mo na nga yan!”
“Pa
naman...”
“Itutuloy
na natin itong kasunduan ninyo!”
“Pa...
naiintindihan ninyo ba ang sitwasyon?! Nakulong kami ni RD sa mga pagkakasundo
ninyo! Iba ang mahal ko at iba naman... iba ang mahal niya...”
“Anak
naman...”
“Pa...
isa na lang ang hinihingi ko sa inyo... ang pagbigyan kami ni Kieth.”
“Alam
mo namang kaaway ko ang papa niya at...”
“Pa...
matatanda na kayo para sa mga away-away na iyan!”
“Hindi!”
“Pa...
ayoko na.. hindi ako magpapakasal!”
“Sa
ayaw mo at sa hindi, itutuloy natin ang engagement ninyo!”
Agad
akong tumakbo sa kwarto ko.
Nakakainis, walang-wala akong magawa.
Nakatali na
ang buhay ko sa mga desisyon niya.
Nasasaktan na nga ako eh.
Sobra na akong
nasasaktan sa mga nangyayari!
Feeling
ko wala a akong kalayaan sa mga nangyayari.
Ayoko na!
Sawang-sawa na ako.
[Alex’s
POV]
Walang
sawang tumulo ang luha ko pagdating namin ng bahay.
Si Charlene inalo lang ako.
Ang sakit kasi ng nararamdaman ko eh.
Napakasakit.
Sobrang nasasaktan ako sa
nangyari.
Nahulog
na talaga ako sa lalaking yun.
Blake anong gagawin ko?
Nagmahal lang naman ako
pero wala rin palang nangyari.
Di na pala ako dapat umasa na magiging kami sa
bandang huli.
Isang
kasunduan lang ang nangyari.
Pero ano yung mga pinagsasabi niya kanina?
Mahal
daw niya ako.
Anong ibig sabihin nun?
Totoo ba iyon o isang taktika lamang
niya?
“Best
tahan na.” Sabi ni Charlene.
“Masakit...”
“Di
ko alam gagawin ko...”
Niyakap
ko lang siya ng mahigpit at iinuhos ang lahat ng sama ng loob.
Okay an ako na
magkaroon ng taong masasandalan sa nangyayaring ito.
“Naku
lagot ako nito kay Papa Blake kasi hinahayaan kitang umiyak ng umiyak.”
“Bakit
kasi...”
“O
tama na...”
“Kasalanan
to ng sim card na to eh...”
“Naku
sinisi pa ang sim card.”
“Mahal
daw niya ako..” sumilay ang ngiti sa bibig ko.
“Sus..
biglang ganun. Baliw ka na talaga.”
“Hay
buhay.”
“Sus.
Kanina iiyak iyak tapos ngayon ngingiti.”
“Pero
di ako makapaniwala na si Ranz at si arjay ay iisa.”
“Sino
bang Ranz yan?”
“Siya
yung partner ko sa paper... yung naging kaibigan ko... close friend to be exactly...”
“Mahirap
nga yan. Kitang kita ko na gulat na gulat din siya.”
“Alam
ko wala akong karapatang magalit... pero bakit ganun? Nakita ko silang
naghaha...”
“Haixt.
Ewan ko ba. Siguro pinilit ni Arjay si kieth.”
“Wag
natin i-judge yung tao.”
“Bakit
kasi sobrang bait mo?”
“Bakit
naman?”
“Mantakin
mo kaagaw mo na si Arjay ay ipinagtatanggol mo pa rin siya?”
“Para
kasing kapatid na ang turing ko sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya.”
“Haixt.
Ang bait mo... buti best friend kita.”
“Tss...
inaabuso mo na nga eh.”
“Di
ah... oh okay ka na?”
“Maybe...”
“Ang
arte ha... pa maybe maybe pa.”
“Sige
na umalis ka na!”
“makapag
taboy wagas.”
“Thank
you.”
“Your
very welcome.. andito lang ako for you.”
“Kaya
pag may kailangan ako maghanda ka na.”
“Anything
wag lang tungkol sa money.”
“Hahah.
Ewan. Sige lakad na. Baka mapagalitan ka pa ng tatay mo.”
“Naku
ikaw ang idadahilan ko. Sasabihin ko na hinaras mo ako.”
“Tss.
Kapal mo.”
“Bet
na bet ka kaya ni daddy.Kaw na lang daw gagawin niyang asawa ko.”
“Hahaha.
Adik. Lakad na.”
“Gueh
na. Bye...”
Naiwan
naman ako na nag-iisa.
Maya-maya tadtad na ako ng text galing kay Kieth.
Tumatawag na rin siya pero di ko sinasagot.
Ayoko munang kausapin siya.
Kailangan
ko ng time para magsink in lahat ng nangyari.
Gusto ko muna ng break. Hay
buhay.
Nagising
ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto.
Ano ba yan ang aga-aga
pa?
Si mama yung kumakatok.
“Ma
masira pinto!” sigaw ko.
“Aba
gising na prinsipe.”
“Tss.
Oo na po.”
“Sige
na at malalate ka na...”
“Opo...”
Agad
akong nag-ayos ng sarili ko.
Kahit na nilalamig pa rin hanggang ngayon ay
pinilit kong maligo.
Nakakahiya kaya na papasok ako ng hindi naliligo.
Nagbihis
ako ng presentable.
Ayokong magmukhang kawawa.
Tinanggal ko lahat ng nkadikit sa
aking mukha.
Itinira ko na lang ang pang nerd na salamin at konting gilagid sa
bibig.
Bumaba
na ako matapos ang 30 minuto na pag-aayos.
Nakahanda na ang pagkain at amoy na
amoy ko ang sarap nito.
“The
best talaga kayo ma...” sabi ko.
“Wushu
bola...”
“Aysus...
gusto naman.” Sabi ko.
“Teka..
bakit pugto ang mata mo ha?”
“Ha?
Talaga ma? Baka nakagat ng ipis?” nag arte ako na hindi ko alam at agad humarap
sa salamin.
“Naku
ang anak ko... pwede ka ng mag artista.”
“Ansabe?”
“Wag
mo na akong lokohing bata ka. Matanda na nga ako pero hindi ako uto-uto.”
“Sinong
nagsabing uto-uto ang mama ko?”
“Aysus.
Bakit ka umiyak?”
“Wala
po ito...”
“Huling
beses kong nakita kang umiyak ng ganyan ay noong...”
“Ma..
okay lang po ako...”
“anak..
nag-away ba kayo ni Kieth?”
“Sino
yun ma?” pang dedma ko.
“Ay...
alam na...”
“Ma
wag mo nang banggitin po pangalan ng gunggong na yun.”
“Oh
ano pinag-awayan ninyo?”
“Wala
naman ma...”
“Isa...”
“Napaka
self-centered kasi...”
“Yun
ba talaga?”
“Ayaw
maniwala.”
“Di
ako naniniwala. Ina mo ako kaya alam ko kung nagsisinungaling ka. Bawat utot at
hininga mo alam ko...”
“Ate
V ikaw ba yan?”
“Pwede
na ba anak? Hahaha.”
"Oo ma."
"Perfect."
“Ma
kasi... alam mo na... nakita ko kasi sila ni Ranz... este si Arjay.”
“Si
Ranz at si Arjay iisa?”
“Opo.”
Nakita ko sa mata ni mama ang kaguluhan sa kanyang pag-iisip.
“Ma...
mahal pa ata nung mokong na yun si Arjay.”
“At
nagselos ka?”
“Excuse
me ma. Ako magseselos? Mukha niya. Sa gwapo kong ito?”
“Sus.
Halatang nagseselos ka.”
“Ma
alam kong hindi ako magseselos. Pakialam ko ba sa kanilang dalawa. Magsama
silang dalawa!”
“Oh
lumalaki butas ng ilong. Padeny-deny pa kasi eh.”
“Ma...
may Blake na ako at saka...”
“Anak..
move on.. wala na sa iyo si Blake.”
“Alam
ko naman ma eh.. di ko lang maiwasan... basta ma... hindi kami pwede ni
Kieth.”
“So
nag assume ka na maging kayo?”
“Somehow...
kahit na panget itsura ko... Gwapo niya, mabait kung minsan, once in a blue
moon nga eh, maalaga kahit masungit, sweet kahit palasigaw. Haixt.”
“Mahal
mo ba siya?”
“Gusto
ko siya... at nalilito ako kung mahal ko ba siya.”
“Hay
nakong bata ka. Kung ako sayo aminin mo na. Ganyan na ganyan ka din kay Blake
noon eh. Kala mo kung sinong pa-virgin na babae”
“Ma
naman. Kumplikado ang lahat. At isa pa, ayoko na.”
“Ano
susuko ka na agad?”
“Si
kuya pala?”
“Wag
mong ibahin ang usapan.”
“Ma
kasi alam mo naman kung gaano ko kamahal si Blake kaya nung nawala siya ay
sobrang sakit. Hindi kami pwede kasi di pa niya ako kilala, yung tunay na ako.
Ayokong lokohin siya.”
“Anak
kung ako sayo ay umaamin ka na sakanya.”
“Paano
ma? Wala na... wala ng kami kasi...”
“Lagi
ka na lang ganyan...”
Nagulat ako ng may marinig akong boses mula sa aking
likuran.
Napatayo
ako at natigilan.
Hindi ko mailingon ang sarili ko sa kanya.
Shit!
Narinig ba
niya lahat ng sinabi ko?
“Kung
mahal mo ako, ipaglaban mo.”
Di
ako makapag salita.
Nakita ko na napangiti si mama.
Mukhang napagkaisahan ako
dito ah?
Grabe.
Kinakabahan na ako.
Anong gagawin ko?
Bakit nandito si Kieth sa
bahay ko?
(Itutuloy)
nice naman at updated na. salamat idol. :)
ReplyDeletewalang anuman.. salamat din po sa pag babasa . :))
DeleteSana madalas ang pag update maganda story ei.
Deleteupdate mo plagi maganda kc . . . nice story
Deletesalamat po.... ndi po ako makakapg update lagi.... hahaha
Deleteexcited na ako sa sunod na update..wawa nman si alex :(
ReplyDeleteganda talaga..tnx mr. author!!!
ryan
maraming salamat po. :))
Deleteexcited na ako sa next update..wawa naman si alex :(
ReplyDeleteganda talaga ng story..tnx mr. author
ryan
maraming salamat po :))
DeleteGanda talaga ng story na to eto na siguro pinaka unique na story na nabasa ko hahaha Nice update agad please LoL
ReplyDeletemaraming salamat po.. naku hindi naman po siguro.. marami pong writesr ang mas unique yung akda nila.. hehehehe... pero salamat po. :) Medyo na pressure tuloy ako ngayon.. lalo na at wala pa akong ending na naiisip. -_-
Deletekuya dylan nmn eh... ahhhhh
ReplyDeletegusto ko na basahin ung susunod.. d na ako makapg hntay.. hehehe
galing galing nio po :)))
promise <3
hahahaha.. maraming salamat po.. sobra naman pong nakakaflatter. :)) thanks po talaga.. abangan ang susunod na kabanat. :))
DeleteMahaba ang update ha. Nice chapter nagkabukuhan na. Alex kaw kelan ka mbubuko sa pagddisguise mo? Wag ng pakipot kay kieth. Tnx kyle.
ReplyDeleteRandzmesia
hahahha... salamat po... nalalapit na po yung revalations.. abangan lang po. :))
DeleteKa kilig sana maparami ang updates ka excite ito
ReplyDeleteSana maparami yung updates in one go ka excite nmn to
ReplyDelete@Siule.... hehehe.. salamat po. :))
ReplyDeleteKapag makaluwag luwag ang sched ko po mag update ako ng marami. HAHAHAH :))
Kakainis ang ganda nabitin ako..,ganda talaga ni2
ReplyDeleteJulmax
maraming salamat po.. post ko po memea yung update. :))
DeleteLesheeeeee! Kinikilig talaga ako eh :"> HAHAAHAHAHAHAHHA
ReplyDelete