Followers

Tuesday, March 22, 2011

Unexpected Love Chapter 2

by: 3rd
email: rogerdugan_iii@yahoo.com
rogerdugan_iii@hotmail.com


_______________________________________________________________


Nagising ako dahil sa sikat ng araw ng tumatama sa aking mukha, masakit ang ulo at ang katawan. Pag bangon ko ay bigla umikot ang aking paningin at bumagsak ako sa sahig, mayamaya ay may narinig ako na mga yapak ng paa na papalapit saakin, inalalayan ako upang makatayo at maiupo sa kama...

Ako: Huh sinu ka asan ako???

Jom: Tol ok k lng? Ako to bakit ka kasi biglang tumayo?

Ako: Jom ikaw ba yan?

Jom: oo tol ako to.

Ako: asan ako? Anung oras na?

Jom: andito ka sa bahay di ka na antulog,alas 7 pa lang ng umaga tol, mejo di kasi tayo nag ka intindihan kagabi, teka anu ba naaalala mo?

Ako: ahhhmm, teka....

Pinilit kong alalahanin ang mga nagyari kagabi.. di ko napigilan ang galit ko at ang mga luha ko dahil sa biglang nag flashback ang lahat ng nagyari kagabi kung papanu nya pinag tapat sakin ang kanyang tunay na pagkatao at ang tunay niyang nararamdaman para sakin. Dahil sa nararamdaman bigla ko na lang siyang nabulyawan.

Ako: tol bakit naman ganun, mag kaibigan tayo tol wag mo naman akong talohin, mahal din naman kita tol pero hanggang mag kaibigan lang yun lang.

Jom: tol pasensyahan mo na ako tol, magala na kitang minahal ng ganito,(nag simulang tumulo ang luha niya hanbag sinasabi ang mga katagang ito) kinmkim ko lang nang mahabang panahon kasi ayokong mawala ang ating pag kakaibigan. Kaya tol please pag pasensyahan mo na ako, kahit anung pilit ko di ko kayang diktahan ang puso ko. Kahit si Joana kasama ko ikaw tinitibok ng puso ko.

Ako: tol bakit ngayon mo lang sinabi, di mo na dapat pinaabot sa ganito ang situation mo, di ako galit sayo pero sana maiintindihan mo rin ako, bibigyan kita ng time paramakpag isip ng mabuti. Simula ngayon sa skwelahan na lang kita papansinin. Tol sana maiintindihan mo na para sayo ang ginagawa kong ito, ayoko ring masira ang ating pag kakaibigan.

Jom: kung ganun bakit mo ako iiwasan tol, sinabi ko lang naman ang mga ito para kahit papano ay mabawasan na ang bigat ng nararamdaman ko, kung yun pala ang dahil kaya mo ako lalayuan sana pala kinimkim ko na lang ito, sana pala tiniis ko na lang. Sige tol kung yan ang gusto mo pag bibigyan kita pero sana walang mag bago sa atin yun lang ang hiling ko sa iyo.

Umalis ako ng may konting hinanakit kay Jom dahil sa kanyang ipinag tapat tungkol sa tunay niyang pag katao. Pinilit kong limutin ang mga naganap para na rin sa ikabubuti ng aming grupo pero tila yata di maiiwasan na may makapansin sa kakaibang kinikilos ni Jom nitong mga naka raang araw simula nang kami ay mag inuman, pati ang aking pinsan na si Joana ay napansin ang pagka balisa niya. Pati ako ay nalilito dahil sa simulat sapul nang kami ay nagkakilala ni Jom ngayon ko lamang siya nakitang balisa at laging wala sa sarili.

Lumipas pa ang mga oras na naging araw na naging linggo ngunit ganuon ang gawi ni Jom na tila ayaw nang mabuhay, ang dating masiyahin at puno ng buhay na Jom ay naging madamdamin, emosyonal at laging tulala na tila ang lalim lagi ng iniisip.

Nakonsiyensya ako sa mga nang yayari sa kanya dahil alam kong isa ako sa mga dahilan ng kanyang pagiging balisa, kaya napag desisyonan kong dalawin siya sa kanilang bahay.

Door bell.....

Oh Jam kumusta na ang tagal mo nang di nadadalaw dito ah? Si tita Anabeth Del Castillo ang momy ni Jam, maganda ito kahit na nasa edad 40+ na ay mistulang nasa 20+ pa lang ang itsura dahil sa alaga sa katawan at laging dumadalaw sa kanyang dermatologist.

Ako: Opo mejo Busy po kasi eh...

Tita: Sus bakit naman noon kahit gaano ka kabusy lagi ka namang nakakadalaw dito. Sige halika pasok ka andun siya sa kanyang kwarto. Alam mo ba kung anu nangyayari sa kanya kasi nitong mga nakaraang araw eh laging matamlay at balisa, di naman nag kukwento sakin kung anu problema niya.

Ako: ewan ko nga rin tita eh, napansin ko nga rin po siyang ganyan pero di ko muna inisip yon kasi mejo nga po busy sa skwelahan. (muntik na ako dun buti na lang nakapag isip ako ng lusot kay tita)

Tita: hala sige puntahan mo siya at kayo na lang ang mag usap.

Buti na nga lang at di likas na pala tanong si tita kaya madali akong naka lusot sa kanya, kasi naman alam kong ako ang isa sa mga dahilan or ako lang talaga ang dahilan kung bakit nagkakaganun si Jom.

Dali dali akong umakyat papunta sa kanyang kwarto.

Knock..knock..knock

Walang sumagot. Pinhit ko ang knob ng pinto bukas naman ito kaya pumasok na lang ako para tingnan kung anu ginagawa ni Jom. Madilim ang kwarto at parang walang tao sa sa loob. Binukasn ko ang ilaw, at pagbukas ko ay nakita ko si Jom na nakahiga sa kama tulog na tulog. Nilapitan ko na lang siya para gisingin.

Ako: Jom... psst hoy gising jan.

Jom: Anu ba pabayaan mo ako. Gusto ko mapag isa, umalis ka na di kita kailangan!!!

Ako: Hoy JEFFREY ORLENE MICHEAL DEL CASTILLO tumigil tigil ka sa kadramahan mo, at bakit ka ba nag kakaganyan? Akala mo ba di napapansin ng mga tao sa paligid mo yang mga pinag gagawa mo sa sarili mo? Pwes mali ka, lahat kami sa paligid mo ay pansin yang kadramahan ng buhay mo at wag mo akong bubulyawan na di mo ako kailangan dahil pag ako naiinis talagang iiwasan kita at kaya tumigil tigil ka diyan.

Jom: Anu ba problema mo, sabi mo di mo ako dadalawin dito dahil bibigyan mo ako ng lugar para sa sairli ko.

Ang naiinis na tugon ni Jom, ayaw na ayaw niya kasing tinatawag ko siya sa kanyang buong pangalan dahil ang wari niya ay lagi siyang tinatawag ng matandang dalagang instructor namin na napapansin naming parang type siya, kaya sa tuwing naririnig niya ang kanyang buong pangalan ay kinikilabutan daw siya sa imahe na pumapasok sa isip niya.

Ako: Tatayo ka naman pala ang dami mo pang arte jan, at isa pa po “JOM” pumunta po ako dito para sabihin sayo na nag aalala na sayo si momy mo at si Joana dahil sa pagka balisa mo nitong mga nakaraang araw. So ngayon sabihin mo sakin ng harapan, Jom anu ba talaga ang problema mo? Tingnan mo ako sa mata at sabihin mo ang totoo.

Tiningnan nga niya ako ng diretso sa mata ako at walang patumpik-tumpik na sinabi ang mga katangang.

Jom: Mahal kita Jam higit pa sa kaibigan at kapatid, kahit ako ay nalilito kasi alam ko sa sarili ko na straight ako pero di ko kayang diktahan ang puso ko na huwag kang mahalin, at kaya ako nagkakaganito dahil namimiss ko na ang aking bestfriend ko. Napansin ko kasi mula nang ipinag tapat ko sayo ang nararamdaman ko eh talagang iniwasan mo na ang pag punta mo dito. Ngayon ikaw naman bakit mo ba talaga iniwasan ang pag punta mo dito?

Ako: Diba ang sabi ko sayo iiwasan ko nga muna ang pag punta dito sa inyo para bigyan ka ng oras para makapag isip ng mabuti. At isapa ginawa ko yun dahil naisip ko na kaya siguro nagkaganun ang iyong nararamdaman mo sakin dahil lagi ako nandito sa bahay ninyo kaya nasanay ka na lagi mo ako nakikita, kaya yun nasip ko na baka nga nalilito ka lang sa nararamdaman mo at kailangan ko lang bawasan ang oras ko dito, experiment kung baga para malaman ko kung talgang totoo ang nararamdanam mo para saakin.

Jom: Ganun..so ginawa mo pa akong guinea pig? Huwag kang papahuli sakin kundi itatali kita at ikaw naman gagawin kong guinea pig...

Natutuwa naman ako na bumalik na ang sigla ng bestfriend ko pero sangayon di muna ako papahuli sa kanya dahil kilalang kilala ko na si Jom at alam kong pag sinabi niya gagawin niya kahit mag mukha siyang tanga or kahit wala itong katuturan..

Ako: Jom wag kang ganyan, gusto ko pa gumala at mag saya ayokong makulong.. teka Jom! Wag Jom!

Nahabulan kami ni Jom sa loob ng kanyang kwarto, kahit masikip ang lugar para mag habulan ay nagagawa namin yun at kadalana ay di niya ako nahuhuli, pero sa pag kakataong ito ay nahuli niya ako at nacorner sa isang kanto ng pader.

Ako: Jom wag kang ganyan pakawalan mo ako.

Jom: Sige pakakawalan kita, pero kiss muna

Ako: Wehh, panu kung ayoko. Anu gagawin mo? Saka tol di tayo hmmmppp...

Bigla nalang niya akong hilakan sa labi. Na siyang naging dahilan ng pagkakaputol ng aking sinasabi sa kanya. Isang mapusok na halik ang kanyang ibigay saakin.

Jom: Ang dami mo pang sat-sat yun lang naman ang hinihingi ko kung di ka sana nag salita pa ok na sana ako sa kiss sa cheeks or smak kaso ang dal-dal mo kaya sapul tuloy ang target.

Ako: ......

Di ako makapag salita dahil sa kanyang ginawa, kahit kasi pang 2 ako sa kanya as campus crush talang virgin pa ang buong katawan ko as in “Never been touched, Never been kissed”. Wala parin ako sa sarili ng biglang lumabas ng kanyang kwarto at dali-daling bumama. Nakasalubong ko si tita sa paanan ng hagdan pero parang walang akong nakita at dirediretso parin ako sa pag labas ng kanilang bahay.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails