Followers

Sunday, July 28, 2013

Strange Love 2:Unforgettable 01

Strange Love 2: Unforgettable 01


Nagising ako, at ito ang isa sa mga araw na imumulat ko ang aking mata na para bang may gumising sa akin. Mula sa pag-gising ay pagmamasdan ko ang kisame kahit wala naman interesanteng bagay dito.

It's an empty space.

Ngunit pag sinimulan ko ng iikot ang aking paningin sa loob ng kwarto,magsisimula na akong mag-isip. Kahit ayoko, kahit pigilan ko pa ay di na matatahimik ang isipan ko... Pati na rin ang puso ko. Na araw-araw naiisip ko, sumasagi sa akin yung pagmamahal ko sa kanya. Kahit pa pagod na ako, kahit pa ayaw ko na mag-isip ay naroon pa rin. Lalo pa at ramdam ko na tila pinipiga ang nasa loob nitong dibdib ko...ang puso ko.
   


                Dahil sa sakit, ginugusto mo na lang na maging blanko ka, sa mga emosyon at iniisip. Ayaw mo ng magpakita ng kahit ano pang reaksyon. Sa gayon baka sakali, mamanhid ka at wala ka na lang maramdaman.
   
                Puro ka tanong at sinusubukan mong sagutin yun lahat... araw-araw, para matahimik ka, ngunit hindi sapat... ngunit wala kang magagawa kundi pagdaanan lahat ng ito. Pinili mo kasing papasukin sa buhay mo ang isang taong akala mo totoo sayo. Naniwala ka at nagtiwala na baka ito na ang kasiyahan  na para sa iyo. Tunay nga ang mundo ay malupit... kung kelan ka naniwala doon ka pa nito bibiguin... kung kelan sumubok kang muli.
   




Ang sakit. Iyan ang mga katagang paulit-ulit kong nabibigkas. Na sana sa bawat pagbigkas ng bibig ko nito ay unti-unting mawawala ito. Sa sobrang sakit ni kahit sa pag-iyak ay hindi sapat para mawala ito. Linggo na rin ang nakalipas at ang mga sugat ko ay medyo naghilom na,hindi na rin masakit ang katawan ko, kaya naman sa araw na ito ay makakauwi na ako.



"Mikael, anak mabuti at gising ka na at maaga rating makakapag-handang umuwi. Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?"



"Hindi po ako gutom, inay."bumangon ako at umupo, inabot ko ang mga gamit ko at nagsimulang ayusin ang mga ito.



"Ano ka ba naman anak. Ako na ang bahala diyan at ang intindihin mo eh yung makakain ka. Paano mo mababawi ang lakas mo nyan kung di kakain. Noong isang araw hindi mo na naman ginalaw ang pagkain na dinala sayo dito ng nurse."pag-aalala ni inay sakin.



"Okay lang po ako, mas gusto ko po kasi matulog kaysa kumain."pangangatwiran ko sa kanya.



Tok.tok.tok


Kasabay ng pagkatok ay pumasok ang isang lalaking hindi ko inaasahan na pupunta pa rito.



"Good morning. Uhmmm narito po ako para ihatid po kayo. I was informed po ng doctor ni Mikael na ngayon po ang labas niya."




---ZACH

“Homer, may balita kaba sa ospital?”

                             
“Hmmm, ang alam ko lumabas na si Mikael kaninang umaga.” Tugon ng aking pinsan habang abala itong nagbabasa ng magasin.


“Ano?! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” inis kong balik sa kanya, worried kasi ako sa taong yun, hindi ko alam kung bakit.


“I thought you are mad at him because of how he treated us the first we met him. Kaya I never bothered to tell you anything about his status. I’ve sent him home personally so don’t worry na napabayaan siya.”


“Hinatid mo??” takang tanong ko sa kanya.


“Zach,” tumingin ito sa akin. “bakit bigla mo kong tinatanong ng mga ganitong bagay? At ano naman kung hinatid ko si Mikael? Ako naman itong may atraso sa kanya in the first place right?” tila nayayamot na nitong tugon sa akin.


“Sorry… I was just surprised that you did that and… somehow nainis ako na hindi mo man lang ako isinama.”


“What for?”


“Para mabisita yung si Mikael, tulad ng sinabi mo hindi naging maganda yung huli naming paguusap. Baka nag-over react lang ako sa mga sinabi niya at hindi ko naisip yung kalagayan niya since strangers nga naman tayo sa kanya.”


“Huwag ka na mag-alala masyado pinsan, I think masyadong marami rin iniisip ang taong iyon para bigyan pansin pa niya ang nangyari sa inyo noon. Besides, if he still hold grudges on us eh di sana hindi na siya pumayag na ihatid ko siya sa bahay nila.” Hindi na ako muling nakatugon dito, I just feel sad for no reason.


“I can take you there if you want to.”biglang sambit ni Homer na parang sumuko at naghanap na lang ng solusyon.



---Mikael


Isang lingo pa lang ang nakakalipas pero parang ilang buwan ako naratay sa ospital na iyon. At kahit na ang ginawa ko lang doon ay humiga at matulog ay tila ba pagod pa rin ako o walang lakas para kumilos. Tahimik ang buong bahay, kahit si Inay ay walang imik habang inaayos ang aking gamit.


“Ako na po mag-aayos niyan Nay, papasok pa po kayo sa trabaho diba?”


“Nakapag-paalam na ako sa opisina at bukas na ko tutuloy sa pagta-trabaho. Sa ngayon, ang iniisip ko ang kalagayan mo.” Patuloy pa rin ito sa pagkilos sa loob ng aking kwarto kahit ito ay balisa rin. Hindi ko na sana ipapaalam pa sa kanya ang nangyaring pambubugbog sa akin ngunit dahil may mga nabaling buto sa akin ay kinailangan kong manatili sa ospital. Ang akala ko kasi ay makakauwi rin ako kaagad.


“Magaling naman na po ang mga sugat ko Inay kaya huwag na po kayo mag-alala.” Nagulat na lang ako ng lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit at humihikbi. Alam ko na, matagal niya rin itong pinigilan simula noong nasa ospital kami.


“Anak, alalang-alala ako sa iyo akala ko pati ikaw mawawala na sa akin.”


“Inay naman, hindi naman ganoon kagrabe ang nangyari sakin. Huwag na po kayo umiyak.”


“Hindi ko kakayanin anak kapag iniwan mo din ako eh. Sorry ha, natatakot lang talaga ako…”


“Tahan na po, hindi po ako mawawala. Matagal pa tayo magkakasama, ano ka ba Nay. Uy ngingiti na yan oh. Ayun oh!hahaha!” panunukso ko sa kanya para naman hindi na ito malungkot.


“O Siya sige, ipagluluto muna kita ng makakain.”nakangiti na nitong sabi.


“Sige po, ako na bahala dito po, kaya ko naman na po ito.”


Umupo ako sa kama at tumanaw sa bintana at mula doon ay bumuhos nang muli ang mga luha ko. Sa isang linggong nagdaan ni hindi man lang siya nagpakita. Wala ba siyang pakiaalam sa nangyari sa akin, oo nga pala, ang sabi niya ay ginamit niya lang ako. Ngunit hindi pa rin ako makapaniwala, ang alam ko lang lahat ng pinagsamahan namin ay totoo…


Mas nahihirapan akong isipin kung ano na nga ba ang gagawin ko. Lalo na at marami ding alaala dito mismo sa kwarto kong ito. Ako nga lang ba nagisip na espesyal ako sa kanya? Pinaniwala ko lamang ba ang sarili ko na importante ako kay Jaime?

Humiga ako sa kama habang tinatakpan ng aking kanang braso ang aking mga mata. Pinipigilan kong huwag humikbi dahil baka marinig ni Inay. Ang hirap. Gustong-gusto kong sumigaw dahil sa sakit ngunit ayoko nang mag-alala pa ang magulang ko sa akin. Naaamoy ko pa rin ang natural na amoy ni Jaime mula sa mga unan ko. Kung kaya’t naisip ko na naman yung mga pagkakataon na magkatabi kaming natutulog rito o kaya naman nagke-kwentuhan lang ng kung anu-ano. Kung ano ang mga pangarap namin, ano ang mga gusto namin kainin at pati na rin ang mga harutan at kakulitan namin.

Tumagilid ako sa pagkakahiga kaya naman bahagyang nagulo ang ayos ng pagkakatupi ng mga damit na nilabas ni Inay mula sa bag ko. Bumangon akong muli para ayusin ang mga ito. At mula sa mga damit ko ay napansin ko ang isang bagay na mas lalong nagpadaloy sa aking mga luha.


“Itay…” sambit ko habang dinampot ko sa aking kama ang puting panyo.


Itay, tulungan niyo po ako makaalis sa pighating nararamdaman ko. Hindi po ba sabi nyo ayaw niyong nakikitang umiiyak ako? Kaya tulungan niyo po sana ako. Gusto kong makabalik sa dating ako. Ayoko ng ganito itay, ang bigat-bigat sa dibdib na para bang mas maganda kung sasabog ito, baka sakaling mawala na ang nararamdaman ko.


Walang humpay ang pag-agos ng mga luha sa aking mukha. Kasabay nito ay pinahid ko ito gamit ang puting panyo at inisip ang aking ama.Humiga na akong muli at ipinikit ang aking mga mata habang hawak ko pa rin sa aking kamay si Itay.





“Mikael… Mikael, anak, may mga bisita ka. Gising na muna at para makakain ka na rin.” Malumanay na sabi sa akin ni inay. Nakatulog pala ako habang umiiyak kaya naman pinunasan ko muna ang aking mukha at nagtanggal ng muta sa king mga mata.


“Sino pong bisita? Si Colleen?” tanong ko.


“Hindi anak, si Homer at ang pinsan niya. Sige na anak mag-bihis ka na muna at basa ng pawis yang damit mo. Maghain na rin ako at ng makakain na tayong lahat.”
                                   

Ano kaya ang ginagawa nila dito? Pinsan ni mestisong arogante este Homer? Ano nga ulit pangalan nya? Tanong ko sa aking sarili habang ako ay nagbibihis.


Nag-aalangan ako lumabas kasi hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Ang awkward lang ng pakiramdam na sila ang bisita, mga taong hindi ko kilala. Bahala na nga. Binuksan ko ang pinto at tinungo ang sala, nanunuod sila ng TV kaya hindi nila napansin ang pagdating ko.


“Anong meron?”parang tanga kong tanong sa kanila. It sounded like I am not in the mood to have visitors, mas lalong awkward.


“Ah eh, ang ibig kong sabihin eh… may kailangan ba kayo sa akin at naligaw kayo dito?”napapalatak kong dagdag sa kanila.


“Mikael! Kamusta? Itong si pinsan kasi, he’s worried about you kaya heto napunta kami dito.”tumayo si Homer at tinapik ang aking balikat.


“Worried? Bakit naman? Ok naman na ako. Magaling na ang mga sugat ko kung yun ang ibig niyong sabihin.”Tinignan ko ang pinsan niya at tila ba napahiya ito dahil kay Homer o sa mga sinabi nito.


“Mga iho, tara na muna sa hapag-kainan at mag-hapunan. Doon niyo na ituloy ang pag-uusap ninyo.”

                Sa totoo lang wala naman na akong ibang masabi sa kanila kaya mabuti na lang at niyaya kami ni inay kumain. Isa pa ay wala ako sa mood makipag-kwentuhan o mag-salita.


“Sige po Tita! I’m actually hungry and your food really smells good.”banat ni Homer.


Aba! Ang mestisong ito eh nambola pa, napapailing na lang ako sa nangyayari.


---ZACH


Mukhang maayos na nga ang lagay niya, wala akong maisagot nung time na nagtanong siya kung bakit kami nabisita sa kanila. Ano nga ba ginagawa ko dito? Bakit ba ang laki ng epekto sakin ng taong ito.


Kung tama ako sa aking obserbasyon, wala dito ang tatay niya. Mukhang mabait naman ang kanyang ina kaya hindi ko maisip kung ano ang dahilan ng kanyang panaghoy. Is he going through something like Homer’s? I’m really curious.


“Ang sarap po talaga nito Tita. Iba po talaga ang lutong bahay.” Pambabasag ni Homer sa katahimikan. Ganyan naman talaga yang si Homer magaling siya makisama.


“Salamat iho, pati na rin sa paghatid mo sa amin dito kanina. Bakit pala bigla kayong napasugod dito?”


“Ito po kasing pinsan ko eh nag-aalala sa anak niyo po kasi hindi po maganda yung una nilang pagkakakilala. Also, para na rin po makipagkulitan dito sa anak niyo,mukha kasi siyang malungkot.” Nagulat ako sa huling sinabi ni Homer, so hindi lang pala ako ang nakapansin. Kahit pa si Mikael at ang ina nito ay nagulat sa tinuran ng aking pinsan.


“Ano nga bang pangalan mo?”


“Zach po,Tita.”


“Actually po, siya talaga yung nagligtas sa anak niyo. Ito pong si pinsan yung nagtakbo sa kanya sa ospital.Ahmmm… Sorry po ulit na nabugbog ko po ang anak niyo po. Sorry din Mikael, ikaw naman kasi binuyo mo din ako. Can we just forget about it and let us all be friends?” I cant believe what I’m hearing from my cousin, siguro nga nagsisisi siya sa nangyari, come to think of it muntik na siya makapatay ng tao.


“Ah eh… oo naman… kalimutan na natin lahat iyon. At saka…” si  Mikael,medyo napatigil kaunti at tila iniisip ang sasabihin.


“Zach, pasensya ka na rin sa mga nasabi ko nung una.Salamat sa pagliligtas mo sa akin…”nakayuko itong nagsalita.


“Kahit naman siguro sino ganoon ang gagawin. Hindi ko rin naman hahayaan itong mokong kong pinsan na may gawing masama.Hahaha!”


“Mabuti naman at naayos na din kung ano mang hindi pagkakaunawaan meron kayong tatlo. Sige na mga iho ako na bahala magligpit dito at doon muna kayo sa sala. Mikael ikaw na muna bahala sa mga bago mong kaibigan.


It’s a big relief na naging maganda ang pag-uusap namin. Pero… I’m having this feeling na gusto ko pa siya makausap ng matagal ang kaso wala naman akong maisip na mapag-usapan. I was deep in thought when I realize na nakatingin pala ako sa kanya the whole time. But, nakatingin siya sa kawalan, siguro katulad ko ay may mas lalong malalim itong iniisip. If only I could ask him, why am I feeling disappointed… hayyy weird.


“Graduate ka na pala?” tulad kanina, si Homer pa rin ang nag-simula ng usapan. I’m pathetic, I could have been more observant para nga naman may ma-brought akong topic.


                “Ah oo, nito lang nakaraang buwan.”parehas silang nakatingin ngayon sa graduation picture ni Mikael. Ang amo ng itsura niya at ang mga mata niyaay kakaiba sa larawang iyon.


                “Ang ganda ng mata mo…” what the hell! I was thinking too loud na hindi ko napansin na nasabi ko ito.


                “HAHAHA! Talaga? Sabi nga din ni Kuya Jaime. Pangalawa ka na for the record.” Nagulat ako sa nakita at narinig ko, tumawa siya at ngumiti sa akin. And… those eyes became like in the picture pero mas maganda itong nakikita ko ngayon. I hope he always smile, bagay sa maamo niyang mukha.


                Mula doon, ay nakaramdam ako ng biglaang pagbilis ng tibok ng puso. Pakiramdam ko ay excited ako na kinakabahan at medyo masakit pero hindi yung sakit na aayawan mo. A different kind of feeling.


                “May kuya ka pala. Nasa trabaho siya ngayon?”pagpilit kong alisin ang sarili ko sa naramdaman ko.Mula sa ngiti niya ay napalitan ng lungkot ang mukha ni Mikael,gusto kong itanong kung bakit siya nalungkot pero I don’t want to be nosy.


                “Hindi ko kapatid si Kuya Jaime, kaklase ko siya at matalik na kaibigan.” Napansin kong sa bawat pagsasalita niya ay parang nahihirapan siya. Si Jaime ba ang dahilan kung bakit ka malungkot Mikael, gusto kong malaman…pero hindi muna siguro ngayon.


                Wala na rin umimik sa amin mula noon, si Homer ay busy na rin sa cellphone niya. Si Mikael naman ay tulad ng dati, spacing out.





“Mi-Mikael?? Tao po,nandyan ka ba Mikael?”




May tao sa labas at hinahanap si Mikael at mabilis na tinungo niya ito. Si Jaime kaya iyon?





Itutuloy…




.

3 comments:

  1. Wow my update na... Thanks mr author tagal ko na hinintay ang book 2 at eto na nga.. I hope na tuloy2 na ang update... I love this story
    First time ko lng nakapag comment kasi late ko na rin nabasa yong first book...

    ReplyDelete
  2. Whah na miss ko to! buti nman Li Tot nag update ka na ..ilang dekada rn inantay ko ah..lolz in fairness sulit nman pag antay Heheh kinikilig na agad kela Zach at Michael wala pa nga ginagawa..hahah kaka miss dn c Jaime ano nga kya nangyari dun?

    hmm lakas mabitin idol..post mo na next chapter! : )

    ReplyDelete
  3. Salamat po sa upadate. Iniintay ko din to e. Si zach na lang sana para kay michael..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails