Followers

Tuesday, March 29, 2011

EXCHANGE OF HEART

EXCHANGE OF HEART

by: Gelo

Bigla nalang akong nagisng sa malakas na kalabog mula sa pintuan, inis akong tumayo ako binuksan "oh ano ba?"

tatay ko pala. Bigla kong naalala wala na pala ako sa probinsya namin hnd kasi ako sanany na ginigising sa probinsya

kanya kanya kameng tayo sa kama. "ano ba?!!alas 9 na ha!diba ang sabi ko hangang alas 9 lang ang tulog nyo or else wala

kayong aabutan na almusal!" pagalit nyang bungad.Oo nga pala, my curfew na nga sa pag uwi na hangang alas 6 lang na kahit 6:01

hnd ka na pag bubuksan ng pinto at pag lumampas ng 9am ang gising mo wag mo ng asahang my kakainin ka, yan ang tatay ko

sobrang strikto hnd lang dun,sa lahat ng bagay PARANG SI BIG BROTHER! kaya bumangaon na din ako at nag hilamos at umakyat sa rooftop

andun kasi ung kusina imbes na sa ground floor baliktad noh? presko kasi sa taas kaya dun nilagay ang dinning area. Pagka-akyat ko bumungad sakin ang madaming tao! Medyo nainis ako dahil pag andito papa ko sa Pilipinas lahat ng pamilya nya mula sa nanay hangang sa apo nasa bahay namin hindi ko nalnag pinansin dumeretso nalnag ako sa mesa agad namang my nag alok sakin ng bangko. Ang tito kong binata, gwapo at medyo maskulado masasabi kong type ko sya kaso tito ko eh ahahahaha! “salamat” sabay ngiti. Daming pag kain. Sana andito lagi si papa para madami pag kain pang lunch na ang dating, sabagay madami din ang papalamunin kaya ang dami ng pagkain pilyo kong pag-iisip. Ng naupo ako pansin ko isa-isa silang nawawala sa mesa at natira nalang ako at ang isa ko pang kapatid, tatay ko at step mom ko. Natawa ako sa isip ko kumbaga “nag bigay pugay samin?” hindi ko na pinansin kumain nalnag ako.

Habang kumakain ako natulala ako at napa isip ng mga pangyayari marahil hindi pa ako masyadong sana’y sa sitwasyong ganto, dahil isang lingo ko palang d2 sa manila daming adjustments dati hindi kame nag aalmusal sa probinsya kung meron man salamat kung wala salamat nalang din. Isang kahig isang tuka kame sa probinsya kasama ko dun ang mama at stepfather ko na bumubuahy samin bilang pedicab driver at ang mama naman ay factory worker at ang kuya kong si PRINSIPE TAMAD lakas pa lumamon nyan ha wala namang ginagawa! I was actually born at Manila but then lumipat kame ng probinsya when i was 6 years old kinuwa kame ng lola ko dahil babaero papa ko at pibayaan kame. I finished my Elementary and High school sa probinsya at ito napapad sa Manila to have my College kasi nga hnd na kaya sustensohan ng magulang ko sa probinsya ang gastusin sa pag-aaral ko sa College kahit masakit SOBRANG sakit i need ko sacrifice a lot para makapagtapos,para sa kanila din naman tong gagawin ko kaya ilang taong paghihirap lang matatapos din to. Ako si Andy ( nag pakilala din noh? Ahahaha) 18 years old, payat, panget!( wala kasi akong FASHION that time kasi puro pag-aaral ang inatupag ko nung high school kaya nakalimutan ko na mag paganda! Ahahahha) matalino ( Valedictorian akong nung nag GRADUATE kaya proud akong sabihin yan at higit sa lahat pala kaibigan ko (maingay kasi ako)

biglang nagisng ako sa pag mumuni muni ko nung marining ko ang pangalan ko “Andy! Andy! Andy!”

tatay ko tinatawag pala ako “ ano po yun?”

“anong balak mong kunin sa kolehiyo?” Tanong nya.

“Ahmm.. Nursing po pa!”

“Sigurado ka na ba jan? Mahirap at magasto na kurso yang napili mo.”

“Opo pa ito po talaga gusto ko nung una pa.”

“Oh sige kaw ang bahala. Sasamahan ka ng tita Elsie mo para mag inquire sa school na papasukan mo bukas.”

Ah sige po. Sa isip ko “ bakit hindi nalang sya? Wala talagang kwenta! Sa stepmom ko pa ako pinasa eh iisang lingo ko palang to nakilala hindi kame close hindi pa naman ako komportable kasama ang taong hindi ko close”

Kinabukasan nag inquire na nga kame sa hindi kilalang school d2 sa Manila pero maganda naman at kompleto facilities kaya ok na din hindi maxadong madmaing studyante madali kang sisikat eh kung sa pinanggalingan kong school na my 7,000 students nakilala ang pangalan ko dito pa kaya na mahigit 1000-2000 students lang ata hnd?( hindi sa pag mamayabang sikat ako nung high school kasi nga lagi ako sinasabak sa school o kaya pagigigng emcee sa ibang mga programs namin ) kaya ok na din,pag aaral aatupagin ko ngayon wala munang extra curricular activities(pero hindi un ang nangyari ahaha)

Naka uwi na kame ng bahay ng 2pm medyo pagod kaya nahiga agad ako konting text sa mga friends sa probinsya at mama ko binalitaan ko na naka enrolled na ako. Next week mag sisismula na akong pumasok medyo excited pero kinakabahan dahil bagong sets of friends,lots of adjustments. Sabi nga nila wag daw ako masyadong mag tiwala sa mga tao d2 sa manila dahil marami sa kanila BI daw and minsan brutal kaya mag ingat daw ako sa pakikipag kaibigan.

Ito na ang araw ng pasukan! Nag bihis na ako ng uniform kong all white ang saya saya ko dahil matagl ko na pangarap masuot to at ngayon suot ko na feel ko nurse na talaga ako ahahaha!

“Pa una na po ako.” Pag papalam ko hindi man lang pinansin na nakaputi ako!

“Oh sige mag ingat ka umuwi ng maaga alam ko sched ng time mo, alam mo batas ko!”

“Opo pa.” Medyo kunot nag nuo.

Habang nasa pedicab ako palabas ng kalsada para sumakay ng jeep my napansin akong naka uniform ng tulad ng sakin na sumakay ng pedicab hindi ko napansin ang muka kasi nakasakay agad. Nauna ang pedicab nya sakin na makarating sa kalsada nung naka baba na ako nakasakay na sya ng jeep kaya dali dali ako sumakay din ng jeep iisa lang direksyon ng jeep namin. Malamang iisang school lang kame.

Sinundan ko lang sya. Hawak hawak nya ung orange form(registration form), palingon lingon hindi ata alam ang gagawin bagong studyante din ata kaya naisip ko wag ko na sundan wala ako mapapala parehas lang pala kameng new students kaya gumawa na ako ng sarili kong direksyon at humiwalay sa direksyon nya kahit hindi ko pa nakikita muka nya. Nag tanong tanong ako dun sa mga tao hangang marating ko ang classroom ko. Naupo ako sa sulok na ako lang ang nakaupo sa row na un. Medyo madami na kame kung bibilangin nasa 30 na. Bigla pumasok na ang professor namin at nag pakilala at nag salita ng kung ano anong mission at vision at ka echusan ng school. Biglang my pumasok

“Sorry ma’am im late.” Sabi ng babae

“And why are you late? You are 20 minutes late! First day of class and you are late?”

“Ah eh kasi po ma’am naligaw ako sa school eh hindi ko po alam san tong 301 eh sa school namin letters ung name ng mga rooms kaya medyo nalito ako?” Patanong nyang sagot

Natawa tuloy ang class sa sagot nya.

“Well.. i’ll accept your excuse for this day but the next time this will happen i wont let you to enter my class ok?”

“Yes ma’am sorry po ulit.” Medyo kamot ng ulo.

Naupo sya sa tabi ko.

“Hi! Im Andy and you?” patago kong pagpapakilala.

“Ah! Im faye. Hehehe”

Biglang my pumasok ulit, lalake. At biglang bungad ng prof namin.

“And why are you late? Don’t tell na letters din ang names ng rooms nyo kung san ka nag graduate kaya nalito ka sa mga rooms?”

Nag tawanan lahat ng malakas!

“hindi po ma’am.. my same room number dun sa kabilang building hindi ko lang po napansin na my nakalagay ng old building eh dapat po pala sa new building 301.”

“ah ganun ba buti naman nahanap mo tong building na to, anyway i would like to inform everyone na meron tayung new at old buildings although the have same room numbers mag kaiba to ok? Para the next time you won’t be confuse, ok sir you can have you sit”

Umupo sya sa bandang gitna harap ng row namin ni faye nakita ko ang bag at hair style nya sabi ko”sya nga yun!mas nauna pa ako sa kanya buti nalang hindi ko na sya sinundan malamang takaw atensyon din ako sa klase”

Nag pakilala na ang bawat isa halos kalahati ng klase hnd taga Manila mostly sa probinsya ang iba naman sa labas ng bansa. At inabangan ko talaga ang pangalan nya LOUIE ang name nya taga probinsya din at confirm sya nga dahil same kame ng address bukod sa house number (malamang? Ahahahah) medyo mag kalapit lang bahay nmin kung pagbabasehan mo sa house number mga sampung bahay lang ata?

Hangang matapos ang lahat ng class at uwian na medyo close na kame ni faye, gusto ko sya kasi same kameng pilya ahaha at ligalig at nalaman kong honor din nya nung nag graduate kaya mag kakasundo talaga kame nito at nabangit ko din sa kanya si Louie na sa iisang purok lang kame.

“ay ganun ba? Edi makisabay ka na ng uwi”

“yoko!nahihiya ako baka sabihn nya feeling close naman ako at baka marape pa ako nyan noh!” pilyo kong sagot

“teh! Kapal naman ng muka mo ang cute cute nyan papatulan ka ba nyan?”

“CUTE? San banda? Cute kasi maliit? Ahahaha” tawanan kame.

“cute naman talaga xa oh at saka hnd naman maliit ah matangad nga eh”

“malamang hindi sya mukang maliit sayo kasi mas mataas sya sayo eh muka syang maliit sakin kaso mas matangad ako sa kanya”

“konti lang naman ang tangad mo sa kanya ah mga 3 inches lang!”

“kahit na every inches count tara na nga uwi na tayu masiraduhana ko ng pinto nyan sayo eh!”

“og sige.. wait!” pag pigil nya sakin.

“oh ano?” medyo naka kunot ang nuo.

“ayaw mo talaga? Sure2x na? Nakangisi nyang tanong.

“punyeta faye tigilan mo ako at mag aalasais na masisisraduhana ko ng pinto! Ayaw! Ayaw! Ayaw!”

“ok sabi mo eh” sabay lakad.

Nakasakay na ako ng jeep, hiwalay kame ni faye kasi iba direksyon nya. Habang nasa isip ko kung naka uwi na ba si louie hnd ko lam bakit ko iniisip? Pero alam ko hindi ko sya type kasi ang mga tipo ko ung matangad sakin, maputi, may katawan at syempre gwapo eh sya maliit ng konti sakin, moreno at feel ko hnd matcho (ewan ko lang hindi ko nalnag nkita pa loob ng damit nya ) at hnd gwapo pero sabi ni faye cute daw? Ewan! Basta hindi ko sya type. Nakababa na ako ng jeep at sumakay ng pedicab papasok sa street namin medyo malayo kasi. At nung nakababa na ako at nag simulang mag lakad bigla akong may narinig na

“Classmate!”

Napalingon ako nakita ko si..

Itututloy..

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails