Followers

Tuesday, July 23, 2013

You Only Live Once Teaser

You Only Live Once

By: Yoseph D.

FB: https://www.facebook.com/#!/yoseph.doms



"Kung isang linggo na lang naman ang natitira sa buhay ko, bakit hindi pa ako mamatay ngayon?" Ang hirap man isipin na malapit nang matapos ang buhay mo dahil sa isang malalang sakit. Mahirap man isipin na talagang life is short dahil nga ang bata ko pa para mamatay! Paano na ang aking pamilya? Paano na ang mga bagay na gusto kong gawin eh parang di ko. Shemayawtsupapabels! Whatever. Basta kayang kaya ko ito and kahit ilang araw na lang nalalabi kong araw sa mundong ibabaw.

Ako nga pala si Gian, 18, College Student sa isang school here in Quezon City. nangangarap lang naman ako maging isang sikat na reporter dahil gusto ko na talaga ang pagrereport sa TV or sa radyo. Sadyang pinangarap ko lang naman talaga ang pagsasalita sa harap ng mga tao.

Sa pamilya, ako lang naman ang tumatayong breadwinner dahil sa wala na kaming tatay at isang magtataho lang naman ang nanay ko at may 3 akong kapatid na nagaaral sa elementary. Sadyang life is so unfair noh? Gusto ko lang naman din sa pamilya ko ang maiangat ko lang sila sa kahirapan dahil sabi nga diba, di mo kasalanan ng mabuhay ng mahirap pero kasalanan ang mamatay kang mahirap kaya ganito na lang din ako kapursigido na maiangat sila at gusto ko na lahat kami makapagtapos sa pag-aaral para hindi na lang kami minamata-mata ng mga tao na wala kaming kwenta dahil nga wala kaming tatay at mahirap lang kami.

Hayy.. Eto, may gusto ako sa isa kong kaklase sa school, siya si Lawrence. Pogi, May hawig ng konti kay Gerald Anderson, may pagka muscular at syempre matalino. Siya lang naman ang pinapangarap ng lahat ng babae at bakla dito sa school dahil nasa kanya na nga ang lahat.

At syempre, meron din akong kinakainisan na halos mag-away at mag-asaran kami ay parang pinagsakluban ng langit at lupa! Hay nako, siya si Miko. May pagkachinito, matangos ang ilong, matangkad, gymfit and maangas ang kanyang look. Magkaklase kami nun since high school kaya talagang ever since naman ay talagang bangayan kami nun at hindi yun matitigil kung di kami mapagsasabihan ng teacher.

Subaybayan niyo ang istorya ng isang tao na ilang araw na lang ang nalalabi para mabuhay sa mundong ito. Magiging masaya ba ang buhay niya sa kanyang nalalabing araw o magiging malungkot na lamang ito?

Eto ang You Only Live Once.
------------------------------------------------------------------------------------------------


Hi Guys!

Post ko po mamaya yung Tough Love Chapter 12. Abangan niyo na lang din po yung story ko pong ito! I hope sana suportahan niyo po :)


-Sephyyy :3

2 comments:

  1. shemay...mukhang maganda at exciting pero sana walang mamamatay....may aabangan na namn ankong bago...yahoooooooooo

    ReplyDelete
  2. Nakaka excite naman at grabe ka mambitin! :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails