Followers

Sunday, March 20, 2011

FATED BY FORCE… FORCED BY FATE…

The story revolves around two people ‘forced’ to live with each other. How would fate and circumstances shape their lives as completely opposite individuals? Because when we are on our lowest, to the point of us hating ourselves, it is when we need somebody the most regardless of perceptions and first impressions.

FATED BY FORCE… FORCED BY FATE…

By: Chartreuse

CHAPTER 1

I’m Augusto Briones Alejandria - August, to my friends and close relatives. I’m 21 and a graduate from one of the most prestigious universities here in Manila. I’ve spent 4 years of my life on that university but at no point I felt that I belong. But it is no surprise since even in my own family; I can’t seem to fit in. ‘Perfect’ that’s what I hear a lot when people are talking about me. Well maybe, considering my educational background, wealth and good looks – ‘perfect’ but the catch is… I’m gay.

“Lumayas ka sa pamamahay ko! Wala akong anak na bakla! Ikinakahiya kita!” Yan ang mga salitang binitiwan ni daddy when I decided to come out of the closet. Masakit… lalo na dahil sarili mong mga magulang ang hindi makatangap sa totoong pagkatao mo. At para sabihing ikinakahiya niya ako… it’s like hitting rock bottom.

I went back sa kwarto ko habang umiiyak. Kumuha ng bag and packed a few clothes and some cash. Papalabas na ako ng pintuan ng bahay when I glanced at the stairs, andoon si mama, staring intently. In the back of my mind pinapanalangin ko na sana pigilan niya ako… na tangapin niya ko… and sabihin niyang everything will be okay… but hindi, she didn’t even utter a single word.

I started walking papalabas ng village not knowing kung saan ako pupunta. Iniisip ko if tama nga ba yung ginawa ko… kung tama ba yung desisyon ko na magtapat sa kanila… at kung ano ang magiging buhay ko ngayon. I’m starting to regret what I did ng biglang tumunog yung phone ko, a txt from my cousin. ‘Ang bilis naman ng balita.’ I said to myself. Bago ko pa man mabasa yung message, my cousin called me.

“August, I heard the news. Asan ka? Sunduin kita. Dito ka nalang muna sa bahay tumira”

“Thanks ate but sino nagsabi sayo?” Nagtataka kong tugon.

“Tumawag si nanay Beth dito, alalang alala sa iyo.”

‘Oo nga, hindi man lang ako nakapag paalam kay nanay Beth’ sabi ko sa aking sarili. Si nanay Beth ang kasama namin sa bahay at siya rin ang nagpalaki sa akin. We’re not related pero mas naging ina pa siya sa akin more than my own. “Busy lang sila sa pagtratrabaho, para sayo rin naman iyon.” Yan ang madalas na linya niya sa tuwing nagtatampo ako sa aking mga magulang.

“August?! Andyan ka pa ba? Asan ka ba?” Pagputol ni ate Les sa aking pagiisip.

“Ah eh.. Oo andito pa ko, may naisip lang. Hindi na ate, baka mamaya madamay pa kayo nila tita. And I’m sure pinagbawalan na ni dad si tita a patuluyin ako diyan”

“So anong plano mo?” Medyo nalungkot yung boses ni ate. Siguro dahil natumbok ko na pinagbawalan nga sila ni dad.

“Don’t worry about me I can take care of myself ate, pakisabi narin kay nanay Beth.”

Dumidilim na and still I have no place to go. Then I remembered Ella, ang nagiisang kaibigan ko during college. I remember her saying na kapag naglayas daw ako, I can stay with her as long as I want. At that time I didn’t take it seriously. Hindi alam ni Ella na bakla ako… or maybe alam niya but gusto niya sa akin mismo mangaling. Hindi rin naman namin kasi napaguusapan yung mga bagay na yon and hindi rin naman kasi siya nagtatanong.

Kahit hiyang hiya ako, I had no other choice, I’m desperate… so I called her.

“August how are you? Ang tagal mong nang hindi nagpaparamdam ah!”

“I’m good Ella but I have a sliiiiight problem” Me, emphasizing ‘slight’.

“Do tell.” But bago ko pa man masabi na I came out of the closet at pinalayas ako…

“Lumayas ka no?” Nagulat ako sa sinabi na yon ni Ella.

“Ah.. eh.. pano mo nalaman?” Nagtataka kong tugon.

“Kasi, naaalala mo lang naman ako tawagan kapag hindi mo na kaya magisa yung problema mo. Hahaha”

“I’m sorry for being that way” Malungkot ko namang pagsagot.

“No no, it’s okay, I understand. Pano ba… Um… I’m on the airport kasi right now, I’m going to Singapore for work and I’m not sure kung hangang kelan. But ganito… I’ll just call Mike to tell him na you’ll be staying sa condo. Punta ka nalang doon, I’m sure he’s there.”

“And one more thing August, don’t let your guard down, malakas mang trip si Mike sa mga kagaya mo. Bye!” Bago pa man ako makasagot, naputol na niya kaagad yung tawag.

‘Kagaya ko? So baka alam nga niya.’ Sabi ko sa sarili ko at napangiti nalang.

I took I cab and arrived at their condo sa The Fort. Naglakad ako papasok and na recognize naman ako kaagad ng guard and receptionist. Siguro dahil narin mas madalas pa ko dito kesa sa sarili naming bahay.

“Sir, ang tagal niyo ng hindi bumibisita dito ah.”

“Busy lang.” Ang maikli ko naming tugon.

I went up and habang nasa elevator, iniisip ko si Mike, ang younger brother ni Ella na talaga namang gwapo kung gwapo. Maraming beses ko na siyang nakita, since madalas nga kami tumambay ni Ella dito pero never pa kami nagkaroon ng chance magusap. And I must admit, I have a big crush on him.

Andoon na ako sa tapat ng unit nila pero nag he-hesitate akong kumatok. Hindi kasi ako sure what to expect, ang dating kasi sakin is somehow we were ‘forced’ to live with each other – Ako by the situation and him, by his sister. Hindi ko maimagine how awkward this setting will be but still I summed up the courage and knocked.

‘Wala atang tao.’ Sabi ko sa sarili ko. Pinihit ko yung door knob and it’s not locked. Hindi ko alam kung bakit pero I decided to let myself in. Tahimik pero bukas ang mga ilaw, ‘Siguro bumaba si Mike’ sa isipisip ko. Binaba ko yung gamit ko sa may sofa and started looking around. Tinitignan ko yung picture ni Ella and Mike sa may table malapit sa pintuan ng bathroom ng biglang lumabas si Mike.

Nakatapis lang siya ng maliit na towel, halos mag pangabot lang ang dalawang dulo nito. Basa ang buhok at medyo tumutulo tulo pa ang katawan. Oo, madalas ko na siyang nakikita pero hindi ng ganito kaya hindi ko mapigilang tumitig sa kanyang muka, sa kanyang katawan at pati narin sa bukol sa kanyang harapan.

Yan si Mikaelo Rodriguez o Mike, matangakad, matangos ang ilong, maputi at maganda ang katawan. College student, same university samin ni Ella. Happy-go-lucky at madalas ay walang pakielam. Mahilig mag party at higit sa lahat babaero. Sabi ni Ella, Ilang beses na raw niyang nakikitang may babaeng lumalabas mula sa kwarto ni Mike tuwing umaga. Nung una, nagagalit siya, pero napagod narin daw siya sa kakasaway kaya pinapabayaan nalang niya.

“Do you like what you’re seeing?” Pagbasag ni Mike sa katahimikan. Natauhan naman ako at narealize na kanina pa pala ako nakatitig, napapalunok at nanlalaki ang mata.

“Sorry pero hindi ako pumapatol sa bading. Hahaha” Dugtong pa nito.

“You are… August right?”

Iniabot ko naman ang aking kamay for a handshake ngunit hindi niya ito pinansin bagkus ay nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita.

“Let set things straight here August, wala akong pakielam sa pagtira mo dito but I have two rules. First is wag mo akong papakikielaman.” Lumakad siya papalapit sa akin at inilapit ang bibig sa aking tenga sabay sabing… “Second, don’t ever fall for me.” Sabay tawa.

Pagkatapos nito ay tumalikod siya at lumakad patungo sa kanyang kwarto. Ngunit bago pumasok ay tinangal niya ang tuwalyang naka tapis sa kanya. Napatitig nanaman ako sa aking nakita. Lumingon siya at sabay ngumiti ng nakakaloko atsaka pumasok.

Natagalan din ako bago naka recover sa nangyari.

'What the hell just happened?' Naibulalas ko.

'Don’t ever fall… yeah right.'

'Presko'


-ITUTULOY-

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails