By: Gelo
Tulala at takang taka si louie sa nakita nyang pagyayakapan namin ng mama nya.
“ilang saglit lang ako nawala close na kayo agad? Wanep ha! May yakapan pa kayong nalalaman?” patanong at gulat nyang sabi.
“anak! Sya si andeng hindi mo naalala?kinakapatid mo!” galak na galak nyang pag sabi habang naka-akbay parin sakin.
“si andeng?” inaalala nya ang pangalan ko habang hawak parin ang binili nyang miryenda. “ung bang lagi kong kalaro nung bata pa ako sa court? Yung lagi mong pinapasalubungan ng macaroni salad pagka-uwi mo sa trabaho ma? Sya ba yun?” excited nyang sabi.
“oo anak! Sya nga yung si andeng!” tuwang tuwa sya habang inaakbayan ako. nilapag naman agad ni louie ang binili nyang miryenda ang sinakal nya ng braso nya ang leeg ko sabay pag kotong at pag gulo nya sa buhok. Tuwang tuwa ang mokong! Natuwa naman din ako sa nadiskobre ko, kaya pala iba yung naramdaman ko nung una ko syang nakita na para bang matagal ko na syang nakilala.
“ikaw pala si andeng ha! Hindi ka naman nag sabi agad! Anong nangyari sayo ha? Dati barakong barako ka ha tinatalo mo pa nga ako sa basketball eh ngayon tumabinge ka na!” sabay tawa nila mag ina ng malakas!
“malay ko ba ikaw yan? Eh dati diba my luslus ka? Laki ng bayag mo nalaylay sa pagitan ng legs mo pano kita hindi matatalo sa basketball? Eh ngayon wala na pano ko malalaman ikaw yan? Bayag pa nga tawag ko sayo dba? Ahahahahahahaha” dami kong tawa non nakitawa naman din si ninang sakin.
“grabe ka naman! sa lahat ba naman ng pwedeng maalala yun pa? ikaw nga laki laki din ng pwet mo non kala mo namamaga eh kaya tawag ko din nga sayo PWET!” tawa din sya ng malakas para makabawi sa pangangsar ko sa kanya.
Kinuwa naman ni ninang ang binili ni louie na miryenda at nilagay sa plato at hinain sa maliit nilang mesa sa sala. Masaya naming pinag saluhan ang miryenda habang inaalala ang nakaraan at inalam ang mga pangyayari sa buhay habang magkalayo sa isa’t-isa. Pinaoperahan pala ni ninang si louie para matangal ang luslus nya pero natatawa talaga ako dahil hindi na louie tawag ko sa kanya BAYAG na! urat na urat naman sya at ako naman daming tawa! Habang nag kukwentuhan hindi ko namalayan 6pm na! patay na naman ako nito napatayo naman ako agad.
“shit! 6pm na!kailangan ko ng umuwi!” maluha luha ako habang inaayos ang mga gamit ko.
“bakit inaanak?” gulat at takang taka si ninang bakit ganun nalang ako mag react dahil 6pm na.
“kasi ma hindi na sya pag bubuksan ng papa nya pag umabot sya ng 6pm tulad kagabe buti nalang pinag bigyan sya ewan ko lang ngayon!” medyo natataranta na din sya dahil sa kanya kinabe na naman ako mukang guilty ang itsura ni bayag!
“ganun ba?sino ba nag babwal sayo?papa mo? Ako bahala samahan kita sa pag uwi binubugbug ko yang tatay mo nung mga dalaga at binati pa kame kaya hindi makakapalag sakin yang inaanak!” pag mamayabang ni ninang sakin.
Nag doorbell na ako. ayoko ng gantong pakiramdam na nanlalamig at pinapawisan ng malamig tulad ng kahapon, medyo naluluha ako na ko dahil nakadalawang doorbell na ako wala pang nag bubukas. Napatingin nalang ako kila ninang at louie ng may halong pag aalala at hinagkan naman ko agad ni ninang upang mapawi ang kaba ko.
“wag ka mag alala inaanak ako bahala sa papa mo!” confident nyang sabi.
Bumukas na ang bintana malapit sa pinto namin, si papa!
“jan ka na matulog sa labas!” sabay sigaw sa likod ng “ walang mag bubukas ng pinto! Ang mag bukas sa labas din matutulog!” galit na galit nyang pag sigaw. Nagsimula ng tumulo ang luha ko, patago ko namang nilihim kila ninang at louie na pinunasan ko luha ko. Sa bahay ata nila ninang ako makaktulog nito.
“hoy anthony buksan mo nga tong pinto hinayupak ka!” sigaw ni ninang. Nagulat naman kame ni louie sa ginawa ni ninang! Bumukas naman agad ni papa ang pinto.
“hoy tony! Anong balak mo? Patulugin tong inaanak ko sa kalsada ha? Gusto mo upakan kita?”matapang na bulyaw ni ninang kay papa.
“alma?”gulat na tanong ni papa.
“oo ako to! Bakit? My balak ka bang papasukin kame? At nilalamok na kame dito!” maldita nyang sagot. Naka cross pa ang mga braso sa bandang dibdib nya.
“halika pasok kayo hindi ka naman nagsabi andyan ka! Musta ka na ha? Long time no see! Maliit ka pa nung huling nag kita tayo hangang ngayon maliit ka pa rin! Ahahahaha!” tawa ni papa ng malakas. Napawi naman ang kaba ko sa tawa ni papa.
“tarantado! Gagu ka ba? Bat ayaw mong pag buksan inaanak ko ha? Gusto mo sunugin ko bahay mo? Yang babae mo ang sarap ng higa sa bahay mo samantalang itong inaanak ko sa labas mo papatulugin?” bulyaw nya sa papa ko, mukang tutang pinapagalitan naman ang papa ko ngayon ko lang sya nakita ng ganun ang tindi pala ng ninang ko.
“wag ka masyadong maingay baka marinig ka nya, ito naman! Eh alam ng inaanak mo ang batas ko dito sa bahay hangang 6pm lang kung hindi sa labas sila makakatulog.” Pag papaliwanang nya.
“kaya nalate ng uwi yan dahil galing sa bahay at nag kwentuhan kame ng BONGASHUS! Sa mga pangyayari sa mga buhay namin at ok lang malate yan noh kung sa bahay ko naman galing safe dun at ipapahatid ko naman yan sa anak ko pag-uwi.” Malditang sagot padin ni ninang.
“ganun ba? Edi mabuti kung ganun. Eh teka nga pano ba kayo nagkita ha?” pag tataka ni papa nakakamot pa sa ulo.
“baka gusto mo paakyatin muna kame at pakinin noh? At itour mo muna ako sa bahay mo medyo my kalakihan eh, yabang mo ha asensado kana!” medyo kalmado na ang boses ni ninang.
“syempre hindi ako nag-iipit ng pera eh kilala mo naman ako mahilig sa mga gamit eh ikaw kulang nalang magbaon ng pera sa lupa di lang magastos ang pera mo!” pangungutsa ni papa.
“wala kang pakelam pera ko yun! Sya nga pala, anak mag bless ka sa ninong mo. Ninong mo yan hindi mo lang alam dahil hindi mo pa nakikita yan simula’t sapul dahil tuwing pasko magaling mag tago yan!” hinawakan naman ni ninang ang kamay ni louie upang ilapit kay papa, nag bless naman itong si louie.
“wag ka maniwala sa mama mo kaya hindi mo ako nakikita dahil nasa labas ako ng bansa,ito talagang mama mo sisiraan pa ako sayo” pagkumbinsi nya kay louie.
“hoy! Madami ka ng utang jan ha!pwede mo ng hulog hulugan”
“bakit ikaw din naman ah madami ng utang sa anak ko kaya patas lang! Ahahaha!”tawanan naman kame lahat.
Umakyat na kame at sa bahay na din nag hapunan sila ninang. Matapos ang hapunan nag-usap sila ni papa at ninang samantlang kame naman ni louie humiwalay na at sinamahan ako ni louie sa kwarto ko.
“wow pwet! Laki naman ng kwarto mo pati ng kama! nakakaingit!” manghang mangha ang mokong humiga higa pa sa kama ko sinusubukan ang lambot ng kama ko. Hindi sa pag mamayabang talagang malaki kwarto ko kesa sa kwarto ni papa ewan ko bakit dito ako pinuwesto ni papa.
“ui yung tsinelas mo wag mo iapak sa carpet ko!” pag saway ko sa kanya nakatsinelas kasi sya non.
“ay sorry lang! Ang selan naman nito! Dati dati damit mo pa nga pinupunas ko sa sipon ko wala ka namang angal! Ngayon tsinelas lang!” pagreklamo nya.
“dati yun! Sige payag ako ipunas mo yang sipon mo sa carpet ko! Ahahahaha! “ tawa naman kameng dalawa!
“gago to! Swerte mo din noh? Ganda na ng buhay mo dito di tulad ng kwento mo sa buhay mo sa probinsya nyo.” Pag iba nya ang usapan.
“oo nga eh! Pero hindi rin, oo nga nasa akin na lahat ng gusto ko dati. pera,gadgets and pamumuhay pero alam mo yung kulang pa rin? Kasi mas masaya sana kung kasama ko ang pamilya ko sa probinsya sa pag tamasa ng lahat ng to.” Nagsimula akong maging malungkot pero hindi ko pinakita kay louie yun ayaw kong sabihin nyang mahina ako.
“ok lang yan! Andito naman kame ni mama pwede mo na din kameng ituring na pamliya mo, pag my problema ka punta ka lang ng bahay tutulungan ka namin” sabay akbay sakin. Naantig naman ako sa narinig ko.
“salamat” ng may halong ngiti na malungkot ang mata.
Maya maya may kumatok. Bigla tuloy nasira ang moment namin ni louie at binuksan ko ang pinto, si ninang at papa.
“tara na anak uwi na tayo baka mainip mga kapatid mo sa bahay.” Yaya ni ninang kay louie. Sinamahan na namin ni papa sila ninang pababa ng bahay.
“tony, adeng una na kame, wag mong pagalitan yang inaanak ko ha! Pag nagsumbong skin yan susugurin kita dito” pananakot ni ninang.
“oo na!” pag sang-ayon naman ni papa na parang na under kay ninang.
“uwi na kame andy salamat sa dinner” pag papaalam naman ni louie sakin.
“geh ingat kayo sa pag uwi.” Sabay ngiti ng lumapit itong s louie at bumulong.
“PWET!” tumawa ng parang gago sabay takbo.
“BAYAGRA!madapa ka sana!” pag kanti ko nauna naman agad si papa sa pag akyat sa taas.
Aaminin ko masaya ako sa araw na to kasi kahit umalis na si papa next week may kakampi na ako dito sa paglagi ko as manila hindi ko mararamdaman ang HOME SICK dahil may pangalawang pamilya na ako agad na pwede kong takbuhan. Salamat at pinagtagpo ulit kame ng Diyos ni louie. At natulog ako ng mahimbing nong gabing yun.
Kinabukasan, kinuwento ko agad kay faye ang lahat. At nagulat ako sa reaction nya! Di tulad ng dati pag my kinukwento ako sa kanya about kay louie kilig na kilig ngayon parang walang narinig at mukang malungkot.
“teh? Nag almusal ka ba? Bakit parang iba mood mo ngayon?” Tanong ko sa kanya.
“oo naman! Longanisa pa nga inalmusal ko eh!” sabi nya.
“oh! Anong ineemote jan? dAti dati pag my kinuweto ako about kay louie daig mo pa ako kung kiligin ngayon parang wala kang narinig! Alam ko na! alam ko na!”
“oh ano?” nakasimangot nyang pagbaling sakin.
“nag seselos ka noh? Umamin ka! Nag seselos ka!” pangangasar ko.
“gaga! Diba nga may kasulatan na tayo akin si aldrin sayo si louie? Bakit ako mag seselos!” pag ka dismaya nya sa sinabi ko!
“eh ano nga kasi? Parang tanga naman to eh!” inis kong sagot my padabog dabog pang nalalaman.
“yung totoo nag seselos nga ako! pero hindi gaya ng iniisip mo noh! Eh kasi ngayong alam mo ng si louie yung kababata mo nung bata ka pa at ninang mo mama nya mas magiging close na kayo syempre sya na lagi mong sasamhan at ako iiwan mo na sa ere!” malungkot nyang sabi.
Napangiti naman ako sa sinabi nya parang naantig ako sa drama ng gaga.
“TANGA! Pwede ba yun? Syempre hindi noh! iiwan ba kita ng ganun ganun nalang? Syempre hindi! Oo nga nalaman ko na sya pala ang kababata ko at ninang ko mama nya pero it doesn’t mean na lagi na kame mag sasama helo? Alangan ipag siksikan ko sarili ko sa company nila ni aldrin noh! At syempre hindi kita kayang iwan! Ang drama mo naman teh! May nalalaman ka palang ganyan?”sabay tawa ng malakas!
“cheh! Siguraduhin mo lang ha! Kung hindi aagwin ko si louie sayo!ahahahaha” tawa rin sya.
Pero sa totoo lang hindi ganun ang nangyari dahil itong si aldrin niligawan si faye at naging sila kaya sila tuloy laging mag kasama at ako naman lagi kame mag kasama ni louie kahit san kame mapunta. Madalas ding kameng apat ang laging mag kasama. Masaya ang tropa namin, pag nag-uusap ang dalawang mag jowa kame naman ni louie nag haharutan! Wala kameng pakelam sa iba kung ano sasabihin eh ito kasing si louie sOOOOOOOOOOOOOObrang maharot at makulit kahit nag susulat ako kukulitin ako at mag tatanong kung ano sinusulat ko at hindi ako titigilan hangang hindi nya ako nakikitang namumula sa galit.
“Hindi ka ba napapagod?”tanong ko sa kanya habang kinukulit ako.
“san? Sa pangkukulit ko sayo?” tanong nya na sinagot din agad.
“oo!kasi ako napapagod na!” sagot ko ng pagalit!
“ah! Ako hindi!” pang-aasar nya. “ang cute mo kasi tignan habang naiinis lalo na pag namumula sa inis” sabay ngiti at pisil sa pisngi ko. “ang cute cute mo talaga”
Biglang lumapit tong isang classmate namin na lalake sa isang subject lamang at nagtanong habang nag haharutan kame ni louie.
“hey! I just wanna ask? Is there something sa inyong dalawa?” tanong ng classmate naming si Mah.
Nagtinginan naman kame ni louie at napangiti na parang bang nag-uusap ang aming mga mata kung ano ang sasabihin.
“his my boyfriend, why?” sabay hawak ko sa kamay ni louie at tipong hinilot hilot, madalas ko kasing gawin sa kanya yun.
“ah ok!” sabay labas ng pinto ni Mah na parang bang my halong pan didiri sa muka. Tawanan naman kameng dalawa ni louie ng makitang nasa labas ng sya ng pinto.
“lakas trip ka din noh?!”sabi ni louie.
“bakit ba? Bahala sila anong sabihin nila alam naman natin ano talaga ang totoo” sabay tawa ko ng malakas!
Masaya kameng umuwi,tulad ng dati dadaan muna kame sa bahay nila bayag upang magmano kay ninang at mga kapatid naman ni louie magmamano sakin ewan ko bakit nila kailangan magmano sakin eh kinakapatid lang naman nila ako, eh kasi daw nakasanayan na nila kahit daw sa mga pinsan nilang nakakatanda nag mamano sila kaya ok na din sakin at close na din kame ng mga kapatid ni louie lalo na yung kapatid nya na lalake na bakla pero hindi umaamin sa kanila sakin lang umamin ahahahaha! Minsan minsan sinasabi nya sakin mga secrets nya sakin lalo na yung mga crush niya. Pero halata naman sa kilos nya na bakla sya eh ayaw lang tangapin ni ninang na bakla nga anak nya at si louie rin ganun. Sobrang naging malapit na kame ni louie sa isa’t-isa tipong halos nagiging magkamuka na kame o kaya kulang nalang magkapalitan na kame ng muka. Pag nawawala tong si louie at my nag hahanap sa kanaya sakin naman agad sya tinatanong ng mga tao. Gamit nya gamit ko na din,hiramin ng damit, gadgets minsan cellphone kulang nalang pati brief mag hiraman kame. Pati pag dating sa pera, pera nya pera ko, pera ko pera nya pero madalas pag may malaki syang pera ako pinapahawak nya dahil magastos syang tao kaya ako nag mamanage. Masaya ako sa company nya ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na ganto ang turingan.
Nasa loob kame ng kwarto nya papuntang Sm non upang bumili ng materials sa project namin ng may naisip na namang kalokohan itong si louie. As usual hinihintay ko na naman syang matapos mag-ayos ganto naman lagi eh pag my lakad kame never syang naunang mag-ayos sakin minsan nga nadadatnan ko tulog pa at ako pa ang gumisising at nag papaalala na may lakad kame. Urat dibah?
“pwet! Halika!” pag yaya nya sakin habang nag aayos sa salamin.
“oh ano?” lumapit naman ako agad.
“tignan mo nga yang sarili mo!” pagturo nya sa salamin.
“oh? Anong problema sakin?” tanong ko.
“wala kang ka fashion fashion! Alam mo gwapo ka naman eh hindi ka lang marunong mag ayaos ng sarili mo” pag puri nya sakin.
“wala kang pakelam ganto na ako at kontento na ako sa sarili ko” sabay upo sa kame nya. Si louie kasi maporma di tulad ko simple manamit.
“halika nga aayusan kita!” hinala nya kamay ko palabas at dinala ako sa barber shop at pinagupitan. Ng maka uwi kame pinili nya ako ng damit nya na sabi nya hindi pa nya nagagamit bagong bago at inayusan ako ng porma at buhok.
“nakanang! Tang ina mas gwapo ka pa sakin ha! Kulang ka lang sa ayos eh tignan mo sarili mo sa salamin kung naging lalake ka lang mas madami ka apng chicks sakin eh!” pag hanga nya sakin matapos nya akong ayusan.
“cheh! Chicks ka jan tabe nga tignan ko sarili ko!” napatingin ako sa salamin. Oo nga ang gwapo ko pala pag nag ayos. Maputi,singit ang mata,makinis ang muka at mapupula ang mga labi, ngayon ko lang nakita sarili ko ng ganto.
“tara pakita ka kay mama siguradong matutuwa yun sa makikita nya sayo” sabay hatak sa kamay ko pababa ng bahay nila.
“ma may papakilala ako sayong gwapong binata” pag mamalaki nya habang tago tago nya ako sa likod nya. “charan!”
“ang gwapo naman ng inaanak ko! Lalaki na ang inaanak ko!” surprise na surprise ang ninang ko sa nakita nya.
“ninang naman eh! Hindi naman ako lalake eh ayaw ko non ok na sakin na gwapo alisin na natin yung lalake!”pag dadabog ko.
“oh sige sige pero dapat ganayn ka na lagi mag ayos ha? Mas bagay sayo.”
Dumating na ang araw na pag alis ni papa. Actually umabot pa sya ng isang buwan pa dahil sa hindi nya agad nasikaso ang mga papeles nya kaya napatagal sya imbes na isang lingo na lamang. Nalungkot naman ko dahil feeling ko wala na ako kakampi sa bahay kahit anjan ang kapatid ko sa ama hindi naman kame masyadong close at nakakabata sakin un kaya wala kameng common matters na pwedeng pag usapan. Kung pwede nga lang kila ninang nalang ako tumira dun nalang ako titira eh, masya din kahit papano dahil pwede na akong lumampas ng uwi within 6pm. Naging ok naman ang lahat nung umalis si papa trinatrato naman nila ako ng mabuti sa bahay minsan nga ako nasususnod at naging close din kame ng stepmom ko binibigay nya kasi ng lahat ng pangangailanagn ko di tulad ng ibang madrasta na minamaltrato ang anak ng asawa nila.
Dumaan ang ilang buwan nasanay na ako sa sitwasyon sa bahay, naka adjust na din ako sa bago kong environment salamat na din sa tulong ni louie dahil sya lahat nag introduced ng mga bagay bagay sakin at lugar dito sa manila pero hindi pala lahat ng magandang pangyayari sa buhay ko dito ay habang buhay. Nalaman ng stepmom ko na my babae na namana ng papa ko sa ibang bansa at napag desisyonan nyang umalis sa bahay kasama nag kapatid ko na anak nya at ang katulong namin na pinsan nya.
“tita wag na po kayo umalis please wag nyo ako iwan dito mag-isa please nag mamakaawa ako sayo” pag mamakaawa ko sa step mom ko habang umiiyak.
“andeng hindi na kame pwedeng mag tagal dito! Hinid ko matitiis na tumira sa bahay na to habang alam kong niloloko ako ng papa mo” tugon nya sakin habang umiiyak din.
“tita mapag-uusapana naman natin to eh please stay please!” pag pupumilit ko sa kanya.
“ayaw ko din namang umalis at iwan ka mag-isa dito andeng dahil napamahal ka na din sakin mabuti kang bata at matalino kaya mo to wag ka lang makaklimot sa Diyos tutulungan ka nya.” Pag kumbinsi sakin ng stepmom ko.
“tumawag ako sa papa mo sinabi ko na aalis na ako hindi man lang sya nag salita habang kausap ko sya o mag text man lang upang pigilan kame ng kapatid mo.wala! wala! Isa lang ibig sabihin non wiling na syang palayain kame! Masakit mang isipin ngunit kailangn na namain umalis dito sana maintindihan mo andeng.” Halos mabasa na buong muka nya sa kanyang luha.
Wala na akong nagawa kung di yakapin sya at umiyak gayun din ang kapatid ko na walang tigil sa kakaiyak.
“tita mag-ingat kayo lalo na tong kapatid ko alagaan mo syang mabuti gawin mo syang mabuting tao at sana stay in contact parin tayo someday mag kikita tayo ha??”
“oo anak! Pangako ko yan sayo ikaw din kakayain mo lahat ito manalig ka lang sa Diyos.” Habang hawak ng dawalang kamay nya ang pisngi ko.
“opo!opo! i love you po tita ingat kayo” unang beses kong palang nasabi ito sa stepmom ko. Madrama ang huling tagpo naming iyon. Tuliro akong naiwan mag-isa sa bahay habng madaming mga chismosa sa labas ng bahay ay pinag uusapan kame hindi ko nalang pinansin at sinaraduhan ko nalang ng pinto. Iyak parin ako ng iyak sa kama ko at tinawagan ko si papa.
Ringing.. at biglang sinagot ni papa at hindi ko na sya hinayaang mag salita inunahan ko na sya agad ng bulyaw!
“i hate you pa! I hate you! Napaka bait sayo ni tita elsie pero niloko mo sya kahit kelan hindi ka na mag babago! Wag ka magulat isang araw pati ako mawawala na sayo pag di ka nag bago!” sabay baba ng cellphone ko at umiyak ulit ng todo.
Nang napagod ako sa kakaiyak at luminaw ang pag-iisip ko bigla kong naiisp pumunta kila ninang at doon muna mamalagi dahil hindi ako sanany na ako lang ang mag-isa sa bahay. Mga 10pm ng gabi kumatok ako sa bahay nila ninang.
TOK!TOK!TOK.. bumukas ang pinto at si sinungaban ko agad ng yakap at iyak si louie.
“oh! Anong nangyari sayo? Napa rito ka? Anong oras na ha! Hoy ano? Mag salita ka nga! Ano na rape ka ba? Ituro mo sakin gugulpihin ni mama!” gulat na gulat na pag-uusisa ni louie.
“gagu! Hindi ako narape!” sabay batok kay louie. At kinuwento ko nga ang lahat ng pangyayari kay ninang at louie habang ang dalawang bata ay tulog na ata sa taas.
“gagu talaga yang tatay mo! Kahit kelan hindi na nag bagu yan! Kaya hindi ko sinagot yang tatay mo nung nangliligaw sakin yan eh nung mga dalaga at binata pa kame ewan ko jan sa nanay mo palibahasa mahilig sa singit at gwapo kaya napasagot nanay mo!” kwento ni ninang.
“tsk!tsk! dito ka nalang matulog pwet kawawa ka naman dun sa inyo mag isa ka lang baka multuhin ka pa dun, habang wala ka pa kasama sa bahay nyo dito ka muna.” Pag yaya sakin ni louie.
“tama! Dito ka muna tutal malaki naman kama ni aweng dun ka nalang muna.” Pag sang ayon ni ninang.
“talaga? Ok lang? Salamat ha? Hindi ko talaga alam ang gagawin. Buti nalnag anjan kayo.” Nag simula na naman akong umiyak.
Umakyat na kame para matulog, pinahiram naman ako ni louie ng damit para pang palit. Naligo muna ako kasi nakasanayan ko ng maligo bago matulog. Ng matapos ako maligo nadatnan kong may nakalatag na banig sa sahig at unan at andun si louie nakahilata. Sinipa ko ng mahina para magising.
“hoy! Anong ginagawa mo jan ha?!” bulyaw ko sa kanya!
“hindi mo ba nakikita? Natutulog! Istorbo naman to oh natutulog na yung tao!” sabay kamot sa ulo at inis ang muka.
“tumayo ka nga jan! Ang laki laki ng kama mo jan ka mag tutulog! Kala mo naman rereypin kita ha? Kapal ng muka ha!” pag susungit ko.
“eh kasi naman nakakahiya sayo eh ang laki laki ng kama mo sa inyo baka kako hindi ka sanay matulog ng may kasama sa kama” pag papaliwanang nya.
“nako! Tumayo ka na jan! Ok lang sakin kahit sampu pa tayo dito sa kama sa probinsya nga apat kame sa kame eh! Tara tayo na jan!” pag aya ko sa kanya.
“hindi! Ok na ako dito promise!”
“ayaw mo ha!” tumabi ako sa tabi nya at tinandayan sya.
“ano bang!?” inis syang humarap patalikod sakin.
“sige na kasi tabihan mo na ako sa kama please!” with matching pacute epek pa.
“sige na nga! Tumaya ko na jan!” sabay pag hawi ng paa ko na naka tanday sa bewang nya.
“yun naman pala eh kailangn lang nilalambing ang bayag! Ahahaha!” sabay talon ko sa kama at tabi sa kanya.
“malikot ako matulog ha! Nangyayakap ako!” salita nya habang nakaharap sakin ng nakapikit.(pinatay ko na ang ilaw non bagu tumalon sa kama pero my konti ilaw na umaaninag sa loob ng kwarto galing sa bintana gawa ng sinag ng buwan)
“ok lang maingay naman ako pag tulog ewan ko lang kung magawa mo pang yumakap sakin!” bawi ko sa kanya.
Mga ilang oras na nakalipas hindi parin ako makatulog siguro namamahay at hindi parin maalis sa isip ko ang huling eksena namin ng stepmom ko ng bigla akong nagulat ng may yumakap sakin sa bandnag dibdib! Naalala ko my kasama pala ako sa kama ng nilingon ko ang lapit na pala ng muka ni louie sa muka ko muntik ko ng mahalikan ang ilong nya. Ewan ko bat hindi ko tinangal ang pagkalagay nya ng kamay nya sa dibdib ko nagugustuhan ko din ata. Ang bango nya naadik na na naman ako sa amoy nya medyo nag-iinit na ako at my di maiwasang mag-isip ng kabulastugan hehehe. Niyakap ko din sya. magkaharap na ang mga muka namin mag kadikit ang mga ilong ramdam ko ang bawat pag hininga nya at init nito di alintana na galing ito sa bibig nya. Dito ako bilib sa taong ito kahit sa pinala hagard at pinaka pawisan nyang katawan hindi mo sya maamuyan ng baho sa katawan. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko na lalong pag palapit saming dalawa hindi naman sya pumapalag sa ginagawa ko ewan ko bang kung gising sya at gusto nya ang ginagaw ako o talagang tulog mantika ang gago. HALOS MAGKALAPIT NA ANG MGA LABI NAMIN PARANG MAY MAG NAG UUGDYOK SAKIN NA HALIKAN ANG KANYANG MASARAP NA LABI HANGANG SA..
ITUTULOY!
next next next!!!!!!!!!
ReplyDeletesana may kasunod na agad!
Asan na yung part 5?
ReplyDelete