Followers

Friday, July 12, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 1


Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 1: Ang Waitress

Note: This was supposed to be Shared sa dating tambayan ni Ponse but hindi na naituloy due to unknown reason (Alam nyo na naman siguro kung bakit!). I do share stories noon pa naman and the reason is I don't want GOOD STORIES na makalimutan. MAGANDA ITONG STORY ni Baste at hindi ako magpapakahirap in posting kung alam kong madiDissappoint lang kayo. Timing na timing naman at may ForeCast sa MSOB na magiging Threanding ang ROM-COM kaya naman we would like for all of you na mabigyan ng variety sa mga binabasa nyo dito sa MSOB. Nakapag-paalam na si Ponse kay Tito Mike at kay Baste, And Okay naman na iShare sa MSOB ang Story na ito. Approved din siya ni Tzekai (Author of 'Ang Mamaw Sa Laboratory').

BASAHIN NYO ITO AT TALAGA NAMANG MAGANDA SYA :)

This is a Finished M2M Story and ang posting nito eh every other day (Next part will be on Sunday) at exactly 7:00pm Manila time.

Ganyan namin kayo kamahal dito sa MSOB ---Ponse

P.S. Bawal sa Comment ang mga Spoiler! Dun sa mga nabasa na ito eh masarap na basahin siyang uli!




Ako si Christian, wala naman atang tao sa school na hindi nakakakilala sa akin. Takaw gulo daw kasi at palaging agaw atensyon kaya kilala ng lahat. 

Pagpasok ko pa lang sa aming kilalang school sa Manila mapapatingin ka na agad sa akin at sa kotse ko, maliban kapag mainit ang dugo sa'kin ni Papa syempre hatid sundo ako ng driver/gwardya sa kalokohang maaaring gawin ko. Paiba iba yan ng kinukuhang driver para daw iwasang makaclose ko at pagtakpan ako sa kalokohan ko. 

Anyway, ngayon wala pa naman akong "nagagawa" na magpapakulo sa dugo ni Papa kaya wala pa akong bantay. Umpisa pa lang naman kasi ulit ng klase kaya ako ang may dala ng kotse ko. 

Bachelor of Science in Business Administration yan ang kurso na hindi ko daw matapos tapos sabi ni Papa, akala lang naman nya yun ayaw ko lang talagang mag aral ng mabuti. Sarap kaya ng buhay studyante "papasok" ka lang kikita ka na, este may baon pala at may panggala na ko at pangliwaliw. Heheh.. Hay sarap talaga ng malaya, bagong school year kailangan ng bagong girlfriend. Hindi naman mahirap humanap marami naman kasing pagpipilian sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa'kin. 

San ka nga ba hahanap ng gwapo na mayaman pa di ba? 

Karamihan na sa school yung mayaman lang wala nung gwapo. Hahaha. Pero seriously hindi naman talaga mahirap maghanap ng girlfriend ang mahirap hanapin yung girlfriend na mahal talaga ako at magtatagal sa ugali ko. 

Kaya ngayon eto single ULIT, pa fling fling lang pa tikim tikim tutal yun lang naman ang gusto ng mga girls ng school malabo naman pera kasi lahat naman halos mayaman pwera na lang sa mga may utak talaga makakapasok ng school as scholars pero wala pa naman akong naging gf na ganon. Naisip ko lang ano kaya itsura ng mga new classmates ko? Im sure kilala ko sa mukha yun iba dahil nasa iisang college lang naman kami. 
Di naman ako nagkamali at swerte karamihan sa mga new classmates ko mga girls may mga boys din at gay. Syempre may nakaclose naman ako sa mga classmates ko di naman ako ganun kaloko para walang maging kaibigan. Isa na sa kanila si Paul, mabait down to earth ewan ko ba kung bakit pero si Paul ay talagang masasabi kong Mr Nice Guy someone na hindi talaga totropa sakin pero eto sya pa talaga ang pinaka naka close ko sa lahat. 

Palagi kaming magkasama sa lahat magkatabi sa upuan kapag may classes at kasama na din sa mga gimik pero di yan kasali kapag may kalokohan ako nakikitawa lang yan sa tabi. One time pagkatapos ng klase namin napagpasyahan naming kumain sa isang resto na matagal na naming napagkekwentohan di lang daw masarap ang pagkain magaganda rin ang mga waitress. Ilang minuto lang naman ang layo ng resto sa school kaya madali lang puntahan. 

Nang makarating kami ni Paul naghanap lang ako ng slot na pwedeng maparkingan at derecho pasok sa resto. Inasist agad kami ng magandang waitress papunta sa vacant table at binigyan ng menu. Inorder ko ang best seller nila at isang desert si Paul naman umorder din ng kanya. Ng umalis na yung waitress nagkwentuhan muna kami ni Paul tungkol sa resto at sa mga waitress ng ibang mga kumakain. 

Dumating yung waitress dala yung mga order naming pagkain nagsorry pa nga kasi yung ibang order daw namin saglit pa daw bago maluto kaya kumain na kami habang hinihintay yung ibang food. Ang dami nga rin namang inorder ni Paul I'm sure di naman nya mauubos lahat yun kaya tinanong ko sya kung bakit sya nag order ng ganon karami. 

Sabi nya para daw matikman namin lahat ng food, hindi naman daw namin kailangang ubusin lahat kaya tumango na lang ako at sinabing ok. Siguro wala pang 5minutes ng makita ko yung magandang waitress na palabas ng kitchen dala yung order pa namin. 

Bilis namang tumakbo isip ko kung pano magpapapansin kaya nagpaalam ako kay Paul na iihi muna sandali. Nang medyo malapit na yung waitress sa nilalakaran ko nginitian nya ako kaya ngumiti din ako sa kanya, balak ko sanang tabigin sya at kapag na off balance sya sasaluhin ko kaya lang napalakas ata yung pagkakatabig ko nawala sa isip ko yung food na daladala nya natapon sa side ng uniform ko. 

Isang malakas na "Shit!!" ang lumabas sa bibig ko sa pagkabigla. 

Bumagsak sya sa sahig kasabay ng malakas na ingay galing sa nabasag na bowl at plate. Imbes na tumayo agad puro "im sorry sir" ang narinig ko sa kanya bakas sa mukha ang pangamba at pagkabigla. 

Napansin kong agad na may pumasok sa resto na isang lalake naka t-shirt na kupas, shorts at tsinelas na agad umalalay sa waitress upang tumayo. 

Nakatingin sya sa akin na parang sinasabing "bakit nakatanga ka lang dyan, di mo tulungan yung nasaktan?" dun ko naalala sya pala yung guy sa malapit sa parking area ng magpark ako ng car. 
"ok ka lang Diane?" tanong nung lalake tinulungan yung waitress patayo. 

Sa isip ko boyfriend siguro sya ng waitress kaya nandoon at naghihintay sa kanya. Agad namang lumapit si Paul samin tinanong kung ano nangyari at kung ayos lang din yung waitress. Pinulot agad nung guy yung mga nabasag at nilagay sa tray, yung waitress nakatayo lang nakayuko at nagso-sorry pa rin. 

Sabi ko ok lang yun its an accident ng may lumabas sa kitchen at alam mo na agad na yun ang manager sa damit pa lang, kita sa mukha ang pagkainis habang papalapit sa amin. 

"i'm really sorry sir for this accident, it's our fault." agad ang sinabi ng babaeng manager ng makalapit ito samin. Tiningnan lang niya ang scenario, hindi na nya tinanong kung ano ang nangyari. 

"please excuse us for a minute sir" ang dugton pa nya. 

"sundan mo ko" halata sa boses ng manager ang pagkadismaya, agad namang sumunod yung waitress sa manager patungo sa kitchen. 

Ilang saglit pa may dumating na isa pang waitress at kinuha sa guy yung mga nabasag. Dumating din yung janitor para maglinis ng kumalat na pagkain at sinabi sa lalake na umalis na at mainit ulo ng manager nila. 
Tumingin lang yung lalake sa pinto ng kitchen kita sa mga mata ang lungkot at agad lumabas ng resto. 

Bumalik kami ni Paul sa table namin, nakalimutan ko na dapat pupunta ako ng restroom, yun ang paalam ko kay Paul pero di naman talaga ako naiihi. 

Nawalan na kami ng ganang kumain, bumalik yung pumalit kay Diane na waitress dala ang panibagong food kapalit nung natapon pero di na namin kinain. Binayaran ni Paul yung bill namin tapos pinauna ko na sya sa kotse. 

Balak ko sanang puntahan si Diane at yung manager sa kitchen para magpaliwanag pero naunahan na ako ng hiya. Kaya minabuti ko na lang sabihin dun sa waitress yung sorry ko for Diane at inabutan ko ng pera para sa mga nabasag na plate. 

Paglabas ko sa resto di kalayuan sa pinto napansin ko yung lalake na nandoon pa rin at naghihintay, nakatingin sa'kin na parang sinisisi ako sa nangyari. Doon napagmasdan ko ang kanyang mukha, magandang lalake talaga sa kabila ng ragged na suot nya. 

Bagay talaga sila ni Diane at di na ako nagtataka kung talaga ngang magkasintahan silang dalawa. Dumirecho ako sa kotse kung saan naghihintay sa'kin si Paul. 

Sa daan kinuwento ko kay Paul ang totoong nangyari, na sinadya ko ang pagtabig kay Diane na ang plano ko ay sasaluhin ko siya. Hindi naman ako pinanigan ni Paul at naawa talaga sya kay Diane tiyak daw na sasabunin yon ng husto ng manager nya. 

Kaya isinuggest ni Paul na bumalik kami ulit ng resto na yon bukas para makapagpaliwanag at makapag sorry na din kay Diane. Nung gabi nung araw pa din na yon hindi mawala sa isip ko yung nangyari sa resto, nagtatalo sa isip ko kung magsosorry pa ko kay Diane or hindi na tutal nag abot na naman ako ng pera sa kanya. 



To Be Continued

2 comments:

  1. hihi! I miss this story :p ang sarap basahin ulit :p

    ReplyDelete
  2. korek ka jan tzekai. he he he. parang bigla akong naexcite ule na subaybayan.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails