WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
fb group: http://www.facebook.com/login/setashome.php?ref=genlogin#!/home.php?sk=group_136612009740737&ap=1
----------------------------------------------------
Syempre kunyari, hindi ako affected. “Ganoon ba? Good for him!” ang sarcastic kong sagot.
(Itutuloy)
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
fb group: http://www.facebook.com/login/setashome.php?ref=genlogin#!/home.php?sk=group_136612009740737&ap=1
----------------------------------------------------
Syempre kunyari, hindi ako affected. “Ganoon ba? Good for him!” ang sarcastic kong sagot.
Na ikinagulat naman ni Fred. “Huwat? Papayag ka na lang basta na sabsabin at lamunin siya ng aswang na babaeng iyon?” Ang banat kaagad ni Fred.
“Bakit? Karapatan naman niyang pumunta kahit saang lupalop ng mundo di ba? Wala siyang commitment kahit kanino, matanda na siya, matalino... Sino ba tayong magbabawal sa karapatan niya, di ba?”
“Woi, ikaw na babae, este, lalaki ka... first of all, sa harap natin sinabi niyang hindi siya mag aattend. At sa harap pa ng bruhang iyon! And second of all, denepensahan ko pa siya sa demonyetang iyon na may laylay na mga boobs para lumayas iyon at hindi na mangungulit. Ang point ko lang naman dito fwend ay paninindigan. Word of honor! Ganyan ba ang pagkatao niya? Pagkatapos niyang sabihing ayaw niya at pagkatapos kong lapain sana ang babaing iyon sa harap niya, pupunta din pala siya? Ano sya? Walag bayag? Kunyari may sinabi pa siyang knight in shining aror niya ako dahil sa pagdepensa ko sa kanya sa pangungulit ng bruhang iyon na may tabinging kilay? Kakainis!”
Idudugtong ko pa sana na pati sa pag-uusap naming dalawa sa flat ko ay sinabi din ni Aljun na hindi daw talaga siya pupunta dahil hindi naman siya nag-eenjoy sa ganoon at wala naman siyang gagawin doon... Ngunit di ko na sinabi pa ito. “Saan mo naman nalaman na pumunta si Aljun?”
“Sa fb ng bruhang iyan! At ikinalat pa ang picture niyang nandoon si Aljun sa party niya, naka-tag yata ang buong sambayanan! At may kuha pa silang dalawa lang na magkatabi at halos lalapain na niya si Aljun! Gusto mo tingnan natin ngayon?”
“Ah.. huwag na. Hindi ako interesado...” ang nasabi ko na lang bagamat masamang-masama ang loob ko sa narinig. Parang sinaksak ng maraming beses ang puso ko at walang patid ang pagtagos ng dugo dito... Tahimik na lang akong yumuko, kinuha ang ballpen sa aking bulsa, binuksan ang aking notebook, at nagkunyaring nagbasa at nag-aral ng leksyon sa subject na iyon.
Ngunit marahil ay sadyang malakas ang pang-amoy ni Fred. Siguro, ganyan talaga ang best friend. Kaunting galaw mo, naramdaman kaagad niya kapag tunay kang nasaktan o nagkunwari lang. Parang alam niya ang kahit kaliit-liitang bahagi ng iyong kalamnan. “Fwend... alam kong nasaktan ka eh. Mag-open ka naman sa akin sa naramdaman mo o. Para alam ko kung ipaglaban ba natin iyan o makuntento ka na lang bang buong buhay na magtiis...”
Subalit deny-to-death pa rin ako. Siguro ganyan din talaga kapag may naramdaman ka ngunit ayaw mong tanggapin. “Fred... wala akong naramdaman, ok? At huwag kang mag-alala kasi kung darating ako sa puntong iyon, ikaw ang unang makakaalam...” ang nasabi ko na lang bagamat parang gusto ko na ring bumigay at mag-open up, humagulgol, umiyak, maglupasay sa sakit na aking naramdaman sa balikat ng isng kaibigan.
“Ok... kung iyan ang desisyon mo, fine. Pero kung hindi mo na kaya fwend, nandito lang ako. At hindi kita pababayaan kahit hindi ka pa umamin dahil alam ko, mayroon kang naramdaman! Bistado na kita fwend! Sana tigilan mo na iyang pride at pagde-deny.”
Binitiwan ko ang isang ngiti kay Fred sabay sabing, “Salamat Fred. Isa kang tunay na kaibigan...”
Maya-maya, dumating na rin si Gina at ganoon din ang hatid na balita; na kalat na kalat na daw sa buong campus na si Aljun ay nag-attend sa pary ni Giselle at na nagkalat na rin ang mga pictures nila sa fb... “Akala ko ba hindi mag-aattend si Aljun doon!” ang sambit ni Gina.
“Hayaan mo na siya. Kaligayahan niya iyon kaya wala tayong magagawa.” Ang sagot ko naman.
“Oo nanam. Wala na tayo doon. Pero wala ba siyang paninindigan?”
Na siya namang lingon sa akin ni Fred at ipinakita ang pagtaas ng kilay niya.
Hindi na ako sumagot. Dumating na rin kasi ang aming professor. Ngunit may point si Gina. At si Fred.
Noong matapos ang klase, dumeretso kami sa student center. Hinintay namin si Aljun upang sana ay makausap namin at malinawan kaming lahat bagamat sa isip ko lang ay parang nawalan na ako ng ganang makinig sa kung ano man ang sasabihin niya. Masakit kaya... para sa akin ay wala siyang dahilan upang mag-attend sa party ni Giselle pagkatapos niyang magbitiw ng salitang hindi pupunta.
“Kailangan niya talagang mag explain, fwend!” ang sabi ni Fred.
“Tama!” ang sagot din ni Gina.
“ano ba ang number pala niya at ako na ang tatawag sa kany upang malaman niyang naghintay tayo dito?” tanong ni Fred.
“Huwag na! Dapat siya ang may kasalanan, siya ang magpaliwanang na hindi natin pinaalalahanan, di ba?” ang sagot ko naman. Syempre, dapat siya ang mag-effort na mag-explain. Mas maganda kasing kung sino ang may kasalanan, siya ang dapat na mag-explain na hindi na tinatawagan o tinatanong.
Ngunit magta-time na lang para sa sunod naming klase, wala pa ring Aljun ang sumipot. Ewan kung ano ang naramdaman nina Fred at Gina ngunit ako, parang lalo lang akong nasaktan at mistulang bulkang Mayon ang aking kalooban na kumukulo ang mga lava sa galit.
“Woi. Gagala na lang tayo mamaya?” ang mungkahi ni Fred.
“Sige! Sige!” Ang excited namang sagot ni Gina. “Gusto ko sa beach tayo! Parang night swimming!”
“Ok ako d’yan!” ang sagot din ni Fred.
At dahil gusto ko ring makapagrelax ang isip at parang ganti ko na rin kay Aljun kaya sumang-ayon na rin ako.
At natuloy naman kami sa pagbi-beach. At doon ko na-confirm na talagang may crush si Gina sa akin. Sobrang sweet niya. Pakiwari ko ay pansamantalang nawala rin ang mga iniisip ko at sakit ng damdamin dahil sa ginawa ni Aljun. At habang ganyang na nakaupo kaming dalawa ni Gina sa buhanginan at dikit na dikit ang mga katawan at nakalingkis pa ang kamay ko sa kanyang beywang at nagtatawanan, nagkukuwentuhan... hindi naman ma-drawing ang mukha ni Fred na para bang nandidiri sa kanyang nasaksihan sa amin ni Gina. Naiimagine ko nga sa isip niya na nagsusumisigaw ito at ang sabi ay, “Ewwwwww! Pumapatol sa babae! Kadiri!”
Nangingiti lang ako. Kung sa kami ni Aljun ang nagtatabi at naglalampungan ay kinikilig siya at hindi maaawat sa pagrereact, sa nasaksihan niya sa amin ni Gina ay parang ayaw niya kaming tingnan, ang bibig niya ay ngumingiwi at palihim na dinidilatan ako. Lalo na kapag ganyang hinahawi ko ang buhok ni Gina kapag tumatakip ito sa mukha niya gawa ng paghampas ng hangin. Para siyang nasusuka sa nakikita.
Kaya noong umalis si Gina sandali upang mag CR, agad akong kinumpronta ni Fred. “Woi! Ano ka ba! Babae at barkada pa natin ang pinapatulan mo? Nakakdiri ka! Dinungisan mo ang bandera nating mga bakla!”
Na sinagot ko naman ng malakas na tawa. “Fred... hindi ako bakla, ok? At may naramdaman ako kay Gina. Crush niya ako at crush ko rin siya. Masaya akong kasama siya. Anong problema doon?”
“Ewwwwwwww!!! Nakakasuka! Paano na lang si Aljun? Paano na lang ang pustahan natin?”
“E di talo ka...”
“Ano? Wala naman sa usapan ang babae ah!”
“Ah e di wala... pareho tayong panalo.”
“Punyeta ka, tomboy ka pala!” ang sagot na lang niyang may bahid na pagkainis, nagmamaktol. “Basta! Ayokong basta ganyanin mo na lang si Aljun. Nasasaktan ako Fwend!”
“Nasasktan ka? Andaming nagmamahal noon!” sagot ko.
Natahimik na si Fred noong bumalik ma si Gina.
Tuloy pa rin ang kuwntuhan naming dalawa tungkol sa mga buhay-buhay, mga problema, mga nakakatuwang experiences sa school, etc. etc... Masaya naman at lalo ko pa siyang nakilala. Parang kulang ang oras sa dami ng aming topics.
At marahil ay hindi na nakayanan ni Fred ang pagmamasid sa amin, at eksakto namang dumaan sa harap namin ang isang life-saver at attendant ng beach, walang ka-kyeme-kyemeng hinikayat niya itong samahan kami.
“Tapos na po ang duty ko Sir eh...” ang sabi ng beach attendant.
“E, di mas maganda. Libre ka na pala e. Pwede bang imbitahan na lang kitang samahan kami. Bayaran ko na ang oras mo. Hindi naman bawal sa inyo di ba?” ang panghikayat pa ni Fred.
“H-hindi naman po...”
“Pwes, inimbitahn kita at may dagdag-kita ka pa! Ano sa palagay mo...?”
Bahagyang napahinto ang attendant at nag-isip. Maya-maya ay sumagot din, “Ah... kung ganoon e di sige po, para may dagdag income ako hehe” ang sagot ng attendant.
In fairness din naman, hunk na hunk ang life saver na iyon. Marahil ay nasa 23 years old at may taas na 5’10? At dahil sa nature ng trabaho niy at sabak pa sa mabibigat na trabaho, rugged na rugged tingnan ang katawang sunog tingnan dahil sa pagbibilad sa araw.
Tuwang-tuwa naman si Fred sa nakulembat na lalaki at nang-iinggit pa sa akin.
“Jake na lang ang tawag mo sa akin, Sir” ang sabi noong life-saver.
“At Fred na rin ang dapat mong itawag sa akin, huwag nang Sir. At hetong dalawa kong kasama ay sina Jun at Gina...” sabay turo sa amin.
Iniabot ni Jake ang kamay niya sa amin at isa-isa niya kaming kinamayan.
Binigyan ni Fred ng isang boteng beer si Jake at pumuwesto silang dalawa sa malayo-layong parte ng beach at doon naupo, akaharap sa dagat.
Syempre, solo na namin ni Gina ang isa’t-isa.
Tumunog ang message alert ng aking cp. Noong binuksan ko ang inbox, nakita ko ang message ni Aljun. “Boss... nasaan ka? Nandito ako sa student center, naghihintay sa iyo.”
Ngunit inignore ko ito.
“Sino iyon?” tanong ni Gina.
“Mommy ko.” ang sagot ko na lang.
Tuloy pa rin ang pagkukwentuhan namin ni Gina. Tungkol sa subjects, sa school, sa mga professors, sa mga classmates, sa mga nakakatawang eksena sa klase, mga nakakatawang teaching styles ng professors at mga loko-loko at kengkoy at sobrang seryosong mga estudyante.
Nag message alert muli ang aking cp. Tatlong sunod-sunod. Si Aljun uli at nagtatanong pa rin dahil nandoon pa rin daw siya sa student center at siya na lang ang natirang tao doon.
Hindi ko pa rin ito sinagot. Syempre, inis na inis pa rin ako sa ginawa niya.
Maya-maya, habang patuloy pa rin ang aming kuwentuhan ni Gina, nag-ring na ang cp ko. Si Aljun uli.
Pinindot ko lang ang “silence” key upang hindi mahalatang pinatayan ko sya ng cp. At noong matapos na ang call, sinet ko sa “silent” ang cp ko para hindi na siya maka-istorbo pa.
“Sino iyong tumawag? Ba’t hindi mo sinagot?” ang tanong uli ni Gina.
“Nag-miss call lang iyon” ang pag-aalibi ko.
Naniwala naman siya.
At patuloy ang aming kuwentuhan hangang sa medyo naging seryoso na ang topic. At doon ko nalaman ang buhay niya bilang isang anak na malayo sa mga magulang dahil nasa abroad ang mga ito at ang pagtira niya sa mga lolo at lola niya. Med’yo natouched ako sa kwento ng buhay niya kasi parang kabaligtaran ang aming mga experiences. Naghahanap siya ng pagmamahal ng mga magulang dahil nasa malayo ang mga ito samantalang ako, ay nasasakal na sa sobrang pagmamahal nila, dahilan kung kaya naisipan kong lumayo at lumipat sa university na iyon upang maranasan at matutunan ang tumayo sa sariling mga paa, at maging independent. Sa buhay ko kasi, lahat ng hihilingin ko ay nakukuha ko. Isang hiling ko lang ay nand’yna na sa aking harapan. Parang walang challenge, walang value ang mga bagay na nakakamit ko dahil hindi ko pinaghirapan ang mga ito.
“Parang napaka-ironic talaga ng buhay ano?” ang nasambit ko. “Ikaw, ang problema mo ang kulang sa pagmamahal ng mga magulang samantalang ako, ay dahil sobra-sobra to the point na parang nawalan na ako ng sariling existence at sariling identity...”
“Oo nga. Ikaw, gustong maranasan ang naranasan ko ngunit ako, gustong maranasan naman ang naranasan mo.”
Tawanan.
“Ironic talaga ang buhay minsan ano? Mahirap mo talagang ma-fathom ang lalim nito. Pero ang sagot lang naman siguro sa lahat ng ka-weirduhan sa buhay ay tamang diskarte at pagtanggap sa kung ano man ang ibinigay sa iyo. Kasi may mga bagay sa buhay natin na hindi na natin puwedeng baguhin pa ngunit pwede namang tanggapin. Kagaya mo, naghahanap ka ng pagmamahal ng mga magulang. Ang pinakamaganda mong magawa na lang ay tanggapin ang lahat di ba? Ngunit ipadama mo pa rin sa mga magulang mo na mahal mo sila, sa kaya mong gawing paraan upang kahit papaano, buo pa rin ang lahat sa inyo. At naniwala din akong kahit may mga kanya-kanyang kakulangan tayo sa buhay, may mga magagandang biyaya din tayong natatamasa. Kagaya mo, kahit papaano, buhay pa ang magulang mo at alam mong mahal ka nila kung kaya sila nag trabaho sa abroad. Pero iyong iba... wala na silang mga magulang o kaya, hindi nila alam kung nasaan...” Ang nasabi ko. Bigla tuloy sumingit si Aljun ang ang interview sa kanya. Kasi, bagamat hindi niya kilala ang ama niya, ang sagot niya sa interview ay hindi mabura-bura sa aking isip na lalong nagpatindi pa sa paghanga ko sa kanya. Sabi niya sa interview na iyon, “Ako? kung hindi ko natanggap na wala akong tatay, baka nagwala na rin ako. Baka sinisi ko ang nanay ko at ang lahat ng tao sa mundo. Ngunit tinuruan ko ang sariling tanggapin ang lahat kasi, nad’yan na iyan eh. If I keep on blaming my mother or other people for my misfortune, it doesn’t change the fact that my father is nowhere. In fact, my life gets more mesirable if I would do that. I’d rather be part of the solution to the problem rather than a part of the problem. I love my mother. And she has suffered so much. I can’t afford to see her suffer some more... Gusto kong sa bawat paggising niya sa umaga at nakikita niya ako, masasabi niya sa sariling isa akong blessing sa buhay niya; isang inspirasyon at hindi isang sumpa...” Ngunit hindi ko na ito sinabi pa.
“Tama ka Jun. Dapat pa rin akong maging masaya kasi, nand’yan lang ang mga magulang ko, buhay sila at kahit papano ay nakakausap ko pa rni naman, nakaka-chat, nakaka-text, o natatawagan.”
Bahagyang natahimik kami. Naramdaman ko namang isinandal ni Gina ang kanyang ulo sa aking balikat. Parang ang sarap ng pakiramdam. Lumakas ang kabog ng aking puso.
“Ang lalim pala ng iyong pananaw sa buhay...” sabi niya.
Ngiti lang ang aking iginanti. Ang hindi niya alam, marami din akong natutunan kay Aljun.
Tahimik uli. Nakita kong nilaro-laro ng kanyang mga daliri ang buhangin sa kanyang gilid. “Jun... nagkaroon ka na ba ng girlfriend?” ang pagbasag niya sa katahimikan.
“Hindi ko pa naranasan iyan. Sobrang higpit ng ng mga magulang ko sa akin e... na kahit mga personal na buhay ko ay kontrolado rin nila.” ang sagot ko. “I-ikaw... nagka boyfriend na?” ang pagbalik ko sa tanong niya.
“Meron dati... pero wala na kami. Mga isip-bata pa kami noon at parang laro-laro lang ba, kunyari magsyota pero parang hindi rin” sabay tawa.
Hindi ako nakasagot. Tahimik lang akong nagmamasid sa dagat at nag-isip sa kanyang sinabi. Maya-maya, “T-toong crush mo ako?” ang tanong ko.
Inangat niya ang kanyang mukha sa akin, ang kanyang mga mata ay mistulang nakikipag-usap. Tumango siya.
Para akong na mesmerize sa kanyang nakakabighaning mukha. Hinaplos ko ito at ang sunod na naalimpungatan ko ay ang paglapat ng aming mga labi...
At naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa aking katawan na parang ayaw niya akong makawala. Sinuklian ko ang kanyang mahigpit na yakap. May isang minuto din kaming naghahalikan. Pakiwari ko ay huminto ang lahat sa aming paligid, pati na rin ang pag-inog ng mundo, sa isang minutong paghahalikan namin.
Pagkatapos ng halikan, hindi ako nakapagsalita. Hindi kasi ako makapaniwala na sa ganoon kabilis na pangyayari ay maranasan ko ang halik ng isang babae, ang halik ni Gina. Iyon ang pinakaunang halik na naranasan ko sa isang babae.
Ewan kung ano ang laman ng isip ni Gina sa sandali ng aming katahimikan. Ngunit sa parte ko, hindi ko lubos maisalarawan ang saya. Parang naglupasay ang aking damdamin sa unang karanasan kong iyon. Parang sumisigaw ang aking isip ng, “Wow... isa na akong ganap na lalaki!”
Nabasag na lang ang katahimikan noong mapansin naming dalawa sina Fred at Jake na tumayong naka-holding hands at tinumbok ang cottage.
“Waahhhh!!!! Naka-holding hands na ang dalawa!” ang sambit ko.
“At mukhang sa loob ng cottage ang punta nila! Anong gagawin nila doon?” dugtong naman ni Gina.
“Ambilis mamingwit ng lalaki ampota! May milagrong mangyayari sa loob ng Cottage! Tara silipin natin!” dugtong ko ding biro.
Tawa nang tawa kami ni Gina. Hinayaan na lang namin sina Fred at Jake sa loob ng cottage. Halos isang oras din sila doon.
Mag aalas-dose ng gabi noong maisipan naming umuwi. Habang nakasakay kami ng tricycle pauwi, pinutakte namin ng biro si Fred.
“Grabe kayo. Ba’t lumipat pa kayo sa loob ng cottage? Ano ba ang mayroon doon sa loob?” ang biro ni Gina kay Fred.
“Woi, huwag na nating pag-usapan iyon Fwend, nahihiya ako!”
“Hahahaha! Nahihiya ka? Haliparot ka nahihiya ka?” ang banat ko sa kanya. “Ano boyfriend mo na ba iyon?
“S-sabi niya...” Ang medyo nahihiyang sagot ni Fred.
Na pabiro ko namang sinambunutan. “Um! Um! Hindi ka na nahiya sa amin! At sa cottage niyo pa ginawa ang inyong mga kahalayan at kalaswaan?”
Tawa pa rin kami ng tawa. At pati ang driver ng tricycle ay napatawa na rin.
“In fairness Friend, ang cute niya...” ang sabi ni Gina.
“Cute nga siya fwend pero ang kanya, hindi cuteeeeee! Grabeeeeee fwend! Kabayo ang laki!” ang excited na sigaw ni Fred.
Lalo naman lumakas ang aming tawanan.
“Wait... talaga na bang kayo na?” ang ulit ni Gina sa tanong niya.
“Oo fwend! Hindi ako makapaniwalang ganyan pala kabagsik ang aking taglay na alindog!”
Na pabiro ko uling sinambunutan sabay sabing, “Talipandas ka! Inakit mo sigurong bilhan ng cp!”
Hindi kami maawat sa katatawa at kasayahan hanggang sa pumara na ang tricycle sa aking flat. Una kasing madadaanan ang aking lugar bago sila makarating sa kani-kanilang mga dorms. “Ok, dito na lang ako! Good night! Gusto ko sanang papasukin muna kayo sa loob kaso gabing-gabi na. Next time na lang ha?” ang sambit ko.
“OK lang Jun! Next time na lang?” ang sagot nila. At kinamayan ko si Fred, habang si Gina naman ay hinalikan ko sa pisngi. At nakita ko na namang palihim akong inismiran ni Fred.
Habang naglalakad ako patungong pintuan ng aking flat, hindi ko naman maiwaglit sa isip ko si Gina. Hindi ako makapaniwalang sa gabing iyon matikman ko ang halik niya. Parang ang saya-saya ko. Nasabi ko sa sariling, “Wow... ganoon pala ang pakiramdamn kapag kahalikan mo ang iyong crush...” Parang gusto ko na siyang ligawan. Parang gusto ko nang maging kami.
Nasa ganoon akong pagmumuni-muni noong binuksan ko na ang pinto. At nagulat ako sa aking nasaksihan. Si Aljun ay nakaupo sa hapag kainan kung saan nakalatag ang hapunan namin at handa na ang mga ito. Nakaharap siya sa pintuan at ang mukha ay hindi madrowing sa galit. Nakita ko rin ang 6 na basyong bote ng beer sa harap niya.
“Saan ka ba nanggaling at hindi ka man lang nagtext o ni sumagot sa tawag ko?” ang pasalubong kaagad niyang tanong.
“Aba! Siya pa itong may tapang na magalit sa akin!” sigaw ng isip ko. Ngunit nagtimpi pa rin ako. “Bakit ka pumasok dito? Paano ka nakapasok?” ang bulyaw ko na lang.
“Bakit? Nalimutan mo bang binigyan mo ako ng duplicat na susi? Ngayon saan ka galing?”
Para naman akong nabilaukan. Naalala kong binigyan ko pala siya ng duplicate na susi sa flat ko. “Bakit ano bang pino-problema mo? Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. At ayaw kong may maraming nagtatanong kung saan ako nagpupunta. Kaya nga ako umalis sa poder ng mommy at daddy ko ay dahil ayaw kong tinatanong kung saan-saan nagpupunta. Bakit? Tatay ba kita?”
“Lasing ka ano?”
“Anong pakialam mo?” sabay tumbok sa refrigerator at kumuha ako ng beer ang tinungga iyon.
“Wala nga akong pakialam ngunit hindi iyan ang dapat na isagot mo sa taong nagmamalasakit sa iyo.”
“Hoy, Mr. Aljun Lachica. Sinabi ko ba sa iyong magmalasakit ka sa akin? Hindi naman ah! At huwag mo akong pakialaman sa mga lakad ko dahil ako, hindi rin nakialam sa mga lakad mo!”
Natigilan siya sa huli kong sinabi. Marahil ay napaisip siya sa pagpunta niya sa party ni Giselle.
Timumbok ko uli ang ref upang kumuha uli ng beer gawa nang mabilis kong naubos ang una kong kinuha. Ngunit wala na palang lamang beer ang ref. Naubos na rin pala niya. Tinumbok ko ang divider kung saan naka-display ang iba ko pang mga wines at kinuha ko ang Johnny Walker black label at iyon ang tinungga ko nang tinungga, tiniis ang pait at init niyon sa aking lalamunan. Nais ko talagang malasing agad para lalo pang lumakas ang loob kong awayin siya.
Tumayo kaagad siya noong napansin niyang halos makalahati na kaagad ang nainum ko. Tinangka niyang agawin ang bote sa aking kamay. “Magpakamatay ka ba sa kalasingan?” bulyaw niya.
“Wala kang paki-alam! Sigaw ko.” At noon ko na naramdamang tila umikot na pala ang aking paligid at biglang natumba ako.
Nasalo naman niya ang aking katawan at pinilit niya akong kargahin sa kanyang mga bisig. Dadalhin na sana niya ako sa aking kuwarto subalit sumuka ako sa tindi ng pagkahilo.
Dinala na lang niya ako sa lababo at doon ako sumuka nang sumuka.
“Ok ka lang?” ang tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Bagkos, tinangka kong maglakad patungo sa aking kama. Inalalayan niya ako at pinaghiga pa. Pagkahiga niya sa akin, dali-dali naman siyang nagpunta sa kusina at noong makabalik na ay may dala-dalang palanggana na may lamang tubig at hawak-hawak sa kabilang kamay ang isang towelette.
Tinanggal niya ang lahat ng saplot sa aking katawan pati na ang brief! Doon ako nabigla sa ginawa niyang iyon.
Pinahid niya sa katawan ko ang maligamgam na basang towelette. At bagamat hilong-hilo pa ako, alam na alam ko pa ang kanyang ginagawa. Naalala ko tuloy ang unang eksena ko sa kanya kung saan ako naman ang gumawa sa kanya noon, maliban na lang sa pagtanggal ng brief niya.
At dahil wala nga akong brief, pati ang ari, singit, at bayag ko ay hindi nakaligtas sa kanyang pagpunas. Parang napahanga naman ako sa kanya. Kasi walang ka kyeme-kyeme niyang ginawa sa akin ang ganoon. Para bang kilalang-kilala niya ako at bahagi ng kanyang pamilya o mahal sa buhay na walang ni katiting na ka-kyemean ang ipinakita niya sa pag-alaga sa akin. Mbuti na lang at nahihilo pa ako kung kaya hindi ako tinigasan.
Pagkatapos niya akong punasan, umupo siya sa gilid ng kama at kinausap ako. “Ano ba ang problema mo boss?”
“Wala akong problema!” ang matigas ko pa ring boses.
“A-alam kong may kasalanan ako. Sorry na...” ang pag-amin niya.
“Wala akong pakialam!” ang matigas ko pa ring sagot sabay tagilid.
“Boss please... hindi ko naman kagustuhan ang pumunta sa party ni Giselle eh.”
“Wala akong paki!”
“Boss naman. Paano ako makakapaliwanag sa iyo kung hindi mo sinasagot ang texts at tawag ko at ngayon, hindi mo pa ako kinakausap ng matino?”
“Wala akong paki!”
At marahil ay nainis na, bigla na lang siyang tumayo sa ibabaw ng kama at pilit akong hinila upang mapaupo. At noong mapaupo na akong ang mga hita ko ay nakabuka, naupo na rin siya sa gitna ng nakabuka kong mga paa at ang dalawang hita niya ay nakabuka din, inilingkis sa ibanang parte ng aking katawan habang ang mga bisig niya ay nakayapos sa akin.
At dahil nahihilo pa ako, para akong isang nanlulumong may sakit na pilit na pinaupo. “Ibuka mo nga ang mga mata mo at tingnan mo ako? Putsa hindi makausap ng matino eh!!!” Utos niya, ang boses ay galit na.
Pilit ko namang ibinuka ang mga mata ko at tiningnan siyang bakas sa mukha ang pagkainis. “Nahihilo akooooo!!!” ang sambit ko.
“Makinig ka sa sasabihin ko!” bulyaw din niya.
“Matulog na ako boss... nahihilo akoooo” ang sagot ko.
Subalit hindi niya ako binitiwan. Bagkus, “Ok... heto hindi ka makatulog nito.” At naramdaman ko na lang ang mga labi niyang dumampi sa mga labi ko. Hinahalikan niya ako!
“Uhhhmmmmphhh!” ang lumabas na ingay sa aking bibig. Gusto kong tumutol sa paghalik niya ngunit may sarap din akong naramdaman na parang koryenteng dumaloy sa aking buong katawan.
Amoy na amoy ko pa ang beer sa kanyang bibig at ang lasa nito sa kanyang laway. Ngunit sa tindi ng kanyang paghalik, ito pa rin ang pinakamasarap at pinakamabangong laway na natikman ko.
Matagal niya akong hinalikan. Naramdaman ko ang pagsisipsip niya sa aking labi at ang dilang ipinapasok niya sa aking bibig kung saan pinaglalaruan at kinikiliti ang kaloob-looban nito.
Tinugon ko naman ng pagsisipsip ang kanyang dilang nasa loob ng aking bunganga. Para akong isang batang sumipsip ng isang napakasarap na icycle. At dahil nahihilo pa rin ako, nanatiling nakapikit lang ang aking mga mata bagamat para din akong lumulutang sa ere sa magkahalong kiliti at pagkahilo habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit.
Mistulang nahimasmasan ako sa naramdamang galit ko sa kanya. Parang isang kantang “Kay Sarap Nang May Minamahal” kung saan sinasabi sa lyrics nito na “...at kahit na may pagkukulang ka, isang halik mo lang limot ko na...”
Parang tumutugtog ang kantang iyan sa aking isip habang naghahalikan kami.
Noong binitawan na niya ako sa pagkakahalik, dinig na dinig ko pa ang kanyang habol-habol na paghinga. “O siguro naman ay pwede na tayong mag-u—“
Hindi na niya naituloy pa ang pagsasalita gawa ng paghablot ko sa kanyang buhok at pagdiin ko sa aking bibig sa kanyang bibig. Wala siyang magawa kundi ang magpaubaya. Naghalikan uli kami. Ramdam ko ang nag-aalab naming pagnanasa...
Gumagapang na ang mga labi niya sa aking leeg at sa aking dibdib noong biglang sumingit na naman sa aking isip ang pagpunta niya sa party ni Giselle. Kaya bigla akong napasigaw; iyong sigaw ng isang lasing na malumanay, parang sa isang batang naglalambing. “Bakit ka pumunta sa party ni Gisellllllleeeeeeeeeeee!!!!”
Bigla din siyang napahinto. “Sinabi na sa iyong magpaliwanag ako eh, ayaw mo namang makinig.”
“Bakiiiiitttttttt?????” ang giit ko.
“Ok...” ang narinig kong sabi niya. Tuluyan na siyang huminto sa paghahalik sa akin. “Kasi ganito po iyon... noong makarating na ako sa dorm ko galing ako dito, nandoon pala ang mga lalaking officers ng student council at inanyayahan akong kumain kami sa labas dahil may caucus daw; may isang importanteng issue na pag-uusapan. Palagi naman naming ginagawa ang ganoon e, sa isang restaurant sa labas nagdidiskusyon ng issues habang kumakain at may kaunting beer kasi hindi naman ako talaga umiinum, alam mo iyan. Bonding kumbaga at may napagmeetingan pa. Kaya, walang pagdadalawang isip na sumama ako. Ngunit ang hindi ko alam ay kinontsaba pala sila ni Giselle. Ang lahat pala ng officers ng council ay nandoon at hindi ipinaalam sa akin na doon ang punta namin dahil alam nilang hindi ako mahilig mag-aattend ng party. Akala ko noong una ay bahay iyon ng isa sa mga officials ng council. Nagulat na lang ako noong nasa loob na kami at nakaupo na sa isang mesa at si Giselle ang lumapit. Alangan namang aalis ako, di ba? Hindi naman tayo bastos na sa gitna ng maraming tao ay mag walk out na lang bigla... Bastos naman iyon. Kaya nirespeto ko ang pagpanatili bagamat masama ang loob ko sa mga kasama ko. Sa isang banda, naisip ko rin naman na hindi ko sila masisisi gawa nang hindi nila alam na may binitiwan akong salita na hindi ako pupunta. Kaya sinakyan ko na lang sila. Uminum din ako at nalasing ng kaunti. At doon na pumasok ang picture-picture ni Giselle. Puro pakitang-tao lang iyon boss... maniwala ka. Sana ay maintindihan mo”
Hindi ako kumibo.
“Masanay ka na kasi... nasa public office ang boyfriend mo!”
Pakiramdam ko ay biglang nagsilayasan ang lahat ng espiritu ng alak sa aking katawan at nawala bigla ang aking kalasingan sa pagkarinig ko sa huli niyang sinabing “boyfriend mo”
“Anong sabi mo?” ang pagpaklaro ko sa kanya sa huli niyang sinabi.
“Boy—friend” pag-emphasize din niya, kinlarong pinaghiwalay ang dalawang salita. “Lalaking kaibigan”
At naramdaman kong bigla ding bumalik muli ang mga espiritu ng alak sa aking katawan at dinagdagan pa ng pagkaturete at panlulumo ang aking pagkahilo.
“Bakit ano ba ang nasa isip mo?” ang tanong niya.
“Lalaking kaibigan! Bakit ano ba ang akala mong iniisip ko?”
“Lalaking kaibigan...” ang sarcastic din niyang sagot sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti. “Hindi ka na ba galit sa akin?” dugtong niya.
“Ewan!” sagot ko.
Hinaplos niya ang aking mukha. “Tandaan mo palagi boss... tapat ako sa iyo. I-expect mo na sa takbo ng pagiging ganito natin ay maaaring may mgawa pa akong hindi mo magustuhan. Ngunit tandaan mo palaging may dahilan kung bakit nagawa ko ang isang bagay. Alamin mo lang at pakinggan ang aking panig bago mo ako husgahan o patawan ng galit. Hindi lahat ng nakakasakit ay sinadya. Hindi lahat ng hinala ay tama.”
Hindi na ako kumibo. Presidente ba ng student council ang magpaliwanag sa iyo... kung hindi ka rin ma-kumbinse.
“Ah... sandali ha, may kukunin lang ako!” ang sambit niya.
At iniwanan akong nakaupong naka cross-legged sa ibabaw ng aking kama.
Noong bumalik na, dala-dala ang isang malaking papel na bag na sinadyang ginawang pambalot sa kanyang sorpresa para sa akin. “Dyarannnnnnnnnnn!!!!!! At inilibas niya ang isang bouquet ng mga bulaklak, iba’t-ibang klase pa!”
Sobrang napangiti naman ako sa pagkakita noon. At parang lumayas na naman ang masasamang espiritu ng alak sa aking sistema at muling nawala ang aking pagkalasing at pagkahilo.
Ewan hindi ko rin maintindihan. Bagamat ginawa niya akong babae sa pagbigay niya ng mga bulaklak, may matinding dulot na saya naman ito para sa akin. Iyon bang “thought” sa pagbigay niya noon, sa “effort” na ipinakita niya. At syempre, maganda din naman talaga ang mga bulaklak na dala niya, at malalaki pa! Di ba sweet? Siguro kahit sinong lalaki ang gagawan ng isang Aljun Lachica ng ganoon ay mababakla talaga.
“Nasaan ang chocolate?” biro ko.
At nag “Dyaraannnnnnn!” na naman siya at ipinalabas ang isang supot.
“Ano iyan?” tanong ko
“Siopao!” sagot niya.
“Waaahhhh! Paborito ko!” iyon kasi ang alam niyang paborito kong kainin, sa isang Chinese restaurant na malapit lang sa school.
At muli siyang sumampa sa aking kama at naupong nakaharap muli sa akin, ang dalawang binti ay nakabukaka, inlingkis sa aking ibabang katawan. Kinuha niya ang isang siopao, tinanggal ang papel sa puwetang bahagi nito atsaka isinubo sa aking bibig.
Kinagat ko ang siopao. At habang ang mga ngipin ko ay nakalock pa dito, binitiwan niya ito, inilingkis ng mahigpit ang mga kamay niya sa aking katawan at kinagat na rin ang kabilang parte ng siopao.
Pigil ang pagtatawa ko sa ginawa niya habang patuloy pa rin ang pagkagat-kain ko sa siopo at ganoon din ang ginawa niya... hanggang sa unti-unting maubos ito at humantong ang lahat sa pagpang-abot ng mga bibig na namin at sabay pagkagat-kagat at pagsisipsipsipsip ng aming mga labi... kapwa ninamnam at nilasahan ang magkahalo naming mga laway na may halo pang durong na mga laman-laman ng siopao...
Waaa... Kakainggit!!!
ReplyDeleteang galing
ReplyDeleteniCe,,i like it ,,hehehehe.
ReplyDeletesana c Jun at c Gina na lang ang mag katuluyan ,,heheheheh
haaay meron ba talagang mga ganyang lalaki... sana normal nlng sa lipunan ang ganyan haaay... sana may mga Aljun Lachica, Kuya Romwell at Kuya Erwin na nabubuhay sa mundo... Kuya Mike thanks for the fantasy world you created, we very much enjoy every minute we spend in it!!! Excited much for PNP 13
ReplyDeletewaaahhh..
ReplyDeleteang ganda tlga nito kuya mike..
galing mu tlga kuya mike..kaya idol kita ee..
next chapter please..
-kenneth
waaaaa sana 13 na agad hehe!
ReplyDeletetnx Sir Mike galing mo tlaga!
mat_dxb
nice story to read before sleeping..thanks...
ReplyDeletesobrang kilig naman,,,,,,,,,,,ganda!!
ReplyDeleteyes inggit to the max ako!!!
ReplyDeleteAng galing kuya Mike... nakaka inlove naman si Fred hehehe
ReplyDeleteang sarap naman... bravo!!!
ReplyDeletehaha. kakakilig. torn between two lovers ang drama ni jun... haha
ReplyDeletegrabe ang sarap kiligin talaga..ehhehe nakaka inlove talaga..swerte mo jun may aljun na nag aalaga syo at nagmamahal...ehehhe kelan kaya sila aamin sa isat isa..heheh
ReplyDeleteimportante talaga sa lahat ang makinig sa mga explanation bago unahin ang galit..ehheeh nice one kuya tnx..
grabe ang sarap kiligin talaga..ehhehe nakaka inlove talaga..swerte mo jun may aljun na nag aalaga syo at nagmamahal...ehehhe kelan kaya sila aamin sa isat isa..heheh
ReplyDeleteimportante talaga sa lahat ang makinig sa mga explanation bago unahin ang galit..ehheeh nice one kuya tnx..
grabe ang sarap kiligin talaga..ehhehe nakaka inlove talaga..swerte mo jun may aljun na nag aalaga syo at nagmamahal...ehehhe kelan kaya sila aamin sa isat isa..heheh
ReplyDeleteimportante talaga sa lahat ang makinig sa mga explanation bago unahin ang galit..ehheeh nice one kuya tnx..
bery nice.
ReplyDelete-Jonathan Jake.
Waaaaahhhh!!! Hindi ko na kaya mga eksena kuya mike!!
ReplyDeleteWooooohhh!!
Sana may Aljun din ako!!! LOL XD!
ang ganda talaga ng story sana may kasunod na agad! inaabangan ko talaga to!
ReplyDeletei so like it!!:P
ReplyDeletewahhhhhhhhhh. kakainggit. sobrang sweet. next na kuya mike
ReplyDeletewahhhhhhhh. sobrang ganda naman. salamat mike!!
ReplyDeleteram
The best ka kuya Mike... Thanks sa talent mo... keep it up...
ReplyDelete-Rey
ayieee!! fav. ko na rin ang siopao..hahaha..
ReplyDeletekua mike! ikaw na, ikaw na tlga haha! Lakas mo magpakilig haha
ReplyDeletewaaaaaaaaaaaaaah!!!!
ReplyDeletehahahhaa... AY LAB ET!!! super saya ng eksena.. hahaha.. sinu ba talga ang pipiliin niya.?
si ALJUN LACHICA ba.? na isang WAPU MATERIAL.?
o
si GINA.? na CRUSH siya at Crush din niya.??
hahahaha.. super exciting..
at nakakaloka ang nangyayarii.. hahaha
para na talaga silang mag BOYPREN.. haha
love it..
at ang iskor ko ay... 10!
Oh my so nice and kilig to the max sir mike.. congrats
ReplyDeletefavorite ko na ang siopao kuya mike.,. heheheehhe
ReplyDeleteunbeatable talaga ang galing mo sa pagsulat...
congrats...
siguro mabubuwang rin ako kung meron din akong aljun sa buhay ko.
ReplyDeletepero sa point of view ko lang naman po mas sasaya ako personally with GINA :)
pero kung may boss aljun, kuya romwell, kuya erwin at sir james sa earth...
nasan na sila?
ang saya ata makabingwit ng ganun :D
andami ko nang natikmang siopao pero ibang siopao ang natikman ni Jun haha sana makita ko din ang siopao na un <3
ReplyDeletena mimis ko tuloy un baby q asan nkya xa buhay p kya.
ReplyDeletedalawa ang nararamdaman ko lagi sa mga kwentong likha ng isang Mike Juha .. una positive muna .. sobrang kilig at saya ko to the point na nahihirapan akong huminga .lol. second is the negative .. di ko maiwasang malungkot at mapaisip na .. "Meron kaya talagang ganyang kasaya at kaperfect na relasyon .. idag-dag pa na magkapareho pa ang sexual preference nila ?" hmmm :( PERO mas nananaig parin sakin ang kilig at saya :D haha kahit papano .. pag nagbabasa ko ng mga ganitong istorya e parang nakakalimutan ko na nasa orihinal akong mundong ginagalawan nakakalimot kahit sandali lang :) anyways GO KUYA MIKE IPAGPATULOY MO SANA ANG PAGLIKHA NG MGA STORY NA TULAD NITO!!
ReplyDeletebtw .. text tayo jan? kahit sino :) I wanna make new friends xD 09278973203 :)
PS: sana pala may tumayong maging "kuya" ko Jan? hmm I've been dreaming of that fantasy. kahit sa text lang :) haha iAm 16 turning 17 on March :) kuya Mike sana tulungan mokong makahanap :') thanks I'm an avid fan of this blog :P
ReplyDelete