COMMENTS, SUGGESTIONS AND VILENT REACTIONS ARE WELCOME.
__________________________
Love at its Best (Book4 Part5)
by: Migs
Nagstrestretch ako ng umagang yun sa may terrace ng bahay ni Kiko, sarap na sarap ako sa dampi ng sinag ng araw sa aking balat, muli kong sinamsam ang sariwang hangin at pilit na sinasaulo ang magandang view na nakalatag sa aking harapan. Hinubad ko ang aking sando para pantay ang nakukuwang bitamina ng aking balat mula sa araw, sinimulan ko naring hubarin ang aking panjama at itinira na lamang ang boxers ko.
“Pol?” tawag sakin ni Kiko sa aking likod, bigla naman akong humarap, yun pala masyado siyang malapit sa aking likod, resulta? Tumapon sa aming dalawa ang dalawang tasa ng kape na itinimpla niya at sa sobrang lakas ng impact ay napatumba siya at lumanding naman ako sa ibabaw niya.
“Anak ng! Kiko bakit ang dulas at ang lagkit mo?!” sa tuwing tatayo kasi ako ay dumudulas ulit ako pabalik sa ibabaw ng katawan ni kumag.
“Tinesting ko kasi yung napanood natin kagabi sa TV, yung honey na nakapagpapaganda ng balat, tapos natapunan pa ng kape, ayan tuloy lalong lumagkit.” umikot nanaman ang mata ko sa sinabing yon ni Kiko. Naramdaman kong parang may tumitigas sa pagitan ng mga binti ko.
“Ambaboy mo Kiko!” sabay sampal sa kaniyang dibdib, humagikgik lang si kumag.
“Pasensya na di ko mapigilan!” pagdedepensa ni Kiko habang patuloy sa paghagikgik.
“Nakakaistorbo ba ako?!” madilim na mukhang sabi ng aking half brother at hinila ako palayo kay Kiko, di nakalagpas dito ang pinaghubaran kong sando at panjama.
“Ay, Oo nga pala Pol. Kanina pa andito si Macoy. Pumunta lang siya sa rest house niyo... AREKUP!” naputol na sabi ni Kiko ng haklitin ni kuya ang batok nito.
“Ipinagkatiwala ko sayo si Pol! Yun pala ikaw din ang tutuhog!” sigaw ni kuya, pero hinaklit ko rin ang batok nito.
“O.A. masyado, O.A.” balik ko kay kuya. Parang tangang humagikgik pareho ang dalawang batang isip.
0000oooo0000
Nagpalit na ako ng damit. Nakapag jogging na din, dahil naman andyan si Kuya kaya't di na muna nakasama si Kiko. Di ko maiwasang maisip ang nangyari kanina.
“Di niya raw mapigilan?” tanong ko sa sarili ko.
“ERASE! ERASE! ERASE!” at mataman ko nana mang inalog ang aking ulo. Pero napangiti parin ako na parang tanga.
“Pol?” tawag sakin ni kuya, agad naman akong lumapit dito at parang nanlulumong umakyat si Kiko sa kaniyang kuwarto, nagtataka man ako ay ikinabit balikat ko na lang ito.
“kaya ako pumunta dito ay para ibigay to sayo.” sabi ni kuya sabay abot ng isang susi sakin.
“Susi?” takang tanong ko sabay abot ng susi na inaabot niya, ibinaliktad baliktad ko ito sa aking kamay.
“Susi ng rest house. Di na daw hahabulin ni Mommy iyan. Solong solo mo na iyon.” nakangiting sabi sakin ng kuya ko. Agad kong sinundan ng tingin si Kiko. Bagsak balikat parin itong naglalakad papuntang kwarto.
0000oooo0000
Buong umaga na akong di kinakausap ni Kiko. Ilag siya sakin sa coffee shop. Maski ang mga babaeng pilit na nagpapapansin sa kaniya ay hindi niya pinagbigyan.
“bakit kaya?” tanong ko sa sarili ko.
Nagkakalampagan lahat ng kasangkapan sa loob ng coffee shop. Nakita ko ang Boss na pumipintig na ang ugat sa sentido dahil sa nangyayari sa kaniyang anak, pero wala itong magawa.
“LQ?” nangiinis na tanong sakin ni Panfi.
“Panfi!” tawag ng aming boss. Agad naman itong pumasok sa opisina nito, sa sobrang taranta pa nga ay nakalimutan nitong saran ang pinto.
“What?!” sigaw ni Panfi na umalingawngaw sa buong coffee shop.
“Pero Boss sabi mo sakin mo na isasabay si Pol, dahil masyadong maraming error na ginagawa si Kiko!” malakas paring sabi ni Panfi.
“Wala tayong magagawa.” mahinang sabi ng Boss, pero hindi natinag si Panfi at inalog alog ang lamesa ni Boss na kala mo mapipilit niya ito sa ganoong paraan. Napailing na lang ako. Ibinalik ko ang tingin ko kay Kiko. Nagsasalin ito ng maiinit na kape sa isang cup, nakatitig lang ito sa isang sulok at tila napakalalim ng iniisip, nagsimula ng umapaw ang kape sa cup kaya naman nilapitan ko na siya.
“Kiko.” tawag ko sa atensyon niya, pero deadma lang.
“Kiko!” sabay hawak ko sa braso niya, pero hinawi niya ang aking kamay.
“FINE! Malunod ka sa kape!” sigaw ko saka tinalikuran siya, nang ma realize niya ang kaniyang ginagawa ay parang gago itong nataranta sa kakapunas ng natapon na kape.
Napadako ulit ang tingin ko sa loob ng opisina, nakasakay na si Panfi sa lamesa ni Boss at inaalog parin ito, bilang protesta sa pagtanggal sakin sa shift niya.
0000oooo0000
Di ko na kinaya ang malamig na pakikitungo sakin ni Kiko, nagpaalam ako kay Boss at lumabas na ng coffee shop, masyado pang maaga para pumunta sa school. Parang tanga nanaman akong nakaupo at nakatunganga sa isang waiting shed. Ipinasok ko ang aking kamay dahil medyo nilalamig na ako. Isang matigas na bagay ang nakapa ng aking kanang kamay. Ang susi sa Rest house. Agad akong pumara ng jeep.
Nakatunganga lang ako sa labas ng bahay at parang tangang nagmamasid dito, andaming nag fla-flashback na alaala. Pero nung oras na para buksan ko ang pinto sa pamamagitan ng susi na binigay sakin ng aking kapatid, walang ibang sumiksik sa isip ko kundi ang mga alaala hindi namin ng aking ama, kundi namin ni Kiko.
“Sino nang maghuhugas ng pinggan? Sino na ang magliligpit ng mga kinakalat na lego pieces ni kumag? Sino na ang... OH SHIT!” bulalas ko sa sarili ko, hindi ko na naituloy ang pagbukas ng pinto ng rest house at nanlumo ako sa na realize ko.
“I can't believe that actually I'm falling for that creep!” nasabi ko nanaman sa sarili ko, sabay iling ulit.
Pumunta ako sa kalapit na park. Umupo sa isang bench at nagisip isip ako. Tinimbang ko ang mga pro's ang cons kapag pinagpatuloy ko ang nararamdaman ko kay Kiko. At nagulat ako sa naging resulta, mas matimbang ang pro's. Karamihan dito ay galing sa listahan ng cons pero matapos ko itong pagisipan ng isa, dalawa o sampung beses ay inilipat ko ito sa pros. Nagbuntong hininga ako. Isang malalim na buntong hininga.
0000oooo0000
Nagpasya akong bumalik sa coffee shop, masyado pa kasing maaga para pumuntang school atsaka baka masisante ako sa trabaho.
“San ka galing Pol?” bungad sakin ni Panfi pero di ko na ito pinansin. Nabungaran ko si Kiko na naglilinis ng mga bakanteng lamesa. Dahil sa wala naman masyadong customer ay nagpasya akong tumambay sa labas.
Nagiisip ako ng isang magandang distraction para mawala sa isip ko si Kiko at ang posibilidad na maaaring naiinlove na ako sa kumag, sumilip ako sa loob ng shop at nahuling nakatingin sakin si Kiko, malungkot ang mga mata nito. Nang mapansin nitong nakatingin ako sa kaniya, bigla naman itong nagbawi ng tingin. Nagbuntong hininga ako.
“Puta! Nakakabwisit tong ganito.” galit kong sabi sa sarili ko. Inalog alog ko ulit yung ulo ko para mawala na si Kiko sa isip ko. Nabasag lang ng isang nakakakuliling tunog ang aking pagmumunimuni. Isang manong ang may tinutulak tulak na kariton.
“Dirty Icecream.” bulong ko sa sarili ko. Di ko rin napigilan ang sarili ko na lingunin ulit si Kiko. Nakita kong nakangiting aso nanaman ito ng makita ang dirty ice cream, pero agad na nalungkot nung makitang nakatingin ako sa kaniya.
0000oooo0000
Di ko alam kung anong kagaguhan ang pumasok sa utak ko.
“Panfi paki tulungan naman ako dito sa may pinto oh?” sabi ko kay Panfi, may hawak hawak kasi ang dalawang kamay ko, kaya't impossibleng mabuksan ko ito ng ako lang.
“Salamat, nga pala nakita mo ba si Kiko?” agad namang kumunot ang noo ni Panfi at napatingin sa dalawang bagay na hawak hawak ko. Di ko alam pero parang nag iba bigla ang aura ni Panfi, and dating malumanay ngayon may bahid ng lungkot at galit ang kaniyang mga mata, impossibleng malaman kung ano ang mas angat sa dalawa.
“Kakapasok niya pa lang diyan.” sabay turo ni Kiko sa pintong pinabuksan ko sa kaniya.
Bagsak balikat parin si Kiko, malalim ang iniisip.
“Ano kayang problema ni kumag?” tanong ko sa sarili ko.
“Kiko?” tawag ko dito, medyo nagcra-crack pa ang boses ko.
“Kiko. Eto oh, may binili nga pala ako para sayo.” sabay abot ko ng biniling dirty ice cream. Napaharap naman bigla sakin si Kiko. Biglang nanliwanag ang mukha nito. Maski ako ay napangiti narin. Pero bigla niyang binago ang expression ng mukha niya at biglang sumimangot, itinupi ang mga kamay sa kaniyang dibdib at naglakad palayo sakin. Naginit naman ang ulo ko at pumantig ang aking tenga.
“Nagpapakababa na nga ako! Di ko alam ang kinasasama ng loob mo! Pero nagpapakababa na ako!” sigaw ko sa kaniya, tumigil ito bago lumabas ng pinto. Pero tumayo lang siya dun, di ko na napigilan ang sarili ko at naibato ko na ang dirty ice cream sa batok ni kumag at saka lumabas na.
0000oooo0000
Di na ako tumigil pa para tignan ang reaksiyon ni Kiko sa ginawa kong pagbato ng ice cream sa batok niya. Agad na akong nagpaalam sa nagtatakang si Panfi napansin ko lang na tumakbo ito papasok ng pinaggalingan kong locker room.
Bayolente ko nanamang inalog ang utak ko, kailangan ko kasi ng isang matinong pagiisip bago pumasok ng skwelahan.
“ARRRRGGGGGGGHHHHHH!” sigaw ko, bigla namang tumigil ang sinasakyan kong dyip, napatingin ako at nakita ang ilang pasaherong nagtataka at ang ilan ay natatakot at kinakabahan pa nga.
“ah, ehe. Nag re-release lang po ng stress...” palusot ko sa ibang pasahero saka sa driver.
0000oooo0000
Di ko makuwang mag concentrate sa tinututro ng pulpol naming propesor kaya't minabuti ko na lang gumawa ng kung ano ano, paminsan minsan ko paring sinisilip ang bintana, pero wala akong maaninag maski anino ni Kiko.
“Hala, nagtampo na talaga ata... OH SHIT! Siya nanaman ang iniisip ko?!” sabat ko sa sarili ko.
“Pero nakakamiss din pala si Kolokoy.” bulong ko nanaman sa sarili ko at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga, napatingin nanaman ako sa katabi ko na paniguradong pinagiisipan na kung baliw ba ako o hindi, nginitian ko na lamang ito. Di ko na natiis at kumuwa ako ng papel at inilista lahat ng hinahanap ko sa isang karelasyon.
“WTF?! Seryoso?! 13 out of 15 ang score ni kumag?!” bulalas ko sa sarili ko. kumuwa ako ng highlighter at kinulayan ang mga pinkaimportante sa labing limang yun.
“Napapatawa niya ba ako?” “Yes!” parang nung, di sinasadyang nahuli siya ng tindera na nagnenenok ng prutas.
“Feeling ko ba secured ako pag kasama siya?” “Yes!” katulad nung nararamdaman kong security sa tuwing binabakuran niya ako laban kay Panfi, at yung parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.
“Marunong magluto?” “Yes!” ilang beses na ba siyang nagluto ng hapunan at agahan maski ang meryanda simula nung nakititra ako sa bahay niya?
“Mapagalaga?” “Yes!” di niya ako pinapabayaang mag jogging magisa, di niya rin ako pinapabayaang umuwi ng gabi kada tapos ng klase.
“Nakakapagpaikot ng mata ko sa tuwing nakokornihan ako sa biro nito?” “Yes!” di na mabilang kung ilang beses na ako napairap sa mga crazy antics ni mokong, at ilang beses na rin ako nitong napasuko sa kakornihan niya.
“Oh My Gosh!” bulong ko ulit sa sarili ko. Napasabunot ako sa buhok ko. Parang may bulkan na sumabog sa loob ng dibdib ko, pakiramdam ko ay nagsibulan ang mga bulaklak, naglabasan sa cocoon ang mga dating uod at mga paro paro na ngayon.
“I can't believe this! I'm IN LOVE WITH KIKO.” at ng sabihin ko yun sa sarili ko ay parang lalong gumaan ang pakiramdam ko. Napatigil ako saglit. Naalala ko nung unang araw ko dito sa Tagaytay ng pinagtimpla ko siya ng kape. Tandang tanda ko ang sinabi niya.
“wag kang umasa na maiinlove ako sayo niyan.” at um-echo ang mga salitang yun sa loob ng utak ko. Bigla akong tumayo at sinabi sa sarili na...
“Kailangan ko ng tigilan ito, straight siya. Walang patutunguhan itong nararamdaman ko.” agad akong tumingin sa paligid ko at napansing lahat ng tao sa paligid ko ay nakatingin sakin, maliban sa propesor ko na tuloy parin sa litanya niya at animo sinasaulo ang itsura ng projector na asa harapan niya. Walang paalam na akong lumabas ng classroom, di naman ito napansin ng aking propesor at halata sa mukha ng mga kaklase ko ang gulat. Nagtuloy tuloy ako hanggang marating ang bench na laging pinagiintayan sakin ni Kiko. Wala parin ito doon. Yumuko ako at itinakip ang dalawang palad ko sa mukha ko.
“Pwedeng makitabi?” tanong ng isang lalaki na ikinatunghay ko naman. Bumulaga sakin ang nakangiting gagong mukha ni Kiko. May hawak hawak itong dalawang ice cream. Umusod ako at hinayaan siyang umupo sa tabi ko, sinksik na naman niya ako at iniakbay ang isa niyang kamay sa likuran ko, kinuwa ko narin ang ice cream at sinimulan ng kainin ito.
“Wag ka munang umalis ah?” malungkot na sabi ni Kiko sakin. Natigilan ako.
“Yun ba ang dahilan kung bakit di mo ako pina...” di ko na natapos ang sasabihin ko ng isalpak ni Kiko ang ice cream na hawak hawak ko sa bibig ko.
“Wag kang masyadong ma flatter diyan. Malungkot lang talaga pag walang kasama sa bahay.” sunod sunod na sinabi ni Kiko sabay pamumula ng mukha na kala mo isang masamang salita ang kaniyang sinabi. Napangiti na lang ako.
“Boring pag wala ka.” habol pa ni Kiko. Natigilan nanaman ako at sinulyapan siya, daretso lang ang tingin nito. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kaniya kaya humarap ito sakin at ngumiti. Iniharap niya ang ulo ko sa kaniyang tinitignan sa pamamagitan ng kamay niyang kaninang nakaakbay sakin. Lumulubog na uli ang araw.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment