Followers

Monday, July 22, 2013

Wrong Belief (Chapter 1)

Pinaka una po sa lahat thank you po kay kuya mike dahil pinayagan nya ako mag post dito sa blog nya, osige po kuya sabihin ko kay bunso haha! Thank you po talaga :)

Pangalawa po sana po magustuhan nyo mejo bago lng po ako sa ganito sana magustuhan nyo po..

Facebook :https://m.facebook.com/#!/alex.magat.395?__user=100004342873702
By: Mark Magat

--------------------------------------
Chapter 1

Ako si Tyron Sebastian, lumaki ako ng kasama ko ang akin pinakamamahal na magulang na si Angel Hipolito Galang at si Welcy Cruz Sebastian , 2nd year high school na ko, at nag aaral sa pinaka pribadong at sikat na paaralan dito sa manila.Kahit ganon meron parin akong mga private teachers for my academics and private trainor for my sports and musics, gusto kasi ng magulang ko push to my limit kumbaga lagi daw dapat number 1.....

Taong 2012, 14 taong gulang ako mga 5 ng hapon yon , Pauwi na ko galing school, kasi that time mejo gabi na kmi pinapalabas, habang binabaybay ko ang daan patungo sa bahay namin ay may nakita akong malaking truck sa tabi namin.. siguro mga bagong lipat to sa village sabi ko nlng sa isip ko.

Ng nakapasok nako sa bahay ay dali dali ako nagbihis para makusisa, excited ako kasi may bago nanaman akong makakalaro dito sa village.Bagong makikilala. Dali dali akong lumabas ng bahay para makausisa... Pag labas ko ay nakita ko si mommy at daddy may kausap na babae na nasa edad na sigurong mga 40+, nang makita ako ni daddy
Dali dali akong tinawag at pinakilala saakin ang aming bagong kapitbahay. Eto si Tyron ang bunsong anak ko, Tyron sila ang mga bago nating kapit bahay, siya si Tita Pinky mo sabi ni daddy bilang pagpapakilala sa babaeng kausap nila. Ngumiti ako ng pakasigla di naman sa pagmamayabang madami din nagsasabi na gwapo ako dahil sa pagka blue ng mata ko,mejo build ang katawan ko gawa ng training ko sa ibat ibamg sports, maputi, mahaba ang pilik mata at kapag ngumingiti lumalabas ang aking dimples na lalong nagpacute sakin haha!

Ang sabi ko.."Hi tita pinky". Welcome po sana po maging comportable kayo  sa bago nyong bahay sabay ngiti na nagpapacute.

Sumagot si tita pinky, ang gwapo gwapo naman ng anak nyo..di pala malulungkot bunso ko dahil meron na syang makakalaro, anung year ka na ba Tyron at ilang taong ka na?ang tanong no tita pinky.Ah tita 14 years old na po ako 2nd year high school po. Asan po anak nyo at ilan taon na sya?ang sagot ko naman. Ah mas matanda bunso ko ng isang taon at nasa 3rd year na sya, andun sya at tumutulong sa pag hahakot ng gamit. Ang sabi ni tita. Dali dali naman akong mag paalam at pinuntahan ang anak ni tita pinky para makapagpakilala. Pagdating ko sa loob ng bahay nila nakita ko ang isang bata na naka sandal habang nakapikit ang mata, wala syang pataas na damit at naka basketball shorts lng... Di ko alam kung bata maituturing dito pero dahil sa nakita kong katawan ay mapapansin mong batak sa trabaho mas maganda katawan nya kesa sakin.

Dahil natulala ako sa nakita ko.. Nakaramdam siguro ang batang lalaki na merong tao sa paligid, kung kayat dumilat sya.. Sabay tanong ko. Sino ka?Ako nga pla si Paul bagong lipat kmi d2, nakakapagod nga eh, kasi ang bibigat ng mga gamit ni Mommy. Ako nga pla si Tyron kapit bahay nyo sabay ngiti ulit na pacute haha!


Nagkwentuhan kami ng kung anu ano.. Habang nagkwekwento sya napatitig ako sa mukha nya.. Napangiti ako dahil nagugustuhan ko ang nakikita ko. Maamo ang mukha nya, mukang mabait. Moreno sya, tulad ko meron rin syang diples sa magkabilang pisngi na ngpacute lalo sa kanya. Bigla nagsalita c Paul. Mukhang mageenjoy kami dito sa bagong bahay namin dahil meron akong bagong bes at kakampi sa lahat ng bagay at higit sa lahat kasing cute ko pa.

Nagkatawanan kmi ni Paul, pero di nya alam kinakabahan ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Sumisirit sa isip ko ang katagang binitawan nya..Bes at kakami sa lahat ng bagay...Anu ang ibig nyang sabihin. Di nagtagal, tumulong na rin ako sa paaayos ng gamit nila. Nung medyo maayos na lahat, nagpaalam na ako kina Paul at tita pinky, habang pababa ako ng hagdan nasalubong ko ang isang lalaki medyo binata na at napansin ko na medyo may hawig kay Paul. Tinanong ko sya kapatid mo ba c paul.?

Sumagot naman sya. Oo, ako c Patrick kuya ni Paul.


Sumagot naman ako, Tyron po ang name ko, kapit bahay nyo po, sabay paalam ko na dahil gabi na..

Habang papunta na ko sa house namin sabi ko Gwapo c Patrick at mas makisig siguro nasa 20 na sya nung time na yun pero Cute at mas type ko c Paul. Nung gabing yun mukang napupuyat ako ng kakaisip dahil parating umuulit sa isip ko ang sinabi ni Paul, meron na akong bagong bes, at kakampi sa lahat ng bagay. Kinikilig ako na di ko mawari kung bakit, parang naeexcite ako makasama ulit c Paul, gusto ko ng hilahin ang oras para makasama sya ulit, tutal sabado naman bukas.. Hangang sa makatulugan ko na ang pagiimagine ng kung anu ano tungkol kay Paul.


Itutuloy...

13 comments:

  1. hmmmm. parang pamilyar ang story.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga po?gawa gawa ko lng po yan ehh..

      Delete
    2. nabasa ko na buong story nito.....

      yeah....i have read this in other blogs

      Delete
    3. I HAVE SEEN THIS STORY

      I AM SURE

      FAVE KO TO EH

      Delete
  2. sana po i post nu na buo at nice ung kwento

    ReplyDelete
    Replies
    1. Try ko po mag update asap pero chapter 2 po na post ko na :)

      Delete
  3. chapter 3 plz....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka po bukas na or mamayang gabi ung chapter 3 hehe :)

      Delete
  4. kuya p bilis naman po ung kasunod nabitin eh .... yam....

    ReplyDelete
  5. hintay co mamaya ha promise mo yan ha c yam to

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe thank you po sa pag basa osige po post ko maya ang 3 :)

      Delete
  6. may nabasa ako dati na katulad neto. nakalimutan ko na ung title at nakalimutan ko na din ung pangalan ng main casts pero ung plot at events pareho.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails