Followers

Tuesday, March 22, 2011

Unexpected Love

by: 3rd

eadd: rogerdugan_iii@yahoo.com

rogerdugan_iii@hotmail.com


____________________________


“Di ko inaasahan na aabot sa ganito ang nararamdaman ko para sayo” yan ang mga katagang sinabi ko sa kanya nang ipinagtapat ko sa kanya kung ano ang nararamdaman ko...

Ako si Jacob Anthony Mathew “Jam” Del Rosario nag iisang anak at dahil sa only child ay lumaki ako sa layaw. Mabait naman akong tao (pero para lang sa mga taong totoo ang pinapakita sakin. Panu ko nalalaman yun you’ll soon find out kung papanu) hindi aq ang campus crush pero member ako ng isa sa pinka pupoular na groupo sa skwelahan namin na pinag titilian ng mga babae, bakla, ang toboy nagiging babae ulit at ang lalaki ay nababading pag andyan na kami. Si Jeffrey Orlene Micheal “Jom” Del Castillo ang leader ng aming groupo and ang aking childhood best friend. Masasabing sa aming lahat ng magbabarkada eh nasa kay Jom na ang lahat Gwapo, Matalino, Magaling sa Sports, Mayaman at May napaka-gandang girl friend si Joana Marie Del Rosario.. Yup first cousin ko si Joana sa father side at siya ang exact copy ni Jom sa Female side kasi nga Maganda, Matalino, Captain ng Cheering Squad and Mayaman.

Hindi ko masasabing bi ako dahil sa totoo ay di naman talaga ako ganito mejo nag iba lang ang ihip ng hangin nang bilang nangyari ang hindi inaasahan, sa kadami dami ba naman nang magiging bi eh akalain mong si Jom pa. Nalaman namin ang totoo nuong isang araw na nag yaya si Jom na mag inuman, nag taka ang buong barkada dahil sa di naman talaga umiinom itong si Jom pwera lang kung merong siyang mabigat na dinadala, nag imuman kami nang nag imuman alam kasi naming kahit di umiinom ng todo itong si Jom ay matagal itong malasing at alam naming di ito aamin ng kanyang problema pag di pa lasing kaya ang ginawa namin eh jamming na lang hanggang sa mapansin namin na mejo may tama na si Jom unti unti nang bumibigay..

Jom anu ba yang problema mo at bigla ka atang nag yayang uminom ah? Ang pambasag sa katahimikan ni Anton isa sa aming matalik na kaibigan

Wala to mga pre, napag isip isip ko lang na matagal na since last tayong nag inuman kaya heto nag aya akong uminoman tayo. Ang sagot ni Jom kay Anton

Wag kag mag sisinungaling pre kilala ka na namin at di ka basta basta iinom ng alak kung wala kang problema. Ang pag supalpal ko sa kanyang sagot.

Oo nga naman pre anu nga ba ang problema mo. Anu pang silbi naming mga kaibigan mo kung di ka namin madadamayan sa ganitong mga pagkakataon. Ang dugtong ni Aelvin (pronouced as Ei-l-vin) si Aelvin ang tinuring namin na general adviser and walking encyclopedia dahil sa galing niyang mag bigay ng payo mapa love life man at mag cite random facts na may kinalaman sa pinag daraanan mo.

Dahil sa narinig ay biglang pumatak ang luha ni Jom na siya naman ikinagulat naming lahat. Kahit na anung pilit naming tumahan na siya sa pag iyak ay di parin tumitigail sa pag patak ang kanyang mga luha.

Maya maya ay nag pasya nang umuwi ang iba dahil sa mdaling araw na at ayaw paring pa-awat itong si Jom sa kakainom kaya napag pasyanhan kong mag paiwan na lang at samahan ang siya.

Anton: Sige tol uwi na ako sa susunod na lang baak ulanin ako ng sermon ng nanay ko pag inabutan ako dito ng sikat ng araw.

Aelvin: ako rin to mauna na rin ako baka rin kasi di ako papasukin sa bahay, baka sa salas nanaman ako matutulog nito ng 2 araw dahil sa nilolock ni mama ang kwarto ko pag umuuwi ako nga ganitong oras eh.

Ako: panu yan tol dito ka na muna para makatulog ka ng mabuti at samahan na lang kita bukas pauwi sa inyo ako bahala sa mama mo.

Aelvin: di tol ako bahala sa bintana ako dadaan. Tapos sabihin ko na lang na nasa loob ako ng banyo nung nag check siya. Sige tol mauna na muna kami si Anton ha..

Ako: sige salama ha.. dito na muna ako at ako na bahala sa taong to.(sabay turo kay Jom na halos bagsak na ang katawan sa sborang kalasingan)

Nang makaalis na ang 2 ay inakay ko si Jom papasok ng kanyang kwarto para maihiga ko siya, pero nang hahawakan ko na siya ay bigla siyang nagsalita..

Jom: Tol di ko alam kung papanu ko sayo sasabihin ito tol.

Ako: Ang alin tol

Jom: Tol sorry pero di ko talaga mahal si Joana, sana wag kang magalit sakin. Ang totoo niligawan ko lang siya para mas lalo tayong magkalapit eh.

Para naman akong sinuntok ng maraming beses dahil sa narinog ko sa kanya... wala akong masabi at bigla na lang nandilim ang paningin ko at bigla ko siya nasuntok ng malakas. Pero sadya talagang mas malakas si Jom kaya kahit na naka inom at may tama na at nakuha nya parin akong gantihan ng 2 magkasunod na suntok na siya namang ikinawala ko ng malay.

Itutuloy......

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails