Followers

Thursday, July 18, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 4.



318 (My Second Attempt to Love)


By: ImYours18/Niel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel



Authors Note:


Good Day guysss! Lah?! Late posting na naman ako. Sorry guys, nagloko kasi ang laptop na ginagamit ko at sumabay pa ang mga quizzes kaya po medyo late posting. So, pasensya na po talaga.


Thank you very much po sa mga patuloy na nagaabang ng mga updates ko at tumatangkilik sa mga gawa ko kahit na irregular na ang interval ng updates ko. Maraming maraming salamat sa inyo at muli, sorry talaga.


Last, I just want to say na medyo malapit na rin ang pagbubukas ng “Ang Valedictorian ng Puso ko” at sana po ay suportahan nyo din po ito.


Maraming maraming salamat guys! Loveyah all :*



-nieL


PS: Pa-add naman po sa facebook ^_^ (nielisyours@yahoo.com.ph) Talamats! XD



Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:



Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph





About the cover photo:



I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.







ENJOY READING =)







Chapter 4.






Xander’s Point of View:



“Syempre bes, mahal kita..” Ang wala sa sarili kong sabi kay Colby. Pagkatapos kong sabihin yun ang para naman akong binuhusan ng maiinit na tubig sa pagkabigla sa sinabi ko. Shit! Naamin ko kay bes ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit malakas ang ulan ay napansin kong nakatingin sya sa akin at ang mata nya ay mistulang nagtataka. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa nasabi ko.


“Ano ulit yun bes?” Pagkukumpirma nya. Shit! Paano ko ba lulusutan to?! I’m trapped. Valedictorian ka nga Xander pero napakatanga mo kahit kalian!


“Sabi ko bes, mahal na mahal kita. Kasi bestfriend kita kaya mahal na mahal kita..” Sabi ko. Napalunok ako. “Para na nga kasi kitang kapatid kaya mahal na mahal kita..” Pagpapalusot ko. Para naman akong nabunutan ng tinik sa ginawa ko. Buti na lamang at nakapagdahilan agad ako kay bes. Hindi nya pwedeng malaman sa ngayon ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi pa ako handa.


“Ganun ba bes?” Sabi ni Colby na parang natalo sa isang laro sabay baling ng tingin sa di kalayuan. Dahil malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan at halos hindi ko maaninag ang nasa paligid ay hindi ko malaman kung ano ba ang tinitignan ni bes sa di kalayuan.


“Bes? Anong tinigtignan mo dun?” Pag-uusisa ko sa kanya.


“Ah! Natatandaan mo ba yun bes?” Sabay turo sa bandang kaliwa ng kinauupuan namin.


“Saan bes?” Sabi ko, hindi ko kasi maaninag dahil sa lakas ng pag-ulan.


“Ayun oh!” Pagtuturo nya pa hanggang sa maaninag ko ang isang pamilyar na lugar. Ang playground. Ang playground kung saan madalas kaming maglaro dati ni Colby noong high school pa lang kami. Oo, kahit mga binata na kami nun ay naglalaro pa rin kami sa playground dahil yun na ang paborito naming hangout na magbestfriend.


“Tara!” Pagyayaya ko sa kanya


Pumunta kami sa playground na sa tingin ko ay may isang daang metro lang ang layo mula sa kinauupuan namin ni bes kanina sa plaza. Lagi kasi kaming nandoon ni bes noong high school kami, sa tuwing masaya kami ay doon kami nagbobonding, kapag may problema ang isa’t isa ay doon kami nago-open sa isa’t isa, kapag nagkakatampuhan kami ay doon din kami madalas nagkakabati at nagkakausap, ah basta! Saksi ang playground na yun sa patagong pagmamahal ko sa bestfriend ko.


At tulad ng dati, masaya kaming pumunta sa playground habang basang-basa pa rin dahil sa lakas ng pagbuhos ng ulan. Masungit man ang panahon ngunit masayang masaya ang puso ko dahil nakasama ko ang taong pinakamamahal ko.


Pinagkwentuhan namin ni bes habang nasa playground at naliligo sa ulan ang mga pangyayari sa mga klase namin kanina at nag-reminisce na rin kami ng mga happy moments namin noong high school pa kami sa park na yun. Naaliw talaga ako makita syang masaya at ngumingiti. I think that was the cutest smile I’ve ever seen. Kaya naman mas lalo akong naiinlove sa bestfriend ko.


Hanggang kelan kaya ako makakapagtago ng nararamdaman ko sa bestfriend ko? Kung ganun lang sana kadali umamin at kung wala lang sanang matataya sa friendship namin ay matagal na sana akong umamin. Ang kaso, hindi. Natatakot kasi akong ligawan sya o gumawa ng kahit anong galaw dahil alam kong pwede syang umiwas once na hindi naman pala mutual ang nararamdaman namin kaya hangga’t maari sana ay itago ko muna ang nararamdaman ko para sa kanya.


Alas-7 na noong makauwi ako sa bahay. Basang-basa ako dahilan upang pagalitan na naman ako ni mama.


“Oh anak? Bakit ngayon ka lang? At bakit basang basa ka?!” Pagaalala ni mama.


“Hindi kasi umulan ma e. Haha!” Pagbibiro ko sabay halik sa pisngi ni mama. “Joke lang ma..”


“Hay nako! Ikaw talagang bata ka! Oh kamusta naman ang pag-aadjust mo sa bago mong pinapasukang school?” Pagtatanong ng mama ko.


“Ayos lang naman ma.. Mabilis naman ang makapag adjust at lagi naman nadyaan si bes e. Kasabay ko nga po umuwi kanina..” Sabi ko kay mama.


“Kaya pala! Naligo na naman kayong mga bata kayo sa ulan noh?! Nako kayo talaga!!” Paninita ni mama.


“Nako ma, ayos lang yan. Noong high school pa nga kami huling naligo sa ulan e. Ang saya saya nga ma e, sana nga hindi na lang tumila yung ulan kanina, namiss ko talagang maligo sa ulan.. bihira naman kasi akong maligo sa ulan sa Baguio ma kasi nga malamig. Saka ang saya kaya kasama ni bes, nagkwentuhan nga kami doon sa park e. Ni-recall namin yung mga kalokohan namin at mga happy moments namin noong high school at..” Napatigil ako dahil nakatitig at mistulang nagtataka si mama sa akin. Oo, nga pala. Non-stop akong magsalita. Hayyyyss! Colby hanggang sa bahay ba naman nandito pa rin ang presensya mo?! Oh my! Inlove na talaga ako! “Ahh! Yun na yun ma.. Sige ma, bihis na ako..” Sabi ko kay mama sabay takbo sa kwarto ko. Baka kasi kung magtanong pa nang kung ano. Minsan kasi ay para akong wala sa sarili na nagsasalita dahil ang tanging laman ng isip ko ay laging si bes. Hayyyss! Baliw na ata ako. Baliw na baliw sayo. Oo Colby sayo!


Dahil hapon naman ang pasok namin bukas ay pwedeng pwede akong magpuyat ngunit wala naman akong magawa dahil halos tapos ko ng basahin ang mga fiction books na binabasa ko.


Habang nasa gitna ako ng pagmumuni ay biglang natuon ang pansin ko sa gilid ng cabinet ng kwarto. Nakita ko ang isang bagay na nakabalot sa itim na lalagyanan – ang gitara ko. Matagal tagal ko na ring hindi nagagamit to dahil pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na ito gagamitin unless may muling makapagpatibok ng puso ko at may liligawan na muli ako. Alam ni bes yan. Ang kaso he captured my heart so oras na para kalibitin muli ang gitarang to. Kaya naman kinuha ko ito at tinangal sa lalagyanan.


Nakakamiss ding magitara. Huli kasi akong nalibang sa pagigitara noong high school pa ako at niligawan ang unang girlfriend ko. Pagkatapos nun ay hindi ko na talaga ito ginamit.


Marumi na ang kulay pulang gitara ko kaya naman pinunasan ko ito upang magmukhang bago at malinis. Ni-recall ko muna ang mga pyesang alam kong tugtugin hanggang sa pumasok na lang sa isip ko ang isang tono na narinig ko kumakailan lang.


“Tsinenenenen..” Pagkanta ko, hindi ko pa naman kasi alam yung lyrics at kinakapa ko pa yung chords.
Pamilyar tong kantang to e. Parang narinig ko na sya.



Teka..


Oo.


Oo, tama! Sa bus kanina. Yung pinapakinggan namin ni bes kanina sa bus. Hindi ko na kasi sya tinapos kaya naman hindi masyadong sumiksik sa utak ko ang lyrics at ang chords ng kanta. Ngunit, nakakasiguro ako na ang tonong naglalaro sa isip ko at ang kanta na pinakinggan namin kanina ay iisa lang.  


Kaya naman agad kong tinext si bes kanina upang itanong kung ano ba ang title ng kantang iyon upang ma-research ko ang chords nito.


Ako: Good evening bes, anu ba ung pnakkngan ntn kaninang song sa bus?


Sent.


1 message received.


Colby: “Ikaw lamang” yun bes. Silent Sanctuary ang kumanta.


Ako: Ahhh.. Salamat bes! Love you!


Sending


O.O


O.O


Cancel shit cancel!


Check operator service.


Hayyyss! Buti na lang at naubusan ako ng load. Tae! Kinabahan ako dun ah?! Wala na naman ako sa sarili magtext. Colby? Hindi ka ba napapagod? Pahinga ka naman oh? Kahit sandali lang. Kanina ka pa takbo ng takbo sa isip ko e.


Agad agad akong tumakbo sa pinakamalapit na computer shop sa amin at agad na ni-research ang chords ng ikaw lamang. And finally, nahanap ko na nga sya.


Pagkabalik na pagkabalik ko ng bahay ay agad akong kumalabit sa strings ng gitara at sinimulang aralin ang chords ng “Ikaw lamang”. Luckily, ay mabilis ko itong nakuha. Ewan ko, siguro dahil excited akong kantahin ito inspired ako kaya naman motivated akong pagaralan ang kantang tugmang-tugma sa nararamdaman ko sa ngayon, at sa kantang paborito ni bes.


Pagkatapos kung mapagaralan ang tono ng kanta ay pumasok sa isip ko ang isang idea – gusto kong gumawa ng cover video ng kanta. Hindi naman para i-upload ah? Gusto ko lang dahil kapag may lakas ng loob na akong umamin kay bes ay maipakita ko rin sa kanya na inaral ko ang paborito nyang kanta.


“Hello bes! Sana kapag pinakinggan mo tong kantang to ay alam mo na at sana tanggap mo na kung ano man ang nararamdaman ko para sayo. Sorry pala bes kung nagsikreto ako sayo tungkol sa nararamdaman ko ah? Sana naman maintindihan mo ko. Ayaw ko lang talaga na masira ang friendship na’tin kaya naman inuunti-unti ko sayo. Sa ngayon, mahirap na kinikimkim ko lang to. But I know someday I can release this feeling out of my chest. I love you bes. Mahal na mahal kita. And this song is for you!” Paninimula ko sabay tipa sa string ng gitara. “Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso.. Sa tuwing magkahawak ang ating kamay.. Pinapanalanging lagi tayong magkasama.. Hinihiling bawat oras kapiling ka..” Damang-dama ko ang kanta. Tugmang-tugma kasi ang nararamdaman ko sa bawat lyrics ng kanta. Nahihiya at natatakot akong umamin ngunit nalulungkot naman ako kapag wala sya, naguumapaw naman ako sa saya kapag nandyan sya – sa madaling salita, mahal na mahal ko na si Colby.


Sa lahat ng aking ginagawa.. Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta, sana’y di na tayo magkahiwalay, kahit kailan pa man..


Ikaw lamang ang aking minamahal.. Ikaw lamang tangi kong inaasam.. Makapiling ka, habambuhay, ikaw lamang sinta.. wala na akong hihingin pa. Wala na..” Ikaw lamang ang mahal ko Colby. Ikaw lang ang nakapagpatibok ng ganito sa puso ko.  Sana balang araw ay magkaroon ako ng sapat na lakas ng loob upang umamin sayo. Upang ligawan ka. At upang mapasaakin ka na.


Ayoko ng maulit pa ang nakaraang ayokong maalala. Bawat oras na wala ka, parang mabigat na parusa. Huwag mong kalimutan na nag-iba.. Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta..” Alam nyo yung pakiramdam na pagkauwi mo ng bahay ay hinihiling mo na sana ay mag-umaga na agad upang makita ko na muli sya, ganun! Ganun akong kabaliw sa bestfriend ko.


Sa lahat ng aking ginagawa.. Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta, sana’y di na tayo magkahiwalay, kahit kailan pa man..


Ikaw lamang ang aking minamahal.. Ikaw lamang tangi kong inaasam.. Makapiling ka, habambuhay, ikaw lamang sinta..


(Credits to the owner of this video) (Paki-click na lang po if gusto nyong pakingan ^_^)









“Wala na akog hihingin pa.. Wala na..”





Colby’s Point of View:




It’s been almost a month after Xander and I had copulation. At aaminin ko, yun ang naging way upang matahi muli ang broken heart ko. Nakaramdam na ako ng iba kay bes, kakaiba in the way na unusual sa dati at sa normal na ginagawa namin. In other words, tinamaan ako sa kanya and I think hindi lang sya ordinaryong tama, dahil inlove na ako sa kanya.


I want to blame bes, dahil to sa mga paghalik at pagpapa-sweet nya sa akin na kung tutuusin ay ginagawa nya lang dahil magkaibigan kami. At yung nangyari sa amin? I don’t think na ginawa nya yun dahil mahal nya ako, ngunit masyado akong nagpadala sa “trip” o “biro” na yun. This was my second attempt to love again, and I really don’t know kung may patutunguan ba to? Natatakot na kasi akong masaktan muli e. Pero, tao lang din ako. Hindi ako nakakapagpigil kasi mahirap at hindi ko kaya dahil tinamaan na ako ni kupido.


Hindi naman doom ang tingin ko sa nararamdaman ko sa bestfriend ko. Actually, kinikilig pa nga ako sa mga pangyayari sa amin nitong lumipas na buwan e, ang doom lang naman sa akin is what if hindi ko kayaning itago sa kanya ang nararamdaman ko? What if hindi nya pala ako mahal? What if kung umiwas sya at masira ang friendship namin because of this feelings? Kakayanin ko kaya? He’s my bestfriend simula noong high school and I don’t think na kakayanin ko na mawala sya dahil kaibigan ko nga sya at mahal ko sya.


Sa lagay namin ni Xander this past few days ay mas lalong nag-bond ang relasyon namin bilang magkabigan. Ngunit, napansin kong mas naging sweet sya sa akin kumapara sa dati. May nga times na bigla na lang syang magba-back hug dahilan upang mas lalo akong ma-inlove sa kanya at sa tuwing ginagawa niya yun ay lumalakas naman ang pagtibok ng puso ko.


May mga pagkakataon ding bigla na lang itong hahalik sa pisngi ko ng walang paalam na iba sa dati. Sa palagay ko nga ay inaasar ako ng tadhana e, kung kalian gusto kong sarilihin at iwasan ang problemang to ay saka naman sya lumalapit at nagpapa-sweet.


Kay Tristan? Wala na akong masyadong balita sa kanya. Maliban na lang noong nakita ko sila ni Rafael sa may lobby ng eskwelahan na nagsasagutan. Tinignan ko sya nun at tinignan nya rin ako at mistulang nagmamakaawa. Hindi ko na lang ito binigyang pansin at umalis na lang ako. Napagisip-isip ko na kung sakaling babalik man sya sa piling ko o muli nya akong liligawan, sorry, one experience is enough to learn.
Napansin ko din sa sarili ko na sinisimulan ko na syang hanaphanapin. Nararamdaman ko rin na kapag kaharap ko siya ay siya na ang pinaka-gwapong nilalang sa mundo ko. Oo, matagal na namang gwapo si bes, ngunit dati kasi ay hindi naman ganitong ka-grabe ang paga-admire ko sa kanya. Grabe ka bes! Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo akong nahuhulog sayo!


Ina-admire ko sya sa angking ka-gwapuhan nya ngunit minamahal ko naman si bes dahil sa kabaitan nito at hindi siya nawawala sa oras na kailangan ko sya at sa mga oras na masaya kaming parehas.


Hindi ko alam, mistulang dinudurog-durog ng parang mga pulbo ang puso kapag pumapasok sa isip ko na magkaibigan lang kami at bestfriend lang ang tingin nya sa akin. Na ginagawa nya lang ang lahat upang makalimutan ko si Tristan at upang maipakita nito kay Tristan na sweet kami. Hindi dapat ako mag-assume. Ika nga nila, wag mong bigyang kahulugan ang mga mabubuting gawa ng isang tao dahil kadalasan ginagawa ito hindi dahil mahal ka ng isang tao kundi dahil obligasyon nya ito sa buhay mo. Maybe, concern lang sya sayo ngunit hanggang sa pagiging “concern” lang ang nararamdaman nyang yun, hindi pagmamahal, hindi pagmamahal tulad ng pagmamahalan ng dalawang magsing-irog.



Akala ko ang nararamdaman ko lang ang magiging problema ko ngayon kay Xander ngunit mali pala ang inaakala ko..


The history repeat itself. Oo! Dahil bumalik na naman ang mga taong nandyan upang guluhin ako at guluhin ang friendship namin ni bes.


Tulad noong highschool kami, may mga bashers na naman sa akin. Sumikat na rin kasi si bes sa school dahil sa angking talino at kakisigan nya.


Sa tuwing magkasama kami ay pinagtitinginan kami ng ibang mga tao, tila bubulong-bulong at titingin sa akin ng masama. Take note, sa akin ah?! Hindi kay bes.


At ang labis kong ikinabahala ay ang pagsulpot ng isang kontrabida, si Trina – Ang classmate ni bes na tinanong ko noong isang beses na hinahanap ko si bes sa classroom nila.


Hindi na rin ako nagulat sa pinapakitang asal ni Trina sa akin sa simula pa lang. Nadyaan ang iirapan nya ako. May mga pagkakataong nakatingin sila sa akin ng mga barkada nya at tila nagtatawanan ngunit kapag tinanong ko naman sya ay hindi naman ito sasagot ng maayos, minsan ay napaka-plastic pang sumagot. Buti na lang ay nandyaan si Nerrisse at si Rizza upang depensahan at ipagtanggol ako sa tuwing lumalapit sa akin si Trina upang guluhin at yamutin ako.


Alam kong hindi alam ni bes ang pagtrato sa aking yun ni Trina dahil kapag nandyaan si Xander ay lumalapit ito sa amin at laking gulat ko na maganda ang pakikitungo sa akin nito. Plastic mo teh!


Syempre kapag may pagkakataon na lumalapit ito kay Xander ay nakakaramdam ako ng matinding selos ngunit sinasarili ko na lang ito. Minsan ay umaalis na lang ako.


“Hi Xander!” Magiliw na sabi ni Trina isang beses na nagbo-bonding kami ni bes sa bench ng university ground.


“Uhm Trina?” Sagot ni bes.


“Can I join you guys?” Maarteng pagtatanong ng bruha.


“Uhm? Yea, sure why not?”  Sagot naman ni bes. Grrr! Pagkaupo naman ni Trina sa bench kung saan kami nakaupo ni bes ay bigla naman akong tumalikod. Lagyan ko kaya ng thumb tacks ang inuupuan nitong bruhang to?!


Ackward.


“Uhm? How are you Xander?” Maarteng pagtatanong ni Trina sabay sumbit ng kanyang kamay sa braso ni Xander. How are you? Hindi ba sila nagkita kanina? E halos ilang dangkal nga lang ang layo nila sa isa’t isa sa classroom e. At may nalalaman pa syang pasumbit-sumbit ng kamay sa bisig ng taong mahal ko. Nako! Kung may karapatan lang sana ako para sabuyan ng asin tong lintang to ginawa ko na. Asin please?! XD


“Ah okay lang.” Tipid na sagot ni bes.


Ackward muli.


“Hindi mo ba tatanungin kung kamusta ako?!” Medyo may pagtataas ng boses na tanong ng bruha. Gawd! May hiya pa ba sya? Sya ang babae at ganun pa sya kung makapagtanong?! Asan ang pride mo teh?!


“Ah. Kamusta ka pala?” Tanong ni Xander na parang napahiya at tila naiilang.


“Uhm! Okay lang..” Malanding niyang sagot. “Nakita na kita e!” Sabi nya sabay kurot sa ilong ni Xander. Haliparot!


Hindi na lang tumugon si bes at nagbigay na lang ito ng tipid na ngiti. Syempre, nakaramdam ako ng pagiging out of place sa kanilang dalawa kaya naman agad akong tumayo at lalayo sana ngunit nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni bes ang kamay ko upang pigilan ako. “Bes? San ka pupunta?” Nagtatakang tanong ni Xander. Shit Xander! Wag mo na akong panatiliin dito! Anong gusto mong gawin ko? Panuorin  kita habang nilalandi ka ng bruhang yan?! Nako! Baka di ako makapagpigil at kaladkarin ko yang babaeng yan.


“Dyan lang bes! Ang init kasi dito e. As hot as hell. Gotta go bes. I’ll see you later..” Sarkastiko kong sabi kay bes sabay tingin ng sarkastiko kay Trina. Lumakad na ako palayo at kinuha ang cellphone ko at tinext ko na lang si bes.



Ako: Bes, baka hindi kasi ako makapagpigil at bka kaladkarin ko yang hitad sa tabi mo e. Umalis ka na lang din jan ok? Sorry bes..
Sent.

Akala ko ay doon na nagtapos ang pagmamaldita ni Trina sa akin at paglalandi nya kay bes. Ngunit isang hapon noong kumakain kami nila Nerrisse at Rizza sa canteen ay biglang umeksena si Trina kasama ang mga barkadang babae.


“Hi bestfriend!” Sarkastikong pagbati sa akin ni Trina sabay upo sa kaliwang banda ng upuan ko. Nagulat naman si Rizza at si Nerrisse sa inasal ni Trina sa hapong iyon. Nakwekwento ko na kasi sa kanila ang pagmamaldita ni Trina sa akin at paglalandi nito kay bes ngunit hindi pa nila nasasaksasihan.


“Anong kailangan mo?” Malamig kong tanong sa bruha.


Ngunit imbis na sumagot sya ay bigla naman itong tumawa. Nakakaasar na tawa. “Hahaha! Relax Colby. Nandito lang ako para…” pinigilan ko sya sa pagsasalita.


“Kung nandito ka para bwisitin kami, pwes makakaalis ka na..” Prangka kong sabi sa kanya.


“Tama friend! At bago ka magsalita harap namin siguraduhin mong nakapag-toothbrush ka!” Pamamarangka ni Rizza.


“Ooopppss. Guys! Chillax! Nandito lang ako para ipagpaalam si Xander na pumunta sa bahay mamaya. Birthday kasi ng sister ko and I’am inviting him to come with us. Papayagan mo ba sya Colby?” Pagtatanong ni Trina.


“Bahala kayo.” Nasagot ko na lang. Syempre, kung ako ang tatanungin ay isang malaking AYOKO ang sagot ko ngunit wala naman kasi akong karapatang magreklamo or what dahil hindi ko naman boyfriend si Xander. Bagaman sweet sya sa akin ngunit siguro ay tama na ang pagbibigay ko meaning sa mga ginagawa nya. Nang marinig ko na party ay para namang tinatadtad ng kutsilyo ang puso ko. Syempre, party yun at for sure may inuman, paano kung malasing si Xander? At paano kung atakihin ng kakatihan ang hitad na to?! Baka mahulog ang loob sa kanya ni Xander. Natatakot ako dahil maganda naman talaga si Trina, matangkad, at halos lahat na ata ng magagandang pisikal na kaanyuan ay nasa kanya. Kaya hindi magiging mahirap para sa kanya ang paibigin si bes.


“Thank you fag!” Sabi ng impakta. Aba?! Siraulo to ah?! Narinig ko namang nagtawanan ang dalawang babaeng kasama nya sa katabing mesa namin.


“Gagu ka girl ah?! Anong fag ang pinagsasabi mo dyan?!” Sabi ni Nerrisse sabay turo kay Trina.


“Fag! Short for faggot.” Sabi ni Trina. Pakiramdam ko naman ay nagakyatan ang lahat ng dugo ko sa ulo sa narinig. Namula ako sa sobrang inis at halos manginig ang kamao ko sa sobrang inis at hiyang nararamdaman. Sinasabi ko na nga ba e, hindi pupunta yang babaeng yan sa akin ng walang kasamang pangaasar, or should I say panglalait. “Pano ba yan guys? Uh! I mean girls and fag. Gotta go!” Malanding sabi ni Trina sabay tayo at lakad palayo sa amin na may ngiting tagumpay.


Ngunit laking gulat ko ng biglang tumayo si Nerrisse at si Rizza at sabay nilang hinugot ang buhok ni Trina pabalik sa amin. “Gurl! Kung di mo kaya? Hayaang mong kami ang gumawa. K?!” Sabi sa akin ni Rizza.


“Ano bahhh?! Bitawan nyo ako?!” Sabi ni Trina na tila nasasaktan sa sabunot ng dalawa kong kaibigan. Bagay lang sa kanya yan!


“Bibitawan ka lang namin kapag binawi mo ang sinabi mo sa kaibigan namin!” Sabi ni Nerrisse.


“No!” Sabi ni Rizza. “Bakit ko babawiin ang katotohanan?!”Pangaasar nya pa at hindi ininda ang mga kamay na humuhugot sa mga buhok nya. Lalo tuloy akong nagalit at parang gusto ko nang sapakin ang bruha! Nako! Malapit na malapit na ako! Kung hindi lang babae tong Trina na to baka kanina ko pa naumbagan. Ayoko naman kasi gumawa pa ng iskandalo dahil madadawit lang ang pangalan ni bes at natatakot din ako na madumihan ang records ko. At saka kahit anong gawin ko, babae yun, kahit sabihin mong bakla ako ay sya pa rin ang paniniwalaan at ako pa rin ang lalabas na masama.


“Aba! Aba! Aba! Gusto mo talaga ng world ward 3 ah?! Teka, pagbibigyan ka namin..” Sabi ni Nerrisse sabay tuluyang hila sa buhok ni Trina. Si Rizza naman ay sa dalawang babaeng kaibigan ni Trina nakipagsabunutan. Gumanti rin si Trina ng sabunot kay Nerrisse dahilan upang magkagulo-gulo na sa loob ng canteen. Nagkumpulan ang mga tao, ang iba ay umaawat ang iba naman ay parang mga gago na enjoy na enjoy at may pasigaw-sigaw pa sa nangyayari.


“Pusta ako dun sa isa pare!” Sabi ng isang boses na pinagpustahan ang pagaaway ng mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Trina.


“Nako pare! Weak yang Trina mo! Dyan ako oh? Saka dun sa isa. Tignan mo pinagsabay sabunutan yung dalawang babae. Ayun oh? Inuntog pa?!” Sabi naman ng isang lalaki. Tinignan ko naman si Rizza at nagulat ako dahil pinagsabay pa talaga niyang awayin ang dalawang kaibigan ng bruha.


Agad naman akong lumapit upang awatin ang dalawang kaibigan dahil baka mahuli pa kami ng mga guard o ng mga professor at baka madala pa kami sa prefect of discipline. Syempre, kahit na hindi ako nanakit kay Trina at sa mga kaibigan nito ay kaibigan ko din sila Nerrisse at si Rizza, ayokong mapahamak at masira ang records nila dito sa university.


Dumating na din si bes at nakiawat na din sa gulong nangyayari. Ayaw pa rin tumigil nila Trina at tila namumula din ito sa sobrang galit. Bigla namang umamo si Trina noong nakita si Xander at biglang yumakap kay Xander. Nakaramdam naman ako ng pagkabigat ng damdamin sa nakita. “Xander, tignan mo ang mga kaibigan nyang bestfriend mo.. Bigla na lang nilang hinugot yung buhok ko. Wala naman akong ginagawa sa kanila. Dumaan lang kami ng kaibigan ko dito tapos ayan..” Pagiinarte ng bruha at may paiyak-iyak pa. Nako! Kahit anong pagiinarte nya hindi to bebenta kay bes at sa madla na naka-saksi ng awayan nila.
“Pwede ba Trina? Wag ka nang magdeny?! Ikaw ang naunang nanglait-lait dito sa kaibigan namin. At gurl! Wag kang magmalinis. Kasi kahit malinis yang pagmumukha mo madumi pa din yang kaluluwa mo!” Sabi ni Nerrisse kay Trina.


“Xander? See?! Xander tulungan mo ako.. Isumbong natin sila sa prefect. Tignan mo oh? Nagkapasa ako dahil sa ginawa nila..” Pagmamakaawa ng bruha sabay turo sa braso nya na wala namang kapasa-pasa.


“Trina, hindi naman magaamok sila Nerrisse at sina Rizza kung wala kang ginawang masama sa kanila e.” Mahinahong sabi ni Xander. “Ngayon, pwede ka bang manghingi ng sorry? Lalo na kay Colby na nilait lait mo daw? Bestfriend ko yan Trina at ayokong nilalait-lait yan..” Dagdag nya pa. Syempre halos mamula naman ako sa kilig dahil sa sinabing nyang ayaw nyang ayaw nyang nilalait ako.


“Ugh! No! Why should I say sorry?” Mataray na sabi ni Trina.


Lumapit ako ng mas malapit kay Trina. Humugot ng malalim na paghinga. Nginitian ko siya, ngunit sinisigurado kong maasar sya sa ngiti ko. “Hindi ko kailangan ang sorry mo. Aalis kami ng mga kaibigan ko dahil alam ko namang walang nawala sa amin, ewan ko na lang sayo. At one more thing, hindi kami papatol sa katulad mong low class.. Ano na lang sasabihin nila?! Lumelebel kami sayo. Duh!” Pagtataray ko sa harap ni Trina. Ang ibang mga estudyante ay tila nagpapalakpakan at ang mga kalalakihan naman ay napa-“Ohhhhh!” sa ginawa kong pagtataray. “Come-on girls, bes.. Tara na, baka mahawa pa tayo sa inasanity ng babaeng to..” Mataray kong sabi. “Halikana bes..” Sabi ko sabay hatak sa kamay ni Xander palayo.


Sumunod naman si bes at ang mga kaibigan ko sa akin. Hindi ko lang alam ngunit gustong gusto kong tumawa sa reaksyon ni Trina sa ginawa kong pagtataray. Nagsisigawan pa rin ang mga estudyante sa canteen noong dumaan kami at para kaming mga artistang pinagkakaguluhan dahil sa pinakita naming katapangan na kaya namin syang patulan.


“Bes? Ano bang ginawa sayo nun?” Curious na tanong ni Xander habang naglalakad kami palayo sa canteen.


“Eh kasi fafa Xander, biglang umeksena tong si Trina habang kumakain kami. Then, sinabihan nya itong si friend ng faggot daw.. Hindi na kami nakapagpigil kaya ayun.” Pagpapaliwanag ni Rizza na inunahan pa ako sa pagpapaliwanag.


“Salamat Rizza at Nerrisse at hindi nyo pinababayaan tong bestfriend ko.” Sabi nya sa akin sabay yakap. 


“Ilang beses na bang ginagawa sayo to ni Trina bes?” Alalang tanong sa akin ni Xander.


“Uhm?! Una mga parinig lang bes. Pero this time, iba na e. Siguro kung babae lang ako ay nasabunutan ko na rin yun..” Sabi ko sa kanya.


“Basta bes, sasabihin mo lang sa akin okay? Ako na ang bahala dun..” Sabi sa akin ni Xander.


“Salamat bes.” Sabi ko sa kanya habang nakayakap pa sya sa akin. Gusto ko pa sanang idagdag ang mga katagang “Kaya mahal na mahal kita e..” Ngunit hindi maaari. “Salamat din sa inyo teh! Gurl! Muntikan pa kayong mapahamak dahil sa akin!” Pagpapasalamat ko kay Nerrisse at kay Rizza pero.. anong ginagawa nitong mga to?! Shit! Camera!


“Smile Colby!” Pangaasar sa akin ni Nerrisse na kinuhan kami habang magkayakap kami ni Xander.


“Hala! Burahin nyo yan teh!” Pagmamaktol ko.

Yun ang isa sa insidente kung saan nagpakita ng kamalditahan ang Trina na yun. Infareness kapag nagsusumbong ako kay bes na nagpaparinig muli ang Trina na yun ay hindi nya pinalalagpas at papagalitan nya ito agad. Kaya naman hindi ko na lang ininda ang mga ginagawa ni Trina. Nag-focus na lang ako sa aking pagaaral at sa pagtatangal ng nararamdaman ko para sa bestfriend ko. Hindi naman kasi tama ang mahalin ko sya dahil nga alam ko namang hindi nya ako mahal at nagawa nya lang makipagtalik sa akin dahil sa lust na nararamdaman nya sa kanyang katawan. Oo, masakit isipin na isa lang akong parausan ng gabing iyon, pero tapos na e at ginusto ko rin naman yun.


Araw ng sabado, balak sana namin ni bes na mamasyal sa mall at mag-shopping. Magpapasama din kasi ako sa kanyang bumili ng backpack para sa sarili ko at balak ko rin sana syang bilihan ng rubber shoes. 

Kapansin-pansin kasi na luma ang ginagamit nyang rubber shoes sa ngayon, kaya naman balak ko sana syang bilhan ng panibago.


Naiinip lang ako sa bahay. 1pm pa kasi ang alis namin ni bes at alas-11 pa lang. So I decided to go to their house ng mas maaga, doon na lang kami sasakay banda sa kanila.


Nang makarating ako sa bahay nila bes ay nadatnan ko si tita na nagluluto.


“Goodmorning po tita!” Pagbati ko sa nanay ni bes na naging close ko na rin halos.


“Goodmorning din Colby! Hinahanap mo ba ang anak ko?” Pagtatanong ni Tita.


“Opo tita, nasaan po ba sya?”

“Ah! Nasa kwarto, naliligo. May lakad daw kasi kayo mamaya e..”


“Ahh oo nga po tita.”


“Oh sya, pasukin mo na lang dyan sa kwarto nya. Lumabas na din kayo mamaya ah? Para makapagtanghalian na din tayo..” Pagyaya ni Tita sa akin, tumango na lang ako bilang tugon.


At pinasok ko na nga kwarto ni bes. Laking gulat ko naman dahil napakaraming mga sketch drawing doon si bes. Masasabi ko talagang talent na ni bes ang pagda-drawing. Haiiist! Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Napakatalented kasi ni bes, bukod kasi sa matalino ito ay napakagaling pa nito mag-drawing, kumanta at tumugtog ng mga instruments.


Narinig ko naman ang lagaslas ng tubig na nanggagaling sa loob ng banyo ng kwarto ni bes. Habang ginagala-gala ko ang mata ko sa loob ng kwarto ni bes ay napansin ko ang.. ang gitara.



O_____________O


Ouch!


“Bes, gagamitin ko na lang ulit ito kapag binuksan ko na muli ang puso ko. Kapag nagmahal na ulit ako, gagamitin ko na lang ito kapag may liligawan na akong babae na makakasama ko ng pang-matagalan..” Buong pusong sabi sa akin ni bes noong tinago niya ang gitara nya at sinilid nya sa loob ng case. At ang natatandaan ko ay ginamit nya lang yun dati sa dating girlfriend nya noong high school kung saan patay na patay sya dun. So, does it mean? Does it mean, may nililigawan sya sa ngayon?! Timing naman tong nararamdaman ko! Hayyysss! Wala na yata akong karapatang lumigaya when it comes to love. Lagi na lang broken hearted.


Sigh!


Hindi ko na lang ito binigyang pansin. Inisip ko na lang na baka napagkatuwaan nya lang gamitin yun muli..
Umupo ako sa kama ni bes at napansin ko ang maliit na picture frame na nakapatong sa taas ng table malapit sa ulunan ng kama ni bes. Nagulat naman ako sa nakita. Picture nya noong bata pa sya na sa palagay ko ay nasa apat na taong gulang pa lamang sya, napaka-cute at chubby nya doon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa nakita.


Habang nasa ganun akong pagtingin sa litrato ay bigla ko namang naisipang kalikutin ang cellphone ni bes na nakapatong lang din sa taas ng table kung saan nakapatong ang litrato nya.


Natural lang sa amin ang magtingan ni bes ng cellphone dahil mag-bestfriends naman kami at pagdating sa mga crushes namin dati ay wala kaming tinatago sa isa’t isa. Kaya naman naisipan kong pindot-pindotin ang cellphone ni bes.


Ngunit, imbis na sa messages ako magkalkal ay bigla ko na lang naisipang puntaha ang multimedia ng cellphone ni bes.


I was about to click the video folder of his cellphone but bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Ewan ko kung bakit pero biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Hindi naman sa natatakot ngunit parang ang saya saya ng puso ko at nakakaramdam ng excitement noong pipindutin ko na sana ang video folder. Ang weird noh? Hindi ko rin alam kung bakit ko naramdaman yun e.


So, binuksan ko na nga video folder at nakita ko ang nagiisang video na naka-entitled na “Ikaw Lamang! =)” bubuksan ko na sana ang video ng biglang..







Bes?! Ang ginagawa mo sa cellphone ko?!”







-          I T U T U L O Y


7 comments:

  1. Nakakainis. Nabitin ako. amp.

    awkward :))

    -btempt

    ReplyDelete
  2. pwedeng ako na lng colby? Mahal na kita ehh. Pls. Akin kana lng. XD

    ReplyDelete
  3. Anu b yan bitin! Nakakainis! Update na daliiXD

    -Kyo

    ReplyDelete
  4. What the!!! Naku away na to hehehe

    ReplyDelete
  5. KeLan po uLit ang next chap ? So excited to read it .

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmmm? After ko po mapost yung first chapter ng Ang Valedictorian ng Puso Ko, gagawin ko na rin po itong MSATL :)

      Delete
  6. hi niel,

    sana may karugtong na to... para naman lumigaya na si andre... este, si colby pala... hehe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails