WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
By: Mikejuha
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Autor's Note:
Ang MSOB EB ay naka-schedule po sa August 13, 2011 (Saturday). Libre po ang venue at pagkain dito at full na po ang 35 na slots, however, pending confirmation pa. If on March 31 ay may ilan sa 35 na originally nakapasok sa slot ang hindi makapag-comply sa hinigi kong requirements sa kanila, then they are considered OUT na po sa list and we will open the slots to the public, on a first-come-first-served basis. Kaya please watch out for our official announcement of the open slots on April 1, 2011.
Inanyayahan ko din po ang mga authors ng MSOB to please confirm on or before March 31. Kapag wala pong confirmation akong naatanggap until that date, MSOB will consider you uninterested. May special slots po tayo para sa inyo at sa iba pang mga invited na friends.
Nangangailan din po tayo ng mga volunteers. Sana ay may tutulong sa mga activities sa nasabing MSOB EB. (like sa games, sa registratin and welcome, foods and drinks, etc). We will appreciate your kindness and support.
We'll keep you updated guys on other announcement.
-Mikejuha-
--------------------------------------------------
Nabigla ako sa narinig. Ang anyo ko ay nakayuko lang dahil sa hiya habang kinukuskos ang buhok sa pagbagsak ng tubig sa aking ulo. Tiningnan ko ang kanyang mukha, maingat na hindi magkamaling idaan ang tingin sa kanyang harapan at baka maisip niyang may pagnanasa ako. “B-bakit?”
“Wala lang... master kita dib a? B-baka lang gusto mong hilurin ko ang likod mo...” ang paliwanag niya.
“Huwag na... nakakahiya” ang sagot ko sabay balik uli sa pagyuko, kinuskos ang buhok ko, ang mukha, ang leeg, dibdib, tyan, harapan...
Nasa ganoon akong pagkukuskos ng katawan noong biglang naramdaman kong dumampi ang kamay niya sa aking likuran at marahang hinagod iyon.
Biglang napahinto ako sa ginagawa. Hinayaan siya at pinakiramdaman ang sunod niyang gawin.
Patuloy pa rin niyang hinagod ang aking likod. Ninamnam ang marahang paghagod at pagdampi ng kanyang kamay sa aking balat.
Maya-maya, itinuloy ko na naman ang aking pagkukuskos sa aking harapang parte ng katawan, nagkunyaring hindi ako apektado sa kanyang ginagawa. Dedma.
Hanggang sa naramdaman ko na may sabon na pala ang kanyang kamay at sinimulang haplusin niya ang aking leeg.
Kinapa ko ang valve ng shower upang humina ang pagbagsak ng tubig at hindi mataggal agad ang sabon. Bahagya kong inangat ang aking mukha upang bigyang daan ang kanyang kamay sa pagpapahid ng sabon sa aking leeg.
Habang ginagawa niya ang pagsabon sa aking leeg, naramdaman ko naman ang kanyang pagkalalaking dumadampi-dampi sa aking likuran.
Bumaba ang kanyang kamay sa aking dibdib at marahang hinahagod-hagod pa rin doon ang kamay niyang may sabon, paikot sa magkabilang umbok, paminsan-minsang nasasagi ng kanyang daliri ang aking utong.
Ang sarap ng pakiramdam. Nag-iinit ang aking katawan. Para akong isang batang naligo sa batis na unti-unting natatangay sa agos ng kamunduhan...
Noong bumaba uli ang kanyang kamay sa aking tiyan.... tigas na tigas na ang aking pagkalalaki. Tinakpan ko ito ng aking kamay sabay salat uli sa valve ng shower upang palakasin na ang bagsak ng tubig.
At dahil sa magkahalong hiya at takot na makita niya ang tirik na tirik kong pagkalalaki, nagmadali akong lumabas ng shower. “Tapos na ako... late na tayo!” ang sambit ko pagkalabas mismo ng shower.
Alam ko nagtaka siya sa biglaan kong pag-alis. Ngunit wala akong pakialam. Grabe ang pagkalito ko. Nagtatanong ang isip kung ang ginawa ba niyang iyon ay upang paglaruan ako, akitin at may gustong mapatunayan sa akin, o kina-career lang talaga niya ang role niya bilang “slave” ko. “Arrgggghhhh!” sigaw ng isip kong natuliro habang pinapahid ko ng tuwalya ang katawan atsaka tinumbok ang wash basin upang makapag-toothbrush na.
“Hindi ka pa nag shampoo ah!” ang sambit niya. Nakalabas na rin pala siya sa shower at kitang-kita ko siya sa salamin sa harap ko na nakatapis ng tuwalya. Napa-“Syeeetttt!” na naman ang utak ko. Ang baba kasi ng pagkatapis niya na parang malaglag na ito at halos uusli ang mga bulbol sa kanyang harapan.
“Mamaya na ako magsashampoo. Maligo na lang uli ako mamaya...” Ang sagot ko, ipinagpatuloy ang pag toothbrush.
Habang nasa ganoon akong pagmamadali, nagpaparinig naman siya. “Wala akong toothbrush...”
Napahinto tuloy ako at napaisip. “Bili na lang tayo sa labas mamaya pagdaan natin sa tindahan. Bili din tayo ng isang sachet na toothpaste.” Ang naisagot ko. Ngunit ewan, dinagdagan ko pa kasi ng biro, “Ngunit kung gusto mo, itong sa akin na lang ang gamitin mo, pagkatapos ko.”
Ngumiti siya sabay sabing, “Huwag kang magbiro ng ganyan boss, papatulan ko iyang sinabi mo.”
“O, e... di patulan mo” ang biro ko pa rin. Alam ko naman kasing hindi niya gagawin iyon eh. Sino bang loko-lokong gagawa ng ganoon.
Kaya noong matapos ako, kampanteng inilagay ko ang toothbrush ko sa lalagyan at dali-daling tumalikod upang magbihis at maghanap na rin sana ng t-shirt at pantalon na susuutin niya.
Ngunit laking gulat ko na lang noong nilingon ko siya. Nilagyan niya ng toothpaste ang toothbrush ko atsaka ginamit!
“Hoyyyy! Bakit mo ginamit iyan? Ginamit ko na iyan!” sigaw ko na halos sasabog na rin sa tawa.
“Di ba iyan ang sabi mo?”
“Biro lang iyon ah! Atsaka gumagamit ka ng ginamit ko na…?”
“Why not? Hindi naman marumi ito, di ba?” sagot niya
“Eh.. hindi naman sa ganoon...”
“Hindi naman pala eh. So anong problema? Ang toothbrush ay naging marumi lang kung ikinuskos mo ito sa lupa, o sa inodoro, sa putik... o sa puwet mo, di ba?”
Hindi naman ako nakaimik sa logic niya. Tama naman din kasi. Hindi ko naman ikinuskos iyon sa kung anu-anong bagay.
“Ayaw mo yata eh...” follow up niya.
“Bahala ka ah! Anlaki-laki mo na kaya.” Ang sagot ko na lang. “Ewwwwww!” ang sigaw din ng utak ko. “Gumagamit ka ba talaga ng kahit kani-kaninong toothbrush?”
“Ano sa palagay mo?” sagot niya habang ipinagpatuloy ang pagto-toothbrush.
Matalinghaga ang kanyang sagot kaya hindi ko na iginiit pa uli ang tanong ko.
“Ikaw, handa ka bang gamitin ang toothbrush kong ginamit na?” tanong naman niya.
“Ewwwwww! Ang sagot ko.”
“So nandidiri ka?”
Hindi ako nakasagot agad. Bagkus tumawa lang ako.
“So, nandidiri ka...” ang sabi niya at tinapos na ang pagto-toothbrush, nagmumog at humarap sa akin.
“Syempre ah. Ginamit mo na kaya. May laway mo na kaya iyan” sagot ko.
Ngunit sa sagot kong iyon, di ko inaasahan ang sunod niyang gagawin. Bigla niyang hinawakan ang aking ulo at idiniin ang kanyang labi sa labi ko.
“Uhummmmmmmpphhhh!!!!” ang lumabas sa bibig ko gawa ng pagdiin ng bibig niya dito.
Ambilis ng pangyayari na halos hindi na ako nakapalag pa. Sinipsip niya ang aking labi atsaka tinangkang ipasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig.
“Uhuuummpppphhh!” ang pagtutol at pag-aalpas ko.
Binitiwan niya ako. Sa totoo lang, nawindang talaga ako sa ginawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay ang dalawang itim sa aking mga mata ay nagtagpo at nakakita ako ng maraming bituin.
“P-para saan iyon?” ang tanong ko, habol-habol pa ang paghinga.
“Ang alin?” ang pa-inosente niyang tanong.
“Ang halik mo?”
Ngunit imbes na sagutin ako, tanong din ang isinagot niya. “Bakit, nagustuhan mo?”
Kaya sa inis ko, ang naisagot ko tuloy ay, “Bakla ka ba?”
Na sinagot naman niya ng, “Hindi ako bakla. At hindi ko maituturig na halik ang ginawa ko. Wala akong naramdaman sarap, ok? Gusto ko lang patunayan sa iyo na wala kang dapat pandirihan sa bibig ko! Na kung kaya mong tikman ang laway ng isang tao, bakit mandidiri ka sa isang toothbrush na ginamitan naman ng toothpaste?” ang matigas niyang boses. “Tara na! Late na tayo!” dugtong niya, pansin sa boses ang pagkairita.
Para namang binagsakan ng malaking bato ang aking ulo sa narinig. Napahiy ba o ano. Hindi na ako kumibo. Napansin ko kasi ang boses niyang mataas at biglang pagsimangot ng kanyang mukha. Tinumbok ko na lang ang aking locker. Naghalungkat ako ng masusuot niya at masusuot ko.
Halos magkpareha lang ang aming katawan at tangkad ni Aljun. Dahil dito, hindi ako nahirapang maghanap ng pantalon at t-shirt para sa kanya. At... pati na rin brief!
Nakita ko ang isang lumang black stonewashed at straight-cut na pantalon at isang semi-fit bench white shirt na may stripes na blue sa dibdib at balikat na hindi ko masyadong naisusuot. Kinuha ko na rin ang isang puting brief na bago pa lang.
Ibibigy ko na sana sa kanya ang napili kong mga susuutin niya noong hindi ko naman siya mahagilap. Nasa sulok pala siya ng kuwarto kung saan nakalagay ang aking mga labahin at tangka na sana niyang isuot ang kanyang pantalon na nasukahan niya noong nakaraang gabi.
“Huwag yan! Marumi yan!” sigaw ko. “Ito ang isuot mo!” dagdag ko pa sabay hagis sa pantalon, t-shirt at brief sa kanya. Tumalikod kaagad ako at tinumbok ang locker kung saan dali-dali din akong nagbihis.
Noong matapos na ako, tapos na rin pala siya at nakaupo na sa sofa, hinihintay na lang pala ako. Ambilis niyang makabihis!
“Tara na!” sabi ko. sabay tumbok sa pintuan. Sumunod siya. Dahil walking distance lang naman ang school galing sa flat ko, naglakad kami.
Napansin kong hindi siya umiimik. Parang galit o ano. Hindi ko maintindihan kung ano ang ikinakagalit niya kung mayroon man at kung kanino. Pero naisip ko rin ang eksena kung saan tinawag ko siyang bakla. Baka iyon ang ikinagalit niya sa akin.
Ewan, hindi ko rin maintindihan ang sarili. Naglalaro pa kasi sa isip ko ang nangyari sa gabing iyon kung saan muntik ko nang hindi mapigilan ang aking sarili, at kung saan nagtatanong ang aking utak kung may alam ba siya sa tangka ko sanang gawin sa kanya. At nagpadagdag din sa kalituhan ko ang mga nangyari sa amin sa shower, ang paggamit niya sa aking toothbrush, at ang paghalik niya sa aking bibig. Lahat ng ito ay bumabagabag sa aking isip.
So... wala kaming imikan bagamat tuwang-tuwa din ako sa nakitang isinuot niyang damit ko. Iyon bang pakiramdam na, “Wow! Ganyan na kami ka-close?” At sa tingin ko sa kanya ay lalo pang tumingkad ang kanyang angking kakisigan at ganda ng hugis ng kanyang biluging katawan. Astig. Hayup sa porma. Ang demonyo sa appeal!
Kaya, lakad lang kami ng lakad at bagamat magkasabay, parang hindi kami magkakilala. Hindi kami nagpapansinan, hindi nag-uusap. Hindi ko rin tuloy maiwasang hindi mag-isip na baka nahiya din siyang malaman ng mga taong nakakilala sa kanya na ako pala ang nakapanalo sa kaniya; isang lalaki at natakot siyang lokohin, biruin... Med’yo may may kaunting kirot din ito ngunit, wala akong magagawa. Naintindihan ko.
Hanggang sa nakarating kami sa gate, may mga barkada siyang nagkantyawan, mga ka batch niya din yata sa tingin ko. “Pare, saan ka ba kagabi natulog at wala ka daw sa dorm mo? May nabiktima ka na namang chikas ano?”
Tawanan.
“Kawawang mga babae. Isa-isa nang kinakatay ng kanilang idolo!” dugtong pa ng isa.
Tawanan uli.
Ngingiti lang si Aljun, palihim na lumingon sa akin.
“Mauna na lang ako, Boss....” ang mungkahi ko noong makitang lumapit si Aljun sa kanila. Baka kasi gusto pa niyang makikipag kwentuhan.
“Sabay na tayo!” ang sagot din niya.
“Sino iyon?” ang narinig ko namang tanogn ng isa niyang barkada.
“E.... p-pinsan ko pare. S-si Jun” ang narinig kong sagot ni Aljun.
Nginitian ko sila at kinawayan na rin sabay talikod na. Nahiya kasi ako at syempre, out-of-place naman ako doon.
Humabol din pala si Aljun sa akin. At sabay uli kaming naglakad. May kumaway sa kanya, may nag-hi at nangumusta. Marami talaga siyang kaibigan. Palibhasa, palakaibigan talaga siya hindi pa kasali ang tindi ng kanyang appeal.
Nakarating na kami sa main building ng school noong isang magandang babae naman ang biglang lumapit. “Aljun! Saan ka ba nagpunta kagabi? Hinahanap kita ah! Text nang text ako sa iyo, hindi ka nagrereply. Tinawagan kita, hindi ka rin sumagot...”
Huminto naman si Aljun at hinila siya palayo sa akin. Parang sobrang close na nila noong babae. Ewan ko ba ngunit parang may sibat itong tumama sa aking puso sa pagkakita sa kanilang nag-uusap.
Kaya ang ginawa ko ay bigla na lang akong dumeretso sa klase ko nang walang paalam sa kanya. At iyon... may dagdag na panibagong tanong na naman ang aking isip. “Sino ang babaeng iyon? Bakit sobra ang pagka-close nila? At anong pakialam ko? Bakit para akong nagseselos?”
“Friend!!!! Grabe ka? Hindi mo na ako pinapansin ngayon ah!” ang sigaw ng kaibigan kong si Fred noong pagkapasok ko sa silid-aralan ng subject kung saan classmate ko rin siya.
“Ah! Kaw pala Fred. Hindi kita napansin agad ah.” ang sagot ko.
“Ok lang yan friend! Ganyan talaga kapag in love!” ang sambit ni Fred.
“Tado! Kanino ako ma-in love? Labo mo naman o!”
“Friend... sa sa tindig palang iyong mga pilik-mata, alam ko na kung umiibig ang isang tao o hindi. Kaya huwag ka nang mag maang-maangan pa! O no, tinablan ka na sa kanya ano?”
“Anong pinagsasabi mo d’yan? Anong tinablan? Ikaw... puro ka kalokohan eh...” ang sabi kong medyo nairita sa pagbibiro ng kaibigan.
“Ok lang iyan friend. Nasa stage of denial ka lang. Normal lang iyan sa taong katatalab pa lang ng love virus!” ang patuloy pa ring pagbibiro ni Fred.
“Gusto mo suntukin na kita sa mukha?” ang pananakot ko.
“Hahaha! Ito naman o, hindi na mabiro... O sige, kung ayaw mong pag-usapan di huwag.”
Tahimik. Hindi ko kasi alam kung ano ang tunay kong naramdaman. Parang ambilis ng mga pangyayri. Parang gusto kong isiwalat sa kaibigan ang tunay na bumagabag sa isip bagamat ang ego ko ay nagsasabing hindi ako affected dahil lalaki ako; dahil ayoko sa ganoong klaseng pagkatao.
At dahil pumasok na ang aming professor, saka na tuluyang natapos ang pangungulit ni Fred tungkol sa nangyari sa amin ni Aljun.
“Alam mo, Fwend, may napansin akong kakaiba sa iyo ngayon...” ang sabi ni Fred noong palabas na kami ng room at papuntang student center upang mag-snack.
“U...! U...!” ang pagsupalpal ko. “May napapansin ka na naman sa akin, tigilan mo nga ako!”
“Hindi nga fwend. Obvious ang pagkatulala mo sa klase kanina. Pati prof natin napansin ka. At pinagtawanan ka tuloy noong tinanong ka niya ng ‘What’s wrong Mr. Flandez’ na hindi mo napansin at noong tinapik kita, binulungang tinanong ka ng professor, pansin ng lahat ang biglang paglaki ng mga mata mo sa gulat sabay sagot, ‘I beg your pardon, professor ?’ Hindi ka naman ganyan ah. Lagi kang active sa discussions at nagbibigay pa nga ng mga explanations…”
“E... may iniisip lang e!” ang pagmamaktol ko.
“At sino naman ang iniisip mo? Si Aljun?”
“Hoy! Sobra ka na ah!” ang bulyaw ko na sa kanya sabay muestra sa kamao ko sa kanyang mukha. Nabigla kasi ako sa pagbigkas talaga niya sa pangalan noong tao.
“Wuwuwuwuwwww! Easy lang po...” sambit naman niya sabay harang nga kamay sa kanyng mukha.
“Di nga fwend. Iyan lang naman ay ang napansin ko. At huwag mong i-deny. Kasi, nakita ko ang reaksyon ng mukha mo kanina noong may lumapit na babae kay Aljun at kinausap niya ito.”
“Nandoon ka?”
“Nasa di kalayuan lang naman po ako. At heto pa... bakit suot niya ang iyong t-shirt at pantalon?”
Nabigla naman ako sa narinig. Napansin pala niya iyon. “Hindi akin iyon ah!”
“Fwend... maglokohan pa ba tayo ngayon? Alam ko kaya ang t-shirt at pantalon na iyon dahil iyon ang isinuot mo noong nag-enroll ka pa lang dito sa school na ito at napansin kita. Alam mo kung bakit di ko malimutan iyan? Dahil nakyutan ako sa iyo sa suot mong iyon... at kaya kita nilapitan at kinaibigan. O ano... magdedeny ka pa ba?”
Syempre, hindi na ako nakatanggi. Totoo naman kasing una kaming nagkakilala ni Fred sa pagpa-enroll ko sa school na iyon. “Eh... nalasing kasi iyan kagabi. Akalain ko bang hindi naman pala sanay uminom. At doon nakatulog sa flat ko dahil napuno ng suka ang kanyang pantalon at t-shirt at hindi na makatayo.” Ang kwento ko na lang. Pero syempre, hindi ko na sinabi pa ang ibang mga detalye.
“Ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!” sigaw ni Fred. “Nagtabi kayo sa higaan?”
“Oo.” Ang med’yo nahihiya kong sagot.
“Waaahhhhhhhhh! Humaygadddd! Humaygaeeeeeeedddd! Nakatabi mo sa pagtulog ang pambansang pantasya! Nakaniig mo ang crush ng sanlibutan!” ang kinikilig na pigil na pagsisigaw ni Fred. “Nayakap mo sya? Nahalikan mo siya? Natsansingan mo siya?”
“Um!” Ang pagbatok ko sa kanya. “Huwag ka ngang bulgar d’yan! At bakit… ano ba ang tingin mo sa akin? Bakla ba ako? Babae ba ako? Hindi naman ah!”
“Hmmmm. Ok fine. Hindi ka bakla kung hindi. Tingnan na lang natin kung hindi ka maiinlove sa kanya.”
“Sigurado ako matatalo ka!” ang sagot ko.
“Kung gusto mo pustahan tayo, sa ma-inlove ka rin kay Aljun, kagaya ng iba d’yan. Ano deal?”
“Siguro ang pustahan ay dapat kung si Aljun ang maiinlove sa akin.”
“Hahahaha! Anlakas naman ng hangin!” sabi niya. “Sabagay, kung sa kapogian, kabaitan, at katalinuhan ang pag-uusapan, hindi ka rin naman patatalo. At... mas lamang ka pa dahil anak-mayaman! Wow!” dugtong ni Fred. “Ah! Ganito na lang kaya ang pustahan: kung ikaw ba ang mainlove kay Aljun o si Aljun ba ang mainlove sa iyo. At ang bet ko ay ikaw ang ma-inlove sa kanya. Deal?”
“Good! Proposition! Deal!” Sagot ko. “Alam ko, siya ang maiinlove sa akin...”
“Waaaahhh! Sana tayong dalawa ang manalo sa pustahan fwend. Ibig sabihin, mainlove ka sa kanya at siya naman ay ma-inlove sa iyo!”
“Hindi mangyayari iyan!” Ang matigas kong pagtutol
“Well… fine. Tingnan na lang natin. At walang lokohan fwend, dahil malalaman ko rin iyan pag pineke mo ang iyong naramdaman!” sabay tawa.
“Don’t worry.” Sagot ko.
At iyon ang pustahan namin ng kaibigan kong si Fred.
Kininkilig n nmn ako sa likha mo sir. Sa later part kaya paiiyakin mo kaya ulit ako ng sobra? Haha, The best k talaga sir Mike.
ReplyDelete