Followers

Tuesday, March 29, 2011

EXCHANGE OF HEART pt2

by: Gelo

“Classmate!”

Napalingon ako agad sa pinangalingan ng boses. Si louie nga, lumapit xa hnd naman ako nakapag salita ewan ko ba para akong natameme hnd alam ang gagawin ahahaha!

“taga dito ka din pala” sabi nya

“ah eh, oo jan lang ako banda sa looban, san ba banda bahay nyo?”

“ito oh” sabay turo sa harap ng bahay kung san kame naka tayo.

“ah! Malapit lang pala,ako dun lang banda!mga sampung bahay lang ang layo, geh mauna na ako my hinahabol kasi akong oras” sabay alis hindi ko na inantay ang sagot nya.

Mga 5:40pm nakarating na ako ng bahay buti nalang hindi ako inabot ng 6pm kundi wala akong matutulugan hehehe. Sumabay na din ako sa hapunan aga nga nila dito kumain ng dinner eh samantalang sa probinsya 9pm kame na kain kasi pag maaga nagugutom din agad pag dating ng gabi para isang kainan nalang. Matapos kumain nag pahinga ako ng konti ng nag text itong si faye.

“teh! Nakita ko si louie sumakay ng jeep bago ung jeep na sinakyan mo. Nakita mo ba sya? Halos magkasabay lang kayo eh magkaibang jeep nga lang nasa likod yung kanya.”

“oo nag kita kame d2 sa street namin, kinausap pa nga ako eh”

“talaga? Edi kilig ka naman nyan? Ahahahaha!anong sabi?”

“Gaga! Bat naman ako kikiligin? Hindi ko nga sya type diba? Wala!nag tanong lang san banda bahay namin actually mag kalapit lang”

“pakipot ka pa!hindi ka naman maganda ha! Ahaha joke lang teh! Sige mag aayos pa ako ng gagamitin ko bukas.. GOODLUCK!”

Hindi na din ako nag reply baka isipin nya gusto ko yung pinag uusapan namin medyo napaisip naman ako sa sinabi nyang GOODLUCK kung para san ba yun? PARA BA bukas sa class?o para kay louie? Ewan ko! Hahaha. Dumaan na naman ang araw at pasukan na naman same set up sumakay ng pedicab palabas ng kalsada at jeep papuntang school. Pero that time hindi ko naksabay o naaninag man lang anino ni louie. Hangang nag-umpisana ang klase wala pa din xa hangang huling subject nalang ang natira mga around 4pm non wala pa din! Ewan ko ba? Bat hinahanap ko sya! Pag my pumapasok tuloy sa pinto napapalingon ako agad sa ligod, mga classmates ko lang pala na galing cr. Medyo nahahalata na ako ni faye.

“oh! Si loren lang un hindi si.. Baka gusto mo sa pinto kana umupo? Nakakahiya naman sayo lingon ka ng lingon sa kada my pumapasok? My inaantay ka bang dumating?”

“wala! Masabang lumingon? Sino naman aantayin ko?”sagot ko.

“baka si louie? Absent xa eh”

“oh ano ngayon absent sya? Bat ko naman sya antayin?” napataas isang kilay ko.

“easy.. tinatarayan mo naman ako”

Sinagot ko nalnag sya ng sarcastic ng ngiti.

Uwian na, same routine maaga ako umuwi para hindi masiraduhan. Nung naka baba na ako sa pedicab sa street namin sinadya kong dumaan sa harap ng bahay nila na actually hindi naman ako nadaan dun dahil may mas malapit namang daanan. Habang nadaan ako nag masid masid ako sa paligid ng bahay nila, tahimik, my ilaw kaya siguro my tao. Medyo mabagal lakad ko kahit mga tatlong metro na layo ko sa bahay nila nakalingon pa rin ulo ko patalikod biglang.

pak!!!

“ay sorry po ate! Sorry po talaga..” sabay tulong sa pag pulot ko ng mga nahulog nyang gamit. Mga gamot sa isang white plastic na my pangalan na Mercury drug, ung iba pamilyar sakin BIOGESIC. Agad ko ding nilagay sa plastic.

“ok ok lang! Salamat..” sabay alis agad at sinundan ko ng tingin pumasok sa bahay nila louie.

Ng nakarating ako sa bahay hindi parin maalis sa isip ko ang bungguang eksena sa bandang tapat ng bahay nila louie bigla ko tuloy naisip na baka my sakit si louie kaya absent dahil my dalang gamot ung ale kanina na pumasok sa bahay nila o kaya ibang member ng pamily nila my sakit sya ang nag babantay?eh kapanahunan pa naman ng sakit non na tinatawag na H1n1 virus.

Kinabukasan kinwento ko kay faye ang eksenang nangyari kahapon at nung araw na yun absent parin sya.

“teh baka nga nahawa na ng h1n1 un kaya absent?

“baka nga?” walang emosyon kong pagbigkas nag sususlat kasi ako.

“puntahan natin?” excited nyang alok!

“close kayo? Eh iisang araw palang tayu non nakita baka naman sabihin non may crush tayo sa kanya at saka kung my h1n1 man yun mahawa pa tayu mahirap na noh!” tumigil ako sa pag susulat ngunit naka titig parin sa papel at tinuloy ulit pagkatapos kong mag salita.

“ito naman! Concern lang naman as classmates ang pag punta natin don noh!”

“oh sige punta tayu ha? Pero ikaw lang pumasok sa labas lang ako ok lang ba?” medyo mataas na tono ng boses ko!

“wag na! Basta pag dating kay louie parang lagi kang galit Nako teh iba na yan! My kasabihn THE MORE YOU HATE THE MORE LOVE! Ahahahaha!”sabay pisil sa bandang tagiliran ko para kilitiin.

“nako! Sa lahat ng kasabihan, yang kasabihan na yan ako naguguluhan! Hate mo na ng love pa? Gulo ha?!

Uwian ulit at hindi ko alam sa sarili ko bakit dun parin ako dumaan sa harap ng bahay nila. Ganun parin sitwasyon tahimik ngunit my ilaw.

Kinabukasan.. Sabado

“waaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!! 7:30 na!!!!!!!! Malalate na ako!!” isang oras kasi ako kung kumilos kasama na byahe non papuntang school 8am klase ko.

“ate lidaa!! Bat walang gumsing sakin at saan sila papa at tita??” Bulyaw ko sa katulong namin!

“umalis po inasikaso daw ni papa mo yung passport nya. Sorry po hindi ko naman po alam na mag papagising kayo” nakayoko sya habnag kausap ako. Si papa kasi gumigsing sakin kaya hindi ko rin sya masisi.

“oh sya maliligo ako baka malate pa ako sa next class ko”nag mamadali kong pag kilos.

Mga 8:45 natapos na ako at nakarating ng school hindi ko alam kung maayos na ba itsura ko o hindi. Nasa new building na ako nag dadalawang isip kung papasok pa ba o hindi na.

“bahala na nga pasok na ako”

Bigla naman nag labasan mga classmates ko, tapos na class! Badtrip! Sinalubong ako agad ni faye sabay bulyaw.

“teh! Ano na?? Musta naman ang tulog? Puyat? Kakaisip? Ay iba na yan!” pangangasar nya.

“wala kasing gumising sakin maaga umalis sila papa eh” sabay kamot sa ulo. “anong meron? Nag quiz ba?”

“wala! Pero nag groupings kame my gagawing activity sa Monday”

“Sali mo na ako sa grupo nyo!”

“dalawa lang sa isang grupo eh si ma’am nag assign pano yan? Kausapin mo nalang si ma’am kung pwde tatlo kasi nalate ka”

“oh sige nasa room pa ba sya? Samahan mo ako tara” pag yaya ko sa loob.

“ma’am good morning po, nalate po kasi ako wala akong kagroup pwedpo bang sumali nalang ako sa group ni faye bale magiging tatlo kame?” mahinahon kong tanong.

“ay nako hindi pwede un!dahil pang dalawahang member ang activity na yun hindi pwedeng tatlo! Kung gusto mo wag ka na sumali sa activity tutal late ka at hindi mo alam ang instructions ng activity” masungit nyang sagot.

“ay diba absent si louie? Sya nalang ka group mo ituro ko nalang sayo ung instructions tapos ituro mo sa kanya tutal kalapit lang kayo ng bahay pwede po ba yun ma’am?” Pag sabat ni faye.

Napatingin naman ako agad kay faye ng nakataas ang kilay at nakangisi naman ang loko!

“kayong bahala basta ayokong nag tatanong sakin during activity ok?” sabay tayo ni ma’am sa desk nya at labas ng pinto.

“bruha ka talaga bakit mo sinabi yun? Kakainis ka!” bulyaw ko sa kanya.

“mamili ka kagroup mo sya at my grade ka o hindi ka nalang sasali sa activity at bokya ka sa activity? Sige nga!” mataas na tono ng boses nya!

“bahala na! tang ina kasi bat na late pa ako!”

Linggo na non at hindi ko pa napupuntahan si louie. Ewan ko kung nahihiya ba ako o ewan?! Mga 4pm nag simba muna ako para humugot ng lakas para pumunta kila louie. Nung tumatangap na ng Ostya nakita ko si louie nakapila sa kabilang linya kasama nya ung babaeng nakabangaan ko nung isang lingo na nsa harap nya. Kinabahan ako bigla baka makita nya ako. Nung natangap na nya ang Ostya bumalik na sya ng upuan nya at nag dasal. Mukang ok naman sya pero mukang matamlay. Hindi ko naman maiwasang lumingon ng lumingon sa kanya kasi ubo ng ubo! Naisip ko tuloy na nag kasakit nga siguro.

Natapos ang misa ng 5pm. Kinakabahan ako sa pag punta ko kila louie ewan ko ba sa sarili ko na iinarte na naman ako. Nag simula na ako mag lakad malapit lang naman kasi ang simbahan samin kaya hindi na kailangan ng transportation, i make sure naunang nakauwi sila louie bagu ako pumunta sa kanila mahirap na baka kumatok ako dun ng walang tao. Nakita kong bukas na ilaw ng bahay nila malamang my tao na kaya nag lakad na din ako patungo na pinto nila.

“ito na! ahmm..” kakatok na sana ng bigla kong naisip wag nalang kaya at napa-atras.

“sige na nga tutal andito na ako parang tanga naman kasi eh!”

TOK! TOK! TOK!

Bumukas ang pinto..

ITUTULOY..

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails