Hi, readers! Ito na ang Chapter 23. Like what I said in my previous update, medyo mabibigat na ang mga succeeding chapters.
Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta!
Comment niyo lang ang mga thoughts niyo. :)
--
Chapter 23
“Chill.
Kasi nga, dahil sa hindi mo ako kinakausap nasasaktan ako, at wala na ako sa
sarili. Ang hirap pala, Josh. Ikaw na lang kasi lagi kong nakakasama. Alam mo
naman na may pagka-aloof akong tao, and ikaw lang umiintindi sa akin, kaya ang
hirap na ‘yung mga nakagawian natin ay hindi natin nagagawa kasi nga galit ka
sa akin. Kaya, ayun napapansin daw niya na napapabayaan ko na ‘yung
relationship namin, kaya she called it quits.”
“I’m
so sorry, Gab... I...”
“No,
don’t be sorry. She was not worth it. Hindi niya ako inintindi. I have no
regrets. I realized after all what happened that I wouldn’t trade you for
anything or for anyone else. Happy ako ngayon, and that’s what’s important.”
Napangiti
ako sa sinabi niya. Kilig na kilig ako sa loob-loob ko. Ang sweet kasi ng
thought ng pagkakasabi niya. Hindi ko tuloy maiwasang lalong umasa.
“Oh,
ako naman. Kamusta ‘yung presentation niyo sa World History?”
“Gago!
Paano mo nalaman ‘yon?”
“Ahh,
si ma’am kasi nakwento sa class namin. Ang daldal nga niya eh. Grabe daw ‘yung
ginawa niyo. Ikaw, ha. Natural ka pala! Best actor! Clap, clap!”
“Ulol!
Masamang ideya lang ‘yun ni Janine.” Pagdepensa ko.
“Pero
kung ganoon nga mangyari, may chance ba nagmamahal ka rin ng guy?”
Natigilan
ako sa tanong niya. Words are not enough to describe how I feel about that
question.
“Paano
kung oo?”
Wala
naman siyang naging reaksyon.
“Wala
namang masamang magmahal, ‘di ba, bes?” makahulugan kong sagot.
Napatango
naman siya at napangiti. “Oo nga naman. Wala talaga.”
Medyo
nahimasmasan naman ako sa naging tugon niya. Wala kasing bahid ng pagkailang o
pandidiri iyon. So may chance pala na
matanggap ako ni Gab, na mauunawaan niya ako. Napangiti ako. Narealize kong
ako na pala ang magtatanong. May isang tanong kasing patuloy akong binabagabag,
at marahil ito na ang pagkakataon para mabigyang tugon iyon.
“Oh,
ako naman! ‘Yung sa hospital... anong ibig sabihin ng “Mahal na ata kita, eh.”
Maingat kong tanong. Nagulat naman siya at namula, at tila hindi mapakali. “Ang
tagal ko na kasing ginugulo niyan eh.” Dagdag ko.
“Ahhh...
eh!” taranta niyang sabi, at pagkatapos ay bigla siyang nahikab. “Inaantok na
ako! May pasok pa bukas. Good night.” Tila hindi niya mapakaling sagot at
biglang humiga at nagtakip ng kumot. Natawa naman ako sa naging sagot niya,
ngunit nalungkot ako dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. Napaisip naman
ako. Kung wala lang iyon sa kanya ay he can simply deny it and provide some
reasons, ngunit his reactions say otherwise. Could it be? Ito lang kasi ang
logical explanation kung bakit siya off-guarded doon sa tanong ko.
Ilang
sandali lamang ay nasagot na ang tanong ko.
Bigla
siyang bumangon at ikinagulat ko na lamang ang sumunod niyang ginawa. Hinalikan
niya ako sa pisngi at mabilis na sinabing “Hope that answers your question.
Good night, bes.” At walang sabi-sabing bumalik sa paghiga na parang walang
nangyari.
Tulala.
Hindi
ko na lang namalayang tumutulo na pala ang luha ko, ngunit hindi iyon dahil sa
kalungkutan... ito ay dahil sa lubos na kaligayahan. Hindi man niya sinabi ay
alam ko na ang naging sagot niya sa tanong ko. At matapos noon ay isang kataga
lamang ang tumatak sa isip ko.
“Mahal
din niya ako.”
Ngunit
tila may gumugulo sa akin... parang may pumipigil sa akin. Hindi ba’t ito na
ang katuparan ng mga pangarap ko? Hindi ba dapat masaya ako dahil kahit hindi
niya sinabi ay alam ko pa rin na mahal na rin pala ako ni Gab? Bakit parang
hindi lubos ang saya ko? Oo, na-overwhelm ako, natuwa...
Pero...
bakit parang may mali?
--
Gab.
Stupid,
Gab! Wrong move!
Nagulat
na lang ako sa ginawa ko, ngunit alam ko na dahil doon ay alam na ni Josh ang
damdamin ko para sa kanya. Hindi ko na rin kasi napigilan kahit ano pang
pagtanggi ko. Masaya dahil tila nabunutan ako ng tinik dahil sa wakas nasabi—or
rather naiparamdam—ko na sa kanya ang tunay kong saloobin. Nagkaroon lamang ako
ng lakas ng loob nang sabihin niyang hindi malayo na magmahal din siya ng kapwa
niya lalaki at walang mali sa pagmamahalan regardless of gender na lubos kong
ikinatuwa. Wala mang pag-amin mula sa akin gamit ang mga salita, ay alam kong
nakuha niya ang ibig kong sabihin.
Natuwa
ako dahil tila wala siyang naging violent reaction sa paghalik ko sa kanya sa
cheeks. To be honest, my heart skipped a beat the moment my lips felt his cheeks.
Ang weird, pero weird na kung weird, pero alam kong mahal ko naman siya kaya ko
iyon nagawa. Never in my life that I imagined myself kissing another guy. Sa
hindi niya pagrereact ay alam kong tila tanggap niya kung anuman ang gusto kong
ipahiwatig. Dahil kung ayaw niya ay malamang nagalit na ito sa akin. Ang tanong
na lamang ay kung mahal din ba niya ako? Pero hindi ko muna inisip iyon. Ang
importante ay nasabi ko na sa kanya.
Nakatulog
akong may ngiti sa aking mga labi.
--
Kinabukasan
paggising ko ay tila ibang mundo na ang kaharap ko. Mas maluwag ang pakiramdam
ko sa ‘di malamang dahilan. Napatingin na lang ako sa taong katabi ko at hindi
ko maiwasang mapangiti. Ang cute—no, ang gwapo—talaga niya. Mukha siyang isang
anghel habang natutulog. Hinawakan ko ang pisngi niya at dinama ko ito.
Pinalakad ko ang aking hintuturo sa bridge ng ilong niya hanggang sa makarating
ito sa kanyang mga labi. Dinama ko iyon at weirdly, pinangarap kong mahahagkan
ko rin iyon isang araw.
Hindi
ko na rin ikinataka kung bakit nagawa ko na ngang aminin sa sarili ko na mahal
ko na nga siya. Ngayon lang ako nakakita ng taong pilit na umiintindi sa akin.
Napakamaunawain ni Josh, na bihira isang lalaki—at least sa circle of guy
friends ko. Kahit na alam kong maraming pagkakataong inis na inis na siya sa
akin ay mapagpasensya pa rin ito. Pinaramdam niyang hindi ako nag-iisa sa
mundong ito. Kaya nga siguro natutunan ko na siyang mahalin unconsciously.
Ngayon ko lang talaga nabigyang-linaw itong nararamdaman ko. Alam kong marami
akong kakaharaping sakit sa pinili kong daan na ito, ngunit alam kong matutunan
ko ring lumaban, kahit bago ito sa akin. Alam ko kasi na mahal ko talaga siya.
Napangiti ako sa thought na iyon.
Napatingin
ako sa orasan at nakita kong may halos 45 minutes pa kami bago tumunog ang
alarm. Naglakas-loob akong yakapin siya at pumikit muli, pilit na sinusulit ang
natitirang oras bago siya magising.
--
Matt.
“This
is all my fault.” Rinig kong wala sa sariling sabi ni Janine nang matapatan ko
siyang mag-isa sa isa sa mga covered areas ng school pagdating ko. “Janine.”
Tawag ko sa kanya. Nagbigay naman siya ng isang matamlay na ngiti. “Matt.” Ang
tangi niyang tugon. “So, this is what it’s like, huh?” Matamlay ko ring tugon.
“This is all my fault... Masyado lang akong natuwa, Matt. I’m so... sorry.”
Hinagpis na sabi ni Janine. Tila nabigla naman ako sa bigla niyang pag-iyak.
This is a rare occasion. “Pareho lang tayong may kasalanan.” Pag-aalo ko sa kanya.
Totoo naman kasi. Ang tanga-tanga ko rin naman kasi, dahil walang sabi-sabi ko
siyang hinalikan.
“No,
no. Ako pa rin. Hindi mo naman gagawin ‘yun if hindi ko inutos. Masyadong
maraming alcohol kasi kaya siguro nawala na ako sa katinuan.” Tumatangis pa rin
siya. Inakbayan ko siya at sinabing instead na umiyak siya ay dapat makaisip kami ng
paraan para mapatawad kami ni Josh. “Ikaw ba, how are you feeling?” medyo alala
niyang tanong sa akin.
Napailing
na lang ako, dahil hindi ko rin gustong magpaliwanag ukol sa sakit na
nararamdaman ko.
“Halika
na, mauna na tayo sa classroom. Huwag na tayong umattend ng Flag Ceremony.”
Pagyaya ko sa kanya.
--
Gab.
Lumilindol.
Nararamdaman
kong tila gumagalaw ang lupang kinatatayuan ko. Binabangungot lang ba ako?
Bakit parang totoo? Bigla namang nakaramdam ako ng sakit sa pisngi, tila isang
bato ang tumama doon. “Gab! Gab!” rinig kong may sumigaw ng pangalan ko. Lalong
lumakas ang pagyanig ng paligid. Nagtatakbo ako.
“AH!”
bulalas ko.
Panaginip lang pala.
“Hoy! Anong nangyari? Mukha kang timang diyan.
Kanina pa kita niyuyugyog diyan. Sigaw na nga ako ng sigaw hindi ka pa rin
nagigising.” Sabi ni Josh. Napatingin naman ako sa kanya at nangiti. So it was
a dream after all. Siya pala ang dahilan kung bakit ako nakaramdam ng mga
pagyanig. “Hehe, wala. Sige, ligo na ako.” Ngiti-ngiti kong sabi at masiglang
bumangon. “Oh? Anong nakain mo bakit ang saya-saya mo ata?” natatawang tanong
niya. “Wala. Ang sarap palang mabuhay haha!” nakangiti ko pa ring tugon kay
Josh. “Uto. Naka-drugs ka na naman! Sige, ligo na nang mahimasmasan ka naman!”
tudyo niya sa akin.
Sino
nga naman ang hindi sasaya kung sa paggising mo pa lang eh mukha na ng taong
mahal mo ang bubungad sa iyo? Hindi ko lang masabi ang totoong dahilan sa kanya
dahil baka mailang siya o kung ano. Alam ko dahil sa ginawa ko kagabi ay medyo
may ideya na siya—or pwedeng, alam na talaga niya—kung ano man itong
nararamdaman ko. Masaya ako na parang wala namang nagbago. Ngunit ayoko munang
magpadalos-dalos. Mahirap na. One wrong move might cost me the love of my life
so I decided not to bring up the subject of my feelings again. Naisip kong
darating din ako diyan.
Habang
naliligo ako ay kumanta-kanta pa ako. Hindi na ako nahiya kahit marinig niya,
ano pa ma’t bestfriend ko siya. Bakit ako mahihiya, ‘di ba? Or sadyang makapal
lang talaga ang mukha ko? Haha.
Oooh, I’m feeling like my life had just
begun,
And I’m feeling fine, Oh I feel so alive
singing,
Oooh, I’m feeling like my life had just
begun,
And I’m feeling fine, so fine, fine,
fine...
Iyan
ang paulit-ulit kong kinakanta. Iba talaga ang pakiramdam ko. I feel a thousand
times lighter ngayong nabigyang-linaw ko na kung anuman ang nararamdaman ko
para sa bestfriend ko. Mas lalo pa akong masaya dahil maayos na kami, at kasama
ko siya ngayon. This is definitely a brand new start. Matapos maligo ay
naabutan kong wala ng tao sa kwarto. Nakababa na siguro si Josh at tinulungan
si tita sa paghahanda ng agahan. Dali-dali akong nag-ayos ng uniporme at
nagbihis. Tumingin ako sa salamin at nagpapogi hehe. Syempre, inspired ako, eh.
Medyo iniba ko ang ayos ng buhok ko. Nang matapos ako ay kinuha ko na ang bag
ko at lumabas na ng kwarto.
“Hijo,
okay ba ang tulog niyo?” tanong ni tita. “Nako, tita. Ayos na ayos po!” masigla
kong tugon, naaalala ko kasi ang pagyakap ko kay Josh. “Mukha nga ma, eh!
Parang nakadrugs ‘yan ang aga-aga pa!” pang-aasar ni Josh sa akin. “Nako, nako!
Kumain na nga tayo at baka ma-late pa kayong dalawa.” Pag-anyaya ni tita.
Habang
kumakain ay mataman kong tinitingnan si Josh. Lahat ng mga kilos, galaw ng
mata, at ayos niya ay pilit kong inoobserbahan. Lalong bumilis naman ang tibok
ng puso ko habang ginagawa ko iyon. Totoo ngang mahal ko na ang bestfriend ko.
Natingin naman siyang bigla sa akin at binigyan ko na lamang siya ng isang
ngiti. Nangiti rin naman siya na lubos kong ikinatuwa.
--
Nang
makarating kami sa school ay palinga-linga si Josh, tila may hinahanap. “Bes,
parang ‘di ka ata mapakali?” nag-aalala kong tanong. “Ahh... ehh, wala. Hehe
sige pila na tayo oh. Tingnan mo, baka ma-late tayo.” Aligaga niyang sabi. Lalo
ko namang ikinataka ang mga kinikilos niya. Kanina kasi ay tila kalmado naman
siya. Naisip kong kailangan kong malaman ang dahilan. Clearly ay mayroong
bumabagabag sa kanya.
--
“Tol,
parang masaya ka ata ah!” bati ni Jerome na seatmate ko sa klase. “Syempre,
inspired eh!” masaya kong gatong sa kanya. “Nako, nako. May bago ka ng chicks,
pre. Kakatapos mo pa lang kay Therese, may kapalit na agad. Iba ka talaga.”
Biro niya. Natawa naman ako. “Kailangan mag move on, eh.” Sagot ko. “Sino naman
‘yang pinopormahan mo? Pakilala mo naman ako!” sabi niya. “Sige, kapag sinagot
na niya ako.” Natatawa kong tugon.
Napaisip
naman ako sa sinabi ni Jerome. Paano ko nga kaya kung hindi ako ibigin ni Josh?
Paano kung dahil sa nararamdaman kong ito ay masira ang pagkakaibigan namin?
Nakakatakot. Ayoko. Kaya madalas akong nagdadalawang-isip kung tama bang
sabihin ko ang nararamdaman ko sa kanya. I am now faced with two sides of the
coin, and both sides have their negative implications which bothers the hell
out of me. Oo, masaya dahil ngayon ay sigurado na ako sa sarili ko ukol sa
nararamdaman ko para sa kanya, ngunit may iba pa palang bagay na dapat
alalahanin.
Firstly,
if in case hindi niya mareciprocate ito, then talo ako. Alam kong magkakaroon
na ng lamat ang samahan namin kahit anong mangyari. Alam kong maiilang siya, at
hindi na magiging tulad ng dati ang lahat. Higit sa lahat, masasaktan ako.
Secondly, if by chance, mahal rin pala ako ni Josh—or at least, bigyan niya ako
ng pagkakataon—kaya ko ba siyang panindigan? Paano kapag nalaman ito ni mama?
Matatanggap ba niya ako? Kaya ko bang ipagsigawan sa buong mundo na iba pala
ako? Alam ko, dahil sa mga nararamdaman kong ito ay nag-iba na rin ang pagkatao
ko. But I guess wala namang pinipiling kasarian ang pagmamahal, eh. Nagmahal
lang ako, ‘di ba? Ngunit iyon nga, kakayanin ko ba lahat ng sasabihin ng mga
tao?
Napabuntong-hininga
ako. Mahirap din pala itong pinasok ko.
“Oh,
ba’t natahimik ka ata, ‘tol?” takang tanong ni Jerome. “Wala. May naalala
lang.” Matamlay kong pagdadahilan. “Nakadrugs ka na naman!” tukso niya. “Oo,
wala ngang supply eh.” Pagsakay ko sa biro niya. Natawa lang siya. “Tol bakit
nga ba kayo nagbreak?” tanong ni Jerome. “Dahilan niya, eh tila may gumugulo
daw sa akin. Basta, kumplikado.” Honest kong sagot. Napatango naman siya. “Pero
sayang din si Therese. Bihira ang matinong babae dito sa school.” Komento niya.
Napatango naman ako sa sinabi niya. “Oo, pero naisip ko rin na ‘di rin siya
sayang. Kung hindi ko naman pala siya mahal. At saka, ‘tol, hindi naman niya
ako inintindi kaya ‘di siya kawalan.” Pahayag ko. “Naks! Bitter, ah.” Natatawa
niyang puna. Hindi ko na lang pinansin ang pahayag niya dahil pumasok na si
ma’am sa classroom.
--
Josh.
Tahimik
pa rin. Nakakailang na katahimikan.
Biyernes
na at halos buong linggo ko pa ring hindi pinapansin si Matt at Janine. Nasanay
na rin ako na katabi sila. Sinasabi ko sa sarili kong kailangan ko lang habaan
ang pasensya ko at hindi magpatinag sa pagmamakaawa ng dalawa. I know ang sama
ko, pero hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil may pinanggagalingan din
naman ako.
Dumaan
ang buong araw na hindi ko pa rin sila pinapansin. Naiinis pa rin kasi talaga
ako. Lalo na ngayo’t tila may nakain si Matt dahil sa kanyang sobrang
kakulitan. Nakakairita na. Kaya nang idismiss kami ng huli naming subject teacher
ay agad-agad kong dinampot ang bag ko at dali-daling lumabas ng classroom.
Narinig
ko naman na may mga yabag na paang sumusunod sa akin. “Josh! Sandali lang!”
sigaw ni Matt. Nang marealize ko kung sino iyon ay mas lalo ko pang binilisan
ang paglakad. Ayoko na muna siyang kausapin dahil alam kong ngayong may galit
pa ako ay marami akong hindi magagandang bagay na masasabi sa kanya. Hindi pa
ito ang tamang pagkakataon. Kailangan ko munang magpalamig ng ulo.
Ngunit
huli na ang lahat dahil naharangan na niya ang dinadaanan ko, pero siyempre
sinubukan ko pa ring makadaan. “Tabi.” Mahina, ngunit may awtoridad kong sabi.
Ngunit parang hindi siya natinag, at mataman lamang akong tinitingnan. “Tabi.”
Pag-uulit ko. This time, medyo nilakasan ko na ang boses ko. “Bingi ka ba?”
nabuburyo kong sabi. Konti na lang talaga at masasapak ko na ‘tong si Matt.
Ngunit nakatitig pa rin siya sa akin na tila wala akong sinabi. Kaya naman
nagtangka na akong dumaan, ngunit gaya ng inaasahan ay hinarangan niya ulit
ako.
“Ano
ba?!” at hindi na nga ako nakapagpigil at nasigawan ko na siya. Nagulat naman
siya. Ngunit mas nagulat ako nang biglang may mga luhang tumulo galing sa mga
mata niya. Kung hindi pa sapat iyon, ay bigla pa siyang lumuhod sa harapan ko!
Nakakahiya, ang daming mga tao! Baka kung ano ang isipin nila. “Josh, I’m so
sorry.” Humahagulgol at nagmamakaawang sabi ni Matt. Napatingin naman ako sa
paligid at nakita kong may mga ilang estudyanteng nagbubulungan. Nagtataka
siguro kung bakit ganoon ang ayos namin. Imbes na maawa ay lalo pa akong nainis
sa ginawa niya. “Hoy, ano ba! Nasisiraan ka na ba?!” pagalit kong bulong sa kanya.
Ngunit lalo lang umiyak ang gago. Kaya naman hinaltak ko siya patayo at hila
papunta sa isang tahimik na lugar.
--
“Ano
na naman ba nahithit mo, Matt ha? Tangina naman, eh! Nakakahiya ‘yung ginawa
mo!” galit kong sabi sa kanya nang makarating kami sa isa sa mga kubo sa labas
ng school. “Ayaw mo kasi akong kausapin, eh.” Parang bata niyang sagot na lalo
kong kinainis. “So ako pa ang may kasalanan ngayon?” balik ko sa kanya.
Natahimik naman siya.
“Kung
wala ka ng sasabihin, uuwi na ako. Marami pa akong gagawin.” Pagpapaalam ko.
“Kausapin mo na kasi ako Josh, please.” Sabi niya nang akmang lalabas na ako ng
kubo. Napatingin naman ako sa direksyon niya at nakita siyang nakayuko.
“Nahihirapan na kasi ako, eh. Kung alam mo lang.” Pahayag niya. At doon ay
nagpantig na nga ang tenga ko at sumabog na lahat ng galit na kinikimkim ko.
“Tangina, ‘tol. Sa tingin mo ba ako hindi ako nahihirapan?! HA?! Ngayon sabihin
mo sa akin! Parang kasing pinagmumukha mong ako ang may kasalanan kung bakit ka
nagkakaganiyan! FYI, Mr. Lopez! Ikaw ang may kagagawan ng kagaguhang ito!”
pakiramdam ko ay pulang-pula na ako. Nagpupuyos na ako sa galit. Tahimik lamang
siya, ngunit nagpatuloy ako.
“You
want to talk?! Fine, I will talk to you! Ito lang naman ang gusto mo ‘di ba?!
Bakit ako galit?! Kasi dahil sa ginawa mo! DAHIL PAKIRAMDAM KO PINAGTRIPAN MO
LANG AKO, MATT! Di porke’t umamin akong may gusto ako sa kapwa ko lalaki ay iisipin
mong okay lang sa akin na halikan mo ako, na gugustuhin ko iyon, kasi nga
quote, unquote “bakla” ako! Hindi mo lang alam kung gaano kasakit, Matt! Sabi
mo aalagaan mo ako! Pero bakit binastos mo ako noong gabing iyon?! Hindi mo man
lang pinakinggan ang pagtutol ko, at basta-bastang hahalikan mo na lang ako?!
Ano ba ‘yon, ha?! Matt, ang sakit, kasi bestfriend ko pa naman kitang
maituturing, and yet ikaw ang dahilan ng pain ko ngayon! Ngayon, Matt sabihin
mo nga! Sino ang mas nahihirapan?!” at hindi ko na nga kinaya at napahagulgol
na ako. Masyado ng mabigat ang mga dinadala ko.
“Tutunganga
ka na lang ba diyan?! Magpaliwanag ka! Heto ako oh! Ito lang naman ang gusto
mo, eh! Nang matapos na rin tayo!” bulyaw ko sa kanya. Ngunit nakayuko pa rin
siya at tuluyang nanahimik. Napailing na lang ako. “Bahala ka sa buhay mo!
Akala ko pa naman... iba ka. Nagkamali lang pala ako.” Naiiyak kong sabi at
lumabas na ng kubo.
--
“Ma,
anong ulam?” tanong ko kay mama nang makauwi. Medyo ginabi na rin kasi ako dala
ng mahaba naming eksena ni Matt kanina. “Adobong manok.” Nakangiting tugon ni
mama. “Sige po, bihis lang ako.” Pamamaalam ko at umakyat na ako ng kwarto ko
para magbihis. Narinig ko naman na nagring ang cellphone ko. Nang makita ko ang
pangalan ni Janine ay pinili kong icancel ang tawag niya. Malamang ay alam na
niya ang nangyari kanina kaya gusto niya sigurong iback-up si Matt. Masyado ng
maraming nangyari ngayong araw. Ayaw ko na ulit mag-init ang ulo ko.
Habang
kumakain ay tila hindi ako mapakali. Nararamdaman kong may mali, parang may
hindi magandang mangyayari. Sa di malamang kadahilanan ay ninerbyos ako na
siyang dahilan ng pagkabitaw ko sa baso ko. Nabasag ito na lalo kong
ikinatakot. “Anak, dahan-dahan lang naman.” Nailing na sinabi ni mama. Kumuha
naman ako agad ng walis at dust pan at nilinis ang kalat na ginawa ko.
Makalipas
ang ilang oras ay nag-isip ako ng magandang gagawin. Ngunit tinamad na rin ako
at pinili ko na lamang na manood ng TV sa sala. Nagring na naman ang cellphone
ko. Medyo naiinis na ako, dahil iniisip kong si Janine na naman iyon. Nang
tingnan ko ang screen ko ay unknown number ang nakalagay na siyang ikinataka
ko. Sinagot ko ang tawag.
“Hello,
sino ‘to?” tanong ko. “Josh, it’s Tito Richard.” Sagot niya. Nagtaka naman ako
kung bakit ako tinawagan ng tatay ni Matt. “Ay, tito. Ano pong meron?” taka
kong tanong. “Pwede bang pumunta ka dito sa St. Luke’s?” medyo uneasy niyang
pahayag. Lalo akong kinabahan. I tried to analyze the situation. Una, hindi
tatawag si Tito unless important. Pangalawa, St. Luke’s? Bakit sa ospital?
“Bakit po?” kinakabahan kong tanong. Nakarinig naman ako ng buntong-hininga sa
kabilang linya.
“Si
Matthew kasi... naaksidente.”
--
Itutuloy...
So exciting ng mga kaganapan! Can't wait to see the next chapters. Kakakilig! Minsan I see myself smiling because of reading this! And sometimes teary eyed :D thanks sa author ng story, ang galing! More powers. Tapos ko na basahin from start to this kahit offline. Thanks to "Pocket"... To the writer/author: sana maipost muna ang complete chapters... Nakakabitin! :)
ReplyDeletewow. thank you! :)
DeleteNext chapter na tayo Mr. Author. Galing mo mambitin eh hehe :)
ReplyDeleteEvery minute I keep on refreshing.. Baka sakaling mayroon ng bagong chapter! So so excited to see the next chapters. Nakakabitin ng sobra! Ha...
ReplyDeleteWill update tomorrow. :)
ReplyDeletethis story was so awsome i like it more pa po next chapter pls...matyaga po akung naghihintay ng update d2...
ReplyDeleteselfish k Josh. dimo man lang pinakinggan side ni matt. umalis k agad.
ReplyDeletebharu