Salamat po sa pag suport ninyo sa aking story.
-3rd-
_____________________________________________________________________________
Dali-dali akong lumabas ng bahay nila Jom, di mawari sa isip ko ang mga nangyayari kanina lang sa loob ng kanyang kwarto at walang pag-aalinlangang lumisanng kanilang bahay. Naguguluhan ako, di ko alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko sa kanyang halik. Tuliro, na di ko malaman kung ano. Hati ngayon ang aking pakiramdam, pilit kong isinisik-sik sa aking isip na hindi kami ang dapat sa isat-isa, na mali ang bumugayako sa kagustuhan ni Jom, Pero sa kabilang banda medyo natutuwa ako dahil alam kong totoo nga ang kanyang nararamdaman para sa akin.
Ayaw ko munang umuwi sa aming bahay, gusto kong makapag isip, mag muni-muni tungkol sa akin. Habang nag lalakad ako papalayo sa aming lugar bigla kong nakasalubong ang isang pamilyar na tao, si Paul.
Paul: Oy Jam!!, Kumusta ka na ang tagal na nating hindi nagkita ah, anu ba ang bagong balita ha?
Si Pual Dizon ay isa sa mga dating studyante sa aming skwelahan, graduate na si paul at ngayon ay nag aaral na sa ibang bansa. Kahit na mas matanda sa amin si paul ng isang taon taon eh mas ginusto niya na kami ang maging mga barkada niya. Gwapo din naman si Paul, matangkad at matalino, sa katunayan nga eh siya ang dating captain ng tatlong varsity team sa skwelahan. Captain siya ng Basketball, Volleball and Soccer team. Talagang maapeal ngunit humble talaga as in down to earth and kanyang ugali kaya madali siayng pakisamahan. Ni hindi namin alam kung papaano niya noon na handle ang kanyang academics and extra curicular kasi sa pag kaka-alam namin eh siya lang ang nakagawa ng ganoon sa aming paaralan. Kaya nang nag graduate siya ay ibinigay na ulit sa tatlong magkakaibang tao ang pagiging captain ng tatlong team.
Kahit na binsagan siyang super campus crush eh walang naging girlfriend si paul. Noong una ay nagtataka kami sa kanya pero tatlong bwan bago ang graduation eh pinagtapat sa amin ni paul ang lahat na kahit ang kanyang mga magulang ay walang alam.
-----O0o0O---- memory recallection -----O0o0O----
Paul: Tol tutal malapit na akong grumaduate eh may gusto sana akong sabihin sa inyo.
Anton: Kuya Paul, este paul kahit anu basta ikaw. Anu ba yun?
Paul: Mga tol kailangan ko ng tulong ninyo eh, di ko kasi alam kung papaano ko sasabihin sa taong mahal ko ang nararamdaman ko sa para sa kanya.
Aelvin: Pare, alam mo kung tunay mo nga siyang mahal edi sabihin mo na, ikaw bahala ka, baka maunahan ka ni DESTINY at malaman mo na lang eh huli na ang lahat para sa inyo. Kaya kung ako ikaw eh sabihin mo na.
Jom: Oo nga naman. Sino ba yang maswerteng babaeng yan ha?
Ako: Sige na Paul sabihin mo na.
Paul: Natatakot kasi ako, baka di niya ako mahal eh.
Aelvin: eh panu mo namana malalaman kung hindi mo nga sinasabi sa kanya.
Anton: Asan ba yang babaeng yan ha? Teka ganito nalang ang gawin mo Paul, pag nagkita ulit kayo eh sungaban mo na ang pagkakataon at halikan mo na agad siya, para kahit hindi ka nga niya gusto at least nahalikan mo siya.
Paul: Malapit lang siya tol...
Dali-dali kaming lumingon buong paligid at nag-hanap ng kahit anumang palatandaan na siya nga ang babaeng tipo ni Paul.
Ang siste eh magkakaharap kami sa isat-isa habang nakaupo paikot sa isang mesa. Si Paul-Si Jom-Ako-Si Anton- at Si Aelvin. Tumayo si Jom dahil sa pag hahanap at may naaninag siyang isang magandang dilag na tila may naaninag na isang babaeng posibleng tinutikoy ni Paul. Dahan-dahang bulaki sa pag kakaupo si Jom na may pilyong ngiti sa kanyang mukha at may tinanong kay Paul.
Jom: Tol, sabihin mo siya ba yun? (sabay nguso sa babaeng nakita niya kanina lang) ahyun oh, naks naman tol ang ganda niya, ang galing mo palang pumili. Tol kung ayaw niya sayo ireto mo na lang sa amin ha kahit para na lang dito sa kaibigan nating si Jam kawawa naman kasi eh, nag iisa.
Tawanan silang lahat pero hindi man lang ngumisi si Paul kasi kaunti. Sinagot na lang niya si Jom.
Paul: Hindi tol
Jom: Ha!? Edi sino, tingnan mo tol wala nang ibang magandang babae dito, Paul sabihin mo na kasi kung sino yan para di ka na namin kulitin at para matulungan ka na namin.
Ako, Anton, Aelvin: Oo nga naman, huwag mo na kaming bitinin, sige na tol sabihin mo na..
Pag katapos nag aming mga sinabi ay naging napakabilis ng mga pangyayari. Hinawakan ni Paul ang mukha ni Jom at hinalikan ito sa labi ng mariin at puno ng pagmamahal. Nanlaki ang mga mata ni Jom habang hinahalikan siya ni Paul at nag pupumilit na pumiglas ngunit malakas ang pagkaka-kapit ni Paul at di nakawala si Jom sa halik ni Paul kaya nag-paubaya na lang si Jom na mistulang nasasarapan din naman sa halik ni Paul. Natulala na lang kami at mistulang naging bato dahil nga sa pagka-bigla sa nagyayaring paghalik ni Paul kay Jom at ang pagpapaubaya ni naman ni Jom kay Paul. Nang matapos pag halik ni Paul kay Jom ay saka na lang ulit ito nag salita.
Paul: Mga to, bakla ako. Matagal ko nang itinatago sa inyo ang tunay kong pagkatao. Isa sa mga dahilan kaya kayo ang gusto kong maging mga barkada, iyon ay dahil sa may gusto ako kay Jom, mahal ko siya, itinago ko ang lahat, kinimkim dahil sa takot at pangambang baka iwasan ninyo ako. Sana ay mapatawan ninyo ako, dahil nag lihim ako..
Natahimik kaming apat at di makapagsalita, dahil hindi namin kayang i absob ang mga rebelasyon ni Paul tunkol sa kanyang sarili at tungkol sa nararamdaman niya kay Jom.
Paul: May isa pa, sana Jom tanggapin mo ako. sana kahit papanu wag mo akong kadirian dahil sa ganito ako. Sana sagutin mo ako ng buong katapatan, Jom....pwede ba kitang maging boyfriend?
Jom: Pa.....Ku....E.... di ko alam tol eh, alam mo naman na may iba na akong mahal diba.
Paul: Alam ko yun Jom. Ang tanging gusto ko lang eh sana bigyan mo ako ng puwang jan sa puso mo kahit kaunti, kahit sandali lang. Di na kasi ako magtatagal dito eh..
Anton: Paul.. Sigurado ka ba?
Aelvin: Paul, ang bilis mo naman ata. Bigyan mo naman ng panahon na ma-iabsorb ng namin lalo na ni Jom ang mga nangyayari. Ang siste eh nanliligaw ka pa lang gusto mo sagutin ka na agad.
Paul: Hindi naman sa ganun, ang gusto ko lang naman eh ay maipadama ko sa kanya na talagang mahal ko siya at bigyan niya ako ng pagkakataon na ibahagi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
Ako: Teka..Paul! bakit mo nga pala nasabing di ka na mag tatagal? Bakit may taning na ba ang buhay mo? May sakit ka ba? O anu? Linawin mo nga sa amin.
Paul: Jam di pa ako mamamatay.
Ako: Edi anu? Diba mag co-college ka pa naman, saka di ka naman siguro aalis kaya huwag kang mag alala dahil nandito lang kami.
Paul: Tama ka Jam, mag-aaral pa ako ng College pero hindi na dito. Matagal nang pinaghandaan ng aking pamilya ang aking pag alis, pumasa kasi ako bilang isang International Scholar sa Amerika at doon ko na ipag-papatuloy ang aking pag-aaral.
Jom: Paul, Kailan ang alis mo?
Paul: 2 araw after ng graduation. Jom alam kong nabigala kita pero sana pag isipan mo ang sinabi ko sayo. Yun lang ang hiling ko sa-iyo, ang gusto ko lang ay maipadama ko sayo ng buong buo na mahal na mahal kita at gagawin ko lahat ng pwede ko pang gawin para maging masaya ka. Laht nang iyon ay gagawin ko sa nalalabing panahon na meron ako.
Jom: Ganun ba.. Hayaan mo pagiisipan ko ang gusto mo, saka Paul hindi ka naman mahirap mahalin siguro nga kung babae ka eh matagal na kitang niligawan. Basta bibigyan na lang kita ng isang palatandaan na pumapayag na ako sa gusto mo.
Ako: Whoa!!! Jom pare ang bilis mo naman ata. Kung ako ikaw eh pag isipan mo muna ng maigi ang papasukin mo.
Aelvin: Oo nga tol, tama si Jam Hindi madali ang papasukin mo, lalong lalo na alam mong hindi tanggap ng ating kultura ang ganyang relasyon, alam mo naman marang taong nakapaligid sa atin at pwede nila kayong husgahan agad-agad, isa pa baka mapahamak lang kayo. Kaya ang payo ko eh pag isipan nyo nang mabuti.
Jom: Mga tol, huwag kayong mag-alala, saka ano naman ang magagawa ng mga tao sa akin aber? Ikamamatay ko ba pag kinutya nila ako? ano? Wala naman silang magagawa sa akin na magiging mitsa para mapahamak ako. saka hindi naman po naka-kabit sa kanila ang aking buhay, buhay ko ito at alam ko ang pinapasok ko, kung may masama man sigurong pwedeng idulot ang mga ginawa ko or gagawin ko pa lang eh tatangapin ko ito ng maluawag sa aking kalooban. Buhay ko ito at wala akong pakialam kung anu man ang sasabihin nila sa akin, as long as masaya ako, alam kong tama ako at wala akong taong ianaapakan or sinasaktan.
Aelvin: Jom pare, Linya ko yun eh. Walang agawan ng linya..
Ang pambasag ni Aelvin sa mood na bumabalot sa aming lima. Dahil sa mga sinabing yun si Aelvin ay panadaliang nabago ang aura sa aming lahat na sinundan ng malalakas ng tawa at halakhak.
Pero ang mga masayang aurang iyon ay di nag bago dahil batid parin namin ang mga pinag daraanan ni Paul. Iyon ang naging huling pagsasama-sama naming lima.
Lumipas ang dalawang araw ay nalaman na lang namin na binigyan na ni Jom si Paul ng palatandaan na nagpapahiwatig na mayroon nang namamagitan sa kanila. Nabigla man kami sa mga pangyayari naging masaya parin kami para sa kanilang dalawa, ngunit habang nasa kalagitnaan kami ng katuwaan ay biglang pumasok sa isip ko si Joana at kinilabutan ako at biglang naging tahimik. Hintay kong matapos ang aming klase at pagkatapos na pagkatapos ay kinausap ko agad si Jom.
Ako: Jom, halika muna dito..
Jom: Tol, anu ba?
Ako: Jom alam mong hindi ako tutol sa inyo ni Paul, pero Jom papano si Joana, anu na lang ang gagawin mo kapag nalaman niya ang tunkol sa inyo ni Paul?
Jom: Tol easy ka lang ok.. wag kang mag alala sa amin ni Paul, ipinaliwanag ko sa kanya na pumapayag ako sa relasyon namin pero itatago namin ito sa lahat maliban sa iyong tatlo. Kaya wag kag mag panic jan ok..
Dahil sa kanyan gpaliwanag na mistula akong nabunutan ng tinik sa dibdib, nangangamba kasi ako nuong una na baka may masamang mangyari sa kanila pag nalaman ni Joana o ng ibang tao at makarating kay Joana. Pero sa kabila non ay naging masaya parin ako dahil alam kong masaya si Jom at Paul.
Hindi na namin namalayan ang paglipas ng panahon, sadya yatang mabilis ang takbo ng oras kapag hindi mo ito hinihintay. Malbilis na lumipas ang tatlong bwan at mabilis din ang pagdating ng tinakdang oras ng pag alis ni Paul papuntang Amerika. Nasa Airport kami nang winakasan ni Paul ang kanyang pakikipag relasyon kay Jom saka siya nagpasalamat dahil kahit sa maikling panahon eh naging masaya ang mga huling araw ng kanyang pananaliti sa Pilipinas.
Simula ng Umalis si Paul ay wala na kaming naging balita tungkol sa kanya. Hindi kasi namin alam ang kanyang cellphone number or ang kanyang Facebook or Twitter account. Sinubukan naming hanapin siya sa Facebook pero hindi kami ngatagumpay dahil walang lumalabas na resulta kapag tinatype namin ang kanyang pangalan. Siguro ay ibang pagnalan lang ang kanyang ginamit or sadyang hindi siya gumawa ng account dito.
-----O0o0O---- memory recallection -----O0o0O----
-----O0o0O---- kasalukuyan -----O0o0O----
Paul: Hoy! Jam! Hello? Earth to Jam?
Ako: Ha? Anu- ano sabi mo?
Paul: naks naman, na star struck ka ata saakin ah. Type ko ako hanu?
Ako: Ulol, may na-alala lang ako.
Paul: Anu? Or better yet, Sino?
Ako: Loko ka talga Paul kahit kailan, may mga naalala lang akong mga dapat ko sanang gawin pero tinatamad ako. gusto ko mag libang muna at mag liwaliw.
Paul: Ganun ba? Sige mauna na ako may pupuntahan pa ako eh (sabay ngiti na parang may masamang binabalak)
Ako: Huwag na, sa susunod mo na lang yan gawin ideya mong karumaldumal. Samahan mo na lang muna ako mag kuwento ka muna sakin dahil may kasalanan ka sa amin. Simula kasi nang umalis ka eh wala na kaming naging balita sayo. Kaya ngayon sasamahan mo ako.
Paul: sa susunod na lang please, importante talaga tong gagawin ko..
Ako: Ayoko samahan mo muka ako. kunghindi sasabihin ko sa grupo na bumalik ka na ng walang pasabi. Bahala ka lagot ka sa tatlong yun kukuyugin ka nun. Sige na dali!!!
Hinila ko si Paul ng malakas para pumayag na siyang samahan ako. wala namang magawa si Paul kundi sumama na lang sa akin dahil narin sa kinulit ko siya ng kinulit. Alam ko kasing si Jom ang pupuntahan niya. Gabi na nang maghiwalay kami ni Paul, naging masaya ang pagsasama namin ni Paul kahit sa mailing oras, ikinuwento niya saakin na nakapag tapos na pala siya sa pagaaral dahil sa na-accelerate siya ng tatlong beses kaya sa ngayon ay nagtatrabaho na siya at nag bakasyon lang nang sandali dito sa Pilipinas. 5 taon din naman kasi ang lumipsa simula nang umalis siya kaya mejo mahaba rin naman ang aming naging kuwentuhan.
Pag dating ko sa bahay ay pagod na pagod ako, agad akong umakyat sa aking kwarto at nahiga ako ng diretso nang hindi nag papalit ng damit. Pag tama ng ulo ko sa unan na biglang bumalik ang mga pangyayari kaninang umaga sa bahay nila Jom.
Ako: Anu ba yan, naguguluhan ako, noon si Paul ang nagtapat na gusto niya ni Jom ngayon naman si Jom ang nagtapat na may gusto na pala siya saakin. Naku naguguluhan ako. di ko alam ang gagawin ko. Hay naku bahala na nga si Batman.
Ipinikit ko ang aking mga mata, agad naman akong nakautlog kahit na may mga katanungan paring gumugulo sa aking isip. Kinaumagahan di ko alam kung papanu ko haharapin si Jom. Kinakabahan ako, ang lakas ng Kabog ng dibdib ko na wari mo ay tatalon palabas ang aking puso. Ni di ko maigalaw ang aking mga paa papasok ng skwelahan. Pinilit ko parin ang aking sarili at sinambit ko sa aking sarili.
Ako: Bahala na si Batman...
Itutuloy...
nice! keep on posting
ReplyDelete