Followers

Wednesday, July 3, 2013

THE GAME OF REVENGE - - - - - - - - - - - - Chapter 6 :) (Let the love begin:)

By: Kulyitpangit:)



  - -- - - - - - - - - - - -  -  - - - - - - - - - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - -



John Mickey Fortaleza





Uhmmm. Ang sarap matulog, pero syempre ano pa nga ba? Ginising ako ng maingay na tunog ng bwisit na alarm clock ko.




Pero, teka? Parang may mali hah? Kinapa kapa yung tabi ng kama ko. May katabi ako kagabi ahhh. Si kuya! Tama si kuya!!!!



Pero nasaan na yun? Nandito lang naman yun siguro no? Hindi naman yun umaalis ng walang paalam sa akin.



Umupo ako sa kama ko. Tiningnan ko buong kwarto ko. Teka?? Ba't ang linis????



May nakita rin akong nakahanger na damit at pants. Hollister na blue na damit, ta's maong blue na skinny jeans. Nandun na rin medyas ko ta's yung sapatos ko na converse na black and white. Pero sinong nag ayos ng mga ito?


Si manang? Imposible. Si mama? Hindi din. Hindi pa dumadating mga yun for sure.



Nasa ganun akong pagkukuskus ng mata ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa nito ang lalaking maaring dahilan ng lahat ng kababalaghang ito. XDDD. At may dala pa siyang tray with breakfast for two ahhhh!!!



Sino pa ba? Kung hindi ang kuya ko. :D




"Good morning baby bunso. Ok ba tulog mo?" sabi niya sabay tabi sa akin at latag nung tray. Ang sweet ni kuya. Pwede na siyang magkatulong sa amin. Yung all around! XD




"Good morning din kuya. Opo. Maganda naging tulog ko. Ikaw ba may kagagawan ng lahat ng kababalaghan dito?" sabi ko na medyo matatawa na. Ehhh. Naman kasi ehhh. And linis linis na ng parang basurang kwarto ko dati. XDDD





"Yup. Nakita ko kasi kagabi na ang dumi dumi ehhh. So ayun naglinis na ako. Ta's Prinepare ko na rin yung gagamitin mong damit para mamaya." sabi niya.




"At ikaw din nagluto nito?" sabi ko sabay turo sa tray ng pagkain sa harapan ko. Ang sarap ng amoy. hehehe. Nakakagutom. Pero behave muna. Hindi pa ako nakamumug. XDD




"Yup. Breakfast in bed para sa bunso ko." sabi na naman niya na nakangiti.Swerte ng magiging girlfriend ni kuya. Siguradong aalagaan siya ni kuya.



"Di ang aga mong gumising?" tanong ko. Imposible namang isang oras lang niyang ginawa tung mga ito no?



"Yup. Don't worry. Sanay naman si kuya ehh." sabi naman niya.


"Wait lang kuya hah? Mumug lang ako." sabi ko namang nakangiti. Habang nasa banyo ako, biglang pumasok sa isip ko lahat ng mga ginawa at ginagawa pa ni kuya para sa akin. Sobrang swerte ko at may kuya at ate ako. Lalong lalo na si kuya. Inaalagaan niya ako na parang wala nang bukas. XDDD Sana hindi na sila mawala sa akin.





Bumalik ako sa loob ng kwarto. Nakita kong nililigpit naman ni kuya yung higaan namin. Haysst. Ano bang nagawa ko at binigyan ako ng Diyos ng ganito kabait na mga kaibigan. Sobrang thankful talaga ako. Extra blessing pa yung gwapo at maganda sina ate at kuya hah? Ohh? Swerte no? XDDD





Tumakbo ako papunta sa kanya. Niyakap ko siya sa likod niya. Humarap naman siya sa akin tas niyakap niya naman ako. Nakayakap ako ngayon sa katawan niya. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na thankful ako na najan siya lagi para sa akin. Thankful ako dahil kahit kailan hindi niya ako iniwan. Thankful ako kasi naging kuya ko siya.





"Anong drama ito bunso?" sabi niya na medyo natatawa. Si kuya naman ehhh. Moment ko na ito ehh sisirain naman niya! XD




"I just want to say thank you." sabi ko naman sa kanya.




"Dahil lang dito?" tanong niya.




"Nope. For everything that you're doing for me. For never leaving me. For being always there. For being my kuya." sabi ko sa kanya na medyo maluluha na. Anu be yen kasi???? Sisusumpong na naman ako ng kaiyakin ko. XDD




Kumalas siya sa yakapan namin, tas pinunasan niya yung mga luha na dumadaloy sa pisngi ko.


"Kuya will do anything for you. Everything. Because you're my bunso." sabi niya sa akin. AWwwwwww. Ang sweet talaga ni kuya. "Iyakin mo talaga." dagdag pa niya sabay gulo sa buhok ko. Naman ehhh. :D





"Thanks ulit kuya." sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya. hehehehe



Nakita kong namula si kuya, pero ipinagwalang bahala ko lang yun. Baka ganun lang talaga si kuya. First time kong ginawa yun sa kanya ehh. Biglaan pa! XDDD Pumunta ako sa kama ko ta's naupo.





"Para saan naman yun?" sabi niya sabay harap sa akin Hinahawakan pa niya yung pisngi niyang hinalikan ko. Haahahahaha. Ang cute niya!!!! First time niya kaya yn? XDDD




"Wala lang. Ayaw mo?" sabi ko pa. hahahahaha. Tuso ako ehhhh. XD




"Gusto syempre." sabi naman niya na nakangiti saba kuha ng tray tsaka lapag sa harapan ko ta's upo sa kama.



"Kain kana." sabi ulit niya.



"Di mo ako sasabayan?" tanong ko. Ang lungkot kaya kumain ng mag- isa. Para ka lang tanga kung ganun, pwera lang kung tanga ka lang talaga. XDDD (Jowk lang po. XDDD. PEACE!!)





"Syempre sasabayan. Dalawa plato hindi ba? Isip isip din pag may time bunso ah?" sabi niya na medyo matatawa na. Hahahaha. Ganyan talaga yan kung kaming dalawa lang. Lumalabas yung funny side niya.




"Kuya naman ehhh." sabi ko na may halong tampo factor. Pero syempre jowk jowk lang yun. Wala lungs. Trip Lungs! XD





"Jowk lang. Cute mo talaga!" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. Cute ko no?XDD (Opo mahangin din po dito! XD)




Ayun na nga. Kumain na kami, naligo, hinintay si ate tas sabay sabay ulit kami pumunta sa school. Syempre tawanan all the way. Ang saya saya talaga nila kasama. Hinding hindi ko sila ipagpapalit kahit kanino. Sana lagi kaming ganito. Sana hindi na ito matapos.






Paul John Herrera (maliit lang po itong POV ni PJ :D)






Ang saya saya ko! Simula pa lang nitong araw na ito ang ganda na!!! Niyakap ako ni bunso tas hinalikan niya ako!!!! Pero sa pisngi nga lang!!!! Pero kahit na great achievement ko na yun!!! XDDDD





Naalala ko nag thank you pa siya kasi nanjan daw lagi ako para sa kanya. Dahil hindi ko daw siya iniwan. Dahil naging kuya niya daw ako.




Kuya.


Oo nga pala. Kuya lang pala turing niya sa akin.




Umaasa na naman ako masyado.



Pero sabi ko nga, eenjoyin ko na lang ang mga pagkakataong ito. Mga pagkakataong kasama ko ang taong mahal ko.



Si bunso.





Cherry De Leon (maliit lang din po ito:D)



Ang saya saya namin sa loob ng kotse. As in tawa lang kami ng tawa.




Tiningnan ko si PJ. Ganun pa rin ang mga tingin niya pag si bunso ang nakafocus sa mga mata niya. Iba yung kinang na nakikita mo. Iba yung saya na nandun.



Tas tiningnan ko rin si bunso. Yung mga mata niya pag nakafocus kay PJ ay normal lang. Walang kakaiba. Kuya nga lang ang tingin niya kay PJ.



Mahirap ang sitwasyon ni PJ. At alam kong patuloy na magiging mahirap ang sitwasyon niya. Hindi lang siya,pati ako at lalong lalo na si bunso.



Alam kong ang nararamdaman ni PJ ay pwedeng makasira sa samahan naming tatlo.



Kailangang maging handa ako. Kailangang maging handa ako sa pag alalay sa kahit na sino sa kanila pagdating ng panahon.




Pero paano? Hindi ko alam. Isa lang ang alam ko.




Malapit nang dumating ang panahong iyon.






John Mickey Fortaleza





Naging masaya ang first twoo weeks ng high school life ko. May mga nakaibigan naman ako kahit papano. At wala ding bullies. XDDDD



Tas yung Austin? Lagi pa rin akong kinukulit. Hindi naman siya nakakainis. Ok naman. Alam naman niya limitations ng pagiging makulit niya.



Lagi niya akong sinasamahan pag may ballet at taekwondo practice sina kuya at ate kada hapon pagakatapos ng klase namin.



Ewan ko ba pero ang gaan gaan talaga ako ng pakiramdam ko sa kanya. Yung parang hindi kumpleto ang araw ko pag hindi niya ako kinukulit, yung hinahanap ko na siya lagi tuwing hapon, at hindi pa siya pumapalya sa pagsama sa kin hah? Sweet nga ehhh XDDD


Isang araw naging ganito takbo ng usapan namin.




"Ba't ba lagi mo kong binobola hah? Namumuro kana sa akin hah?" sabi ko sa kanya. Nasa bench kami sa school. Nasa harap ko siya. Totoo naman kasi. 1 billion times na niya atang sinabing cute ako.





"Hindi yun bola no. Cute ka talaga. Swear!!!!" sabi na naman niya na nakatitig sa mukha ko. At least hindi na ako naiilang at sanay na ko. Pang 1 billion and 1 time na niyang sinabi yun. Bilangin niyo. XDDD




"Ano bang kailangan mo hah?" sabi ko naman para matigil na ito. Tas pag titigil naman hahanap hanapin ko? Opo magulo po talaga ako.






"Kung sasabihin ko ba bibigay mo?" tanong niya. Ano kaya yun?




"Basta ba kaya ko." sabi ko naman. Bigla na lang akong kinabahn. Ano kaya yun?




"Have a date with me." sabi niya na nakangiti.



What??????????????????????????




Date???????????????????????????????????????????????????????????



Pakicheck nga!!! Namumula ata ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!




"Da. . date?" sabi ko pa na nauutal. Mahabaging Diyos. Tulunngan niyo po ako. Pls.




"Yup." sabi niya na nakangiti pa rin. Bwisit talaga ito!! May gana pang ngumiti!!!



"Kailan?" bigla kong sabi. Aluhh!!!! Nasabi ko yun? How come????



Ok. Aaminin ko na. Crush ko naman talaga itong si Austin ehh. Syempre gwapo. tas mabait pa sa akin.Pero hindi ko naman insahan ito no!



"So payag ka? Uhm. Bukas. Tutal sat naman. Malling tayo. Libre ko lahat. Sige alis na ako. Tapos na practice nina kuya mo for sure. I'll call you na lang for the details. bye." sabi niya sabay bitbit ng bag niya.



Pero bago pa man siya makaalis ginawa niya ang isang bagay na hindi ko na naman inasahan.




Oh my Gosh!!!!



AS IN OH MY GOSH!!!!!




HINALIKAN NIYA AKO SA PISNGI!!!!!



MICKEY TALON!!!!! XDDDDDDDDDDDDDDDDD



Tsaka nagtatakbo ang mokong na umalis.



"Para sann yun!!!!" nasigaw ko pa sa kanya bago siya nakaalis. Nakahawak pa ako dun sa pisngi na hinalikan niya ahhhhh.!!! XDDD




Pero wala. Tumingin lang tska kumindat ang mokong!!!! Tsaka nagtatakbo ulit!!!!!! Ano ito? Lokohan?




Naiwan akong nakatulala sa kawalan. Pilit na inaabsorb ng utak ko yung mga nangyari.



Date. Halik sa pisngi!


Uhrghhhhhhhhhhhhh!!!! Ba't ako kinikilig? Naman ehhh!!!!





Hindi ko na ring namalayang dumating na pala si ate at kuya.




"Ba't ka tulala bunso?" sabi ni kuya.



Ahrghhhhhhh. Gising mickey!!! Gising!!!




"Ahhh. Wala. Tara na?" sabi ko tsaka nagpatiunang naglakad.



Hindi naman nila napansin na nasa kawalan ako kasi nag aaway din silang dalawa. hahahahahaa. Sanay na naman ako kina ate at kuya.





Mabilis kaming nakarating sa bahay. Pero bago sila umalis kinausap muna ako ni kuya.





"Bunso, Hindi muna ako matutulog dito hah? Dumating kasi sina mama at papa ehhh. Namiss daw nila akong kabondingan." sabi sa akin ni kuya.



"Ahhhh. Sige kuya. Ingat sa daan Mang narding. Bye kuya. Bye ate." sabi ko naman.




"Bye." sabay naman nilang sabi.



Pumasok ako sa bahay pagkaalis ng kotse.




Nagpalit ako and etchetera!!!!!!!!!!!!!!!!!!!





Nasa kwarto na ako. Tapos na akong magdinner, pero hindi pa rin matanggal sa isip ko yung kanina. Tssss. Austin naman kasi ehhhh.




Nasa ganun akong pagmumuni muni nang biglang nagring ang phone ko. Tiningnan ko ang nakaregister na number.



Austin.



Parang biglang nawalan ako ng hininga.



Relax Mickey. RElax!!!!!



kinuha ko yung phone, pinakalma ko ang sarili ko tsaka ko sinagot.




"Hello." sabi ko. Sana hindi niya mapansin na ngpapanic ako. Diyos ko Lord!!!1





"Sunduin na lang kita sa bahay niyo nukas ahh. Mga after lunch." sabi niya sa kalmadong boses.





"Alam mo bahay namin?" sabi ko. Stalker pa ata ito ehh. XDDD



"Sinong hindi makakaalam ng malapalasyong bahay niyo?" sabi niya na medyo natatawa.




Oo nga naman. hahahaha!!!!




"Ok" nasabi ko na lang. Kinakabahan talaga ako. XDDDD





"Tsaka linawin ko lang hah? Date yun. Hindi hang- out." sabi na namn niya. oy my gas!!!!!!!




Ito na namn ang dibdib ko!!!! Shete!!!!!!! Ayoko ng ganito!!!!



"Sure ka?" nasabi ko na lang. Wala na akong masabi. Namind block na ako!!!!




"Yes. Tsaka. May isa pa." sabi niya. Kinakabahan na naman ako. Ganyan rin ang tono ng boses niya nung nag aya siya ng date.




"Ano?" nasabi ko na lang.




"Ahmmm. Kasi.  .. . .  . . . . uhm... . . . . Kasi" sabi niya na parang nauutal na ewan. Ambwisit lang. Binibitin ako!!!!!!!




"Ano nga?!" nasabi ko na medyo pasigaw. Medyo lang haha!





"Magsisimula na rin akong manligaw sa iyo bukas."





- - - - - - - - - - - - -              - - - - - -  - -- - - - - -         - - - - - - - - - -




Ayan na po ang Chapter 6!!!!




Pangit po ba? :(




Readers ko kung meron man, Comments naman oh! puhlease!!!:'(




Thanks to Kuya Mike.





:D

3 comments:

  1. IMPROVING NA TALAGA CLAP CLAO KUDOS FOR YOU :)))



    --arthur--

    ReplyDelete
  2. IMPROVING NA TALAGA CLAP CLAOP KUDOS FOR YOU :)))



    --arthur--

    ReplyDelete
  3. I agree improving na at gumaganda na takbo ng story...keep it up randy

    Randzmesia

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails