Followers

Monday, January 31, 2011

SUAACK's "Kuya Erwin" & "Zach"

"Si Utol At Ang Chatmate Ko" In Happier Times...

My Kuya "Erwin" and My Chatmate "Zach"
Nakasandal pa si kuya sa dibdib ni Zach! Ouch!
















Wrestling! Ang saya-saya!











Friday, January 28, 2011

Si Utol At Ang Chatmate Ko [25]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
MSOB extension (hidden scenes): http://torridparts.blogspot.com

-------------------------------------------------

Kuya Erwin

Wala na akong choice kundi ang sumunod kay kuya sa kuwarto. Bagamat may pangako akong ilayo na ang sarili sa kanya, kinalimutan ko muna ito gawa nang kailangan kong malaman kung sino ba talaga ang babae at mag-asawang iyon.

Inilock kaagad ni kuya ang pinto pagkapasok na pagkapasok namin sa kuwarto. Nagulat naman ako noong bigla niya akong kinarga sa kanyang mga bisig at iniikot-ikot. “K-kuyaaaaa! Ano baaa! Ibaba mo ako!!!” ang sigaw ko habang tuwang-tuwa naman siyang painaglalaruan akong parang isang bata. Marahil ay iyon ang paraan niya upang ma-distract ako sa aking itinatanong.

Matagal-tagal din niya akong pinaikot-ikot at naramdaman ko ang pagkahilo.

Maya-maya, ibinagsak niya ang katawan ko sa ibabaw ng kama. “Arrggghh! Sigaw ko.

Pinilit kong tumayo upang makaganti ngunit noong nakatayo na ako at susugurin ko na sana siya, umikot naman ang paligid ko. Bagsak uli ako sa kama.

Agad siyang sumampa sa tabi ko. Niyakap niya ako, hinalik-halikan ang aking pisngi. “Mawawala din iyan.” Sabay lapat ng mga labi niya sa parte ng dibdib ko kung saan naghilom na ang sugat gawa ng pagkagat niya. Hinawi niya ang aking t-shirt at dinilaan ang parteng iyon ng aking dibdib at pagkatapos ay, “Kagatin ko uli tol... naghilom na pala an gsugat eh...”

“Ayoko kuya ansakit kaya... Sino ba iyong mag-asawa na niyon?” Ang paggiit ko uli sa tanong.

Bigla din siyang tumayo. “O sige, magsasayaw na lang ako.” At tinumbok niya ang stereo at pinatugtog ang isang mellow na music.


Nagsasayaw siya, kagaya noong palagi kong nakikitang ginagawa niya kapag sinisilipan ko siya. Tinanggal niya ang kanyang t-shirt at pagkatapos habang kumikembot, hinahaplos-haplos ang dibdib pababa sa umbok ng kanyang pagkalalaki habang ang isang daliri ay sinisipsip-sipsip, ang mga mata at nanaunuksong nakatingin sa akin.

Tawa ako nang tawa sa kanyang ginawa.

Maya-maya, tinanggal na niya ang kanyang t-shirt at inihagis ito sa sahig. Ibinaba din niya ang zipper ng kanyang pantalon, at hinayaang malantad ang kanyang puting brief na may malaking bukol. “Nakakalibog talaga si kuya!” sigaw ng utak ko habang pinagmasdan ang hunk niyang katawan, dagdag pa sa pagti-tease niyang hayun, naka-usli ng bahagya ang kanyang bukol sa ilalim ng brief.

Tawa pa rin ako ng tawa. Sobrang aliw ako sa ginawa niyang iyon na tuluyan ko nang nalimutan ang tanong ko.

Maya-maya, tuluyan na ring hinubad ni kuya ang kanyang pantalon. At noong brief na lang ang natirang saplot sa kanyang katawan, hinila niya ako at isinabay sa kanyang pagsasayaw. Sumang-ayon ako. Niyakap niya ako, at ang kanyang ulo ay idinikit sa aking ulo, ang kanyang at bibig ilong ay sadyang ikiniskis sa aking noo, ilong, mukha... Sobrang sweet ni kuya sa pagkakataong iyon. Sabagay, ganyan naman talaga siya, lalo na kung may mga bagay na ayaw niyang magalit ako, o may pabor siyang hihilingin sa akin.

Halos maglapat na ang aming mga labi noong muling sumingit sa isip ko ang pangakong ilayo na ang sarili ko sa kanya. At muli ko na namang nalala ang babae...

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin t anupo sa gilid ng kama. “Sino iyon kuya?” tukoy ko sa babae.

“Wala nga iyon, ang kulit naman eh. Kiss na lang si kuya, dali...” ang tangka niya muling pagdivert sa topic.

Ngunit seryoso ako sa aking tanong. “Ayoko! Sino nga iyon kuya... Sabihin mo.”

Napahinto kami sa pagsayaw at naging seryoso din ang kanyang mukha. “Gusto mo talagang malaman kung sino iyon?”

“Oo nga eh... sino iyon?”

“Nakita mo ba ang expression ng mukha niya?”

“Opo...”

“Ano excited ba o galit?”

“Hindi ko alam! Parang galit eh... parang excited din.”

“Tama ka... galit iyon at excited din. Pero hindi ikaw ang pakay noon kundi ako!”

“Hah!” ang gulat kong sagot. “Bakit sa akin siya nakatingin?”

“Hindi sa iyo nakatingin iyon, tado. Sa akin! At kaya nagmamadaling makapasok na tayo sa kuwarto ay dahil ako ang hinahanap ng mga iyon.”

“G-ganoon ba?” Ang nasambit ko bagamat nalilito pa talaga ako. “B-bakit ka naman nila hahanapin?”

“Girlfriend ko ang anak nila at patay na patay sa akin. Natandaan may ilang buwan ang nakaraan na naka-ilang beses din akong nagpalit ng sim? Dahil kinukulit ako noong babaeng iyon. At tinakot ako na kapag hindi ko siya pansinin, isusumbong daw niya ako sa mga magulang niya dahil... buntis daw siya, at ipakulong niya ako! At kaya ayokong sabihin ito sa iyo dahil ayaw kong magwala ka na naman.”

Natulala ngunit ewan, may pag-aalangan talaga sa aking isip kung paniwalaan ko ba ang kanyang sinabi o hindi. Sinimangutan ko na lang siya.

“O... bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba naniniwala?”

“P-parang ako naman talaga ang tinitingnan noong babae eh!” ang pag protesta ko pa.

“Sino ba ang habulin sa ating dalawa? Ikaw ba o ako?” ang pilosopo naman niyang tanong.

Na lalo ko namang ikinaiinis. Syempre, siya. Matangkad, guwapo, charming, yummy, magaling maglaro ng basketball, hunk, maraming humahanga, crush ng sambayanan, kilabot ng mga estudyante at guro, epal, palakaibigan, jolly, masarap kasama, masarap kausap, kaka-in love ang ngiti, at sa tingin pa lang niya sa iyo ay parang masisiraan ka na ng bait... “Yabang mo naman!” ang pagmamaktol ko.

“Bakit? Totoo naman ah!”

“Totoo nga. Pero bakit ikaw, habol ka ng habol sa akin!” ang padabog kong sagot sabay tumbok sa pintuan ng kwarto niya at palagapak kong isinara na sa lakas ay halos matanggal ito.

Pakiwariko ay biglang natameme si kuya at nabusalan ang bibig, hindi na nakapagsalita.

Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa nakalabas ako ng kuwarto ni kuya.

Sinubukan kong silipin ang sala kung nandoon pa ba ang mag-asawa. Ngunit nakaalis na sila. Dumeretso ako sa aking kuwarto, ini-lock ang pinto ito at doon nagmukmok.

Sumunod si kuya sa akin. Kinatok niya nang kinatok ang aking kuwarto ngunit hindi ko na siya binuksan. Bumalik siya sa kanyang kuwarto at pinukpok ang nakapagitang dingding sa kuwarto namin, sa may maliit na silipang butas na ginawa ko, isinigaw ang pangalan ko, nag-sorry, at nagmamakaawang papasukin ko siya sa kuwarto ko.

Ngunit hindi ko siya pinansin. Tinext ako, tinawagan. Wala, dedma lang ako. Hanggang sa napagod na rin siya, natulog.

Kinabukasan, tinanong ko kaagad ang mama ko kung sino ang mag-asawang bumisita sa amin sa nakaraang araw.

“W-wala iyon. Kaibigan ko iyong babae, nakapag-asawa na ng isang mayamang Amerikanong negosyante at hindi ko akalaing ganoon na siya kayaman ngayon! Nagbakasyon lang sila dito...”

“Ah... g-ganoon po ba? B-bakit po niya ako tinuturo kahapon? At para pong kilala niya ako?”

“Ah...” ang lumabas na kataga sa bibig ni mama, mistulang nag-iisip kung ano ang isusunod na sagot. “E... ano... N-nagulat lang iyon noong makitang malalaki na kayo ng kuya mo! Maliliit pa kasi kayo noong makita niya, hindi makapaniwalang ganyan na kayo kalaki at kaga-guwapo! Oo, nagulat lang iyon noong makita kayong dalawa na malalaki na kayo...”

“G-ganoon ba ma?” ang sagot ko na lang. “Para kasing kilala niya ako e...” dugtong ko pa.

“Oo naman. Kilala niya kayo dahil kaibigan ko iyon at nakita niya na kayo noong bata pa kayo ng kuya mo.”

Napanatag naman ang aking isip sa paliwanag ni mama bagamat may kaunting agam-agam pa rin ako.

Sa sumunod na mga araw ay pinilit ko na talaga ang sariling panindigan ang pagdistansya kay kuya. Palagi din kasing sumingit sa isip ko si Zach. Naawa ako sa kalagayan niya sa ospital, naaawa din ako kay kuya. At ang pagkakaalam ko pa sa kalagayan ni Zach ay walang improvement ito dahil sa may sinasabing mga complications na hindi ko na rin inalam kung ano.

Kaya hindi na ako sumasabay pa kay kuya sa kahit saang lakad. Kahit sa school, hindi na rin ako sumasabay. Kapag kainan, nagpapahuli ako. Hindi na rin ako pumapasok sa kwarto niya at hindi ko na rin siya binubuksan kapag kumakatok sa kwarto ko.

Ewan kung ano ang naramdaman niya sa bigla kong pagbabago. Masakit din iyon para sa akin ngunit kailangan kong gawin upang mabigyang laya sila ni Zach. Sila naman talaga ang bagay at nararapat. Hindi sila magkapatid, bagay na bagay sila sa isa’t-isa dahil pareho silang mapuputi, matatangkad, hunk, mahal na mahal siya ni Zach, mayaman pa...

Syempre, takang-taka si kuya sa inasal ko. Natuliro din siguro. Ilang beses nang sadyang uuwi akong mag-isa galing sa eskuwelahan na pinapasuklan namin at iiwanan ko na lang siya basta. Kapag nahuli naman ako, kahit alam kong hinihinty niya ako sa student center, dederetso na ako niyan sa bahay ng walang pasabi.

At kapag tinanong niya ako kung bakit hindi ako sumasabay sa kanya, nag-aalibi na lang ako na maagang natapos ang klase ko, o kaya ay gusto kong umuwi ng maaga gawa ng sakit sa ulo, sakit sa tiyan, sakit ng lalamunan, sakit ng binti... basta kahit anong sakit o alibi na lang ang ginagawa ko. Alam ko, naiinis siya sa akin. Pero, iyan naman din ang gusto ko, ang mainis siya, ang i-give up niya ako at layuan... Lalo kasing masakit na heto, gusto mong lumayo ngunit nand’yan siya, ayaw pa ring bumitiw. Parang hindi ko kayang labanan ang sarili. Para akong tino-torture, tinatadtad ang puso, kinokonsyensya.

At least kung galit na siya sa akin, at lalo na kapag sabihin niyang nagsasawa na siya, o kaya ay hindi na niya kaya ang ugali ko, give up na rin siya sa aming relasyon, hindi na siguro masyadong masakit ang tumiwalag sa aming relasyon...

“Mag-usap nga tayo?!” Ang sambit ni kuya noong marahil ay hindi na niya nakayanan ang aking ipinakitang pagbabago. Matigas ang boses niya, halatang galit. Nasa sala ako noon nanood ng tv samantalang siya ay kararating lang galing sa eskuwelahan.

Ngunit imbes na sagutin siya, agad akong nagmadaling umakyat papuntang second floor kung saan naroon ang kuwarto ko.

Ngunit nahawakan niya ako sa braso. “Saan ka pupunta?” tanong niya.

“S-sa kuwarto ko.”

“O sige, tara sa kuwarto mo! Mag-usap tayo doon. Hindi pupuwedeng ganito na lang palagi...”

Dahil naisip kong kapag nasa kuwarto kami ay baka bibigay na naman ako o kaya ay tutuksuhin niya at may mangyari na naman sa amin, ang isinagot ko sa kanya ay, “D-dito na lang.” sabay balik sa pag-upo sofang inuupuan ko.

Ngunit hinablot niya ang aking buhok at hinila upang makatayo ako. Noong makatayo na, hinatak naman niya ang aking kamay habang tinumbok niya ang hagdanan patungo sa second floor.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Ewan. Marahil ay napagod din ang isip ko sa pakikipagtuos sa naramdaman ng aking puso. Kaya nagpaubaya ako.

Nasa second floor na kami noong hila-hila pa rin ang aking kamay. Lalo akong kinabahan noong lumampas kami sa pintuan ng kuwarto ko at doon niya kao dinala sa harapan ng pintuan ng kanyang kuwarto. “Buksan mo!” utos niya.

Pagkapasok na pagkapasok namin, agad niya itong ni-lock at saka bigla akong niyakap at hinalikan sa bibig.

Nngunit nagpumiglas ako. Itinulak ko siya ng malakas at napatihaya siya sa sahig.

Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat. Nanatili siyang nakaupo, ang dalawang kamay ay itinukod sa sahig. “Ganyan ka na...” ang sambit niya.

Tatalikod na sana ako upang buksan ang naka-lock na pinto at aalis na. Ngunit mabilis siyang nakatayo at hinablot muli ang buhok ko, hinila ako patungo sa kama at itinulak sa ibabaw noon. Napatihaya ako.

“Palabasin mo ako!” Sigaw ko. “Pag hindi mo ako pinalabas, sisigaw ako!” dugtong ko.

Ngunit bigla niya akong dinaganan. “Ano ba ang problema mo? Ha? Bakit ba nagkaganyan ka? Ayaw mo na ba sa akin? May iba ka na ba? May nagawa ba akong masama?” ang sunod-sunod niyang tanong, halata sa kanyang mga mata ang galit.

“Ayaw ko na kuya! Ayoko na!” Bulyaw ko naman.

Ramdam ko ang lalong pagtindi ng kanyang galit. “Ayaw mo na?! Ganyan lang kadali ang lahat?! Akala mo ba ay naglalaro lang tayo? Ha???!” Pwes, hindi ako papayag!! Hindi ako papayaaaagggg!” sabay ng puwersahan pagdiin ng kanyang bibig sa mga labi ko.

“Uhhhmmppp!!!” ang nasambit ko, hindi na nagawang sumagot pa sa kanyang sinabi gawa ng kanyang pamumuwersang paghalik.

Nagpupumiglas ako. Subalit pati ang mga kamay ko ay dinaganan din ng kanyang mga kamay at paa. Napakalakas niya. Hindi ako makakilos.

Noong tinanggal na niya ang kanyang bibig, nagsalita siya, dinig ko pa ang habol-habol niyang paghinga, “Akala mo ganyan lang kadali para sa akin ang lahat? Hindi ako papayag tol. Ayoko! Ayokooo!”

Napatitig na lang ako sa kanyang mukha na mistulang nagmamakaawa. Mistula akong nabusalan. At halos hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking luha sa naghalong hindi ko maipaliwanag na sumusundot-sundot na kung anong emosyon sa aking kalooban. May awa akong naramdaman para kay kuya. May awa rin akong naramdman para sa sarili. May saya akong naramdamang paulit-ulit niyang ipinadama sa akin ang kanyang pagmamahal. Ngunit may sakit din itong dulot dala ng katotohanang hindi kami nababagay para sa isa’t-isa.

Tila may naghilahan sa aking isip. May parteng nagsasabing pakawalan ko na siya, layuan, limutin bagamat may isang parte din ng aking utak na nagsabing kaawaan ko siya at panindigan ang aming pagmamahalan. Ewan, hindi ko na alam ang gagawin. Parang habang pinipilit ko ang sariling i give-up ko na siya, lalo namang tumindi ang pagmamahal ko kay kuya.

“Mahal kita tol... palagi mong tandaan iyan. Walang sino mang makakahdlang sa nararamdaman ko para sa iyo. Ipaglaban kita kahit ano man ang mangyari.... Kahit saang panig ka man ng mundo mapunta, hahanapin at hahanapin pa rin kita. Kung kailangang suyurin ko ang malawat na dagat o lakarin ang mainit na disyerto, hahanapin pa rin kita. Haharapin ko ang ang lahat ng balakid, titiisin ang lahat ng sakit at hirap, hindi ako titigil sa paghahanap sa iyo. Walang silbe ang buhay kapag wala ka. Alam ko, ikaw ay ibinigay sa akin ng tadhana. At ako ay nabubuhay para lamang sa iyo...” at inilapat niyang muli ang kanyang bibig sa aking bibig.

Dama ko ang init ng kanyang pagnanasa. At wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya habang walang tigil ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

Hanggang sa iginapang niya ang kangyang mga labi sa aking buong katawan at ang tanging ingay na naririnig sa buong kuwarto ay ang aming mga ungol. At tuluyan nang nalupig ang aking pag-aagam-agam at ang aking isip ay naalipin sa init ng kanyang pagmamahal...

Noong maipalabas na naming pareho ang bugso ng aming damdamin, halos tulala pa rin ako. Bumabalik muli ang aking takot, ang aking pagaagam-agam.

“Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano tol... Tandaan mo palagi na nand’yan lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwanan. Ipaglalaban kita tol. Kaya kung ano mang problema ang bumabagabag d’yan sa isip mo, pilitin mong kalimutan iyan. Ipangako natin sa isa’t-isa na kapag may problemang haharang sa ating pagmamahalan, sabay nating haharapin ang mga iyan, sabay nating labanan, ano mang dagok o pagsubok. Mahirap kapag ako lang ang nakikipaglaban tol. Mahirap kapag nag-iisa lang akong humarap sa mga balakid na susuungin natin. Ipaglaban mo rin ako. Ipakita mo sa akin na mahal mo ako, na nand’yan ka rin para sa akin; sa pagmamahalan natin. Huwag mong ipadama sa akin na nawalan ka na ng lakas, na nawalan ka na ng pag-asa. Nasasaktan ako... At lalo nang huwag mo akong ipamigay sa iba. Hindi isang bagay ang pag-ibig na puwede mong sabihing sa iba na lang ako, o na nababagay ako sa iba. Hindi sukatan ang pisikal o panlabas na anyo upang masabi mong bagay o hindi bagay sa isa’t-isa ang dalawang taong nagmamahalan. May sariling lingguwahe ang puso na tanging kapwa puso lamang ang nakakaunawa. Wala itong batas na sinusunod, walang sukatan, walang kinikilalang katuwiran. Hindi mo puwedeng itanong kung bakit, kung kailan, kung paano, kung dapat kanino dahil kapag tunay kang nagmahal, ang mga ito ay walang kasagutan at katuturan. Kapag tumibok ang puso, lahat ay tama; kung nagiging mali man ang isang pag-iibigan sa mata ng tao, ito ay dahil hindi nila lubos na nauunawaan ang lingguwahe ng tibok ng puso...” Paliwanag ni kuya habang iginuri-guri niya ang kanyang daliri sa aking baba, ang kanyang hubad na katawang nakatagilid paharap sa akin ay nakadikit sa aking tagilirian at ang isang paa ay nakapatong sa aking hubad ding katawan.

At sa narinig kong iyon, pakiramdam ko ay natunaw ang lahat ng mga pag-aagam-agam ko. Pakiwari ko ay naging malakas uli ang loob ko, may kapangyarihan kung saan ay kaya kong talunin o buwagin ang lahat ng mga balakid. Napalitan ng saya ang dati lungkot na bumalot sa aking isip. Parang muli akong nabuhay, sumigla, at napuno ng pag-asa.

“Mahal na mahal din kita kuya...” ang nasambit ko na lang, ang mga luha ay muling dumaloy sa aking mga mata.

Binitiwan ni kuya ang isang nakakabighaning ngiti, pinahid ng kanyang palad ang mga luha sa aking pisngi atsaka hinalikan ang aking huhok. Maipangako mo ba sa akin na alisin mo na ang lahat ng mga pag-aagam-agam d’yan sa iyong isip?”

“Pangako po kuya...”

“Maipangako mo ba sa akin na mamahalin mo ako habambuhay at ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa akin?”

“Pangako po kuya...”

“Maipangako mo ba sa akin na wala ka ng ibang mamahalin kundi ako lang?”

“Pangako po kuya...”

Tumayo si kuya at hinila ang aking kamay upang alalayang makatayo din ako. Parehong hubo’t-hubad, wala kaming pakialam sa aming paligid.

Tinumbok namin ang kanyang locker at binuksan ang drawer. Hinugot dito ang isang box na noong binuksan, tumambad sa aking mga mata ang dalawang singsing na silver. Kinuha niya ang isa at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.

Lumuhod siya sa aking harapan sabay sabing, “Will you marry me?”

Ngunit hindi ko siya magawang sagutin sa sobrang pagkabigla. Hindi ko kasi inaasahan na iyon ang gagawin niya at parang gusto kong tumawa. Ano ba ang isasagot ko gayong hindi naman kami puwedng magpakasal? Kaya bagamat kinikilig, hindi ko napigilan ang sasriling hindi matawa.

“Tangina! Huwag ka ngang tumawa d’yan! Seryoso ako!” bulyaw niya.

“Paano ba tayo magpakasal? Hindi naman puwede iyan dito?” sagot ko naman.

“Hindi puwede sa kanila. Pero dito sa loob ng kuwarto ko, pwede. Ako ang batas dito at ang sabi ng batas ko, puwede akong magpakasal kahit kanino basta mahal ko!”

Bigla naman akong natahimik. Syempre, naramdaman kong seryoso talaga siya.

“O, anong sagot? Daliii!”

E, di “Yes...” ang may pag-aalangan kong sabi.

“Yeheeeyyyy!!!” sigaw niya. At kaagad kinarga niya ako sa kanyang mga bisig at hinahalik-halikan. Kitang-kita ko ang matinding saya sa kanyang mga mata.

Noong ibinaba na niya ako, hinugot naman niya sa ilalim ng box na pinaglagyan ng dalawang singsing ang isang papel at idinikit niya ito sa gitna mismo ng malaking salamin.

“A-anong gagawin mo d’yan kuya?” ang tanong ko.

“Basta sundin mo lang ang lahat na sasabihin ko.”

Tumahimik na lang ako.

Kinuha niya ang isang kandila, sinindihan, at itinirik sa ibabaw ng mesa sa harap din namin.

Pagkatapos niyang gawin ang mga ito, hinawakan niya ang kamay ko. “Harap tayo sa salamin tol.” Utos niya.

Magkatabi kaming humarap sa salamin kung saan nandoon nakadikit ang papel. Halos bibigay na naman ako sa pagtatawa noong makita ko sa salamin ang postura naming dalawa na parehong hubo’t-hubad, nakalaylay pa ang aming mga pagkalalaki, ang kanya ay bagamat hindi tumigas ay malaki at mahaba pa rin.

Itinakip ko ang aking kamay sa akign bibig noong hindi ko mapigilang matawa.

Na ikinagalit naman niya. “Huwag ka ngang tumawa d’yan!” bulyaw niya uli.

Tinanggal ko na lang ang aking kamay sa pagkatakip sa aking bibig at pinilit ang sariling huwag tumawa.

Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa kukute ng kuya ko.

Nasa bingit na nanam sana ako sa pagpigil sa pagtawa noong Kinuha niya ang remote ng stereo at pinatugtog ito –

Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot na yumayakap
Sa tuwing ako’y nalulungkot
Kaya’t wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang maawala

[chorus]

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Di ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw
Di baleng maghapon umulan
Basta’t ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na pag nasisinagan ang iyong mukha
Hinding-hindi magsaawa
Ayoko ng magsawa
Bahala na, ayoko muna magsalita
Hayaan na muna natin ang hatol ng tadhana

Mistula akong nabuhusan ng malamig na tubig. Sobrang touched talaga ako sa mga ginagawa ni kuya at ang mga kataga ng kanta ay parang mga sibat na isa-isng tumama sa aking puso.

Itinutok ko ang pansin sa nakasulat sa papel na idinikit ni kuya sa salamin. At lalo pa akong namangha sa pagkabasa ko nito. Parang gusto kong umiyak na naman.

Hinawakan ni kuya ang aking kanang kamay at itinutok sa aking hinlalaki ang singsing. Bagamat sa pang-apat na daliri dapat isinukbit ito, sinadya ni kuyang sa mga hinlalaki namin ito isusuot.

Habang isinusukbit ni kuya ang singsing sa aking hinlalaki, binasa naman niya ang nakasulat sa papel na nakadikit sa salamin, “I, ERWIN, take you, ENZO, to be my partner. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life. I, ERWIN take you, ENZO, for my lawful partner, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, until death do us part..”

Habang lumabas sa bibig ni kuya ang mga katagang iyon, hindi ko na napigilan pa ang pagpatak muli ng aking luha. Hindi ko lubusang maisalarawan ang matinding kasayahang naramdaman.

Pagkatapos, kinuha naman niya ang isang singsing at ibinigay iyon sa akin. Pinahid ko ang mga luha ko atsaka inabot ko rin ang kanang kamay ni kuya at habang isinukbit ang singsing sa kanyang hinlalaki, binasa ko din ang nakasulat sa papel na nakadikit sa salamin, “I, ENZO take you, ERWIN, to be my partner. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life. I, ENZO, take you, ERWIN, for my lawful prtner, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, until death do us part..”

At noong maisukbit ko na ang singsing sa kanyang daliri, nagsalita si kuya habang nakaharap sa salamin, sa aming dalawa. “I now pronounce you, husband and man...” At siniil na niya ng halik ang mga labi ko.

“I love you tol...” ang sabi niya hawak-hawak ang aking pisngi.

“I love you too kuya...” ang nasambit ko sa gitna ng pagpatak ng aking mga luha. “Pinaiyak mo na naman ako e...”

“Masaya ka ba?” tanong niya habang pinapahid ng kanyang kamay ang luha sa aking pisngi.

“Opo...”

Niyakap niya ako. Nagyakapn kami. Mahigpit na parang wala nang bukas pa sa main gbuhay.

Pagkatapos, tinanggal niya ang papel sa salamin. Kumuha ng ballpen, pinirmahan ang pinakadulo ng papel, at nilagyan ng petsa. Ganoon din ang ginawa ko.

Kinarga niya ako sa kanyang mga bisig. “Mag-asawa na tayo tol... aking-akin ka na!” sambit niya habang inilatag ako sa kama at pinahiga. “Mamaya tol, magpaalam tayo na pupuntang Isla Verde. Isang gabi at isang araw tayo doon, honemoon. Wala namang pasok bukas at sa isang araw e.”

“T-talaga kuya?” Ang sagot ko, excited na excited at walang mapagsidlan ang kaligayahan.

Hindi pa kasi ako nakapunta sa islang iyon. Iyon ang isa sa apat na maliliit na magkatabing isla na malapit sa lugar namin at may 3 oras ang biyahe sa pumpboat. Hindi masyadong dinadayo ang islang iyon ng mga tao dahil bagamat maganda ang beach, walang itinayo na hotel o resort, wala pang maiinum na tubig, walang nagbebenta ng pagkain. Sanctuary kasi ang isla na iyon; inaalagaan at pinoprotektahan ng lokal na pamahalaan laban sa mga poachers, magnanakaw ng corals at lamang dagat, mga negosyanteng nais angkinin ang isla para sa pansariling interes. At bagamat pinapayagan naman ang mga bumibisita, bawal ang magkalat, bawal ang mag-iwan ng basura, at bagamat puwedeng mamingwit, bawal ang net at pana sa panghuli ng isda at mga lamang-dagat. Bawal din ang mangharvest ng mga giant clams na sadyang pinoprotektahan na siyang pinakamagandang atraksyon sa isla. Maraming bawal kumbaga. Kaya ang nagpupunta lang doon ay mga nature-trippers, mga taong ang nais ay adventure, nagdadala ng mga sariling tents, baon na pagkain at tubig, etc.

Alam ko ang gustong mangyari ni kuya para sa amin: privacy kung saan puwede naming gawin ang kahit ano na walang mga matang nagmamasid at nanghuhusga. Gusto din niyang mag nature-trip kami, mamingwit, maligo... isang ambiance na may dagat, may malalaking puno, presko ang hangin at tubig, at higit sa lahat, sarili namin ang isa’t-isa at ang mundo...

Nagpaalam kami kay mama at papa na mag-adventure kami sa isla. At pinayagan naman kami.

Mag-aalas 10 na ng umaga noong marating na namin ang mismong isla. Inihatid kami ng isang pumpboat service na inarkila naming maghatid sa amin at sumundo din sa amin kinabukasan.

Walang katao-tao sa dalampasigan noong dumating kami. “Bukas na po namin kayo sunduin Sir sa hapon?” ang tanong ng isa sa dalawang taga pumpboat na naghatid sa amin.

“Opo!” ang sagot naman ni kuya.

Kapag may problema po kayo, may dalawang naka-assign na coastguard na nagbabantay d’yan sa loob ng isla. Puwede kayong maghinig ng tulong kung ano man ang kailangan ninyo.” Dugtong ng naghatid sa amin.

“Ok po! Salamat!” ang sagot uli ni kuya.

Maganda ang isla. Puting buhangin ito na may habang halos kalahating kilometro na parang new moon ang pormang nakapaikot sa isla. Mula sa dagat at may halos 50 metro din ang saklaw nito bago marating ang mga malalaking puno ng talisay na mistulang bantay ng isla. Malamig ang simoy ng hangin. At bagamat malapit na ang tanghali, ang lilim ng mga puno ang panangga namin sa init ng sikat ng araw.

Inilatag kaagad ni kuya ang tent namin at inayos ang mga gamit samantalang ako ay nagtatakbo sa dalamapasigan. Napakaganda ng lugar na iyon. Malinaw namalinaw ang tubig at napakaaliwalas ng dagat. Parang isang paraiso ito. At para kaming si Adan at Eba, sarili namin ang paraisong iyon at sarili namin ang isa’t-isa. “Ang ganda kuya!” Sigaw ko.

Noong bumalik na ako sa tent, nakahanda na ang pagkain namin. Gumawa pala ng apoy si kuya at ininit ang mga pagkaing pinapabaon sa amin ni mama kagaya ng adobong manog, inihaw na baboy, at may sabaw din at kare-kare. “Kain muna tayo tol!” sambit ni kuya.

Kumain kami. Kamayan, nakaupo sa buhangin sa lilim ng malaking puno ng talisay. Naka-jersey shorts lang si kuya, walang damit pang-itaas. Habang sumusubo ako ng pagkain, hindi ko naman maiwasang itutok ang tingin sa kanya.

Napabuntong-hininga ako, sumagi sa isip na sana ay hindi siya magbabago, na sana ay hindi na matatapos ang saya na nadarama ko sa tagpong iyon.

“Nahinto naman si kuya sa pagsubo ng pagkain noong mapansing nakatitig ako sa kanya. “Nag-iisip ka na naman...” sabi niya.

Lumipat ako ng upuan, tumabi sa kanya. “Ang saya-saya ko kasi kuya... Sana ay hindi na matatapos ang kasayahang nadarama ko.”

“Ako rin tol... masayang-masaya akong kapiling ka at nakikita kang masaya. Sana ay hindi na matatapos ang kasayahang ito...” sabay akbay sa akin at halik sa aking pisngi.

Isinandal ko naman ang ulo ko sa kanyang balikat. Inakbayan niya ako.

“Kain muna tayo” sambit niya.

Sinubuan niya ako at sinubuan ko rin siya.

”Pagkatapos nating kumain, pahinga muna tayo, mga dalawnag oras. Gusto ko maka-score ng apat na beses sa dalawang oras na iyan” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.

Napangiti naman ako. “Kaya mo naman?” ang biro ko. Feeling ko talaga ay totong mag-asawa kami. Ansarap pala ng pakiramdam kapag may asawa ka at mahal na mahal ninyo ang isa’t-isa.

“Pagkatapos, iikutin natin ang buong isla. Kain uli tayo at kapag mga alas 4 na ng hapon, mamingwit tayo para iulam natin sa hapunan, inihaw na isda. O kung gusto mo, kilawin...”

“Sige kuya! Masarap iyong inihaw na isda na preskong-presko pa! Atsaka iyong kilawin.” sagot ko naman.

Kaya iyon ang ginawa namin. Pagkatapos kumain, ako na ang naghugas ng pinggan at nagligpit ng kinainan namin. Habang si kuya ay nauna nang naligo sa dagat, hubo’t-hubad.

Sumunod din ako. Dali-dali kong hinubad ang lahat ng saplot sa aking katawan at lumusong na sa tubig. Para kaming mga paslit na naglalaro, naghahabulan, naghaharutan. Syempre, nagyayakapan, naghahalikan sa buhangingan.

“I Love you Enzooooooooooooo!!!!!” sigaw ni kuya.

“I love you Erwinnnnnnnnnnnn!!!!” sigaw ko rin.

“Mahal na mahal ko ang baby bro koooooooooo!!!!”

“Mahal na mahal ko ang kuya kooooooooooo!!!”

Para kaming mga bata na walang kamuwang-muwang at walang pakialam sa mundo. Sa islang iyon, libre naming nagagawa ang mga bagay na hindi namin kaya at puwedeng gawin. Ang islang iyon ang tanging saksi sa aming pagmamahalan.

Noong mapagod na, pumasok na kami sa loob ng tent. At doon, pinaalpas muli namin ang aming nag-aalab na pagnanasa sa isa’t-isa. Paulit-ulit. Hanggan sa kapwa napagod at nakatulog.

Alas kwatro ng hapon noong magising kaming pareho. Nagsuot ng damit atsaka inikot ang buong isla. Npakaganda talaga ng tanawin. Iba’t-ibang kahoy, puno ng niyog, mga mahahabang talahib. Paminsan-minsan ay lumulusong kami sa tubig at tinitingnan ang mga laman-dagat na kagaya ng mga octopus, sea shells, at ang pinakasikat sa lugar na iyon, ang giant clam na halos kasing laki kung hindi man mas malaki pa kaysa bunga ng niyog at nasa di kalaliman pa ng tubig.

Alas 5 ng hapon Noong maikot na namin ang buong isla. Pagod ngunit masaya.

Kinuha ni kuy ang kanyang pamingwit at naupo kami sa isang malaking bato na nakaharap din sa palubog na araw. Napakaganda ng tanawin. Napakamatiwasay ng dagat. Napaka-presko ng hangin.

Lumubog ang araw na nakabingwit kami ni kuya ng may limang isda. Dalawa ay malalaki na halos tig-iisang kilo ang bigat. Gumawa ng apoy si kuya at inihaw ang isang malaki at ang iba pang mga maliliit. Ang isang malaki naman ay ginawa niyang kilawin.

Masarap ang kain namin sa hapunang iyon. Puro presko ang lahat at pareho kaming nabusog. Inilabas ni kuya ang baon naming beer, pati na ang gitara niya, atsaka kinantahan ako –

Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot na yumayakap
Sa tuwing ako’y nalulungkot
Kaya’t wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang maawala

[chorus]

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Di ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw
Di baleng maghapon umulan
Basta’t ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na pag nasisinagan ang iyong mukha
Hinding-hindi magsaawa
Ayoko ng magsawa
Bahala na, ayoko muna magsalita
Hayaan na muna natin ang hatol ng tadhana

Alas 9 ng gabi noong maisipan na naming pumasok sa tent. Med’yo lasing na kami ngunit hindi kami agad natulog. Wal akaming ginawa kundi ang maglambingan, magyakapan, maghalikan at paulit-ulit na binabanggit ang mga katagang “I love you...” Iyon na siguro ang pinakamasayang sandali sa buhay ko.

Nakatulog kami na hindi ko na alintan ang takbo ng oras. Nagising na lang ako kinabukasan noong tumama sa aking mata ang sinag ng araw.

Kinapa ko kaagad ang katawang katabi ko; ang kamay na nakayakap sa akin, at ang paang dumadantay sa aking harapan.

Wala. Bigla akong bumalikwas sa higaan. At kahit hubo’t-hubad, lumabas ako sa dalampasigan. “Kuyaaaaaa!’ sigaw ko.

Ngunit walang kuyang sumagot sa akin. Pinilit kong ikutin ang isla, nagsisigaw, tinatawag si kuya Erwin. Subalit wala pa ring sumagot sa mga tawag ko.

Bumalik ako sa tent, nagbakasakaling nandoon na si kuya. Ngunit wala pa rin.

Ibayong kaba at takot ang aking naramdaman. Nag-iiyak na ako, hindi alam ang gagawin.

(Itutuloy)

The Encounter with the Flirt 2

Geeky


Here's how you can reach me pumpkins...

BLOG: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
FB and e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com

Follow my blog please... :)

Special thanks to MYX and Royvan, for welcoming this new story. Hello MSOB readers... :)



CHAPTER 2


Nagfile ng four months leave si Billy sa opisina nila. Bilang chief librarian isang municipal library ay may kakayahan siyang gawin iyon. Sabagay, halos naipon naman niya lahat ng leave na meron siya kaya dedma lang magkaroon ng ganoon kahabang bakasyon. Ginawa niyang alibi ang pag-aasikaso ng mamanahin sa Uncle Franny niya.

Kaya heto siya ngayon at nasa harap ng malaking villa nito sa Ilocos Norte. Sa bayan iyon ng Pagudpud. Sinipat niya ang relo. Alas-diyes pa lang. Medyo masakit na sa balat ang sinag ng araw. But it was the perfect time to kill some time in the beach. Nag-aanyaya ang tunog ng dagat. Pinindot niya ang doorbell sa napakataas na bakod na nakapaligid sa bahay.

Maya-maya lang ay may sumulpot na gwardiya. Nagmamadaling nilapitan niya ang gamit na nakahambalang sa daan. He was not used to travel light. Saka magtatagal siya roon kaya kailangan niya ng maraming gamit.

"Magandang umaga po. Ano pong kailangan nila?" anang guard sa kanya.

"Ah Manong, ito po yung Villa Franita no?" tanong niya.

"Ay opo. Sino po ba ang sadya nila rito?"

"Ako po si Billy Mercado. Yung pamangkin po ni Franny. Ito po ba yung villa niya?"

"Ay Sir Billy. Kayo po pala. Naibilin na kayo sa amin ni Attorney. Tuloy po kayo." nagmamadaling sabi nito pagkatapos niyang magpakilala.

Kinuha nito ang maleta niyang dala saka rumadyo sa loob ng mansiyon. Mahaba-haba kasi ang lakarin at mainit sa balat ang sikat ng araw. Maya-maya pa ay may mga unipormadong lalaki ang dumating at kinuha ang mga bagahe niya habang ang isa ay agad siyang pinayungan. Namangha siya ng mapansing ang mga ito ay pulos magaganda ang pangangatawan at magaganda ang hitsura.

Sa pintuan ng villa ay isang nakaposturang lalaki in sunny colors ang buong giliw na sumalubong sa kanila.

"Kamusta ang iyong naging biyahe Senyor Billy? By the way my name is Tomacito. With a "C". Ako nga pala ang butler dito." anang makulay na tagapamahala ng villa.

"Ahm, Hello Tomacito, with a "C". Kahit kilala mo na ako, my name is Billy. That's with a "Y". Okay naman ang biyahe ko."

"Mabuti naman. Ipasok niyo na ang gamit niya boys. Iakyat sa ikatlong silid sa ikatlong palapag." baling nito sa mga tauhan ng villa. Pumapalakpak pa ito as if to emphasis the urgency of that command. Napailing na lang siya.

"Tomacito, narito na ba yung makakasama ko sa bahay na ito?"

"Ah, si Sir Eiji? Naroon siya sa court. Nagpapractice yata. Dala niya kasi ang raketa niya. OMG! Kahit bisexual siya, kaya ko siyang paligayahin!" malanding sabi nito na sinabayan pa ng pagniningning ng mata nito.

Napapailing na inunahan niya na lang ito sa paglalakad. "Ah teka Sir Billy. Samahan na kita sa taas. Masyado kasing malaki itong bahay na ito. Ewan ko ba sa tiyuhin mo."

"Sige. Salamat." maikling sagot lang niya. Naiilang siya ginagawa nitong pagtitig sa kanya.

Nang marating ang kwarto ay hindi niya maiwasan na mamangha. Napakalaki nun at talaga namang mukhang pinagkagastusan. Hindi niya maiwasang mamangha sa nakikita niya. Minimalistic ang appeal ng silid. Tamang-tama lang ang kulay ng wallpapers at ang kama ay malaki para sa isang tao.

Inilagay niya ang gamit sa closet. Inayos niya ng maigi ang lahat ng kailangan at nagpalit ng damit. Isang collared shirt at puruntong shorts ang itinerno niya doon. Nagsandals din siya at isinuot ang thick-rimmed eyeglasses niya.

Kumalam ang sikmura niya pagkatapos magbihis. Nakalimutan pala niyang mag-almusal. Dali-dali siyang lumabas ng silid niya para lang makasalubong ang official sex guru niya for three months. No other than the tennis superstar himself. Eiji Perez. Nakahubad baro ito at pinupunasan ang ulo ng towelette habang unti-unting humahakbang paakyat. Nakamata lang siya dito.

Hindi niya namalayan ang paghinto nito at pagbalik ng titig nito sa kanya. A glint of amusement flickered in his chinky eyes. In his lips was a suppressed smile. Nangunot ang noo niya ng makita ang reaksiyon nito pagkakita sa kanya.

"Are you making fun of me?" naiirita niyang tugon.

Sa inis niya, lumingon-lingon pa ito saka nakakalokong ibinalik ang tingin sa kanya ng nakangisi.

"Are you talking to me?" nangiinis na sabi ng hudyo.

"May iba pa bang tao dito?" balik niya rito.

"Well, I'm not making fun of you. I was just a bit surprised to see "someone" like you here." He quoted on the word someone as if he was an alien or something. With that being said, lalo siyang nagalit. Walang karapatan itong insultuhin siya.

"How dare you insult me! Hindi porke't sikat ka eh may karapatan ka ng manglait. Bakla ka naman." ganti niya rito.

Naglaho ang ngiti nito sa labi pero panandalian lang. Muli itong nagsalita with a twitched smile on his lips.

"You're mean. Ikaw ba yung pamangkin ni Franny? I can't believe you're actually relatives."

"Bakit? Dahil sa pananamit ko?"

"No. I don't have any problem with your preppy outfit. But your attitude is another story. Franny was never judgmental. Unlike you, you already have something to say to me just because I'm a little bit different. It only goes to show how little your knowledge is about the thing called "pakikipagkapwa-tao." Saka siya nito nilagpasan at pumasok sa pintuang katabi ng silid niya.

Naiwan siyang literal na nakanganga ng dahil doon. Nang mahimasmasan ay dagli siyang bumaba while contemplating on his words awhile ago.


Billy was eating with gusto when Eiji appeared in the kitchen. He was wearing a white sando that showed his bulky top and a khaki board shorts matched with sneakers. Presko ang dating nito. Hindi siya partikular sa mga bagay na nakikita niya lalo na sa kapwa lalaki. Ang madalas niyang pagukulan pansin ay ang mga sopistikadang babaeng rumrampa sa paligid niya unaware of his existence. Napabuntong-hininga siya.

"Pasado ba?" nakangising tanong ni Eiji sa kanya.

Namula siya ng bahagya sa pagkakahuli nito pero sinalubong niya ang mata nito ng mapanganib na tingin.

"I'm not gay. And I'm not looking at you." defensive niyang sagot.

"Okay." Nagkibit-balikat lang nitong sagot. Halatang hindi naniniwala sa kanya. Ikinairita niya yun.

"You don't believe me, do you?" naiinis niyang sabi.

Eiji just chuckled. Kumuha ito ng plato at loaf bread sa cupboard. Inilabas din nito ang non-fat mayo na nasa ref bago naghiwa ng kamatis at lettuce na nauna na nitong kinuha kanina. Dinededma siya ng hudyo.

"You're rude." di niya mapigilang sabi.

Natatawang nilingon lang siya nito. Tapos na itong gumawa ng clubhouse kaya naman hinarap na siya nito.

"Just for the record, I haven't done anything rude in my entire life. I was always nice." nakangiting sabi ni Eiji sa kanya bago kumagat sa sandwich na ginawa nito. He munched it slowly then walked towards the table. Naupo ito sa katapat niyang silya.

"I was talking to you. The least you could do is to answer. Is that too much to ask?" naiinis pa rin niyang tugon.

Again, he heard him chuckled. But this time he answered. "Please don't take this against me, but I actually don't talk to someone who doesn't like me. Lalo pa yung mga kagaya mong may opinyon sa mga tulad ko. I don't talk to a close-minded person." mahinahon nitong sabi pero halata ang bigat sa mga salita.

"Ahm, about that thing awhile ago... I would like to say sorry. I just thought you were making fun of me or stuff." nahihiyang sabi niya kay Eiji.

"Apology accepted." sabi nito pagkatapos lumunok para lang kumagat ulit.

"That fast?" naaaliw na sabi ni Billy kay Eiji.

"Yeah! I don't hold grudges against others. Nakaka-stress lang yun. Isa pa, if one person doesn't like it doesn't mean also na magagalit ako sa kanya. Kanya-kanya lang opinyon yan. To each his own ang motto ko." he said grinning.

"I'm Billy." pagpapakilala niya sabay abot ng kamay.

Inilapag nito ang sandwich saka inabot ang kamay niya. "Eiji. Alam kong kilala mo na ako base kanina. But still, I would like to tell you my name."

"Oh geez, please don't remind me about my rudeness. Nakakahiya. Besides, I'm not usually like that." nahihiya nga niyang tugon.

"Really? So ibig sabihin, nagkataon lang na mainit ang ulo mo kanina at ako ang minalas na napagbalingan mo nun?" naaaliw na sabi nito.

"Yeah. You can put it that way."

"Ang malas ko naman pala." anito sabay tawa ng malakas.

"So you are my sex instructor." nahihiyang sabi niya.

"Huh?!" muntikan na itong mabilaukan sa sinabi niya.

Inabot niya ang tubig niya para hindi ito mahirinan ng husto. Nagpapasalamat na ibinaba nito ang baso.

"Are you okay?" tanong niya.

"Yeah. It's just that... I'm surprised." nakangiwi nitong tugon.

"Why? Don't you have any idea why you are being put up here with me?" nagtatakang tanong niya dito.

"What are you talking about?" napapantastikuhan din nitong sabi.

"I was asked by Uncle Franny to live here for three months and study about sex at the same time. And you are my sex instructor." hindi na niya isinama na iyon ay proviso ng tiyuhin para makuha ang mana niya.

"What?" napatayo ito.

"Yes. I thought Attorney Redoblado already told you about this. I even thought you knew about all of this crap because you're already here when I came this morning." naguguluhan na niyang sabi.

"Wait. I'm only here for a vacation. Alam ito ni Franny. Matagal ko ng nasabi sa kanya na magbabakasyon ako dito kasi ayoko sa Villa ko. Paanong napasok ako sa gulong ito?" frantic na sagot ni Eiji sa kanya.

Tinitigan niya ito. He really looked clueless. Kaya naman naisip niyang sabihin na dito ang lahat ng tungkol sa kalokohan ng Uncle Franny niya. Pati na arin ang tungkol sa proviso nito sa mamanahin niya.

"You mean to say, I have to teach you all about sex so that you can write something about it?" kumakamot-babang sabi nito pagkuwan.

"Yes. Don't worry I'll pay you." nakangiting sagot niya.

"Whoa!" Nagtaas ito ng kamay. "I'm not a man-whore. I don't accept payment for sex." iiling-iling pa nitong turan.

"Ha-ha! Very funny Mr. Perez! I didn't said that you have to have sex with me. I'm not gay, okay? You just need to lecture me about it." inis na sabi niya.

"Are you sure?" diskumpyado pa yata ito sa sinabi niya.

"About what?"

"That you're not having sex with me." tanong nito.

Aba ang hudas! Mukha ba siyang sabik na maka-sex ito? "Sure as hell Mr. Perez!" galit na niyang sabi.

"Relax! Relax Billy. I'm only kidding. And call me Eiji. Masyado kang pormal." natatawa pang sabi nito.

"You will be my teacher kaya dapat lang na tawagin kitang Mr. Perez."

"Stubborn aren't we? Okay, teacher's order. Call me Eiji."

"No."

"Call me Eiji or I won't help you?"

"That's blackmail!"

"No sweetie. That's called persuasion." Eiji grinned.

"Fine. Eiji it is."

"Second, I want to ask you something."

"What is it?" curious niyang tanong.

"Have you had sex before?" walang-pasakalye nitong sabi.

Tumungo siya. Nahihiya man siya pero kailangan niyang aminin. "N-no."

"Great! A 27 year-old geeky virgin. Are you for real?" nakakalokong sabi nito.

He raised his chin defiantly. Wala itong karapatang asarin siya dahil lang virgin siya sa edad niyang iyon.

"Are you mocking me?"

"No." sagot ni Eiji pero halata ang pinipigil na tawa.

"Liar! Eh ano ngayon kung virgin pa ako. It doesn't mean na wala akong alam doon." naiinis na sagot niya.

"Sweetie, if you have knowledge about sex you wouldn't be needing my help. Besides, I'm not laughing at you. I'm laughing at the situation." nahihirapan nitong paliwanag in between laughter.

Tinapunan na lang niya ito ng masamang tingin. Kunsabagay, tama naman talaga ito eh. Naiinis lang siya at ito pa ang kailangan niyang hingian ng tulong. Parang tuwang-tuwa ito sa nangyayari sa kanya ngayon.

"So kailan mo ako tuturuan?" sa halip ay tanong na lang niya sa kawalan ng mapagbubuntungan ng inis.

"Okay. Let's start tomorrow. Hindi ako prepared eh."

"Ilang oras ang klase natin?"

"Maybe 2 to 3 hours a day. Depende sa progress natin. For the meantime, hihiram lang ako ng materials na pwede mong magamit. Let's see each other after 30 minutes." nakangiti nitong sabi bago siya iniwan.

Babalik na sana siya sa pagkain pero parang wala na siyang gana. Naiisip pa lang niyaa ng kalokohan na kinasuungan niya ay nanglalata na siya. Pero kapag naiisip niya ang mamanahin ay nanghihinayang siya. Isipin mo na lang nagtatrabaho ka at ang sweldo mo ay naglalakihang shares of stocks, bonds, properties at multi-million assets. Oh san ka pa?


Naeeskandalo si Billy sa mga "materials" na ibinigay sa kanya ni Eiji. Paano ba naman? Sa anim na cd na ibinigay nito ay lima ang M2M isa lang ang Girl to Boy na erotica. Tapos, ang magazine, puro lalaki ang featured. Ilang beses ba niyang sasabihin na hindi siya bakla?

Tinawanan lang siya nito saka sinabihang "It's still about sex so don't fret. And don't worry. Para lang iyan sa pag-aaral mo. Remember. I'm just helping you out. Wala kang choice kung hindi ang sumunod."

Wala na siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ang ma iyon. Naiinis na isinaksak niya sa laptop na daladala ang nag-iisang cd na may kasamang babae sa eksena pero inaabot yata siya ng malas. Ayaw gumana ng cd. Naiilang man ay isinalang niya ang isa sa M2M cd. At namangha siya sa agad na bumungad sa kanya.

Two men are actually kissing passionately. Af if they really love each other. Maya-maya ay mas uminit ang eksena. Ang kaninang pagkailang na nadarama ay napalitan ng alinsangan at nararamdaman niyang unti-unti siyang tinatalaban ng maiinit na eksena. He was amazed on that sex with two man can actually happen. No it was not sex, it was making love.

Hindi siya makapaniwalang naapektuhan siya. He was now hard and aching. Ang bilis din ng pintig ng puso niya. Tapos na ang palabas pero ang bawat eksena ay parang nakaukit na sa utak niya. Pabilis ng pabilis ang pintig ng puso niya. Naaalala niya kung paano ang bawat detalye ng galaw ng mga bida. Umigting din lalo ang paninikip ng underwear niya. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nangyari ang hindi inaasahan. He actually had an orgasm. Was is possible? Without the aid of his hand? Teka may term doon ah. Oo nga, naalala niya. premature ejaculation. Nanlalatang napahiga siya bago iika-ikang tinungo ang banyo.

Lumipas ang mga araw at smooth sailing naman ang takbo ng lessons nila ni Eiji. Minsan nga lang nagugulat pa siya sa mga improvised nitong visual aids. Naroon kasing naghubad itong bigla sa harap niya at itinuro kung saan ang mga sensitibong parte ng katawan niya without being malicious. In fact, napaka-formal nito kapag may klase sila.

Minsan naman, itinuro nito how auditory cues can tickle a man’s point of pleasure and how can it actually be considered as slight flirtations.

Hindi niya makalimutan ng ilapit nitong bigla ang bibig nito sa tainga niya at bulungan siya ng mga flirty words na talaga naman nakapagpatayo ng kanyang mga balahibo.

Ngayon naman ay itinuturo nito sa kanya kung paano naaapektuhan ang isang lalaki in a visual manner. Nagpakita ito ng mga litrato ng mga babaeng seksi at talaga namang babavoom ang figure. Pero walang epekto kay Billy ang lahat ng iyon. Ewan ba niya.

He was absent-minded the whole hour na nagtuturo si Eiji. Ewan niya kung napapansin nito iyon. Naaalala pa kasi niya yung nangyari sa kanya limang araw na ang nakakaraan. That pre-jac was a first for him. Hindi niya inakalang of all people eh mararanasan niya iyon after watching a M2M film. Kung may makakaalam nun, siguradong pagtatawanan siya ng husto.

"Hey!" Basag nito sa katahimikan niya.

"Huh? What was the question again?" gulantang na sagot niya dito.

"Silly. I said tapos na ang lesson natin for today."

"Huh? But why? Wala pa tayong two hours na..."

"Never mind. Mukha namang wala ka sa sarili mo eh."

Napatungo siya. So napansin pala nito ang pagkawala niya sa sarili. "I'm sorry." aniya pagkuwan.

"It's okay. Para makabawi ka. Ipagluto mo na lang ako." Eiji said grinning.

Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya kung anong hihilngin nito. "No problem."

Nagpunta sila sa kusina at naghanda na siyang magluto ng merienda nila. Eiji was craving for french fries. Isinalang niya ang kawali at nagsimulang balatan ang malalaking patatas. Ayaw raw nito ng fries na may preservatives. Gusto raw nito ng natural. Yung walang asin.

Naghihiwa na siya ng magtanong ito na ikinagulat niya.

"May natutuhan ka na ba sa mga pinag-aralan natin? Five days na rin tayo nagtuturuan dito."

"Oo naman." aniya ng makabawi sa pagkabigla.

"Sure ka?" diskumpiyadong sabi ni Eiji.

"Oo nga. Ikaw talaga." naiiling na wika niya.

"Ano kaya kung mag-require ako ng hands-on training?" nakakalokong sabi nito.

Nag-angat siya ng tingin at natagpuang nakangisi ito. Para siyang natulala ng bahagya pagkakita niya sa ngiti nito.

Ipinilig niya ang ulo saka sumagot. "Sira-ulo."

"Seriously. I want to demand a hands-on application ng lahat ng naituro ko."

Dinuro niya ito ng kutsilyo. "I thought I told you I won't have sex with you?" naiilang na sabi niya.

"Silly, it's not me. I'll give you a girl na game sa ganitong bagay then apply all the lesson you've learned." Ibinaba nito ang kamay niyang may hawak na kutsilyo.

Napapahiyang itinuloy niya ang paghihiwa ng patatas. "Ah ganun ba?" aniya sa kawalan ng masabi.

Pahiya ka no? parang tanga lang na tukso ng isang bahagi ng isip niya.

Itutuloy...

Now Playing Chapter 19

Posted by: Half
Blog:
http://halfofmeisyou.blogspot.com
-------
Pasensya na po ulit kung ngayon lang dumating ang latest soundtrack. Busy ako sa school work, siyempre. Exams week po kasi, dagdag pa ang thesis at reports na nakaka-stress. Time out po muna ako.

Sa lahat ng naghintay at hindi nagsasawa, maraming salamat po sa suporta. 'Wag po kayong mag-alala, may ending na ang kwentong ito. Yup! Tapos na, pero siyempre, one post at a time lang. Okay?

Salamat po sa inyong lahat. Love you all.
-------
Flashback:
>>>
"Naikwento ko na si Micco sa iyo, diba? Alam mo kasi, Clyde reminds me of Micco. Well, I love Clyde not because I saw Micco in him. Basta mahal ko lang siya. Ang problema lang, yung situation. Micco gave me a ring before, a silver ring with his name inscribed inside it. And Clyde did the same thing." ang sabi ko sabay taas ng kamay kong may singsing.
>>>
"You became my hero in every ways possible." ang dugtong ko pa. I'm so grateful with all of the things he did. But what makes me happy is the fact that he's my friend, and what makes me proud is that he remained to be the hero I love. And I will always love.
>>>
"Xander, gusto ko sanang sabihin sa iyo ito ng personal, pero ayokong patagalin pa. At ayokong sa iba mo pa malaman. Xander, si Clyde at ako, kaming dalawa na." ang sabi ko. Alam kong malulungkot siya sa mga sinabi ko, ngunit habang maaga, mas gusto kong malaman niya ang totoo.
>>>
"I love you, Clyde."

"I love you too, Edge." at tuluyang naglapat ang aming mga labi. Ang sandaling paghihiwalay namin kanina ang nagbigay sa amin ng pananabik sa isa't-isa. Ang labi niya ay inaakyat na naman ako sa langit. Nawawala ako sa sarili dahil sa kuryenteng dulot niya. Ang mahal ko. Ang pinakamamahal ko.
>>>
"O talaga? That's good. Paabot naman ng ketchup."
>>>
Tumayo ako sa taas ng hagdanan, at minasdan ang madlang nakatingin. Napakatahimik ng gabing ito, hindi ko mawari kung bakit. Tinignan ko si Clyde na nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya. Akala ko tuluyan nang magiging tahimik ang lahat. Ngunit mula sa isa, naging dalawa, tatlo, ay sunud-sunod at sabay-sabay nilang ginawa ang iisang bagay.

Isang masigabong palakpakan.
-------
Now Playing Chapter 19
Life After You Part 03

"All that I'm after
Is a life full of laughter
As long as I'm laughing with you
I'm thinking that
All that still matters
Is love ever after
After the life we've been through
I know there's no life after you.."
- Daughtry, Life After You
-------
Patuloy pa rin ang palakpakan ng mga tao sa gabing ito. At habang bumababa ako ng hagdanan ay palakas ng palakas ang palakpak na naririnig ko. Sinalubong ako ni kuya Ced sa gitna ng hagdan at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit.

"I love you, bro. You're the best birthday gift I've ever had. Thank you." ang bulong niya sa akin. Ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Inakbayan niya ako, at sabay kaming bumaba ng hagdanan. Sinalubong naman kami nila mama at papa pati nila mom at dad. Niyakap ko rin silang apat. I turned to Pat and Clyde na bakas sa mukha ang sobrang tuwa. At humarap naman ako kay Donya Cresencia.

"Lola.." ang tanging nasabi ko. Tuluyan na akong naluha sa tagpong iyon. Ibinuka niya ang kanyang mga bisig, inaanyayahan akong yakapin siya.

"Ang apo ko.." ang sabi niya. Yumakap ako sa kanya. Iba na naman ang pakiramdam, para akong ipinaghehele ng isang diwata. Ewan ko, pero I feel very safe in her arms.

"Nandito na po ako, lola." ang sabi ko habang pinapahid ang kanyang mga luha.

"Ikaw nga ang apo ko, walang duda. Kamukhang-kamukha mo ang kuya mo. Bakit ngayon ka lang nagpakita, ha? 'Wag ka nang mawawala ulit. Maliwanag ba?" ang tuloy-tuloy na sabi niya. Hinalikan niya ako sa noo, at nginitian ko siya.

"Opo lola. Kamusta na po kayo?" ang sabi ko habang pinapahid ang sarili kong luha. Doon nagsimula ang gabi ko. Paulit-ulit niyang sinasabi na natutuwa siya at nagkatagpo na kaming dalawa. Ako rin naman ay ganoon ang nararamdaman. Kung kani-kanino niya ako ipinapakilala, mga kamag-anak, pinsan, mga amiga, at kung sinu-sino pa. Halos ayaw niyang bitiwan ang mga kamay ko. Parang wala pa rin yata ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko lutang na lutang ako. Masayang-masaya ako sa gabing ito.
-------
"Masaya po ako sa naging buhay ko sa piling ng pamilyang kumupkop sa akin. Mabubuti silang tao, wala silang hinangad kundi ang kabutihan naming magkapatid. Simple ang naging buhay ko kasama sila, pero naging napakakulay n'un dahil sa pagmamahal nila." ang sabi ko kay lola. Nasa isang malaking lamesa kami. Si lola, mama, papa, mom, dad, si tito Tristan at tita Minerva, kuya Ced, ang kambal na sila Chuck at Cassidy, si Pat, si Clyde, at ako.

"Natutuwa ako at naging mabuti ang pagpapalaki nila sa iyo. Maraming salamat sa inyo." ang baling ni Lola kila mama at papa.

"Hindi po ninyo kailangang magpasalamat. Anak rin po namin si Edgar, kaya ginawa lang po namin ang dapat naming gawin. Isa po siya sa mga anghel namin." ang sagot ni mama kay lola. Hindi ko mapigilan ang mga ngiti sa aking labi. Tumayo ako ng upuan at niyakap si mama at nagpasalamat.

"Oo nga pala, Iho. Ito ang mga kapatid mo. Si Chuck Axel at si Cassidy Mae." ang pakilala ni lola sa kambal. Mas matanda ako sa kanila ng tatlong taon. Pareho silang 17 ngayon. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanila, kaya nginitian ko na lang silang pareho.
-------
Si Chuck Axel ang unang lumabas sa kambal. 5'7", maputi, kulay tsokolateng buhok, may malamlam na mata, matangos na ilong, manipis na labi, pantay at mapuputing ngipin. Hindi tulad namin ni kuya Cedie na magkamukha, nahahawig si Chuck kay Mom. Si Cassidy Mae naman ay 5'6", maputi, kulay tsokolateng buhok, bilugang mata, mahabang pilik mata, matangos na ilong, manipis na labi, pantay at mapuputing ngipin. Kahawig din ito ni Mom, pero sa totoo lang, mukha siyang manika. Jillian Ward? Hahaha.
-------
"Hi kuya." ang bati sa akin ni Cassidy.

"Hello." ang sagot ko kasama ang isang ngiti. Syempre nahihiya pa ako. Pero mahaba pa naman ang gabi.

Ano pa nga ba ang nangyari? Puro kwentuhan lang naman ang inatupag namin. Kwento ng mga pinaggagagawa ko sa buhay, sila naman tungkol din sa buhay nila. Pero parang wala namang pumapasok sa isip ko sa mga kinikwento nila. Lutang na lutang nga ata talaga ako. Iba ang saya na dulot ng malaking pamilyang mayroon ako. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa itaas.

Maya-maya, kahit tapos na kaming kumain ay kwentuhan pa rin ang nangyari. Kasalukuyan akong nagsasalita nang may magsalita sa likuran ko.

"Tignan mo nga naman. Ang liit talaga ng mundo. Diba, Ed?" Luningon ako sa pinagmulan ng tinig, at nagulat ako sa taong nakita.

"Aries?" ang namamangha kong sagot. Ano'ng ginagawa niya dito?

"Kamusta, Edge." ang sabi niya sabay bitaw ng pamatay na ngiti. Oh God.. Lalo pang nadagdagan ang tuwa ko nang makita siya.

"Aries!" ang sabi ko sabay tayo at yakap sa kanya. Hay, ang tagal ko nang hindi nakita ang adonis na ito, kaya tuwang tuwa ako na makita siya ngayon.

"Aahh Ed, I can't breathe!" ang natatawang sabi ni Aries. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at sinuntok ng mahina ang kanyang dibdib.

"Ikaw ha. Na-miss kita. Kamusta? Bakit ka nandito? Ano-"

"Whoah, easy lang." ang nakangiti niyang tugon. Kumuha ako ng isa pang upuan at pinaupo ko siya sa tabi ko. Tinanong ko ulit kung ano'ng ginagawa niya dito, and he answered in as-a-matter-of-fact manner.

"2nd cousin ko kayo." ang naka-ngiti niyang sabi. Hala, magpinsan pa rin pala kami. Buhay nga naman.

"Talaga! Yeah, pinsan pa rin kita! Hahahaha" ang niyakap ko siya ulit.

"Teka, paano naman nangyari iyon?" ang tanong ni Papa kay Aries.

"Bale kapatid ni papa (Oliver Maclor) si tita Ysabella na asawa ni tito Lextur na kapatid ni tito Ace (Wallace 'Ace' Lewis, Edge's biological father). Pinsan ko po si Franklin, anak nila na pinsan rin nila Ed." ang sagot naman niya kay Papa. Ah talaga. Naman, nagka-dugtong-dugtong pala ang mga buhay namin.

"Naku pinsan 'wag ka nang magpaliwanag. Basta magpinsan pa rin tayo." ang natutuwa kong sabi. Naman eh. Nginitian naman niya ako, at malambing na tinampal ang pisngi ko. Tinanong ko kung bakit wala sila tito at tita, may trabaho daw kasi. At may exams sila Erol at Mikka kaya hindi nakasama.

"Nami-miss ka na nila, Ed, lalo na si 'bunsoy'" ang pagbibigay-diin niya sa huling salita. Napa-isip naman ako kung ano na ang nangyari kay Erol. Pero agad naman siyang nagsalita na parang nabasa ang laman ng isip ko.

"He's lonely, but definitely not alone, Ed. Kung matututo lang siyang magmasid at makiramadam, siguradong magiging makulay ang paligid niya." ang sabi niya na inilikot pa ang dalawang kilay. Alam ko ang sinasabi ni mokong. Mabait na bata si Erol. At gwapo pa. Kaya hindi nakapagtatakang nagkagusto sa kanya ang bestfriend niya. But that's another story.

"Tama ka, pinsan. But let's make him learn that by himself. That's much better. Oo nga pala, si Clyde." ang pakilala ko kay Aries kay Clyde. Tinapunan muna niya ako ng tinging nagtatanong bago humarap kay Clyde at nakipagkamay.

"Nice meeting you, pare."

"Same here."

"So Ed.." ang sabi ni Aries. Tumingin ako sa kanya, at iginalaw niya ang kanyang mga kilay. Alam ko kung ano ang nais niyang ipahiwatig. I mouthed 'later'.

Maya maya, matapos ang mahaba-habang kwentuhan, ay isa-isa na rin kaming nagtayuan. Konting halubilo, konting kwento, kulitan, at kung anu-ano pa ang pinaggagawa namin bago tuluyang nabawasan at nawala ang mga bisita. Pasado alas 12:00 na nang magsimula kaming magligpit. Naki-tulong kaming mga bata sa mga kasambahay para mas mapabilis ang gawain at para lahat kami makapagpahinga na. Pinauna na naming umakyat si lola, alam n'yo na, may edad na. Ako ang naghatid sa kanya sa kwarto niya, kasi request niya sa akin. Hay, naman.

"Apo.."

"Lola, matulog na po kayo." ang sabi ko sa kanya habang inaalalayan siya pahiga sa kanyang kama. Hindi naman siya agad humiga, umupo muna siya dahil may gusto daw siyang sabihin sa akin.

"Iho, maaari mo bang i-abot ang kahong nasa tabi ng larawan ng lolo mo?" ang nakangiting sabi ni lola. Dali-dali naman akong tumalima sa kahilingan niya. Lumapit ako sa lamesang kinalalagyan ng larawan ni lolo at ng kahon. Saglit kong tinitigan si lolo. Napaka-kisig niyang tignan sa suot niyang kulay abong amerikana.

"Siya ang lolo Armand mo. Alam mo, napaka-buti niyang tao." ang sabi ni lola. Nilingon ko siya at ngumiti siya sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa larawan. Muli naman niyang ipinagpatuloy ang pagku-kwento.

"Apo, gusto kong sabihin sa iyo ang huling kahilingan ng lolo mo bago siya tuluyang namaalam." Kinuha ko ang kahong kulay abo na gawa sa kahoy. May maliit na kandado ang kahon. Umupo ako sa tabi ni lola at ibinigay sa kanya ang kahon. Binuksan ni lola ang pinakamataas na butones ng damit niya at inilabas ang isang kwintas. May pendant ito na hugis susi na gawa sa ginto. Tinanggal niya ang kwintas niya, at isinusi ito sa kandado. Bumukas ang kahon, at nakita kong may laman itong mga larawang niluma na ng panahon. Inilabas ni lola ang mga iyon at inilagay sa isang tabi.

"Nais niyang humingi ng tawad sa iyo. Nadamay ka kasi sa pagkakamali niya, ang pagtatakwil sa papa mo. Hindi niya inasahan na ganoon ang mangyayari kaya nagalit siya. Ngunit dahil wala na ang lolo mo, ako na ang hihingi ng tawad para sa kanya." ang malungkot na sabi ni lola. Patuloy pa rin ang pagtanggal niya sa mga litrato na parang may hinahagilap sa loob ng kahon.

"Lola.."

"Mapapatawad mo ba ang lolo mo, Edgar?" ang tanong niya sa akin. Hinawakan ko ang isang kamay ni lola.

"Hindi po ako galit kay lolo. Inaamin ko po, noong malaman ko ang lahat, nagalit ako. Ang sinasabi ko ay galit ako kay mom at dad, o kay mama at papa. Pero ang totoo po, galit ako sa pagkakataong gumulo sa mga buhay natin. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, alam ko na nakatulong sa akin ng malaki ang mga nangyari. Kasi ngayon lola, mas malakas, mas marunong, mas matatag na ako, at ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng maging buo." ang sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako, at hinagkan ko ang kanyang pisngi. Hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang aking kamay at inilagay sa palad ko ang isang matigas na bagay. Inalis niya ang mga kamay niya at nakita ko ang isang gintong kwintas na may pendant na kasing laki ng sampung piso. May naka-engrave na letrang 'L' sa gitna na napapalibutan pa ng mabusising detalye sa paligid.

"Nais ng lolo mo na ibigay sa iyo 'yan. Namana pa niya 'yan sa ama niya. Sa tingin ng lolo mo, ikaw ang dapat mag-may-ari nito. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang nais niyang pagbigyan niyan, ngunit kung ano man iyon, siya lang ang nakakaalam." ang sabi ni lola. Dinama ko ng aking hinlalaki ang bawat detalye ng pendant. Nakakamangha.

"Baka po "danyos"" ang sabi kong natatawa kay lola. Natawa rin siya sa sinabi ko, at marahang hinaplos ang aking pisngi.

"'Wag na po nating isipin ang mga pagkakamaling nangyari. Ang mahalaga po ay magkakasama na tayo ngayon. Ayos po ba?" ang nakangiti kong tugon kay lola. Nagyakap naman kaming dalawa, at hinagkan ko siyang muli sa pisngi bago magpaalam.
-------
"Alam ko." ang sabi ni Aries sa akin. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang tungkol sa presensya ni Clyde. Bumalik kasi ako sa balkonahe pagkagaling sa kwarto ni lola. Nakita ko siyang nakaupo sa isang parte ng terrace, kaya nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod.

"What's new? Even before, sasabihin ko pa lang, alam mo na." ang sagot ko sa kanya.

"Be honest, Ed." bahagya siyang tumagilid para tumingin sa akin nang hindi naaalis sa yakap ko, at tumingin din ako sa kanya. Ito yung mga pagkakataon na kahit hindi kami mag-imikan ay magkakaintindihan kami. Ganito kalakas ang koneksyon namin ni Aries.

"Later ko na lang na-realize na may mga similarities pala sila. Natakot rin ako, dahil alam kong mahal ko na siya. Pero sa kabilang banda, magka-iba pa rin sila ni Micco. Si Micco ay si Micco, at si Clyde ay si Clyde." ang sagot ko sa kanya. Umikot siya ng upo para humarap sa akin. Ngayon ay magkaharap kaming magkayakap.

"Natatakot ako para sa iyo, Ed. Paano kung nakita mo nga lang sa kanya si Micco? Paano kung bigla kayong magkita ni Micco? Paano mo haharapin ang lahat?" ang sabi niya sa akin.

"Ayoko nang isipin ang mga iyan. If I live my life in what-ifs, then there's no way I'll experience the very meaning of happiness." ang sabi ko sa kanya.

"Ed?"

"Hmm?"

"You know I love you, right?" ang tanong ni Aries.

"Of course. I love you, cuz." ang sagot ko sa kanya. Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin, at ganun din ang ginawa ko. Naku, kung hindi ko lang talaga alam ang katotohanan, iisipin kong mahal nga talaga ako ni Aries. Pero wala na iyon, pangarap lang. Basta ang mahalaga, nasa tabi ko siya.

"Thank you."

"Don't mention it, Ed."
-------
"Can't you see? He's a fag." ang narinig ko sa sala. Nagtago ako ng bahagya sa hagdanan para hindi nila ako makita.

"And so? He's still our brother. Don't make a fuss with that." ang sagot ni Cassidy kay Chuck. Sabi ko na nga ba, homophobic si Chuck.

"Cass, he's a fag. He kisses boys-"

"So I'm a fag too? I kiss my boyfriend everytime we get a chance."

"'Wag kang pilosopo. Hindi ka ba nadidiri sa kanya?" ang naiiritang sabi ni Chuck. Ewan ko, pero nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Para bang piniga ang puso mo, at nahihirapan kang huminga. Bakit sa lahat pa ng taong magsasabi n'un ay si Chuck pa?

"For Christ's sake, Chuck. What's the matter with you? Magkakambal tayo, pero I never knew na ganyan kakitid ang utak mo." ang napipikong sagot ni Cass. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Naramdaman ko na lang ang pag-agos na ito. Pinahid ko ito, at habang ginagawa ko iyon ay may yumakap sa likod ko.

"Everything will be alright, Ed. I'll never give you up." ang bulong ni Clyde sa tainga ko. Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Clyde.."

"Gagawa tayo ng paraan para ipa-intindi sa kanya. Maiintindihan niya rin, Ed. Maiintindihan niya kung bakit kita mahal. Pangako ko 'yan sa'yo. Mahal na mahal kita." ang sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at inilapit niya ang kanyang mga labi. Punung-puno iyon ng kanyang mga pangako at pagmamahal.

"Mahal na mahal kita, Ed."

"Mahal na mahal din kita, Clyde."
-------
Kinabukasan ay umuwi na rin kami. Pagkakain ng agahan ay nagpaalam na kami. Ang layo kaya ng Quezon sa Bataan. Naman.

Syempre si lola ayaw na akong paalisin. Nagpaliwanag naman ako na babalik ako sa katapusan ng October, sembreak namin kasi n'un. Sumama pa sa amin pabalik si kuya Cedie. Ewan ko ba dito. Mabuti na rin iyon para may sasakyan kami. Ginawang driver si kuya. Hahaha.

"Sige po, mauna na po kami. Babalik po ako dito sa sembreak, lola." ang sabi ko sabay halik sa kanyang noo.

"Kahit 'wag na.." ang mahinang sabi ni Chuck. Kahit mahina iyon ay narinig ko pa rin. Tumingin ako sa kanya, at nakita kong yumuko siya. Nakatingin din pala sa kanya sila Pat, Clyde, at kuya Cedie. Tsk.

"Pangako iyan, ha? I love you, apo."

"Opo lola. I love you too." sabay yakap sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi ni Chuck. Naniniwala akong magkaka-ayos din kami.

"Bye Chuck, Cass. Mami-miss ko kayong dalawa." ang sabi ko. Yumakap naman sa akin si Cassidy, at tumango lang sa akin si Chuck. Halatang napilitan.

"Mami-miss din kita, kuya." ang bulong ni Cass. Nginitian ko naman siya.

"Mom, Dad, aalis na po kami." ang paalam ko sa kanila. Niyakap din nila ako na ikinataba ng aking puso.

"Maraming salamat, anak. Babalik ka, ha?" ang sabi ni Dad.

"Opo." ang nakangiti kong sagot. Hinalikan muna ako ni Mom at hinaplos ang pisngi bago malambing na itinulak ako palabas.

"Sige na, iho. Mag-i-ingat kayo." ang sabi niya sa amin.

Paulit-ulit na paalaman pa ang nangyari bago kami tuluyang nakaalis.
-------
"Kuya Ced.."

"'Wag kang mag-alala, Chase. I'll handle Chuck." ang sabi ni kuya. Kanina pa kasi sya ngiti ng ngiti sa akin.

"Kuya, just let him."

"No, I won't."

"Maiintindihan niya rin iyon, in his own time. Besides, I don't expect other people's acceptance. Ang mahalaga alam niya. He's our brother. I'm sure he'll understand." ang sagot ko sa kanya.

"Hindi, Chase. Sa ating apat, si Chuck ang may pagka-rebelde. I know what he can do. Don't worry. Ako'ng bahala sa iyo." ang sabi ni kuya.

"How come na medyo rebel siya?" ang tanong ni Papa.

"I don't know, tito. Mabait naman si Chuck, but may mga pagkakataon nga lang na sumusobra ang pagiging pasaway niya. May sinabi rin si Cassidy sa akin na hindi ko pwedeng palampasin." ang sabi ni kuya. I can sense na nagiging aggravated si kuya.

"Kuya, just don't think too much. Okay, sige, Chuck may be a rebel or what, but he's still young. Maiintindihan niya rin iyon. Basta walang mang-aaway sa kanya. Nagkaka-intindihan ba tayo, kuya?" ang tanong ko kay kuya Ced. Natawa naman siya sa tanong ko.

"Opo. Ang kulit. Hahaha."

"We're just here, Eddy. Okay?" ang sabi ni Pat sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at masuyong hinalikan. Naku, ito na naman tayo.

"Yeah, Ed. Just don't worry." ang sabi naman ni Clyde sabay halik sa kanang kamay ko.

"Everything will be alright." si Pat sabay halik sa kaliwang pisngi ko.

"With me protecting you everytime." si Clyde sabay halik naman sa kanang pisngi ko.

"Mga Adonis ko, magsitigil nga kayo." ang naaaliw kong sabi. Uh-oh. Mukhang mali ang nasabi ko. Lalong lumuwag ang pagkakangiti ng dalawa at sabay pang humalik sa magkabila kong pisngi. Tss. Naman eeehhh. Ahahahaha kinikilig ako.
-------
Monday, 9:27 AM

"Late? Buti wala si Engr. Vasquez." ang sabi ni Lex. Oo, na-late kaming tatlo nila Clyde at Pat.

"Mabuti naman." ang medyo humihikab ko pang sabi.

"Nag-threesome siguro kayong tatlo, 'no?" ang sabi naman ni Mac. Sirena ka. Lagot ka sa akin ngayon.

"Foursome. Pati si kuya Adam kasama namin." ang sagot ko.

"S-si kuya Adam?" ang nagulat na tanong ni Mac. Tumango ako, at pilit pinigilan ang tawang kanina pa gustong lumabas sa bibig ko.

"Y-you're kidding, right?" ang tanong ulit niya.

"Kidding? Oo, gumawa kami ng bata." ang nangingiti kong sabi. Nanlaki ang mata niya, at tumingin kay Clyde. Pasipul-sipol naman si loko. At si Pat naman ay nagkibit-balikat.

"No.." ang sabi ni Mac.

"Yes." ang sabi naming tatlo. Hindi naman maka-relate si Lex. Pero maya-maya ay hindi na rin kami nakapag-pigil at tumawa na rin kami. Lalong naguluhan si Lex, pati si Mac.

"Huy, ano ba talaga?" ang parang nagmamaka-awang tanong ni Mac. Haha. Mahal na mahal niya nga si kuya Adam.

"Kinabahan ka, ano? Huli ka ngayon, Mac." ang sabi ko sabay akbay sa kanya.

"Uh.." ang tanging nasabi niya, at pinamulahan siya ng mukha.

"Ikaw ha. Type mo pala si Clyde. Sana sinabi mo sa akin." ang bulong ko kay Mac. Napangiti naman siya. Magkamukha rin kasi si Clyde at ang kuya Adam niya.

"Alam ko namang ikaw lang ang mahal ni mokong. Pero mas gusto ko yung kuya niya." ang nahihiya niyang sabi. Natawa naman ako at niyakap ko siya.

"Okay, sinabi mo eh." ang sabi ko sa kanya.

"Pa-share naman ako. Madadaya." ang sabi ni Lex. Tinawanan lang namin siya.

Wala lang. Dagdag eksena lang. Hahaha.
-------
Fast Forward.

Naging busy ulit kami sa school. Siyempre, kulitan with the barkada, happy-happy, at kung anu-ano pa. Nung dumating ang finals, group study ang drama. May sleep over kapag gumagawa ng thesis, at may party pagkatapos ng exams. Kailangang i-enjoy ang pagtatapos ng first semester.

Naging maganda ang relationship namin ni Clyde. Makulit, masaya. Ang tampuhan lang namin niyan ay kapag lumalabas ang pagka-flirt ko (na pilit kong binabawasan. Lol.) at siyempre, ang pagka-seloso niya (na ako naman ang may kasalanan. Hahaha.). Hindi, mabait naman ako. Diba? Um-oo ka na lang! Dali! Hahaha. Naging anak na nga namin si Jacob, yung Siberian Husky niya. Bakit ba 'pag hindi magka-anak ang dalawang tao ay aso na lang ang ginagawang anak? Hahaha. Basta, mahal ko si mokong. At gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Si Pat naman ay ni-resume ang pagiging bestfriend niya sa akin. Ewan ko sa'yo, Pat. Basta ikaw at ako, walang iwanan. Ok?

Si kuya Cedie naman ay lumipad na papuntang States. Balik trabaho na siya. Ang dami pa niyang ibinilin sa akin. Hahaha kuyang-kuya talaga. Sinabi niya na nakausap na niya si Chuck. I don't expect anything doon. Hindi mababago ang opinyon ni Chuck overnight. I said we should just give him more time. Syempre mami-miss ko si kuya ko, at nangako naman siyang papadalhan ako ng chocolates. Hahaha. Takaw.

Agad din akong nagpa-enroll 3 days after ma-release ang clearance namin. Two weeks lang kasi ang sembreak, kaya gusto kong matapos agad ang enrollment para masulit ko ang bakasyon ko. As usual, sabay-sabay kaming magbabarkada. Oo nga pala, 'out' na sila kuya Adam at Mac. At tuwang-tuwa naman ang barkada.
-------
Bago ako pumunta ng Quezon, hindi ko pinalampas ang pagkakataoog makilala ang kalahati ng pagkatao ko.

Edgar Stefan Villegas
March 27, 1991 - April 10, 1991

Inilapag ko ang bulaklak na dala ko at sinindihan ang isang puting kandila. Bahagyang naaaninag ang apoy nito sa itim na marmol na lapida. Hinaplos ko ang makinis na lapida, at sinundan ko ng aking hintuturo ang bawat letrang naka-ukit dito. Pinakiramdaman ko ang lalim ng pagkaka-ukit dito na nakukulayan ng ginto. Bakit gan'un? Pakiramdam ko may nakahawak sa kamay ko, at sabay naming hinahaplos ang itim na tanda.

"Edgar, kamusta ka? Ako nga pala si Edgar. Ikinagagalak kitang makilala." ang mahina kong sabi. Patuloy pa rin ako sa aking ginagawa na parang wala sa sarili.

"Sabihin mo nga, Edgar. Nagagalit ka ba sa akin? Sa halip kasi na ikaw ay ako ang nagmay-ari ng pagkatao mo. Sabihin mo, ganitong klaseng buhay ba ang nais mo?" ang sabi ko ulit. Naramdaman ko naman ang malamyos na hangin na humaplos sa aking pisngi.

"Nabuhay ba ako sa paraang nais mo para sa sarili mo, o naging kahihiyan ba ako sa iyo?" ang malungkot kong usal. Biglang lumakas ang hangin na agad din namang nawala.

"Pasensya ka na, ha? Nakukulitan ka ba sa akin? Minsan kasi, hindi ko mapigil ang magtanong. Paano kung nakayanan mong malampasan si Death Reaper? Magkikita kaya tayo? Magkakakilala? Magiging magkaibigan? Siguro, hiniling mo rin na sana ay nakasama mo pa ng matagal sila Mama at Papa. Alam mo bang mahal na mahal ka nila? Kaya nga ibinigay nila sa akin ang pangalan mo, Edgar, dahil ayaw ka nilang kalimutan. 'Wag kang magagalit sa kanila, ha? Mahal na mahal ka nila." ang tahimik kong sabi. Naramdaman ko ang pagbalot sa akin ng hangin na animo'y yumayakap sa akin.

"Maraming salamat, ha? Alam ko kasing binabantayan mo ako. Salamat sa mga taong ipinadala mo sa buhay ko. Lahat sila ay talagang mahal ko. Alam kong ayaw mo akong mapahamak. Maraming salamat, Edgar." ang sabi ko sa lapida. Hinaplos na naman ako ng hangin sa pisngi.

"Maraming salamat at ako ang napili mong maging kalahati mo."
-------
And here I am, thinking my sembreak will be the best. I'm badly mistaken.
-------
Pumunta muna kami ng Manila bago sa Quezon. Kila Aries. Syempre nami-miss ko na ang mga iyon kaya hindi ako nagdalawang-isip na pumunta. Tuwang-tuwa naman sila Tito Oliver at Tita Vivian. Ganun din sila Mikka at Erol.

"K-kuya Ed?" ang nagulat na sabi ni Erol. Nakatalikod kasi siya sa akin at bigla ko siyang niyakap.

"Kamusta na, bunsoy?" ang sabi ko naman. Ang lapad ng ngiti ni mokong. Hahaha.

"Kuya!" ang tangi lang niyang sabi at niyakap ako ng mahigpit.

"Hi Chad. Kamusta?" ang sabi ko naman sa isang lalaking kasama ni Erol. Oo, siya yung bestfriend ni Erol na may gusto sa kanya. Moreno si Chad, 5'6", singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis.. Oo na, your typical gwapo guy. Hahaha tinamad mag-describe. Anyway, alam kong gusto niya si Erol (halata naman sa mga tingin at titig niya), pero 'di niya masabi. Torpe din. Hehe.

"Hello kuya." ang matipid na bati ni Chad. Hmm, if I know. Jealous. Hahaha.

Pumasyal kami nung araw ding iyon. Nanood kami sa isang Sunday variety show na pinapalabas din sa TV, nag-mall, nangulit at kung anu-ano pa. Take note, isang araw lang yan. Siyempre, sulit nga, diba?

Nagpasama ako sa kanila sa Recto. Oo na, cheap na. Bakit ba, libro din yang mga yan. Pareho lang sa bookstore. Hindi naman kasi ako maarte sa libro, basta nagagamit. At isa pa, mas marami kasi akong mabibili dito. Kasama ko si Pat, Clyde, Mikka, Chad at Erol. Habang naglalakad ay hindi ko naman sinasadyang nabunggo ang isang lalaki.

"Sh*t1" ang sabi ng lalaki.

"Uh, sorry, sorry. Ayos ka lang ba?"

"Yeah.. Well, well. Hello, faggot." ang sabi ng lalaki. Tinignan ko ang mukha niya, at nakilala ko kung sino siya. Si Chuck.

"Chuck! Kamusta? Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko. Hindi ko na lang pinansin ang banat niya.

"The hell you care-"

"Hey, umayos ka ng pagsasalita mo." ang pagsingit ni Clyde.

"Clyde-"

"Bakit? Susuntukin mo ako? Go. Magsama kayo ng boyfriend mo." ang matapang na sagot ni Chuck.

"Aba't-"

"Clyde, 'wag mo nang patulan." ang pag-awat ko sa kanya.

"Mabuti, dahil hindi ako pumapatol sa bakla." ang sabi ni Chuck.

PPPAAAAKKKKK!!!

"What's wrong with you?" ang biglang pagsulpot ni Cassidy. Sinampal niya ang kakambal.

"Cass, can't you see them? They're disgusting!" ang sabi ni Chuck habang sapo ang mukha.

"You! How could you say such things? Wala kang respeto. Kuya natin 'yang ginagago mo." ang galit na sabi ni Cass.

"Bakit, kakampihan mo ang kabaklaan niyan? Go. Magsama kayo." ang pangahas na sabi ni Chuck. Tinitigan muna kami ng masama bago tuluyang umalis.

"Kuya, sorry." ang sabi ni Cassidy. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Saan ka pupunta, Ed?" ang tanong ni Pat sa akin.

"Susundan ko lang si Chuck. Baka mapa'no." ang sagot ko.

"Ed, 'wag na." ang sabi ni Aries. Pero nagpumilit ako. Hinabol ko si Chuck hanggang sa kanto.

"Chuck! Saglit lang!" ang sabi ko. Kahit gan'un ang mga sinabi niya ay naiintindihan ko. Hindi ang dahilan niya kung bakit homophobic siya, kundi ang pagkabigla niya sa laha ng mga nangyari. Ayos lang. Magkaka-ayos din kami. Kailangan ko lang siguruhin kung ayos lang siya.

"Bakit ba sunod ka ng sunod? Leave me alone!" ang sabi niya.

"Chuck-"

"I said leave me alone!" ang sabi niya. Nakasigaw na siya sa akin. Hindi ako nakinig at lumapit pa rin ako sa kanya. At bigla na lang niya akong itinulak.

"Ed!" ang narinig kong sigaw ni Clyde.

"Kuya!" si Cassidy naman.

"No!" ang sigaw ni Aries.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon nila. Naramdaman ko na lang na parang hindi na nakasayad sa lupa ang mga paa ko..

BBBLLLLAAAAAGGGGGG!!!

"Ed....!!"

"Oh my God...!!"

"No, Ed...!!"

"Kuya..!!"

"Hindi..."

At nilamon ako ng kadiliman.
[ITUTULOY]

Wednesday, January 26, 2011

MSOB Statement Shirts

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
Eto pala ang isang sample for the "MSOB Statement Shirts" 

I have a plan.. this is my proposal to Daddy Mike na sabi niya ay kaylangang i-anunsyo para malaman ninyong lahat... Kasi diba we will be having our Eye Ball (EB), I guess it will be on August 13 2011 (Overnight) so i've plan na dapat he same ang shirts natin.. katulad sa BOL.. ay dapat may "MSOB Statement shirts" din tayo.. so yung design na nakita ninyo sa itaas ay isang sample lamang sa ating shirt. The shirts are simple.. but we all know that "the simpler the better..." medyo magastos tong gagawin natin.. este yung proposal ko.. pero sa aking persepsyon ay kapag natupad naman ito at nagawa ng maayos.. ay magigigng maganda ang kakalabasan nito.. ito ay matuturing nilang.. "souveinir" sa ating Blog na Michael's Shades Of Blue..or MSOB kung tatawagin... maganda sana kung magkakasama tayong lahat ay pareparehas or kung di man pareparehas ay may unity - na ang damit na susuotin ng kasama ay ang gawang "MSOB Statement shirts" ...

sana suportahan niyo!

-Enso

Tuesday, January 25, 2011

Part 4 : Enkantadong Gubat

WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.


Author: Jayson Patalinghug
Genre: Homo-erotic, Fantasy
Next Update: January 27, 2011 @ 12:00 Noon
Note: Maraming salamat sa mga nagsubaybay ng kwento ni Jed at Joseph. Special mention kay Reynan na hinintay talaga ang part 4 ng kwentong ito. pasensyan ka na sa paghihintay Reynan, galing pa kasi ako sa work at sana di ka ma disappoint sa iyong paghihintay.

***********************************



Pinagmasdan ni Jed si Joseph habang nag-ahit ito ng kanyang bigote. Pagkatapos linisin ni Joseph ang katawan ay isinilid nitong muli ang mga gamit sa backpack at nilapitan nito si Jed.

“Ngayon bata, handa ka na bang masakyan?” tanong nito kay Joseph, halata pa rin sa tono nito ang pagkatawa sa sa sitwasyon..

Tumango lamang si Jed; mas gusto niyang masakyan ni Joseph bilang isang tao at hindi bilang isang kabayo. Nagulat naman si Jed ng parang ang gaan lamang ng pakiramdam noong tumalon at sinakyan  siya ni Joseph; hindi man lang siya nahirapan. May naramdaman siyang kakaibang sensasyon ng lumapat ang balat ni Joseph sa kanyang hubad na likuran; kahit sa sitwasyon niya bilang kabayo ay nalibugan pa rin siya.

Nang maramdaman niya ang pagtapik ni Joseph sa kanyang likuran ay para namang automatic ang kanyang pagtakbo; kung di lang siya dating tao, masasabi nating isa siyang magaling at maamong hayop. At nagsimula ang pangalawang araw nila sa kagubatan, tinunton pa rin nila ang daan. Habang nasa daan sila, napansin ni Jed na di lang pala si Joseph ang naging statwang bato. May nadaanan silang ilang mga taong statwa at ang bawat isa ay may hawak na mamahaling gamit, at napansin din ni Jed na ang bawat gamit na hawak nila ay may bahid ng berdeng liwanag.

Huminto sila upang mananghalian sa may sapa. Inilabas ni Joseph ang mga simpleng pagkain na binalot niya mula sa kweba. Si Jed naman ay nakatagpo ng masaganang pagkain na tumutubo sa tabi ng sapa. Pagkatapos nilang kumain ay tinungo ni Joseph ang isang punong kahoy sa tabi ng sapa upang magpahinga sa lilim nito. Sumunod naman si Jed at nagpahinga sa tabi ng nakakatandang kasama. Pinagmasdan ni Jed ang kasama habang natutulog ito, hinangaan ang angking kakisigan at kagwapuhan. May kalahating oras din sila sa ganoong sitwasyon ng mapansin ni Jed na gising na pala si Joseph ngunit di man lang gumagalaw, ang mga mata nito ay nakatingin sa damuhan. Nang sundan ni Jed ng tingin ang damuhan kung saan nakatutuk ang mata ni Joseph ay nabigla siya sa nakita. Papalapit sa kinaroroonan ni Joseph ang isang malaking kobra. Mukhang ito ang dahilan kung bakit namumutla si Joseph kaya walang pag alinlangan niyang itinaas ang mga paa at inapakan ang ahas. Sa laki at lakas ng paang kabayo niya ay agad na namatay ang ahas.

Bago pa may makapag react sa kanilang dalawa, bigla na namang sumabog ang isang nakakabulag na liwanag, at nang mahimasmasan, namalayan na lamang ni Jed na nakadapa siya sa damuhan na naka hubot hubad. Sa kanyang kaliwang kamay ay nakita niya ang patay na ahas.

“Anong nangyari?” tanong ni Jed.

“Mukhang ang pag sagip mo sa aking buhay ang nagpakawala sayo sa sumpa,” sagot naman ni Joseph.

                “Mukhang biniyayaan din ng swerte ang bata kamahalan.”

“Swerte!, munting nilalang ang swerte ay hindi isang biyaya; nangyayari lamang iyan. Ngunit sabihin na nating sagana sa swerte ang isang ito.”

Dahan dahang tumayo si Jed at nilinis ang katawan, hinimas pa niya ito ng marahan, sinigurado niyang ganap na siyang tao. Habang sinasalat niya ang kanyang hubad na katawan, napansin naman niya na tinititigan siya ni Joseph ng may pagnanasa.

“Nasaan ang aking mga damit?”

“hmmm...nasa kweba.”

“Ano?”

“Hindi ko naman alam kung hanggang kalian tatagal ang sumpa, at malay ko ba na babalik ka na agad sa pagiging tao mo. At saka mas mainam naman na wala kang saplot, may mga advantage din iyan.”

“Gaya nang ano?”

“Gaya ng, kailangan ko lang tumayo sa likod mo at patuwarin ka,” sabi ni Joseph na nakangisi, may masamang balak pa ata sa batang kasama.

Napatingin si Jed sa harapan ng shorts ni Joseph at napansin niyang may unti-unting nabubuhay sa loob nun. Kahit naiilang, proud si Jed sa sarili; proud siya na ang katawan niya ay may kakayahan na buhayin ang nagsusumidhing pagnanasa ng kanyang mahal. Hindi siya nagpakita ng pagpalag sa mga balak ni Joseph ng hilain siya nito at tinapos ang naudlot nitong plano noong nakaraang gabi.

Hindi pinalampas ni Joseph ang pagkakataong iyon. Ilang sandal lang, hawak-hawak na ng kanyang malalaking kamay ang dalawang hita ni Jed, binuka ito at kinapa ang bawat sulok. Kahit na napakalaking tao ni Joseph para kay Jed ay banayad ang mga kamay nito habang hinimas himas nito ang kanyang mga hita at ang kanyang hubad na katawan. Dahan-dahan naramdaman niyang may daliring pumasok sa kanyang likuran, napapakit na lamang siya sa sakit at sarap. Nang ibuka niya ang mga mata ay napansin niyang may kinuhang bote si Joseph galing sa kanyang backpack.

“Ano iyan?” tanong ni Jed.

“Langis ng baboy.”

“Ha? Titirahin mo ako na gamit ang langis ng baboy bilang pampadulas!”

“Mukhang okay pa naman ito, at saka mas mabuti na ito kesa naman laway ang gamitin ko. O sige mamili ka.”

Hindi na nagdalawang isip pa si Jed at pinili niya ang langis ng baboy. Nakita din naman niya ang tarugo ni Joseph at napakalaki nito, alam niyang di niya kakayanin kung walang pampadulas o kung laway lang ang gagamitin.

Nang pinahid na ni Joseph ang langis sa kanyang likura ay mukhang okay naman ang kanyang pakiramdam. Pagkatapos pahiran ng langis ay naramdaman nalang ni Jed ang dalawang daliri ni Joseph na naglabas-pasok sa kanyang likuran at hindi man lang siya nakaramdam ng pagka-asiwa o sakit.

“Tumuwad ka bata. Mas madali kitang mapapasok kapag nakatuwad ka.”

Tumuwad naman si Jed sa damuhan habang ang mga kamay at ulo ay nakasandal sa puno kung saan sila sumilong. Habang si Joseph naman ay pinahiran ang sarili niyang alaga ng langis ng baboy. Naramdaman ni Jed ang ulo ng alaga ni Joseph sa kanyang likuran, ilang sandal lang ay kakadyutin na siya na parang aso at si Joseph naman ay sa wakas makakaraos na. Naramdaman ni Jed ang malalaki at malakas na kamay ni Joseph na hinawakan ang kanyang beywang at wala pang isang sigundo ay nagsimula na itong kumadyot.

Nasurpresa naman si Jed, kung gaano kadaling tinanggap ng kanyang likuran ang napakalaking tarugo ni Joseph habang kinakadyot siya nito. Napakagaling naman palang kumadyot no Joseph, iyon ang nasa isip niya. Naramdaman nalang niya ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay at balakang. Libog na libog si Joseph at ang kanyang tarugo ay tigas na tigas. May alam na paraan si Jed kung papaano palibugin ng husto ang lalaki ngunit medyo delikado ito; sinubukan pa rin niya.

“Ilabas mo iyan! Bilis. Ayoko na, nagbago na ang isip ko,!” matigas ang tono ni Jed.

Huminto ng saglit si Joseph at ilang saglit lang ay hinigpitan nito ang pagkahawak sa beywang ni Jed at lalong binilisan ang pahkadyot. Nagpupumiglas naman si Jed, pilit na kumawala. Inilayo niya ang katawan kay Joseph gamit ang boong lakas niya at nagtagumpay naman siyang mailabas ang ulo ng tarugo ni Joseph ngunit dahil sa mas malakas ang lalaki ay agad din naman itong naibalik ang dating posisyun.

Pilit pa ring nagpupumiglas si Jed ngunit ayaw pa ring huminto ni Joseph, nagmaka-awa na siya ngunit lalo lang hinigpitan ni Joseph ang pagkahawak sa kanya at binilisan ang pagkadyot, nakangisi si Joseph habang tinampal tampal ang likuran ni Jed.

Ganito ang klaseng sex ang gusto ni Jed, parang fetish kung baga; ang gahasain at dahan dahang isuko ang sarili sa kawalan ng pag asa. Para sa kanya masarap ang pakiramdam na iyon. Sa pagkakataong iyon ay nasa loob na niya ang tarugong pinagnanasaan niya mula pa noong una, gusto niyang ipasok ang kabuoan nito ngnit di niya magawa, napakalaki talaga ng alaga ni Joseph; parang napunit ang kanyang likuran sa karanasang iyon.

At sa wakas, isang mahabong hagod at kadyot ang binitiwan ng Joseph at naramdaman nalang ni Jed ni sumuka na ang malaking tarugo na nasa loob ng kanyang katawan. Pikit ang mata ni Joseph habang idiniin niya ang tarugo nito sa looban ni Jed. Pakiramdam ni Jed ay sasabog siya sa sobrang dami ng dagatang dumaloy sa loob ng kanyang katawan. Mabuti nalang at kumalas sa posisyun si Joseph at humiga sa kanyang tabi at nagbuntong hininga ng malalim. Bakas sa kanyang mga mukha ang sobrang sarap at pagod sa ginawang pagpakasasa sa murang katawan ni Jed.

Si Jed naman ay pawis na pawis, pagod at nanakit ang katawan at likuran sa naranasan, nilabsan siyang hindi man lang hinawakan ang kanyang alaga. Nag collapse siya at pumatong sa hubad na katawan ni Joseph. At tumagal ng isang oras na nasa ganoong ayos sila sa ilalim ng punong kahoy sa tabi ng sapa. Nang nakapagpahinga na ay nagpasya silang maglakad na upang tuntunin ang daan papalabas ng kweba upang kunin ang mga damit ni Jed. Habang nasa daan, naglalakad ng hubot hubad si Jed, ngunit napansin niyang din a siya pinagnanasaan ni Joseph. Ganoon din noong nakaraang araw, pagkatapos marating ang ruruk ng kaligayahan ay babaliwalain na lamang siya ng lalaki.

-itutuloy-

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails