Posted by: Half
Blog:
http://halfofmeisyou.blogspot.com
-------
Hello po sa lahat! This story ay para sa inyo, at para sa akin na rin. Gusto ko kasing.. Ah, basta. Basahin nyo nalang. This is a one-shot story. Gusto kong malaman lahat ng opinyon niyo tungkol dito, kaya please, magcomment kayo. Feeling ko kasi ang kwentong ito ay wala lang. Hahaha salamat.
This story took place a year before the events of Now Playing took place. At kung ano'ng koneksyon nila? Secret.
Thank you Sir Mike for the opportunity na maging resident author. I promise na lalo kong pagbubutihin ang bawat piece na isa-submit ko for everybody's pleasure.
Enjoy, guys.
Just read on a wider perspective.
-------
The Man Who Can't Be Moved
-------
"AAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!"
Ang tanging naibulalas ko matapos pigain ni Spencer ang 'kayamanan' ko.
"Oh ano? Masarap ba? Dinala ka ba ng mga haplos ko sa langit?" ang mapang-akit niyang sabi. Dinilaan pa niya ang tainga ko, ngunit 'di iyon nakatulong sa sakit na nararamdaman.
"AAAAAAHHHHHAAAHHHHHHAAAAHHHHH!!! BBBBIIIITTTTAAAAWWW NNNNAAAA!!!!!"
-------
Ako si James Brendon Tan. 18 years old, 5'9", gwapo, maputi, pantay at mapuputing ngipin, bedroom eyes, pointed nose, pink lips. And with a body to die for. Oo, walang biro. At oo, tama ka. Masyadong mahangin dito.
Inaamin ko, laki ako sa layaw. Nakatira kami sa loob ng isang subdivision. Mayaman kami, kaya lahat ng nais ko, nasusunod. Damit, pabango, pagkain, gadgets, kotse, motor, kahit anong naisin ng materyosong puso ko ay napapasa-akin sa isang pitik. Ganyan ka-kumportable ang buhay ko. Pakiramdam ko, ako ang hari. Oo, hari. Ang mga magulang ko ay mga alipin ko lang rin sa aking palasyo. Oo, isang hari. Maging mga kabataan dito sa lugar namin, sa loob man o sa labas ng subdivision ay alipin ko. Hindi naman ako abusado, pinapakita ko lang na ako ang nag-iisang hari dito.
Hindi ako masamang impluwensiya. Mayabang lang. Ang mga kabataan dito, tinutulungan kong tumigil sa mga bisyo nila. Dati kasi, ang labas ng subdivision ay larawan ng takot at pangamba. Mga tambay, manginginom, sugarol, mga adik. Pero nang minsang mapatingin ako sa bintana ng kotseng minamaneho ng personal driver ko, nakita ko kung anong klaseng putik ang kinasasadlakan ng mga kabataan dito. Kaya naka-isip ako ng ideya. Kailangang maging isa ako sa kanila.
Dahil kilala ang pamilya ko sa lugar na ito, mataas ang tingin sa akin ng mga tao. Nang minsang madaanan ko ang isang grupo ng mga kabataang naninigarilyo, binati nila ako at lumapit ako sa kanila.
"Sir! Kamusta po!" ang nakangiti nilang tugon. Ngumiti ako pabalik, pero inagaw ko ang sigarilyo sa isang binata. Hinithit ko ito hanggang sa mapuno ang aking baga, at ibinuga ko ang usok sa mukha ng may-ari ng sigarilyo.
"Ano'ng amoy ng usok nito?" ang tanong ko.
"Mabaho?" ang umuubong sabi nito. Medyo naluha din ito, marahil sa usok na napunta sa mata niya.
"Lasa?" tanong ko ulit.
"Mapait." ang sabi niya.
"Kung ganoon, bakit ka naninigarilyo?" ang tanong ko.
"Kasi.. Bisyo ko na ito?" ang alangang sagot niya.
"Oo, alam kong bisyo mo ito, halata sa nikotina sa labi mo. Ang tanong ko, bakit?" ang sabi ko.
"Kasi pinapakalma nito ang kalooban namin sa lahat ng mga problema namin sa buhay." sagot ng isa.
"Problema? Sino ba ang walang problema? At isa pa, balang araw, ang bisyong ito ang magiging pinaka kasuklam-suklam na problemang dadalhin niyo. Naiintindihan n'yo naman siguro ang ibig kong sabihin." ang sabi ko. Tumango silang lahat, kaya ngumiti ako.
"May ibang paraan para takasan ang problema. Pero bakit mo ito tatakasan? Dapat harapin mo ito ng taas-noo at walang alinlangan. Kasi sa pagharap mo sa pagsubok, matututo ka. Maaaring napapakalma ng sigarilyo ang kalooban n'yo, pero napapakalma naman ng panalangin ang puso n'yo. Ngayon, ano'ng pipiliin n'yo? Ang sigarilyong lalong nagpapahirap sa inyo, o ang panalanging nagdadala ng kakaibang kayamanan sa puso n'yo?" ang sabi ko. Ibinalik ko ang sigarilyo sa may-ari, at tuluyan nang lumayo sa lugar na iyon. Narinig ko pang silang sumigaw.
"Salamat Sir! 'Di na po kami maninigarilyo!" na ikinataba ng aking puso.
Oo na. Mukhang sermon ng pari. Pero ganyan talaga. Dahil doon, at sa mga sumunod na pangyayari, lalo akong nakilala sa lugar na iyon. Si Sir Brendon, mabait, mabuti, magaling makisama, blah blah. Hindi ko naman ginawa ang lahat ng iyon para sumikat. May iba akong dahilan. Oo, gusto ko ako ang hari, pero 'di ko akalain na lalawak ng ganoon ang 'nasasakupan' ko.
Akala ko, nasa akin na ang lahat. Hindi pa pala.
"Sige Hijo, mauna na kami. See you tonight." ang paalam ni mama.
"Baka tomorrow." sa isip ko.
Sa kabila ng pagiging spoiled ko sa materyal na bagay, may mga bagay na wala ako. Atensiyon. Kalinga. Pagmamahal. Ito ang kapalit ng lahat ng salaping nakasiksik sa pitaka ko. Mga bagay na mas nanaisin ko pang makamit kaysa sa sariling entertainment center sa loob ng kwarto ko.
Kaya hinanap ko ito sa iba. Sa mga kabataang muntik nang magpatalo sa kahirapan. Ako ang naging leader nila, sila ang mga taga-sunod ko. Nag-yabang ako hindi para magmalaki, kundi para takpan ang butas na dala ng kalungkutan sa puso ko.
Sa kabila ng mga taong lagi kong kasa-kasama, wala ni-isa sa kanila ang talagang malapit sa akin. Sa kabila ng kulitan at tawanang nararanasan ko kasama ang mga kabataang ito, mag-isa pa rin ako sa pagtatapos ng araw. Isang batang paslit na naligaw sa mapanlinlang na daigdig.
Hanggang sa dumating si Edge.
Si Edgar Chase Villegas ay isang anghel sa lupa. Mas matanda siya sa akin ng isang taon. 19, 5'7", kulay bakal at malamlam na mga mata, matangos na ilong, maputing kutis na masyadong makinis para sa isang lalaki at magandang hubog ng katawan. Isang perpektong anghel. Una ko siyang nakita nang minsang nakatambay kami ng grupo sa basketball court. May mga babaeng nagpapapansin sa kanya, maging ang grupo ng mga binabae sa kabilang gilid. Kakaiba kasi ang porma niya. Though simple lang ang suot niya, kakaiba ang aura niya. Mukha pa siyang laging mabango. Tinanong ko sa grupo kung sino siya.
"Si kuya Edge po iyan, kuya Brendon. Kapitbahay namin. Bagong lipat po sila ng pamilya niya." ang sagot ni Jai-jai.
"Kailan pa sila dito?" ang usisa ko. Parang naging interesante si Edge.
"Nung isang araw pa, kuya. Nag-aaral kasi yata yan sa *** kaya madalang lang makita." ang sagot ulit ni Jai-jai. Tinignan ko ulit ang anghel. May kausap ito sa telepono. Mukhang masaya siya.
"BOLA!" ang sigaw ng mga naglalaro ng basketball. Hinanap ko naman kung nasaan ang bola. Agad akong tumayo nang makita ang hinahanap.
Papunta kay Edge.
Napatakbo akong bigla. Ang tanga naman ata ng mga naglalaro. Volleyball ata ang nilalaro. Palapit ng palapit ang bola. Mukhang hindi ako aabot.
"EEEEDDDDGGGGEEEE!!!!"
Hindi na narinig ang sigaw ko dahil kasabay ng pagbuka ng bibig ko ay ang pagsigaw din ng mga kababaihan, kabinabaihan, at mga kalalakihang nakakakilala sa kanya.
Actually, lahat ng tao sa court.
THUD.
Whoah. Buti sablay. Sa likod tumama ang bola, ang huling tinapakan ng paa niya. Napatingin si Edge sa mga tao sa court, tapos sa bola na gumulong na palayo. Saglit itong nagpalit-palit ng tingin, bago hinabol ang bola. Nang makuha ay nag-dribble siya habang papalapit sa court, sabay nag-serve na pang-volleyball. Ako ang nakasalo ng bola.
"Salamat pare!" ang sabi ko. Tango at ngiti lang ang isinagot niya.
-------
"Dali na, sabihin mo na." ang mapang-inis niyang tugon.
"Spencer, pare, ako na nakiki-usap sa iyo. Bitiwan mo na.. Masakit na 'yan." ang nangingiwing paki-usap ni Edge kay Spencer. Ngumiti si Spencer kay Edge, ngunit 'di pa rin niya binibitiwan ang 'kayamanan' ko.
"O sige, gagawin ko. Pero sa isang kondisyon. Hindi mo na ako guguluhin. Maliwanag ba?" ang sabi niya. Dahil halos mamanhid na ang pagitan ng mga hita ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Para ito sa kinabukasan ko.
"OO! OO NA! BASTA BITAWAN MO NA! PARANG-AWA MO NA.." ang papa-iyak ko nang sabi. Ngumiti muna siya ng nakakaloko, bago tuluyang bitiwan ang mga 'ginto' ko. Napa-luhod ako, sapo ang pagitan ng mga hita ko. Lumuhod siya sa harapan ko at bumulong sa akin.
"Pasensya na pare. Lalaki rin ako, kaya alam ko kung saan ang kahinaan natin. Ang kasunduan natin, ha? 'Wag mo akong bibiguin." ang nakangiti niyang sabi, sabay tayo. Nagsalita ulit siya.
"Oo nga pala, magpa-pasa iyan. Lagyan mo ng yelo. 'Di ka naman mababaog kaya 'wag kang mag-alala." ang sabi pa niya. Tuluyan na siyang tumalikod at naglakad palayo. Lumapit naman si Edge sa akin, hindi malaman kung tatawa o maaawa. Hinaplos niya ang likod ko, at sumigaw kay Spencer.
"Pasensya ka na, Spencer. Isip-bata lang talaga itong si Brendon." Natawa naman si Spencer, at kumaway ito bilang paalam.
-------
Simula ng araw na iyon, hindi na mawala sa isipan ko si Edge. Ang maganda niyang mga mata, at ang matamis niyang ngiti. Bawat araw pagkagaling ko sa isang computer school na pinapasukan ko ay dumidiretso ako sa court para lang masilayan siya. Oo, tama ang sinabi ko. Sumisilay ako. Ewan ko, pero ako, kapag gusto ko ay gagawin ko. Kaya nga ako nandito ngayon dahil gusto ko siyang makita kahit sa malayo. Pero simula nung araw na iyon ay hindi ko na siya ulit nakita. Bakit kaya? Pero hindi ako sumuko. Kung tutuusin ay pwede kong itanong kay Jai-jai ang nasaan ang eksaktong lugar ng bahay nila Edge. Pero ayoko.
Sabado. Alas 6:00 pm na nang maka-uwi ako dahil gumala kami ng barkada ko. Ipinagpilitan ko lang sa barkada na kailangan kong umuwi ng umaga dahil darating ng maaga ang mga magulang ko kahit hindi, makasilay lang kay Edge. Mula 6:30 hanggang 9:30 naghintay ako pero mukhang walang Edge na dadaan. Halos mabali ang leeg ko kakalingon sa daanan pero walang nangyari. Hay. Siguro nga kailangan ko nang humingi ng tulong kay Jai-jai. Tumayo at nagpaalam na ako sa ilang mga kabataan sa court ng biglang may itinuro si Dolly, isa rin sa mga kabataan dito.
"Kuya Brendon, diba si kuya Edge 'yun?" ang sabi niya. Lumingon ako sa itinuro niya. Oo nga. Si Edge nga. Ito na ang pagkakataon ko.
"Edge!" ang sabi ko sabay kaway sa kanya. Huminto siya, at tumakbo ako palapit sa kanya.
"Uh, hi?" ang nakangiting bati ni Edge sa akin. Teka, bakit ganito ang itsura niya?
"Teka Edge, naka-inom ka ba?" ang tanong ko.
"Konti lang naman. Hehe." ang sabi niya. May umilaw na bumbilya sa ulo ko. Pagkakataon ko na.
"Gusto mo, ihatid kita sa inyo?" ang sabi ko.
"Hindi na, ayos lang. Malapit na lang naman ang bahay ko." ang sabi niya.
"Sige na pare. Mukha kasing matatalisod ka na. Please?" ang pakiusap ko. Oo, desperado na ako. Nakita ko ang naaaliw na ekspresyon sa mga mata niya. Bigla siyang nagpakawala ng megawatt smile, na nagpahina sa mga tuhod ko. Parang ako ang lasing.
"Ok. Sige. Tara na." ang sagot ni Edge sa akin. Dahil mas malaking bulas ako kaysa sa kaniya, madali sa akin ang umakbay sa kanya. Parang bale-wala lang sa kanya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Dun kami nakatira sa likod ng bahay nila ******." ang biglang sabi ni Edge.
"Teka, kilala mo na ba ako?" ang tanong ko kay Edge.
"Oo. Ikaw si James Brendon Tan, 18 years old. Blah blah, blah blah." ang sagot naman niya.
"Ha? Bakit may blah blah?" ang sagot ko. Natuwa ako dahil alam na pala niya ang pangalan ko.
"Kasi tuwing nagku-kwento si Jai-jai, hanggang sa '18 years old' lang ang malinaw kong naiintindihan. Yung blah blah ay ewan ko kung totoong salita ba, tongue twister, o blender sa bunganga niya. Ang bilis, masyadong mabilis para sa tenga ko." ang nakangisi niyang sabi. Napatawa ako ng malakas.
"Bakit ka natatawa?" ang sabi niya na halatang nagpipigil lang.
"Ang sarap mo kasing kausap. Nakakatawa naman kasi yung sinabi mo, pero may isa pa akong dahilan." ang sabi ko.
"Ano iyon?" ang usisa niya.
"Natatawa ako kasi ganito ka lang pala kadali i-approach. Akala ko kasi may pagka-snob ka kahit palaging nakangiti." ang sabi ko.
"Ako, snob? Tae mo. Ikaw nga ang suplado diyan." ang sabi niya sabay irap. Anak ng.. Cute! Lalo akong natawa sa inasal niya. Kaya, di ko sinasadya na pisilin siya sa ilong.
"Uh.." ang sabi niya. Hala! Bigla kaming napatigil sa paglalakad. Tumitig siya sa akin ng matagal. Parang nawala ako sa sarili dahil sa pagtitig niya. Bigla na naman siyang nagpakawala ng megawatt smile niya, na nakapagpabalik sa akin sa katinuan. Alam kong namula ako kaya bigla siyang natawa.
Simula nung gabing iyon, naging magkaibigan na kami ni Edge. Alam ko na ang schedule niya sa klase kaya alam ko na rin kung ano'ng oras ako pupunta sa court. Nakilala ko na rin ang mga magulang niya, sila Tito Archie at Tita Rina, pati ang kapatid niyang si Alfie. Naging madalas na rin ako sa kanila. Iba kasi ang tahanan nila. May kaya nga sila sa buhay pero masayang-masaya ang aura ng lahat. Hindi isinasali sa hapag kainan ang anumang usapin tungkol sa trabaho at negosyo. Lahat ng usapan puro katatawanan, asaran, o kaya pasasalamat. Mabuti at nagkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan siya. Dahil sa piling niya at ng pamilya niya, pakiramdam ko, 'di na ako nag-iisa.
-------
"Ano? Nakahanap ka ng katapat mo, 'no?" ang baling niya sa akin ni Edge. Sinimangutan ko si mokong.
"Sino bang kinakampihan mo?" ang inis kong tugon sa kanya. Bigla siyang bumungisngis.
"Sige pa, tumawa ka pa." ang patampo kong sabi.
"Ang panget kasi ng diskarte mo eh." ang sabi niya. Inalalayan na niya ako para makatayo.
"Kasalanan mo ito, eh." ang sabi ko.
"Ako? Paano ko naman naging kasalanan ito?" ang nagtataka namang balik ni Edge sa akin.
"Kung minahal mo lang rin ako tulad ng pagmamahal ko sa iyo.."
-------
Alam kong kakaiba na ang nararamdaman ko unang pagkakita ko pa lang sa kanya. Dapat nagtataka ako, diba? Pero hindi. Alam ko kasi kung ano iyon. At gusto ko.
Ako ang tipo ng tao na kapag gusto ko ay gagawin ko. Ito iyon. Mahal ko na siya. Akala ko infatuation lang dahil sa mala-anghel niyang itsura't tindig. Pero hindi pala. Mas lumalim iyon nang makilala ko siya. Naintindihan ko ang isang Edgar Chase Villegas.
Naintindihan ko na ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig.
Dahil wala akong kinatatakutan, sinabi ko sa kanya ang totoo. Sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Mahal ko siya. Pero isang yuko lang niya, naintindihan ko na ang sagot niya.
Hindi ako ang mahal niya.
"Edge.."
"Siya si Micco."
Ipinakita niya sa akin ang litrato niya kasama si Micco. Isang nilalang na maihahalintulad sa isang prinsepe. Naka-akbay siya kay Edge na halatang nagpapahiwatig na sa kanya lamang ito. Isang prinsipeng pumuprotekta sa isang anghel.
Perpekto.
"Brendon.."
"Sana ako na lang siya. Sana.." ang tanging nasabi ko bago tumulo ang mga luha ko. Pinahid ng anghel ang mga luhang gumuguhit sa aking pisngi sa sandaling iyon. At pagkatapos ay ikinulong niya ako sa kanyang payapang bisig.
"'Patawarin mo ako, Brendon. Pero kapatid lang ang tingin ko sa iyo." ang sabi niya.
"Kapatid?" ang naguguluhan kong tugon.
"Oo, Brendon. Simula ng maging magkaibigan tayo, hanggang ngayon, walang nagbago. Nakita ko kung paano lalong umingay ang bahay namin nang dumating ka. Doon ko napagtanto na ikaw ang kapatid na matagal naming inasam ni Alfie na magkaroon. Mahal kita Brendon. Bilang kapatid. Bilang kaibigan." ang sabi ni Edge. Tumingin ako sa kanya. Ewan ko, pero kahit tinanggihan niya ako, nakuha ko pa ring ngumiti.
"Bakit ka nakangiti?" ang tanong niya na sinagot ko naman.
"Kasi naging bahagi ako ng pamilyang ito, kuya."
-------
"Brendon.."
"Oo na, oo na. Basta tulungan mo ako kay Spencer, ok?" ang sagot ko. Napa-iling na lang si Edge sa kakulitan ko. Mabuti na lang at dala ko ang kotse ko, kundi maga na siguro ang jewels ko bago pa ako makarating sa bahay. Ngunit sa halip na ako ay si Edge ang umupo sa driver's seat.
"What are you doing?"
"Magda-drive." ang sagot ni Edge.
"Marunong ka?" tanong ko.
"Ay hindi. Kung hihinto na sabihin mo 'Manong, paki-bangga po sa tabi'. Ok ba?" ang sabi niya sabay start ng kotse.
"Sabi ko nga." ang sagot ko. Saglit kaming natahimik. Nakatuon ang atensyon niya sa daan. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Para saan?" ang tanong niya. Na-gets kaagad niya yung kiss ko.
"Wala lang." ang sabi ko. Alam kong bumalik na naman ang pagka-amuse sa mga mata niya. Ngumiti ako sa kanya at nginitian din niya ako.
-------
Tan Residence, Brendon's Room
"What are you doing?" ang nae-eskandalo kong sabi kay Edge. Kinabahan ako sa ginagawa niya.
"Stripping you." ang sabi niya.
"Whoah! Hold it!" ang sabi ko. Oh my, kinakabahan ako.
"Alin, ito?" ang sabi niya sabay turo sa harap ko. Namula ako bigla kaya natawa siya.
"May ganyan din ako. Sige na, hubo na. Ito na ang ice bag." ang sabi niya. Hindi ako makakilos. Ngayon lang ako nahiya sa buong buhay ko.
"Uh.."
"Oh for Christ's Sake." ang sabi ni Edge. Bigla niyang hinila ang brief ko pababa, at nakita na niya ang tootoot ko.
"Oh.." ang tanging nasabi ni Edge.
"H-huh?" ang usal ko.
"Uh, Ren?" ang sabi niya ulit sa akin.
"Y-yes?" ang alangan kong tugon.
"Nakakita ka na ng blue berry? Ubas? Uhm.." at tumigil siya sandali, huminga ng malalim at muling nagsalita.
"Duhat?" ang sabi niya.
Hindi! Ang kayamanan ko! Dali-dali akong tumalikod sa kanya at humarap sa salamin. Here I am, in my naked glory, in front of the mirror looking at 'it'. Biglang natawa si Edge. At hindi pa nakuntento, gumulong-gulong pa sa kama ko.
"Hahahahahahaha!"
"You-"
"Hahahahahahaha!"
"Aaaaarrrrgggghhhh!" I shouted in frustration. Hindi ako nakatiis at sinugod ko siya.
"Hahahahahahaha!"
"Ikaw! Tinakot mo pa ako! Wala namang pasa eh! Humanda ka sa akin ngayon!" ang sabi ko sa kanya sabay kiliti sa kanya. Andaya ng taong ito.
"Oh my God! Stop that, hahahahaha! Oh.. Hahahaha!"
"Say Uncle!" ang pangungulit ko sa kanya.
"Aunt!" ang sagot ni Edge.
"Say Uncle!" ang ulit ko habang kinikiliti siya.
"Aunt! Hahahaha!" ang giit niya.
"Say Uncle!" ang natatawa kong sabi. Bigla na lang siyang natahimik. Pati ako. Ewan ko kung bakit. Ang tagal naming magkatitigan, pero siya rin ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.
"Uh, Brendon? Kasi, ayos lang na magkulitan tayo. Pero kapag tinutukan mo ako ng patalim, ibang usapan na iyan." ang sabi niya.
"Ha?" ang naguguluhan kong sambit. Bigla siyang ngumuso. At nagulantang ako sa nakita ko.
Nakaupo na pala ako sa dibdib niya. Eh diba, wala akong kahit anong saplot? At ang masama pa..
Standing ovation si Peter.
"Hahahahahahaha!"
Nahiya ako ng sobra. Hindi ako makapagsalita sa sobrang kahihiyan. Bigla siyang gumalaw para ako ang mapunta sa ilalim. Pumantay siya sa akin at nagsalita.
"Baby bro, 'wag ka nang mahiya. Ayos lang yan." ang sabi niya sabay halik sa noo ko. Sh*t talaga!
"Eh k-kasi.." ang hiyang-hiya kong sagot. Ang sunod niyang sinabi ay lalong nagpatulig sa akin.
"Ayos lang 'yan. YOU MUST BE PROUD! Mabuti na lang at kapatid ang tingin ko sa'yo. Damn, I'd be having a HARD TIME 'pag nagkataon." ang nakangisi niyang sabi. If I can be redder than red, siguro sumabog na ang mukha ko n'un.
"Brendon." ang sabi niya sabay halik sa ilong ko. Bigla siyang tumayo at kinuha ang ice bag at inilagay 'doon'. Kinuha din niya ang kumot at itinakip sa akin.
"Para sigurado." ang sabi niya, sabay ngiti. Pinulot niya isa-isa ang mga pinaghubaran ko at inilagay sa hamper.
"So, ano'ng plano mo ngayon, bro?" ang tanong niya habang abala sa ginagawa. Nakahinga ako ng maluwag.
"I want to befriend Spence." ang sagot ko.
"Bakit?" ang tanong ulit ni Edge. I answered nonchalantly.
"I saw the sadness in his eyes." Edge replied in a sad manner that proved my observations.
"Yeah, me too."
-------
John Spencer Dee. Ang ganda ng pangalang niya, 'no? At hindi lang 'yan. Gwapo pa. 18 years old, 5'9", maputi, brown hair, brown eyes, matangos ang ilong, manipis na labi, may braces sa ngipin, swimmer build. And yeah, bagay sa kanya ang kulay puting clip-on headphones niya, na may disenyong bungo. Emo-punk ang dating.
Pero hindi naman talaga ang good looks niya ang pumukaw sa atensyon ko. Ang mga mata niya. Ang mga matang iyon ang pinakamalungkot na pares ng matang nakita ko sa buong buhay ko. Para bang maiiyak na siya kaagad. May kung-ano sa mga mata niyang nagdudulot sa akin ng pagnanais na ikulong siya sa aking mga bisig. Yeah, superhero complex.
Minsang tumambay kami ni Edge sa tindahan ni Ate Barbara nang magtsismis ito sa amin na may bagong lipat ulit sa lugar namin na kilala na pala ni Edge.
"Sila Spencer yun. Pinsan siya ng classmate kong si Crys." ang sabi ni Edge habang ngumunguya ng Rebisco crackers.
"Yung mukang emo?" ang tanong ko naman. Minsan ko na ring napansin kasi si Spencer na dumadaan sa gilid ng court.
"Oo. Gwapo, no?" ang sabat ni ate Barbara samin. Ngumiti na lang si Edge sa kanya.
"Spence!" ang biglang sigaw ni Edge. Kaya pala, papalapit siya dito sa tindahan. Kumaway pa si mokong sa kanya. Agad naman itong lumapit na parang nahihiya pa. Ang bango ng pabango niya ah..
"Ed." ang matipid na bati nito kay Edge. Ngumiti naman si loko dito.
"S'an punta mo niyan?" tanong ni Edge kay Spencer.
"Sa palengke. Kailangan ko ng bagong filler sa binder ko, ubos na kasi." ang sabi ni Spencer kay Edge.
"'Wag ka nang bumili. Marami ako sa bahay, bigay ko na lang sa'yo." ang nakangiting sabi nito.
"'Wag na, nakakahiya naman." ang nahihiyang sagot nito.
"Utot mo! Sa'kin ka pa nahiya. Hahahah" ang biglang tawa ni Edge.
"Ed naman eh.." ang namumulang sagot ni Spencer. Naku, mukhang nakalimutan na ako ng dalawang ito ah.
"Ehem, ehem.." ang pagpaparamdam ko sa dalawa.
"Ah, siya nga pala, Spence. Ito si Brendon, ang 'hari' ng mga tambay dito. Brendon, ito si Spencer, isang anghel kagaya ko." ang nakangiting sabi ni Edge. Nagkamayan kaming dalawa, at sa paglapat ng aming mga palad, naramdaman ko sa kauna-unahang pagkakataon ang isang bagay na sa mga kwento lang nagkakatotoo.
Kuryente.
Nagsimula iyon sa dulo ng aking mga daliri paakyat sa aking kamay at braso, hanggang makarating sa aking katawan. Whoah. Parang nawala ako sa sarili ko. Napatitig na lang ako sa mala-anghel niyang mukha, at parang huminto ang oras ng maka-ilang ulit.
CLICK!
"Ang tagal ninyo mag-shake hands, ah. Fishy.. Hehe." ang nakakalokong sabi ni Edge. Natauhan ako bigla sa sinabi niya. Oo nga, matagal magkahawak ang mga kamay naming dalawa, sapat na para makunan kami ng litrato na hindi namin namamalayan. Agad naman naming binawi ang mga kamay namin. Alam kong namula ako, lagi naman kapag ganitong pagkakataon. Tumingin ako kay Spencer na nakayuko at halatang namumula rin. Lumapit sa kanya si Edge at niyakap niya ito. Ang ganda tignan ng dalawang anghel na magkayakap..
"Spencer, don't be embarassed. He's as red as you."
"Ang daya mo kuya Ed. 'Di kita bati." ang parang batang sagot niya.
"Oo na bati na tayo. As if you can resist my charm." ang nakangising sabi ni Edge na iginalaw pa ang mga kilay. Natawa naman si Spencer sa ginawa niya.
"Tara, miryenda tayo. Libre kita." ang sabi niya kay Spencer sabay hila sa kanya para umupo. Hindi na pumalag pa si Spencer sa kanya. Wala silang ginawa kundi magkulitan at magtawanan na parang wala ako sa eksena. Pero ayos lang. Nagkaroon ako ng pagkakataong tignan silang dalawa. Maihahalintulad mo silang dalawa sa isa't-isa. Parehong anghel. Ang kaibahan nga lang, walang takot si Edge sa mga bagay bagay, laging nakangiti, laging masaya. Samantalang si Spencer ay laging nakayuko, tahimik ng mas madalas. Siguro ang mga nakakapagpatawa lang talaga sa kanya ay ang mga taong malalapit sa kanya gaya ni Edge. Siya si Irony. Kung anong saya ng kanyang mga ngiti ay ganon naman kalungkot ang kanyang mga mata. Isang malulungkuting anghel.
-------
"Bakit kaya lagi siyang mag-isa?" ang nasabi ko lang habang nakatitig sa kisame.
"Ako, alam ko." ang sabi ni Edge. Nakatingin naman siya sa labas ng bintana.
"Ano ang dahilan?" ang tanong ko kay Edge.
"Mahal mo ba si Spencer?" ang biglang tanong ni Edge. Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Para bang tumiklop ang dila ko ng ilang ulit.
"Mahal mo nga siya.."
-------
Katulad ng nangyari sa akin nang dumating si Edge, naguluhan na naman ako sa pagsulpot ni Spencer. Araw araw bumabalik sa ala-ala ko ang malungkot niyang mata. Minsan nakikita ko nalang ang sarili kong iniisip si Spencer. Gusto kong pawiin ang lungkot sa mga mata niya. Gusto kong yakapin at payapain siya. Gusto ko siya.
Pero mahal ko nga ba siya?
"Edge!"
"What?" ang nagulat na sabi ni Edge.
"Tell me, what did I do? Bakit 'di ako pinapansin ni Spencer?"
Napansin ko, ilang araw matapos ang una naming pagkikita, hindi ako pinapansin ni Spencer. Sa tuwing tatawagin ko siya ay masuwerte na kung lilingon siya. Ngunit agad din namang yuyuko. Kapag magkasama kami ni Edge at nakasalubong namin si Spencer, si Edge lang ang lagi niyang kinakausap. Ni hindi man lang ako tanguan o tapunan man lang ng tingin.
"Ask him." ang parang walang ganang sagot ni Edge sa akin.
"How? I can't believe that I'm being ignored!" I vented out in frustration.
"Someone likes somebody." ang sabi ni Edge. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at hinila ako palabas ng bahay nila.
"Where are we going?" ang tanong ko.
"We'll wait for your angel." ang sabi niya. Tumambay kami sa tindahan ni ate Barbara. Wala akong ideya kung sino ang hinihintay namin dito, hanggang sa dumating siya.
Spencer.
Bigla akong tinulak ni Edge. Ano ba'ng balak nitong gawin? Nag-thumbs up siya. Ha? At bumaling ako kay Spencer. Ahh, bahala na.
Humarang ako sa dadaanan ni Spencer. Nagtaas siya ng paningin at tumingin sa akin. Tapos bigla siyang lumakad pakanan. Oo nga, ayaw niya akong pansinin. Muli ay hinarangan ko siya. Sa kaliwa naman. Sa kanan. Para kaming nagpapatintero sa ginagawa namin. Hanggang sa tumingin siya sa akin ng matalim.
"Hi Spencer." ang nakangiti kong sabi. Pero wala pa rin. Matagal kaming nagtitigan, hanggang sa lumakad uli siya pakaliwa. Dali-dali kong hinawakan ang balikat niya at iniharap siya sa akin. Lumakad ako at napa-atras siya, hanggang sa mapasandal siya sa poste. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa gilid ng kanyang baywang para wala siyang kawala. At sinabi ko ang mga salitang hindi ko alam na sa akin pala nanggaling.
"Alam mo bang nasasaktan ako sa pag-iwas mo?" ang nasabi ko. Pati ako ay nagulat sa mga sinabi ko. Idinikit ko ang noo ko sa noo niya.
"Please, sabihin mo naman kung may nagawa akong mali. Hindi ko lang kayang binabalewala mo ako." ang sabi ko ulit.
"Pabayaan mo na lang ako." ang sabi niyang may halong tapang sa boses. Agad akong nag-angat ng tingin sa mukha niya.
"Bakit?" ang parang maiiyak kong tugon.
"Wala ka na dun." ang sabi niyang umiwas ng tingin. Muli kong hinarap ang mukha niya sa akin.
"Spencer.." bigla siyang ngumiti. Hinaplos naman niya ang aking mukha. Napapikit akong bigla. Napakalambot ng palad niya, at napakabanayad ng haplos niya. Bumaba iyon sa aking balikat at tumigil sa aking dibdib. Para bang pinakiramdaman pa niya ang aking puso. Bumaba pa ang kanyang kamay. Naging mapangahas. Napakagat-labi ako sa ginagawa niya. Mula sa dibdib ko pababa sa aking puson, at pababa pa.. Hanggang sa aking kayamanan. Hinaplos niya iyon hanggang sa nabuhay ito sa kanyang palad.
"Spencer.."
"Brendon.."
At bigla niyang piniga ang aking kayamanan.
"AAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!"
-------
"Mahal mo nga siya.." ang sabi ni Edge sa akin. Alam ko naman talaga ang sagot. Gusto ko lang talagang makasiguro.
"Oo.." ang mahina kong sambit.
"Kung ganon, sabihin mo." ang sabi ni Edge. Tumingin ako sa kanya.
"Sabihin mo bago pa mahuli ang lahat." ang sabi ni Edge.
-------
KKKRRRRIIIIINNNNNNGGGGGG!!!!!!!!
"Hello?"
"Brendon?"
"Edge?"
"Brendon, bilisan mo. Abangan mo si Spencer sa may hagdanan."
"Ha? Bakit?"
"Basta! Nasa school pa ako, tinawagan lang ako ni Alfie. Bilisan mo Brendon!"
"Pero.."
"Wala nang pero pero! Kailangan ka niya ngayon, bilis! Bago pa mahuli ang lahat!"
"Edge-" ngunit bigla na lang niyang binaba ang telepono. Bakit kaya? Kinabahan ako sa mga sinabi niya. Bakit ako kailangan ni Spencer? Bakit mahuhuli na ang lahat? Ano'ng ibig sabihin n'un? At ang mas lalong nakapagpabahala sa akin ay ang tono ng pananalita ni Edge.
Takot.
Bumaba ako sa garahe at sumakay sa motor. Dali-dali ko itong pinaandar at umalis ng walang paalam. Madali ko namang nakita ang hagdanan na sinasabi ni Edge. Ito ang hagdanang madalas nilang daanan ni Spencer pauwi. Isang hagdanan na sa gabi ay tanging mahinang liwanag mula sa maliit na bumbilya ang nagsisilbing tanglaw sa mga nais na dumaan. At hindi na nga ako naghintay pa ng mahabang sandali. Pagkatapat ko sa liwanag ay iniluwa ng kadiliman ang isang taong nagpapatibok sa aking puso.
"Spencer?"
Napahinto siya sa paglalakad at saglit na tumingin sa akin. May dala siyang isang bag. Nakita kong basa ang kanyang mga pisngi sa pagluha. Putok ang kanyang labi at may pasa sa kaliwang pisngi.
"Spencer? Ano'ng nangyari?" ang sabi ko. Hahawakan ko pa lang ang balikat niya nang tapikin niya ang kamay ko.
"Spencer?"
"Layuan mo ako." ang mahina ngunit matalim niyang sabi.
"Spencer? Hiindi ko maintindihan.." ang sabi ko.
"Layuan mo ako! Wala kang pakialam sa akin! 'Wag mo akong guluhin!" ang sabi niya. Bakas sa mukha niya ang galit, hinagpis, kalungkutan at dalamhati. Kung bakit ay kailangan kong malaman. Naglakad siya ng mabilis at nilagpasan ako. Niyakap ko siya sa likod na nakapagpahinto sa kanya.
"Mahal kita, Spencer."
Sinabi ko ang laman ng puso ko. Ngayon, hindi ako natatakot. Hindi ako nangangamba. Gusto ko siyang protektahan sa kadilimang lumalamon sa kanya.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo." ang sagot ni Spencer. Hindi na siya nagtangkang gumalaw dahil hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
"Mahal kita, Spencer." ang ulit ko.
"Mahal? Hindi mo ako mahal. Kagaya ka lang rin nila, Brendon." ang sagot niya sa akin.
"Hindi ako 'sila'. Hindi ako ang kaaway dito." ang sagot ko sa kanya.
"Kagaya ka rin nila. Iiwan mo rin ako. Itatapon mo rin ako na parang basura. Pandidirihan mo rin ako tulad ng ginawa nila." ang sagot niya sa akin.
"Spencer, mahal kita. Hindi ko gagawin ang sinasabi mo."
"Mahal? Iyan din ang sinabi nila sa akin. Pero ano? Eto ako ngayon, basura."
"Hindi, Spencer.."
"Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin ang magtago sa loob ng isang maskara? Araw-araw nahihirapan akong huminga, na para bang dumidikit ng tuluyan ang maskarang ito sa aking mukha. Hindi ko kayang maglihim sa kanila. Kaya sinabi ko ang tungkol sa buhay na minsan kong kinasuklaman." ang sagot ni Spencer. Iniharap ko siya sa akin at muling niyakap. Yumakap rin siya pabalik.
"Pero ano'ng nangyari? Sa buong buhay ko, ngayon lang ako natawag na lapastangan. Kahihiyan. Ngayon lang ako pinandirihan at kinasuklaman. At ang masama pa, ang pamilya ko pa ang tumawag sa akin ng ganun." ang humahagulgol na sabi niya.
"Spencer.."
"Buong buhay ko, sinunod ko sila. Hindi ako nagreklamo kahit na alam kong ako ang laging nahihirapan. Akala mo ba, gusto kong mag-aral ng Engineering? Tang*na, pangarap nila 'yan para sa sarili nila. Ni minsan, hindi ako nagkaroon ng boses sa pamilyang iyon. Ngayong gusto kong maging masaya, gusto pa nilang ipagkait sa akin iyon. Pero sawang-sawa na ako sa paulit-ulit na dikta sa akin. Hindi ako nagrerebelde. Nais ko lang mabuhay sa paraang gusto ko, at sa paraang magiging masaya ako." ang patuloy niyang sabi. Hinaplos ko ang likod niya para kahit papaano ay maginhawaan siya.
"Gusto kong maging malaya."
"Spencer, isipin mong mabuti. Mga magulang mo sila. Mahal ka nila kahit ganyan ka. Maaaring nabigla lang sila, pero pasasaan ba't matatanggap din nila." ang sabi ko sa kanya.
"Hindi nila ako matatanggap pa, Brendon." ang mapait niyang sabi.
"Paano mo naman nasabi?" ang tanong ko.
"Naramdaman ko na sukdulan ang pagkasuklam nila sa akin. Wala na akong magagawa pa doon." ang sabi niya.
"At ano? Tatakas ka?"
"Hindi ako tatakas. Papatunayan ko lang na hindi ako malas." ang sagot niya.
"At iiwan mo ako?" ang malungkot kong sabi.
"Sa simula pa lang, wala namang 'tayo', kaya wala akong obligasyon sa'yo." ang sagot naman niya. Napatahimik akong bigla. Oo nga naman.
"At isa pa, may mga taong dapat kong iwan. Gusto kong magsimula ng bagong buhay sa labas ng diktador na pamilyang kinalakihan ko. Gusto kong lalong makilala ang sarili ko. Gusto kong madapa dahil sa sarili kong kagagawan, at gusto kong manalo sa sarili kong desisyon." ang sabi ni Spencer. Tumingin siya sa akin. At ganun din ang ginawa ko.
"Brendon?"
"Bakit?"
Hinalikan niya ako sa labi.
Ngayon alam ko nang mahal niya ako. Sinabi niya sa pamamagitan ng halik na iyon. Ang masuyong dampi ng kanyang mga labi ang patunay ng damdamin niya sa akin. At ipinadama ko din ang pag-ibig ko sa kanya. Ngunit unti-unting nabahiran ng luha ang aking mga pisngi. Dahil kasabay ng katotohanang mahal namin ang isa't-isa, ay dumating ang sandaling hindi ko kailanman ninais.
"Paalam na, Brendon."
"Spencer, nakiki-usap ako. 'Wag mo naman akong iwan." ang pagmamakaawa ko sa kanya.
"Patawarin mo ako, Brendon." iyon lang at tuluyan na siyang lumakad pababa ng hagdanan.
"Spencer!" ang sigaw ko, pero patuloy pa rin siya sa paglakad.
"Bumalik ka sa akin." ang sabi ko. Tumigil siya sa paglalakad na para bang tinitimbang ang bawat salitang sinabi ko.
"Babalik ka, diba?" ang tanong ko ulit, umaasa sa isang bagay na parang imposibleng mangyari.
"Ewan. Siguro. Hindi ko alam." ang mga huling katagang sinabi niya bago siya muling nilamon ng kadiliman.
-------
"Going back to the corner
Where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag
I'm not gonna move
Got some words on cardboard
Got your picture in my hand, saying
'If you see this girl,
Can you tell her where I am?'
Some try to hand me money
They don't understand
I'm not broke
I'm just a broken-hearted man
I know it makes no sense
But what else can I do
How can I move on when I'm still in-love with you?
'Cause if one day you wake up
And found that you're missing me
And your heart starts to wonder
Where on this earth I could be
Thinking one day you'll come back here
To the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you
On our corner of the street
So, I'm not moving, I'm not moving.."
Sa pagdating ng dalawang anghel sa buhay ko, marami akong natutunan. Marami akong napatunayan. Maraming naranasan na sa hinagap ay hindi ko akalaing mararanasan ko. Ang isa, nanatili sa tabi ko. Ang isa naman ay tuluyan nang lumayo sa 'nasasakupan' ko. Ngayon, nasaan ako?
Naka-graduate na ako sa kursong Computer Engineering. Ngunit nagtatrabaho ako bilang I.T. instructor sa ***. Minsan nga, natatawa ako kapag tinatawag ako ni Edge na 'Sir Brendon'. Oh, no, hindi ko hawak sila Edge. Electronics and Communications Engineering ang kurso niya. Pero kapag may pagkakataon ay sabay kaming nagla-lunch ni Edge. For good times' sake.
Ngayon, isang taon na ang nakalipas, naghihintay pa rin ako sa pagbabalik niya. Hindi ako magsasawa. Kasi alam kong tunay ang nararamdaman ko.
Mahal kita, Spencer.
Mahal na mahal kita.
[WAKAS]
Image courtesy of Google Search
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
it's nice like the song. ;)
ReplyDeleteJ3MZ