Followers

Monday, July 29, 2013

THE GAMEOF REVENGE - - - Chapter 15

By: Kulyitpangit:)


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------




Austin Alejandro





4:30 pa lang gising na ako pero ayoko pang bumangon. Gusto kong titigan ng matagal ang anghel na yakap yakap ko ngayon. Ang cute niya pa rin kahit natutulog na. It's like he's at peace. Ang inosente ng mukha niya. Parang walang problemang hinaharap. Pero alam kong paggising niya kaiangan na naman niyang harapin ang problemang iniiyakan niya pero hindi ko siya iiwan.





5:30 na. Isang oras ko na pala siyang tinitigan. XD Nagmukha tuloy akong manyak. Ehhhh. Ang sarap niya titigan ehhh. Busog na ako!! XDD





"Ui" sabi ko sabay yugyug sa kanya.




"Uhm??" sagot naman niya pero nakapikit pa rin. Ang cute niya talaga!! Sarap iuwi!!!XD




"Bangon na. Pasok pa tayo sa school." sabi ko pero hindi pa rin ako bumitiw sa yakapan namin. Ehhh. Anong magagawa ko ehh nageenjoy ako? May angal? XDD





"Ayoko." sabi niya na medyo nagmula ng mata tas nagpout at tumalikod.




Tsk. Tsk. Wala na naman atang balak pumasok ang mokong.




Pumunta ako sa gilid ng kama na kinuha ko kamay niya tsaka hinila. Ang tendency napa upo siya sa kama. Tumingin siya sa akin nagpout tsaka sumimangot. XD Ang cute pa rin!!! Ano ba yan??? Ano bang klaseng tao ito!!!





"Sige na. Tumayo kana jan. Uuwi lang ako para mag ayos tas susundin na kita." sabi ko sa kanya habang sinusuot yung sapatos ko. Buti na lang natext ko agad sina mama na hindi ako makakauwi kagabi kung hindi katakot takot na naman na sermon ang aabutin ko.






"Ehhhhhhhh. .  . .. " sabi niya na aangal pa ata. Mabuti pa't tumahimik na siya kung hindi hahalikan ko siya. Baka hindi ako makapagpigil pota!!! Sarap halikan ohhh!!! Hala! Nagiging manyak na talaga ako! XDDD






"Wala nang pero pero. Sige na bangon na." sabi ko sa kanya.





Aalis na sana ako nang maalala ko ang dahilan kung bakit ayaw pa niyang pumasok. Ang kuya niya. Maaaring hindi pa siya handang harapin ang kuya niya. Haist. Sarap lang talaga sapakin ni PJ ehh. Mickey surely doesn't deserve this. Tsk. At sa lahat pa ng tao? Si PJ pa ang mananakit sa kanya. Tsssssss.




Nasa pinto na ako that time at nakahawak na ang mga kamay ko sa doorknob. Huminto ako at tumingin sa kanya na nasa kama pa niya that time. Nginitian ko siya.




"Tsaka don't worry. Nandun naman ako ehh. Hindi kita iiwan. Promise." sabi ko.




Ngumiti siya. Ngiting puno ng pasasalamat. Ngiting nagsasabing kahit papano'y gumaan ang loob niya dahil sa presensya ko. Ang ngiting yun ang assurance na pupunta na siya ng school. Nakahinga ako ng maluwag dun.






"Susunduin na lang kita." sabi ko bago tuluyang umalis. Umalis ako na may mga ngiti sa labi ko. Sana may pag asa na ako sa kanya.








John Mickey Fortaleza





Nakaalis na si Austin pero hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko. Niyakap niya ako kagabi. Ang yakap na yun. Pinaramdam niya sa akin na hindi ako nag iisa. Na may karmay ako. Na mahal niya ako.






Pinaramdam niya sa akin na hindi niya ako iiwan. Na nandyan lang lagi siya para sa akin. Ganun nga ba ako kagusto ni Austin? Gano ko nga ba siya kagusto? Hindi ko alam. Hindi ko pa rin alam.





Pero niyakap niya ako kagabi. Unti unti na naman akong napangiti. Umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Ahhhhrrrrrrrgggg. Ito na naman. Nagbablush na naman ako. Pffffttttttt.




Hinawakan ko ang maglkabilang pisngi ko gamit ang dalawang kamay ko.





"Ahhhrgggg. Bat ba ganito epekto mo sa akin Austin! Nakakabwisit ka na ah!! Tsssss" mejo pasigaw na sabi ko. Oo siguro nga nababaliw na ako. Opo. Kinakausap ko po sarili ko. Huwag kayong mag alala, cute pa rin naman ako. XD Chos lungs and livers and hearts! XDDD






Nasa ganon pa rin akong pagmumuni muni nang may maalala ako. Shet. Susunduin nga pala ako ni Austin!!!!




Agad akong tumayo mula sa kama ko at tatakbo na sana ako nang. . . . . . . . . . ..





KABLAAAAAAAAAAAAAAAAAGGG!!!





"Aray!!"




Nakalimutan kong nakakumot pa pala yung mga paa ko so ayun. Namatay ako! XD CHOS!!





Naano ko yung kumot at nahulog ako sa kama. Buti na lang hindi ganun kataas! Bwisit na kumot! Panira!






Naspotan yung baseball bat na display sa kwarto ko. Kinuha ko yun. Inayos ko muna yung higaan ko. Syempre nilatag ko yung kumot. Kinuha ko ulit yung baseball bat sabay . . . . ..




PALO dito. PALO doon!!!





"Yan ang bagay sayong kumot ka. Panira ka. Late na ako. Tas gaganunin mo ako? UHMMMM!!!"




Speaking of late!! Shet takbo sa banyo Mickey! Takbo!!





Ayun nga tumakbo ako papunta sa banyo. Kumuha ng twalya. Naghubad. Sinindian ang shower at nabasa. Ano tutuloy ko pa? XDD




 Habang nasa shower ko unti unti na naman akong binalot ng lungkot. Si kuya. Makikita ko kaya siya? Haist. Anong gagawin ko?




Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko ulit maramdaman ang yakap niya. Nakapagdesisyon na ako. Kakausapin ko siya. Tama! Yun ang gagawin ko!



Fighting!!!




The moment na naka palit ako ay sakto naman ang pagdating ni Austin. Nagtatakbo ako na lumabas ng kwarto. Nasalubong ko naman siya sa may hagdan papaakyat na ata. Sinalubong ko siya ng ngiti.




Tiningnan ko siya. Gwapo talaga ang mokong! Walanjo! Nagka gusto siya sa akin? Haba ng hair! XDD




O my gas! Am i checking him out? Gosh! Umiling iling ako para matanggal itong kabaliwan ko.




"May problema?" sabi niya.



Meron ikaw! XDDD



"Ehhh. hehe. Wala! Tara na?" yaya ko sa kanya tas nagtatakbo akong lumabas.





"Manang alis na po ako!" sigaw ko muna bago ako nagtatakbo ulit papunta sa kotse na nasa harapan ng bahy.




Tiningnan ko siya muna. Itinuro ko yung kotse na parang nagtatanong kung 'Yun ba?'



Tumango lang siya. Yung ang cue ko para magtatakbo ulit. Nakita ko pa siyang umiling iling na nakangiti. hahaha\





Namiss ko ang labas. yung hangin na dumampi sa mukha ko ang pinakanamiss ko. Ang sarap ulit lumabas. Parang nabuhay ulit ang katawan ko.





Tahimik lang ang byahe papunta sa school namin. Basta kakausapin ko si kuya.





Magkasabay kami ni Austin na naglalakad sa hallway nang may mapansin ako. Si kuya.




Nasa harap namin. Tiningnan ko siya. Ang lungkot ng itsura niya. Tatakbo na sana ako papunta sa kanya nang may maramdaman akong mga kamay na humawak sa mga braso ko.




Tiningnan ko. Si Austin. Umiling iling siya. Nagets ko naman. Mamayang uwian na lang siguro.





Pumasok kami sa room. Nandun na lahat ng mga classmates namin. Umupo ako sa upuan na katabi ni ate. Si kuya? Nandun sa pinakalikod ng classroom. Wala naman kasi kaming permanent seating arrangement. Mga after 5 mins. pumasok yung teacher namin.





"Ok class. I have an announcement. We'll be having a fieldtrip pero wala pang destined na place.We're still planning on that. Pero sure namagfiefieldtrip tayo. Walang excuse. Sasama dapat lahat tayo. I'm sure mag eenjoy lahat tayo. So yun."





Napuno ng bulung bulungan ang buong room. Ang nanatiling tahimik lang ay ako, si ate, si kuya at Austin. Pero si ate may kakaibang naging expression . ALam ko yun ehh. Yun yung expression niya pag may binabalak siya. Hmmm. Ano na naman kaya tumatakbo sa isip ni ate? Hmmm. Hindi ko na lang pimakailaman yun.





Dumaan ang araw na si ate at Austin lang ang kasama ko although hindi sila magkasundo. Tsssss. Bahala sila. xDDD





Lumipas ang araw na hindi ko makausap si kuya Haist. Halata talagang iniiwasan niya ako. Hindi ako ssuko. Kakausapin ko siya! That's final.





Hihintayin ko pa si ate pero sabi niya huwag na daw. Si kuya naman, ayun nag excuse daw sa coach niya na masama daw pakiramdam. Ehhh anong magagawa natin diba? Basta kalangan ko siyang makausap.





Ayoko pang umuwi. Anu be yen!!!! Saan pwede pumunta? Tsssss.




Aalis na sana ako nang may tumabi sa akin sa paglalakad. Sino pa ba? Ang greek god na si Austin! TADA!!!!!!!!!!!!!!





"Austin." sabi ko sa kanya nakapout at nagpapuppy dog eyes. XDDDD





"Ano na naman?" sabi niya na nakngiti. Ahy. Ang gwapo. Pakiss tapopoy! XDDD





"Ayoko pang umuwi. Samahan mo ako. Lakad lakad muna tayo hanggang maka abot tayo sa dulo ng walang hanggan. Sige na! Puhlease!" sabi ko sa kanyang nagmamakaawa. Ahy. Ang cute ko!!! XDDDD





"Oo na!" sabi na namn niyang nakangiti at ginulo gulo ang buhok ko. Ang cute ko talaga no? XDDD Oa na. hehe. Titigil na po. XDDD






Naglakad lakad kami hanggang sa park at hanggang sa nakita ko ang love of my life. Ang kayamanan ko. Ang minamahal ko. Ahyssss.




"ICE CREAM!" sigaw ko. Agad kong hinila si Austin at patakbo akong pumunta sa ice cream stand duom.





"Ilibre mo ako Austin! Dali!!!!!!" sigaw ko pa rin habang nagtatakbo. Napapngiti na lang siya sa kabaliwan ko. hehe





Ayun nilibe nga niya ako. Umupo kami sa isang bench sa park.





Ahy ang cute! Para kaming lovers! Bagay kami! Anu daw? XDDDD hahaha. Pagbigyan!!!!!






Malapit ko nang maubos yung ice cream ko nang may maisip akong kagimbal gimbal na gawain. BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. *evil laugh*






"Austin." sabi ko.





"UHM?"




"Lapit ka ahh. May ibubulong ako."




Lumapit nga siya. It's time to do the plan. The plan that will change the face of Austin. XDDDD





Unti unti kong inilapit yung ice cream sa mukha niya hanggang maidikit sa ilong niya. XDDDd





Nagtatakbo agad ako pagkatapos nun. Tiningnan ko siya. Nakasmile lang siya habang pinupunasan ang ice cream sa ilong niya.




Ako naman walang tigil sa kakatawa. Medyo malayo na ako sa kanya.




"Gotya!!!" sabi ko.





"Yan ang gusto mo hah??" sabi niya sabay takbo papunta sa akin.





Omygas!!!! Takbo rin ako! Run for your life Mickey! XDDD





Takbo lang!!!! Tatawa tawa pa kaming dalawa habang naghahabulan. Para kaming mga bata. ahahahah. Ang saya!!!1





And at last!!! Nahuli niya ako. Pinahiran niya rin ng ice cream ang mukha ko.





"Uhm. Ang messy ko na ohhh." sabi ko s kanya na medyo nakapout. Nagpapacute baga! XD





"Edi punasan." sabi niya sabay punas sa ice cream sa ilong ko gamit ang daliri niya. Pero oh my gas! As in omygas!!!!!!





Kinain niya yung ice cream!!!!! O my ang hot!! I mean ang sexy!!! I mean . . . .  AHHHHHH BASTA!!!! XDDDDD





"Yuck!!!Kadir ka!!!!" sabi ko sa kanya.





"BWAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA" bulanghit niya ng tawa. Ang gwapo pota. Ano bey! I'm falling you know? XDDDD







"Ang cute mo talaga!" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko. Napangiti na lang ako.





Umalis na kami sa park na yun at inihatid niya ako sa bahay.




"Paano ba yan? ALis na ako ok?" sabi niya. Nasa harap na kami ng bahay nun. Poarang ayoko pa siyang umalis. Napapasaya nia ako. Gusto ko kasama ko siya lagi which is hindi naman pwede. HAist.





"Ok." sabi ko na lang.




Isang unexpected na naman ang ginawa niya. Hinalikan na naman niya ako sa pisngi. AYSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!! Heaven!!





"Bye my precious gem." sabi niya ulit. Para akong matutunaw that time my gas!!!




Nakaalis na siya pero hindi pa rin ako makaalis dun. Nakahawak ako sa pisngi kong hinalikan niya. Anong ginagawa niya sa akin? Nag bablush na naman ako for sure. AHYYYYY>





Sana hindi siya umalis. Sana hindi siya mag sawa. Kasi i think alam ko na.





Alam kong nahuhulog na talaga ako sa kanya.





------------------------------------------------------------------------------------------------------------






Ohhhh. Ayan!!!!





Comment na lang kayo kung gusto niyo. Kung ayaw niyo wag niyo. XDDD





Randy at your service. :)

2 comments:

  1. Sobra na kaartehan ni bunso di ko nagustuhan...hehe nice chapter ndadala ako sa eksena.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  2. ang landi ng author haha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails