Followers

Sunday, July 14, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 2

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 2: Si Louie
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION


Kinabukasan sabado wala na sa isip ko yung nangyari sa resto. Nagsound trip lang ako sa kwarto ko at nagsurf sa net buong umaga. Mga 2pm kumatok sa kwarto ko ang maid namin may bisita daw ako tinatanong kung papapasukin daw ng bahay, Paul daw ang pangalan. 

Sige sabi ko, pakihintay na lang nya ako sa sala. Ilang minute lang bumaba na ko sa sala nakita ko si Paul na nakatayo tinitingnan yung family picture namin sa wall. 

Nang mapansin nya ko nag hi sya skin at sabay kaming umupo sa sofa. Buong araw daw kasi akong di nagte-text kya pumunta na sya sa amin. 

Usapan nga pala namin na babalik sa resto para magsorry kay Diane sa nangyari sabi ko naman kung kailangan pa ba talaga yon, kasi nga nagpaabot na ako ng pera at sorry. Pero ang sabi nya "alam mo tol na may kasalanan ka sa tao, dapat lang na personal kang magsorry" at umandar na naman ang pagiging pari ni Paul na mas masarap daw mabuhay kapag malinis ang kunsensya at isipan. 

Hay, e ano pa nga ba ang gagawin ko kapag ganon na kasi magsalita si Paul wala ka nang magagawa kundi maging good human being. Kaya panik agad ako ng kwarto nagpalit ng damit, plain white na talagang magada ang fit sa katawan ko, jeans at rubber shoes. Hinagilap ko din sa kama yung cp ko, may ilang text at missed calls galing kay Paul.

Di ko na syempre binasa dahil eto na si Paul sa amin. Di ko na rin dinala ang kotse ko kasi may dala na si Paul. Nagpaalam na lang ako kay Manang na lalabas kasama ang classmate ko, incase na dumating ang parents ko at hanapin ako. Wala naman kaming inaksayang oras at dumirecho na sa resto. 

Pagkapark ng kotse at pagpasok ng resto gumala na agad ang mata namin ni Paul, hinahanap si Diane. Agad na may lumapit na waitress at winelcome kami. Sya yung waitress na pumalit kay Diane kahapon ng pinasunod ito ng manager nila sa kitchen, Clare ang pangalan. 

Dinala nya kami sa bakanteng table at binigyan ng menu. Hindi ko na tiningnan yung menu at tinanong si Clare kung nasan si Diane. Medyo nalungkot ang mata ni Clare sa pagkakabanggit ko sa pangalan ni Diane, sinabi nya na wala na si Diane, nasisante.

Nagulat kami ni Paul sa sinabi ni Clare "ha, Bakit?" tanong ko. 

Matagal na daw mainit ang dugo ng manager nila kay Diane, kesho daw napakaflirt sa mga costomer, gusto daw ata makabingwit ng malaking isda, isa pa daw yung pagbabantay ni Louie sa kanya nitong mga nakaraang araw. 

"sinong Louie? Boyfriend nya?" tanong ko kay Clare. Yun daw yung lalake biglang pumasok ng resto na tumulong kay Diane kahapon nung bumagsak ito dala yung food. 

Hindi daw boyfriend ni Diane si Louie kababata lang. Pero sa isip ko malamang nanliligaw pa lang ito kay Diane. 

"Bawal kasi ang dalaw dito lalo na sa oras ng trabaho." sabi ni Clare. Siguro nakakita na raw ng magandang pagkakataon yung manager nila para masisante si Diane, di lang kasi ito naaksidente kahapon pumasok pa daw si Louie sa resto. 

Habang kinukwento ni Clare yon samin di naman sya mapakali, palingon lingon. Baka daw mahuli ng dragon at mapag initan. Kaya tinanong nya kami kung ano oorderin namin kaso wala na nga si Diane nawalan pa kami ni Paul ng ganang kumain, di rin naman iyon ang ipinunta namin doon. 

Kaya nagpaalam na lang kami kay Clare, pero bago kami umalis may inabot sa akin si Clare. 

"eto po yung perang inabot nyo sa'kin kahapon, ayaw pong tanggapin ni Diane kasi aksidente naman daw po ang nangyari. Ok na raw pong nagpaabot kayo ng sorry." Kakaibang lungkot ang naramdama ko nung sandaling yon, si Paul napailing na lang na nakatingin sa akin. 

Doon ko nalaman na mali ang iniisip ng manager nila tungkol kay Diane, di naman siya mukhang pera tulad ng iniisip nito. Umalis kami ni Paul sa resto, mabigat ang loob ko sa pagkakasisante kay Diane. 

Lalo daw akong dapat humingi ng sorry kay Diane sabi ni Paul habang hinahatid nya ako pauwi. E pano ko naman gagawin yon hindi na nga nagtatrabaho si Diane dun sa resto, kung tatanungin ko naman si Clare kung saan nakatira si Diane hindi naman malayong mag isip ito ng kakaiba "bakit nga naman ako interesado di ba?" pero sabagay maganda naman si Diane di malabong magkagusto ako sa kanya. Hehe.. 

Ilang araw ding gumulo isip ko sa yung pagkakasisante kay Diane, pero ilang beses man akong dumaan dun sa resto di na talaga dun nagtatrabaho si Diane. Matapos ang insidenteng yon balik normal na ang pagiging buhay studyante ko, hindi na sumasama sa akin si Paul sa pag gimik at pagliliwaliw kasi magrereview daw sya dahil malapit na magmid-term exam at sabay pa ang thesis namin. 

Sa'kin wala naman un, de mangongopya o kaya bagsak kung bagsak hehe, magrereview pa ko kung babagsak naman de wag na lang di pa ko nahirapan at di rin magugulat kung bagsak nga anyway may next year pa naman. Hahaha. 

Sa thesis, kagrupo ko naman si Paul at pinagtatakpan naman nya ako sa share ko sa thesis namin, swerte ko talaga! Hehe.. Hindi naman talaga ako nahirapan sa exams, hindi ko naman kasi inintindi yung mga tanong. Hahaha. Karamihan nga dun alam ko naman talaga (last year pa!) tinatamad lang ako sumagot. Baka kasi makapasa ako mahirap na. Hahah.. 

Pagkatapos ng isang linggo na puro exams balik na kami ni Paul sa paggimik. Isang saturday night nagkayayaan kami ni Paul mag-inuman sa isang bar at para na rin makakita ng chicks. Ang daming tao sa bar, daming chicks pero marami ring mga bading. Pumwesto kami ni paul sa table na medyo malayo sa dance floor, masyado kasing malakas ang sound system at masakit sa mata yung kislap ng ilaw. 

Ang pagkakataon nga naman, lumapit sa amin ang isang nakastandby na waiter at umorder ako ng isang bucket ng beer at mga pulutan ng marealize ko kung saan ko ba nakita yung taong yun. Nagkatinginan kami ni Paul na parang iisa lang ang iniisip. 

"Si Louie!" ang sabay naming pagkakasabi. 

Hindi lang namin agad nakilala kasi ibang iba ang porma ni Louie ngayon, naka fit na white t-shirt na may tatak ng name nung bar na pinuntahan namin, naka maong pants at black shoes, hanep talaga yung porma nya ngayon kesa nung una ko syang nakita.

Bumalik si Louie dala yung isang bucket ng malamig na beer at yelo saka binalikan ulit yung mga pulutan. Inabot nya sakin yung cheat at binigay ko sa kanya yung bayad namin at umalis si Louie para kumuha ng sukli. 

Binuksan ko ang dalawang beer, inabot kay Paul yung isa. Nakaisang lagok ako ng beer, si Paul sinalin sa baso yung beer nya at nilagyan ng yelo ng dumating si Louie dala yung sukli. Binuksan ko ang isa pang beer inabot ko kay Louie 

"Ay, sorry po Sir, bawal.." 

"ah bawal ba?" 

"opo eh, sir eto na po yung sukli nyo" inabot ko yung sukli tapos nagpaalam na si Louie. 

Tinuloy namin ni Paul yung pag inom, kwentuhan, patingin tingin sa mga tao sa loob ng bar. Napansin ko yung ilang girls na nakatingin sa amin ni Paul. Yung tipong nagpapahiwatig ng kung anong motibo, nakipagtitigan naman ako sa isang girl na nakita ko. 

Sabi ko kay Paul "Pre, tingin ka dun.. Ganda! Kanina pa nakatingin dito yan, gusto atang.." di ko tinuloy tapos nabigay ng malisyosong tawa at ngisi. 

"loko ka Pre, may boyfriend na yan!" 

"hahahah.. E ano naman!" 

"bahala ka nga sa buhay mo.. Hehe." 

Nang medyo umipekto na yung alak sa min ni Paul inaya ko syang makigulo kami sa mga nagsasayawan, ang ganda kasi ng tugtog kaya madaming tumayo at nagsisayaw. Hindi na nakatanggi si Paul sa pangungulit ko sa kanya na makijoin kami sa dance floor. Ano naman ang ikahihiya ni Paul e gwapo naman sya, 5'7" ang height matangkad lang ako ng 1" maganda ang porma isa pa sasayaw lang naman. 

Nagkakagulo talaga sa dance floor, talunan, hiyawan at yung iba sinasabayan pa yung kanta ng Black Eyed Peas na "I Got a Feeling" na remix. 

Nang makigulo na nga kami ni Paul sa mga nagsasayawan kita ko sa kanya na nag eejoy naman sya, nawala sa isip ko yung Paul na puro aral, Paul na may pagkamahiyain ang nakita ko lang ay ang pagsayaw nya na cool lang tingnan at ngiting ngiti na nakatingin sakin. 

Medyo nagkalayo lang kami ni Paul dahil sa mga mga magkakabarkadang napakagugulo magsayaw pero swerte naman napalapit sakin yung girl na kanina pa ko tinitingnan sa table pa lang. Medyo dumistansya lang ako ng konti kasi nakabuntot yung bf pero yung tingin ko sa kanya habang sumasayaw ako hindi maalis alis, ganon din yung tingin nya sakin. 

Parang tagal nung ilang minuto naming pagsasayaw para kaming nag-uusap sa pamamagitan ng tingin lang. Nawala talaga sa isip ko na kasama ko pala si Paul habang nagsasayaw ako, ang galing ba naman gumiling nung girl at ganda pang pagmasdan ng katawan nya pati yung legs. Hmmm.. Nakakagigil! Heheh.. 

Pero nagbehave naman ako kahit papano. Hahaha.. Hinanap ko ngayon si Paul kaso di ko makita, kaya hinintay ko na lang sya sa table namin at uminom ulit. Mayamaya nga ay bumalik na si Paul galing sa banyo tumawag daw ang Papa nya pinapauwi sya at isusugod raw sa ospital ang Mama nya masama daw ang pakiramdam. 

Sabi ko "sige tara na umuwi na tayo" kaso sabi nya dapat daw maiwan ako sa bar, gumawa daw ako ng paraan para kausapin si Louie at malaman kung saan na nagtatrabaho si Diane. 



To Be Continued

1 comment:

  1. haay I remembered the days,ganyan din kami ng mga tropa ko,ang kaibahan lang pag nasa dance floor na gumagawa ako ng eksenang pagka utistic kaya humahawa ang mga sumasayaw saka papasok mga tropa ko haha agaw eksena lang.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails