Followers

Friday, May 6, 2011

Kahit Makailang Buhay...

Si Xander ay umibig sa kanyang childhood sweetheart na si Jane.

Malapit na magkaibigan ang kanilang kapwa pamilya at kahit noong mga bata pa sila, ipinakasundo na silang pag-iisahing dibdib kapag nasa tamang edad na.

Noong kapwa maglalabing-apat na taon na silang dalawa, niligawan ni Xander si Jane at naging magkasintahan sila. Third year year high school pa lamang sila noon. Bagamat napaka-bata pa, masaya ang kanilang mga magulang na silang dalawa ay nagmahalan.

Wala na sana silang mahihiling pa sa kanilang relasyon dahil perpekto na ang lahat. Magkasundo sila sa lahat ng bagay, mahal na mahal nila ang isa’t-isa, at higit sa lahat, iyon ang gusto ng kanilang mga magulang. Kung may relasyon mang tinatawag na made in heaven, marahil ay iyon na ang sa kanila.

Ngunit sadyang napakahiwaga ng buhay. Labing-limang taon lang sila noong winasak ng isang aksidente ang takbo ng kanilang pagmamahalan. Nabangga ang sinakyang school bus ni Jane at isa siya sa hindi pinalad na makaligtas.

Sa pagkamatay ni Jane gumuho ang mundo at mga pangarap ni Xander. Ngunit nagbago man ang takbo ng kanyang buhay, pinilit pa rin niyang magpakatatag at ipagpatuloy ang mga pangarap na nasimulan nila ng yumao niyang kasintahan.

Hanggang sa lumipas ang ilang taon at natanggap din ni Xander ang katotohanang hindi na maaaring bumalik pa sa kanya ang kanyang kasintahan at kailangan na niyang mag “let go” at mag “move on”.

Ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro. Isang araw, nakilala niya ang walong taong gulang na batang lalaking siyang magpagulo sa tahimik, matiwasay, at normal na sana niyang buhay: si Rovi.

At dito magsimulang mabago ang takbo ng kanyang pag-iisip at unti-unting babalik ang mga ala-ala ng kanyang nailibing na sanang pag-ibig...

“Kahit Makailang Buhay...” pagkatapos na po ng “Paraffle Na Pag-ibig”.

-Mikejuha-

videokeman mp3
I Knew I Loved You – Savage Garden Song Lyrics

17 comments:

  1. Wow! ok po ah!

    Parang kaabang-abang.
    Hehhehe

    I'll wait for it!
    GOD BLESS!

    -mars

    ReplyDelete
  2. Kuya Mike!!! Naiyak ako!!! Nakarelate ako sa story na ito!!!! Dexter din name niya.. pero walang patay..pero highschool kami nagkakilala at niligawan niya ako.. sa text... hala....

    ReplyDelete
  3. may aabangan na naman ako sir,,,salamat sa nag uumapaw mong imahinasyon at patuloy kang magbigay sa amin ng kaligayahan...huwag po sana kayong magsawang magsulat...jojo po ito...

    ReplyDelete
  4. ai para bang nareincarnate sya sa katauhan ng bata.. hehe.. nice...

    ReplyDelete
  5. gawin mo idol na pang soap opera ung plot
    yung puso ni Jane mapupunta kunwari kay Rovi.

    kabog!

    hahaha...

    ReplyDelete
  6. wow ka abang abang nanaman ito kuya...ang galing mo talaga...tnx kuya sa lahat ng story mo..

    ReplyDelete
  7. isa na namang kwento na magpapaluha ng mga mata ko atmagpapatulo ng sipon.

    ram

    ReplyDelete
  8. Oh, I think I will love this story just like PNP Sir Mike. You are indeed a literary genius. My prayers that you shall continue writing scintillating stories that will surely titillate your followers' fancies. God bless!

    ReplyDelete
  9. Kuya Mike!! Ang ganda nung kanta ahh.. Parang yan yung kanta ko na sinabi ko sa inyo tungkol sa SOMEONE KO na.... BASTA!! HAHAHAHAHA!!! BAKA ISIPIN NILA NABABALIW AKO.. LOL XD

    ReplyDelete
  10. Dagdag ko pa.. Sa wakas!! maipopost na rin yung story na ito ni kuya mike!! tagal ko ng hinihintay ito!!

    ReplyDelete
  11. wee pasilip pa lang yan ganadong ka nang basahin... kuya mike kaabang abang ito.... muax sana always in good mood ka lagi sa pagsusulat para sa mga tagahanga mo rito ay laging may inaabangan na magandang story.

    (`o`)muah muah

    ReplyDelete
  12. WOW bagong aabangan na naman!

    at isa pang wow nandun name ni kuya rovi woohoo!

    sa hula ko lang po parang yung movie ni john llyod at bea ung namatay ung bf ni bea tapos si john llyod ung recipient sa heart transplant...


    hehehe wala lang nakikikulit lang :D

    MORE POWER talaga sa 'yo kuya Mike!

    -ricski_13-

    ReplyDelete
  13. hahaha meron na naman pupuno ng aking "LOVELIFE" haha im eager and excited for this Kuya Mike..:)

    ReplyDelete
  14. aabangan ko po ito... idol na idol talaga kita kuya mike.. lahat ng akda mo eh nabasa ko na pati ung mga na post mo sa kwentongkalibugan.net. ... pero ala na ung site na un ngaun eh.. sobrang galing mo talaga.. as in!!! kakakilig talaga ng mga sinusulat mo... ang galing mo mag isip ng mga twist.. uh!! basta!!! post post post.... hihihihihihihihi

    -mezuree

    PS: sana po greet nyo ko hah.. hihihihihihi.. :)

    ReplyDelete
  15. ngaun ko lng nasimulan basahin to. may bago nman akong aabangan.

    -mhei

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails